Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: My Tiki Prince- Part 1





“Dalawang minuto na lang! Yipeee!” Eksaheradong iniyakap ni Eloi ang kanyang journal sa kanyang dibdib habang naglalakad siya sa hallway ng 7th floor ng isang pribadong hospital para sa mayayaman. Lumalim ang buntong-hininga niya nang magsimula siya magday-dreaming este night dreaming pala dahil night shift ang duty niya sa hospital na iyon bilang isang Nurse.

            “Haaay, my papable tikilicious destiny, here I come! Ano kayang mangyayari sa una naming pagkikita? Tititigan niya ako? Hahaplusin ang pisngi ko? Hahalikan niya ako? Waah! Type!” kilig na kilig pang hirit niya.

            She was very excited to meet her so-called destiny. Mahilig kasi siyang magpahula at according sa hula sa kanya five years ago, makikilala niya ang destiny niya makalipas ang limang taon. Kaya mula noon ay naging loyal na lang siya sa destiny niyang bininyagan niya sa pangalang Tikiboy. Sa loob ng limang taon ay binuo niya sa kanyang ilusyon si Tikiboy, isang binatang may wavy na hair ayon na rin sa hula at nakasuot ng polo na color blue. Tandang-tanda pa niya kung saan niya nakuha ang pangalang iyon. Di rin niya alam kung bakit pero nang makakita siya ng bote ng Tiki-tiki plus sa clinic ay naalala niya ang kanyang so-called destiny. Kaya ngayon, pag love life na ang pinag-uusapan, isang pangalan lang ang mababanggit niya—Tikiboy, na pwede ring si Tikibols, Tikilicious, Tikilabs. Kahit ano, basta may “tiki” sa pangalan. And for years, she remained loyal and faithful sa kanyang hangin na destiny.


Inihanda niya ang sarili sa mahabang panahon ng paghihintay. Nag-isip siya ng kung anu-anong signs para masigurong ang taong makakasalamuha niya sa mga susunod na araw ay ang kanyang nakatakdang katipan sa panghabambuhay na panahon.  At ang araw ng eksaktong ikalimang taon mula nang hulaan siya ay magsisimula na pagkatapos ng ilang minuto.

            Binuklat uli ni Eloi ang kanyang journal. Nakasulat doon ang countdown na kanyang sinumulan five years ago at ang mga signs na gusto niyang makita. “Hmm, falling yellow bell, popcorn, ang theme song naming Jeepney, fireworks, at ang cotton candy! And of course, the wavy hair and the blue polo! Weeee! Kelan kaya kami magtatagpo? Oh my Tikiboy, ako’y sa’yo, ika’y akin!” 

            Parang lukring na pinagpatuloy niya ang paglalakad papunta sa elevator habang nagmo-monolog. Mabuti na lang at walang tao dahil lagpas alas-dose na. Walang mag-aakusa sa kanyang isa siyang baliw na nurse na pagala-gala sa hospital. Damang-dama pa niya ang kanyang pagde-day dreaming nang biglang may malamig na kamay na humawak sa balikat niya mula sa likuran.

            Natigilan siya at sinuklob ng takot ang kanyang puso. Juice ko po! Multo? Multoooo! Gusto niyang sumigaw pero parang walang boses na gustong lumabas mula sa vocal cords niya. Working ang kanyang sixth sense pero takot siya sa multo. Ironic nga kung tutuusin pero wala siyang magagawa. Wala siyang kaplanu-plano sa buhay na maging diwang mediator ng mga multo para maipahatid ang kanilang request.

 Batid niyang walang hospital na walang multo dahil madalas na may namamatay sa kahit saang sulok ng hospital araw-araw. Pero wala naman siyang choice dahil nasa hospital ang trabaho niya.

Humigpit ang kapit ng malamig na kamay sa balikit niya. Waaah! Ayaw na niyang makakita ng multo. At higit sa lahat clueless siya kung paano siya magwawala in case na may makita na naman siyang multo.

            “Miss….” Mababa at mahinang sambit ng binatang multo.

            Naestatwa si Eloi at hindi nagawang mag-isip ng diretso ng kanyang utak. Pumikit siya sa takot na baka  makita niya ng harapan ang duguan mukha ng multo. Kung bakit kasi ang lakas ng imahinasyon niya. Kung anu-ano tuloy ang naiisip niya na talaga namang nakakadagdag lang ng takot sa puso niya. Duguang multo, naagnas na bangkay, nanlilisik na mga mata, kidnaper na mumu. Waaaah! Pag nagkataon baka mamatay siya sa takot at hindi na sila magtagpo ng Tikiboy niya.

            “Wag ako multo, takot ako sa uri mo. Wala akong magagawa para sa ikatatahimik mo. Do’n ka na lang sa mga psychic magpakita, please! Ang trabaho ko ay mag-alaga ng buhay, di ko purpose in life ang tumulong sa kaluluwa tulad mo,” usal niya.

            Nilakasan niya ang loob na maglakad nang dahan-dahan pero bago pa siya tuluyang makakibo ay iniyakap na ng binatang multo ang malamig nitong braso  sa kanya.

            Napapapikit na lang tuloy siya sa takot.

            “Miss…”

            “Sinabi ko ng hindi kita matutulungan mumu e. Ang kulit mo naman!”

            “Hey, have pity on me. I just need someone to lean on,” sambit nito sa mahina at mababa pa ring boses.

            Ingleserong mumu! “Psychic kelangan mo! Nurse po ako!” Napakunot ang noo niya nang maamoy ang pinaghalong perfume at faint masculine scent nito. Hmm, ang bango naman ng mumu na ‘to!

            “Ikaw nga ang kailangan ko, Miss nurse! Nahihilo ako!”

              Huh? “Tao ka ba?”

“Hindi. Alien ako!”  pilosopong tugon nito.

Naglakas ng loob siyang magmulat ng mata at tingnan ang nagmamay-ari ng mga malamig na brasong nakayakap sa balikat niya. Isang binata na may wavy na buhok ang tumambad sa kanya. Namumutla ito at papikit-pikit.

“Sir! Naku Sir, anong nangyari sa inyo?”

Nagulat na lang siya nang biglang kumabog ng mabilis ang kanyang puso nang mapagmasdan ang mukha ng binata. Napansin niya rin ang damit na suot nito.
            
            Blue polo? Tiningnan niya ang buhok. Wavy hair? Ikaw ba ang destiny ko?

Tumunghay ito at tiningnan siya. Hindi niya alam kung namalik-mata ba siya o namatanda dahil ngumiti muna ang binata bago pumikit uli. Doon lang nagising si Eloi sa naisip niya. May taong nangangailangan ng tulong niya. Maagap na inalalayan niya ito na makaupo sa pinakamalapit na bench na nakahilera sa hallway. Naisip niyang dalhin ito sa ER pero nasa  7th floor sila. Hindi naman niya ito maiwan para ikuha ng wheel chair o stretcher. Ibinigay na lamang niya ang first aid dito habang naghahanap ng nurse na tutulong sa kanya.

            “Sir?”

            “Hmmm,” tanging tugon ng binata.

            May konting malay tao pa nga ito. “Sir ano pong nararamdaman n’yo?”

            “I’m okay, medyo nahihilo lang. Salamat sa tulong mo, Nurse,” mahinang sambit nito.

            Mabuti na lang at malapit sila sa water dispenser. Malinis naman ang tubig mula roon. Ikinuha niya ito ng tubig at agad ipinainom dito. Habang patuloy niya itong pinapaypayan para makahinga ito ng maayos.

            “Nasaan na ba mga kapwa ko nurses dito? Sir ano, kaya mo bang maglakad? Kailangan kitang dalhin sa ER.”

            “No.” He slowly opened his eyes at direktang tumitig sa kanya. Kumabog uli ang puso niya nang mapagmasdan ang mga nito. And the way he looked at her made her feel like she was the most beautiful woman in this planet called earth. Agad siyang umiwas ng tingin bago pa siya madala sa pagtitig nito. 

            “Sir…”

“I-I just need some few minutes to stay put. I’m feeling better.”

            “Kahit na Sir, kelangang masuri ka ng doctor.” Nagpalinga-linga siya pero wala pa rin siyang namataang doctor o nurse. Malayo rin sa kanila ang pinakamalapit ng intercom para makahingi siya ng assistance sa nurse station.

            Pinainom niya ito ng tubig at muli niyang tiningnan ang blood pressure nito. Katulad kanina, mababa pa rin. Iniangat niya ang braso nito at isinakbat niya sa kanyang balikat para maalalayan niya itong tumayo. “Hindi kayo okay. Dadalhin ko na kayo sa ER.” 

            Hindi na ito nakipag-argument at sumunod na lang sa kanya. Maingat na inalalayan niya ito kahit nahihirapan siya. Sa wakas, narating din nila ang elevator. Habang hinihintay nilang magbukas ang pinto ng elevator ay naramdaman niyang dumantay ang ulo nito sa balikat niya.

            “Sir?”

            “I’m okay. Pahiram muna ng balikat mo. Baka kasi matumba na ako.”

            “Sige, Sir. Konti na lang nasa ER na tayo.”

            Bumukas ang pinto ng elevator at ang bumungad sa kanila ay si Doc Dhey.

            “Kofi?!” Agad tumulong sa pag-alalay sa binata si Dhey.

            Coffee? As in kape? Binalingan niya ang binata. At nahuli niyang pasimpleng inaamoy nito ang buhok niya bago nito nilingon ang doctor. Huh?

            “Hi, Dhey. Dinalaw ko lang si Xeiji. I thought kaya ko na e. Pero bigla akong nahilo. Salamat dito kay Nurse Singkit, tinulungan niya ako.” Nilingon pa siya ng binata at nginitian pagkatapos ay binalingan uli nito si Doc Dhey.

            “Ikaw talaga, Kofi! Dagdag ka pa sa sakit ng ulo ko e,” sambit ni Dhey pagkatapos ay binalingan siya. “Nurse, thank you. Samahan mo na lang muna kami sa ER then saka ka na mag-out.”

            “Yes, doc.”

            Natahimik na lang siya habang magkausap ang dalawa. Sa takbo ng usapan ay napapansin niyang may something sa dalawa. Parang ang sweet nilang mag-usap hanggang sa natahimik na rin ang mga ito. Ikinibit-balikat na lang siya iyon. Pero hindi nakatakas sa kanya ang kakaibang pakiramdam gayong nakaakbay pa rin sa balikat niya ang braso ng gwapong binatang ito na naka-blue na polo, may wavy na buhok at wirdong pangalan. On na ang timer ng pagdating ni Tikiboy sa buhay niya. Binalingan uli niya ang binata na kakaiba ang pangalan. Blue polo, wavy hair, magandang mata…destiny…Tikiboy. Mukhang magko-connect ang mga iyon. Nagulat siya nang biglang siyang lingunin ng binata at nginitian…tinitigan.  There’s really something special in your eyes, Mr. Kape. Ang gwapo ng mata mo!  

            “Miss Nurse Singkit, anong pangalan mo? Address? Cell number?” tanong ng binata nang makarating na sila sa ER.

            “Bawal ang tanong na iyan dito, Kofi!” sita ni Doc Dhey pagkatapos ay binalingan  na siya nito. “Sige, salamat ha. Kita na lang tayo sa kabilang hospital.”

            “Sige po, doc.” She was leading her way out of the emergency room when she heard the conversation inside.

            “Bakit bawal? Nagseselos ka lang ata eh,” sambit ng binata.

            “Tigilan mo ako, tuturukan kita ng pampatulog diyan eh.”

            “No need, Dhey, just kiss me, I’ll be okay.”

            “Tse!”

            Boyfriend ata ni Doc Dhey iyon. Weird. Bakit parang nanghinayang siya sa naisip niyang iyon? 

           

            NAKITA ni Kofi ang sarili na naglalakad sa baybay ng isang pier. Hindi siya pamilyar sa pier na iyon ngunit pakiramdam niya ay matagal na siyang nagpapabalik-balik sa lugar na iyon. May mga malalaking barko at mga abalang pasahero sa paligid pero nasa iisang direksyon lang ang kanyang mata—sa isang babaeng nakatanaw sa dagat sa di kalayuan na may bitbit na isang taong gulang na batang babae.

            Malamig ang simoy ng hangin kaya nang muling dumampi ang lamig sa kanyang balikat ay agad niyang iniyakap ang mga braso sa sarili. Doon niya natuklasan na may sakbat pala siyang isang bag na naglalaman ng baby stuffs. Mga gamit iyon ng kanyang anak.

            Napangiti siya at nagmadaling naglakad papunta sa babaeng minamahal niya. Tinawag niya ang pangalan nito. “Eloi!”

            Lumingon ito at ngumiti sa kanya. Maging ang batang karga nito, ang kanyang anak, ay nakangiti rin sa kanya. “Kofi!”

            Nagulat siya at napanganga nang marinig ang boses nito. Boses lalaki.

            “Kofi…Enrico!.. Enrico Filemon Candaza!”

            Napabalikwas nang gising si Kofi nang halos bulyaw na panggigising ni Chrysler sa maganda niyang tulog. Saka lang niya na-realize na nasa sasakyan ngapala siya at papunta sila sa Japanese-inspired Villa ng mga Hotoki para sa isang importanteng meeting.

            “Pare, may sakit ka pa ba? Dapat di ka na sumama dito,” buska ni Chrysler na tumayong instant driver nila.

            “Oo nga kuya, dapat pala ipinosas na lang kita sa kama mo para makapagpagaling ka ng maayos.”

            “Nakatulog lang ako. Wala na akong sakit.” Naalala niya ang panaginip niya. Napangiti siya at napailing. Who was the author of that dream? He just can’t really imagine what just he saw in his dream. That was so real and he liked the feeling. He seemed to be a happy family man with a little baby girl and a wife played by the Nurse Singkit that he met few weeks ago in the hospital. I called her, Eloi. Iyon ba pangalan niya? He clearly saw the scenes of his dream. At nang maalala niya ang mukhang ng singkit na nurse ay tila hinalikan siya ng anghel sa sobrang gaan ng pakiramdam niya. “I think I finally found her.”

            “Found who? Uy, nananaginip ka pa ata ng gising! Bumaba ka na nga diyan!” bsuka ni Chrys.

Binalingan niya si Chrys at Leo. Nakababa na ang mga ito ng sasakyan at parehong kunot ang noong nakatanod sa kanya.

            “Wala!” Bumaba na siya ng sasakyan para sumunod sa mga ito papasok sa Villa nina Xeiji.

            “Kuya, ang weird mo. Para kang natipus. Naging weird ka na after mong magka-anemia.”

            “Tigilan mo ako, Leonel. Ibabalik kita sa Ilocos pag di ka pa tumigil,” sita niya sa kapatid.

            “Okay, shut up na si ako,” hirit pa rin ni Leo. “At si ikaw, gumising ka na, mamaya ka na lang matulog uli.”

            Nailing na lang siya habang pumapasok siya sa loob ng bahay. Naabutan nila si Xeiji na may kargang sanggol. Magdadalawang linggo pa lamang nang ampunin ni Xeiji ang bata. Kabukod-tanging sila lamang apat ang  nakakaalam sa tunay na pagkatao ni Beatriz Joy. Ang alam nina Dhey at Cattie, inabandonang bata lang si Beatriz Joy at napagpasyahan lang ni Xeiji para ampunin. Lingid sa kaalaman ng dalawa na may mas malalim pang dahilan si Xeiji kaya nagawa nitong akuin na ang bata.

            “So para saan ang meeting na ito?” tanong agad ni Kofi.

            “Doon natin usap sa office ko.” Nagpatiuna si Xeiji at sumunod lang sila. “I already decided to take Beatriz Joy legally. Actually, the papers are already processed. I just need you guys to sign up for me as witnesses to my pledge that I have the full capacity, whether mentally, emotionally, physically, and financially to be her father.”

            “O, akala ko ba, ibibigay mo na siya sa DSWD after few weeks?” tanong ni Kofi.

            Umiling si Xeiji. “I can’t.”

            “Natuklasan namin na ang ilan sa mga namumuno sa DSWD ay tuta ni Gilbert Salmendre. Useless din ang pagprotekta natin sa kanya kung ang ending ay makukuha pa rin siya ng kanyang ama.” 

            “Then dalhin natin sa bahay ampunan,” suggestion ni Chrysler.

            “You don’t know how devil Gilbert Salmendre is. Madadamay lang ang bahay ampunan kapag natunugan ng gagong iyon kung saan natin dinala ang anak niya,” tugon ni Leo.

            “Hai! Isa pa, mas safe bata ‘pag sa akin siya.” Bumuntong-hininga ito. “Si Beatriz Joy rang tira alaara ng best friend ko. Now that I put Gilbert in jail for the justice of my friend’s death, I promise to take Beatriz Joy away from his shadows. Kahit ako patay niya, di ko bigay bata sa kanya.”

            “So what now?” tanong ni Chrysler.

            “Hanap nyo ako bago nanay Beatriz Joy.”

            “O, si Miss Lanlan. Mag-propose ka na,” udyok niya.

            “Iie! Di pwede. Ako parang wara pag-asa Ranran beybs.”

            “Eh iyong humahabol sa’yo na Nurse? Tama, siya na lang! Nurse iyon, marunong iyong mag-alaga ng bata.”

            “No way! Ako patay na rang kesa maging asawa Nurse Arlene. We need someone who can take good care of Beatriz Joy and can protect themselves in any means.”

            “Why don’t we hire an agent?” suggestion niya.

            “May kilala ako na former NBI agent. Well she’s a former mercenary before she served as NBI asset. Martial Arts expert and also trained in different firearms. Pero hindi ko alam kung nasaan na si ate Merlalaine ngayon. Nag-ermitanya siya according to Rojun at Rowell. Iyon daw ang paalam sa kanila.”

            “No problem, ipahanap natin. Maano pa’t pulis itong si Leo,” sagot niya. 

            “Weeee! Aylabyu, Fafa Ejay!”

            Napakunot ang noo ni Kofi nang marinig ang boses ni Dhey.

            “Andito si Dhey?”

            “Hai, Kofi-khun. Siya sa entertainment room. Busy siya nood tv show ni Ejay Reyes.”

            Napangiwi siya. Tuluyan na ngang ipinagpalit siya ng ex-girlfriend niya sa isang cover boy model. Dhey was his first love… his great love. Pero hindi na nag-pursued ang relasyon nila matapos silang maghiwalay tatlong taon na ang nakakalipas. It was his fault. Dumating kasi sa puntong ayaw na niyang maging second priority ni Dhey. Ginusto niyang unahin siya nito kesa sa propesyon nito.  Nagkaaway sila, at eventually, pinili na lang nilang magkahiwalay bago pa tuluyang masira ang magandang pagkakaibigan nila.

            Makalipas ang ilang taon ay minahal pa rin niya si Dhey. Nanatili siyang tulad ng dati kahit alam niyang hinding-hindi na sila magkakabalikan pa. Walang idea si Dhey sa nararamdaman niya. Para kasi makaiwas sa pagdududa nito, pinalabas na lang niya na naghahanap na rin siya ng bago. He even revealed a sign to recognize his girl—isang nurse na nakaputing uniform na makakasabay niya sa jeep at tatawagin siya sa kakaibang endearment. It didn’t have any meaning at first. Pero ngayon mukhang kailangan na nga niyang maghanap ng bagong mamahalin para hindi na rin siya masaktan pa ni Dhey. Hindi siya manhid para hindi maramdaman na hindi na sa kanya ang puso ng doctor. Nakalaan na iyon sa cover boy model na ilang taon na rin nitong sinusubaybayan.

            The image of the bubbly nurse he met in the hospital and in his dream suddenly flashed her mind. Moving on…loving other girl…searching for new love. Those realizations hit his head as the clear image of the nurse kept on wandering in his mind. Posible nga kaya?

            Nawala sa malalim na pag-iisip ang atensyon niya nang marinig niya ang ring ng telepono. Xeiji press the loudspeaker button of the phone and automatically, they heard a familiar voice.

            “Andyan na ba si Kofi?” tanong ni Dhey mula sa intercom.

            “Hai!” sagot ni Xeiji.

            “Sige. Punta ako diyan sa bonggang office mo!” Few seconds, more wala na si Dhey sa linya.

            “After years, ikaw pa rin ang una niyang hinahanap sa atin. Bakit ba hindi mo balikan si Dhey?” tanong ni Chrysler.

            “Hindi na kami pwede.”

            “Bakit naman kuya?”

             “May iba na siya. At ako…” Napangiti siya. Bakit ba hindi ko maiwasang mapangiti kapag naaalala kita, Nurse na singkit? “Ako…searching.”

            Sumipol sina Chrys at Leo. “Ang corny!”

            “Sasabihin na ba natin kina Dhey at Cattie ang totoo?” tanong ni Kofi para malihis na ang usapan.

            Umiling si Xeiji. “Iie, so wa omoimasen,” paghinding tugon nito. “Paragay ko di tama maraman nira.”


            “HELLO ate! Ano na? Kelan ka babalik dito sa lupa?” untag ni Eloi sa pinsan niyang si Melai. Ilang buwan na rin ang lumipas nang magpaalam ito na magso-soul searching daw. Kaso sa ugali ng wirdo niyang pinsan malamang na kung saang-saang secluded place lang ito nagpunta para mapag-isa.

            “Bakit? Nakatapak pa naman ako sa lupa ah. Malapit na akong umuwi. Nakausap ko kasi si Chrysler, may pag-uusapan kaming mission,” tugon ni Melai sa kabilang linya.

             “Mission na naman? Underground ba iyan ate?” Napailing siya.  

            “Hindi. Basta ipaliwanag ko sa’yo pag-uwi ko. O kamusta ang Oplan Tikiboy mo?”

            “Ay! Magandang topic iyan ate! Alam mo namang si Tikiboy lang ang buhay ko. Mamahalin ko ang lahat sa kanya! Mahal ko ang wavy niyang buhok, ang blue polo niya, ang cornea at iris ng kanyang mga mata! Haaaaayy!” Awtomatikong nagtunog-baliw siya. Nawala na naman siya sa huwisyo. Iba talaga ang impact sa kanya tuwing maiisip niya ang hangin niyang destiny. 

            “Oo na…oo na. Nakita mo na siya?”

            Biglang rumihistro sa isip niya ang imahe ng mamang kape na napagkamalan niyang multo sa hospital ilang linggo na ang nakakalipas. At sa gulat niya ay bigla na lang kumabog ang puso niya nang maalala niya kung paano siya nito tingnan nang gabing iyon.  Ang conjuctiva, cornea, iris, selera at eyeball ng kanyang mga mata…sa akin lang talaga nakatingin. Siya nga kaya si Tikiboy ko? At sa isiping iyon ay dumoble ang kaba sa dibdib niya.

            “Uy! Eloisa Marie! Ano na? Mahal ang rate ng tawag ko sa’yo ha. Wag mong sayangin ang load ko.” 

            Bigla siyang nagising sa malalim na pag-iisip. “Ha? Ah ano ate… ano nga ba iyong tanong mo?”

            “Hay, kung nakita mo na si Tikiboy mo? Di ba tapos na ang countdown mo sa hula na iyon?”

            “Ate, di ako sure eh pero may nakita na ako. Ayeeeee!” Nagtatalon siya nang hindi niya napigilan ang kilig lalo pa’t malinaw sa isip niya ang imahe ng binata. “Nasa kanya ang physical sign ate!”

            “Ayos iyan. Sige babunes na muna at mangangahoy pa ako.”

            Hindi na siya nakapagpaalam sa ate niya dahil bigla na lang itong nawala sa kabilang linya. Inayos na lang niya ang suot na puting uniform dahil papunta na siya sa trabaho.

            Habang tinitingnan niya ang sarili sa salamin ay na-imagine niya na nasa tabi lang niya ang binata sa hospital, nakangiti sa kanya at nakaakbay. Yiiiih! Bago pa siya tuluyang mabaliw ay kinuha niya sa kama ang backpack niya na may mga teddy bear designs at lumabas na siya sa inuupahang apartment.

            Patuloy niyang nire-recall sa isip niya ang mga signs para sa kanyang Tikiboy habang parang batang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Excited na siyang makita ang mga iyon sa taong magiging bahagi ng buhay niya habambuhay. Naalala na naman niya ang binatang kape. Ano ba? Siya na ba iyon? Kung oo dapat makita ko na siya ngayon din nang maposasan na!   Wala sa sariling napatawa siya. Natigilan lang siya nang tingnan siya ng masama ng mga usiserong passers by ng kalsada na iyon.

            Pumara siya ng jeep pagkarating niya sa kanto. Bahagya pa siyang natigilan nang sumakay siya. There in the middle of not so fully occupied seats was no other than the guy with the coffee name. Oh my! Momay! Ikaw na ba ang Tikboy ko?

            On cue, nag-play ang Jeepney Love Story ni Yeng Constantino sa bonggang sound system ni manong drayber.

            Sumakay ako sa jeepney. Ikaw ang nakatabi. Di makapaniwala. Parang may hiwagang nadama nang tumama sa’yo ang aking mga mata….


            Nagkatinginan sila ng binata. Ngumiti ito at ngumiti rin siya. Parang naging slow motion lahat ng pangyayari. She felt her heart slowly taking it’s beat to be in rhythmic motion. Your eyes…your eyes…eyes ice baby!

            Nasira ang magical feeling nang ma-out balance siya. Saka lang niya napansin na hindi pa siya nakakaupo dahil sa kaka-emote niya ng gising. Buti na lang at naalalayan agad siya ng binata na makaupo sa tabi nito.

            “Are you okay?” masuyong tanong nito habang nakatitig sa kanya. Napansin na naman niya ang mga mata nito. The conjuctiva, cornea, iris, selera and eyeball of your eyes, makes me feel alive. Huh? Kelan pa ako naging poetic?

            Kumukurap-kurap na tumango lang siya na parang di talaga makapaniwala sa mga nangyayari. Three signs na ang naibibigay ng binatang ito sa kanya. Napagawi ang mata niya sa kamay nito. May bitbit itong isang plastic na may lamang botelya ng Tiki-Tiki. Huh? May anak naman ata ito e. 

            “Are you sure okay ka lang, Miss…,” bumaling ito sa nameplate niya, “Eloisa Marie Hernandez? You have a nice name.”

            “Thank you. Okay lang ako. Eloi na lang. Ahm, di ba ikaw yung sa hospital na—”

            “Na tinulungan mo, Nurse Eloi.” Ini-offer nito ang kamay sa kanya.  “I’m Kofi, Enrico Filemon Candaza.” 

            Ah, kaya naman pala Kofi… Co at Fi. Tinanggap niya ang kamay nito. And the moment their hands touched certain magical feeling covered them both.

            Sabi nila’y walang hiwaga. Kung wala’y ano itong nadarama…

            Biglang preno uli ang jeep at dahil biglaan at malakas ang impact ay napadantay siya kay Kofi. Ang bango mo Kofi! Agad na nagreklamuhan ang mga pasahero pati na rin ito.

            “Manong konting ingat naman po, baka mabukulan ang girlfriend ko,” sita nito sa driver.

            “Pasensya na po, may tumawid na pusa e.”

            Girlfriend, asan? Sino? Maliban sa kanya ay puro lalaki na ang laman ng jeep.

            “Ikaw iyon,” sambit nito na tila nabasa ang tinanong niya sa isip niya. “Nasaktan ka ba?”

            Bigla siyang napaayos ng upo at tumungo na lang. May tililing ata ang isang ito. Hindi naman sila magkakilala e sasabihing girlfriend na siya nito. Masyadong mabilis, slow mow naman dyan!

            “Tinatanong kita, Eloi.”

            Napilitan siyang mag-angat ng tingin at natuklasan niyang nakatitig lang ito sa mukha niya. “Okay lang ako.” Napatingin siya sa dinaraanan ng jeep at natuklasang lagpas na siya sa dapat niyang babaan. “Hindi pala okay. Nakalagpas ako. Manong paraaaaa!”

            Dali-dali siyang bumaba ng jeep. Ngunit bago pa siya makalayo ay narinig niyang sumigaw si Kofi.

            “Pupuntahan kita sa ospital Miss Eloi. Ingat ka!”


            Napalingon siya sa jeep. Nakatanaw pa rin ang binata at nakangiti sa kanya hanggang sa maglaho na sa paningin niya ang jeep. Sa di niya mawaring dahilan ay napangiti na rin siya. Oh my Tikilabs! I love you!




PREVIOUS                                                                        NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…