Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: My Tiki Prince- Part 2




“Happy! It’s so nice to be happy! Everybody should be happy. It’s so nice to be happy!” Magiliw na kumakanta-kanta pa si Kofi habang naglilibot siya sa kitchen area ng Kofi Cups and Sweets para silipin ang mga niluluto ng dalawa niyang pastry chefs.

            Kofi was not just a successful businessman. Above his success in business was his passion on pastries. He was hailed one of the superb pastry chefs in the country. Ang hilig niya sa mga cake, pastries at kape ay pinapakinabangan niya ngayon. Unti-unti ng nakikilala sa industry ang coffee shop niya na nagse-serve ng iba’t ibang kape, cakes at pastries na pang-international ang quality.

            Huminto siya sa mesa ni Regine na siyang pinakabago sa mga chef niya. “Anong latest? Ginugulo ka pa ni Leo? Sabihin mo lang sa akin. Iba-ban ko siya dito sa kusina.”

            “Okay lang naman Kuya Kofi. Nasasanay na ako sa pasaway mong kapatid. Tikman mo ito.” Ibinigay nito sa kanya ang isang finish product ng ginagawa nitong pastry.

            Agad niya itong tinikman. “Para siyang apas na may fruit crème filling sa loob. It tastes good. Anong tawag mo naman dito?”

            “Hindi ko alam kuya. Inimbento ko lang iyan e.”


            “Ilalagay ko ito sa product line natin pero kelangan nating bigyan ito ng pangalan.”

            “Crema de Apas, kuya,” sagot ng isa pang Chef nila doon. He doesn’t want to be called Sir. Hangga’t maaari ay mas gusto nyang kinukuya siya ng mga staff niya kesa Sir ang tawag sa kanya.

            “Pwede iyon. Ano sa tingin mo Regine?”

            “Okay sa akin iyon.”

            “Then we settled there. Crema de Apas. May pineapple filling ba diyan? Ipagtira mo ang kapatid ko ha.”

            “Yes, Kuya Kofi.”

            Magagaling talaga at professional ang mga chef niya kaya naman tinatapatan niya ang mga ito ng magandang salary offer para manatiling loyal sa kanya.

            After niyang masilip ang trabaho ng mga tauhan niya ay lumabas na siya para naman asikasuhin ng personal ang mga customers.  Kapapasok lang niya sa counter ay namataan niyang pumasok sa establishment ang pinsan niyang si Earth na may-ari naman ng isang Music Lounge. May kasama itong babae na kung di siya nagkakamali ay isang model ng isang sikat na clothing line.

            “Enrico! Musta na ha?” bati sa kanya ni Earth.

            “Ayos naman. Naligaw ka ata,” tugon niya.

            “Hindi ka na kasi naliligaw sa lounge ko at di ka na rin masyadong nagpapakita sa Magician Club natin.”

            “Ah, medyo busy din kasi e.”

            “Ngapala, I would like you to meet my future wife, Jomadel Navela.” Binalingan nito ang kasama at niyakap sa baywang. “Iyan si Kofi, ang pinakamasarap gumawa ng pastries and cakes sa angkan namin.”

            “Sira ka talaga. Ako lang naman ang pastry chef sa atin e.” Nginitian niya si Mhads.  “Ikaw pala ang ang minalas na makatuluyan ng pinsan kong ito.”

            Tumawa ito. “May tama ka diyan, Kofi. Ako nga ang minalas. Madalas kang ipagmalaki nitong pinsan mo sa akin. So, ikaw na gagawa ng wedding cake namin ha.”

            “Sure, kelan ang kasal? Sigurado ka bang papakasalan mo iyang pinsan ko? Mag-isip ka muna,” biro pa niya.

            “Ikaw Kofi, wag mo ng pagdudahan, mahal ako ni Mhads. Sayang baka biglang umatras e. Kawawa naman ako.”

            They shared couple of seconds laughing bago pa sinabi ng mga ito ang araw ng kasal. Habang tuwang-tuwang nagkukwento si Earth tungkol sa napipintong pagpapakasal nito ay nabubuo naman sa isip niya ang perfect wedding cake para sa okasyon na iyon.

            “Ikaw ba, kelan ka magpapakasal?” tanong ni Earth.

            “Wala pang papakasalan e. Yaan n’yo ‘pag nagkaroon invite ko agad kayo.” Bigla niyang naalala si Nurse Eloi. Mula nang magkita uli sila sa jeepney noong isang araw ay madalas na niyang mapanaginipan ang eksena sa pier na tila pinapahiwatig sa kanya na ang babaeng kasama niya sa panaginip ang magiging misis niya. At iyon ay walang iba kundi si Nurse Eloi.  Natanggap niya kaya ang pinadala kong  flowers?  

            Nahinto ang pagninilay-nilay niya nang mamataan niya ang isang babaeng naka-pure black na bestida na pumasok sa coffee shop niya. May karga din ito na batang babae na naka-pure white naman.

            “Uy, Sandra. Akala ko di ka makakarating,” bati ni Earth sa babaeng nakaitim.

            “Idinaan ko kasi sa hospital si Limien e. Matamlay ang baby ko pero wala namang sakit,” tugon nito sabay baling sa kanya. “I believe you are Mr. Enrico Candaza. Hi!” Ini-offer nito ang kamay sa kanya. “I am Mrs. Sandra Ferrer, I would like to discuss some matters with you… well with Earth of course.”

            Tinanggap niya ang kamay nito. He was a little familiar sa yumaong asawa nito. Minsan din naman siyang naging tambay ng Music Lounge ng pinsan niya lalo na noong sila pa ni Dhey. At noong mga sandaling iyon, si Ross na lead vocalist ng Infinity Band ang palagi niyang naaabutang performer. “Nice to meet you, Mrs. Ferrer. Condolence nga pala.”

            “Salamat.”

            “Doon tayo sa office ko.”

            Nagpatiuna siya. At pinaupo sa sofa ang kanyang mga bisita. “So what’s it?”

            “The Infinity band is looking for male vocalist,” sambit ni Mhads. “At ikaw ang choice namin.”

             “Ako?”

            “Yup. And we need you at the medical mission next week. Itutuloy ko ang naiwang medical mission Projects ng asawa ko. We need a good male singer na magiging kahalili ni Mhads sa program for a cause ng medical mission.”

            “Okay. No problem. So where and when and how long will the medical mission last?”

            “A week, starting next week. Doctors and nurses from Caliraya Medical Center will be with us. Kasama rin si Dhey,” may malisyang sambit ni Earth.

            Caliraya Med? Sasama kaya si Nurse Eloi? “Okay. Deal. I’ll go with it.”

            “Basta talaga kay Dhey go na go ka ano? Why don’t you just ask her to marry you?”

Umiling siya. “I’m not after Dhey this time.”


THIRD day na ng Medical Mission ng team nina Eloi sa Tingloy Batangas. At tatlong araw na rin siyang pagod. Pangatlo na iyon sa area na balak dausan ng medical mission ng isang mayaman at sikat na film director. Isa siya sa mga unang nag-volunteer sa Project na iyon. Noon pa man ay may calling na siyang maging community servant. Kaya tuwing pagkakataon siyang mag-volunteer sa mga ganoong Project ay go na go lang siya.

             Kinarga niya ang isang sanggol na kasalukuyang may konting lagnat. Kinantahan niya ito. “Ay, baby! I love you, you love me…We are happy family…” Ngumiti sa kanya ang bata. “Haaay, baby, sana kasing cute mo ang magiging anak namin ni Kofi ang aking Tikiboy! Iyon ay kung siya nga iyon, pero alam mo baby, nasa kanya ang signs ko e. Sa tingin mo baby? Haaaay, my Tikiboy, nasan ka na kaya? Kumain ka na ba? ‘Wag kang papagutom ha.” Ang pakikipag-usap niya sa bata ay nauwi na sa isang monolog. “Haaay, my tiki—” 

             “Need help?”

               Bigla siyang lumingon at dahil medyo lutang pa sa ilusyon niya kay Kofi ay nadulas sa bibig niya ang isang pangalan na di niya dapat nabanggit sa harap mismo ni Kofi. “Tikiboy!” Nakagat niya ang labi para sitahin ang sarili. He was so damn close to her. At sa sobrang close muntik pa niya itong mahalikan. Bigla niya itong tinalikuran. Pero pasimple pa rin niya itong sinilip. Naalala niya ang mga nakaraang araw. Ilang beses din itong nagpadala ng bulaklak para sa kanya.

             Sumilay ang ngiti sa labi ni Kofi. “Anong sabi mo? Anong tawag mo sa akin?” nakangising tanong nito na parang nananadya.

           “Wala. Anong ginagawa mo dito?”

           “I’m one of the volunteers. So anong maitutulong ko? At ano nga uli iyong tawag mo sa akin kanina?”

           Waaaaaaah! Parang may kung anong bumubulong sa tenga niya. Akala pa man niya makakalimutan din ni Kofi ang tanong kapag nilihis niya pero hindi. “Ano, Tiki…” napatingin siya sa isang kahon sa tabi ni Kofi. “Iyong Tiki-tiki, pakiabot. Iyon ang maitutulong mo sa akin.”

           “Ah, okay.” Kinuha nito ang isang botelya at ibinigay sa kanya. “Ano pa?”  Umikot ito at humarap sa kanya.

           Tinalikuran niya lang uli ito. “Ahm…”

           Pero umikot lang din ito para maharap siya. “Umiiwas ka ba? Maybe you don’t like the flowers I sent you. Or you don’t like me at all.”

          “Ah, yes. Ay no!” Lumungkot ang mukha nito. “Ang ibig kong sabihin, nagustuhan  ko iyong flowers. Thank you ngapala.”

         “Eh ako?”

         “Anong ikaw?”

         “Gusto mo rin ba ako?”

        “Ha?”

         As if directed by the author of her faith, tatlong yellow bell ang bumagsak sa pagitan nila ni Kofi.  Oh no! Oh yes! Another sign had been achieved by this man with a coffee name. Jeepney love story nung isang linggo…yellow bell ngayon. Homaygawd! “Ikaw na nga!”
“Ang alin?” nakangiting tanong nito.

Ano ka ba Eloi, kanina ka pang nadudulas! She gathered all her might para magpaka-demure uli. “Ikaw na nga…muna ang magkarga dito kay baby. Papainumin ko siya ng gamot. Marunong ka ba?”

“Ah, oo.”

He kept on staring at her habang ibinibigay niya dito ang kargang baby.  Bahagya pa siyang nagulat nang may kung ano siyang naramdaman nang aksidenteng magdampi ang kanilang mga balat.

“May baby na ako e.”

Oh, really?” Nyaaah! May anak nga siya. Huhu!

           “Well, anak ng tropa namin. We have an adopted child. Pero hindi talaga siya sa akin, kay Atty. Hotoki.”

“Okay.” Yehey!

Inasikaso na niya ang paglalagay ng gamot sa dropper at ipinainom na ang gamot sa bata.

“Ako na lang assistant mo ha,” sambit nito habang ibinibigay na nito ang bata sa ina nito. 

“Di ko kailangan ng assistant, Kofi.”

“Basta ako na lang tutulong sa’yo.” Dumukot ito sa bulsa ng isang panyo. Nagulat na lang siya nang bigla nitong pinunasan ang noo niya. “Naiinitan ka ba? Gusto mo bang paypayan kita?”

Hindi na siya nakaimik nang pilasin nito ang isang bahagi ng karton at ipinampaypay sa kanya. Nagtatanong na napatitig na lang siya dito. He just smiled at her that made her knee a little weak. Ano ba itong ginagawa mo sa akin Tikiboy ko? Wala ka pang ginagawa nanginginig na ako. She felt her heart beat faster again as he kept on gazing at her na tila kinakabisado lahat ng cells ng mukha niya.

“You’re so pretty, Eloi. I actually love your eyes. I love staring at you.”

Napaiwas siya ng tingin sabay mahinhing hawi sa kanyang buhok na lumaylay na sa mukha niya. “Ah, Kofi. Wag ka namang ganyan. Naiilang ako e.”

Napapitlag siya nang hawakan nito ang baba niya. Gulat na binalingan niya ito. Ngumiti ito sa kanya.

“Wag kang mailang. You should have learned to accept praises from guys.”
Ayoko. Praises mo lang ang tatanggapin ko ng buong puso at kaluluwa. Mabuhay!

           “Eloi…”

           Iniumang nito sa mukha niya ang nakatikom nitong kamao. Susuntukin mo ako? “Hipan mo.”

           “Ha?”

           “Basta hipan mo lang.”

            Natutunugan na niya ang gagawin nito. It was a magic trick. Kaya lang hindi siya fanatic ng magic dahil para sa kanya ang magic ay isa lamang kadayaan. Pero dahil naalala niyang ito ngapala ang Tikiboy niya e tumalima na lang siya. Hinipan niya ang kamao nito.  In a splash of few seconds ay lumitaw ang tatlong yellow bell.

“If you don’t like the roses then maybe yellow bells will make you smile.” Ibinigay nito sa kanya ang mga bulaklak. Ngumiti lang siya. He slightly touched the tip of her nose. “Another one.” Isang yellow bell na naman ang lumitaw mula sa kamay nito at nanatili lang siyang nakatingin dito. “And another one.” He then touched her cheeks and picked a yellow bell from there.

“Thank you,” tipid na sambit niya.

Natigilan lang ito at biglang nalungkot ang mukha nito. “It seemed like you don’t like the yellow bells, the magic and me as well.”

 Napatingin lang siya sa limang yellow bells sa kamay niya. “Uy, hindi naman ganon. Gusto ko ang yellow bells kaya lang—”

“Hindi ka mahilig sa magic at hindi ako attractive sa paningin mo. Haaaay.” Lalong lumungkot ang mukha nito. She gathered all her temper para hindi haplusin ang pisngi nito bilang pakunswelo sa pambabalewala niya sa effort nitong magpa-cute sa kanya.

“It’s not like that Kofi. Hindi ako mahilig sa magic.”

Hindi ito umimik.

“Uy, wag ka namang ganyan.” Nakita niya ang pakete ng biscuit sa mesa niya. Kinuha niya iyon. “Biscuit, gusto mo?”

“Para naman akong bata na sinusuhulan mo,” may halong tampo pa ring sambit nito.

“Tubig? Candy?” Kiss? Gusto sana niyang isama iyon sa io-offer niya kay Kofi. Umiling pa rin ito. “Eh anong gusto mo?”

“Ikaw.” 

Dumoble ang kabang naramdaman niya. Inagaw niya ang karton na ipinapaypay nito sa kanya. Ginamit niya iyon para ipampaypay dito. “Masama sa‘yo ang naiinitian. Kung anu-ano na iyang pambobolang sinasabi mo.” Itinampal niya ang karton sa dibdib nito.

Tumawa ito. “Seryoso naman ako do’n. After ng medical mission, mag-date tayo ha.”

“Ewan ko sa’yo,” nakangising sagot niya.

“Ipagluluto kita ng chocolate pastries and cakes sa coffee shop ko.”

Wow! Chocolate! Gusto ko niyan…gusto ko niyan…gusto kita! 

“Oy, wag kayo dito magligawan,” sabat ni Dhey.

“Selos ka na naman diyan,” sambit ni Kofi.

“Sige, humirit ka ng ganyan, Enrico. Mababasted ka ni Eloi ng wala sa oras niyan.”

Tumawa lang si Kofi at muling binalingan siya nang umalis na uli si Dhey. May kinuha lang kasi ito sa drawer ng mesa.  “She’s my ex. My first love. Pero in love na siya sa iba at ako…nai-in love pa lang.”

“Talagang sa akin ka nakatingin.”

“Bakit hindi?”

            Napailing lang siya habang sabay layo dito. “Ikaw na bahala diyan, Kofi. Tapos na kasi ang shift ko. Bye.” Nilayasan na niya ito bago pa kung ano na naman ang masabi nito.


LAST Day of medical mission. Eloi lazily went inside her room. Isang kubo ang inookupa nilang mga volunteer nurses. Kasalukuyang nag-iisa siya sa silid. Shifting din kasi ang schedule nila doon. May strain ng dengue at typhoid fever sa lugar kaya naman masyadong madugo ang trabaho nila doon.

Agad siyang sumampa sa kama niya sabay alis ng kanyang cap. “Haaay! Nakakapagod ang araw na ito. I need tikilabs and tikikeyr. I need to think of tikimemories and tikithoughts. I need you my Tikiboy, so tikilicious!”  Iniwasiwas niya sa hangin ang kanyang mga kamay sabay split sa ibabaw ng kama. Bigla niyang naalala si Kofi at ang pagpapa-cute nito sa kanya nitong mga nakaraang araw. “Haaay Kofi, ikaw na nga ang my tikilabs ko. Halika sa piling ko aking Tiki—”

“Hi!”

Daig pa ni Eloi ang binaksakan ng meteors nang marinig ang boses ni Kofi. Pasimpleng lumingon siya. Nakatayo ito sa hamba ng pinto at may dalang Styrofoam at plastic cups. Nakangiti ito sa kanya ngunit biglang kumunot ang noo nito nang makita na naka-split siya.

Waaaah! Anong gagawin ko?

 “Ahm dinalhan kita ng pagkain Eloi. Ah, okay ka lang ba?”

“Ahm…” Natuliro siya. Kailangan niyang takasan si Kofi sa nakakahiyang itsura niya. Pero bakit hindi niya magawang kumilos para umupo ng maayos sa kama? Nanatili siyang naka-split at nananalangin na sana may bumagsak na kahit na ano para kunin siya.
Bahala na si Batman. Umayos siya ng upo at bigla na lang niyang naisipang bumulagta na lang sa kama.  Ipinikit niya ang mata na parang hinimatay.

            “Eloi!” Naramdaman niyang humangos na lumapit ito sa kanya. Iniayos pa nito ang walang ka-poise-poise niyang pagkakahiga.  “Eloi! Uy!”

            “Hoy, Enrico! Anong ginagawa mo kay Nurse Eloi?”  Narinig niya ang boses ni Doc Dhey.
“Hinimatay siya, Dhey.”

             Naramdaman niyang lumapit ang doctor sa kanya at in-examine siya.  “Kofi labas ka muna.”  Maya-maya  pa’y narinig niya ang pagsara ng pinto.

           “Oy Eloi, anong gimik ito? Ikaw talagang bata ka, pinagtitripan mo ang kaibigan ko.  Alam ko, gising ka,” pabulong na sambit ni Dhey. 

           Nagmulat siya ng mga mata at nag-peace sign siya dito. “Sensya na, Doc. Pagbigyan mo na ako, friends naman tayo e.”

         “Nakita ka niya sa kalokahan mo ano?”

         “Oo eh, sige na sabihin mo sa kanya kailangan ko ng magpahinga. Do not disturb.”

         “Ayaw mo siyang makita? If you like Kofi, chance mo na ‘to. Magpaalaga ka sa kanya.”

         Umiling siya. Masyado na siyang nalululong sa ilusyon niya kay Tikiboy. Kailangan niyang pag-isip ang bagay na iyon dahil siya rin naman ang masasaktan kung sakaling nagkakamali siya. Ilusyong Tikiboy versus Kofi. Ano ba talaga ang dapat niyang pagtuunan ng pansin? Ang damdamin niyang hangin sa isang ilusyon na lalaki o ang magical feeling na nararamdaman niya tuwing lumalapit sa kanya si Kofi? Do I really have to ask for the signs?
   
         Sa lagay na iyon ay bigla niyang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang maalala niya si Kofi. Or should I listen to the beat my heart? “Ayoko, kelangan kong mag-isip.”


         “ROCK and roll! Tingloy Batangas!” Mataas ang energy ng mga kabataan ng lugar na iyon. Isang concert ang idinaos sa isla bilang pagtatapos ng medical mission ng Caliraya Med. Kasalukuyang on stage ang Infinity band upang mag-alay ng mga awitin sa munting party na iyon para sa mga kabataan sa huling gabi nila sa Tingloy. Halos buong gabi ng naghalinghinan sina Mhads at Kofi sa pagkanta. At ngayon, ang final song bago ang dance party ay ipinaubaya ni Mhads sa kanya.

        “Ah, itong next song po ay iaaalay ko sa isa sa mga nurses na kasama namin dito sa medical mission.  Nurse Eloi, para sa’yo ito.”

        The crowd yelled as the band started to up beat ang rock version nila ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.

       “Pagdating ng araw ang iyong buhok ay puputi na rin. Sabay tayong mangangarap ng nakaraan natin. Ang nakalipas ay ibabalik natin. Ipapaalala ko sa’yo. Ang aking pangako na ang pag-ibig ko’y laging sa’yo. Kahit maputi na ang buhok ko.”

         Habang kumakanta si Kofi ay hinanap niya sa gitna ng maingay na crowd si Eloi. Nakita niya ito, nakatayo lang sa isang tabi at nakikinig sa kanta niya. Natuon na lang dito ang atensyon niya. He gave out his heart as he ended the song.

        “Ang nakalipas ay ibabalik natin. Ipapaala ko sa’yo. Ang aking pangako na ang pag-ibig ko’y laging sa’yo. Kahit maputi na ang buhok ko. Kahit maputi o wala na ang buhok ko.”

         The crowd yelled once again. He felt so light during those times that he was singing that very nice song for Eloi. Kaya naman pagkakatapos ng tugtugan ay agad niyang hinanap si Eloi. Nakita niya ito na naglalakad-lakad sa baybay ng dagat. Habang naglalakad siya palapit dito ay nakasalubong niya ang nagtitinda ng cotton candy. Bumili muna siya ng dalawa at saka hinabol si Eloi. 

         “Okay ka na ba?” untag niya dito nang sa wakas ay masabayan na siya nito sa paglalakad.
Ngumiti lang ito. “Oo, okay na ako. Pasensya ka na nga pala kanina.”

         “Nag-alala nga ako sa’yo. Pero sabi naman ni Dhey napagod ka lang daw. Sigurado kang okay ka na? Kinain mo ba iyong dinala ko?”

        “Oo at oo.”

        Saka lang niya naalala ang cotton candy. “Eto ngapala o.”  Ibinigay niya iyon dito.

        Natigilan ito nang makita ang cotton candy. Uusisain sana niya kung bakit nang biglang nagliwanag ang langit dulot ng fireworks display. Tinakpan ni Eloi ang tenga pero nanatiling nakamasid sa naggagandahang liwanag ng mga paputok sa langit.

         “Takot ka sa fireworks?” tanong niya.

         “Oo. Pero maganda silang panoorin. Takot lang ako sa tunog ng putok.”  Umalingawngaw ang malakas na tunog ng fireworks.

          “Lika dito.” He pulled her and slowly, lovingly hugged her. “Kung natatakot ka, andito ang mga braso ko.”

          Tumawa ito. “Corny iyon pero thank you.”

         Sabay uli nilang pinanood ang fireworks display. “Maganda,” sambit ni Kofi habang nakatitig kay Eloi na ang buong atensyon ay nasa fireworks display at sa kinakaing cotton candy. 

          “Oo maganda nga ang fireworks makulay pero panandalian lang. Ilang segundo lang wala na.”
“Ikaw ang sinasabi kong maganda.”

          Gulat na binalingan siya nito. Nginitian lang niya ito.

         “Hindi na matatapos pambobola mo ano?”

         “Di naman bola iyon e, nanunuyo po ako.”

         “Wow, lalim!”

          “Seryoso ako Eloi. I like you. I want to know you better. I want to take chance with you.”
Napatitig ito sa kanya. Hindi siya nag-alis ng tingin dito.

          “Si…Doc Dhey—”

         “Bahagi na lang siya ng nakaraan ko. In love siya sa iba at wala na akong nararamdaman sa kanya.”
   
         “Kung hindi siya in love sa iba, sa tingin mo ba mahal mo pa rin siya ngayon?”

          “Iyon ba kinakatakot mo kaya parang ayaw mong makipag-date sa akin?”
Natahimik ito.

           “Hindi kita gagawing panakip-butas, Eloi. What I’m feeling for you is new to me, genuinely strange but makes me feel better.”
  
          “Kofi, I’m in love with my destiny.”

          “Ha?” The fear of having a rival to have her heart suddenly succumbed her. May boyfriend ba ito o secret love?

           “For years, I treasured him. Binigyan ko pa nga siya ng pangalan. Siya si Tikiboy.”

Naalala niya ang ilang eksena nitong nakaraang araw. “Di ba iyon ang binulalas mo sa akin nung una tayong magkita sa medical mission na ito?”

          She nodded. “Hinulaan ako five years ago. Makikilala ko ang destiny ko makalipas ang limang taon. Matyaga akong naghintay para sa kanya. And like what  I said a while ago he was Tikiboy, o Tikilabs.”

          “So bakit mo ako tinawag na Tikiboy? Am I your destiny? Well, sana nga ano.”

         “You have the signs Kofi.”

         “Signs?” Ano bang nagawa niya? Hindi niya maalala kung may nagawa ba siya o naibigay dito para maging sign.

          “I asked signs from God to lead me to my destiny. You have it without any effort I guess.” Humarap si Eloi sa kanya. Nanatili lang siya nakatitig dito. “Iyang matang iyan, parang may magnet. Hinihila mo akong titigan ka rin. Your wavy hair, iyong blue polo, ang Jeepney Love Story, ang yellow bell, ang cotton candy, ang fireworks.” Kumuha ito ng cotton candy at isinubo sa kanya. “Hiniling ko iyang lahat at ibinigay mo ng wala kang kaalam-alam na tinutupad mo ang isang ilusyon ko lang.”

         “Okay. Maybe we are really destined to each other.”

         “Hindi ako sure diyan. Though you have the signs, I’m still confused. Masyado na akong nalulong sa ilusyon ko. Tatanggapin mo ba na kaya ako papayag makipag-date sa’yo e dahil lang sa signs at hindi dahil gusto rin kita?”

           It was his turn para matigilan. Siya naman ngayon ang nalilito. Ano nga ba ang nararamdaman  niya para kay Eloi? Was it really love? If yes, kaya ba niyang tanggapin ang posibilidad na mahalin siya nito sa isip lang at sa salita at hindi sa puso? Iyon ba ang love story na gusto niyang maging kasunod ng pagkabigo niya kay Dhey noon?

          By looking at Eloi’s eyes, he can read love, confusion and fear.  “Wag nating madaliin Eloi. Let’s start over from being friends and see what will happen next. So our friendly date is still on okay?”

         Ngumiti ito. “Salamat, Kofi. Basta iyong mga chocolates na pinangako mo ha.”

        “Sure, chocolate cakes and pastries, may kasama pang kape.”

        “May Kofi na may kape pa.”

       “Ano bang gusto mo? Kofi o kape?”

       She touched his nose. “Friendly date di ba? Hirit ka pa e.”

       He just smiled. Kahit anong klaseng date pa iyon. Basta kasama niya si Eloi, kontento na siya roon.




PREVIOUS                                                                             NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…