Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: Labs Kita Kasi- Part 3





Hindi maiwasan ni Arlene ang mapangiti. Laman lang naman ng news sa TV, newspapers, at radio ang pagkakapanalo ni Xeiji sa kaso ng mga manggagawang inabuso ng amo, mag maralitang manggagawa na hindi nakatanggap ng karapt-dapat na benepisyo at tinangka pang agawan ng lupa at ari-arian ng abusadong amo.

           Proud na proud siya sa galing ni Xeiji. Ilang buwan ng laman ng balita ang isyu na iyon. Halos lahat din ay inisip na wala ng pag-asa pang manalo ang mga pobreng mangagawa sa kaso. Until Atty. Xeiji Riomi Hotoki handled the case and smoothly wiped off that damn abusive businessman. 

            “Haay, ang galing talaga ng Fafa Xeiji ko!” She immediately dialed his number on her phone para batiin ito. Katatapos lang ng duty niya sa hospital na iyon at hinihintay na lang niya si Eloi para makauwi na sila. Yes, indeed. Hindi nga siya napatalsik sa Caliraya Med. Bagama’t hindi niya nakuha ang sworn statement mula kay Xeiji, napag-alaman niyang ito mismo ang nagpadala noon sa Top management ng hospital. Kaya naman tuloy pa rin siya sa pagbibigay ng serbisyo sa mga pasyente ng hospital na iyon.

Pansamantala, inaliw niya muna ang sarili sa panonood ng morning news.

Napakunot ang noo niya nang walang sumagot sa tawag niya. Ayaw ba talaga ni Xeiji sa kanya at pinagtataguan na naman siya? 

Pumasok si Doc Dhey sa office.


“Doc Dhey, alam mo ba kung saan nagtatago si Xeiji?” tanong niya dito.

Tumawa ito. “Sa Kofi Cups. May usapan kaming magkakabarkada na tatambay kami ngayon sa shop e. Bigung-bigo iyon ngayon. I think kelangan ka niya.”

            “Nagpa-basted na naman siya kay Miss Lanlan?”

            “Oo. Niyaya daw niya mag-celebrate, mag-dinner kagabi kasi nga happy si Xeiji sa naipanalong kaso kaya lang tinanggihan siya ni Lanlan. May masugid na manliligaw na pala si Lanlan at mukhang in love ang Ranran beybs niya sa poging pulis na iyon.”

            “Aw! Di bale, aaliwin ko siya. Pupunta ka na ba do’n?”

            “Oo sana, sama ka?”

            Maliksing tumayo siya. “Ay sige type! Teka lang magpapaganda lang ako para kay Fafa Xeiji.”

            Tumawa ito. “Ay naku, mukhang baliw ka na sa kaibigan kong iyon ah. Go Arlene! Boto ako sa’yo.”

            Tumawa rin siya. “Tingnan ko lang kung deadmahin pa rin niya ang ganda ko.”

            Nag-ayos siya ng sarili. Maya-maya pa’y nakarating na sila nina Doc Dhey sa shop. Kasama nila si Eloi na may date din kay Kofi, ang may-ari ng Kofi Cups.

            Pagkapasok nila ng shop ay nagkanya-kanya na ng mundo silang tatlo. Nauna si Dhey na magpunta sa mesa ng tropa nito. Si Eloi naman ay agad sinalubong  ni Kofi at siya, sinugod niya ng yakap si Xeiji tulad ng palagi niyang ginagawa.  

“Fafa Xeiji! Huh?” Sinapo niya ang noo ni Xeiji nang mapansing mainit ito. “May lagnat ka ah! Bakit patambay-tambay ka lang dito e may lagnat ka?” nag-aalalang sambit niya.

“Wara ka pakearam!”  iritableng reaction nito na kinasanayan na niya. Nagpumiglas na naman ito sa kanya.

“Oo na. Pero iuuwi kita ngayon na!”  Tumayo siya at hinila ito. Tila wala na itong nagawa nang kaladkarin niya iyo palabas ng Kofi Cups. 

“Go Nurse Arlene!” pahabol cheer nina Dhey sa kanya. Pero wala sa plano niya ngayon ang pagtripan si Xeiji. Ang alam lang niya, kailangan niya itong alagaan.

 “Where are we going?” tanong nito.

“Ihahatid kita sa bahay mo at aalagaan kita!”

Nagpumiglas ito. “Iie! How sure you are na ako gagaring sa iyo? Ikaw nga muntik ako patay the last time?”

“Tama na ang paghindi mo, attorney. Oras na para patunayan kong magaling akong nurse.”
         
              Natahimik ito ng pumasok ito sa driver’s seat. “I’ll drive. I won’t let you drive for me,” sambit nito.

Hindi  na rin siya tumutol. Tahimik lang sila habang nagmamaneho ito. Kaya nahusto na lang siyang pagmasdan ito. Halata sa mukha nito na may dinadamdam ito. Yes, he’s sick pero alam din niyang maliban sa physical sickness, may bahagi pa ng buhay nito ang may sakit. Puso. Damdamin.

“Ranran did it again to me. What’s wrong with me? Bakit ako di niya kayang maharin?”
            
             Nagulat siya sa sinabi nito. “Walang mali sa’yo. Hindi lang talaga siya ang nakalaan para sa’yo.”

            “Then why did I fell in love with her?”

            “Maybe, that’s the best way for you to find your destined love.”

            He parked the car in front of his house inside an exclusive subdivision.  Nagulat siya nang balingan siya nito at nginitian pero saglit lang dahil bigla nitong sinapo ang sentido at pumikit.

            Hinawakan niya ito. Mataas na talaga ang lagnat nito. “Xeiji—”

            “Memai ga shimasu,” nanghihinang sambit nito.

            “Ha?” Ngayon niya pinagsisihan na hindi siya sumama sa mga kapwa nurses at doctor na nag-aral ng Japanese language. Kung pinatulan sana niya ang language class na iyon, e di sana hindi siya nahihirapang unawain si Xeiji. Bagama’t hindi niya naintindihan, alam niyang hindi na maganda ang pakiramdam nito.

            “I feel dizzy.”

            Lumabas na si Arlene ng kotse at inalalayan niya itong makababa ng sasakyan. Iniakbay niya ang braso nito sa balikat niya at inakay hanggang sa makapasok sila ng bahay nito at maihiga niya ito sa kama.  Sa mga sumunod na sandali ay inalaagan niya ito. Ibinigay niya ang lahat ng gusto nito, pagkain, tubig, gamot.  Malapit ng gumabi nang magising ito at nagising na rin siya sa pagkakaidlip sa tabi nito.

            “Arlene…”

            Agad siyang bumangon . “Anong kailangan mo?” Sinapo niya ang noo nito. May lagnat pa rin ito pero bumaba na.

            “Domo arigatou gusaimasu,” sambit nito sabay ngiti.

            Napangiti siya sa pagpapasalamat nito. “Iyan, naintindihan ko iyan! You’re welcome. May kailangan ka ba?”

            He looked straight in her as if finally she captured the heart of this heart broken attorney. Ni hindi niya nagawang magsalita o kumilos sa gawi ng pagkakatitig nito sa kanya. Parang tulad noong una niya itong nakilala. Nahipnotismo na naman siya.

            Kisu shite mo ii?

            “Ha? Pwede ba ‘wag mo naman akong kausapin sa Japanese? Marunong ka namang mag-Tagalog e o English.”

            He just teasingly smiled and touched her cheeks. Then without any single word he grabbed her lips and kissed her. Natigilan siya, ilang segundo pa bago niya narealized na hinalikan siya nito.

            Few minutes after the kiss ay parang hindi pa rin siya makapaniwala. Mabilis pa rin ang heatbeat niya at pakiramdam niya nananaginip lang siya.

            “D-did you just ask for a kiss?”

            “Arlene, that’s my way of thanking you for taking good care of me. I mean nothing.”

            Gumuho ang pantasya niya. A kiss for a thank you? Hindi na rin masama pero masakit pala sa puso.

            “Pwede tigiran mo na ako, Arlene?” Another landslide of heataches. Bakit ba hindi siya magawang mahalin ng isang ito?

            “Bakit ba taboy ka ng taboy?” tanong niya.

            “Ikaw masasaktan sa akin.”

            “Eh ano ngayon? Problema ko na iyon.” Inutusan niya itong humiga muli ng maayos at inayos niya ang kumot nito. “May duty pa ako. Andyan na lahat ng kailangan mo, pagkain tubig at gamot. Magpahinga ka ng mabuti.”

            “Get out of my life, Arlene. Right now. Ngayon may olas pa.”

            “No! I won’t. I still need to have your heart.”

            “Then what will you do with my heart?”

            “Aalagaan ko. Mamahalin ko. Pipikutin kita,” nakangising sambit niya sabay bigay dito ng tinging nang-aakit. “Ngayon pa? Nakatabi na kita sa pagtulog. Wala ka ng kawala sa aking kamandag.”

             Gusto na  niyang humalkhak nang lalong namutla ang mukha nito sa sinabi niya. Marahil nga, ang great fear ng lalaki ay ang mapikot.

            “Get out! Ikaw wag na rapit sa akin! Ako di papikot sa’yo!” Sinigawan na siya nito pero wala siyang pakialam.

            “Don’t forget, I’m your girlfriend.”

            “No, you know it’s not true.”

            “You’re my boyfriend, I’m your girlfriend. Okay. Kaya sa ayaw mo’t sa hindi, mananatili ako sa buhay mo.”

            Kumunot pa lalo ang noo nito. “Iie! Get out! Get Out!”

            Tumawa lang siya bilang tugon dito. Magulo at komplikadong tao talaga si Xeiji. And that made him more attractive for her. Kahit ano pang kaguluhan ng pagkatao nito ay pilit niyang iintindihin. At kahit ipagtabuyan pa siya nito ay patuloy siyang hahabol unless makita mismo ng mata niya na mahal pa rin nito si Lanlan at talagang wala na siyang pag-asa.


             
            “THE PLAN didn’t work, Ranranbeybs. Siya di tigir sunod sunod sa akin. Ano gawa ko?” problemadong sambit ni Xeiji habang nasa hapag sila ni Lanlan sa bahay nito. Madalas siyang iniimbitahan nitong kumain kasabay nito sa bahay. Magkapitbahay lang sila at magkatapat pa ng bahay. Natutuwa naman siya na kahit alam niyang in love na ito sa manliligaw nitong alagad ng batas, hindi pa rin siya nakakalimutan nito.

Few months passed. Marami ng nagbago sa buhay niya ngayon. Isa lang ang hindi mabago, ang pagsulpot-sulpot ni Arlene sa buhay niya. Para itong kabute na bigla na lang lilitaw kung saan siya naroon. Buwan-buwan din itong nagpapadala ng cake sa kanya. For monthsary daw nila. Hindi siya makapaniwalang iniisip talaga nito na magkasintahan sila. Pero ni minsan ay hindi niya kinain ang padala nito. Pinapaubos lang niya iyon kina Leo at Chrysler na adik sa cake.

            “Eh ano ba naman kasing problema mo kay Arlene? Mukha namang mabait iyong Nurse na iyon.”

            “Rimot mo na? Ako sa’yo inrab!” sambit niya dito. Pero natigilan siya nang tila may mali sa sitwasyon. Dati kapag sinasabi niya iyon kay Lanlan ay mabilis ang tibok ng puso niya. Buong puso niya ay alam niyang nakalaan lamang sa romance novel writer na ito. Pero ngayon parang nasabi na lang niya iyon, wala ng emosyon, wala ng impact.

            “Hindi na, Xeiji. Siguro noon ramdam ko pa na mahal mo ako. Pero ngayon hindi na. In case you are not aware, you changed a lot since Arlene existed in your life.” Lanlan served a cup of ice cream for dessert.

            “Ako?” Tinuro niya ang sarili. “Changed?”

            “Oo. You’re in love Xeiji.”

            “Yes, with you.”

            “No, with her. Pag-isipan mo kaya.”

            Napaisip nga siya. Napalitan na ba ni Arlene ang laman ng puso niya?

            Hanggang sa makabalik siya sa opisina niya ay iyon pa rin ang iniisip niya. It’s been a year since they first met. At mula noon ay tila nagbago na nga ng takbo ang buhay niya. Papasok na siya ng opisina niya nang magbeep ang message alert tone niya. Binasa niya ang text message.

            May bomba sa kotse mo. Huling araw mo na ito kaya magdasal ka na.  Umiling lang siya. Another death threat.  Binalewala niya iyon at diretsong pumasok sa opisina niya. Marami ng nagbago. Nilayasan siya ng sekretarya nang magdesisyon itong magtanan. Ngayon ay si Maria May na best friend ni Chrysler na ang bago niyang secretary. 

            Napakunot ang noo niya nang makita ang isang kahon ng cake sa mesa niya.  Sa Kofi Cups ang product na iyon. Napakunot lalo ang noo niya nang makita ang love note sa cake. Happy monthsary, Fafa Xeiji. I love you! Muwaaah!

            Binitbit niya ang cake palabas ng office at nag-diretso siya sa mesa ni Maria May.

Sumimasen. Kore wa, nan desu ka?” Nag-excuse me siya dito at itinanong niya rito  kung ano ang kahon na iyon though alam naman niyang cake iyon.  Marunong umunawa ng Japanese language si Maria May kaya hindi siya nahirapan dito.

            “Sir, may isang babaeng nurse na maganda ang nagdala niyan para sa inyo. Monthsary nyo daw po kasi. Happy monthsary po. Ang sweet girlfriend mo, Sir,” nakangiting tugon nito sa kanya.

            Kumunot noo niya. “Iie,” paghindi niya. “Wara ako girlfriend! Sa sunod pagpunta ang Nurse Arlene na iyon, sabihin mo, hindi ko siya type. Basted siya.” Bahagyang napataas pa ang boses niya.  

            “Ha? Eh, Sir Xeiji, di naman sa nangengealam ako pero mukhang mabait naman po siya at… mahal kayo.”

            “None of your business, Maria May. You’re not allowed to care about my personal life,” tugon niya sa mas mahinahong tinig at biglang nalungkot ang mukha niya. Though he thought he might falling in love with Arlene gaya nga ng sinabi ni Lanlan, still hindi pa rin siya mag-take ng chances dito. Delikado ngayong araw-araw na siyang nakakatanggap ng death threats. “She doesn’t deserve me. She doesn’t deserve to have a complicated life with me…so…why am I feeling this way? Oh crap! Nanda!

Ang isang bahagi ng isip niya ay nagsasabing pagbigyan niya ang kagustuhan ng kanyang puso.  Kunsabagay, kelangan din naman niya ng asawa na tatayong ina ni Beatriz Joy. 

            He was a man with firm, calm, and organized composure kapag humaharap sa korte. Pero dahil lang sa pumapalpak at nagbuhol-buhol niyang love life ay parang nawawala na siya sa sarili.

            Tinapunan niya ng masamang tingin si Maria May nang makitang nakangiti ito sa kanya.  “Why are you smiling at my disgrace? Aramo, ikaw turad best friend mo, bariw!”

            “Sir alam ko kung bakit n’yo nararamdaman iyan. Pero dahil hindi ako allowed to care for your personal life, hindi ko po sasabihin.”

            “Alright, tell me. What’s happening?” Inilapag niya sa mesa nito ang kahon ng cake. Now he gave her new secretary the chance to give opinion.

            “Sir, you’re in love.”

          Dalawang tao na ang nagsasabi sa kanya ng bagay na iyon sa loob ng isang araw. Well, actually halos lahat ng kaibigan niya ay nagsasabing in love na siya kay Arlene. Kung ganon, siya na lang ba ang hindi makatanggap sa katotohanang iyon? “No way!” He really can’t. He knew he must not fall for her. He just turned back and went inside his office. Padabog pa niyang isinara ang pinto.

            Umupo siya sa swivel  pero hindi siya mapalagay. Am I? But how come that thing happened? Parang pelikulang nagflashback sa kanya ang mga sandaling lumalapit-lapit sa kanya si Arlene. Particular na ang mga nasabi nito. Parang isang kanta na nagsibalikan sa pandinig niya ang mga nasambit ni Arlene tungkol sa pagmamahal nito sa kanya.

            Ako… mamahalin kita. Buong puso, walang alinlangan…

 Xeiji…kahit masungit ka gusto kita.

I love you, Fafa Xeiji ko!

 Bakit ba sinasayang mo ang oras sa kanya e meron naman ditong nagmamahal sa’yo ng buong puso, atay, balunbalunan, esophagus, larynx, hinlalaki at hinliliit!

Hindi ako titigil hangga’t hindi mo nare-realize na hindi siya ang dapat mong mahalin dahil hindi ka naman niya mahal. Hindi ako titigil hangga’t hindi nabubuksan ang puso mo para sa’kin, attorney.

        Ah basta, wag mo na akong intindihin. Chill ka lang diyan. Mamahalin kita kahit hindi mo suklian.

            Then he remembered their first kiss. That was the day he was so tempted to taste her lips against him. And he knew she replied with all love and affection. Kaya lang ay agad din niyang naisip na panganib ang hatid niya dito kaya binawi niya ang orihinal na ibig sabihin ng halik na iyon.

            “Then what will you do with my heart?”

            “Aalagaan ko. Mamahalin ko…”

            That was the most beautiful thing he could hear from a woman. Pero pinili niyang maging rude guy sa pag-aakalang lalayuan na siya nito. Pero nagkamali siya. Lalo pa itong lumapit sa kanya. And now he’s trapped. In love na nga siya.  Marami ng napatunayan si Arlene sa kanya. Oras naman siguro na bumawi siya. Tumayo siya at binalikan si Maria May.         

            “Oh, well. Maybe you’re right. Maria May, will you give me a slice of that cake? Ikaw rin kuha sa’yo ha.” Sa unang pagkakataon, he wanted to taste the sweet love that Arlene was offering to him.

            Ngumiti lang ito. “Yes Sir!”



PREVIOUS                                                                  NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…