Skip to main content

Kofi Cups And Sweets Series: Labs Kita Kasi- Part 4






PARANG praning na pasilip-silip lang si Arlene sa labas ng opisina ni Xeiji. Nakita niya ito kaninang ibinalik kay Maria May ang niregalo niyang cake. Alam niya ang katotohanan. Hindi tinitikman ni Xeiji ang monthsary cake na binibigay niya dito. Si Eloi ang nagbisto sa kanya ng bagay na iyon dahil one time naabutan ng kaibigan niya na sina Chrysler at Leo lang ang kumakain ng pinadala niyang cake kay Xeiji. Hindi na siya nagulat pero ninais din naman niya na sana one day, tikman din ni Xeiji ang cake na pinapadala niya.

            Napangiti  siya nag makitang lumabas uli ng opisina si Xeiji at iniutos kay Maria May na ikuha ito ng isang slice ng cake. Nagbubunyi na ang puso niya nang kulbitin siya ng kung sino.

            “Lapitan mo kaya. Bakit pasulyap-sulyap ka lang diyan?”

            Si Chrysler ang bumungad sa kanya nang lumingon siya. “Okay na ako dito,” sambit niya.

            “Gusto mo ba siyang maka-date?” tanong nito.

            “Ha?”

            “I know ni minsan hindi pa kayo lumalabas. Di ba mag-boyfriend kayo? Dapat mag-date kayo. Pasensya ka na manhid kasi at slow makaunawa ng damdamin iyang si Xeiji, kaya hanggang ngayon umiiwas siya sa’yo.” Nginitian siya nito. “Pero nitong nakaraang araw, he’s changing a lot. Alam naming ikaw ang dahilan so keep it up.”

            Boto rin pala  sa kanya si Chrysler. “Salamat, Chrysler.”


           “Yayain kong mag-date si Mayii. Gagawan ko ng paraan na mai-date mo rin si Xeiji. Diyan ka lang ha, pasok ka agad kapag sinenyasan kita.” Tinapik nito ang balikat niya.

            Nakipagkwentuhan ito kay Maria May.  Maya-maya ay lumabas na si Xeiji.

            “Hey you two! This is not a place for romance,” sita nito kina Maria May at Chrys. “You may go, Maria May. Sige na, date na kayo.”

            “Mag-date din kayo ni Nurse Arlene. Monthsary nyo di ba? Eleventh monthsary,” hirit ni Chrysler sabay sensyas sa kanya. Agad siyang pumasok ng office.

            “Wara naman siya, paano—”

            “Fafa Xeiji!” Sinalubong niya ito at agad lumingkis sa braso nito. “Tara na, mag-date tayo. Hindi ako prepared pero carry ko ‘to. Senang Hati tayo!” Binalingan niya at nginitian si Chrysler bilang lihim na pasasalamat. “Uy, sama kayo dali!” Kinaladkad na niya si Xeiji palabas. Again and again, wala na rin itong nagawa. “Uy, sunod kayo ha!” pahabol pa niya kina Chrys sabay lingkis uli kay Xeiji.

            Sa Senang Hati nga sila natuloy. As usual maraming tao sa Senang Hati lalo na’t natapat na Friday at walang work kinabukasan. Nanatili sila sa isang sulok ni Xeiji, enjoying their meals in a table for two while listening to the serenading music from Infinity Band. Naninibago siya kay Xeiji. Kataka-takang wala siyang narinig na reklamo dito habang magkasama sila samantalang noon ay puro pag-iwas at reklamo ang bukang-bibig nito.  Napapatitig na lang tuloy siya dito, trying to figure out what’s going on.

            “I think you love fries that much. You want more?” tanong nito sa kanya.

            Pero nanatili siyang nakatitig lang dito.

            “Anata wa itsumo nani wo sinpaishite iruno desu ka?” tanong uli nito.

            “Ha?”

            Ngumiti ito. Inang ko po! Magugunaw na ba ang Earth? Bakit ang bait sa akin ni Xeiji?

            “Aramo, iyan ragi sagot mo pag ako sarita Nihonggo.”

            “Eh sa hindi nga kita maintindihan. Pero darating din tayo sa stage of understanding Fafa Xeiji. Nag-enroll na ako sa Japanese language class. Para kahit mag-Nihonggo ka, maiintindihan pa rin kita.”

Inihilig niya ang ulo sa balikat nito. Nagulat siya nang akbayan siya nito. Niyakap niya ito at nagulat siya lalo nang gumanti ito ng yakap sa kanya. First time… first time na nagpakita ito ng sweet gesture. Ay hindi pala first time dahil hinalikan na siya nito noon. Kumabog ang puso niya nang maalala ang kiss na iyon. Hindi siya naninwala na wala iyong ibig sabihin. She felt more than any words can utter during those few seconds of sweet kisses they shared.  Kahit pa sinabi nitong nothing lang iyon.

“You did that for me?”

“Oo naman, diba sabi ko gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako. That’s part of my Oplan Akitin si Xeiji.”

“Tunog katakot iyan!” iiling-iling na sambit nito. “Ikaw wag ako pikot. Baka ikaw sisi rang banda huri.”

Iyan na naman ang usaping iyon. Paulit-ulit na lang sila at nagsasawa na siya. “Anong sinabi mo kanina? Translate mo,” pagbabago niya ng topic.

“I just ask, what's always on your mind? Ikaw paragi sa akin titig.”

“Nagbago ka kasi e. Hindi ka naman sweet pero ganito ka ngayon. Mas sanay akong tinataboy mo ako. Di ko alam kung anong dahilan mo. Dahil ba monthsary natin? Pero ako lang naman ang nakaka-appreciate ng monthsary na iyon e. Iniisip ko kung anong nakapagpabago sa’yo.”
            
          “I just want to take chance. Ikaw sabi monthsary natin e di celebrate tayo. Iyon rang iyon.”

“Okay.”

Di na rin masama. Ang mahalaga naranasan naman niyang mai-date nito.

“Why me, Arlene?”

“What do you mean?”

“Among all the guys that came across you, why did you choose me?”
“Iyon ang ginusto ng puso ko Xeiji,” sambit niya. Bigla na rin lang iyong lumabas sa bibig niya. “Okay lang kung ayaw mo talaga sa akin. Gusto ko ang ginagawa ko. Dito ako masaya kaya pabayaan mo na lang sana ako. Bigyan mo lang ako ng ilang oras, mag-aaral ako ng Nihongggo at susuyuin kita sa lenggwahe mo.”

Dahan-dahan nitong inialis ang nakaakbay na kamay sa kanya. A silent way of saying, “I don’t want your idea.” Masakit iyon para kay Arlene pero kaya pa ng puso niyang tanggapin ang bagay na iyon.

Inabala na lang niya ang sarili sa pagkain ng fries at pakikinig ng music. On stage sina Chrysler at Maria May, kumakanta ng You Belong With Me.

“No need to attend your Nihonggo lessons, Arlene.”
            
            “Gusto kong gawin iyon. Kahit pigilan mo ako gagawin ko iyon—”

            “I’ll be teaching you instead.”

            Gulat na binalingan niya ito. Did she heard it  right? Nagbo-volunteer itong magturo sa kanya ng Nihonggo?

            “Sigurado ka ba? O sinasakyan mo lang ang trip ko?” Iniiwas niya ang tingin. Bumaling siya sa stage. “Seryoso ako sa pag-aaral ng Nihonggo, Xeiji.”

            “Ako, seryoso tuluan ka.” Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya. “And we’ll start from here. Boku no mewo mitte.”

            “Ano iyon?”

            “Look into my eyes.”

            Binalingan niya ito. He was smiling at her, a very different from his usual reactions whenever she tried to be upclose to him. “Then?”

            Iniabot nito sa kanya ang isang nakaluping papel. “You read it. I’ll give the translations.”

            Tumalima siya. Puro Japanese nga ang nakasulat sa kapirasong papel na iyon.

            Still having his hands on hers binasa niya ang bawat lines sa kapirasong papel.

            “Aishiteru.”

 “I love you.”

Nagulat siya kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso niya. Nagtatapat na nga ba si Xeiji o nagde-day dream na naman siya? “Arlene, please continue.”  

“Hajimete ata tokikara sukidata.”

“I've loved you from the moment I first laid eyes on you.”

“Kimi ni muchu nanda.”

I'm crazy about you.” Weeee! Ano vey?

“Dakishimetai.”

“ I want to hold you.” He moved closer and touched her cheeks.

“Kirei dayo.”

“ You're beautiful.” That was the first compliment she heard from  him.

“Hana no youni kirei.”

“ You are as beautiful as a flower.”

“Anata nashidewa ikite ikanai.”

“ I can't live without you.”

“Itsumo aishiteru.”

“ I will always love you.” Inilapat nito ang noo nito sa noo niya. Few inch away ay malapit ng maglapat ang labi nila. “Continue reading, baby.”

“Kokoro no sokokara aishiteru.”

“I love you from the bottom of my heart.” Nangingilid na ang luha ni Arlene. She never thought that day will come. Hindi niya inaasahan na magtatapat ng pagmamahal sa kanya ang abugadong ito na alam niyang allergic sa kanya.

“Zutto issho-ni itai.”

“I want to be with you forever.”  Their nose touched.

Kekkon shite-kureru?”
            
            “Will you marry me?” He awarded her a quick kiss.

“Xeiji…”

“I’m serious Arlene. Let’s get married.” He moved a little to look into her eyes. He appeared like he was so amused and excited of what she would say.

Ano pa nga bang hahanapin niya? This guy, the guy she wanted to be hers was asking her to marry him.

He threw her a teasing smile. “What now? I’m waiting for an answer. Ikaw pag di sagot ngayon, di mo na ako kuha bukas.”

Nangingiting napailing siya. “Demand ba iyan?”

“Threat!”  They both laughed pero hindi niya napigilan ang luhang pumatak sa mata niya. “Baby, stop crying. Ano na?”

“Kelan tayo papakasal?”

Tumayo ito at hinila sila palabas ng Senang Hati. “Ngayon na. I already talked to a judge. My friends and your friends are waiting at the venue.”

Shocked na sumunod na lang siya dito. And before the night ends, she became Mrs. Arlene Bathan-Hotoki.

“What made you change you mind, Xeiji?”

Di niya maiwasang itanong dito ang bagay na iyon. They were having breakfast at the veranda of his house. They had a long newly-wed night. Marami silang napagkwentuhan ng buong magdamag.    Pero until that very moment ay iniisip pa rin ni Arlene na may ibang dahilan ito kung bakit ito nagpakasal sa kanya. And she was afraid that love was not part of his reason. Sinabi lang nito iyon para mapapayag siyang magpakasal dito. Ngayon-ngayon rin lang niya napag-isipan ang pinasok niya. Now that she was already married to him, inaasahan na niya ang unti-unting pagkakadurog ng puso niya. Magaling na ang handa siyang masaktan kesa naman mabigla pa siya.

“I did not change my mind. I just realize your worth in my life. Believe me, Arlene. I may sound fictional but I really never thought you affected my life so much than I thought you would. I may not be sure of the feeling but I’m willing to offer everything to you.”

Nahinto ang usapan nila nang mapansin nila ang kotseng nag-park sa katapat na bahay nina Xeiji which so happened to be Lanlan’s house.  Lumabas si Lanlan doon kasama ang isang unipormadong pulis.  Sweet ang mga ito.

            Binalingan niya si Xeiji. Malungkot itong nakamasid sa loving couple na papasok na sa katapat na bahay.

“Mahal mo pa siya ano? Pinakasalan mo lang ba ako para mapagtakpan ang nararamdaman mo sa kanya? To get over? O para ipakita sa kanyang kaya mo ring magmahal ng iba kesa sa kanya?” Tumulo ang luha sa mata niya. “Tell me the truth. Hindi ako magagalit. Tatanggapin ko iyon.”

Malungkot na binalingan siya nito. Piniga ang puso niya sa sakit. Kahit di na ito magsalita, alam na niya. By reading in his eyes, she knew the bitter truth.

“Yes I have reasons but she’s not part of it. Ranran beybs…I mean Ranran was now part of my past. I married you. You’re my wife now.”  Nilapitan siya nito at niyakap sa baywang. He also wiped her tears away. Pero hindi nagawang pawiin ang pag-aalinlangan niya.

“Hindi mo sinagot ang tanong ko. Mahal mo pa siya.”

“Even I answered yes, it doesn’t mean anything now. Wag ka na seros sa kanya.”

“Mahal mo nga siya. Alam mo kung gusto mo lang talaga kong lumayo sa‘yo, madali lang naman e. Padalhan mo lang ako ng death threat lalayuan kita. Hindi mo na sana ginawa pa ito. You shouldn’t have married me, saktan ako ng sobra para lang layuan na kita. This is too much.  Hindi mo na sana sinabing mahal mo ako. At ako naman parang tanga ako kanina na naniwala ako sa’yo. Ipa-cancel mo na ang kasal natin. Hindi pa naman iyon naipapasa sa civil registry. Yaan mo lalayuan na kita.” Nagpumiglas siya sa pagkakayakap nito sa kanya pero mahigpit na niyakap pa siya nito.

She was pouring in tears. Ngayon ay gising na gising na siya sa katotohanan. Wala na talagang lalaking magseseryoso sa kanya. Lahat sila ay sasaktan lang siya.

“No, Arlene. Please, I’m begging. Give me a little more time to prove myself to you. To prove you that everything you thought are all wrong. I’m trying my best to love you, I mean it.”  He even kissed her lips but she was so numb at that moment.

Trying your best? Ano ako testing ground? “Sabihin mo ano pang rason mo maliban kay Lanlan?”

“Okay, I’ll tell you the truth. I’m not sure of my feelings for you. I just marry you to give my daughter a mother. Beatriz Joy deserves to have a normal family. I desperately need a wife.”

Lalo siyang nagpumiglas sa pagkakayakap nito. “You mean ikaw ang ama ni Beatriz Joy na inaalagaan ni Melai? Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin?” Wala siyang kaalam-alam. Hindi naman niya inusisa si Melai nung minsang tumira ito sa bahay kasama ang batang iyon. Parte ng protocol nito bilang isang agent ang maglihim ng detalye ng mission nito.

“I’m her legal father. Siya anak drug lord na patay kaibigan ko. Siya anak din kaibigan ko. I took her for my friend. Siya hindi pwede buhay kasama criminal.”

“And you need someone to be her mother.” Naintindihan na niya. “At dahil hindi na pwede si Lanlan, ako ang second option mo? Wow,” sarkastikong hirit niya. “I’m a second option. Come on Xeiji, hurt me more. Samantalahin mo na dahil hindi na ako magpapakita sa’yo pagtapak ko palabas ng bahay mo. Do you really love me?”

“I don’t know.”  Nakayukong saad nito.

“That’s it. Game over. Have a nice day!”

She literally ran away. Tumakbo lang siya papalayo sa bahay nito. Crying…broken. Sana hindi na lang siya nagtanong. Sana hindi na lang ito nagtapat. Sana nagsinungaling na lang ito at patuloy na pinaniwala siyang mahal siya nito.  She had enough. Done with this guy. Napansin niya ang wedding ring na suot niya sa palasinsingan. Inalis niya iyon sa daliri niya.  She was about to throw it somewhere when suddenly she changed her mind. Sa kabila ng nangyari, alam niyang mahal pa rin niya si Xeiji. Isinuot niyang muli ang singsing. 

“Arlene, please wait!” narinig niyang sambit ni Xeiji. Bahagya siyang lumingon. Nakita niya ang familiar na kotse nito. Dinedma lang niya ito. She continued walking. At kahit inabutan na siya nito ay hindi niya ito pinansin. “I’m sorry. Please, don’t turn back on me. I’m sorry!”

Bumuntong-hininga siya, huminto sa paglalakad at binalingan ito. “Tapos na. You win, Xeiji. “I’ll be gone.” Ipinagpatuloy niya ang paglalakad.

Lumabas ito ng kotse at sinundan siya. Pinigilan nito ang braso niya. She was about to slap his face nang bigla na lang may sumabog. The next thing she knew, Xeiji was embracing her at tumilapon sila sa damuhan.  Natigilan siya. Anong nangyari? Namataan niya ang kotse nito na nagliliyab na ngayon. Kinilabutan siya. Mabuti na lang pala at lumabas ito ng kotse, kung nagkataon….he might be burned inside the car.

Biglang lumuwag ang pagkakayakap ni Xeiji sa kanya. Binalingan niya ito. May  tumutulong dugo mula sa noo nito. And he looked like half-conscious already. Then his cellphone rang. Nagawa pa nitong sagutin ang phone at inilagay sa loud speaker mode. Isang pamilyar na boses ang pumailanlang.

“Kamusta attorney? Tingnan mo nga naman buhay ka pa. Better luck to me next time. Pasalamat ka at naaliw ako sa teleserye drama nyo ng asawa mo. Pinapatikim ko lang sa’yo ang pwede mong maranasan, attorney. Nagsisimula pa lang ako sa larong ito. Kaya kung ako sa’yo mag-iingat ako.”

            Agad na nawalan ng malay si Xeiji.


            “I KNOW, there’s really something wrong,” sambit ni Xeiji kay Leo.

Ilang buwan na siyang nakakalabas ng hospital mula noong pasabugin ni Gilbert Salmendre ang kotse niya. Nagsunod-sunod na ang dagok sa buhay niya. Pinaulanan ng bala ang Kofi Cups. Buti na lang at walang nasaktan. Ngayon, sa tulong ng pulisya ay bumubuo sila ng theory kung paano nagagawa ni Gilbert ang pananakot na iyon.  Ang pagkakaalam niya ay ni telephone ay hindi ito pwedeng makahawak. Paano ito nakalusot?  Hindi pa sila tapos sa imbestigasyon ay may nangyari na naman. Naaksidente si Jomar at kasama nito si Melai at ang anak niya. Na-recover si Jomar at Beatriz Joy, pero nawawala si Melai.

Not to mention his broken love life. Kahit naospital pa siya noong sumabog ang kotse niya, walang Nurse Arlene ang nag-abalang alagaan siya o dalawin man lang siya. Nabalitaan pa niyang nakipagpalit pa ito ng pasyente para masigurong hindi ito maa-assign sa ward niya. Masakit. He was torn by heartaches. Akala niya noon ay pinakamasakit na ang pambabasted sa kanya ni Lanlan. Now he realized that it was more painful to lose your true love than lose your woman of interest.  Got married and separated within twenty four hours…hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang tinalikuran na siya ngayon ni Arlene just because she thought he couldn’t love her. Baka nga hindi para sa kanya ang magmahal.

“There’s really something wrong. May ginagawang hokus-focus iyang si Salmendre. Inatasan na ni Chief na mag-imbestiga ng palihim ang NBI. Sana nga lang maging mabilisan. Kailangan na nating ma-recover si Melai,”  sambit ni Leo.

“Right. Pala ako ayos din buhay ko.” Bumuntong hininga siya. “Siya hindi na pakita sa akin.”

“Ikaw naman kasi, dapat nilihim mo na lang na hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo. Hinihintay lang naman niya iyong I love you at assurance lang naman ng pagmamahal mo. Iyon lang ang gusto niya. Bakit kasi inamin mo pang hindi ka pa sigurado sa feelings mo. Ayan tuloy pare, nasaktan mo na siya…nasaktan ka pa.”

Lalo siyang na-depress sa sinabi nito.

            “Pero pare, may magagawa ka pa…wag mo ng sayangin ang panahon, suyuin mo na siya hangga’t maaga pa,” payo ni Leo.

            Tama si Leo. Kung lahat na lang sa buhay niya ay mali, siguro naman ay isa ito sa dapat lang na maitama niya.  Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa visitor’s chair sa presinto. “Share me any updates regarding the case. For the mean time, I’ll run after my happiness.” 

             
            ISANG malaking sakit ng ulo ang bumungad kay Arlene nang lumabas siya ng bahay para mamalengke sa di kalayuan. Standing outside her house was Xeiji. Iniwas-iwasan na niya ito sa abot ng kanyang makakaya ngunit tila nabaliktad na talaga ang mundo. Dati, siya ang habol ng habol dito at ito ang iwas ng iwas. Pero ngayon, siya na ang hinahabol nito.  Pero nasaktan na siya. Ayaw na niyang masaktan pa ng paulit-ulit kaya mas makakabuti sa kanyang iwasan na lang ito.

            “Please, let’s talk,” sinserong sambit nito.

            Tinaasan lang niya ito ng kilay at saka nilagpasan ito. Pero mapilit ang loko, sinundan pa rin siya.

            “Please, ikaw kinig muna sa akin.”

            “Bahala ka sa buhay mo, Xeiji. As far as I know, tapos na tayo.”  Sinimulan niyang maglakad ng mabilis para maiwasan lang ito. Pero ang haba ng hair niya talagang hinahabol siya ng poging abugadong sushi na ito.

             “Aarleeeeenne! Come back here. Di pa tayo tapos!” 

“Tse! Tigilan mo na ako, sushi ka! Di ba ito naman gusto mo, layuan ka? Bakit ka naman humahabol ngayon?  Adik ka ba?” Hindi na niya natiis ang hindi ito patulan. Binilisan pa niya lalo ang paglalakad na halos tumakbo na siya.

“Orayt orayt ma fault. Uy, sandari! Wag takbo! Usap tayo!”

Waaaaah! Ang kulit naman eh! “Ayoko!”

“San punta mo? Tigir ka na please.”

“Bibili ako ng talong at wala kang pakialam do’n!” pagdadahilan niya.  She definitely need to get rid of Xeiji, dahil konti na lang bibigay na ang defenses niya. Baka pag natitigan lang siya nito ay agad na niya itong mapatawad. She understood him more through Doc Dhey. Si Doc Dhey din ang madalas nagkukwento sa kanya tungkol kay Xeiji at ang katotohanan sa pagpapakasal bigla ng abugado sa kanya.

“Ano gawa mo tarong?” usisa pa rin nito.

“Basta gusto ko ng talong!” Ano vey!

“Buntis ka?”  Napanganga siya ng wala sa oras  sa sinabi nito. E paano naman kaya mangyayari iyon eh wala namang nangyari sa kanila?

“Tse!”

“Arlene! I love you so much. I really do. Please stop and listen to me first!”  He yelled.

Nagtinginan tuloy ang mga tao. Lalo lang tuloy siyang nahiya.  Dineadma niya ang eksena at nagpanggap na hindi siya ang hinahabol ng attorney.  Ngunit naabutan siya ni Xeiji at agad nitong hinablot ang braso niya. Dahil nabigla sa pwersa ay napayakap tuloy siya dito. Hindi na siya nito binitawan kahit nagpilit siyang magpumiglas.

Humigpit pa ang yakap nito sa kanya. “Now, I’m sure why did I married you.”

“Dahil kailangan ni Beatriz Joy ng ina.”

“Mahar kita! Now I’m sure, I love you so much, Arlene. It was really painful living these past few months without you. I’m so tired of living alone. Please, let me make up to you.”

Finally, she heard those sincere words from him. Oo na, naniniwala na siya. But she need to be sure of his sincerity. Baka naman sinusuyo siya nito para matapos lang ang problema nila at hindi dahil talagang mahal siya nito.

“Okay. You’re forgiven.”

Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya. “Okay tayo? Ikaw uwi na bahay ko?”

“Bakit?” kunot noong tanong niya.

“We’re still married, Arlene.”

“Xeiji, you’re forgiven but what you did to me will never be forgotten. If we’re still married then process the annulment.”

Umiling ito at hinawakan ang kamay niya habang tinitigan siya. Nagsusumamo ang mga mata nito. “Iie.  I won’t do that. Tell me what should I do to make you mine again. Please give me the chance.”

“Okay. Find Melai. Pag natagpuan n’yo siya, tatanggapin uli kita sa buhay ko.” Ang totoo ay lubos na siyang nag-aalala sa kaibigan niya.

“You don’t have to ask for that. Trust me. I’ll find her.”



GALIT na galit na sumugod sina Xeiji at Kofi sa kulungan ni Gilbert Salmendre. It’s been months mula ng magkabuhol-buhol ang buhay ni Xeiji. And after few months, ngayon lang din nagkaroon ng lead ang pulisya sa pagkawala ni Melai, pagkakapasabog ng kotse niya at pagpapaulan ng bala sa Kofi Cups. Napag-alaman ng pulisya na hindi si Gilbert ang nakakulong. Ibang tao na ito na pina-plastic surgery at binayaran ng milyon kapalit ng pagiging bilanggo. Ang tunay na Gilbert Salmendre ay matagal na rin palang naglalagi sa labas ng selda. Kaya naman pala to the nth power ito kung makapagpadala ng death threats at to the highest level  din itong pagtangkaan ang buhay niya at ng mga kaibigan niya.  Ngayon ay lalong naging positibo ang lead ng mga pulis.

“Bistado ka na, nasaan ang tunay na Gilbert Salmendre?” tanong ni Kofi. Kasalukuyang nasa interrogation room sila kasama ang ilang NBI agents.

“Hindi ko alam,” tugon ng pekeng Gilbert.  “Wala kayong mapapala sa akin dahil kapag nagsalita ako sa alam ko, papatayin nila ako. Paano na lang ang pamilya ko pag nangyari iyon?”

“If you would only say something, you will be given a chance to be with your family and start a new life,” pagkumbinsi ni Xeiji. “Ikaw ragay witness protection.”

            “Hindi ganon kasimple iyon.” Nagmamatigas pa rin ito.

            Inilapag na ni Xeiji sa mesa ang huli niyang alas. Mga pictures iyon. “Your wife has a heart disease and badly needed to get a transplant. Your son…your only son is still a baby with nothing to feed on. These are the reasons why you are here, Sebastian or Baste as your family calls you. Iyan pangako sa’yo ni Gilbert pero di naman niya tupad. Ako, I can make any of that and more for your family, just give the information to us.”

            Tila nag-isip ito. Nananalangin siyang lumabas ang pagiging asawa at anak nito upang lumambot ang puso at pumayag na sa offer niya. Maya-maya pa’y tumango na ito at sinimulang ikanta sa kanila ang nalalaman nito.   Gilbert borrowed someone else’s face and identity mula noong araw na nakipagpalit ito kay Baste. Agad  din pinangalanan nito ang nabiktima, si Genesis na siyang dating kasintahan ng secretary niyang si Maria May. What a perfect plan! Kaya naman pala pawang naging madali ang access ni Gilbert, madali silang nababantayan nito having someone else’s face.

            Patungo na sila sa itinurong warehouse kasama ang kapulisan para tugisin ang puganteng drug Lord.   Pero wala ng Gilbert Salmendre ang andoon nang dumating sila.

            “Pare, positive! Si Melai, andito siya!” sambit ni Leo gamit ang communicator device ng pulisya.  “We need medics here!”

            Hindi pinayagan ng pulis na pumasok pa si Xeiji sa loob ng gusali. Kaya nanatili na lang siya sa labas kasama ng back up pulis. Hinintay niyang ilabas ng mga ito si Melai, duguan ito at halos walang malay. Sumama na siya sa pagdala dito sa hospital.

            Doon ay inasikaso  na ng mga doctor ang kaibigan niya. Puro pasa at ilang mababaw na sugat lang ang natamo nito. Malaki ang utang na loob niya kay Melai. Ito kasi ang nag-alaga sa anak niya sa loob ng ilang buwan. Kasalukuyang-buhat buhat ni Xeiji ang bata nang pumasok siya sa private ward ni Melai.

            “Wow! Beatriz Joy, baby! Na-miss kita!”  Dahan-dahan niyang ibinigay dito ang bata.

            “Domo Arigatou Gosaimasu,” sambit ni Xeiji.

            “Ako nga dapat mag-thank you eh. Niligtas nyo ang buhay ko. So paano, graduate na ako sa pagiging nanay ni Beatriz Joy. Si Arlene na ang bahala sa kanya,” nakangiting sambit ni Melai. Batid niyang mami-miss nito ang bata. At mukhang marami ng naikuwento dito si Arlene tungkol sa kanilang dalawa.

           “She hasn’t accepted me yet…again. Sana kaibigan mo, lamdam gaano ko siya kamahar!—”

            Nagulat siya nang bigla na lang may yumakap sa balikat niya mula sa likod niya. “Fafa Xeiji! I love you!”  Hinalikan pa siya nito sa pisngi.

            “Arlene…” Inalis niya ang sarili sa pagkakayakap nito. Humarap siya dito at buong pusong hinalikan niya ito.  Their third kiss. “Marry me, Arlene.”

            “Kasal na tayo di ba?” She smiled and awarded him another quick kiss on lips.

            “I want a church wedding this time.”

            “Ay type! Sige… sige!—”

            He simply can’t resist her. He grabbed her nape again ang lovingly kissed her.

            “Sige, kalimutan  nyong andito ako… gustuhin ko mang umalis sa kama ko hindi ko carry.”

            Pero dinedma nilang dalawa ang sinabi ni Melai. Maya-maya pa’y biglang bumukas ang pinto.

            “Uy, may kissing scene!” hirit ni Kofi.

            “Uy, kunin mo ang cellphone mo, kuhanan mo ng video!”

            “Adik ka Rojun, walang camera ang cellphone natin,” sabat ni Rowell.

            “Manood na lang tayo!”

            Finally they found their destined hearts together. At matapos ang ilang araw ay magkakasama na uli silang tumatambay  sa Kofi Cups.

            “Mahal kita. Bagay tayong dalawa, papiktyur nga. Para mapa-develop kita. Di tayo tao, dir in tayo hayop, bagay tayo… bagay talaga…” Arlene happily sung a song for Xeiji during Jamming night sa Kofi Cups.


           
Xeiji just went on her and sealed that song performance with a kiss!







PREVIOUS                                                      SERIES ENDING

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…