Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: Labs Kita Kasi- Part 2





“Now what do you want?”

            Pwede bang isagot ko, ikaw? Napangiti si Arlene sa pumasok sa isip niya.
Kasalukuyang nasa opisina siya ni Xeiji sa Public Attorney’s Office sa municipality ng Caliraya.  Doon siya ikinulong nito habang nakikipag-usap ito sa mga kapwa abugado at pulisya. May naganap palang bomb threat doon at kung anu-ano pang threats. At sa takbo ng usapan na nasagap ng usisera niyang tenga, si Xeiji ang tinatakot ng kung sinomang mastermind ng pananakot.

            “What? Tingin tingin ka na rang?” buska nito sa seryosong mukha. 
            Sungit? “Alam mo naman po ang gusto ko sa ‘yo. Sworn forgiveness. Ita-type mo lang at pipirmahan. Kung gusto mo, ipagtata-type pa kita. Kayang-kaya ko iyon—”

            “Enough! Ralo ako di bigay gusto mo!” Umupo ito sa swivel chair nito at nagsimulang hagilapin ang mga papel na nakapatas sa mesa. Inabala na nito ang sarili sa pagbabasa ng papeles.

            Mula sa pagkakaupo sa visitor’s chair ay tumayo siya at nilapitan ito. Pinagsalikop niya ang kamay at exaggerated na lumuhod with dramatic expressions.

            “Maawa ka na sa akin please. Handa akong ibigay kahit anong gusto mo, wag mo lang ako pasesantehin. Hindi talaga keri ng beauty kong ito ang maging jobless ngayon. Sige na, attorney. I know you have a good heart. Have pity on me.”


            Pero dinedma lang siya nito. “Sige na please! Mag-deal tayo kung gusto mo. Alipinin mo ako!” Waaah, ano ba itong sinasabi ko?

            Sa wakas, tinapunan na siya nito ng tingin ng abugadong sushi. Iyon nga lang, masamang tingin ang ipinukol nito sa kanya.  Nginitian niya ito, iyong charming na ngiti baka sakaling madaan din niya sa pang-aakit. Desperado na ako!

            “Tayo!” singhal nito.

            Nagulat siya nang sigawan siya nito.  Kaya napapitlag siya at hindi siya nakakilos.

            Bumuntong-hininga ito. “Alright, stand up,” sambit nito sa mas mababang tono.

            Tumayo siya.

            “Give me some relevant reasons to forgive you.”

            Mabilisang nag-isip ang utak niya. Parang recitation lang sa klase. Nakakatakot pala kung magtanong ang mga abugado. 

            Umupo uli siya sa visitor’s chair. This time nagseryoso siya sa pagsagot. “May pinapaaral akong dalawang kapatid na parehong nasa college. Ako lang inaasahan nila para makatapos ng pag-aaral. May pinapagawa kaming bahay ng mga kabarkada ko, iyon ang reward ko sa sarili ko. Pag sinesante ako sa Caliraya Med, hindi makakatapos ang mga kapatid ko, hindi na rin ako maka-ambag sa gastos sa bahay. Guguho ang pangarap kong makarating sa ibang bansa.” Binalingan niya ito at napansing matamang nakatitig ito sa kanya. Seryoso ang mukha nito. “Inaamin ko naman ang pagkakamali ko sa’yo. Siguro ngang mali na tinitigan pa kita. Iyong lang naman ang dahilan kung bakit ako pumalya. Pero other than that, I’m a good nurse.”

            “What? Ikaw titig sa akin?”

            Mariing napapikit siya sa asar. Bakit nga ba nasabi pa niya iyon? Tumango siya. “Oo, bakit masama bang mag-appreciate ng poging pasyente? Minsan lang naman e.”

            In her mere surprise, ngumiti ito.  Ngunit agad nitong binawi ang ngiting iyon. Nabuhayan naman siya ng loob kahit papaano. Mukhang lumalambot na ang puso ng abugadong sushi sa kanya. 

            “Makukuha ko na ba ang  sworn statement of forgiveness mula sa’yo?”

            “Hmm, I’ll think about it.” Tumayo ito. “You may go now, ako isip isip kung ako tawad ka.”

            Nalaglag ang  balikat niya. Alanganin pa pala siya.

            “No.”

            “What do you mean by no?” tanong nito sa kanya.

            “No. I won’t leave your office until you forgive me.”

            “Oh, well. I don’t have so much time for your drama, Nurse Arlene. Bahara ka buhay mo. Ako basta gawa tlabaho ko.”

            He went out of the office at iniwan siya.

            “Uy, sandali! Iyong sworn forgiveness—” Hindi na niya natapos ang litanya niya nang isara na nito ang pinto pagkalabas nito. Buwisit na binalingan niya ang mesa nito at napagdiskitahan ang nakakalat na paper clip. Kinuha niya iyon at iniunat. Doon niya binuhos ang asar niya. Heartless attorney! Matapos ituwid ang paper clip ay ibinato niya iyon sa mesa rin nito. She would stand on her word. Kung paputian ng mata ang gusto nito iyon ang gagawin niya. Mas mainam na ang maghintay sa opisina nito kesa ang mawalan ng trabaho ng tuluyan. Saan kaya pupunta ang sushi na iyon? Hearing? Meeting?

            Maya-maya pa’y pumasok ng office ang secretary ni Xeiji. May bitbit ito na kung hindi siya nagkakamali ay pagkain.

            “Ma’am, lunch ka muna. Pinabilhan ka sa akin ni Sir Xeiji. Okay ba sa’yo ang rice in a box? Masarap iyan. Enjoy eating, Ma’am,” sambit nito habang inilalapag sa mesa ang pagkain.

            “Ipinabili talaga ito ni Xeiji?”

            “Opo, Ma’am. Sweet ni bossing ano? Ay nakakatuwa pong may girlfriend na siya ngayon. At least, hindi na siya tutuksuhin ng mga compañero niya. Nag-iisang single man iyon dito.”

            “Ah, ganon ba?” Lihim siyang napangiti. Sabi na nga ba, may sweet bones din ang masungit na abugado.

            Ah, single ka pala ha. Humanda ka sa akin, attorney. Ako ang destiny mo sa ayaw mo’t sa gusto! Bwahahaha!

           

            BINISITA ni Xeiji sa kulungan si Gilbert Salmendre.

            “Attorney! Nice to see you here. Anong masamang hangin ang nagdala sa’yo dito ha? Sinisiguro mo bang nakakulong nga ako?” sarkastikong banat nito.

            “Hai. And I need to tell you something. Stop scaring the people at PAO. No matter what you do, criminal ass, you will never have your baby. Never! She’s mine now.” Ipinakita niya dito ang papeles na magpapatunay na siya na ang legal na ama ng anak nito. Pinapalitan na rin niya ng pangalan ang bata para hindi na ito madaling i-trace ng tadong ama nito.  “I’m her legal father form now on.”

            Dinanggit nito ang papeles sa kanya at galit na pinagpupunit iyon.

            “Gago ka, attorney. Ibalik mo sa akin ang anak ko!”

            “Not in this lifetime. Not even in after life. Well, ikaw di ka naman punta rangit kung ikaw patay. So just permanently say goodbye to your child. I’m her father now.”

            Pinagmumura siya nito. Kitang-kita na nawala ito sa mayabang na composure nito nang malaman nitong hindi na ito ang legal na ama ng batang pinangalanan niyang Beatriz Joy. Nakabaon na sa hukay ang dati nitong pangalan na Kristine Salmendre. She’s Beatrice Joy Hotoki from now on, his first daughter. Ngayon ay maluwag na ang loob niya. Nabawi na niya ang hustisyang minithi niya ng hawakan niya ang kaso ng namatay niyang kaibigan.

            Tinangka pa siyang upakan ni Gilbert. Galit na galit talaga ito pero sorry na lang  siya. Sa dami ng pulis na nakabantay, agad na may pumigil dito kaya hindi siya nito nasapak. Sarcatically, he smiled. Just the way I wanted to see.  Lihim siyang nagbubunyi. “I just drop by for that. And now that you know it, I’ll go. Have a nice rotten life inside jail, criminal ass.” Tinalikuran na niya ito. Pero natigilan siya sa paglalakad palayo nang humabol ito ng banta sa kanya.

            “’Wag kang mag-fiesta, attorney. Di mo alam ang kaya kong gawin. Hindi kita patatahimikin, tandaan mo iyan.”

            He laughed sarcastically, “Okay, I’ll take note of it. I would even add those threats to your case. How many counts do you want, criminal ass?”

            “Pu—”

            Hindi na nito naituloy ang pagmumura nang kaladkarin na ito ng warden ng bilangguan. “Have a rotten life, Gilbert. You really deserve it and more than that.”

            He went out of the place. Alam niyang nagsisimula palang ang gulo sa pagitan nila ng criminal na iyon pero hindi siya natatakot. Ito lang ang tanging magagawa niya para sa pumanaw na kaibigan. And he would stand for his word. Mamamatay muna siya, bago nito makuha ang anak nito sa kanya.

            Babalik na siya sa office niya. He rode his car. Pero bago siya mag-drive ay tinawagan niya muna ang sekretarya.

            “She’s still there?” Ang tinutukoy niya ay ang makulit na nurse na iniwan niya sa opisina.

            “Yes, Sir. Naibili ko na rin po siya ng pagkain gaya ng bilin nyo. Ay Sir, nakakatuwa po ang girlfriend nyo. Napakamagiliw. Lahat na nga po ng abugado dito nakakwentuhan na siya.”

            “What?” Girlfriend? How come?

            “Ay Sir, lahat ng panyero nyo dito aprub na aprub kay Nurse Arlene. Wag mo na siyang papakawalan Sir. The best siya para sa’yo!” 

            “What? Wait, hold your thought Elise. Siya hindi aking girlfriend!” Sa yamot niya ay pinutol na lang niya ang tawag. Things are getting worse than he thought. To think na wala pang 24 hours na nasa paligid niya ang makulit na nurse.

            Bigla siyang nakaramdam ng gutom. Namataan niya ang pagkain na ibinulaga sa kanya ni Arlene kanina lang.  Kinuha niya iyon.

           Wara kaya poison ito? Kahit may pag-aalinlangan ay naengganyo siya ng mabagong amoy ng pagkain. Binuksan niya iyon. Mula sa dashboard ng kotse niya ay kinuha niya ang spare spoon na minsang ginagamit niya pag trip niyang kumain sa loob ng kotse niya. Tinikman niya ang beef steak. In his mere surprise, masarap ang pagkakaluto noon. At ang simpleng tikim ay nauwi sa pagkaubos ng beef steak.

            Okay now that you fed me with decent food, you’re forgiven Nurse Arlene. Napangiti siya nang maalala ang mukha ng nurse. Suki desu, Arlene-chan. Natigilan siya sa naisip na iyon. Ano daw? He just thought he liked her. Paano na ang pagsinta niya kay Lanlan Custodio whom happened to be his first love?

            Umiling siya. Iie. It was just because of the yummy beef steak. I should not like Arlene. Nagmaneho na siya pabalik ng opisina niya.

            Pagkarating niya roon ay sinalubong siya ng mga compañero niya. Ang lahat ay bumabati sa kanya ng  congratulations na animo’y may kaso na naman siyang ipinanalo. Pero iba ang rason ng pagbati ng mga ito sa kanya. All because everybody thought he finally got a girlfriend. Kung alam lang nila. Sinalubong din siya ng secretary niya at sinabing nasa loob pa rin ng office ang nurse. Mukhang hindi rin ito susuko makuha lang ang forgiveness niya. What a condition! Ang ninong niya talaga kung anu-ano rin ang naiisip na kalokohan. 

            Pagkapasok niya sa opisina ay si Arlene agad ang nakita niya, still sitting in the visitor’s chair. Nakahilig ang ulo nito sa gilid ng mesa at tulog na tulog. Di niya alam kung anong espiritu ang sumanib sa kanya nang lapitan niya ito at matamang pinagmasdan habang himbing itong natutulog. Kaya laking gulat niya nang magsalita ito.

            “Ikaw. Mahirap ba ako patawarin? Buhay ka pa naman ah. Sige na oh,” sambit nito sabay hilik.

            Napakunot ang noo niya. Sleeptalking?

            “Ang lungkot pala ng buhay mo. Wala ka ng pamilya. May mga kaibigan ka nga pero hindi naman sila sapat para mapasaya ka. Wala ka ring girlfriend, bigo ka sa pag-ibig. Iyon first love mo, si Lanlan Custodio, ilang beses ka ng binasted…” pagpapatuloy  na sleep talk ni Arlene.

            Napakunot lalo ang noo niya. Sinong matabil ang dila ang nagkwento ng buhay niya dito? Maliban sa kanyang secretary, may mga ilang kapwa abugado rin ang may alam ng history niya.

            “Kulang ka ba sa pagmamahal kaya masungit ka? Ako… mamahalin kita. Buong puso, walang alinlangan… pero asa pa ako. Allergic ka nga sa akin e. Uy, patawarin mo na ako ha? Dalawang araw na akong walang sweldo. Haaay, wala  na akong pantustos sa sikmura ko. Awa mo na sa isang dukha, Xeiji…. Xeiji…kahit masungit ka gusto kita.”

            Nagulat siya sa mga pinagsasabi nito. Totoo  ba lahat ng iyon o talagang nananaginip lang ito?

            Bago pa kung anu-ano ang maisip niya ay hinayaan na lang niya itong matulog. Ginawa na niya ang sworn statement of forgiveness at ni-notaryo na  rin niya.  Pagkatapos ay inabala na niya ang sarili sa mga papeles ng hinahawakan nyang bagong kaso.

            Malapit ng matapos ang office hours nang magising si Arlene. Nagulat pa ito nang makita siya.

            “Andyan ka na pala. Bakit di mo ako ginising?” She amazingly laid her head again on the side of the table. Ang mga braso nito ang nagsilbi nitong unan.

            “Ako di ugari, manggising turog na nurse.  If you felt tired, you should step out and went home.”

            “No, unless you give me that forgiveness chuchu. What’s up, Fafa Xeiji? Nakapag-isip ka na ba?”

            “What? What did you call me?”

            “Fafa Xeiji,” kampanteng sagot nito sabay tayo. Pero bigla itong nabuway kaya umupo na lang uli.

            Initial reaction tumayo siya para daluhan ito. “Okay ka rang?”

            Binalingan siya nito ang ngumiti. “If you want love, I’ll give you love.”

         Tila napasong binitawan niya ito. “The moment I went out you are just asking for the sworn forgiveness. Why are you talking about love by now?”

            Hinilot nito ang ulo at nag-unat. “Eh kasi di bagay sa’yo ang humabol-habol sa babae. You deserve someone to love. Open ako sa possibilities, attorney.”

            “Ako, hindi!” Itinuro niya ang pinto. “Get out! You already messed up my life in just one whole day. People here think we are in relationship.”

            “Ayaw mo noon? Isinalba kita sa lonely guy image mo. Tuwang-tuwa sila na may girlfriend ka na.”

            “I don’t need it. Get out!”

            “Okay fine! Patawarin mo muna ako!”

            “No!” Tinalikuran niya ito at iniwasan. Pero sinundan siya nito.

            “Patawarin mo na ako, please!”

            “No!”

            Kung saan siya pumunta ay sinusundan siya nito. Halos naghabulan tuloy sila sa loob ng opisina.

            “Patawarin mo na ako!”

            “No!”

            “Patawarin mo na ako.”

            Nakukulitan na siya dito at nauubos na pasensya niya. “No.”

            “Patawarin mo na ako! O kung gusto mo, tayo na para mas masaya.”

            “Oo na! Oo na!”

            Natigilan ito at natigilan din siya nang mapagtanto ang sinabi niya. Magiliw na niyakap siya ni Arlene.

            “I love you, Fafa Xeiji ko!” Hinalikan pa siya nito sa pisngi bago ito magiliw na lumabas ng office niya. Naiwan siyang tulala at naguguluhan.

            What was that? Namataan niya ang sworn statement of forgiveness na kanina pa nitong kinukulit sa kanya. Kinuha niya iyon at akmang hahabulin si Arlene nang maisip niya ang mga huling eksena niya. Oh my! Ayoko pikot!

            He promised himself na iyon na ang huling pagkakataon na makakalapit sa kanya ang wirdong nurse na iyon. Markado na ito sa buhay niya.



            3 months later…

           
           
            “NASAAN na kaya ang hombreng abugado na iyon?” tanong ni Arlene sa sarili habang naglalakad siya sa kalsada mula sa hospital kung saan siya nagtatrabaho. It’s been 3months mula nang maging sila ni Xeiji. Well, hindi naman talaga sila. Trip lang niyang habul-habulin ito at isipin nito na sineryoso niya ang kalokohang offer niya noon. Pinangatawanan niya na siya ay girlfriend nito sa kabilang ng katotohanang alam niya na ang gusto nito ay ang kapitbahay nitong si Lanlan Custodio na siyang nakita niyang nagseseromon dito nung araw na una niyang nakilala si Xeiji.

            Following him and acting that she’s dying to have him made her feel happy. Natatawa at natutuwa siya sa reaction nitong parang isa siyang malaking virus na kakainin ito ng buhay. Plus the fact the she loved his Japanese wordings kahit hindi siya sigurado kung ano klaseng pagmumura o foul words ang sinasabi nito. Somehow, nasanay na siguro siya. Isa lang ang totoo. Seryoso siyang maibaling sa kanya ang atensyon ng abugadong sushi para hindi na ito patuloy na masaktan sa pagkabigo nito kay Miss Lanlan. Kung bakit siya ganon? Hindi rin niya alam.

            “Haaay…” Ilang araw na rin niyang hindi nakikita si Xeiji. Tumawag siya sa opisina nito sa PAO pero ang sabi ng secretary nito ay wala ito sa opisina. Pero may nakuha naman siyang relevant  data. Nabasted na naman ito ni Miss Lanlan. Iyon din ang rason kung bakit niya ito hinahanap. Gusto niyang ma-divert attention nito. “Asan ka na kasi? I miss you so much na Fafa Xeiji!”

            Naglalakad na siya sa sidewalk ng mga food establishments nang mahagip ng mata niya si Xeiji sa loob ng Kofi Cups and Sweets. Napangisi siya. Walang patumpik-tumpik na pumasok siya sa coffee shop at agad dinaluhan ito ng mahigpit na yakap.

            “Fafa, Xeiji!”

            “Arlene, get off me!” iritableng hirit ni Xeiji.

            Pero deadma siya sa hirit nito. “Sinabi ko na sa’yo. Hindi ka nga niya gusto. Bakit ba sinasayang mo ang oras sa kanya e meron naman ditong nagmamahal sa’yo ng buong puso, atay, balunbalunan, esophagus, larynx, hinlalaki at hinliliit!” buong acting na litanya niya.

            Nag-create ng tawanan ang sinabi niya. Doon lang niya napansin na marami pala itong kasama sa mesa at pati ang ibang customers doon ay nakatingin sa kanya.

            “Ang sarap naman ng pagmamahal mo. Miss?” sabat ni Chrysler.

            “Arlene Bathan, nurse iyan do’n sa hospital kung saan ako nagdu-duty,” sabat din ni Dhey.

            Nginitian niya si Doc Dhey bago binalingan ang mga kasama nito sa mesa. “Registered Nurse ako. Marunong akong mag-alaga at marunong magmahal.” Inilapit niya ang ilong sa bunbunan nito. “Hmm, ang bago mo naman, Xeiji.”

            “Ikaw hindi! Amoy hospitar!” angal nito. “Tottoto dete ike.”

            Haay ayan ka na naman, nagpapakyut sa akin. Masuyong hinaplos niya ang pisngi nito. “Ay, ‘wag kang mag-Nihonggo. Baka isipin ko, naga-aylabyu ka na sa’kin,” tudyo niya dito na lalong ikinaasim ng mukha ng abugadong tempura este sushi pala.

            “Baka ne! You fool. Get the hell out of here! Hindi kita mahar okay!” pagtataboy nito sa kanya habang pilit na inaalis ang braso niyang nakayakap sa balikat nito.

            Bumitaw na siya dito at tumayo ng maayos. “Sige, I’ll give you a break. Pero hindi ibig sabihin no’n e titigilan na kita. Hindi kita lulubayan tandaan mo iyan.” Naglakad na siya papalabas ng shop nang bumaling siya dito. “Hindi ako titigil hangga’t hindi mo nare-realize na hindi siya ang dapat mong mahalin dahil hindi ka naman niya mahal. Hindi ako titigil hangga’t hindi nabubuksan ang puso mo para sa’kin, attorney,” makabagbag damdaming saad niya sabay mega-exit. Iniwan niyang natahimik ang mga tao sa Kofi Cups.

            Ang ikli lang ng pagtatagpo nila pero kakaibang saya ang dulot niya sa kanya. Nasapo niya ang dibdib. Malakas na naman ang kabog ng puso niya. Hindi kaya in love na siya? Ako in love sa kanya? Weeee! Type!

            Nakangiting pinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa makarating siya sa bahay na inuupahan nila nina Eloi pansamantala habang pinapagawa pa nila ang kanilang dream house.

            Katatapos pa lang niyang magbihis nang mag-ring ang cell phone niya. Hindi naka-registered ang number ng tumatawag. Agad niya iyong sinagot.

            “Hello?” Walang boses na tumugon. “Hello?”

            “Ikaw.” Isang nakakasindak na malalim na boses ng lalaki ang narinig niya.

            “Sino ito?”

            “Gusto ko lang malaman mo na papatayin ko siya. Hindi ko titigilan ang pananakot sa lahat ng tao sa paligid niya. At kamalas-malasan mo lang, Miss isa ka sa idadamay ko.”

            Kinilabutan siya sa sinabi ng frank caller na iyon. “Ha? Ano? Sino bang tinutukoy mo?”

            Tumawa ito na parang demonyo. “Ikaw, si Attorney Xeiji at ang mga kaibigan niya. Isinusumpa ko, mamamatay din kayo sa mga kamay ko.”

            Waaah! Ano daw iyon?  “Hello? Death threat ba ‘to? Hello!” Busy tone na ang sunod niyang narinig.     Kinabahan siya sa natanggap na tawag. Paano kung seryoso ang frank caller na iyon? Papatayin siya? Sa paanong paraan? Sina Xeiji? Papatayin din?  Napatalukbong tuloy siya ng kumot sa takot.

            “Ay! Waaah!” Napatili siya nang mag-ring uli ang cell phone niya at isang unregistered number na naman ang tumatawag. Naglakas loob pa rin siyang sagutin ang call. “H-hindi ako natatakot sa’yo! Kung gusto mo kaming patayin ni Fafa Xeiji then go. Gora! Kala mo!”

            “What? Arlene, did you receive any death threats?” Hindi ang nakakatakot na frank caller ang sumagot sa kanya kundi ang nag-aalalang boses ng kanyang hinahabol na abugadong tempura with special sauce.

            “Fafa Xeiji?” Bahagya siyang napangiti nang mapagtantong sa wakas ay tinawagan na siya nito.

            “Yes, it’s me. Ako sana hingi sorry sa sabi ko kanina. But anyway, ano sabi mo kanina? Who called you up?”

            “May tumawag sa akin, papatayin daw niya ako kasi konektado ako sa’yo. Papatayin  ka rin daw niya at ang mga kaibigan mo. Uy Fafa Xeiji, natatakot ako!” Hanggang sa mga oras na iyon ay kinakabahan pa rin siya. Pero hindi na siya sigurado kung  ang kabang iyon ay dahil sa takot o dahil sa malamyos na tinig ni Xeiji.

            “Wag ka takot. Ako padara puris bahay mo pala bantayan ka.”

            Nagulat siya sa concern na ibinibigay nito sa kanya. Parang hindi totoo. Naninibago siya. “Talaga? Gagawin mo iyon para sa akin? Waaaah, ang sweet mo naman Fafa Xeiji ko! Muwaaaah!”  

            “Why are you like that to me?” Iritable na naman ang boses nito. 

            “Like what?”

            “You always like you are dying to have me.”

            “I’m dying to have you Xeiji. Ako na lang kasi. Ako, mamahalin kita. Aalagaan kita. Ibibigay ko sa’yo lahat ng gustuhin mo. Alipin mo ako!”

            “Stop the game, Arlene. Ikaw sakit lang pag turoy mo pa yan gawa mo. I can’t love you. I’m so much in love with my Ranran beybs.”

            “Hindi ka niya mahal. Ang kulit mo naman. Ah basta, wag mo na akong intindihin. Chill ka lang diyan. Mamahalin kita kahit hindi mo suklian. Hmmm, natanggap mo ba ang monthsary cake gift ko sa’yo?”

            “Don’t waste your money, time and love for me. You don’t deserve me.”

            “Don’t—” Busy tone again. He ended the call without saying goodbye or even take care.


          
  I like you Xeiji. Mamahalin mo rin ako, bigyan mo lang ako ng time aakitin talaga kita.









PREVIOUS                                                                    NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…