Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: Labs Kita Kasi- Part 1




3 months ago…


            “Tikiboy…Tikiboy! Kelan ka ba magsasawa sa syota mong hangin ha?” tanong ni Arlene habang naglalakad sila ni Eloi sa pasilyo ng pribadong hospital para sa mga mayayaman kung saan silang dalawa ay nagtatrabaho bilang Staff Nurse para sa exclusive wards na mostly mayayaman ang nako-confine.

            “Eh hayaan mo na ako. Malapit ko na naman siya makita. Three months na lang, magkakadaupang-palad na kami ng aking Tikiboy, Tikilabs na magbibigay sa akin ng Tikikeyr. Oh yes!”

            “Adik!”

            “Tse! Iyong love life mo na lang kasi ang intindihin mo at wag na iyong sa akin,” hirit ni Eloi sa kanya.

            “Ay pass na ako diyan.” 

She had enough of love life. Siguro ay nagsawa na rin siyang maghangad na may darating pang lalaki na mamahalin siya ng totohanan. She had been through several relationships at lahat ng iyon hindi nagtagal.  She started to have a boyfriend noong estudyante pa lang siya. Kahit bawal pa ay nagkaroon siya ng ilang lihim na relasyon. Pero sa di niya mawaring dahilan ay hindi rin nag-last ang mga iyon. Iniwan din siya ng mga naging boyfriend niya.

At ngayon ilang taong na siyang graduate at pwedeng-pwede na siyang magboyfriend, saka naman siya nawalan ng ganang makipag-date. Nahusto na lang siya sa pagbabasa ng mga romance pocketbooks kung saan lahat ng love stories ay may happy ending.


           “Ngayon ka pa nag-pass kung kelan pwede na mag-boyfriend. May blessing ka na sa magulang mo di ba?”

            “Aanhin ko naman iyong blessing kung wala namang nagtityaga sa akin? Ay naku, basta ayaw ko na muna. Career woman ang drama ko ngayon.”  Naghiwalay sila ni Eloi nang maabot nila ang dulo ng pasilyo. Kumaliwa siya para puntahan ang silid ng bago niyang pasyente.

            She was held one of those in demand nurses sa hospital na iyon. Madalas kasi ay nagre-request ang mga pasyente ng magaling na nurse na personal na aasikaso sa mga ito habang naka-confine sa hospital na iyon.

            Tiningnan niya ang info sheet na nakasipit sa clip board na bitbit niya. Japanese ang bago niyang pasyente.  Hmm, Atty. Xeiji Riomi Hotoki, 27, may chronic peptic ulcer. Another workaholic guy for sure.

            Ilang beses na siyang nagkaroon ng mga mayayamang pasyente na may ulcer at isa rin lang ang assessment niya. Nagkakasakit ang mga ito dahil sa over na pagtatrabaho para magpayaman. But this one was a little different from young businessmen na naging pasyente niya. Kaibigan ito ni Doc Dhey at ayon sa doctor isa daw sikat ng public attorney ang half-Filipino half-Japanese na ito. Hmm, quite impressive.

             Siniguro muna niyang maayos ang itsura niya bago siya kumatok at pumasok sa silid. Isa iyon sa mga golden rules na pinapatupad sa kanila. Kailangang maayos na maayos silang mga nurses bago humarap sa pasyente.

            “Good morning, Sir!” agad na pagbati niya pagkabukas niya ng pinto. Ngunit walang pumansin sa kanya. Inabutan niyang sinesermunan ng babaeng kasama ng pasyente ang pobreng abogadong sushi.

            “Ewan ko sa’yo Xeiji! Sinasabi ko sa’yo, hindi ako charity! Butihing cute na kapitbahay lang ako. Pinapakain na nga kita ng libre sa bahay ko pero waley, nagkakasakit ka pa din! Ano na namang dahilan niyan? Kumain ka na naman  ba ng bawal sa’yo? Nag-inom ka na naman? Sinabi ng bawal ang alak sa’yo! Pagkatigas ng ulo mo.”

            “Ranran beybs, wag na selmon, please! Sakit na nga ako, selmon ka pa,” malambing na ungot ng pasyente.

            Babes? Magsyota?  The woman also looked rich. In fact, mukha rin itong artistahin. And in fairness mukhang pamilyar ito sa kanya.

            “Tse! Wag mo nga akong tawaging babes! Ewan ko sa’yo!”  Binalingan siya ng babae. Ngumiti lang siya. “Nurse, ikaw na bahala sa tempura na iyan. Turukan mo ng pampatino kung pwede. I’ll just be in cafeteria for a while.” Naglakad na ito palabas ng pinto pero lumingon muna ito sa kanya. Nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanya at sa pasyente. “Parang bagay kayong dalawa. Ikaw na bahala, Nurse Ganda!”

            Pasimpleng nailing na lang siya nang tuluyang makalabas ng silid ang babae at naiwan silang dalawa ng pasyente niya. Nilapitan na niya ito.

            “Hi!”  Nahigit niya ang hininga nang hustong makalapit siya dito.  Her patient was smiling at her. Biglang kumabog ang puso niya. Ni minsan sa buhay niya ay hindi pa siya natutulala sa isang lalaki… ngayon pa lang. Napagmasdan niyang mabuti ang binata.  Wala atang kapintasan ito. From hair to expressive eyes to pointed nose, red lips, makinis na kutis, hanggang sa hubog ng katawan na bagama’t naka-hospital patient gown ay halata sa balikat at braso nito na batak sa gym ang katawan nito. He was definitely stunning. Tila nahipnotismo siya nang ini-offer nito ang kamay sa kanya.

            “I’m Xeiji, your poor cute patient for today Nurse….” Binalingan nito ang nameplate niya. “Nurse Arlene. Nice meeting you.”

            “Ang gwapo mo!” wala sa sariling nasambit niya.

            “Huh?”  Kumunot ang noo nito at ngumiti.

            Uy Arlene gising! Nakakaintindi ng Tagalog iyan, lagot ka!

            Pero parang may sariling isip ang kamay niya nang tanggapin niya ang ini-offer nitong shake hands. At tila huminto lahat ng bagay sa paligid nila nang magdampi ang kanilang mga palad. Pawang nabago ang lugar, napunta silang dalawa sa green fields may mga bulaklak sa paligid, may naririnig siyang classical music.

            Maang na nakatingin lang sila sa isa’t isa na pawang pareho ng ilusyong naramdaman. Anong meron kang lalaki ka at nagkakaganito ako?

            Patuloy ang imaginary classical music habang niyakap siya nito. Inilapat nito ang pisngi sa kanyang pisngi at sumayaw sila sa saliw ng musika hanggang sa… umeksena sa gitna nila si  Lady Gaga.

            Sorry, I cannot hear you, I’m kinda busy…K-kinda busy. K-kinda busy…

            Naglaho ang green fields, ang classical music at ang pagkakayakap sa kanya ni Xeiji. At nagising siya day dreaming. Nakangiti lang sa kanya si Xeiji, magkahawak pa rin ang kanilang kamay at iningunguso nito ang kung ano sa bedside table.

            “Pwede abot mo serpon ko?” sambit nito sabay ngiti.

            Tila napasong binitawan niya ang kamay nito at kinuha ang cell phone na kasalukuyang sinasaniban ng espiritu ni Lady Gaga.

            “Herow?!” sagot ni Xeiji sa phone. Biglang kumunot ang no nito na tila sumama ang timplada. “If you want to kill me then kill me okay! Wag na kayo aksaya load ako takutin! Bakero!” May pahabol na pagmumura pa ito na hindi na rin niya naintindihan dahil Japanese language.

            Napapitlag siya nang sumigaw ito na tila galit na galit sa kausap. Napalayo tuloy siya dito. Though hindi naman iyon ang unang pagkakataong nakaharap siya ng magagaliting pasyente, iba ang dating ng boses ng abogadong sushi na ito. Pawang lahat ng lalabas sa bibig  nito ay batas at nakamamatay.

            Seryosong tumingin ito sa kanya. “Gomen nasai,” paghingi ng tawad nito. Sinapo nito ang sikmura. “Ikaw, gawa mo na dapat gawin. I want to rest.”

            Pero tila naistatwa lang siya sa pagkakatayo niya sa di kalayuan.

            “What? I thought you are the best nurse here? Gagaring ba ako kung titingnan mo rang ako? Do you your job, Nurse Arlene or I’ll do all means to make you out of this hospital,” tila ibinunton na nito sa kanya ang init ng ulo nito.

            “Y-yes Sir!” Nataranta tuloy siya dahil pataas ng pataas ang boses nito. Nabitawan tuloy niya ang clipboard na hawak dahil biglang nanginig ang kamay niya.

            “And what was that? Dabog ka?”  mataas pa rin tono nito.

            Anong nangyari sa Xeiji na mala-prince charming na inilusyon niya kanina? Para itong halimaw kung makapanigaw ngayon at talaga namang nasisindak na siya.

            “S-sorry Sir!” Nagmadali siyang  pulutin ang clipboard at nilapitan niya muli si Xeiji. Hindi ito ang tamang timing para pumalya siya. Hindi pa siya handang mawalan ng trabaho. “C-check ko p-po blood pressure nyo, Sir.”

            He just lazily offered his arms to her. Kahit nanginginig pa kamay niya ay sinikap niyang pakalmahin ang sarili. Pero nawala uli siya sa composure nang mabalingan niya ito. Nakapikit lang ito na pawang natutulog. Kumabog muli ang puso niya sa di niya alam na dahilan.

           Hindi tuloy niya namalayan na over na pala ang pag-press niya sa manual sphygmomanometer na ginagamit sa pagkuha ng BP. Natauhan lang siya nang suminghap si Xeiji, sinamaan siya ng tiningin at puwersahang inalis ang aparato sa braso nito.

            “Are you going to kill me or what? Baka!”  

            Ano ba? Gusto mo ba ng nilagang baka? Kanina ka pa! “S-sorry po, ulitin ko na lang Sir!”

            Pero nang akmang hahagilapin uli niya ang braso nito ay tinabing nito ang kamay niya. Iie! No. I have this feeling I’m going to die if you touch me again,” gigil na sambit nito sa kanya sabay sapo nito sa sikmura at bahagyang napasinghap.

            Agad pa rin niya itong dinaluhan. “Sir? Calm lang po kayo.” Inalalayan niya itong makahiga ng maayos. “Alin po masakit sa inyo?” Kailangan niyang gumawa ng assessment bago itawag sa doctor ang dinadamdam ng masungit na pasyenteng ito.

            “Onaka ga itai no desuga kusuri o moraemasuka?

            “Ha?”

            “Isha o yonde kudasai.”

            “Sir, paki-english po. Hindi po ako marunong mag-Nihonggo.”

            “Baka ne!” Umiling ito ang hinagilap ang cell phone nito.at nag-dial ng number. “Dhey-chan!” Inulit ito ang Japanese na sinabi nito kanina pagkatapos ay tinignan siya ng masama. “Iyong nurse mo, ayaw ko. Patay niya ako pag ito tagal pa kwalto ko. Fire her!”

            Tumaas na naman ang boses nito. Ano daw iyon? Pinapasesante siya nito? Hindi pwede iyon! Paano na ang plano niyang mag-abroad? Hindi siya papayag. Masisira ng lalaking  ito ang pangarap niyang yumaman.

            “Sir, I’m sorry po. Please, wag nyo po ako ipapasesante. Babawi po ako. Kung gusto nyo mag-private nurse ako sa inyo ng libre, wag nyo lang po—”

            “No! Tottoto dete ike!

            “Sir! English po.”

            Umiling-iling ito at iminuwestra ang pinto. “I just said that I have a stomachache and I’m asking for medicine. I’m asking you to call a doctor. But you just look at me! Now, get the hell out of here!”  Sa wakas naintindihan niya ang puro Japanese na sinabi nito kanina. Iyon nga lang tinataboy na siya nito.

            “Xeiji! Tama na iyan!” Pumasok ng silid si Doc Dhey. Binalingan siya nito. “Sige na ako na bahala kay Xeiji. Pasensya ka na. Bugnutin talaga ang  isang iyan eh. Mag-usap na lang tayo sa opisina ko.”

            “Sige.” Binalingan niya  muli ang pasyenteng masungit. Sayang, fafanez ka pa naman kaso….ang sungit mo! “Sir, sorry po. Sabihin nyo lang po kung paano ako makakabawi.”

            “Just get out!”

            “O-opo.”

            Lumabas na siya ng silid bago pa siya mapatay ng deadly wordings ni Xeiji. Naglalakad na muli siya papunta sa office ni Doc Dhey nang muli niyang maalala ang gwapong mukha ng abogadong sushi, ang malambot nitong mga kamay at ang malambing nitong ngiti. Nasapo niya ang dibdib nang biglang bumilis ang tibok noon. Bakit siya nag-mark sa isip ko?  Siya mismo ay nawiwirduhan sa mga nangyari. Wala sa plano niya ang ma-attract sa lalaki sa mga panahong ito. Pero bakit andaming pumapasok sa isip niya na may kinalaman sa abugadong masungit na iyon?



            “ANO? Mate-terminate na ako?!” gulat na tanong ni Arlene sa immediate superior niya. Kanina lang, pagkapasok niya sa duty ay bonggang-bonggang memo agad ang sumalubong sa kanya. Ipinatawag siya para ipaalam sa kanya na nanganganib siyang ma-terminate at ayon sa memo, due to incompetency at irrelevant daw.

            “Nurse Arlene, alam mo naman na ang mga tulad nating nasa field of medicine ay walang karapatang magkamali. May natanggap kaming complaint mula sa isang pasyente,” sambit ng Chief Nurse.

            “Pero Sir Xenon, hindi naman malala iyong naging mali ko. Nag-sorry naman po ako. I’ve been working here for three years now. Hindi naman po madaling basta na lang iwan itong Caliraya Med.”

            “Pati ako manghihinayang, Nurse Arlene. So far, ikaw pa nga lang ang nagtatagal na nurse dito dahil mostly after mag-gain ng experience, lalayas din dito para mag-abroad. In fact, magaling kang nurse. I wonder what happen to you and Atty. Xeiji Hotoki,” may halong malisyang tanong ng poging chief nurse nila.

            “Sir!”

            “What? Got attracted with your patient?”

            Chever!  May pagsa-manghuhula ata itong Chief Nurse nila. Ayaw man niyang aminin parang tinamaan nga siya ng kung anong magnet mula kay Xeiji. Mula nang makita niya ito 3 days ago, hindi na ito nawala sa isip niya.

            “Sir naman! Pinapa-fire na nga niya ako kung anu-ano pa iyang iniisip mo.”

            “Okay lang naman iyon basta wag ipapaalam sa top management. Anyway, pinapa-terminate ka na nga niya.”

            “Sir, baka naman pwede nating pag-usapan ito. Hindi ako ready mawalan ng work ngayon. Hindi rin naman severe grievances ang nalabag ko.”

            “Oo nga, Arlene pero kasi iyong may-ari ng hospital mismo ang nagpatanggal sa’yo. Unfortunately, he was Atty. Hotoki’s Ninong.”

            “Oh, Lord!”

            Bumagsak ang balikat niya sa  sa napag-alaman. Ano pang laban niya? Kung bakit kasi sa dinami-dami ng pasyenteng magiging palpak siya, bakit doon pa sa inaanak ng may-ari ng hospital?

            “Wala na bang ibang paraan? Sir Xenon, sige na please. Tulungan mo naman ako. Ayokong mawalan ng trabaho.”

            “Hmm, let’s see.” Xenon grabbed the phone and dialed a number. “Pare, kamusta? Eh eto may ipapakiusap ako sa’yo e. Baka naman mapapakiusapan mo ang tatay mo na wag na sesantehin itong nurse ko. Kulang na rin kasi tayo ng nurses dito sa hospital eh. Magaling naman itong nurse eh. Ah, ganon ba? Iyon lang? Sige.”

            Nakangiting binalingan siya nito. “O may paraan pa.”

            Nabuhayan siya ng loob. “Ano?”

            “You need to apologize and  secure a sworn statement of forgiveness from Atty. Xeiji.”

            “Ha?”

            Makikita niya muli ang masungit na abogado? Kayanin niya kaya? Hmmm, madalhan nga ng baka iyon!


            “SWEAR! Kayo hindi gusto maging nurse iyon. Kuha rang blood pressure pala papatayin ako,” kwento ni Xeiji sa mga kaibigan niya habang nagkakape sila sa Kofi Cups and Sweets na pagmamay-ari ng kaibigan niyang si Kofi.

            Kofi served his favorite Café breva and some bakewell tart na may almonds at raspberry jam.

            “Mukhang interesting na nurse siya. Hindi  ka naman madalas nagkukwento sa mga palpak na nurse na nakakasagupa mo dahil sa ulcer mong iyan. So far siya lang ikinukwento mo,” hirit ni Chrys.

            “Not to mention, with full-pack emotions pa,” dagdag ni Cattie. “Maganda ba siya kuya Xeiji?” may mahalong malisyang tanong nito.

             Napangiwi siya. Oo, maganda nga sana si Nurse Arlene. If only she didn’t meant to kill me with that BP apparatus. “No!”

            “Yes!” kontra naman ni Dhey. “Maganda si Nurse Arlene. Not to mention, single siya ngayon at magaling mag-alaga ng pasyente iyon. Minalas lang siya at naging pasyente niya si Xeiji.”

            “Pare, single daw. Ligawan mo na. Tutal naman mukhang may konek na kayo,” hirit naman ni Kofi.

            “Iie! Ano magaring mag-araga? Muntik na nga ako patayin.”

            “OA. Sphygmomanometer lang iyon ano,” pakli uli ni Dhey. “Kawawa nga si Nurse Arlene dahil sa’yo. Naku mami-miss ko talaga siya.”

            “Bakit naman?” tanong ni Leo. Bumaling ito sa kanya. “Wag mong sabihin, pinasesante mo rin siya tulad nung mga dating nurse na hindi mo nakasundo?”

            “Serves her right,” simpleng sagot niya sabay higop ng kape. Hindi niya alam kung talaga bang malas siya pagdating sa nurses na umaasikaso sa kanya o talagang may kung ano lang siya impact sa mga babae. So far, babaeng nurses lang naman ang pumapalya kapag inaasikaso siya. Malas lang ni Arlene dahil ninong niya ang may-ari ng hospital kung saan ito pumalyang maging nurse. Madali sa kanyang magreklamo at mag-request ng termination.

            “You’re rude. Sayang si Nurse Arlene, type ka pa naman niya.”

            Muntik na niyang maibuga ang iniinom na kape. Ano daw iyon? Type siya ni Arlene? “What? That incompetent nurse, ako type? Type what? Patayin?” 

            “Baka naman kasi na love struck lang sa’yo kuya Xeiji. Sa gwapo mo ba namang iyan? Eh kung hindi tayo childhood friends magkaka-crush din ako sa’yo e,” sambit ni Cattie.

            “Ako rin pare, minsan nagkaka-kras ako sa’yo,” sakay na biro ni Kofi na ikinatawa nilang lahat.

            “Oo pare.” Pabirong hinaplos pa ni Chrysler ang pisngi niya. “Ang gwapo mo…pare!”

            Umugong ang tawanan nilang magkakaibigan sa shop. Hindi tuloy naiwasan na makigulo ang ibang customers.

            “Sabi na nga ba, may nagsa-slide sa gilid diyan eh,” hirit ni Rojun sabay higop ng black coffee nito.

            “I second the motion.”

            “Tinutukoy nyo ba mga sarili nyo?” sabat ni Dhey.

            Siniko ni Rowell si Rojun. “Tinutukoy mo daw sarili mo.”

            “Hindi ano? Artistahin ata ‘to! Ano na Dhey? Kelan tayo magde-date?” Kinindatan pa nito ang kaibigan niya.

            “Date mo iyang mukha mo!”

            Naiiling na pinagpatuloy na lang ni Xeiji ang paghigop ng kape still thinking about that last nurse that he wished to be fired. Alright. Hindi rin niya alam ang dahilan pero hindi niya makalimutan ang palpak na nurse na iyon.

            His phone rang and he immediately answered the call. “Yes?”

            “Attorney, may  mga unwanted men sa labas ng office. Armed sila, Sir at kanina pa paikot-ikot at pabalik-balik dito,”  sambit ng sekretarya niya.

            “Tawag ka puris,” kalmadong tugon niya. Sanay na siya.

Being one of the best attorney sa hilera ng mga abugado ng Public Attorney’s Office o PAO, hindi na bago sa kanya ang makatanggap ng death threats at kung anu-ano pang pananakot mula sa mga tao o kamag-anak ng mga nai-shoot na niya sa selda.  Recently, ay nagiging madalas ang threat sa buhay niya mula nang maipakulong niya ang isa sa most-wanted Drug Lord ng bansa na si Gilbert Salmendre. Naging maiinit ang isyu sa pagitan nila ng drug Lord na iyon. That criminal was the reason of his best friend’s death. At ngayon naipakulong na niya ito, sinusubukan naman nitong takutin siya. Pero hindi siya papatalo. Kahit ikamatay pa niya, hindi niya hahayaang  makuha nito ang anak ng kaibigan niya na nung isang araw lang nila nabawi sa criminal na iyon.

“Sir, natatakot na po ako.”

“Just calm down, Elise. I’m on my way there.” He ended the call. At tumayo mula sa couch na inuupuan nilang magkakatropa.

“Problem?” tanong ni Dhey.

“As usual, threats, death threats and never ending threats. I’ll go back to PAO bago pa rayasan ako secretary ko. Takot siya na e.”

Lumabas na siya ng Kofi Cups  at tinungo ang kotse niyang naka-park sa di kalayuan. He was about to ride on his car nang bigla na lang sumulpot sa tabi niya si Arlene. “Uy!” Nagulat pa siya.

“Hi!” nakangiting bungad sa kanya ni Arlene na tila balewala kung atakihin siya sa puso dahil sa pagkagulat dito.

Sabi na nga ba. Walang magandang maidudulot sa kanya ang babaeng ito kundi kunsumisyon. “Ikaw naman! Ikaw bakit surpot bigra diyan?”

            Ngumiti ito na parang nang-aasar pa ata. “Alam mo, Sir Xeiji, ng kyut mo lalo na pag nagta-Tagalog ka.”

            Oo na, barok nga siya mag-Tagalog. Lumaki naman kasi siya sa Japan at dito lang siya nag-kolehiyo. Baluktot na ang dila niya at hindi na rin niya maituwid pero hindi niya ikinahihiya iyon. In fact, proud siya na sa kabila ng pagiging Half Japanese na lumaki sa kultura ng Japan, hindi niya pa rin nakalimutan na isa siyang Pilipino.

            “I don’t need your damn opinion, incompetent nurse. So if you don’t mind, get out of my sight. I’m on a hurry.”

            “Hep!” Pinigilan nito ang akmang pagsara niya ng pinto ng driver’s seat.

Napilitan tuloy siya lumabas uli at harapin ito. Saka lang niya napansin ang hitsura nito. She’s a little different from the formal nurse in white since he last saw her. Naka-bestida ito, nakalugay ang buhok, at may make-up. Okay, as a man, he appreciated her beauty. Pero hindi ibig sabihin nun ay truce na sila. Hindi pa rin niya malilimutan na sinakal nito ang braso niya para lang sa simpleng pagkuha ng blood pressure. 

            “Nani?” Gaya ng dati ay nakatunganga na naman ito sa kanya. Nauubos lang ang oras niya at baka pag hindi pa siya nakaalis ay kung ano ng mangyari sa PAO or worst, layasan siya ng sekretarya niya.

            “Alam mo, Sir Fafa Xeiji, ang weird mo. Barok ka mag-Tagalog, pero tama pronounciation mo sa English—”

            “Look! Ayoko sayang olas ko sa’yo. Tell me what you want?”

            Iniabot nito ang isang box na mukhang may lamang pagkain. Kumunot lang noo niya.

            “Wag mo na ako pasesantihin please! Gagawin ko ang lahat Sir Fafa Xeiji, patawarin mo na ako. Kelangan ko ng sworn forgiveness mo para di na ako ma-terminate.” By looking at her he knew she was damn sincere in asking apology pero sa tulad niyang may phobia na sa mga palpak na doctor at nurses, what she did last time was unforgiveable.

            “Iie!” paghindi niya. 

            “Ipinagluto kita ng beef steak. Kasi baka ka ng baka nung last time e. Baka kako gusto mo ng beef dish. Sige na naman, maawa ka.”

            Muntik na siyang matawa sa sinabi nito. That means, all along na sinasabihan niya itong stupid, iniisip nitong naghahanap siya ng beef dish. A woman with closet humor. Pero dahil may pinandigan siyang drama pinigilan niya ang sariling matawa o mangiti man lang.

            “For your information, Miss Arlene, I’m not even looking for beef dish at all. Why don’t you just study Nihonggo instead?  Para intindi mo na minunula kita at hindi ako hingi niraga baka o steak.

            Lumungkot ang mukha nito. “Ganon ba? Sorry na talaga. Sige gusto mo murahin pa uli ako kung doon ka sasaya just give me that sworn forgiveness please!”

            “Nanda yo omae- wa?Zettai Yurusenai!”

            “English please. Para ma-feel ko na isinusumpa mo ako at minumura  mo ako.”

            Again, this girl was really making him happy. Nawawala na tuloy ang inis niya dito. “Who the hell do you think you are? I will never forgive you. I won’t give you that damn sworn of forgiveness. Better off, start migrating to other planet.” He went back inside his car pero napigilan pa rin siya nito.

            “Uy, sandali!  Anong klase kang abugado? Nakapa-injustice mo! Hindi naman ako pumatay ng pasyente ah. Sino ka rin para pahabulin ako ng ganito?! Oy lalaki, pogi ka lang. Pero other than that ewan ko na. Sige go on, iwanan mo ako. Abandunahin mo ako!”

            Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. Mala-pam-Fammas Awardee ang pagkaka-deliver nito ng linyang iyon. Few seconds, he realized what’s going on. Napansin na sila ng mga taong nasa loob ng Kofi Cups. This girl was creating a scene at masama iyon sa imahe niya bilang isang respetadong abugado.

            “What the hell are you doing?”

            Pero hindi ito nagpaawat. “Why would you wanna break a perfectly good heart?” todo emote nitong sambit. Napakunot ang noo niya sa sinabi nito.  The line sounded familiar. Parang lyrics ng kanta.

            “Oy, attorney, maawa ka naman sa babae!” 

            “Hindi ganyan ang tamang pagtrato ng magandang binibini!”

            “Oo nga!”

            “Tamaaa!”

            “Why would you wanna take our love and tear it all apart, now?” dugtong pa ni Arlene na nag-confirm ng doubt niya. Those were just lines from the song A Perfectly Good Heart of Taylor Swift.

            Napangiwi siya hindi niya alam kung tatawanan ba niya ito o ihahagis niya sa pinakamalapit na trash can. 

            “Get inside my car, lady!” mando niya dito.

            “Patatawarin mo ba ako kung sasakay ako sa bongga mong kotse?”

            Sinamaan niya ito ng tingin. “Sasakay ka o hindi?” He needed to take himself away from the scene at ang tanging paraan ay kaladkarin niya ang babaeng ito.

            “Fine!”

            Pumasok na ito sa kotse at walang imikang nagmaneho siya papunta sa opisina niya.



PREVIOUS                                                                            NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…