Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: Do We Belong?- Part 4





Nasaan ako??!!! Natakot si Maria May nang magmulat siya ng mata. Hindi siya pamilyar sa kwarto kung saan siya naroon. Pinilit niyang alalahanin ang nangyari kung paano siya napunta mdoon. Pero ang tanging naaalala lang niya ay nasa bar siya at may tumawag sa kanya kaya nagpaalam siya kay Chrys para sagutin ang tawag. Kung ganon? Nasaan siya? Lumingon siya sa bintana, mataas na ang sikat ng araw. ibig sabihin ilang oras na siyang natutulog.

            Bumalikwas siya ng bangon mula sa kama and that made her realized na nakatali pala ang kamay niya pati paa. Lalo siyang natakot. Mukhang delikado ang lagay niya.

            “Surprised Maria May?”

            Kulang ang salitang shock para i-describe ang naramdaman niya nang makita kung sino ang binatang nakatayo sa pinto ng silid.

            “Gene! Anong ibig sabihin nito?”

            Tumawa lang ito ng pagak. “Ano pa nga ba?” He walked towards her and touched her chin. Sinubukan niyang umiwas na mahawakan nito. He really changed a lot. Hindi na talaga ito ang Gene na nakilala niya noon. He seemed like someone else, not the sweet and caring Genesis she used to love.  “I’ve been doing everything just to talk to you but you keep on ignoring. Ginagalit mo ako, Maria May!” Galit ang mga mata nito na pawang nagtitimpi lamang na saktan siya.


            Kinabahan na siya. She knew it, something bad will happen. “Ano bang kailangan mo sa akin? Makikipag-usap naman ako sa’yo ah! You don’t have to get me in this way.”

            “Maria May…Maria May…” Umiling-iling ito. “Sige, may mga bagay akong sasabihin sa’yo kaya makinig ka ha. Wala akong kailangan sa’yo. I don’t even care about you after all. Nag-fail ang plano kong amuin ka para mapalapit uli sa akin dahil bigla na lang naging kayo ng magsasakang iyon…oh, haciendero pala. Mahihirapan ako lalong suyuin ka kaya nauwi tayo sa ganito. I used you, Maria May. And I’ve been using you for over a year of our so-called relationship.”

            Napakunot ang noo niya.  Anong sinasabi mo? Hindi niya ito maintindihan. Nang huling taon nga ng relasyon niya ay tila nagbago ito sa di rin niya maintindihang dahilan. Puno ng tanong ang isipan niya nang balingan niya ito.

            “Oh, Maria May. Don’t give that damn look as if you’re such an innocent naïve lady.”

            “Diretsahin mo na nga ako? What do you want? Bakit ka ba nagkaganyan? Parang hindi na ikaw si Genesis!”

            Nanunuyang pumalakpak ito. “Bravo! Napansin mo rin pala. Let me tell you one greatr secret lady.” Inilapit nito ang mukha sa kanya. Lalong natakot si Maria May. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Gene. Who knows, baka iniisip na nitong pagsamantalahan siya at patayin. Nang pilit siya ng umiwas dito ay puwersahang  hinawakan nito ang baba niya kaya nawalan siya ng choice kundi balingan ito. “Hindi ako si Genesis na minahal mo. That’s why I changed a year ago. Dahil isang taon ko ng inangkin ang pagkatao niya.”   

            Nagulantang siya sa narinig. Kaya pala ibang-iba ito sa Genesis na nakilala niya dahil hindi ito ang dating boyfriend. “H-hindi ikaw si Gene? Nasa’n si Gene? Anong ginawa mo sa kanya?” Napaluha siya sa sari-saring emosyon. Takot dahil alam niyang nanganganib siya, pati pag-aalala at pagkalito sa natuklasang bagay.

            “Wala na siya.”

            Everything was shattering her whole system now. “Pinatay mo siya? Bakit? Bakit mo ba ginagawa ‘to? Sino ka ba?” She couldn’t believe what she was hearing. Ang lahat sa huling taon na naging boyfriend niya si Gene ay puro kasinungalingan. At ang di niya matanggap, pinatay ng kung sino mang ito sa harap niya ang taong minsan niyang minahal.

            “Very brilliant questions. Kung sino man ako, well it’s none of your business. I just want to get something from your boyfriend and his friends.”

            “Ano bang kailangan mo ha?”

“I want your boyfriend as well as his friends to suffer.” Lumayo ito bahagya sa kanya pero mataman pa rin nakatingin sa kanya na tila iniisip kung ano ang mainam gawin sa kanya. “Na-miss mo na ba ang boyftiend mo?” Kinuha nito ang cellphone sa bulsa. “Kamustahin natin siya.” He dialed number pagkatapos ay ini-loud speaker nito iyon.

After three consecutive rings ay narinig niya ang pamilyar na tinig ng kasintahan.

“Hello?”

“Chrysler!” sumigaw siya pero naging dahilan lang iyon para pwersahang itakip ni Gene ang kamay nito sa bibig niya para hindi na muli siya makapag-cause ng ingay.

            “Maria May! Nasaan ka?” Bakas sa tinig ni Chrysler ang lubos na pag-aalala sa kanya.

“Nasa akin siya, Canilao,” tugon ni Genesis. “Na-miss mo na ba siya? Sorry bro, but Maria May is mine at this moment whether you like it or not.”

“Sino ka? Anong kailangan mo sa girlfriend ko?” 

Tingnan siya ng masama ni Gene. “She was mine before mo siya nakuha sa akin. Sa tingin mo, anong kailangan ko sa kanya?” Marahas na hinalikan siya nito na nagpatili sa kanya kasabay ng di niya napigilang paghagulhol ng iyak. Ayaw niya sa sitwasyon niya. Gusto niyang tumakbo. Pero paano?

Narinig niyang nagmura ang boyfriend niya sa kabilang linya. Gusto niyang kausapin ito pero nanatiling nakatakip ang kamay nito sa bibig niya. “Gene! Wag mong gagalawin si Maria May. How much do you want? Name the price. Just leave her alone. Wag mo siyang sasaktan nakikiusap ako!”

“Wow, nakaka-touch naman ang pagmamahalan nyo,” nanunuyang sambit ni Genesis. “I don’t care about your money, Mr. Canilao. Sabihin mo sa mga kaibigan mong attorney at pulis  na ibalik nila ang kinuha nila sa akin. Kapag hindi nyo sinunod, asahan nyo na ang bangkay ni Maria May sa gubat ng Hacienda Canilao sa mga susunod na araw.”  He ended the call.

Kinilabutan si Maria May. Nagpumiglas siya hanggang sa pakawalan siya ni Gene. “Hayop ka!”

“Shut up! Kung ayaw mong mapaaga ang pagkamatay mo!”

Itinikom niya ang bibig. Pagkatapos ay kinalas nito ang tali sa paanan niya at kinaladkad siya nito palabas ng silid.

“Aray! Saan mo ba ako, dadalhin? Ano bang kailangan mo sa barkada ni Chrys? At sino ka ba? Kanina ko pang tinatanong iyon, ayaw mo namang sagutin!”

“Gusto mo na ba talagang mamatay? Ang ingay mo ah!”   

Itinikom nya uli ang kanyang bibig hanggang sa dumating sila sa isang silid na glass wall  ang haligi. Nagimbal siya sa nakita sa loob ng silid. Ando’n si Melai, duguan, walang malay, at hindi siya sigurado kung humihinga pa ito.

“I changed my mind, naïve lady. Papakawalan kita. At sabihin mo sa kanila lahat ng nakita mo. Lahat ng iyan ay kasalanan ni Atty. Hotoki at SPO4 Candaza. Sinira kasi nila ang buhay ko,” puno ng galit  na sambit nito. “Look at her. Kahit anong gawin ko sa kanya, tikom ang bibig niya sa mga bagay na gusto kong malaman. Hindi ko siya ibabalik sa inyo death or alive hangga’t hindi nyo ibinabalik ang kinuha nila sa akin.”

“Ano ba ang kailangan nilang ibalik sa’yo?”

“Don’t play innocent, Maria May. Don’t tell me, isinekreto sa’yo ng boyfriend mo kung ano ang lihim ng barkada nila? Alam na nila kung ano ang tinutukoy ko. I don’t need to spell it out with you.”

Lihim na nagdasal siya na sana, makaligpas pa siya roon, sana ay makagawa ng paraan si Chrysler para iligtas siya, at sana makaligtas din doon si Melai. Nag-aalala din siya sa posibleng mangyari kay Chrysler. Batid niyang papatay si Genesis, makuha lang nito ang kung anumang sinisingil nito sa mga kaibigan ng boyfriend niya.

Kinaladkad uli siya nito at ibinalik sa silid at pwersahang tinurukan ng pampatulog.
           

            “OY GISING!”

            Padaskol siyang ginising ng isa sa mga tauhan ng nagpapanggap na si Genesis.

            “Baba na!”  uto ng isa.

            Saka lang niya na-realize na nasa isang sasakyan pala siya. Tinupad ng nagpapanggap na Genesis ang sinabi nito. Pinakawalanan nga siya nito. Bumaba siya ng sasakyan. Agad din pumulas ang kotse pagkababa niya. Gubat na gubat ang lugar. Hindi niya alam kung nasaan siya at hindi niya rin alam kung may mahihingan ba siya ng tulong doon.

            Naglakad siya, naglakas ng loob, habang patuloy na nagdarasal na sana may makita siyang bahay o tao para makahingi siya ng tulong.  Sa tantya niya ay ay thirty minutes na siyang naglalakad pero parang wala naman siyang patutunguhan. Ni walang ngang sign na dinadaanan ng tao o sasakyan ang nilalakaran niya sa gubat na iyon. 

            Pero naniniwala siyang makakaligtas siya. Inisip niya sa Chrysler. Bihadong alalang-alala na ito sa kanya. She continued walking though she felt that what she was doing seemed useless. Para pa ngang lalo lang siyang maliligaw sa gubat.

            Nagpahinga siya nang makaramdam ng pagod until she heard some voices.

            “Pare, bilisan nyo!”

            “Sigurado bang andito lang siya? Baka naghahanap tayo sa wala.”

            Nabuhayan siya ng loob.

            “Hindi ako lalabas ng gubat na ito na hindi ko siya kasama. Maria May! Maria May!”

            She knew it, her Chrysler was searching for her. Sunod-sunod na isinigaw ng mga kasama nito ang pangalan niya. sinundan niya ang direksyon ng mga tinig and she shouted. “Chrysler,andito ako!!!”

            Maya-maya pa’y nakita na niya ang grupo ng kalalakihan na paparating. Nang makita siya ni Chrysler ay tumakbo ito palapit sa kanya. Agad siya nitong niyakap. “Maria May…” Humigpit ang yakap nito sa kanya at ganon din siya.

            Bumigay ang nagtatapang-tapangan niyang loob. She cried. Iyak lang siya nang iyak. Lalo na nang maalala niya ang pinagdaanan niya at mga nakita niya. She heard him sobbed too. Natitiyak niyang labis na nag-alala si Chrysler sa kanya.

            He moved a little at ikinulong nito ang mukha niya sa mainit nitong mga palad. Nagkatitigan sila. He looked so tired, worried, and relieved. “Sinaktan ka ba niya?” Umiling lang siya. “Anong  ginawa niya sa’yo?”

            Umiling siya at humikbi. “Itinali niya lang ako at….” Naalala niya ang kaawa-awang lagay ni Melai at ang realization sa pagkamatay ng tunay na Genesis.

            “Ginalaw ka niya?” mababanaag ang galit sa tinig ni Chrys.

            “No. Si Ate Melai…Si Genesis….”  Hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin. Nangangatog pa siya sa takot at halu-halong emosyon. 

            Kinintalan siya nito ng halik sa labi at niyakap. “You’re safe now. Let’s go. Mag-rest ka muna. Mamaya na natin pag-usapan iyan. Dadalhin ka muna namin sa hospital.”

            Hindi na siya tumanggi nang buhatin siya nito.


            MAINGAT na inihele ni Maria May ang umiiyak na si Beatriz Joy. Isang linggo na ang nakakalipas  nang pakawalan siya ng kidnapper pero hanggang sa mga sandaling iyon ay dala-dala niya sa sistema ang trauma. Lalo na’t hanggang ngayon ay wala pa ring balita sa search and rescue na ginagawa ng pulisya para kay Melai.

            Nang araw na makita siya ni Chrysler sa gubat ay agad din niyang pinaalam sa mga ito ang mga nakita niya at narinig. Natuklasan na rin niya na habang siya pala ay bihag ng kidnapper ay marami ring pananakot ang naganap. Pinasabog ang kotse ng boss niya, sinunog din ang tinitirhan ni Kofi, at maging si Chrysler ay muntik na ring mapahamak nang may nagtanggal ng break plug ng kotse nito. At ang isang bagay na kinagulat niya ay ang pagkawala rin ni Faith. Lahat ay nangyari noong mga sandaling hawak siya ng taong hindi pa rin nila alam kung sino ba talaga.

            Kasalukuyang nasa Hacienda Canilao siya.  Napalitan na ang job description niya mula sa pagiging secretary ni Xeiji hanggang sa pagiging pangalawa o maaring pangatlo ng ina ni Beatriz Joy. Hindi muna siya pinabalik sa opisina ni Xeiji ngayong delikado pa siya dahil na rin sa mga binitawang salita ng kidnaper.

            Maya-maya pa’y nakatulog na rin ang bata. Maingat na inilagay niya ito sa crib nang bumukas ang pinto at pumasok si Chrys.

            “Nakatulog na ba? Pinuyat ako ng batang iyan kagabi, iyak ng iyak,” nag-aalalang sambit ni Chrysler.  Napamahal na rin dito ang bata.

            Binalingan niya ito. Mukhang marami na naman itong iniisip habang pinagmamasdan ang bata. Ang totoo, mula nang ma-recover siya ng mga ito ay napansin na niya ang palaging malalim na pag-iisip ni Chrys. Pero tumatanggi naman itong magkwento kapag tinatanong niya. “May konti siyang lagnat pero bumaba na. Okay na siya. Anong balita sa lakad nyo?”

            Personal na tumutulong ito sa paghahanap kay Melai at sa kidnapper niya. Nagulat siya nang yakapin siya nito sa halip na sagutin ang tanong niya. She just lovingly hugged him back.

            “I love you so much, Honey Mayii.” Humalik pa ito sa buhok niya.

            “I love you so much, too Chrysler. Hmm, bakit ka ba naglalambing bigla. Pagod ka na ba sa lakad mo? Gusto mo magpapampam sa akin ano?”

            Tumawa ito. He moved and kissed her nose. “Yeah, pampam parang bata lang. No matter what happen, always keep in mind that in my heart, there’s only you, yesterday, now and forever, Mayii. Mahal na mahal kita at kahit anong gawin ko, lahat ng iyon ay para sa’yo.”

            Napakunot ang noo niya. “What do you mean?”

            Parang alanganin pa itong magsalita pero bandang huli ay umimik na rin ito.“Maria May, kung sakali bang…may gawin ako…,” bumuntong hininga ito, “magagalit ka ba sa akin?”

            “Depende. Kung iyang naiisip mong gawin e ikasasama mo o ko o nating dalawa, magagalit ako. Ano ba iyon?” 

            Umiling ito. “Wala, pagod na nga siguro ako. Kung anu-ano na ang nasasabi ko.”

            Hinaplos niya ang pisngi nito. Nagulat siya sa emosyong mababasa sa mata nito. Mukhang nalulungkot ito. “What keeps you worried and sad?”

            “I am not sad. Pagod lang ako.”

            Ngumiti ito pero hindi umabot iyon sa mga mata nito. Hindi na siya nakipag-argument. She took his last statement. Pagod lang ito kaya kelangan nito ng pahinga.

            “Mabuti pa nga, matulog ka na.”

            Tumango ito. “Yeah. Tiningan ko lang naman kung okay kayo ni Beatriz Joy. Medyo late na rin, matulog ka na rin.” Humalik ito sa noo niya.

            Papalabas na ito ng pinto nang muli itong magsalita. “Gumising ka ng maaga bukas. May pupuntahan tayo.”

            “Okay, kasama si Beatriz Joy?”

            “Oo. Good night, Mayii.”

            “Good night.” Few minutes more his gone.

            Nagtataka siya sa inaasta nito. He used to be bubbly, makulit at nambobola. Pero ngayong mga nakaraang araw ay palagi itong seryoso.

           
            “WE ARE still studying your case. Inisa-isa na namin ni Xeiji kung sino ba ang posibleng kidnapper mo. Medyo marami na rin kaming mga nakabanggaan ni Xeiji na halos mutual. Inisa-isa na namin ang mga kriminal na iyon. Pawang lahat naman ay nakakulong na with maximum security. Isa na lang ang nasa listahan ng suspetsa namin,” litanya ni Leo.

            Nasa bahay sila ni Xeiji. Doon siya dinala ni Chrysler nang maagang umalis sila sa Hacienda. “Sino?” tanong niya.

            “Gilbert Salmendre, tunay ama ni Beatriz Joy,” tugon ni Xeiji.

            “No way, nakakulong siya. Paano naman mangyayari iyon?” tanong ni Chrysler.
            “Yes, at hindi rin namin alam. I checked Gilbert Salmendre yesterday. He’s still in jail. Plus, hindi naman niya kamukha si Genesis. Inaalam pa ng NBI ang missing part ng kaso.”

            “Si Ate Melai?” tanong niya.

            “We’re on entrapment operation mamayang gabi. May statement kaming natanggap from reliable source. Hopefully, we have her alive tonight,” sambit ni Leo.

            Nagkatinginan sila ni Chrysler. “Si Faith?” tanong nito.

            “She’s safe. Natagpuan siya sa isang warehouse nang mag-raid kami kagabi. “She admitted that her existence in Chrysler’s life is just part of the play. Wala siyang naging choice kundi ang sumunod sa nagpanggap na Genesis na iyon dahil kung hndi papatayin siya dahil siya ang witness sa nangyari sa tunay na Genesis Leonor.” 

            “Totoo bang patay na siya?” tanong ni Maria May.

            Walang sumagot sa tatlo. Nagkatinginan lang ang mga ito.



            LULAN na muli sila ng kotse ni Chrysler. May iba pa daw silang pupuntahan. Ayaw nitong sabihin kung saan at hindi na rin ito umiimik kanina pa.  Nagulat na lang siya nang i-park nitoa ng kotse sa isang mental institution.

            “Anong gagawin natin dito?” tanong ni Maria May.

            “Basta, sumunod ka lang.” Kinuha nito sa kanya ang kargang bata at umuna ito ng paglalakad papasok sa hospital.

            Tahimik lang sila habang naglalakad sa kahabahan ng hallway. Hanggang sa huminto sila sa tapat ng isang silid.

            “Maria May, honestly I don’t know if I’m doing the right thing or not.” Hinaplos nito ang pisngi niya at tinitigan siya. “All I know is… you deserve this.”

            “Ano ba iyang sinasabi mo?”

            “You know how much I love you, Mayii. And I’m doing this out of love. Alam na natin na ang Genesis na nakasama mo sa loob ng huling isang taon ng relationship nyo ay isa ng fake na Genesis. I tried my best to see the real one for you.”

            He opened the door for her. Namanhid ang buong katawan niya nang makita kung sino ang nakahiga sa kama at natutulog. He was Genesis. The real Genesis na naging boyfriend niya.

            “Gene!” bulalas niya.

            “Ang sabi ng mga doctor, isang taon na nang makita siyang pagala-gala sa kalye sa Nueva Ecija, wala sa sarili, na-trauma at isang tao lang ang binabanggit. Ikaw,” litanya ni Chrysler sa nanginginig na boses. “Kumpara noon, mas okay na daw ang kalagayan nito ngayon. Nakakakilala na ito ng tao at nakakaunawa though hindi pa lahat ng bagay ay matatanong sa kanya at masasagot niya.”

            Nilingon niya ito, only to find out that he was teary-eyed. “Chrys…”

            “Technically, may relasyon pa kayo dahil hindi ka naman sa kanya nakipag-break. I know where I should stand. Ayokong maging third party sa pagitan ninyong dalawa. Aside from that, he needs you badly. Ikaw ang kailangan niya para maka-recover siya psychologically and emotionally as well.”

            Hindi na niya nagugustuhan ang naririnig. He seemed like cutting off the strings attached to them. At ayaw niyang mangyari iyon. Mahal niya ito at batid niyang wala na siyang nararamdaman para kay Genesis kahit nagbalik na ito sa buhay niya. Yes, masaya siyang malamang buhay pa pala ito. Handa rin siyang tulungan ito. But that did not mean that the state of her heart would suddenly change.  “Chrys—”

            “I’m breaking up with you, Maria May.” Daig pa niya ang nabaril sa sinabi nito. Tama ang hinala niya, magi-give way ito. That was so Chrysler…very Chrysler. Handa itong magpaubaya kahit masaktan pa ito.

            “No. Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo nung gabing naging tayo? Hindi ganyan ang pinangako mo.”

            “I know, pero iba na itong sitwasyon natin. You don’t deserve that Genesis you broke up with. But the real Genesis, deserves you. You deserve him, too. I’m sorry. Ayoko ng guluhin ang nararamdaman mo. I know, you loved Genesis so much. Nakita ko iyon sa relasyon nyo noon. I’ve been in this situation, Maria May. Kaya kong magtiis uli, makita ka lang na masaya sa taong deserving ka.”

            “At anong tingin mo sa sarili mo? Hindi ka deserving para sa akin? At hindi ako deserving sa’yo? How sure you are na sa ginagawa mong ito e sasaya ako? You’re hurting me!” Nagsunund-sunod ang patak ng luha niya.

            Agad na nabanaag ang pag-aalala sa mga mata nito. He seemed to be in the middle of wiping her tears away and just standing still. Pinili nito ang pangalawa. Umiling ito. “ I don’t know…I don’t know if you deserve me. Maria May, we can still be best—”

            “Best friends? Yeah, right!” sarkstikong sambit niya. Naiinis siya. Gusto niya itong sampal-sampalin para magising ito sa katotohanan. “I don’t want to be your best friend anymore.”

            “Okay.”

            Malungkot na tinalikuran siya nito.  She can’t believe what’s happening. Why did he have to do this for her?

            “You’re a liar. Mahal mo ba talaga ako? Bakit mo ito ginagawa, e kitang-kita ko naman sa’yo na hindi mo ito gustong gawin? Look, we don’t have to hurt each other this way!”

            Huminto ito sa paglalakad pero hindi ito bumaling sa kanya. “Ganito kita kamahal, Maria May. Gusto kong mapunta ka kung kanino ka mas sasaya. Piliin mo  kung sino ang mas mahal mo. Ayokong matali ka sa akin na hindi ka sigurado kung ako ba ang mahal mo o si Genesis. Ayokong pagsisihan mong naging boyfriend mo ako. Take your time, Maria May. Maghihintay ako, kahit gaano katagal.” Garalgal ang boses nito at mababa. She knew him so much…so much enough to know that he was crying that’s why he didn’t bother to throw her a look. Ayaw nitong makita niyang nasasaktan din ito.

            Nagsimula itong maglakad muli palayo sa kanya.

            “I don’t want to accept your reason. Take another step, and we’re really through!” Ultimatum. Ayaw niyang mawala ito sa kanya lalo pa’t alam niyang labag iyon sa kalooban nito.

            But he didn’t say anything. Ipinagpatuloy lang nito ang paglalakad palayo sa kanya. And that seemed to be so clear. They’re through. Tapos na, tinapos na nito ang relasyon nila. Iyon na rin ang huling araw na nakita niya ito.


            SHE devoted her time in taking good care of Genesis. Wala na kasi sa bansa ang pamilya nito at hindi niya alam kung saan hahagilapin ang mga iyon. Wala rin siyang ibang alam na kamag-anak nito kaya siya na lamang ang nag-alaga dito.

            The first time Genesis saw her, he immediately recognized her. Tama ang sinabi ni Chrysler, siya lamang ang kinikilala nito. Niyakap-yakap siya nito at panay ang apologize. Wala daw kasi itong maalala pa sa buhay nito maliban sa mukha niya, pangalan niya, at ang relasyon nila. Ni pangalan nito ay hindi nito alam. Ang pangalang gamit nito sa hospital ay ibininyag lang ng mga doctor.

            Naging evident din ang paggaling at pag-ayos ng condition nito base na rin sa mga consultations sa mga doctor na tumitingin dito. Makalipas nga ng ilang buwan ay pinayagan na ito ng doctor na lumabas ng institution. Inuwi na niya ito sa condo unit niya.

            “I remember this place,” sambit ni Gene habang magkahawak-kamay naglalakad sila sa hallway ng condominium building.

            “Good for you. Dito ako nakatira at palagi kang andito noon,” sambit ni Maria May.

            “Anong ginagawa ko sa condo unit mo?” tanong nito while grinning.

            Pabirong binatukan niya ito. “It’s not what you think, Mr. Amnesia,” biro niya dito. Iyon ang tawag niya dito kapag binibiro niya ito. He just laughed. “Movie marathon.  Dinner dates. Kuripot ka kasi, ayaw mong magsayang ng salapi sa sine at masyado kang seloso kaya ayaw mong kumain tayo sa restaurant kasi gusto mong walang ibang titingin sa akin kundi ikaw.”

            “Talaga?” He looked so innocent, sweet and caring. Yes indeed, ito na nga ang tunay na Genesis. Pero kahit na malambing ito sa kanya dahil na rin sa alam nitong may “relasyon” pa sila, hindi na nabago ang laman ng puso niya.  It was still reserved for Chrysler. Nagkataon lang na kailangan  siya ni Gene.

            Napabaling siya sa katapat na pinto ng unit niya. It’s been months at hindi na niya nakausap pa si Chrys. Umiiwas ito, lumalayo, mailap. Tanging miminsang sulyap na lang ang ibinibigay nito sa kanya sa mga pagkakataong di naiiwasang magkasalubong sila. They’re still neighbors at imposibleng hindi sila magkita.

            “You’re best friend still lives there?” tanong ni Gene.

            “Naalala mo siya?” tanong niya.

            “Bigla ko lang naalala. Yeah, right. I remember, may best friend ka na pinagseselosan ko noon.”

            Binuksan na niya ang pinto ng unit niya.

            Biglang bumukas din ang pinto ng unit ni Chrysler at lumabas ang binata. Nagkatinginan sila. Miss na niya ito. May isang bahagi ng puso niya na gustong basta na lang yakapin ito pero hindi pwede. Ito ang unang umiwas, ito dapat ang unang lumapit. And knowing her childhood best friend, aabutin pa ng century bago pa ito magkalakas ng loob ipaglaban siya.

Bumaling ang tingin nito kay Gene pero wala itong sinabi. Tumango lang ito at nilagpasan  sila. 

“Pare, sandali!” tawag ni Gene dito.

Napakunot ang noo ni Maria May sa ginawa ni Gene. Anong naisipan nito at tinawag nito si Chrysler?

Gulat din na nilingon ito Chrysler.

“I’m glad nakalabas ka na ng hospital, pare,” sambit ni Chrysler.

“Salamat sa tulong mo. Sinabi ni Maria May na ikaw ang humanap sa akin para magkita kami uli,” sambit ni Gene.

“It’s nothing for a friend,” kaswal na tugon ni Chrysler. Tinapunan din siya nito ng tingin. Iyong tinging pawang sinasabing miss na miss na siya nito at mahal na mahal siya nito.

“Too much for a sacrifice, pare. Hindi mo siya kailangang ibalik sa akin dahil lang sa speculations mo.”

Kapwa sila nagulat ni Chrysler sa sinabi nito.

Dahan-dahang binitawan siya ni Gene. Binalingan siya nito at nginitian pagkatapos ay binalingan uli nito si Chrysler.

“Nawala ako ng almost two years. I know, lots of things have changed. Bukod sa wala akong maalala sa ibang bagay maliban sa relasyon namin, alam ko may malaking nagbago. Alam kong hindi na ako mahal ni Maria May. And I’m pretty sure na ikaw ang dahilan.”

Napanganga siya. Ganon na ba siya ka-transparent? Kahit wala siyang nababanggit kay Gene at nagpapanggap pa nga siyang girlfriend nito, nahalata pa rin pala nito ang nararamdaman niya.

“Gene…”

“Maria May, I know. And it’s okay. Hindi ko na hawak ang puso mo. Okay na sa akin iyon. At least alam kong habang wala ako, inalagaan ka ng isang taong alam kong noon pa man ay may pagtingin na sa’yo.”

“Ha?”    

Nginitian lang siya nito. Binalingan nito si Chrysler. “She’s yours. She was never been mine alone. You know that, pare. Habang kami pa e minamahal mo rin siya kaya nga palagi tayong hindi nagkakasundo noon. Pero iba na ngayon. Mas deserving ka sa pagmamahal niya kesa sa akin. Well, I guess, you need to talk.  Do’n na lang ako sa loob. And Maria May, I want you to be happy. That’s the least I can do for you in return for your kindness while taking good care of me.” Pumasok na ito sa loob ng condo unit niya at naiwan silang dalawa ni Chrysler sa hallway, parehong natigilan at nagtataka.

Nagkatinginan sila pero wala ni isa man sa kanila ang nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.  Katahimikan. Sobrang tagal silang nanahimik.

“Alam ni Gene noon pa man na mahal kita. Nasabi ko iyon nung minsang nalasing ako sa inuman kasama siya,” basag ni Chrysler. “Pero sinabi ko rin na wala akong balak guluhin kayo basta hayaan lang niya akong mahalin ka ng lihim. Pumayag siya.”

            She felt tears fell from her eyes. Pero luha iyong ng saya knowing na ganon siya kamahal ng taong mahal niya. “Why do you love me that much?” tanong niya.

            He didn’t answer. He just grabbed her nape and lovingly kissed her, punung-puno ng pagmamahal, ng passion, ng pangako na hinding-hindi na siya iiwan. She loving answered to his sweet kisses.

            They lovingly gazed at each other after sharing their sign of love. “Because you are my life, Maria May. We belong to each other. I will do anything, kahit masaktan pa ako, basta masaya ka lang. Iyon para sa akin ang love. Sorry if you find me coward, sorry if you think I don’t love you. God knows, how hard for me to let you go because I thought, he is your happiness.”

            “Unfortunately, he supposed to be but you suddenly changed everything. Kailangan mong bumawi sa akin.”

            “Pwede na ba ito?” May kung ano itong binunot sa bulsa nito. In few seconds, he was holding a ring. “Marry me, Mayii.”  

Another rush of tears fell from her eyes. He lovingly wiped her tears away and held her hand. Isinuot nito ang singsing sa kanya.

“Palagi ko iyang dala. I was hoping and dreaming that this day will happen that I will finally say how much I love you and offer you my whole life. Ikaw lang ang gusto kong maging reyna ng Hacienda Canilao at hindi iyon mababago kahit kailan.” Kumunot ang noo ito nang umiyak lang siya nang umiyak. “Sumagot ka na ng oo para matapos na itong kadramahan nating ito!”

Hinampas niya ito sa dibdib na ikinatawa lang nito. He lovingly embraced her. Na-miss niya ang mga eksenang ganon na magkayakap sila, masaya, at nagmamahalan.

“Baka naman sa araw ng kasal natin, ipamigay mo naman ako kay Gene ha,” biro niya dito.

“Gusto mo wag na natin siyang imbitahin para di ko iyon maisipang gawin?” biro din nito.

“Siraulo ka, may malaki tayong utang na loob sa kanya.”

Hinalikan nito ang noo niya. Napangiti na lang siya. “Let him stay in your condo unit pero sa aking unit ka,” sambit nito.

“Ha? Titira ako sa condo mo? E iisa lang ang kama mo e.”

“Exactly! Nice idea di ba? Okay na iyong, papakasalan na naman kita.” Kumindat ito pero pinandilatan niya lang ito.

“Hindi, doon na lang ako sa unit ko. At this moment, mas safe si Gene kesa sa’yo.”

“No! Pag ganyan do’n na rin ako titira sa unit mo!” giit nito.

 “Dalawa lang ang kwarto ko!”

“Do’n siya sa kabila, do’n ako sa kama mo.”

“Ganon din iyon e. Do’n na lang siya sa bahay mo!”

Napangiwi ito. “Wag ganon, baka siya ang mapakasalan ko sa halip na ikaw!”

They both burst with laughter. Natigil lang ang pagtawa niya nang kintalan muli nito ng halik ang labi niya.

“I love you, Mrs. Canilao.” He winked.

Ngumiti siya. Mrs. Canilao. Parang ang sarap pakinggan.  She gave him a quick kiss, too. “I love you. Mister ko. Pero magpapakasal lang ako sa’yo kapag nakita na si Ate Melai.”

He teasingly smiled. “So, simulan na natin ang wedding preparations?”

Napuno ng excitement ang tinging ipinukol niya rito. “Nakita na si Ate Melai?” 

“She was recovered alive few hours ago. Doon nga sana ako pupunta sa hospital kung saan siya naka-admit,” tugon nito.

“Tara!”

Naglalakad na sila papunta sa elevator nang maalala nito si Gene.  “Si Gene, iiwan natin?”

“Hayaan mo na siya doon.”

Inakbayan siya nito. “I love you.”

“Ang kulet mo!”

“Na-miss ko ito e, sige na o, mag-I love you ka naman sa akin uli.”

“I love you.”

            They went out of the building happy, in love, and complete. 



PREVIOUS                                                           NEXT STORY

Comments

Naiomi said…
Waaahhh! Ang ganda! Nakakakilig!!!!

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…