Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: Do We Belong? -Part 3





Mabigat ang pakiramdam ni Maria May nang magising siya. Buong magdamag ay inaapoy siya ng lagnat. And throughout the moment, Chrys was in her side attending her needs from water, food and medicines. Pati pagpupunas ng pawis niya at pagbibigay ng warmth sa kanya habang siya ay nanginginig sa lamig dahil sa taas ng lagnat niya ay buong pusong inasikaso nito. One thing she really liked about Chrys was his superb performance in taking good care of her. Mula noon naman ay ganon sila. Pag may sakit ito ay siya ang nag-aalaga dito. Pero mas madalas na siya ang inaalagaan nito. Mas sakitin kasi siya.

            Nang kayanin na niya ay nagmulat siya ng mga mata. Nagulat pa siya nang ang unang nahagip ng kanyang mata ay ang gwapong mukha ni Chrysler na nakangiti sa kanya. Halos isang dangkal lang ang distansya ng mga mukha nila.

            “Good morning, Honey Mayii ko!” Sinalat nito ang noo niya. “Hmm, medyo may konti ka pang lagnat.”

            Waaaah! Agang-aga ay nagsi-sirko na ang puso niya. But she can’t deny the happy feeling that suddenly touched from her heart. Parang masarap sa pakiramdam na tuwing gigising siya sa umaga ay ang mukha nito ang mabubungadan niya araw-araw.

            “Chrys….”


            Iniyakap nito ang braso sa baywang niya. Saka lang niya na-realized na super close na ang katawan nila. Nate-tense siya. Buong gabi ba silang ganon? Kinuha nito ang isang face towel at pinunasan ang noo, mukha at leeg niya.

 “Good thing pinagpapawisan ka. Gagaling ka na! Nagluto na ako ng sopas. Gusto mo na bang kumain?” tanong nito while lovingly staring at her. Nakatingin lang siya dito. Hinaplos nito ang pisngi niya. “Bakit ganyan ka makatingin, Mayii? Pangit ba ako sa umaga?”

Tumawa siya. “Ako dapat ang nagtatanong sa’yo niyan. Bakit ganyan ka makatingin? Ah, alam ko na. Mabaho ako ngayong umaga.”

Ito naman ang tumawa. Lalo pang hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. “Kung mabaho ka, yayakapin ba kita ng ganito? Amoy gamot ka lang naman, Mayii. Pero mabango ka pa rin para sa akin.”

“Ang aga mo namang mambola.”

“Seryoso ako.”

“Sa pambobola.”

“Haaay…” Bahagya itong bumangon pero nanatiling nakatitig sa kanya. “Pwede ko bang patunayan na seryoso ako sa intention ko sa’yo?”

Napakunot ang noo niya. Anong patunay kaya ang gagawin nito? Tumango na lang siya.  In just split of seconds, he leaned down on her and passionately claimed her lips. They share few seconds of sweet gentle kisses. His kiss made her believed in his words. Oo na, naniniwala na siyang seryoso nga ito sa kanya.

She just kept her eyes shut when their lips parted. Nahiya siya nang maalalang may sakit pa siya at hindi pa siya nakakapag-toothbrush o nakapagmumog  man lang. 

“Mayii, you responded on me and that…feels good. So now, naniniwala ka na bang seryoso ako?”  Narinig niya ang buntong hininga nito. “Why are you closing your eyes? Ayaw mo ba sa ginawa ko?”

“Bakit mo ako hinalikan, Chrysler Suspecio Canilao?” tanong lang niya dala ang panalanging sana ay aminin na nitong mahal siya nito.

“Wow, buong-buo! Open your eyes, honey. Look at me.”

Dahan-dahang nagmulat siya ng mata and there he was, teasingly smiling at her. Ang isang ito, talagang agang-aga e nang-aakit. “Wag kang mag-alala, bukas na bukas din papakasalan kita.”

“Chrysler! Just answer the question. Bakit mo ako hinalikan?”

“Bakit ba hinahalikan ng lalaki ang isang babae?”

“Wag mong ibalik sa akin ang tanong.”

“Kasi gusto kitang halikan.”

“Bakit nga?”

“Because I know we deserve that kiss.”

“I still don’t understand. Pwede ba? Diretsahin mo ako. Wag ka ng magpaikot-ikot pa.”

Natigilan ito at umiwas ng tingin. Pagkatapos ay hinalikan siya nito sa noo. “Ibibili lang kita ng tea sa Kofi Cups.” Then he went out of the room.

Ano iyon? She was disappointed. Mahirap ba para ditong aminin na mahal siya nito gayong lahat na ng senyales ay ipinakita na nito sa kanya?  She knew that the kiss was meant to make her feel how much he loves her. Pero bakit hindi nito masabi ang salitang hinihintay niya? Asar ka talagang lalaki ka! She just closed her eyes and sleep again.

Nagising lang siya nang marinig ang message alert ng cellphone niya. Kay Rowell galing ang mensahe. Pinasabog Kofi Cups. Duguan si Chrysler. Napabalikwas siya ng bangon nang sinaklob ng takot ang puso niya. Kumuha siya ng jacket sa cabinet, isinuot iyon at dali-daling lumabas ng condo niya para puntahan si Chrysler sa Kofi Cups. Wala siyang pakialam sa mga taong pinagtitinginan siya dahil naka-pajama pa siya at gulu-gulo ang buhok. Ilang hakbang pa ang layo niya sa shop ay kapansin-pansin na ang damages ng shop, basag na lahat ng glass wall.  Lalo siyang natakot. She can’t live without Chrys. Bukod sa magulang niya, ito lamang ang nagmahal sa kanya ng buong-buo. Kahit hindi naman nito sabihin, alam niyang mahal siya nito. Hindi niya kayang mawala ito sa kanya. Kung mangyari iyon, kahit buhay niya ite-trade niya kapalit ng buhay nito.

 Naabutan niya sa labas ng shop si Cattie na may kasamang isang lalaki.

“Si Chrys?” tanong agad niya.

“Ando’n sa—”

“Miss, andyan ba si Dhey?” Isang binata rin ang biglang sumulpot sa tabi niya. Katulad niya ay nakapantulog na pajama din ito na waring kagigising din lang. Kilala niya ito sa mukha. Isa itong cover boy ng mga fashion magazine.

“Ah, nasa loob sila,” tugon ni Cattie.

“Salamat!”

Dali-daling pumasok si Maria May sa loob. “Chrysler!” tili niya na naging dahilan para matigilan at manahimik ang lahat ng tao roon. Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig nang makita ito. Wala naman ito ni isang bahid ng dugo. Nagoyo siya ni Rowell.

“Maria May!” Agad siyang nilapitan at niyakap ni Chrys. “Bakit ka lumabas ng bahay? Hindi ka pa magaling.”

She was speechless. Ang kanina pa niyang kinimkim na takot at pag-alala ay biglang kumala. She felt some tears fell in her cheeks nang maramdaman niya ito ngayon na buhay na buhay. “Natakot ako!” Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. She wanted to feel him, to hear his heartbeat, and make her believe that yes indeed, he was alive.

            “Mayii….” Iniangat nito ang mukha niya dahilan para makita nito ang mukha niya. He managed to wipe the tears in her cheeks. “Okay lang ako, may mga konti galos lang. I protected Dhey and Cattie kaya nakasalo ako ng ilang bubog. But other than that I’m okay. Tahan ka na, please.”

            He looked so damn handsome while she can read the traces of worries from his expressive eyes. Napahikbi siya.

            “Mayii, worried na ako, tahan na.” Ikinulong nito ang kanyang mukha sa mainit nitong palad. “Ang init-init mo pa. Kailangan na nating umuwi para makapagpahinga ka. Okay na ako, you don’t have to cry for me. You’re making me weak, Maria May. Kapag ganyan ka, nawawala ako sa composure ko. I don’t want to see you like that. Sino bang nagsabi sa’yo na may nangyari dito?”

            Natigilan siya. Saka lang niya naalala na babatukan pa nga pala ni Rowell. Nagpalinga-linga siya at nakita ito na akmang pupuslit palabas ng shop. “Hoy! Kuya Rowell! Bakit mo sinabing duguan si Chrysler?”

            “Huh?” maang na sambit nito.

            “Anong ha?!!!”

            “Eh…Uy, Rojun! Melai! Buti naalala nyo ako. Dali samahan nyo ako sa hospital magpapagamot ako.”

            Kararating nga lang ng dalawa. “May sugat ka?” tanong ni Rojun.

            Naghanap ng sugat si Rowell. “Eto o!”

            “Hay naku, sige samahan natin ito sa hospital, dun sa Mandaluyong! Wala ka namang sugat e,” hirit ni Melai. Sabay alis ng tatlo. Hindi na tuloy niya nakastigo si Rowell.

            “Sabi ko naman sa’yo, wag kang sama ng sama sa tatlong iyon e. Tara na nga. Sorry kung nag-alala ka sa wala.”   Iginiya siya ni Chrysler palabas ng Kofi Cups.

            “Nag-alala ako sa importanteng tao sa buhay ko at hindi sa wala lang, Chrys.”

             He simply kissed her head. “Thank you, Mayii.”

            Nagpasalamat si Maria May at ligtas ito. Masaya na sana silang babalik ng condo unit niya nang bigla na lang sumulpot si Genesis.

            “Maria May!” Nagulat na lang siya   nang bigla siya nitong yakapin. Ni si Chrysler ay walang nagawa  at nahusto na lang na tingnan silang dalawa.

            Nagpumiglas siya. “Ano ka ba? Baka nakakalimutan mong wala na tayong relasyon. Wala ka ng karapatang yakap-yakapin ako.”  Lumayo siya at dumikit kay Chrysler.

            “I’m sorry. I just got worried. Nang napanood ko sa news ang nangyari dito nag-alala ako kasi alam kong palagi kang andito sa Kofi Cups. Maria May, I know I did something wrong. I’m sorry, pwede ba tayong mag-usap para magkaayos?” mukhang sinserong sambit ni Genesis.

            Natigilan siya. Pagkatapos ay napatingin siya kay Chrysler. Blangko lang ang expression ng mukha nito habang nakatingin kay Genesis. Nag-iisip siya. Makikipag-usap ba siya kay Gene o hindi?

            “Please, Maria May. Alam ko hindi madaling pagkatiwalaan uli ako. I just want to talk to you para maayos ko naman ang gusot na ginawa ko. I know I hurt you so bad. I’m so sorry.” All of a sudden bigla niyang nakita ang dating si Gene, nagsusumamo, nanunuyo.

            “Gene… I….”

            “She’s not going to talk to you,” pakli ni Chrysler.

            Napatingin lang siya dito. Seryoso lang ang mukha nito habang nakatingin ito sa ex niya.

            “Bro, I’m not asking your permission. I’m asking for Maria May’s, so I think it’s hardly none of your business.”

            “I mean what I said, Genesis. She will never talk to you.” 

            “Bakit ka ba nangengealam?  Boyfriend ka ba niya?”

            Natigilan si Chrysler at tumingin ito sa kanya pagkatapos ay bumaling uli dito. “No.”

            “Eh, hindi naman pala e. So back off, buddy.”

            “Look, she’s running a fever. Kailangan ko na siyang iuwi para makapagpahinga. Kung gusto mo siyang kausapin, wag ngayon. Sa ibang araw na lang.” 

            Kinaladkad na siya ni Chrysler.

            “Gene….” pabulong na sambit niya nang tapunan niya ito ng apologenic na tingin nang magpatangay siya kay Chrysler.

            Pagbalik nila ng condo ay nasinghalan uli siya nito.  “Damn! After all ng panlolokong ginawa niya sa’yo, makikipag-ayos ka pa? Are you crazy?!”

            “Hindi ko naman sinabi na makikipag-usap uli ako sa kanya ah,” tugon niya.

            “Hindi nga, kasi napigilan kita. Pero kung hindi ako umimik malamang, magpapaloko ka na naman sa lalaking iyon! Ang tanga-tanga mo na kung nagkataon!” sigaw nito.

            Hindi niya napigilan ang sarili nang masampal niya ito. Natigilan ito at ganon din siya. “I’m not stupid, Chrys. Alam ng puso ko ang tamang lalaking mamahalin. Alam kong alam mo kung gaano kabait si Genesis noong una ko siya makilala. He just changed a year ago at nagsimula na rin noon na mabago ang laman ng puso ko. Hindi ako stupid. At hanggang ngayon, alam ng puso ko ang tamang lalaking mamahalin.”

            He held her hand tight and lovingly stared at her. “I’m sorry. I’m sorry, Mayii. Nabigla lang ako. I lost my composure. I just don’t want you to be with that guy anymore. I don’t want you to be with other guys at all.”

            “Bakit?” Sabihin mo na, mahal mo ako!

            Natigilan na naman ito. “Hindi pa akong handang magbigay ng rason, Mayii.”

            “Hindi ako makikipagkita sa kanya kung bibigyan mo ako ng rason ngayon.” Yes, nagbibigay na siya ng ultimatum. Isa lang naman ang hinihintay niya, ang aminin nitong mahal siya nito.

            Binitawan nito ang kamay niya and he turned back. Daig pa niya ang pinagsasampal ng sampong tao sa puso. The one she loved was turning his back on her. “Take a good rest, Mayii. May emergency ako sa Hacienda Canilao. Uuwi muna ako do’n. We’ll talk pagbalik ko. Please wait for me before you decide seeing your ex again.”             


            DALAWANG linggo ang lumipas and still there’s no sign of Chrysler around. Mula nang huling nag-usap sina Maria May at Chrysler ay hindi na ito nagparamdam sa kanya. Maybe he’s mingling with other girls again. Back on womanizing, flirting or more than that. Ayaw niyang isipin na ganon nga ang ginagawa nito. That will definitely hurt her more. Sana’y totoong naging abala lang talaga ito sa Hacienda Canilao

            “Mishu!” Niyakap niya ang kanina pa niyang kalarong aso. “Sa tingin mo, bakit hindi masabi ni Chrys kung ano ba talaga ako sa kanya? Iyang daddy mo, kapag hindi pa siya nagtapat sa akin, ako magtatapat sa kanya,” biro niya.

            It was Saturday evening. Wala siyang trabaho at wala rin siyang ganang lumabas kaya ando’n lang siya sa condo niya. Ilang beses nag-attempt si Genesis na makipag-usap sa kanya pero dahil hiniling ni Chrysler na hintayin ito bago makipagtagpo kay Gene, iyon ang sinunod niya.

Nagulat siya nang mag-ring ang cellphone niya. Agad kumabog ang puso niya nang pangalan ni Chrysler  ang rumehistro sa screen ng cellphone niya.

            “O, tapos ka ng mag-emote?” bungad niya para itago ang tension na nararamdaman niya.

            “Kofi Cups, eight in the evening,” bagkus ay tugon nito.

            “Ha?” kunot-noong sambit niya.

            “I’ll be giving you one great reason to forget your jerk ex and stay with me.”

            Sasabat pa sana niya nang mapagtantong busy tone na lang ang narinig niya. He ended the call.

            Ano daw iyon?  Binalingan niya ang wall clock seven-thirty na. Dali-dali siyang nagbihis at nagpunta sa Kofi Cups. Pagkapasok niya ay naabutan niya ang maraming customers ng shop. Jamming Night ngapala pag Sabado. At tila nagkakatuwaan na naman ang mga tambay ng coffee shop. Nakita niya si Nurse Arlene sa makeshift stage pati na rin si Chrysler na naka-ready ang acoustic guitar.

            “Mga katoto, andito ako kasi may gusto akong ipagtapat. Atty. Xeiji, alam kong kahit anong gawin ko, hindi ko na ata mabubuksan ang puso mo kaya isang bagay na lang ang gagawin ko. Mamahalin na lang kita. Okay lang kung hindi mo iyon ma-appreciate. Pabayaan mo lang ako, kasi ikaw lang ang nagbigay saya sa akin. Kung wala ka, hindi na makulay ang rainbow.”

            Pati si Maria May ay nakitawa na rin sa proposal ni Arlene. Para ngang gusto niyang gayahin ito kung hindi pa magtapat sa kanya si Chrysler.

            “Attorney, itong kakantahin ko tunog joke joke joke, pero seryoso ako dito. Mahal kita kasi talaga eh.” Kinulbit nito si Chrysler. “Sige na game na. Ehem…” Pagkatapos ay isang pamilyar na makulit na kanta ang kinanta nito habang si Chrysler ang nagigitara.  

            “Bangin ka ba? Kasi, nahuhulog na ako sa’yo, naman kasi. Unggoy ka ba? Kasi, sumasabit ka sa puso ko naman kasi.  Pustiso ka ba? Kasi, you know I can’t smile without you. Pagod na pagod na ako. Maghapaon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko. kasi naman kasi.. mahal kita… bagay tayong dalawa. Papiktyur nga, para mapa-develop kita. Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop. Bagay tayo, bagay talaga…”  

            The crowd cheered nang bigla na lang tumayo si Xeiji, inalis nito kay Arlene ang mic at hinalikan ito ng wala man lang intro. Ang bossing niya, sa wakas bumigay na rin ang puso para sa makulit na nurse na iyon. 

            Nagpalitan pa ng sweet line ang dalawa na animo’y pam-pocketbook na kwento ang dating bago pa sabay na nag-bow ang dalawa at nag-exit ng Kofi Cups.

            “Ang sweet, hindi naman Valentine’s pero may kasunod pa po iyon, mga katambay,” announcement ni Chrysler.

            “Oo nga, magtapat ka na!” hirit ni Rojun.

            “I second the motion!” sabat ni Rowell.

            Ngumiti si Chrysler. At lalong naging matamis ang ngiti nito nang diretso itong tumingin sa kanya. It seemed like his intention was only to look at her. Sa kanya lang, at hinding-hindi na ito titingin sa iba pa.

            “Maria May, ang honey Mayii ko.”

            Kumabog ang puso niya nang muling marinig dito ang endearment nito para sa kanya.

            “Sorry kung ngayon lang ako nagkalakas ng loob. I don’t know what will gonna happen next, but I want this thing to happen now. Mayii, my reason is… me. Sa’yong sa’yo na ako, wag ka lang babalik sa kanya.”

            “Wuuu, lab! Ang pag-ibig nga naman! Wuuu!” halu-halong reaksyon ng mga tao roon.

            Ibinaba nito ang acoustic guitar at umupo sa tapat ng piano. Then he started to play the first notes of a familiar song. Sa natatandaan niya, iyon ang ang kantang inialay nito sa kanya nang mag-debut siya several years ago.

             “It’s her hair and her eyes today that just simply take me away. And the feeling that I’m falling further in love makes me shiver but in a good way. All the times I have sat and stared as she thoughtfully thumbs through her hair. And she purses her lips, bats her eyes as she plays, with me sitting there slack-jawed and nothing to say, ‘coz I love her with all that I am. And my voice shakes along with my hands. ‘Coz she’s all I can see and she’s all  that I need and I’m out of my league once again….”

            Nang matapos itong kumanta ay tinitigan uli siya nito. “I love you with all that I am, Maria May! Minsan ka ng nawala sa akin dahil ipinaubaya kita sa kanya pero ngayon, hindi ko na hahayaang maagaw ka pa niya sa akin. I’ll do my best to be worth it for your love. Please choose me. Who knows I might be your long lost love.”

            She felt tears falling from her eyes. Tears of joy, for he just admitted to everyone inside the coffee shop that he loved her.

            “Uy, Maria May! ‘Wag ka ng mag-emo. Dali!”  Itinulak na siya ni Cattie. Sa makeshift stage.

            “Chrysler…”

            Pumikit ito, waring takot na takot sa maaaring masabi niya. “Mahal kita, Mayii.”

            “Oo, narinig ko nga.” Napakunot siya dahil nakapikit ito. “Bakit ka ba nakapikit? May nagpo-propose ba na nakapikit? Umayos ka nga!”

            Pero nanatili itong nakapikit. Bumuntong-hininga pa ito. “Natatakot ako sa isasagot mo.”

            Her heart melted when she saw tears falling from his closed eyes. Napapangiting niyakap niya ito and he lovingly embraced him back. Then she moved a little to sweetly whisper in his ears. “Stop shedding tears for me. You don’t have to be afraid of what I’m going to say. Listen, I love you, Chrysler. Wala na akong balak bumalik kay Gene dahil naibigay ko na sa’yo ang puso ko nung araw na hinalikan mo ako.”

            He moved and lovingly stared at her. “Totoo?”

            “Oo, ayaw mo?”

            “Gusto! Gustung-gusto!”

            Napatawa siya sampu ng mga taong andon. “Sira ka talaga. Ang tagal mong umamin. Muntik ng gayahin ko si Nurse Arlene, mapaamin ka lang,” sambit niya dito.

            Tumawa ito.  “So I guess, tinablan ka na rin sa wakas ng pagpapakyut ko.”

            “Oo na, oo na.  Paninindigan mo iyang mga sinabi mo ha. Madami akong witness dito.”

            “Yes, Honey Mayii ko. And I’ll give you more than that.”  He landed sweet kiss in her nose and finally on her lips. Lahat ng tao do’n ay nag-cheer para sa  kanila.

            “O sino ang sunod? Dhey, magtapat ka na diyan sa kasama mo baka bukas mauntog na iyan at layuan ka, sayang naman,” hirit ni Rojun.

            “Tse! Labidabs ako nito ano!”

            “Kung  ayaw mo, si Kofi na lang.”

            “Nakapag-propose  na ako. Ikakasal na nga kami ni Eloibeybs.”

            “Yihi!”

            “Waah! Kuya kami muna ni Regine!”

            “Hindi pwede, kami muna ni Tikilabs ko!” hirit ni Eloi.

            “Teka, mauuna kami ni Jomar!”

            “Paunahan ba ‘to?”

            “Eh Cattie, Alam ba ni Jomar na magpapakasal kayo?”

            “Tse! Panira ka talaga sa usapan kuya Rojun!”

            “I second the motion!”

            “Bakit ba? Nagtatanong lang ako? Bibo akong bata e.”

            “Batukan kaya kita diyan kuya, gusto mo?”

            “Hala lagot!”

            Samu’t saring kulitan at asaran pa ang naganap pero tila walang pakialam sina Chrys at Mayii. They just stared at each other. “Love you!” sambit ni Chrysler.

            “Love you more.” 


            MAINGAY ang kabuuan ng bar sa Batangas. It was Cattie and Jomar’s wedding party. Pero wala ni isa sa mga tropa ang lubusang nagpa-party. Maria May was sitting beside her boyfriend. Nakayakap naman  ang isang braso ni Chrysler sa kanya.

            “Pagod ka na ba? Gusto mo bang ihatid na kita sa room mo?” tanong ni Chrys sa kanya. Kahit ito ay halatang problemado. He was indeed a sweet loving boyfriend. Kung malambing na ito noon pa mang mag-bestfriends sila, mas naging malambing pa ito ngayong nasa ika-siyam na buwan na ang relasyon nila.

           Isang malaking problema ang dumating sa barkadahan nina Chrysler ilang buwan na ang nakakalipas. Nang itakas ni Jomar si Melai at ang diumano’y anak nito ay bigla na lang itong nawala kasabay ng aksidenteng kinasangkutan ni Jomar. Ang baby na si Beatriz Joy lang ang nakita ng mga pulis nang hanapin nila ang mga ito at hanggang ngayon wala pa ring lead. Ni traces kung buhay pa ba si Melai o hindi na ay wala sila.

            Umiling si Maria May. “Nalulungkot lang ako. Wala pa rin bang balita kay Ate Melai?”

            Napabuntong-hininga ito.  Nang mangyari ang insidenteng iyon ay saka lang niya nalaman ang lahat ng detalye. Ang koneksyon ng pagpapaulan ng bala sa Kofi Cups, ilang death threats kay Leo at Xeiji at pagkawala ng preno ng kotse ni Jomar. Ang lahat ng iyon ay may kinalaman kay baby Beatriz Joy na boluntaryong inako ni Melai. At bagama’t alam nilang delikado na rin sila, pansamantala ay sila ni Chrysler ang nag-aalaga sa bata. Inihabilin lang nila ngayon ang bata sa magulang ni Chrysler sa Hacienda Canilao na hindi rin naman ganon kalayo sa bar na kinalulugaran nila ngayon.

            “Wala pa e. Pero may awa ang Diyos Mayii, makikita rin natin siya.” He kissed her temple.

            “Eloi, kumain ka pa,” untag ni Kofi dito.

            Umiling lang si Eloi.

            “Ikaw Arlene kain din,” offer ni Xeiji. Dinedma lang ito ni Arlene.

            Ang dalawang ito ang pinakamalapit kay Melai. Si Eloi ay pinsan nito at si Arlene naman ay best friend nito.

            “Hanapin nyo muna si Ate Melai,” sambit ni Eloi.

            “Hangga’t hindi mo siya nakikita, ganito tayo palagi Xeiji.”

            Niyakap ito ni Xeiji. “Hindi ko gusto mawara siya. Kung pwede rang ako na rang sana nawara.”

            “Ang tagal na wala pa rin tayong nakukuha ni isang detalye,” sambit ni Regine. “Okay pa kaya si Ate? Kung tama ang iniisip natin na kinuha siya ng tunay na ama ni Beatriz Joy, ibig sabihin delikado siya.”

            “Makasabat nga ha. Girls, we’re doing our best to find her. The least thing we need from you is not to pressure us but to support us. Hindi madaling maghanap ng taong itinatago. Let’s just all pray na okay lang siya,” litanya ni Leo.  

            “Dapat kasi hindi nyo na siya idinamay dito e,” sambit ni Dhey.

            “If only we could turn back time, hindi na lang sana natin siya isinali sa gulong ito,” sambit ni Chrysler.

            “Pero guys, sa opinion ko lang, hindi ito ang tamang oras para pag-usuapan natin ito. I mean, this is Cattie’s wedding. We should be celebrating. Can we all just forget our problem for a while, for just one night? Bukas na bukas din pagpatak ng alas-sais, babalik tayo sa problema natin sa pagkawala ni Melai,” sambit ni Kofi.

            May point ito. At lahat naman ay nag-agree.  They tried their best to enjoy the party. Maya-maya pa’y nasa gitna na sila ng dance floor at sumasayaw sa saliw ng live band.  

            “Mayii, ngumiti ka na please. Ano bang sayaw ang gusto mo? Giling-giling?” Agad na gumiling itong parang ewan sa harap niya. Napatawa na rin tuloy siya.

            “Para kang bulateng sinabuyan ng asin. Halika nga.” Hinila niya ito at niyakap.

            “Tell me aside from Ate Melai, ano pang ibang iniisip mo? You had been quiet for the past few days,” sambit nito sabay halik sa buhok niya.

            “Nagi-insist pa rin kasi si Genesis na makipag-usap. Gusto lang daw niyang ma-close ang chapter namin. Ayaw daw niya na magkaroon pa ako ng sama ng loob sa kanya.”

            Natigilan at ito at tinitigan niya. Mababasa sa mga mata nito ang magkakahalong takot at pag-aalala. “Makikipagkita ka ba?”

            “Pwede ba?”

            “Kung ako ang tatanungin mo, syempre ayoko. Call it selfish pero natatakot ako na baka ipagpa—”

            She awarded him a quick kiss on his lips. Ngumiti lang ito. “Hindi kita ipagpapalit do’n ano.”

            “Baka lang naman mabola ka pa niya uli. Ako lang dapat ang mambobola sa’yo. Sasamahan kita pag nakipag-usap ka sa kanya,” giit pa rin ni Chrysler. “Baka kunin ka niya sa akin, Mahirap na.”

            Tumawa lang si Maria May. “Ikaw, kung anu-anong napapanood mo sa teleserye kaya napa-praning ka.”

            “Meron akong di magandang kutob diyan sa ex mo. I don’t know, pero kapag nakikita ko siya, pakiramdam ko may mangyayari na hindi maganda.”

            “Ay, praning ka nga!”

Maria May felt her cellphone vibrated. Nagpaaalam siya saglit kay Chrysler para sagutin ang call. Nagpunta siya sa isang lugar ng bar na hindi matao at medyo malayo sa ingay bago niya sinagot ang tawag na nagkataong unregistered sa contacts niya.

            “Hello?—” Hindi na niya lubusang nasagot ang tawag nang bigla na lang may kung sinong dumagit sa kanya mula sa kanyang likuran. May panyo itong itinakip sa bibig niya. At ilang segundo lang ay hindi na niya alam kung ano ang nangyari. 



PREVIOUS                                                                      NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…