Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: Do We Belong?- Part 2





            “Sumimasen. Kore wa, nan desu ka?”

           Napaangat ng tingin si Maria May nang lumabas si Xeiji mula sa opisina nito. Ilang linggo na ang nakakalipas nang magsimula siyang magtrabaho bilang secretary nito. Nag-excuse me ito at itinanong nito sa kanya kung ano ang kahon na inilagay niya sa mesa nito.

            Nakatulong kay Maria May na may kaunti siyang knowledge sa Japanese language. Kahit papaano ay naiintindihan niya ang boss lalo na kung napapa-Japanese ito tuwing super-excited o super-galit katulad ngayon. Sa hitsura nitong salubong ang kilay, mukha anytime ay huhugot ito ng samurai para pumatay.

            “Sir, may isang babaeng nurse na maganda ang nagdala niyan para sa inyo. Monthsary nyo daw po kasi. Happy monthsary po. Ang sweet girlfriend mo, Sir,” tugon niya.

            “Iie,” paghindi nito. “Wara ako girlfriend! Sa sunod pag punta ang Nurse Arlene na iyon, sabihin mo, hindi ko siya type. Basted siya.”   

            “Ha? Eh, Sir Xeiji, di naman sa nangengealam ako pero mukhang mabait naman po siya at… mahal kayo.”


            “None of your business, Maria May. You’re not allowed to care about my personal life,” tugon nito sa mas mahinahong tinig at biglang nalungkot ang mukha nito. “She doesn’t deserve me. She doesn’t deserve to have a complicated life with me…so…why am I feeling this way? Oh crap! Nanda!”

            Lihim siyang napangiti. Mukhang confused sa love department ang boss niyang palaging firm, calm, and organized kapag humaharap sa korte.

            “Why are you smiling at my disgrace? Aramo, ikaw turad best friend mo, bariw!”

            “Sir alam ko kung bakit n’yo nararamdaman iyan. Pero dahil hindi ako allowed to care for your personal life, hindi ko po sasabihin.”

            “Alright, tell me. What’s happening?” Inilapag nito sa mesa niya ang kahon ng cake.

            “Sir, you’re in love.”

            “No way!” He turned back and went inside his office. Padabog pa nitong isinara ang pinto.

            Napailing na lang siya. Noon pa man ay naririnig na niya kay Chrys ang tungkol sa Nurse na baliw na baliw daw kay Xeiji. And she found that love story cute.

            Ibinalik na niya ang atensyon sa tina-type na report nang bumukas uli ang pinto ng boss niya. Awtomatikong napatingin siya dito.

            “Oh, well. Maybe you’re right. Maria May, will you give me a slice of that cake? Ikaw rin kuha sa’yo ha.”

            “Yes Sir!” 

            Agad niyang dinala ang cake sa pantry. Kumuha siya ng dalawang platito at naglagay ng slice ng cake. Dinala niya iyon sa opisina ni Xeiji at ang isa ay iniwan niya sa mesa niya. Nagulat na lang siya nang pagbalik niya sa mesa niya ay nakaupo sa swivel chair niya si Chrysler at inuupakan na ang cake.

            Halos dalawang linggong hindi sila nagkita. May inasikaso ito sa farm at siya naman ay naging busy sa trabaho.

            “Hoy, panget! Share ko sa cake iyang kinakain mo,” sita niya. Tinapik niya ito para paalisin ito sa upuan niya. Pero hindi ito natinag.

            “Kay Nurse Arlene galing ito ano? Akalain mo nga naman, isang buwan na lang, one year na sila ni Mr. Tempura!” tukoy nito kay Xeiji.

            “At paano mo nalaman niyan? Por que ba product ng Kofi Cups ang cake, galing na agad kay Nurse Arlene? At puwede ba, umalis ka nga diyan. Maabutan tayo ni Xeiji, baka masesante ako. Ano bang ginagawa mo dito?”

            “Ilang tanong iyon? Ang dami ah, na-miss mo ako ano?” Iniatang nito ang tinidor na may cake sa kanya.  Isinubo nito sa kanya ang cake at tinanggap naman niya. Tumayo ito at pinaupo siya pero nanatili itong nasa tabi niya. Yeah right, na-miss niya ito. Na-miss niya ang amoy nitong pagka-bangu-bango.

            “Well, baka gusto mong sagutin ang tanong.”

            “Wala naman masyadong significance. Ako lang naman ang kumakain at umuubos ng cake na pinapadala ni Arlene kay Xeiji, buwan-buwan.”

            “Ibig sabihin, hindi kumakain ng cake si Sir Xeiji?” 

            “Hindi, bakit kumain ba siya ngayon?” Tumango siya at napasipol ito. “In love nga siguro ang Hapon na iyon!” 

            “Baka nga, bakit ka andito?”

            “Na-miss ko kasi ang Honey Mayii ko.” He moved closer to her face. “Ako ba na-miss mo?”

            Napabuntong hininga siya sa biglang pagkabog ng puso niya. “Hindi. Pero si Mishu, na-miss ka.”

            Sumimangot ito at lumayo. “Si baby lang naka-miss sa akin?  Ang sad naman. Ako nga hindi ako makatulog, hindi ako makakain, hindi ako makapagtrabho ng maayos dahil na-miss kita pero ako, hindi mo man lang na-miss?”

            Nagpaawa effect pa ito na tinawanan lang niya. “Hindi ako tatablan ng pagpapakyut mo, Chrysler Canilao.”

            “Haaay, kelan ka kaya tatablan ng pagpapakyut ko?” He moved closer to her face again and lovingly gazed at her.

            Sa hindi mawaring dahilan ay pawang biglang naging conscious si Maria May sa pagkakatitig at inaakto ni Chrys sa kanya. Oo madalas na pabirong inaakit-akit siya nito pero ngayon lang siya nakaramdam ng kakaiba. Parang kung makatingin ito ay para nitong sinasabi na in love ito sa kanya.

            “Mayii….” Hinaplos nito ang pisngi niya. And that act gave another rush of strange feeling in her system.             

            “C-Chrys, anong g-ginagawa mo ba? H-hindi ka naman ganyan dati. May sanib ka ba?”  Kung anu-ano ang naiisip niya. Hahalikan ba siya nito? Posible, dahil halos konting sentimetro lang ang layo ng mga labi niya. At aminin man niya o i-deny, naaakit na siya sa kissable lips nito.

            Bumuntong-hininga ito at lumayo na sa kanya at saka lang siya nakahinga ng maayos. False alarm. Nagpakyut lang talaga si Chrysler. Sayang!

            “Bakit ang ganda-danda mo ngayon Mayii? Nung umalis ako papuntang Batangas, panget ka pa ah—Aray!” Hinampas niya ito sa balikat ng nahagip na folder. Tumawa lang ito.

            “Hoy, matagal na akong maganda since fetus pa ako!”

“Hmmm. Okay. Aminin mo na kasi na na-miss mo ako, na crush mo ako at gusto mong halikan kita kanina. Okay lang Maria May. May best friends naman na nagiging lovers din. Baka gusto mong subukan natin—Aray! Ang sweet mo talaga, Honey Mayii! Salamat sa mga magiging pasa sa balikat ko ha.”
            
          “Tse!” Imposible talaga itong si Chrysler. Mas maganda pang magtrabaho na lang siya kesa intindihin ito. Kung anu-ano lang ang sinasabi nito. “Puro ka kalokohan!”

            “Hey you two! This is not a place for romance,” sita ni Xeiji. Binalingan siya nito. “You may go, Maria May. Sige na, date na kayo.”

            “Mag-date din kayo ni Nurse Arlene. Monthsary nyo di ba? Eleventh monthsary,” hirit ni Chrysler.

            “Wara naman siya, paano—”

            “Fafa Xeiji!” Pumasok sa opisina si Nurse Arlene at lumingkis agad kay Xeiji. “Tara na, mag-date tayo. Hindi ako prepared pero carry ko ‘to. Senang Hati tayo!” Binalingan pa sila nito. “Uy, sama kayo dali!”

            Walang sabi-sabing kinaladkad  ni Xeiji si Arlene palabas.

            “Uy, sunod kayo ha!” pahabol pa ni Arlene sabay lingkis uli kay Xeiji. Ilang minuto pa, wala na ang mga ito.

            Nag-aayos na siya ng gamit nang akbayan siya ni Chrys. “Tara, sunod tayo. Dating gawi, sumingit uli tayo sa free jam ng banda.” Naramdaman niyang sininghot nito ang buhok niya. “Hmmm, nagpalit ka ng shampoo ano? Better, far better. Ang bango mo.”

            Nangkupo! Ano ba ito? Bakit bumibilis na naman ang hearbeat ko?  

            “Tara na nga! Kulang ka lang sa alak e. Kung anu-ano na iyang sinasabi mo.”

            Tumawa ito. “Kelan kaya kita mabobola ano? You’re single now and I’m single too. Pwede naman tayo e. Pero hindi talaga kita mabola, sayang! Gusto pa naman kitang maging reyna ng Hacienda Canilao.”

            Napailing lang siya. Dito na rin nanggaling na nambobola ito. Hindi siya pwedeng maniwala. “Ililibre kita. Tagay lang katapat ng kahibangan mo, Chrys.”

            Tumawa ito. “Siguro nga.”


           
            “CHEERS!” Nakakatatlong bote na sila ni Chrysler. Sumunod nga sila sa Senang Hati pero sa dami ng tao, hindi na nila nahanap sina Xeiji at Arlene. Okay na rin iyon at nang magkasarilinan ang mag-boyfriend kuno na iyon.  Kapwa sila sanay sa inuman kaya kahit tigta-tatlo na sila ng nauubos na bote ay baliwala pa rin. Wala pa silang tama. “O nalinis na ba ang pag-iisip mo ha, ginoong haciendero?” tanong ni Maria May.

            Nilagok muna nito ang natitirang alak sa bote bago sumagot. “Paano kung hindi ako nagbibiro at seryoso ako?”

            “Sa aling parte ng sinabi mo?” nilagok niya ang alak niya.

            “Na pwede naman tayo at gusto kitang maging reyna ng Hacienda Canilao. At how I wish tumatalab sa’yo pagpapakyut ko.”

             “Bakit mo naman naisip iyan? Oy, ayokong mag-ala Kim Chiu ha. With the famous line, Syinota mo ako e, syinota mo ang best friend mo!” Binuntutan pa niya iyong ng tawa. Nawiwirduhan siya sa ikinikilos ni Chrysler kanina pa. Kung anong nangyari sa pagdi-deal-with-my-self na ginawa nito, sigurado siyang may kinalaman iyon sa inaakto nito ngayon.

            Binato siya nito ng crumpled tissue. “’Lol! Hindi kita syosyotain ano. You don’t deserve to be in short time relationship. Para ka sa panghabambuhay e, someone like a wife…a lawfully wedded wife.”

            Hindi niya naiwasan ang mapangiti.  Buong buhay na ata niya e nakasama niya si Chrysler. Three years old siya at five ito nang una silang naging magkalaro. They grew up together. At sa dinami-daming pagpapasaring at pambobolang ginagawa nito, ngayon lang ata siya tinablan. He looked sincere in what he said. At sa lahat ng lalaki na nakilala niya, ito lang ang kabukod tanging rumespeto sa kanya ng buong-buo.

            “Aha! Sa wakas, tinablan din ang Honey Mayii ko! Masaya akong napangiti na kita. Seryoso ang sinabi ko kanina, wala iyong joke.”

            “Alam ko, thank you ha.”

            “So, magpapabola ka na ba sa akin?”

            Umiling siya. “No.”

            “Bakit?”

            “Hindi mo ba nami-miss si Faith?” biglang tanong niya.

            Natigilan ito. Pagkatapos ay tahimik na inubos nito ang pang-apat nitong bote.   And she knew what he meant. Ayaw nito ng topic at hindi nito iyon sasagutin. 

            “Nami-miss mo nga siya. Therefore, why are you opening the issue of me as your prospect?”

            “Nami-miss mo ba si Genesis?”  bagkus ay tanong nito.

            “Kung ma-miss ko man siya hanggang doon na lang iyon. Kahit bumalik pa siya, hindi ko siya tatanggapin.”            

            “Senang Hati, are you enjoying the night?” tanong ng babaeng bokalista ng Infinity Band. Napunta tuloy sa stage ang atensyon nila. The band did change after the death of their male vocalist and lead guitarist last year. But the changes are for the better. Parang buo pa rin sila at andon rin lang ang namayapa nilang kabanda. “We’re opening the stage for free jam. And the first on our list… oh the best friends are back! Best friends pa rin kayo? Aba naman, suki na kayo ng free jam ah. Single palang ako mag-best friends na kayo, ngayong bagong kasal na ako, magbest friends pa rin kayo? Ano ba iyan? Magtapat ka na Chrysler!”

            Nagkatinginan sila ni Chrys. Palaging ganong ang patutsada sa kanila ni Mhads, ang female vocalist ng Infinity.  Lahat na lang ng tao, ibinibigay na sila sa isa’t isa. Sila lang talaga ang ayaw patulan ang bagay na iyon.

          “O siya siya. Let us all welcome, ang best friends kuno, sina Chrys and Maria May!” Nagpalakpakan ang mga tao as they walked towards upstage.

Dating gawi, dinampot ni Chrysler ang acoustic guitar. They both loved singing. Dati nga ay choir pa sila ni Chrys sa church. At totoong madalas na pinapatulan nila ang free jams sa mga music lounge. Nahinto lang ang trip nilang iyon three years ago nang maging nobyo niya si Genesis na nobyo din pala ni Faith na nobya ni Chrysler. Ang gulo pala nila, pero parang balewala na iyon ngayon. Ang importante, si Chrysler, nasa tabi pa rin niya.

“Ah, magandang gabi po. Para po sa inyong lahat ang song po namin ni Mayii. Sana po ay magustuhan nyo po,” sambit ni Chrys sabay lingon sa kanya.

“You belong with me po, Acoustic version.”

The she started the first line while Chrysler was strumming the guitar. “You’re on the phone with your girlfriend, she’s upset. She’s going off about something that you said. She doesn’t get your humor like I do.”  

Then he sung the next part. “I’m in the room, it’s a typical Tuesday night. I’m listening to the kind of music he doesn’t like. He’ll never know your story like I do.”

Pagkatapos ay nag-duet na sila. “…Dreaming about the day when you wake up and find that what you’re looking for has been here the whole time. If you could see that I’m the one who understands you. Been here all along so why can’t you see, you belong with me. Standing by and waiting at your back door. All this time how could you not know baby… you belong with me…”  

Panaka-nakang nagsusulyapan sila at nagngingitian ni Chrysler and come to think of it. May konting patama sa kanilang dalawa ang kantang iyon. Matapos nilang kumanata ay bumalik sila sa inuman session nila.

“So what now?”

Kunot-noong binalingan niya ito. “Ha?”

“Anong ha? Kanina pa akong nagpo-propose sa’yo, Mayii.”

“What?” Lalo siyang naguluhan kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso niya. Ano daw iyon? Prosposal?

“Sinabi ko na kanina pa na gusto kitang maging reyna ng Hacienda Canilao.”

“Hindi mo na ako maha-hire do’n. May work na ako kay Atty. Xeiji—”

“Hindi kita inaalok ng trabaho, Maria May.” Inihilamos nito ang kamay sa mukha. Mukhang tensyunado rin ito. Bakit ba? “Hindi mo ba nage-gets?”

Umiling siya. “Ang gulo mo eh.”

“Mayii…alam mo bang pinapahirapan mo ako.” Kumunot pa lalo ang  noo niya. “After being friends for two decades and five years, I didn’t expect that I’m going to feel this way.” He looked in her eyes intently then she held her hand. “Pwede mo ba akong bigyan ng chance na maging malambing sa’yo?”

“Malambing ka na naman noon pa. Kaya nga tayo sweet best friends di ba?”

“Can we be more than friends?”

“Ha?” Muntik na siyang malalag sa kinauupuan niya sa sinabi nito. More than friends? Mag-MU? Magboyfriend? Waaaah!

Napabuntong-hininga ito at kinuha ang isang bote ng alak at uminom. “Kalimutan mo na lang na may sinabi ako, Mayii.” Ini-offer nito ang bote sa bote niya. “Cheers!” 

Naguluhan siya. Does that mean Chrysler might be in love with her? Napailing si Maria May. Hindi pwede. Impossible iyon. Baka napu-frustrate lang ito sa break-up nito with Faith. She can’t imagine herself being treated as his girlfriend. But on the second thought, masarap kayang maging boyfriend si Chrysler?
           
        
    
         “O, E ANONG problema naman do’n, Maria May? Single and moved on ka na naman tapos siya e single ang moving on din. Natatakot kang maging rebound lang ang relasyon nyo ganon?” tanong ni Rojun.  Kasalukuyan silang nakatambay sa Kofi Cups. Pagkatapos niyang mag-work ay nakipagkita siya sa mga iyon para humingi ng advice. Dapat ay uuwi na siya dahil hindi masyadong maganda ang pakiramdam niya. Pero dumaan na rin siya sa Kofi Cups para uminom ng tea.

           “Kuya, sa tingin ko hindi siya seryoso. Nag-iinuman kami nang sabihin niya iyon. Baka may tama lang siya ng alak,” sagot niya.

            “O may tama sa ulo,” sambit ni Melai na may kargang bata. Noong una ay nagtaka pa si Maria May kung bakit may bitbit na baby si Melai gayong alam ng buong bayan na single and very much available ito. Anak daw nito ang bata. Period. Wala na daw tanung-tanong.

            “I second the motion!” hirit ni Rowell.

            “Paano kung seryoso siya?” tanong ni Rojun. Inakbayan siya nito. “Kung papipiliin mo ako, mas gusto kong mapunta ka kay Chrysler kesa mapabalik ka kay Genesis.”

            “Eh ang hirap maniwala, kuya. Palagi naman kasi siyang nagbibiro e. Paano ko siya seseryosohin? Hindi ko naman nakikita na seryoso siya—”

            On cue, biglang pumasok ng Kofi Cups si Chrysler. Agad na kumunot ang noo nito nang makita siya. Masamang tingin din ang ipinukol nito kay Rojun na nang-aasar na nginitian pa ito.

            “Chrys, pare! Hindi naniniwala si Maria May sa lahat ng sinabi mo nung isang linggo. At dahil do’n hindi mo siya maisasama sa Hacineda Canilao ngayon. May date kami mamaya ha. Wag kang mag-alala, aalagaan ko siya while we are on our romantic date.”

            Napanganga si Maria May sa sinabi ni Rojun. Date? Kelan pa sila nag-usap na may date sila? Pasimpleng kinindatan lang siya ni Rojun. Alam na niya, may nilulutong kalokohan na naman ang kuya-kuyahan niyang ito. Tiningnan niya si Rowell. Nakangisi lang ito sa kanya. Confirmed. May gagawing kalokohan nga ang mga ito.

            “Bakit mo naman sinasabi iyan? Eh di mag-date kayo. Ako ba ang tatay niyan?”  nagsusupladong tugon ni Chrys sabay punta sa dulong mesa na favorite spot ng mga kaibigan nito. 

            “Ang suplado ng lover mo, hindi man lang nagpakyut sa’yo,” puna ni Melai.

            “Bad mood. Baka nagka-problem sa farm niya,” tugon niya.

            “Naku, wawa naman ang aming muy gwapito dito oh, patingin-tingin na lang!” hirit ni Dhey na kasalukuyang kasama ni Chrysler sa mesa sa di kalayuan.

            “Shut up, Dhey!” sita ni Chrys.

            “O, Chrysler, kape kape! Baka madadaan pa sa kape iyang bigo mong puso,” gatong pa ni Kofi.

            “Isa ka pa! Ibubuhol kita kay Nurse Eloi eh!”

            “Pare type ko iyan! Sige nga! Uy, Eloi, pagbubuhulin daw tayo ni Chrysler.”

            “Sige, mamaya,”  patol ni Eloi.

            “Ako rin, ibuhol mo ako kay Chef Regine!”

            “Ayaw naman no’n sa’yo, Leo!”

            “Hindi ah! Pa-hard-to-get lang iyon!”

            Nagtawanan ang mga taong andoon. Hindi alam ni Maria May kung siyang nga ba ang subject matter ng pang-aasar ng mga kaibigan ni Chrysler dito pero hindi niya mapigilan ang mapangiti.

            “Tamang-tama, Chrys. May swak na article ako para sa sa’yo. Eto oh, Five symptoms of falling in love with a friend,” sabat pa ni Cattie sabay abot ng isang magazine dito. 

            “Damn, Cattie! ‘Wag ka sanang balikan ng Jomar mo!”

            “Ang sama mo naman. Tanggalin ang sumpa ni Chrysler, ngayon din!” patawang hirit ni Cattie na ikinatawa ng lahat maliban kay Chrysler.

“Mukhang pikon ngayon si Chrysler ah,” hirit ni Rojun na sadyang nilakasan pa ang boses para marinig mismo ni Chrysler. Inayos pa nito ang pagkakaakbay sa kanya. “Bakit kaya, Maria May? Ano sa tingin mo?”
        
          Mukhang nagtagumpay naman itong si Rojun dahil masamang tingin na naman ang ipinukol ni Chrysler dito. “Sa tingin ko, maya-maya lang uupakan ka na niya.”

            “Hala lagot!” parang batang pananakot ni Rowell.

            “Oy, I second the motion lang ang linya mo dito,” sita ni Melai.

            “Pwede na daw mag-iba sabi ng writer.”

            Napailing na lang si Maria May. Kapag ang mga ito talaga ang kausap niya, daig pa niya ang nakipag-usap sa lasing. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ng shop si Xeiji. Kunot noong bumaling ito sa kanya. “Maria May! Sabi ko, ikaw uwi agad. Sakit ka pa ah.”

            Napangiwi siya. Pinag-undertime siya nito nang malaman nitong nilalagnat siya. Kung tutuusin napakaswerte niya dahil maaalalahaning amo ang napuntahan niya ngayon. “Pauwi na po, attorney. Uminom lang ako ng tea.”

            Tumungo  ito. “Good. Uwi na!” At nagtuloy na ito sa mesa ng tropa nito.

            “May sakit ka?” Sinalat ni Rojun ang noo niya. “Aba, oo nga ano! Congrats Maria May, isa ka pa lang tao, nagkakasakit ka!”

            Tumawa lang siya.

            “Mayii! Tumayo ka na riyan, umuwi na tayo!” In split of seconds ay nasa harap na niya si Chrys. Nang hindi siya kumilos ay ito na ang nag-alis ng braso ni Rojun sa balikat niya at kinaladkad siya palabas ng shop.

            “Uy, dahan-dahan lang. May sakit iyan ‘tol!” paalala ni Rojun though alam naman ni Maria May na bahagi lang iyon ng game na iniisip nito. Hindi naman ito gaanong maaalalahanin sa kanya. In short, nananadya lang talaga.

            “Bakit ka ba nakikipagkwentuhan sa mga iyon e dapat nagpapahinga ka? At bakit hindi mo sinabing may sakit ka pala?”

            “Di ba hindi naman ikaw ang tatay ko? Bakit ko naman sasabihin sa’yo na may sakit ako?”

            Humigpit ang hawak nito sa kamay niya pero hindi na ito nagsalita.

            Paglabas nila ng shop ay saka naging maingat si Chrysler. Parang ginusto lang nitong ilayo siya sa mga tao sa shop. Huminto sila sa paglalakad at binalingan siya nito. Sinalat nito ang noo niya.

            “Nakainom ka na ba ng gamot? Ang init mo ah.” Inalis nito ang suot na jacket at isinuot iyon sa kanya.

            Umiling siya. “Ayokong uminom ng gamot.”

            “Iyan ka na naman, Mayii. Tuwing may sakit ka, iyan na lang lagi ang problema ko sa’yo.”

Inakbayan siya nito…ay mali! Mas maganda atang sabihing na iniyakap nito ang braso sa kanya, a simple way of letting her know that she will feel better because of him.  His warm gentle embrace really made her feel better. Nawala ang lamig na nararamdaman niya dulot ng lagnat. Dahil doon, hindi na niya nagawang makipag-argue. Parang gusto na nga niyang himatayin para naman maramdaman niyang mabuhat nito ala teleserye style.

Pagkarating nila sa condo unit niya ay agad siya nitong iginiya sa kwarto niya. “Magbihis ka at mahiga. Aalis lang ako para bumili ng gamot at pagkain.”

“Ayoko nga ng gamot! Ibili mo na lang uli ako ng tea,” ungot niya dito.

“Hindi ka gagaling sa tea. O sige mamili ka, gamot o dadalhin kita sa hospital?”

“Matutulog na lang ako.” Akmang isasara na niya ang pinto nang pigilan siya nito.

“Hindi ka ba talaga naniniwala sa akin?” He lovingly gazed at her. Puno ng alinlangan at pag-aalala ang expression ng mukha nito. Sa tagal nilang magkaibigan, ngayon lang ata niya nakitang nagkaganon si Chrysler.

“To tell you honestly, hindi ko alam. I’m sorry if that matter bothers you. Pero nahihirapan kasi akong maniwala or rather natatakot akong paniwalaan ka.”

Hinawakan nito ang kamay niya. “Natatakot din ako, Maria May. I know this is not me. I only go with women who are dying to have me. Pero napagod na ako sa ganong buhay. I want real love. I want true love. And when I dealt those things with myself few weeks ago, isa lang ang naging conclusion ko.”

“Ano?” matagal na niyang gustong usisain ang resulta ng deal-with-myself nito.

“Na-miss ko si Faith.”

Parang tinusok ng kutsilyo ang puso ni Maria May. Akala ko ba may something ka sa akin? Gusto sana niya iyong itanong pero hindi pwede. Mao-obvious na nabubuksan na nga nito ang puso niya. And things are getting more complicated.

“Pero na-realized kong hindi ko talaga siya minahal. I’m just saving my pride and diverting my attention to stay away from being hurt nang magsimula akong mag-date ng kung sinu-sino.”

“Ano? At bakit naman?”

“All these years, I’m in love with..,” he smiled, “with a very sweet girl. Committed siya noong ma-in love ako sa kanya kaya ang ginawa ko ay naghanap din ako  ng iba.”

“At sino naman ang girl na iyon?” Hinilot niya ang sentido nang kumirot iyon. “Aaay! Peste namang sakit ‘to!”

Inalalayan siya ni Chrys na makahiga sa kama. “Magpahinga ka na. Bibili na ako ng gamot mo para gumaling ka na.” He moved closer and kissed her forehead. Pakiramdam niya ay lalo siyang lalagnatin sa sweet gestures nito. It was her first time to feel that way. Sa loob kasi ng tatlong taong relasyon nila ni Genesis, ni isang pagkakataon e hindi siya inalagaan nito pag nagkakasakit siya. Palaging si Chrys ang nagsisilbing nurse niya.

Papalabas na ito ng silid nang tawagin niya ito. “Sino iyong girl?”

Ngumiti lang ito. “Siya iyong nakatakdang reyna ng Hacienda Canilao. Sige na magbihis ka na ha, at magpahinga. Babalik din ako agad para makakain ka at makainom ng gamot.” He gently closed the door. 

Naiwan si Maria May na wala sa huwisyo. Teka, ako ba iyon? Nakapa niya ang pusong tila patuloy ang pagbilis ng tibok.  Mukhang affected na ata siya.

Then she heard his voice yelling outside the room. “Siya yung nakahiga sa kama at nilalagnat.”

Lalong lumakas ang kabog ng puso niya. Ako nga! Waaaahh!

Pinakiramdaman niya ang buong bahay. Mukhang wala na ito at nakalabas na ng bahay. Saka lang tumayo si Maria May para magbihis at humiga uli sa kama. Nalilito ang isipan niya. Sa unti-unting pagtatapat ni Chrysler, ano ba ang dapat niyang gawin? Maniniwala na ba siya this time? Kung siya ang tinutukoy nito, bakit hindi na lang nito sabihing mahal siya nito para tapos na ang usapan?



PREVIOUS                                                               NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…