Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: Do We Belong? -Part 1




“Mishu!!!” Magiliw na sinalubong si Maria May ng alaga niyang baby St. Bernard nang pumasok siya sa condo niya. “Gutom ka na ba baby? Naubos mo na ang food mo?”

            Kunot-noo lang na sumunod sa kanya ang boyfriend niya. “Hindi naman sasagot iyang aso mo kahit itanong mo pa kung sino ang president ng Pilipinas ngayon,” walang kagana-ganang patutsada ni Genesis.

            Ang taong ito talaga! Napailing na lang siya. Wala na kasing hindi pinagselosan ang boyfriend niyang ito. Kahit ata ang fortune plant na iniingat-ingatan niya sa may bintana ng condo niya ay papatulan nito.

            Hindi na lang niya pinanasin ang sinabi ni Genesis. Umupo siya at niyakap-yakap ang aso niya. Special ang St. Bernard na iyong sa kanya dahil baby nila iyon ni Chrysler, ang siraulo niyang best friend na buwan-buwan na lang ay nagpapalit ng girlfriend. Well lately, nagbago ata ito ng trip dahil breaking the record na ang current relationship nito. Umabot na ng ten months.


            “Who gave you that damn dog?” kunot-noong tanong na naman ni Genesis. “Di ba sabi ko sa’yo ‘wag ka ng tumanggap ng kahit na ano galing sa iba? May manliligaw ka na naman bang iba? Ipinagpapalit mo na naman ako?”

            Natigilan siya sa pakikipaglaro sa aso at kunot-noong binalingan ito. He was just lazily sitting on the couch with a knotted forehead. Same argument.  Palagi na lang itong ganon. Basta may mapansin itong bago sa kanya, iniisip agad nito na galing iyon sa isang manliligaw. Iniisip agad nito na nagpapaligaw pa siya at nagiging salawahan siya.

            That was really so unfair. Siya nga hindi niya maungkat ang whereabouts ni Genesis pero ito, halos pati back ng mind niya nahahalukay at pinapakialaman.

            “Iyan ka naman, nagseselos ka na naman ng walang dahilan. Alam mo pakiramdam ko hindi mo na ako mahal, Gene.”

            “Oh, wag mo akong baliktarin, Maria May. You know how much I love you,” walang kaemo-emosyong tugon nito. “Baka ikaw na ang nagsasawa sa akin. Mas importante pa sa’yo ang aso mo, ang trabaho mo, ang halaman mo.”

            Pumikit siya ng mariin para iwasang patulan ang argument nito. Useless. Dahil kahit ipakita na niya dito na hindi na siya masaya, at the end of the argument hindi pa rin niya magawang makipaghiwalay dito. Minahal niya si Genesis sa loob ng tatlong taon. Noon naman ay masaya sila at hindi ito nagkulang sa pagpapakita ng pagmamahal nito sa kanya. Nito lamang nakaraang buwan niya napansin na tila lumalala ang pagkaseloso nito at palagi itong gumagawa ng argument.  Pilit na lang niyang iniintindi ito. Iniiisip na lang niya na dala lang iyon ng pagod nito sa trabaho bilang isang college professor.

            “Mas importante ka sa akin, Gene.” 

            Pero hindi nito pinansin ang sagot niya. “Siguro naman hindi iyan galing sa boss mo. By the way, have you resigned?”

            “Nope, hindi ito galing sa kanya and yes, nag-resign na ako.” Happy? gusto sana niyang sarkastikong idugtong pero pinigilan niya ang sarili niya.  Pinag-resign siya nito dahil nagseselos ito sa boss niya. At siya namang sira, nag-resign nga para lang wala ng gulo.

            “Good.” He took away his eyes from her and got his cellphone from his pocket. Maya-maya pa’y abala na ito sa pagte-text kaya inabala na lang ni Maria May ang sarili sa naglalambing na si Mishu.

            “Tara, Mishu. Kakain tayo.” Binalingan niya si Genesis na abala pa rin sa pagte-text. Sino kayang katext nitong hukluban na ‘to? Bagong babae? Nararamdaman niya iyon. May ibang babae si Gene. Pero hangga’t hindi niya ito nahuhuli sa akto, hindi niya paniniwalaan ang instinct niya. Hindi siya gagaya dito na puro hinala lang ang pinapairal. “Ikaw, Gene. Gusto mong kumain?”

            “I’m not eating dog food,” pilosopong sagot nito.

            Ay! Ewan ko na sa’yo! “Kung nagugutom ka, sabihin mo lang. May food pa sa ref ko. Initin na lang natin.” Binalingan niya ito, still abala sa pagpipindot sa cellphone nito.

            “Thanks, but I won’t opt to leftovers.”

            Patience, Maria May Fajutagana. Patience! Virtue iyan, kaya mo iyan! “Ikaw ang bahala.”  Tahimik na lang sila habang pinapakain niya si Mishu at ito ay abala sa cellphone nito.

            Few minutes more, may nag-doorbell. She passed over her boyfriend and opened the door.

            “Mayii!!”

            Yakap ang agad bungad ni Chrysler sa kanya pagkabukas niya ng pinto. Lagot! Ito pa ang isa sa problema niya. Ito kasi ang major na pinagseselosan ng boyfriend niya. Nakatalikod siya sa boyfriend niya. Ano kayang reaksyon ni Genesis sa eksenang iyon?

            Narinig niya ang pagtikhim ng boyfriend niya. Nakupo!

            Saka lang parang napasong binitawan siya ni Chrysler. Pagkatapos ay parang balewalang binalingan lang siya ni Chrysler. “Uy, tamang-tama. May dala akong barakong kape! Fresh from factory pa iyan ha. Buti na lang dalawa ang dinala ko.” Binalingan nito ang boyfriend niya. “Gene, you can have the other jar okay!”

            Binalingan ni Maria May si Genesis. Hindi na maipinta ang mukha nito. Sino nga namang boyfriend ang matutuwang may dumadalaw na lalaki sa girlfriend niya ng alas-kwatro ng madaling araw? 

            Hindi pinansin ng boyfriend niya ang sinabi ni Chrysler. Ibinaling nito sa kabubukas pa lang na TV ang atensyon.  “Maria May… don’t waste time. I’ll be leaving after few minutes.”

            Napangiwi siya. Kulang na lang ay direktang palayasin nito si Chrysler.

            Alanganing binalingan niya si Chrysler. Hinila niya ito sa labas ng condo unit niya. “Pasensya ka na ha.”

            Seryoso ang mukha nito. “Ano bang problema ng boyfriend mo sa akin?”

            “Nagseselos siya.”

            Nanadyang inilapit pa nito ang mukha nito sa kanya emphasizing his awesomely handsome face. “May dapat ba siyang ikaselos? Technically, we are just sweet best friends. May girlfriend ako, nakita na naman niya si Faith. Pinag-iisipan ka pa rin niya na may behind the scene relationship tayo?”

            “Iyon na nga eh, we are sweet best friends as in sweet. Eh pati naman si Faith, pinagseselosan ako. Quits lang tayo, Chrysler Canilao.”

            “Iba si Faith. Nagselos lang siya noong hindi pa niya alam na magkababata tayo. Pero iyang boyfriend mo, OA na ang pagseselos niya.” Bigla itong natigilan at tila nag-isip.  “Hmmm….”

            “Anong hmmm?”

            He moved away. “Naisip ko lang, baka may ibang babae ang boyfriend mo. Nagagalit siya kasi ganon ang ginagawa niya. Gusto lang niyang i-blame sa’yo ang lahat in case mahuli mo siya para ikaw ang lalabas na masama, taksil, at nanloko at hindi siya.”

            Umiling na lang siya although ganun din ang kutob niya. Itinulak na lang niya si Chrysler para paalisin. “Ikaw, umandar na naman ang pagkakamanghuhulang panis mo. Lumayas ka na nga. Salamat sa kape ha.”

            “Okay! Okay! Hindi mo naman ako kailangang ipagtabuyan. Siya dapat ang idinidispatsa mo.”

            “Shut up, Chrys.”

            “Alright. In case you need a rescue, nasa Kofi Cups lang ako.” He winked and left.  Mahilig talagang magpa-cute ang isang ‘to.

            Siya mismo ay hindi makapaniwala na naging mag-bestfriend sila nito. Mula elementary at high school ay magkasama na silang dalawa dahil magkatapat lang ang bahay nila sa province. At maging sa college, kahit magkaiba sila ng kurso at department ay palagi pa rin silang magkasama. Marami ang nag-akalang may relasyon sila ni Chrysler. But they knew the real story. They didn’t fall in love with each other. Pareho nilang hindi type ang isa’t isa. Sexy, glamorous, sophisticated, and flirty ang type ng babaero niyang best friend. Siya ay simple, di mahilig mag-ayos, walang alam sa flirting at hindi outgoing. Ang type niya ay lalaking ido-dominate siya katulad ni Genesis na kabaliktaran naman ni Chrysler na madalas tino-tolerate ang mga bagay na gusto niya.

            Pumasok na siya uli ng condo unit. Pero hindi pa niya tuluyang nailalapat ang paa niya sa unit niya ay lumabas na si Genesis.

            “Ngayon mo sabihing wala kayong relasyon. Pinupuntahan ka niya dito at this early. Araw-araw ka bang kinakatok ng lalaking iyon para bigyan ka ng products niyang kape?”

            Napabuntong-hininga siya. Pagod na siyang mag-explain. “Diyan lang siya nakatira sa tapat ng condo unit ko, Gene. Anong masama kung puntahan niya ako? We’re best of friends.” 

            “Everything!” sinigawan siya nito. “May boyfriend ka, tapos lumalandi ka pa sa ibang lalaki—”

            Sinamapal niya ito. Natigilan ito, natigilan din siya. “I’ve been loyal to you for three years. Ikaw ang hindi faithful kaya ‘wag mo akong pagbintangan na malandi ako!” Tila nagulat ito sa sinabi niya. “I know, Gene. You have other women. Dalawang taon lang naging totoo ang relasyon natin. Last year, nagbago ka na. Sinasakal mo na ako. You’ve been seeing other women but I kept myself in silence because I love you.” 

            “Don’t blame the matter to me. I’m sick of this. We’re through!”

            Ganon na lang iyon. Ito pa ang may ganang makipag-break. Well, she thought, Chrysler was right in his speculations.

            “Ang kapal ng mukha mo! Ako dapat ang makipag-break sa’yo!”

            He just turned his back going to the elevator.  And she was left broken. Now she’s free from his senseless argument, from his domineering presence, and from his bullshit attitude. She’s free. But she’s not happy.

            Tears fell from her eyes. “Ang sama mo, Gene!” She went inside her condo unit at doon ibinuhos ang pag-iyak until she remembered Chrysler. Ito lang ang masasandalan niya sa situation niyang iyon. Inayos niya ang sarili at lumabas ng condo unit niya.



            DAIG pa ni Maria May ang nagshu-shooting ng music video habang slow motion na naglalakad siya papunta sa Kofi Cups na naka-locate ilang kanto lang sa condo na tinutuluyan niya.

            Pinipigilan niya ang  mapaiyak. Naalala kasi niya ang sinabi ni Chrysler na ang mga manlolokong lalaking tulad ng official ex-boyfriend niya ay hindi dapat iniiyakan. Pero hindi pa rin nakatakas ang ilang pagpatak ng luha.  Parang batang pinalis niya ang luha gamit ang likod ng palad niya. Why do I have to feel this pain?  Mula sa araw na iyon ay isinumpa na niya ang mga lalaki, ang ex niyang sinaktan lang siya matapos niyang mahalin ng lubos, isinumpa niya araw na nagkakilala sila at isinumpa niyang hinding-hindi na siya mai-in love.

            Naabutan niya ang mga may-ari ng Kofi Cups and Sweets pati ang ilang regular customers ng shop na pawang may tinitingnang tao na naglalakad papalayo.  Nagkumpulan ang mga ito sa pinto. Dahil tambay din siya ng coffee shop na iyon, familiar sa kanya ang karamihan sa mga ito.

“Chrys!” Napalingon ang lahat sa kanya. And the first one she recognized was Chrysler. Bumakas agad sa mukha nito  ang pag-aalala nang lapitan siya nito.

             “What happened? Anong nalugi sa’yo? Bakit ganyan ang hitsura mo?” He intently looked in her eyes and gently touched her cheeks. Pinawi pala nito ang luha niya.

            “Isang basong luha at malaking heartache. Wala na kami. He broke up with me,” sagot ni Maria May sabay hikbi.

            Niyakap siya ni Chrys. “Lalaki lang iyan, Maria May. Hindi ka dapat umiyak sa mga hindi deserving iyakan.” Palaging ganon ang eksena nila tuwing mabibigo sila sa love department. Sa isa’t isa humuhugot ng lakas kaya hindi na kataka-takang makaramdam siya ng calmness at security habang yakap nito. Not to mention, gusto niya talagang niyayakap siya nito kasi palaging ambangu-bango nito.

            “Tama!” pag-sang-ayon ng lahat sa sinabi ni Chrys.

            “Pasok ka muna sa shop, Maria May. Ililibre ka ng kape ni Chrys,” alok ni Kofi.

            “Teka, bakit ako? Ikaw ang nag-alok ah!” angal ni Chrys.

            “Ang laki ng kinita mo sa’kin. Manlibre ka.”

            Nanatiling nakayakap sa kanya si Chrysler nang umeksena si Rojun.

            “Ah, Maria May!”

            “Kuya Rojun, hi!”

 Sumingit ito sa pagitan nila ni Chrys at inakbayan siya. “Tara sa loob. Pag-usapan natin ang love life mo. Magandang topic iyan.” Iginiya siya nito papasok ng coffee shop. Nilingon nito si Chrys. Pasimpleng lumingon din siya. Nakakunot na ang noo nito at mukhang nabad-trip sa ginawa ni Rojun. “Di ba, Chrysler?”
          
          Sumagot ito pero pabulong kaya hindi na niya naintindihan. Narinig na lang niyang napalakas ang tugon nito sa sinabi ni Dhey.

             “Ewan ko sa inyo!” Nagmartsa papasok ng coffee shop si Chrysler.

            Umupo muna siya sa mesa nina Rojun, Rowell, at Regine na kaibigan din niya habang si Chrys ay sa mesa ng mga kaibigan nito. 

            “O Maria May, anong nangyari sa masalimoot mong love story? Sabi ko naman kasi sa’yo, tuod iyang boyfriend mo at bato,” sambit ni Rojun.

            “I second the motion!” nakangiting segunda ni Rowell.

            “I third the motion!” korong hirit ng barkada ni Chrys.

            “I fourth the motion!” dagdag pa ni Chrys.

            Binalingan siya ni Rojun. “See? Agree ang lahat.”

            “Eh ano bang kagaguhan ang ginawa sa’yo ng Genesis na iyon?” usisa ni Regine.

            Umiling lang siya. Ayaw na niyang magkwento parang gusto na lang niyang umiyak.

            “Come on, ikwento mo na,” udyok pa ng ibang tao roon.

            “’Wag nyong pilitin kung ayaw!” ani Chrysler. Nilingon niya ito at nagulat pa siya nang malamang nakalapit na pala ito sa kanya. Hinila nito ang kamay niya at kinaladkad siya palabas ng coffee shop. “It will be better kung umuwi na lang tayo.”

            “Chrys—” Napalingon siya sa kamay nilang magkasalikop habang naglalakad sila pabalik sa condominium building kung saan sila nakatira.

            “Hindi healthy kausap ang double R. Mababaliw ka lang sa hirit ng dalawang iyon. Ako na lang ang kausapin mo. Sa akin ka maglabas ng sama ng loob, sa aking balikat ka dapat umiyak, sa akin ka dapat kumuha ng lakas ng loob.”

            Napailing na lang si Maria May. Palaging ganon si Chrysler. Ang gusto nito ay ito ang unang sasabihan niya ng kung anumang detalye ng buhay niya. Bilang best friend daw ay may privilege itong mauna sa balita.

            Sa kabila ng kabiguang nararamdaman ay napangiti siya. How she wish palagi na lang andyan si Chrysler para sa kanya.  “If I know, selos ka lang eh,”  biro niya.

            Nilingon siya nito. “Yeah, right! Halika na, Honey Mayii ko. Do’n tayo sa kwarto mo,” nakangising tugon nito.

            Kung may makakarinig lang dito malamang iba ang magiging interpretation. But she knew better. Favorite place nito sa bahay ang kwarto niya. Binatukan lang niya ito. “Siraulo ka talaga!”

            Tumawa lang ito.

            “Umamin ka na kasi, crush mo ako ano?” hirit nito.

            “Kung makahirit ka feeling mo naman, teenager ka na gwapo?”

            “Eh totoo naman.”

            “Kapal muks!”

            Nagtatawanan pa sila at nag-aasaran nang pumasok sila sa condo unit niya. Sa kwarto niya, habang nanonood ng movie ay kinuwento niya ang nangyari at nag-advice naman ito sa kanya. Dahil doon, unti-unti niyang natanggap ang nangyari sa kanya. Sigurado siyang kinabukasan, makakapag-move on na siya.



            MAY mabuti ring nagawa ang break-up ni Maria May at Genesis ilang buwan na ang nakakalipas. Ngayon ay tila nabunutan na siya ng tinik. Wala na kasing kumokontra sa kanya at nangdidikta ng kung anu-ano.  Nakahanap na rin siya ng bagong trabaho sa tulong ni Chrysler. Ipina-process na ang application sa law firm ni Atty. Xeiji Hotoki, isa sa dekalibreng compañero ng bansa ngayon. Sa makalawa ay mage-exam na siya para sa application process niya. Graduate siya ng Legal Management. Gusto sana niyang magtuloy ng Law para maging ganap na abugado pero kinapos ang mga magulang niya sa budget kaya kinailangan niyang magtrabaho muna para makaipon at maipagpatuloy ang pag-aaral niya.

            Masaya na rin siya sa nangyari. Makapagsimula muli siya. And she owed a lot from her best friend.  Kung hindi sa tulong nito, lalo siyang mahihirapang makahanap ng bagong trabaho. Pumunta siya sa isang grocery store para mamili ng rekado sa iluluto niyang dinner para sa kanila ni Chrysler. Celebration iyon dahil may work na siya at the same time pasasalamat na rin niya iyon dito.

            Pero sadyang mapagbiro siguro ang tadhana. Papasok na siya ng grocery store nang makita niya si Genesis. May kaakbay itong babae. Iyon marahil ang ipinalit nito sa kanya—isinabay pala at hindi ipinalit. Laking gulat na lang niya nang mapagtanto kung sino ang babae nang makalapit ang mga ito sa kanya. Genesis was having an affair with her best friend’s girl, si Faith.

            Agad na naningkit ang mata niya sa galit. Alright, tanggap na niyang kinaliwa siya ni Genesis pero hindi niya matatanggap na harap-harapang niloloko ni Faith si Chrysler. Not now, ngayong alam niyang nagbago na ang best friend niya dahil dito. Hindi siya papayag na bilugin nito ang utak ng kaibigan niya.

            Nagulat ang dalawa nang makita siya.

            “O bakit? Natakot kayong mabisto?” nanunuyang bungad niya.

            “Come on, Maria May. Wala na tayo.  Wag ka ng mag-inarte pa diyan as if you are my girl and you are being cheated,” mayabang pang tugon ni Genesis.

            Ang kapal talaga ng mukha! Ang sarap kutusan! Tumawa siya ng pabalang. “Oy, unggoy wala akong pakialam sa’yo kahit  palibutan ka pa ng lahat ng babae sa mundo.” Binalingan niya si Faith. “How long have you been cheating Chrysler.”

            “Ahm….” Aligaga si Faith mukhang hindi inaasahan itatanong niya iyon.

“Mas nauna kaming nagkaroon ng relasyon ni Faith bago pa niya nakilala si Chrysler. Hindi na namin kasalanan kung pareho kayong  tanga ng best friend mo.”

Bumangon lahat ng galit na tinitimpi niya. She was about to slap his face nang bigla na lang may sumuntok dito at bumalandra ito sa sahig. It was Chrysler. Kung ganon nakita rin nito ang harapang panloloko dito ni Faith.

Wala silang nagawa ni Faith nang magpambuno ang dalawa.

“Hayop ka! Matapos mong saktan ang best friend ko, aagawin mo ang girlfriend ko?” singhal ni Chrys habang nagpapambuno ang dalawa.

“Ex. You’re an ex now! Bumalik na siya sa akin, tanggapin mo na lang na talo ka!” mayabang na hirit pa rin ni Genesis. Ibang klase talaga ang ex niyang ito.

“Tama na ‘yan!”  halos korong sita nila ni Faith. Nagkatinginan pa sila.

“Tingan mo ang ginawa mo,” sambit niya rito.

“Wala kang alam. Sa akin si Genesis three years ago. Nakipaghiwalay siya sa akin nang makilala ka niya. Bumalik siya sa akin kung kelan kami na ni Chrys,” paliwanag nito.

“Pero pinatulan mo siya kahit kayo pa ni Chrys!” giit niya.

“Kaya nga nakipaghiwalay ako!  Itinatama ko ang mali.”

Napabuntong-hininga siya. Mukhang hindi nga tamang sisihin din niya si Faith. Si Genesis lang ang dapat sisihin dito. 

Nakaisang suntok pa si Chrysler bago nito tinantanan ito. Lupaypay na si Genesis. Expected na iyon dahil lampa naman talaga ito kumpara kay Chrysler na gamay sa pagtatanim sa coffee farm nito ang katawan.  Bumaling ito sa kanila ni Faith. 

Naglakad ito palapait sa kanila. Mukhang kokomprontahin nito ang kasintahan—ex na rin pala. Pero laking gulat niya nang siya ang hinawakan nito at hinila papalayo sa lugar na iyon. Nasa kotse na sila ni Chrys nang magsalita ito. Hindi na kasi siya nang-usisa ng kung anu-ano dahil halatang umuusok pa ang ilong nito sa galit.

“Niloko nila tayong dalawa. Hindi ko matanggap iyon!” sambit nito.

“Ego? Dahil ba first time kang niloko ng babae?”

Kunot-noong binalingan siya ito saglit pagkatapos ay muling ibinigay ang atensyon sa pagmamaneho. “Ganyan ba ang tingin mo sa akin, Mayii? Ma-ego?”

“No,” maagap na tugon niya. “It’s just…bago sa’yo ang nangyaring ito. It’s not easy to be fooled. Like what you did to your past women. And I’ve been in that hardship with Genesis, Chrys. I know how hurting it is.”

 “No it’s not ego. Hindi ko matanggap na ang tanging dahilan ng panloloko sa’yo ni Genesis ay si Faith and vice versa. How come they succeed in pretending that they don’t know each other whenever we had double dates? Pinaglaruan tayo. Why now? Isinuko ko na ang pagiging lapitin ko sa babae dahil sa kanya.” 
 
“Baka tulad ng sinabi mo sa akin, hindi siya ang para sa’yo. Alam mo, useless na magalit tayo e.”

“Hayaan na nga lang natin. Hindi naman sila kawalan sa buhay natin.”

“Tama! Hindi sila ang para sa atin kaya ang dapat sa kanila kalimutan na lang.”

“Minahal ko si Faith. But I guess nawala na iyon nang mapansin kong wala na rin siyang gana sa akin. Ayoko lang talaga sa mga manloloko.”

“So, sa tingin mo makaka-move on ka na rin agad?” First real heartbreak na maituturing ang pangyayari ito kay Chrys.

“Sana.” Nag-park na ang kotse nito sa parking lot ng condominium building. Bababa na sana siya ng kotse nang mapansing nakatitig sa kanya si Chrys.

“O, anong problema mo sa face kong maganda?”

“Iyan nga mismo ang problema ko noon pa e, iyang face mong maganda.” Kumindat pa ito.
Napakunot ang noo niya. “Adik ka ba, Chrys? Ano namang problema mo sa mukha ko? Type mo?” tatawa-tawang tugon niya.

 “Oo, naaakit mo nga ako minsan e. Pa-kiss nga!” Ininguso pa nito ang labi sa kanya.

“Adik ka talaga, pa-rehab ka nga!” Hindi niya sineryoso ang mga biro nito. Sanay na sanay na siya sa power trip nitong akit-akitin siya… kuno. 

“Sana ikaw na lang ang minahal ko, Maria May.”

Natigilan siya. By looking at him, he seemed like damn serious about what he just said. Totoo nga kaya ang sinabi nito? At bakit biglang may kakaibang kabang umusbong sa puso niya ngayong mataman lang na nakatitig sa kanya?

Bumuntong-hininga ito. “Sana lang naman. Pero imposible sa atin iyon e. Sayang!”

“O-oo nga.” Bakit ba ito biglang nag-open ng ganong usapan? Naguguluhan din tuloy siya.

Hindi na sila nag-imikan pa hanggang sa makarating sila sa condo units nila na magkatapat lang.

“Are we going to talk about your heartbreak this time?” tanong niya.

Walang kagana-gana itong lumingon. “Will you give me time to deal with myself first?”

Tumango siya. “Sure. I’m just here. Katukin mo na lang ako kung gusto mo ng kausap.”

“Do you still love your jerk ex?” biglang tanong nito.

Umiling siya. “No. I love myself more.”
       
           He smiled. Tila nabunutan ito ng tinik sa sinabi niya. “Good.”



PREVIOUS                                                                          NEXT

Comments

Naiomi said…
Ang ganda ng stoy!! :)

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…