Skip to main content

Kof Cups and Sweets Series: Only For You- Part 1





“Sige, bantayan mo muna siya. Get her blood pressure every fifteen minutes. I’ll just do the rounds. Ikaw na bahala kay Mrs. Velloria,” bilin ni Dhey kay Nurse Eloi.

           “Yes, doc!” Tumango lang ang batang nurse.
            Binalingan muna niya  ang sikat at gwapong myembro ng Thunderkizz Band na si Drexcel. “Don’t worry too much with your wife, Drex. She’s just pregnant. Alagaan mo lang siya after kong maibigay ang clearance niya tomorrow morning.”

            Ngumiti ang binata pero nanatili sa mga mata nito ang bahid ng pag-aalala. “Salamat, Doc Dhey. Is she really going to be okay?”

            Ngumiti siya. “Of course, she will. Maiwan ko na kayo ha.”

            Hindi na bago sa paningin niya ang mga artista at maging ang iba pang may pangalan sa bansa. Dalawang hospital kasi ang pinaglalagian niya. Sa private na hospital na ito ay naka-assign siya sa Executive wards. Halos lahat ng hawak niya ay either artista, politiko o mayayamang tao. Doon siya naka-duty pag weekdays maliban kapag Biyernes. Rest day niya ang Friday, at pagsapit ng Sabado at Linggo ay nasa pampublikong hospital siya at nagbibigay ng proper medical attention sa mga mahihirap ng libre.


            Magkakilala rin sila ng personal ni Drexcel nang isama siya ng kuya Florenz niya sa isang gathering sa tahanan ng pamilya ng kabanda nitong si Yohann Custodio sa Caliraya. Tumugtog ang banda ng mga ito sa party at naki-jam lang siya. Noong mga araw na iyon ay nagsisimula palang ang banda sa pagbuo ng pangalan sa music industry. Pero ngayon, malayo na ang na-achieve ng mga ito bilang Asia’s Hottest Band. Ipinagpatuloy niya ang pagtingin-tingin sa mga pasyente niya. Matapos ang rounds ay bumalik siya sa opisina niya. May sarili siyang office sa hospital na iyon. She was hailed as one of the best doctors of the hospital. Kahit general practitioner pa lang siya ay hindi naman matatawaran ang expertise niyang mag-alaga at magpagaling ng may sakit.  Unti-unti nga ay nakikilala ang pangalang Dra. Maria Dheylight Manigbas bilang isang mahusay na doctor sa bansa. Well, in a year or two ay matatapos na rin niya ang specialization niya. Hindi rin magtatagal ay magiging ganap na siyang surgeon.

 Inabutan niya sa office ang head nurse nila. “Dra, eto o.” Iniabot ni Jhamo ang isang wedding invitation sa kanya.

“Ikakasal ka na agad? Ikaw ha, nagbakasyon ka lang sa Korea nagka-love life ka na agad. Makapunta nga rin sa Korea nang magka-love life naman ako,” biro niya.

“Wala e, ganito talaga. Mahal na mahal ko si Vanessa e. Di ko na papakawalan.” Tumawa ito. “Pumayag ka na kasi sa offer ko. Ipapa-date na kita do’n sa college friend ko.”

Tinawanan lang niya ito. “Asus, papatol ba naman iyon sa tabatsingtsing tulad ko?” She was indeed chubby. Lumaki kasi siya sa kusina ng restaurant ng mga kuya niya. Mahilig pang magluto ng masasarap ang nanay niya at ang kuya niyang Chef na ngayo’y photographer na rin. Idagdag pa na ang ex-boyfriend niyang ngayo’y kabarkada na lang ay isang mahusay na pastry chef na lagi na lang siyang nireregaluhan ng mga world-class quality nitong cakes and pastries kasama na ang kape mula noong naging sila at magpahanggang ngayon.

“Ay, iyon nga ang type niya e. Iyong mga healthy na katulad mo, doc. O ano, ida-dial ko na ba ang number niya?” Umakto si Jhamo na ready ng mag-dial ng number sa hawak nitong cell phone.

“Nurse Jhamo, wag mo na nga gatungan ang kawalan ko ng love life.” 

“Binibigyan na nga kita. Ayaw mo ba no’n? Di mo na kailangan ng background check kasi reliable ang source mo. Mabait iyon, gwapo, sikat, laman ng fashion magazine.”

“Maganda ang abs, makinis ang kutis, singkit ang mata, at higit sa lahat naghahanap din ng magmamahal sa kanya,” singit ni Doc Penpen. Kapapasok lang nito sa office niya.

Napatawa lang siya. “Bakit mo alam iyon, Penpen? Si Hansen Ferrer ba iyon?”

“Hindi ano! Bakit ko naman ibibigay sa’yo ang asawa ko? Pinag-usapan lang namin iyon ni Jhamo kanina.” Nag-abot ito ng isa na namang invitation.

“Ikakasal ka na naman? Kakakasal mo lang ah. Kapapanganak mo nga lang uli e.”

“Sira! Binyag nina Rensen at Ross. Ninang ka.” Binalingan nito si Jhamo. “Ikaw rin, Ninong. Ang hihindi, hindi magkakaanak. Sumpa iyan.” 

“Bongga!” tatawa-tawang hirit niya. 

“O paano, Doc Dhey? Ise-set ko na ang date nyo?” hirit pa rin ni Jhamo.

“Tigilan mo ako, Jhamo.” Tumawa lang ito pati si Penpen.

“Sige pag ready ka na, sabihin mo ha.”

Lumabas na ito sa opisina niya. Naiwan sila ni Penpen dahil may mga endorsements pa siya dito. Habang pinapaliwanag niya ang mga endorsements  niya sa Internal Med Doctor nilang ito ay may pumasok na naman sa office. Si Mhiel.

“Best friend!”

“Aba, buhay ka pa pala, Mhiel. O, naligaw ka? May sakit na naman si Hamiel?”

“Wala ‘no. In fact, healthy ang bata ngayon. Sister, ikakasal na ako.”

“ Uy, sinong minalas magpakasal sa’yo?” biro niya.

“Sino pa ba?” singit ni Penpen. “Puntahan ko lang si Rozuka ha. Baka kung anu-ano na namang ikwento ni Nurse Eloi sa pasyente. May mabibiktima na naman ng Tikboy syndrome ang batang iyon.” Binalingan nito si Mhiel. “Ate Mhiel, abay ba kami?”

“Oo naman!”

“Ay, bongga!”

“Susunod ako sa room ni Rozuka, mag-usap lang kami ni Dhey.”

Naiwan sila ni Mhiel.

“So, totoo na ito? Papakasal ka na nga talaga kay Haime?” Ever since the world begun, iisa lang naman ang lalaking na-involve dito.

“Kinasal na nga kami kanina sa fastfood. Sensya na ha, ora-mismo kasi iyon, hindi na kita natawagan para maging witness.”

“Sus, okay lang iyon. Seryoso na iyan ha. Wala ng atrasan iyan ha. I’m happy for you, sis!” Niyakap niya ito.

“Dapat ikaw din magka-love life na.”

 “Ay! alam mo namang isa lang ang nasa puso ko ngayon!” hirit niya. Yes, she considered herself as in love. In love sa taong hindi pa niya nakakausap ng harap-harapan, sa isang taong sa cover at pages lang ng magazine niya nakikita, sa binatang una niyang nasilayan sa cover ng isang pocketbook na sinulat para sa kanya ng kaibigang romance writer. And her dream prince charming was no other than Ejay Reyes, ang pinakasikat na model sa bansa ngayon.

“Si Kofi?” tanong ni Mhiel.  “Wala ba kayong second chance ni Kofi?” nakangising tanong nito.

Napangiwi siya. “Si Kofi, past tense iyon. Tsaka, nurse ang gusto no’n at hindi doctor. Si Nurse Eloi.”

“Iyong lukring na nurse?”

“Si Nurse Arlene iyong sinasabi mo e. Si Nurse Eloi, iyong mahiyain pero makwento pagdating sa so-called love life niya.”

“Eh sino na ang love life mo? Don’t tell me si Mr. Cover boy pa rin?”

“Mismo!”

Tumili ito. “Gusto mo bang maka-date siya? I can make arrangements.”

Nagningning ang mata niya sa sinabi nito. Asawa na ngapala nito ang talent manager ni Ejay. Date kasama ang kanyang fafanez? Bakit hindi? Pero nang maalala niyang hindi siya sexy, sophisticated at glamorous katulad ng mga nakakatabi  nito sa fashion magazines at mga nababalitang nakaka-date nito ay napaatras ang excitement niya. Baka deadmahin lang siya ng binata pag nalaman nitong isa chubbylita ang makaka-date nito.

“Wag na lang, Mhiel,” malungkot na tugon niya.

“Kinakain ka na naman ng insecurities mo, Maria Dheylight. Pretty ka, sweet, at may magandang profession, magugustuhan ka ni Ejay.”

Ngumiti siya. “Okay na ako na tinitingnan lang siya sa magazine.” Narinig niyang tinawag ang pangalan  niya sa built in speaker. Kailangan siya sa emergency room. “Sige, duty calls. See you later sis.”

“Ah, basta, ise-set kita ng date sa kanya.”

Nginitian lang niya ito bago sila naghiwalay. Nagpunta siya sa Emergency Room at ito naman ay nagtuloy sa silid ni Mrs. Velloria.



ALAS-SYETE na ng umaga nang matapos ang duty niya sa hospital. Dating gawi, dumaan muna siya sa Kofi Cups bago umuwi. At kamalas-malasan pa. Nakatambay na rin pala do’n ang number one taga-asar niya sa buhay.  
          
         “Uy Dhey, tumataba ka ata ngayon ah! Tara nga, ide-date kita,” nakangising bungad sa kanya ni Rojun. “Hay naku, nasisilayan ko na naman ang bilbil mo.”

“Ano bang problema mo at pinapakialaman mo ang bilbil ko?” asik ni Dhey. Wala na talagang nakita itong sina Rojun at Rowell kundi ang precious bilbil niya.

            “Concern lang naman ako. Aba Doc Dhey, alam mo naman na prone sa maraming sakit ang obese. Labs kita kaya ayokong magkasakit ka,” kampanteng hirit ni Rojun sabay kagat ng apple pie.

            “Tama! I second the motion!” pahabol ni Rowell.

            “Hindi ako obese! Chubby lang ako. At healthy ako,” giit ni Dhey.

            “Ano ba ang obese?” tanong ni Rojun.

            “Mataba,” tugon ng lahat.

            “Ano ang chubby?”

            “Mataba.”

            “O di pare-pareho lang iyon, Doc Dhey! Pumayag ka na kasing mag-date tayo sa Diet restaurant. Turunan kitang mag-diet.”

            “I second the motion.”

“Ewan ko sa’yo. Disappear! Disappear!” tugon niya sabay subo ng macaroons na naabutan niya sa mesa ng tropa niya.

            “Teka, bago kayo magkainitan e, may ibabahagi ako sa inyo,” sabi ni Cattie pagkatapos ay nagpamigay ito ng papel.

            “Ano na naman ito Catherine?” angal ni Chrysler. Napatunghay pa ito mula sa pagiging abala sa pagko-compute nito.

            “Survey na naman? Sabihin mo nga? Editorial Assistant ka ba o surveyor?” tanong ni Kofi. Umupo ito sa tabi niya pinisil ang pisngi niya. Nakagawian na nito na pisilin ang pisngi niya o ang kanyang ilong kapag nagkikita sila. Kaya naman lagi silang napapagkamalan pa ring mag-boyfriend kahit na matagal ng tapos ang relasyon nila.

            “Both!” singit ni Leo. Umupo ito sa tabi ni Kofi. “Sorry late ako.”

            “Okay lang iyan, eto o.”

            “Ang laki ng pakinabang mo sa Kofi Cups sa surveys na ginagawa mo ha,” sambit ni Kofi.

            Binasa ni Dhey ang laman ng survey sheet. Five reasons to fight for love. Aray! Dumantay siya sa balikat ni Kofi. “’Wag ng magreklamo, suportahan na lang si Cattie,” pagtatanggol ni Dhey.

            “Yaan mo kuya Kofi, papasikatin ko ang Kofi Cups. I-feature ko itong shop mo pag may tumamang topic para dito,” sambit ni Cattie.

             “Bakit puro love ang topic na handle mo?” tanong ni Leo.

            “Hindi naman, nagkataon lang. Dito kasi maraming mga palpak ang love life kaya masarap mag-survey,” tugon ni Cattie.

            “Ganon?” korong reklamo ng lahat.

            “Weh, affected?” hirit ni Cattie.

“Cattie, ako naman ang inaasar mo? Wala nga akong makitang rason to fight for love. Actually, hiwalay na kami ni Faith. Dapat si Xeiji ang sinse-survey mo,” reklamo ni Chrysler.

            “Wala si Xeiji, may hearing siya ngayon. Huwarang attorney e,” sambit ni Leo.

            “Wag mo na isama sa ise-survey si Dhey. Wala naman siyang love life,” hirit na naman ni Rojun.

            “I second the motion!” si Rowell uli.

            Napataas na naman ang kilay niya. Nasa mood talagang mang-asar ang double R na ito. “Tse!” buska niya na tinawanan lang ng mga ito. Lumingkis siya kay Kofi. “Kofi, ibalik mo na nga ang dalawang iyan sa planet nila.” Pinisil lang nito ang ilong niya at kinausap nito ang kapatid.  Siya naman ay sumubsob sa mesa para umidlip. Halos 40 hours na pala siyang naka-duty at tinatamaan na talaga siya ng antok. Nagising lang siya nang marinig ang usapan nina Kofi at Leo.

            “May sugat ka diyan, alam ko,” narinig niyang sambit ni Leo.

            “Aray!”

            Napatunghay si Dhey na tila nagising ang doctor’s instinct niya. Nasanay na siya na kapag naririnig niya ang aray, sugat o sakit ay nagiging alert siya para daluhan ang pasyente.  “May sugat ka nga?” Nag-aalalang dinaluhan niya si Leo at awtomatikong ineksamin ang sugat nito.  Mukhang tinamaan na naman ng bala ang balikat nito. “O, mukhang malalim ‘to ha. Dapat nagpapahinga ka, Leo.”

            Tinapik lang nito ang kamay niya at nginitian siya. “Okay lang ako sabi ng doctor na gumamot sa akin kagabi.”

            Mukha nga namang okay na ito kaya naupo na lang siya uli. Napahikab pa siya. “Dhey…” Inakbayan siya ni Kofi. “Gusto mo ba ng tea? Mukhang pagod na pagod ka na, ihatid na kaya kita sa inyo or matulog ka muna dun sa pad ko.”

            Napangiti lang siya. Kofi was indeed sweet and caring. Isang bagay lang naman ang naging dahilan ng paghihiwalay nila three years ago. Time. Wala siyang oras dito at hindi nito maunawaan ang buhay ng tulad niyang doctor na palaging on call. Nawalan siya ng oras dito bilang kasintahan. Nagkulang siya at nauwi na rin sila sa awayan. Naisip nilang maghiwalay na lang at isalba ang pagkakaibigan nila kaysa naman magkasakitan pa sila. Pero hindi binago ng break-up na iyon ang pagiging malambing nila sa isa’t isa.

            “Sige, pati mamon ha,” nakangiting tugon  niya.

            “Mamon lang? May bagong pineapple upside down cake, sandali ikukuha kita.” Humalik pa ito sa pisngi niya bago ito pumunta sa kusina. “Ang bango mo, amoy antiseptic!”

            “Mabango ka rin, amoy butter,” pahabol niya na tinawanan lang nito bago tuluyang pumasok sa kitchen area ng coffee shop.

            “Dhey-chan, Boku no mewo mitte,” sambit ni Xeiji nang dumating ito. Tila nakita nito ang katatapos lang nilang eksena ni Kofi at sinabi nitong tingnan niya ito sa mata.

            Tumalima siya, tiningnan niya ito sa mata. “Nani?” tanong niya. “Nemui desu,” dagdag niya na ang ibig sabihin ay inaantok siya.

            “Wara ba second chance? Ikaw at Kofi-khun?” nakangising tanong nito.

            “Oo nga naman! Nilanggam kami dun e,” gatong ni Chrysler.

            “Wala!” mariing tugon niya.

            Tumawa lang ang mga ito hanggang sa sinubsob na niya uli ang ulo sa mesa para matulog. Maya-maya pa’y naramdaman na lang niya na parang may bumuhat sa kanya and she knew it. Si Kofi lang iyon at ihahatid siya sa bachelor’s pad nito.  Hindi na siya nagpahalatang gising siya at hinayaan na lamang ito.  Kung naintindihan mo lang sana Kofi ang propesyon ko, baka mag-asawa na tayo ngayon. Aminado siyang marami siyang na-miss sa buhay niya nang maging doctor siya pero wala siyang pinagsisihan lalo na pag nakikita niya ang great value ng pagiging isang doctor.


            NANGINGITI si Dhey habang inaayusan niya ang sarili sa harap ng salamin. Nagpapaganda siya. Yes, iyon na nga ang right term dahil kasama ang kanyang Papa Ejay sa event na dadaluhan niya ngayon bilang volunteer doctor. Isang araw ng activity, public awareness at counseling ang gaganapin sa isang hotel sa Makati para sa mga pasyente na may Psoriasis, isang chronic na sakit sa balat na hindi naman nakakahawa. Tinawag ang Project na ito na “Hug Me Campaign” kung saan may mga invited celebrities ang organizers  na siyang yayakap sa mga pasyente na may suot na t-shirt with printed message na “Hug me, I’m not contagious.”  The program will be covered by media. Maliban kay Ejay, andun din ang Thunderkiss Band. At bilang aktibong volunteer ng iba’t ibang medical organizations, present si Dhey lalo na’t minsan na rin siyang naging biktima ng parehong sakit na hanggang ngayon ay iniinda niya paminsan-minsan. Pasulpot-sulpot kasi ang sakit na ito at lumalabas ang sakit sa balat niya kapag stressed out siya sa trabaho.

            Pagkatapos niyang masigurong maganda siya sa  mga sandaling iyon ay lumabas na siya ng restroom.  Natigilan siya at eksaheradong nasapo ang kanyang kanang dibdib nang halos kapanabay niyang lumabas ng katapat na restroom for men si Ejay Reyes.

            Oh my cover boy honey boy! Parang biglang naglaho lahat ng bagay sa paligid ni Dhey at ang tanging nakikita niya ay ang nakakawala sa huwisyong kagwapuhan ng binata. Kahit sa picture nga lang ay nahihibang siya. Paano pa kaya ngayong halos isang metro lang ang pagitan nila?  Ilang beses na niyang nakita ito ng personal pero ngayon lang niya ito nakaharap ng ganoon kalapit.

            She felt her system went into crazy rhythm when Ejay suddenly lifted up his head and looked straight on her. Waaaaah! Gusto niyang magtitili tulad ng mga dalaga sa di kalayuan na nakapansin dito. Dangan na nga lang at naalala niyang isa ngapala siyang respetadong doctor. Kaya ang ending, natulala na lang siya.

            Di pa man nagsisimula ang program ay kumpleto na ang araw niya. Nginitian niya ito.  Nahigit niya ang hininga nang di nito pinagdamot sa kanya ang sweet nitong mga ngiti. He teasingly smiled at her. 

            “Weeee! Ang gwapo mo naman, Ejay. Pwedeng pa-picture?” Hindi na napigilan si Dhey ng pagiging ‘respetadong doctor” niya. Eh ano naman! Opportunity ko na ‘to ano!

            “Sure,” malambing na tugon nito. Haaay, ang pogi ng face ang lambing pa ng boses! Akin ka na lang!  Tila napa-day dream si Dhey ng wala sa oras. Nagising lang siya sa pagkatulala nang magsalita ulit ito. “Ah, Miss? May camera ka bang dala?”

            “Ah. O-oo. Sandali lang.” Kinuha niya ang digicam sa bag at inayos iyon sa akmang kukuha ng picture.

            Hindi niya inasahan ang paglapit nito sa kanya. As in super lapit, iyong tipong pwedeng-pwede na siyang makapagnakaw ng halik sa makinis nitong pisngi. Bigla siyang na-tense kaya nanginig ang kamay niya.

            “Hmm, nate-tense ka ba? Ako na lang hahawak sa camera,” he said while getting the digicam from her. “Relax ka lang and smile.”

            Iyon nga ginawa niya. Nakalimang shots ito ng picture sa kanila bago ito lumayo ng konti at ibinigay sa kanya ang digicam.

            “T-thank you!” Nate-tense pa rin siya sa overwhelming emotions at kaba sa dibdib. 

            Ngumiti ito. Haaaaay, akin ka lang talaga sana! “You really looked tensed, Miss. Okay ka lang ba? You want water? Or a doctor perhaps?”

            Ngeee! Doctor na ako ano! “H-ha? Ah, wala ‘to ano lang… ano, star struck lang ako sa’yo,” nahihiya niyang sambit sabay tungo. Narinig niyang tumawa ito.

            She felt something strange flooded her system when he gently touched her chin. Napatunghay tuloy siya ng wala sa oras at sinalubong siya ng singkit nitong mga mata.

 “You know what? You’re cute.”

            “H-ha?”  Parang hinipan ng hanging nakatitig lang siya sa mga mata nito.

            “Are you part of the Hug Me Campaign?” bagkus ay tanong nito uli sabay tingin sa t-shirt na suot niya. May print ‘yon na “Hug Me, I’m not Contagious” gaya ng ibang pasyente. Although andon siya bilang volunteer doctor, nagsuot na rin siya ng campaign shirt bilang pakikisimpatya sa mga katulad niyang dumaan sa parehong sakit.

            “Y-yeah.”

            “Okay, see you there then.”

            He moved and started to walk away from her. Hindi niya alam kung ano ang sumanib sa kanya at bigla pa niyang tinawag ito. “Ejay!” Nakagat niya ang labi nang muling masilayan ang sweet smile nito.

            “Hmmm?”

            “Ah… ano… ahm….” Ano bang sasabihin ko?

            “You want a kiss?”

            Napanganga siya sa sinabi nito. Bakit parang okay lang dito na halikan niya ito kahit fan lang siya? O baka naman sanay na ito dahil lahat ng babaeng fan ay ganon ang request dito.

            “Miss?”

            “Pu-pwede ba?” nakangitng hirit niya.

            “No problem.” Naglakad ito pabalik sa kanya. “Hmm, I will kiss you or you will kiss me?”

            “Ah… pwedeng you kiss me na lang?” sambit niya sabay pikit. Narinig niyang impit na tumawa ito.

            “Ang cute mo talaga, Miss. Saan mo ba gusto? Noo? Ilong? Pisngi?”

            Hindi pwede sa lips? Hehehe.

 “Answer now, or I will just kiss you in your nose.”

            Sige sige sige! Bago pa siya makaimik ay naramdaman niyang lumapat sa ilong niya ang malambot nitong labi. Another rush of kilig flooded her veins.

            “There, cute lady. See you.”

            Waaaah! Lord, ang bait Nyo naman po Lord!

            Nang magmulat siya ng mata ay wala na ito sa harap niya. “Ang ganda ko nga!” sambit niya nang bumalik siya sa venue ng Hug me Campaign.            

            During the program ay nahusto si Dhey sa pasulyap-sulyap kay Ejay. Hindi na niya talaga nakalimutan ito nang ito ang naging cover model ng pocketbook na dinedicate sa kanya ng kaibigan niya. Noong mga oras na iyon ay hindi pa ito masyadong kilala sa modeling world. Umangat lang ang pangalan nito nang i-handle ito ni Haime Catacutan three years ago. Ngayon ay very well-known  na ito.

            Mula rin nang magkapangalan ito sa industry ay at naging laman ng iba’t ibang magazines and tv shows ay naging dakilang taga-subaybay na siya nito. Hindi naman katulad ng ibang fan na OA na sa pagsunod-sunod sa binata, masasabi pa ring marami siyang alam na bagay tungkol kay Ejay. Lahat ng shows nito, media exposures, fashion shows, magazines, at kung anu-ano pa ay pinupuntahan niya, pinapanood o kinokolekta niya.

            Ini-announce na ng emcee ang hug me activity. Isa-isa ng nilapitan ng mga invited celebrities ang mga participants. Nakita niya si Ejay na magiliw na niyakap ang ilang mga teenagers na participant pati na rin mga bata. Masayahin at magiliw talaga ito.  Inabala na niya ang sarili sa pagsusulat sa data sheet na hawak niya. Nasa documentation committee kasi siya at may mga information na kailangan niyang i-take note. Nagulat na lang siya nang bigla niyang masamyo ang pamilyar na pabango ng cover boy honey boy niya.

            “I think you also deserve a hug.”

            Napatunghay siya mula sa sinusulatang information sheet. She was greeted with this undeniably, life-shaking handsome in front of her named Ejay.

            “Ha? Ah, ano—”

            Bago pa siya makaimik ay in-offer na nito sa kanya ang mga braso nito. He lovingly embraced her. Parang tumigil na naman ang mundo niya dahil doon. Being in his arms and broad chest gave her a feeling she’s not sure of. Ang alam lang niya, gusto niya ang pakiramdam na iyon.

            “Is this way better?” tanong ni  Ejay.

            Ay! The best! “Thank you,” sambit niya nang matapos ang hug moment. Hindi naman siya dapat kasali sa iha-hug ng mga celebrity pero hindi na niya iyong binanggit dito. Moment na niya iyon e. Baka hindi na maulit pa sa kanilang dalawa ang eksena na iyon kaya ninamnam na niya.

            “Hmm, compare sa ibang andito mukhang ikaw na ang fully-recovered,” sambit nito. He stayed on her side for a while.

            “Ah, actually controlled na iyong Psoriasis ko. Lumalabas na lang iyon kapag may mali sa system ko o kaya naman kapag stressed out na ako.”

            “Oh, I see. You better take care of yourself so that it won’t back. Sayang kasi, you have a good skin, you’re beautiful, and charming—”

            “Ahm….” Pakiramdam niya ay namumula na siya sa mga sweet words na sinasambit nito sa kanya. Hindi siya sanay na pinupuri. Mas sanay siya sa pakiramdam na inaasar dahil sa katabaan niya. But hearing those sweet words from him made her feel more than the word special means.

            “Oh, you’re blushing! Di ka sanay na pinupuri ano? Or maybe, tensed ka na naman sa akin. Alright! I’ll go, miss…ano nga palang pangalan mo?”

            “D-dhey.”

            He smiled at her. “You make my day, Miss Dhey. Tunog redundant, how cute!”  Naglakad na ito palayo sa kanya at naiwan siyang parang timang katulad kanina.



PREVIOUS                                                                         NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…