Skip to main content

When Hershey Meets Kisses- Chapter Twelve





“Ooopps, anak naliligaw ata tayo,” natatawang sambit ni Kisses sa three-month old son niya na si Jayden Hershey Castillo. His twin sister, Jayda Kisses Castillo was with Hershey.  Naunang pumanhik sa hotel room nila si Kisses at Jayden dahil may kausap pang Chef si Hershey sa kinainan nilang restaurant sa baba. Pero ang siste, heto na naman si Kisses, practicing her art of pagkaligaw.

               They were in a certain luxurious hotel in Maldives. Dahil ayaw mahiwalay ni Hershey sa kanilang mag-iina, gumawa ito ng paraan para maisama sila sa Maldives para sa business trip nito. Kisses was more than happy. Mag-anim na buwan na silang kasal ni Hershey at ngayon nga tatlong buwan na ang babies nila.

                Maling floor na naman ata ang napuntahan nila o maling kanto ata. Here comes the fire exit again.  Suko na siya. Pangalawang araw na nila sa hotel na yon pero naliligaw pa rin siya tulad kahapon. She got her cellphone from her pocket.  With her left arm carefully carrying her baby and her right holding her phone, she dialed a number. Pero bago pa niya matapos ang dialing ay nag-ring na iyon. Hershey was calling her.

                Agad niyang sinagot ang tawag.

                “Saang fire exit ka naman nagpunta?” natatawang  tanong nito.


                “Ahm, ewan ko, san ba room natin fifth floor o sixth? Nasa sixth ako e.”

                “My Kisses, sa fifth floor tayo.”

                She laughed. “Ganon ba? Sorry, batang ligaw lang.”  She walked towards the elevator.

                “Get in the elevator now, Kisses.”

                “Yeah, papunta na nga po sa elevator.”  She ended the call.

                Nang bumukas ang elevator ay ang mag-ama niya ang bumungad sa kanya. She then joined them.

                “You’re really cute Kisses. Kahit may asawa’t anak ka na, para ka pa ring bata na naliligaw,” natatawang hirit ni Hershey.

                Inismiran niya ito. “Maganda naman ako,” walang konek na hirit niya.

                “Yeah, I certainly agree. Plus, you are the lovliest, the sweetest, and the most precious of all.”

                “Wow, pambobola overload uli, Hershey? Mag-asawa na tayo, hindi na kailangan iyan.”

                They went out of the elevator and walked towards their room.  Ngunit bago nito buksan ang pinto ay binalingan siya nito. “Hindi na nga kailangan siguro ang pambobola pero may isang bagay pa tayong kailangang gawin. This will complete this marriage.” He teasingly winked.

                Sinamaan niya ito ng tingin. Tila may kung anong kalokohan itong naiisip. “Bawal po iyon, manong. Wala munang kasunod ang kambal, please lang.” Binelatan niya ito.

                “Oy, ikaw ata ang may gusto at hindi ako. Hindi naman iyon ang tinutukoy ko.”

                They entered the room. Maingat nilang ibinaba sa King size bed ang parehong natutulog na sina Jayda at Jayden. Hinarangan nila ng mga unan ang magkabilang panig ng kambal para maging safe ang mga ito.

                “Kisses…”

                “Bakit?” Nilingon niya ito. He was holding two big teddy bears na nakasuot ng t-shirt. Abot hanggang tenga pa ang ngiti nito. Napatawa tuloy siya. “Ang cute mo! Nasaan ba ang SLR mo? Picture-an kita,” natatawang sambit niya. 

                “Makinig ka muna bago tayo magpicture-picture.”

                “Okay. Proceed.”

                “We’re going strong right?”

                “Yes.”

                “Kisses, mahal na mahal kita at may gusto sana akong itanong sa’yo.“ Inikot nito ang kanang teddy bear na hawak nito, revealing the words, “Will You…”  Pagkatapos ay inikot naman nito ang hawak nitong teddy bear sa kaliwa revealing the words, “Marry Me…”

                Kisses smiled. “Kasal na naman tayo ah. Parang mali naman ang tanong mo,” pakli niya. But deep inside kisay-kisay na siya sa kilig.

                “Turn around.”

                “Ha?”

                “Turn around.”

                She did and she was greeted by a laser-light reflections revealing the word, ”Again?” with an image of a couple in wedding outfits.  Sabi na nga ba, may ihihirit pa itong si Hershey. Binalingan niya ito. He was now leaning on the cabinet wherein he placed the teddy bears in his both sides, holding a laser light pen, and lovingly staring at her.

                “Hindi kita nabigyan ng magarbo at matinong kasal. Lahat ng naganap noong kinasal tayo, minadali. Ngayong nakapanganak ka na at okay ka na pati sina baby Jayda at Jayden siguro naman it won’t be too much if I ask you to marry me again. Gusto kong maikasal tayo hindi lang sa batas kundi maging sa pananampalataya. Whatever kind of wedding you like, you’ll be the queen. Church wedding, beach wedding , garden wedding o kahit ano pa yon. What matters to me is to face God and have this marriage blessed.”

                She walked towards him. Pagkatapos ay niyakap niya ito. “Alam mo, ang isa sa pinakamalupet na pangarap ng isang  wedding coordinator ay ang magkaroon ng pagkakataong ayusin ang sarili niyang dream wedding. Yes, I’ll marry you. Kahit ilang beses pa. Maraming salamat, Hershey dahil tinupad mo na lahat ng pinangarap ko sa buhay.” She gave him a sweet kiss.

                He then held her nape and gave her a batch of sweet kisses that best described how much they love each other. Wala ng mahihiling pa si Kisses dahil tulad nga ng sinabi niya, naibigay na ni Hershey ang lahat na ikakukumpleto ng buhay niya.

                “Ano bang pangarap mo ang natupad ko?” tanong nito after their sweet passionate kisses.

                “Ang magkaroon ng taong magmamahal sa akin, ang magkaroon ng boyfriend, ang magkaroon ng asawa, magkaroon ng mga cute na mga anak, ang maging ina, ang maging asawa, ang maging maganda, ang maging sexy, ang maging kaakit-akit, ang maging yummy—”

                Tumawa ito. “Wait a minute. Iba na ang tinatakbo ng sinasabi mo e. Wala namang lokohan, Kisses,” tatawa-tawang tugon nito.  

                Inismiran niya ito. “Bakit hindi ba ako maganda?”

                “Ikaw ang pinakamaganda.”

                “Hindi ba ako sexy?”

                “Ikaw ang pinaka-sexy kahit may unwanted fats ka na—aray!” Kinurot niya ito sa tagiliran. Mula kasi nang manganak siya ay nagkaroon siya ng mga unwanted fats na sabi ng kanyang doctor ay normal lamang sa mga bagong panganak. At ito namang si Hershey, wala ng napagdiskitahan sa kanya kundi ang kanyang newly acquired bilbil.

                She laughed. “Hindi na ba ako kaakit-akit?” Kinindatan niya ito at tiningnan with her kaakit-akit at nakakatawang pang-aakit look and smile.

                Humagalpak ito ng tawa. “Kahit di mo na gawin iyan at kahit nakapikit ako, kaakit-akit ka. Pero pag ginawa mo iyan, nakakatakot ka na.”

Pabirong hinampas niya ito. “Hindi ba ako yummy?”  She mimicked a sad face.

He laughed. “Ikaw ang pinaka-yummy sa lahat.”

Napakunot ang noo niya. “Anong ako ang pinaka? Ibig sabihin may nachuchu ka pang iba?”

He laughed and gave her another quick kiss. “Ikaw nga lang e. Kaya ikaw ang pinaka.”

“Naman! Kaya kita mahal na mahal e. Pinapatulan mo lang ang topak ko.”

“Mahal ko ang lahat sa’yo. Ang topak mo, ang pagiging batang-ligaw mo, ang pagiging mabuting asawa mo, ang pagiging malambing mo, at ang unwanted fats mo—aray!” Hinampas niya ito sa dibdib. Nasapo nito iyon. “Masakit iyon ha! Ikaw abusado ka, manyapa’at alam mong…” He kissed her lips. “…hahalikan lang kita at lalo kitang mamahalin pag sinaktan mo ako, inaabuso mo naman.”

“Bumanat ka na lang ng bumanat okay, but leave my bilbil alone. Iyon na lang ang nakita mo, sa akin. Makikita mo, pag pwede na talaga, gagayahin ko ang Beyonce Diet and Workout para magkaroon ako ng perfect curves!”

Tumawa ito. “May curves ka na, di na kailangan iyon. Perfect na nga curves mo e.”

Kumalas na siya sa pagkakayakap nito kunwari ay napipikon na. “Ah ewan ko sa’yo. Dun ka na lang pakasal sa mga babaeng walang curves!”

Ngunit kinabig lang siya nitong muli waring sinasabing, he will never let go of her. “Ito naman di na mabiro.  Mahal ko iyang curves mo na yan sabi e.” 

For a moment they stared at each other. “I love you Hershey.”

“I love you, Kisses. Saan mo gustong ikasal? May naiisip ka na ba kung anong klaseng kasal?”

“Hmmm, gusto kong ikasal sa Hacienda Canilao.”

“Bakit do’n?”

Napangiti siya. “Doon mo kasi ako unang binuhat. Doon ko unang naramdaman na masarap pala ang feeling ng may nag-aalaga at nagmamahal. Okay lang ba na doon?”

“Walang problema. Anong theme naman?”

 “Animalistic theme!” biro niya. “Raaawwwrrr!”

They both laughed. “Wild. But seriously, I’ll let you plan everything well. Take your time. Ayokong i-rush ang lahat dahil ayokong napapagod ang misis ko, okay?”

“Speaking of, tulog na rin tayo. Pagod na ako.”  They had their last batch of kisses for the night bago nila muling binalikan ang mga nahihimbing na mga anak. Maingat nilang inilipat ang mga ito sa cribs at sila naman ay naghanda ng matulog.


                NAALIMPUNGATAN si Kisses nang may marinig siyang kumakanta ng love songs na naghalu-halo at puro chorus.  Nang magmulat siya ng  mata ay bumungad sa kanya si Hershey. Buhat nito ang anak na si Jayden at inihehele nito sa balikat.

                Nasipat niya ang relo, alas-singko pa lang ng umaga at halata pa sa asawa niya na pagod pa ito at inaantok. But still, never nitong pinabayaan ang mga anak nila. Tuwing iiyak ang mga bata sa gabi ay madalas na hindi siya nito pinababangon. Sa halip, ito ang bumabangon kahit pagod ito sa trabaho. He was indeed a loving father and a husband as well.

                Katatapos lamang ng engrandeng garden wedding nila sa Hacienda Canilao na inabot din ng tatlong buwang preparations. Dumating lahat ng mga taong importante sa buhay nila para dumalo ng kasal. Maging si Jowi ay dumating din kasama ang nakabalikan nitong asawa. Ang pamilya ni Hershey at pamilya niya ay kumpleto. Si Ryan, bagama’t napatawad na niya ay mas pinili na lang sigurong wag dumalo. Ang huling balita niya ay nakipag-ayos na rin ito sa dating asawa.  

                Finally, kasal na rin sila ni Hershey sa mata ng Diyos at ngayon ay naka-concentrate na lamang sila sa pag-aasikaso ng kanilang pamilya.

                “Hindi ka na naman pinatulog ni Jayden,” sambit niya. At saka lang napansin ni Hershey na pinapanood na niya ang  mag-ama niya.

                “Well, it’s Jayda first. Nang makatulog na uli si Jayda, si Jayden naman.” Naglakad ito palapit sa kanya.

                Bumangon siya sa pagkakahiga at kinuha niya si Jayden dito. “Ako na, matulog ka uli.”

                “Okay na ba ang pakiramdam mo?”  Sobra siyang napagod sa sarili wedding preparations kaya nang araw mismo ng kasal niya ay madali siyang napagod at sumama ang pakiramdam niya.

                “Oo okay na ako. Ikaw ang dapat magpahinga pa. Anong oras ka inistorbo ng mga bata?”

Pagkabigay nito ng bata sa kanya ay agad itong humiga sa tabi niya. Nanatili naman siyang nakaupo para maihele si Jayden.

“Mga 4am, inaantok pa nga ako,”  sambit nito sabay pikit ng mata.

“Siya, matulog ka na.” Tumayo si Kisses para maihele si Jayden ng mabuti.

Mula ng dumating sa buhay nila ni Hershey ang kambal ay ganoon na lagi ang eksena nila. Siya ang nagpapatulog sa mga bata sa gabi at pagdating naman ng umaga, maaalimpungatan na naman siya sa madaling araw at nakikita na lang niyang inihehele na ni Herhsey ang isa sa kambal. Nakakapagod maging magulang ngunit hinding-hindi niya ipagpapalit ang yugtong ito ng buhay niya sa kahit anong bagay.

Sa wakas, makalipas ng ilang minuto ay nahimbing na uli si Jayden. Maingat niya itong inilagay sa crib nito. Bumalik siya sa kama at kinumutan ang asawang madaling napahimbing dulot na rin ng pagod. Humiga siyang muli sa tabi nito. They were facing each other. Pinagsawa niya ang sariling mapagmasdan ang asawang tulog na tulog.

Gwapong asawa, mapagmahal na ama, magaling na chef… Napakaswerte ko na talaga. She moved closer to kiss his forehead. Then she kissed his lips. Nagulat na lang siya nang bigla itong tumugon sa halik niya. He even embraced her to keep her closer.

“Siraulo ka, akala ko tulog ka na.”

Hershey laughed. “Alam mo naman na isang kiss mo lang, nagigising na ako.” He winked.  “Kisses…”

“Hmm?”

“Am I a good father and husband?”

Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga palad. “You are the best hubby and the best father, Hershey.”

They kissed. “And you are the loveliest wife, Kisses. I love you.” They were about to share another treasured night together nang bigla na lang korong nagising at nag-iyakan ang kambal.

Napatawa na lang tuloy silang dalawa. Napakamot pa ng ulo si Hershey nang bumangon silang dalawa.

“Ayaw ng mga bata, kaya bawal ang chuchu,” natatawang sambit ni Kisses.

“Ang daya ng mga batang ito!” hirit ni Hershey nang buhatin nilaang mga bata. Si Jayden ang binuhat niya at si Jayda naman ang binuhat nito.

Madaling tumahan ang dalawa ngunit parehong ayaw ng matulog. Kahit pagod pa sila pareho, wala na silang naging choice kundi ang bantayan ang mga bata. Idinapa nila ang kambal sa kama. Anim na buwan na ang mga ito at medyo malilikot na rin.

“I have a better idea.” Kinuha ni Hershey ang SLR camera nito.  At sinimulang kumuha ng pictures nilang mag-iina.  “Smile, babies!” His SLR camera clicked several times taking different angles being them as his photography subject.

Lumapit si Hershey sa kanila at kumuha ng shots with him. Then he happiliy stared on the screen of his camera. “I have new favorite photography subject.”  He smiled.

“Hindi na ako?”

“Syempre kasama pa rin ikaw. But I love these cute babies’ photogenic appeal more. Look.” Pinakita nito sa kanya ang mga shots na nakuha nito. He was right, Jayda and Jayden looked cute with their photos.  Hindi camera shy ang mga bata. Ngingiti talaga ang mga ito pag nakakita ng camera.

“Ang cute ng mga babies natin—” Natigilan siya nang pamansin niyang nakatitig sa kanya si Herhsey. “Bakit?”

“Thank you for bringing them into my life,” nakangiting sambit nito.

“Well, technically, there will be no Jayda and Jayden if you didn’t come into my life. I have to thank you, too.”

He moved closer to her. “A kiss will do, my wife!”
           
           They kissed again and again. From that day on, their hearts promise to stand with each other’s life. Bilang mag-asawa, batid nilang marami pa rin silang pagsubok na pagdadaanan pero hindi na sila natatakot. As long as they were together, helping each other, loving each other and doing their best to work out this marriage, they both know everything will be alright…and always be showered with sweet memories.



THE END


Comments

angel kabigting said…
i love it ahahah, ang sweet nla hmmm may story pu b c golen?? :))
Melai said…
meron pero upcoming pa lang. di ko pa nasusulat :)

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…