Skip to main content

When Hershey Meets Kisses- Chapter Eleven





Six months later. Napapangiti si Kisses habang pinagmamasdan niya ang mga 3D copies ng snap shots ng ultrasound kanyang mga baby. Walang kalugaran ang saya at excitement niya bilang isang soon to be mommy. It was confirmed that she’s going to have a twin, a boy and a girl. At ang pinakamahalaga sa lahat, sinabi ng doctor na strong ang mga bata sa tiyan niya at maging siya.

                “Sino kayang magiging kamukha ng mga batang ito?” narinig niyang sambit ng kanyang ama. Nasa kabilang ibayo ng sofa ang kanyang mga magulang.

                “Ako dapat dahil malakas ang hatak ng genes ng mga ina,” sambit ng kanyang ina. They were looking at the other 3D ultrasound photos.

                “I disagree, Loise. Look at our children. Sa aking gwapong mukha nagmana ang mga yan,” pakli ng ama niya.

                “Hindi pa rin. Sayo lang kasi ako minalas maglihi. Dapat pala pinaglihi ko na lang sila sa sarili ko ano?” hirit ng nanay niya na ikinatawa nila.

                “Baka sa ama nila sila magmana,” nakangiting sabat niya.


                Maluwag na tinanggap ng magulang niya ang desisyon niya na wag na munang ipaalam kay Hershey na magiging ama na ito. Of course, hindi niya habang buhay ililihim iyon dito. It’s just, she’s not ready yet. When Hershey explained his relationship with Jowi, she was still on the line. Ang talipandas niyang kuya ay sinadyang ihang-up ang telepono upang marinig niya ang pag-uusap nilang dalawa. Pero dahil sa kaguluhan ng isip ay muli siyang naduwag…natakot na kapag bumalik siya kay Hershey, maputol na ang kasiyahan nito at matali na lang sa kamiserablehan nilang dalawa.

                Nevertheless, hindi lumilipas ang isang araw na hindi niya iniisip si Hershey. Kaya bihadong si Hershey ang magiging kamukha ng mga magiging anak niya. Someday, sasabihin din niya dito ang totoo…kapag handa na siya.

                Pumasok ng bahay ang kuya niya kasama ang asawa nito na bitbit ang bunso ng kuya niya. Muli ay doon siya sa bahay ng kuya niya sumiksik at minsan, dinadalaw siya ng mga magulang niya roon. May bitbit na namang boquet of pink roses ang kuya niya at isang kahon ng pastries.

                Napangiti siya. Alam niyang galing iyon kay Hershey. Mula ng iwanan niya ang teddy bear sa mesa nito, araw-araw itong nagpapadala ng bulaklak at pastries sa office niya sa Manila. Walang absent, walang paltos. Kahit hindi siya nito nakikita roon at ang kuya niya lang ang natatagpuan nito sa Dernadez Events, hindi iyon naging hadlang kay Hershey para ipakita nito kung gaano siya nito kamahal. Kaya araw-araw na rin niyang hinihintay ang kuya niya para sa bigay ni Hershey.

                Iniabot ni Cholo ang bulaklak at pastries sa kanya habang ang asawa naman nito ay umupo sa tabi ng mga magulang niya.  

                “Salamat, kuya,” sambit niya.

                Umupo ito sa tabi niya. “Hanggang kelan mo siya pahihirapan, Maria Kisses?” Kinuha nito ang mga 3D ultrasound photos na nakakalat sa center table at tiningnan isa-isa ang mga yon.

                “Ha? What do you mean, Kuya?”

                “Kisses, you’re going to have twins. Madaling sabihing kaya mong maging single mom. But I’m telling you, Kisses, your children deserve to have their loving father beside them from day one. Hindi na ito simple life issue, Kisses. Iyang ginagawa mo, makaka-apekto iyan sa buhay ng mga magiging anak mo.”

                “And your point is?” Heto na naman ang kuya niya. He never stopped pushing her to go back to Hershey.

                “You have to tell him as soon as possible. Nagsasawa na akong maging tagabitbit ng mga padala niya sa’yo. Di ko kayo magets. Hershey is not taken, you are not taken. You love each other? Why don’t you just end your drama now and just kiss and make-up?”

                All of a sudden, natigilan silang lahat. Maging magulang niya na na nakasuporta lang sa mga desisyon niya ay natigilan. Bibihirang mangealam ang kuya niya when it comes to personal matters, pero ngayon, walang preno itong nagbigay ng opinyon.

                “I agree with my fafable hubby, “ hirit ni Erika. “Hindi kasi ikaw Kisses ang nakakakita kung gaano kalungkot si Hershey tuwing darating siya sa Dernadez Events, asang-asa na andon ka, tapos malalaman niyang wala ka na naman. Sis, anim na buwan na, tama na ang drama ‘day! Kami ng kuya mo ang naloloka e.”

                “Anak, siguro oras nga na pag-isipan mo na ang bagay na ‘yan,” pag-sang-ayon ng kanyang ama.

                “Hindi kami 24/7 na nakabantay sa’yo, anak. Iba pa rin na may asawang nag-aalaga sa’yo sa critical stage ng pregnancy mo lalo na ngayong kambal ang magiging anak mo at panganay pa. You need their father the most,” sabat ng kanyang ina.

                Napaisip siya. Kinapa niya ang sariling damdamin. Handa na nga ba siyang humarap kay Hershey at ipagtapat dito ang tungkol sa pinagbubuntis niya? As if on cue, bigla siyang napapitlag nang sumipa ang dalawang baby niya sa tiyan niya na waring inuudyukan siyang harapin na ang ama ng mga nito.

“Okay. Sige…pag-iisipan ko.” She had to think more. Batid niyang magiging komplikado na naman ang lahat once na bumalik siya kay Hershey. “Teka, sa tingin nyo ba…okay lang na bumalik ako sa kanya? Hindi kaya magulo ko lang uli ang buhay niya? Let’s face reality my dear family, tahimik ang buhay ni Hershey before until he found me. Nagulo na lahat nang dumating ako sa buhay niya. Ngayon okay na uli kasi wala ako sa—” She got interrupted by Cholo. Isang invitation envelope ang ibinigay nito sa kanya.

“Pinabibigay yan ni Hershey.  Wag ka ng mag-reason out, Kisses. If you love him, then go. Excuse me.” Binalingan nito ang asawa. “Erika, magpahinga na tayo.” Tumayo si Cholo at maging ang buong pamilya niya. ”I think that invitation is your final shot, sis.”

Then nagmega-exit ang pamilya niya para mabigyan siya ng pagkakataong mag-isip pa. Sino nga bang ina ang tatanggi sa isang buong pamilya? She wanted to have her own complete and happy family too. Tama si kuya. I have to end this drama. Bahala na, tanggapin man niya ang mga anak ko o hindi…maging okay man o hindi ang pagbabalik ko… at least I tried.

She opened the envelope. It was a photo exhibit invitation. Napangiti siya. Finally, Hershey was about to show the world his craft in photography. Noon pa man ay ine-encourage na niya itong   sumali sa mga photo exhibit pero hindi nito sineryoso ang encouragement niya. Hobby lang daw para dito ang photography. She felt so proud of him. Kahit hindi pa nagsisimula ang exhibit nito, alam niyang magiging successful iyon.  Ngunit kagyat na napawi ang ngiti sa kanyang labi nang mabasa sa invitation na si Jowi Andres ang major sponsor ng exhibit na yon. May kung anong tila kumurot sa puso niya. She’s not jealous. Siya mismo ang nakarinig na wala silang relasyon at bumalik na si Jowi sa asawa nitong taga-US. It’s more like she envied her. Siya dapat ang kasama ni Hershey sa tagumpay nito at hindi si Jowi.

She made up her mind. At ngayon, wala na talagang atrasan. She touched her tummy and smiled. Kids, behold and be excited. We’ll going to meet your daddy tomorrow.


                “DO YOU think this will work?” tanong ni Hershey kay Jowi.

Kabubukas pa lang ng photo exhibit niya na nagpapakita ng tatlong uri ng pag-ibig. Pag-ibig sa pamilya, pag-ibig sa kapwa, at pag-ibig para kay Kisses. Ilang beses na niyang nilibot ang special exhibit area na yon na naka-separate ng room to make sure na bawat anggulo ng exhibit ay maayos dala ang panalanging sana ay dumating si Kisses and hopefully ma-reunite silang dalawa.

                “Of course, this will work,” nakangiting tugon nito sa kanya. “Basta pag dumating siya, utang na loob walang atrasan na iyan, Hershey. Go and get your sweet girl, okay? Paano, aalis na ako. Congrats ha. Ilang oras pa lang, marami ng dumating sa exhibit na ‘to. Alam ko talaga na mangyayari ito e. You are really exceptional.”

                “Nambola pa’to!”

                She laughed.

                Inihatid niya ito hanggang parking lot. He then managed to open the car door for her. “Thanks for the big help, Jowi.”

                “That’s what ex’s with no hard feelings are for,” natatawang sambit nito.

                “Yeah, good luck to you and to your happiness. Best wishes on your second time around wedding.”

                “You must be there.”

                “I will be there.”

                “And I hope with Kisses, ha. Good luck.”

                Nang makaalis na si Jowi ay nagbalik siya sa exhibit venue. Maging siya ay nasosorpresa sa dami ng taong dumating to think na wala naman talaga siyang pangalan when it comes to photography. He was just a known Chef.  He wasn’t able to send lots of invitations too. Sa mga malalapit na kaibigan at sa internet lang sila nag-promote. Pero hindi naging hadlang ang mga iyon para maraming tao ang maka-appreciate ng isa pa niyang craft.

                People kept on greeting him as he entered back to the exhibit venue.  Wala siyang inatupag kundi ang mag-thank you at ngumiti until he spotted a woman. Nakatalikod ito sa kanya at abala sa pagtitingin-tingin sa mga photos hanggang sa pumasok ito sa special room kung saan nakalagay lahat ng larawan ni Kisses.

                His moment finally came. Dumating na si Kisses. Tahimik na sinundan niya ito habang naghahanap siya ng right timing. Good thing walang ibang tao sa silid na iyon kundi sila. He carefully closed the door ngunit agad nitong napansin iyon kaya napalingon ito.

                Their eyes met. Ngunit agad na nakuha ng nakaumbok nitong tiyan ang atensyon niya. No! Am I that too late?  Dumagsa ang maraming katanungan sa isip niya na tila ayaw niya ring masagot dahil bihadong dudurog na naman sa puso niya.

She was stunned na tila nagulat din sa muling pagkikita niya. “A-ah, hi. I received your invitation. Nice…you finally made it to show the world that you’re not just a chef, you’re a good artist too.”

“Ah—” Ano bang dapat kong sabihin? “Thanks for coming.” Nagpapalit-palit ang tingin niya sa napakaganda nitong mukha at sa tiyan nitong sa wari niya ay malapit na sa kabuwanan. “So…you’re having a baby huh. Congrats.” Anong congrats? Drat! Adik ka, Hershey. Stop being stupid! His mind kept on yelling him to clear his head so that he could think better and say better words.

“Yeah. I’m quite excited na nga. Alam mo na, first time mom.”

“So…nagkatuluyan pala kayo ni….” Whatsoever!

Ngumiti ito at umiling. “Fortunately, no!”

Nagulat siya.  “Oh, I see, then who’s the lucky father?”  May iba pa? Sino naman?

Inilibot nito ang paningin sa kabuuan ng silid. “Ang ganda ko pala, ano?” bagkus ay paiwas topic na sagot niya. “I never thought na ako ang mga nasa pictures. They look like me but they look unreal too. In fairness, you make feel proud as your subject. Bakit naman puro mukha ko ‘to? Walang iba?”

“Lahat ng iba nasa labas. This room is meant for you. Kisses, you know I love you so much. And you’re my most favorite photography subject. Now, will you kindly answer my question?”   May gusto siyang malaman or rather…gustong makumpirma.  He walked towards her. “Who’s the lucky father?”

Naglakad ito palapit sa kanya at nilagpasan siya. Napapakamot sa ulong sinundan niya ito hanggang sa makaupo ito sa benches na nakaharap sa glass wall. Mula roon ay tanaw ang Tagaytay view.  He just sat beside her.

“Sige ilang minuto pa ang kailangan mo para sagutin ang tanong ko?”

Nakangiting  binalingan siya nito. “Ikaw talaga kahit kailan palagi ka na lang nagpapalamang sa akin.” Ibinalik nito ang paningin sa scenic view. Then she touched her tummy. “He was the nicest guy I ever meant second to my Dad. Sobra-sobra nga siyang magmahal. Minsan pakiramdam ko isa lang siyang hero sa pocketbook na nabuhay sa real world. He never failed to make me smile everytime our sweet moments cross my mind.”

Kung sino man siya, naiinggit ako sa kanya. Pakiramdam ni Hershey unti-unting natutunaw ang kakarampot na pag-asang meron siya. He was thinking a while ago that he might be the lucky father but after her descriptions, mukhang ibang tao naman iyon at hindi siya. “So matagal ka na niyang minamahal?”

 “Oo, mataga-tagal na rin. Noong magkahiwalay tayo, hndi naman siya nawala sa isip ko.“

“He’s lucky.” And I’m not. “Sino siya? Kilala ko ba?”

She looked at him. “Yes.” She smiled. “He was a chef. He loves making chocolate dishes and drinks for me. He was an excellent photographer too. And I’m his favorite subject.”

Hershey was shocked at a moment. Tama pala ang hinala niya.  Lots of mixed emotions covered his heart. Hindi na niya napigilan ang sarili. Teary eyed na niyakap niya ito. “Bakit, Kisses? Bakit di mo agad sinabi sa akin? I should be there with you in times that you need someone to support you on the first quarter of your pregnancy.”

Naiyak na rin ito nang yumakap ito sa kanya. “I’m sorry, I’m just too stupid. I thought, you will be okay without me.”

“You know I won’t be okay without you. I love you so much and I will only be happy if you’re with me. And you know it, I never stop loving you even though throughout the moment, I know I will never have your heart alone. Wala na akong pakialam kung kaagaw ko pa rin siya ngayon, basta palaging kang sa akin uuwi, Kisses. Please come back to me. ”

She sobbed. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at tintigan siya ng mataman. He then wiped her tears away. “Yes, I’ll be back to you pero okay lang ba may dalawa ka ng kaagaw, Hershey? But don’t worry, Ryan was out of the choices anymore.”  She grabbed his hands and placed them on her tummy.

Nanginig ang kamay niya habang nararamdaman niya ang pagsipa at paggalaw ng babies sa tiyan nito. “Damn!” He can’t explain the feeling. Mixed emotions are roaming his system. “Did I get it right? We’re having twins?” Nagpatango-tango ito.  Napatayo siya. “Oh my!” Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin o dapat gawin. There are lots of things entering his mind, kasal, preparation for fatherhood… a complete family.  “Teka lang ano ba ang dapat kong gawin?” He held her hands and kneeled in front of her. “Can I feel them again?”

“You’re their father. You have all the rights, Hershey. Mag-relax ka nga, nanginginig ang kamay mo.”

Hinawakan niyang muli ang tiyan nito. He moved closer to kiss her tummy. “ I’m sorry I wasn’t there—”

“Enough. Masyado ng maraming kadramahan ang nangyari sa atin. At bawal sa buntis ang masyadong emo.”

Napangiti siya nang tumunghay siya. Their eyes met. Wala na sa mata nito ang pag-aalinlangan, ang takot…ang confusion. What he found in her eyes was a promise of love that was only meant for him. I bet, I won the game.  

“We’re making things right from now on.”  She nodded. “Let’s start from marriage.”

“Ha?”


NALOKA ng bonggang-bongga si Kisses sa narining. Nang magplano siyang pumunta sa exhibit ni Hershey, ang nasa isip lang niya ay ang ipagtapat dito ang tungkol sa magiging anak nila. Hindi na siya umasa muna kung pananagutan siya nito. She was shocked. She was receiving too much of what she expected.  

Just a snap, Hershey was already holding a diamond ring and offering it to her. In fairness, mukhang naghanda  din ito sa clueless na pagtatagpong muli nila.

“After all ng nagawa ko sa’yo, you still want to marry me? Seryoso ba iyan, Hershey?” she asked.

“Anong nagawa mo? Wala akong maalala,” nakangising sambit nito. “I love you, Kisses. I don’t care about what happened in the past. Ang naaalala ko lang ay ang happy memories natin na masarap balik-balikan. Are you willing to accept me as your husband as well as father of our babies?”

“Sira ka, ikaw naman talaga ama ng mga batang ‘to e—aww!” Nasapo niya ang tiyan dahil napalakas ang sipa ng babies sa tiyan niya.

Agad siyang dinaluhan nito. “What happened? Sumasakit na ba? Manganganak ka na ba?” natatarantang tanong nito. “Saan ba ang malapit na hospital dito? Ilang doctor ang kailangan mo?—Aray!”

Binatukan niya ito. “ OA lang? Hindi no. Seven months pa lang ‘to. Excited ka naman masyadong maging ama. Sumipa lang sila, napalakas lang.”

Napakamot ito sa ulo. “Oo na excited na ako, tara na pakasal na tayo. We don’t have much time to wait.”

“Oo na sige na.” Natawa na lang siya nang isuot nito ang singsing sa kanya. Binelatan niya ito. “Ano ba namang proposal, iyan wala man lang kasweet-sweet—”  

Nahinto ang litanya niya nang kabigin siya nito at halikan. Finally, their hearts rekindled for a promise of forever. Tama sila, kung para sa’yo, para sa’yo talaga. And as their sweet kisses cast away all the hindrances, Kisses believed she will never lose Hershey anymore. Mula sa araw na ito, hanggang matapos ang buhay nilang dalawa, hindi na sila maghihiwalay pa.

“Wait a minute,” Hershey stopped kissing her and stared in her eyes. Bahagyang nagbigay espasyo rin ito sa kanilang dalawa. “Baka maipit ang mga bata,” tatawa-tawang sambit nito na ikinatawa niya rin. “Do you have any plans tonight?”

“Wala, unless you have plans for us,” she winked.

“Good.”  Tumayo ito at kinuha ang cellphone nito sa bulsa at excited na nag-dial ng numero.

Si Kisses ay napapangiti lang habang pinagmamasdan ito. Halata pa rin kay Hershey ang pagka-over sa shock at as saya.

“Hey Kuya Golen, may contact ka sa Keithan Apparels right? Good. Can you bring a white gown for a seven months pregnant bride on Neryz Ennael tonight? Yeah. And tuxedo for me too. Mamaya ako magpapaliwanag kuya. Hell care about the price, double it if you want! Thank you.” He dialed again. “Leiren baby, can you find me a perfect wedding ring? Yes, use my  bank account. Bring it tonight at the hotel. Be in formal gown too ha. Later, I explain later. Love you, little sis.” And dialed again a number. ”Mama! You know a judge right? Can you bring him tonight at the hotel? And please do come with Dad in formal okay? Yes, Ma. I’m getting married tonight! Come on, sabihin nyo po kay Dad bukas na lang siya mag-heart attack. I have to get marry tonight first. I love you po.”   Bumuntong-hininga ito at nakangitng binalikan siya.

“Adik ka rin. Tinaranta mo ng bongga ang pamilya mo.”

“Hindi naman, expected na nila iyon. Medyo nabigla ko lang sila.”

“Okay lang Daddy mo?”

Tumawa ito. “Linya na ni Dad iyon noon pa. Nagkaka-heart attack daw siya lagi pag nabibigla kami ng desisyon sa buhay. But they all know, marrying you was not an instant decision. When I first laid my eyes on you, I knew already that you’ll be my wife someday. Nasabi ko na rin sa kanila iyon noon.”

Napangiti siya. He was lovingly staring at her as if he didn’t want to miss any single second on her. “Binigay mo sa kanila lahat ng gagawin. Ano naman ang gagawin mo?” 

He wrapped his arms on her waist and rested his hands on her tummy. “Aaalagaan kita at babantayan mula ngayon hanggang sa lumaki na rin ang mga baby natin, magkaroon tayo ng apo at kunin na tayo ni Lord. But even the last one happens, it will never stop me from loving you, Kisses. I will ask God na kung ma-reincarnate ako, ikaw pa rin ang gusto kong makakatuluyan ko.”

“I love you, Hershey.”  She rested her head on his shoulder.

“You know, I love you too. Gusto mo bang magpahinga?” His free hand lovingly touched her cheeks. “Naka-check in ako dito, Pahinga ka muna sa room ko.”

Akmang tatayo na ito nang pigilan niya. “Okay na ako dito. Mas gusto ko sa tabi mo.”

“Miss me that much, Kisses?” He grinned.

“Hindi naman. Baka may lumapit pa sa’yong iba. Magaling ng magwardiyahan ka,” hirit niya.

He laughed. “Kahit may lumapit, sa’yong sa’yo na ako,” hirit din nito. “You have to rest for your own benefits and for the babies. Wag mong isipin na pagmulat ng mata mo, wala na ako. Hindi na ako mawawala sa’yo basta wag ka lang tatakbo at magtatago uli.”

“Hindi na. Hindi na mauulit iyon.” Pumayag na siyang magpahinga sa room nito. “Mamayang gabi…”

“What? Aaatras ka sa kasal?”

“Hindi no. Itatanong ko lang kung may chocolates ba? Miss ko na luto mo.”

He kissed her lips and her forehead. “Adik ka talaga sa chocolate. Yes meron, I will cook for you later.”

“Yehey! Can’t wait for the chocolate!”

“Sa chocolate lang? Hindi ka excited maikasal?” napapangusong tanong nito.

Hinalikan lang niya ang pouting lips nito. “I’m excited for both.”



PREVIOUS                                                            NEXT 

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…