Skip to main content

Strange Feeling of Love- Chapter Two




Umaatikabong sermon agad ang napala ni Lanlan at Yohann sa nag-iisang monster uncle nila. Nang magkamalay siya kanina ay nasa Emergency na siya ng isang ospital. Andon na ang tito at kapatid niya. Bakas sa mga ito ang magkahalong asar at pag-aalala. Alam na niya kung bakit. Childish act na naman ang iniisip ng mga itong dahilan kung bakit siya napahamak ngayon. Nang masigurong okay na siya ay na-discharge na rin niya sa ospital.

                Akala niya ay ligtas na sila sa sermon dahil habang nasa byahe ay tahimik lang si Carvin. Bumwelo lang pala ito dahil pagkatapak pa lang ng isang paa nito sa nilipatang bahay nilang magkapatid ay nagsimula na ito sa malanobelang sermon nito.

                “And this is what you call independence? Humiwalay kayo sa akin and you moved in this..,” inilibot nito ang paningin sa buong bahay,  “this…creepy house,” pagpapatuloy nito.  

                “This is not creepy, Tito Carvin,” depensa ni Yohann.

                “Shut up! Sinabi ko bang magsalita ka?” buska ni Carvin. “I’m not yet done kids so shut up!”

                Pasimpleng siniko niya ang kapatid para patahimikin ito nang sa gayon ay matapos na ang malanobela sermon.  Ang totoo, wala naman sa sermon ang atensyon niya. Nawawala kasi ang backpack niya. Andon lahat ng valuables niya at mas mahalaga pa ang laptop niya kesa sermon ng tito niya.


                “What kind of independence is this? Wala pa nga kayong isang linggong malayo sa poder ko, nagkakasakit na si Lanlan.” Binalingan nito ang kapatid niya. “Yohann, pinababayaan mo ang ate mo. Puro ka banda, banda, banda! Okay lang naman iyan kung hindi mo nakakalimutan na maliban sa stardom mo e may ate kang dapat buhusan ng atensyon. Kayo na lang dalawa sa mundo dahil initsapwera nyo na ako kaya dapat alagaan nyo ang isa’t isa.” Binalingan naman siya nito. “At ikaw naman Yhaelani, ano namang pumasok sa kokote mo at sa itaas ng puno ka nagsusulat? Ang tanda mo na at kababae mo pang tao, naglalaro ka pa rin ngayon na parang bata. You’re already twenty-eight! Tingnan mo ang nangyari sa’yo. You got a muscle strain on your shoulder.”

                Hindi na siya nangatwiran. Hindi rin naman siya uubra sa kamandag ng tito niya. Kunbaga sa ahas, cobra na ito, bulilit na python lang siya. Mahaba pa ang isinermon ng Tito niya na nauuwi lang naman sa sentimyento nito nang magpaalam silang magkapatid na bubukod na dito. Katwiran nila, gusto nilang magkapatid na tumayo sa sariling paa. Pero para kay Carvin, pagtalikod ang ginawa nila.

                Sampung taon lang ang tanda nito sa kanya kaya higit pa sa anak, kapatid at kaibigan ang trato nito sa kanila.

                Habang nagsasabi ito ng kung anu-ano ay parang bato lang silang magkapatid na nakikinig…kuno. Ang kapatid niya ang nakatingin nga kay Carvin ngunit lagpas naman talaga ang tingin nito. Marahil ay nagko-compose na ito ng kanta sa isip. Siya naman, iniisip niya ang laptop niya at ang papable na pulis. Hindi na kasi niya nakita iyong pulis nang magkamalay siya. Nanghihinayang lang siya dahil hindi man lang niya nakuha ang pangalan ng binata. Sayang talaga, papable pa naman siya.

                “Umuwi na kayo sa akin. Itong bahay ni’yo, if you really want this to be called, “bahay,” maids quarter lang ito ng mansion ko ah. Di ko talaga  ma-gets kung bakit mas pinili nyo ito kesa sa bahay ko.” Dinedma lang nila ang pango-okray nito sa bahay nila. “Ano? Wala ba kayong sasabihin?” untag nito. Napabuntong-hininga ito nang walang umimik sa kanilang magkapatid. “Alright, you can talk now.” 

                “Tito Carvin, iyong laptop ko?” tanong niya with matching lambing.

                Napapalatak ito. “Susmaryosep, Yhaelani! Kung buhay lang ang ate ko, sumalangit-nawa, ibabalik na lang kita sa sinapupunan niya. Muntik ka na ngang mabalian, nahimatay na ka na nga sa daan, iyong laptop mo pa rin ang iniisip mo?” May dinukot itong isang papel sa bulsa ng business suit nito at ibinigay iyon sa kanya. “Pwes, wala sa akin ang laptop mo. Here. Itanong mo sa pulis na minalas makasalubong mo sa daan.” Umiling ito. “Haay, maaga akong tatanda sa  inyo! Mag-iingat kayo dito. Aalis na ako.” Diretsong walkout na ito.

                Binasa niya ang impormasyon sa papel. “S/Insp. Excelente Solis Almendral. Bakit ang naiisip ko ay matandang pulis na panot, malaki ang tiyan at DOM? Meron ngang matabang pulis kanina e.”

Napangiwi siya. Baka naman hindi si papable na pulis ang yumakap sa kanya.

                Humagalpak ng tawa ang kapatid niya. “Iba ka talaga ate. Sigurado ka bang balikat mo lang ang napuruhan? Mukhang pati ulo nabagok ha.”

                Binato niya ito ng throw pillow. Tumawa lang ito.
               

                PARANG namatanda pa rin si Excel habang walang-sawang pinagmamasdan ang Id ni Lanlan. “Yhaelani Colette Santos Custodio. Mahaba ang pangalan pero cute naman,” sambit niya sabay higa sa kama niya. He just couldn’t believe it. Sino ba namang mag-aakala na sa lawak ng Pilipinas, nag-krus pa ulit ang landas nila ng babaeng una niyang napansin sa concert ng Thunderkizz? Mukhang ang pihikan niyang puso ay nakatagpo na ng mapaglalaanan ng oras at panahon.

                Nakakalat sa kama niya ang laman ng backpack nito. Natuklasan na tuloy niya ang ilang personal na bagay tungkol dito. She was a romance novel writer. Konkretong ebidensya ang steno pad na naglalaman ng story drafts at story plots, ang tatlong kopya ng isang ongoing romance series na nakapangalan kay Lanlan bilang awtor, at ang laptop nitong kasamaang palad ay password protected kaya hindi niya mabuksan. Ito pala ang sumulat ng mga nobelang pinagkakaabalahang basahin ng mga kapatid niya.  At ilan sa mga akda nito ay nabasa na rin niya nang huli siyang umuwi sa Quezon. Mahilig din kasi siyang magbasa. At walang halong bola, magaling itong manunulat. 

                Isa rin itong commissioned interior designer sa isang malaking construction firm sa bansa base sa Id na ibinigay nito bago ito himatayin kanina.

                Hinagilap niya ang cellphone. Wala pa ring tawag o text mula dito. Kamusta na kaya siya? Sana okay na siya. Nakakatuwang isiping nag-aalala siya sa isang taong hindi naman niya talaga kilala. He just couldn’t ignore the strange feeling this amazing girl had given him.

                Dinampot niya ang wallet nito. Dalawang lalaki lang ang makikitang kasama nito sa mga picture- si Yohann na kumpirmadong kapatid nito at si Jedidiah Carvin Santos na may-ari ng Santos Construction Firm  na tiyuhin nito. Kung ganon, wala pa siyang boyfriend. Ayos!

                Natigilan siya nang makita ang isang id. Nakasutana at abito ito sa picture ng id. St. Benedict Monastery? Sister Yhaelani?

Napabangon siya. Isang drug syndicate na ang modus ay magpanggap na mga madre at pari sa pagte-trade ng illegal drugs ang tinitiktikan ng team niya ngayon. He grabbed his laptop and did the research. Legitimate ang kumbento na naka-locate sa Batangas. Next thing he did was to call the convent.

           “Ah hello po, magandang gabi po. Magtatanong lang po ako. May kasamahan po ba kayong Yhaelani Colette Custodio?”

“Ah oo. Kaya lang, dalawang taon na rin siyang wala dito. Lumabas na kasi siya ng kumbento at ipinagpatuloy ang buhay sa labas. Pero nagagawi pa rin naman siya dito tuwing Pasko o kaya naman kapag mahal na araw. Pwede bang malaman hijo kung bakit?”

“Pulis po ako e napulot ko po ang gamit niya sa daan. Sige po. Maraming salamat po. Hanapin ko na lang po siya sa iba pa niyang contacts.”

  Nakahinga siya ng maluwag. False alarm. Tunay na ex-nun itong si Lanlan. Nabalingan niyang muli ang solo picture nito. Kung pwede nga lang na mandekwat ng isang picture nito ay kanina pa niyang ginawa. Kaya lang, baka mahalata nitong kulang ang mga larawan kaya nagtimpi siya at nahusto na lang sa mga stolen shots nito sa cellphone niya.

Napangiti siya nang titigan niyang muli ang picture nito. Bakit ka kaya lumabas ng kumbento? Pero okay nga iyon. Kasi kung hindi ka lumabas, bihadong hindi tayo magkikita.

Inayos niya ang gamit nito at ibinalik lahat sa bag. Napailing siya. He’s really going crazy. Pati siya hindi na niya maintindihan ang sarili niya. Malala ka na, Excel. Mukhang may tama ka na, tudyo niya sa sarili.


                “CARRY kinetch, kering-keri kinetch!” bulalas ni Lanlan nang i-park niya ang kanyang apple green na Honda Getz sa tapat ng bahay na pakay niya. Nagpunta siya sa presinto kung saan nakadestino ang mga pulis na nagmagandang-loob na dalhin siya sa hospital kahapon. Pero hindi niya nakita doon ang hinahanap na pulis. Off-duty daw ang pakay niya. At dahil wala na siyang choice, bahay na ng pulis ang tinungo niya.
         
           “Para ito sa aking pinakamamahal na Laffy Toppy. Ajanez!” Bumaba siya ng kotse. “Tao po? Pipol po?” Pero wala man lang tumugon sa kanya kaya lumapit na siya sa gate at natuklasang bukas iyon. Napangisi siya.

                Welcome trespasser!  Bitbit ang ginawa niyang fruit salad, pumasok siya sa loob ng bakuran ng bahay. Bigla niyang narinig ang sintunadong boses ng lalaking kumakanta ng latest hit ng banda ng kapatid niya. “Can’t you hear me, I’m shouting your name. And hoping that love will find a way. Now only I can do is to pray. Wishing that you and I, will be more than just friends.”  

                Napangiwi siya. Muntik ng mawalan ng dangal ang kanta sa sintonadong version na iyon. Hinanap niya ang pinanggalingan ng ‘ingay.’  Nakarating siya sa kanang bahagi ng bakuran. May labahan doon at ang pinakapapable na singing labandero sa balat ng kapulisan ang natagpuan niya.

                Kung ganon, siya pala si Excelente? Okay lang na di gwapo ang pangalan mo, papable ka naman e. Haaay…, sambit niya sa isip.

                Pinagsawa niya ang sarili sa pagsilip sa binata. Pakanta-kanta pa rin ito habang abala sa paglalaba. Hanggang sa tumayo ito at pumasok sa loob ng bahay.

                Ay… hanggang dito na lang ang pagsilay ko? Bitin naman!, ungot niya sa sarili.

                “Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa bahay ko?” Mula sa likod niya ang pamilyar na tinig ni Excelente.

Ready na siyang magpa-cute sa pagbaling niya dito. Ngunit nahigit niya ang hininga at umurong ang kanyang charming smile nang isa 45 caliber na kasadong baril ang bumulaga sa kanya. Agad na bumilis ang heartbeat niya sa takot. Napa-sign of the cross siya sabay pikit.

             “O, Lord!” pagkatapos ay huminga siya nang malalim.
          
         “Sir boss chief, hindi ako masamang tao. Ayoko pa pong mamatay. Matakot ka sa Panginoon, kasalanan ang pumatay. Wala akong ginagawang masama. Utang na loob,”  dire-diretsong litanya niya. Takot na takot na siya. Ngayon lang siya nakakita ng kasadong baril na alam niyang isang kalabit lang ng may hawak noon ay tiyak na ikakamatay niya.

                “Miss Custodio…” narinig niyang sambit ng papable na pulis.  

 Naramdaman niya ang paghawak nito sa balikat niya. Dala ng takot ay napapiksi siya at umiwas. “’Wag mo akong hawakan, please. Ilayo mo ang baril mo. Ayoko pang mamatay. Hindi pa iyon kasama sa plano ko sa buhay. Maawa ka. Kasalanan kay God ang manakit ng kapwa. Hindi ka mapupunta sa heaven. Matakot ka sa Diyos at sa Tito ko,” halu-halong sambit niya.

             “Wala na, nailayo ko na kanina pa. You can open you eyes now. I’m so sorry, Miss Custodio. Hindi ko sinasadyang tutukan ka ng baril.”
             
           Pero natakot siyang magmulat ng mata. Ramdam pa rin niya ang takot sa buong sistema niya. Nang hindi siya kumilos ay naramdaman niya ang pamilyar na braso nitong maingat na yumakap sa kanya.

              “Sorry na. I won’t hurt you okay. Relax,” sambit nito sa malambing na tinig. Masuyong hinaplos nito ang kanyang likod.

               Unti-unting kumalma ang pakiramdam niya kaya nagawa na niyang imulat ang kanyang mga mata. She felt secured in his arms and it gave her a lot of different unusual feelings she doesn’t know. Biglang kumabog ang puso niya. It was her first time to be hugged by a guy other than her uncle and brother. And she found it nice…very nice.

                Ngunit bago pa siya ma-carried away sa malanobelang eksenang iyon ay kumawala na siya sa pagkakayakap nito.

Sinalubong siya ng nanunuyong mga mata nito. “Okay ka na ba? Sorry talaga ha. Ikaw naman kasi,  bakit  ka ba umaaligid dyan e pwede ka namang kumatok o kaya mag-tao po.”

Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Kasalanan ko pa ngayon? E ako na nga itong muntik ng mamatay sa nerbyos. S/Insp. Excelente Almendral, alam mo naman siguro na pwede kitang kasuhan sa panunutok mo ng baril sa isang kagalang-galang, kapita-pitagan at kasamba-samabang nilalang tulad ko.”

 Hah! ‘Kala mo uubra sa akin ang ka-charming-an mo ha… no, Nada!

Tumitig lang ito sa kanya at bigla na lang tumawa. Anong nakakatawa?

“Pinagtatawanan mo ang kagandahan ko? Anong klase kang pulis? Manunutok ka ng baril sa isang napakagandang civilian tapos pagtatawanan mo lang?”

“Ang cute mo naman kasi.” Pinandilatan niya ito pero ang totoo, kinilig siya. “Sorry na ha.”

Inirapan lang niya ito. Walang hinging permisong  binuksan niya ang main door at pumasok siya sa loob ng bahay nito at umupo sa sofa.  Sayang naman ang bestida niya kung hindi niya mairarampa sa bahay ng gwapitong pulis.

“Hoy, alam mo rin naman siguro na trespassing iyang ginawa mo. Hindi pa kita pinapapasok ah.”

“Nangangawit na ako sa pagtayo at nanginginig pa ang tuhod ko dahil sa’yo. Hinahanap ko ang boyfriend ko. Andito daw siya e. Nasa’n si Laffy Toppy?”

Kumunot ang noo nito. “Ha?”

Bumuntong-hiningi siya. “Iyong laptop ko po, Sir boss  chief. Sabi ng hepe n’yo nasa iyo ang mga gamit ko.”

“Boyfriend mo ang laptop mo?”

“Oo, may problema ka do’n? Matagal na ang pinagsamahan namin ng laptop ko kaya natural na mahalin ko siya na parang boyfriend ko.”

“Okay. Saglit lang at kukunin ko si Laffy Toppy.”

Napakibit-balikat siya. Madali naman palang kausapin ang pulis na ito dahil kahit ano atang power trip ang sabihin niya e papatulan nito.

 Umalis ito at nang bumalik ay may dala na rin itong tray na may lamang juice at cake. Inilapag nito sa center table ang pagkain. “Pasensya ka na, Miss Yhaelani. Iyan lang ang mai-offer ko sa’yo. Eto na rin  iyong laptop mo.” Inilapag nito ang  backpack  sa tabi niya.

Hindi nakatakas sa kanya ang matikas na kilos nito na hindi niya alam kung bakit may impact sa kanya. She remembered the way he hugged her a while ago. Dumoble ang kabog ng puso niya.

  Pwede mo ring i-offer ang sarili mo. Hindi naman ako choosy! Patawang hirit niya sa isip. “Thank you, Sir Almendral. Kailangang-kailangan ko kasi ang laptop ko. Mas mahal ko pa ito kesa sa buhay ko. By the way, you can call me Lanlan, Sir.”

“Wala iyon. Then call me Excel then.” Ini-offer nito ang kamay sa kanya.

And the moment their hands touched, she felt a strange feeling rushed her system. May current, may spark, may kilig. Naks, parang poste lang ng Meralco ah. Nagkatinginan sila. Pawang naramdaman din nito ang naramdaman niya. He lovingly stared at her then smiled.

She smiled back. “Iyong ano… iyong kamay ko po, Sir boss chief este Excel,” natutulirong untag niya.

                 Tila natauhan naman ito sa munting misteryong nangyari sa pagitan nila at pinakawalan na nito ang kamay niya. “Ah, ngapala I’ll be honest. I looked after your personal things. Standard Operating Procedure lang ng pulisya.”

                “Iyon ba? Okay lang iyon.”

                “Okay lang kahit marami akong nakita at nalaman sa gamit mo?”

                Kumunot a noo niya. “Kung iyong sanitary napkin na nasa pouch bag ko ang sinasabi mo, problema mo na iyon ano. O baka naman type mo iyong lipstick ko at blush-on?”

                Tumawa ito. “Nakakatuwa ka naman. Hindi iyan ang ibig kong sabihin though nakita ko nga ang mga iyan. I mean, I found out that you’re a novel writer and a freelance Interior Designer, and an ex-nun.”

                “At kapatid ni Yohann ng Thunderkizz Band,” dugtong niya.

                “Yes. And a lot more of your personal life. Okay lang sa’yo iyon?” Iniabot nito sa kanya ang platito na may cake.

                “Salamat. Okay lang. Ulo mo naman ang na-overload ng information tungkol sa akin e. Ewan ko nga ba kung bakit mo pinagkainteresan ang bagay tungkol sa akin e wala namang kwenta iyon.”  Sumubo siya ng cake. Masarap dahil favorite niya ang cake na iyon, chocolate mousse.

                “Meron kaya,” pakli nito.

                Hinarap niya ito. “Alam mo, for someone na hindi ako kilala tapos sasabihing may sense ang little details tungkol sa akin, I’ll find it…nice. You’re nice.”

                “Well I bet you’re nicer,” tugon nito sabay ngiti.  Ang ganda talaga ng ngiti nito. Parang ang sarap-sarap titigan.

                Di tuloy niya maiwasang mapangiti. Pasimpleng hinawi niya ang kanyang bangs na lumaylay sa mukha niya at mahinhing ikinawit iyon sa likod ng tenga niya. “Di naman masyado, nice lang.” Saka lang niya naalala ang dala niyang fruit salad. Ibinigay niya iyon dito. “Gumawa nga pala ako ng fruit salad. Pa-thank you ko nga pala sa pag-rescue mo sa akin kahapon.”

                “Naku salamat. Dapat hindi ka na nag-abala. Tungkulin talaga ng mga pulis ang maglingkod sa kapwa,” pa-humble na tugon nito. Napakamot pa ito sa ulo na tila nahihiya. Ang kyut! “Kamusta ka na nga pala?”

                “Ayos lang, medyo masakit pa rin ang balikat ko pero sabi naman ng doctor, wala naman akong bali. Muscle strain lang daw.”

                “Dapat hindi mo masyadong ikinikilos iyan at baka lumala.”

                “Iyon nga ang sabi ng doctor.”

                “Pero hindi mo sinunod, mag-isa ka pang nag-drive papunta dito.”

                “Wala naman akong makakasama e. Ang sarap ng cake, salamat ha,” pagpapalit niya ng usapan. Inilapag niya sa center table ang platito.

                “Mag-change topic ba. Matigas pala ang ulo mo.”

                “Mismo, kaya ‘wag mo na rin aksayahin ang oras mong sermunan ako.” Nginitian niya ito. “Paano, thank you ulit ha. I need to go.” Tumayo na siya nang biglang umeksena ang balikat niya. Napangiwi siya at napaupo ulit.

                Agad siyang dinaluhan ni Excel. “Iyan ang sinasabi ko kanina. Alin ba ang masakit?”

                  Itinuro niya dito ang bahagi ng balikat niya na kumikirot. Dahan-dahan nitong tiningnan ang balikat niya. “Aray!”

                “Namamaga ang balikat mo. Sandali, kukuha ako ng yelo.”

                “Sige.”

                Pagbalik nito ay may dala na itong ice bag. Marahan at maingat nitong inilapat ang yelo sa balikat niya. Naramdaman niyang gumuhit ang sakit sa balikat niya. Napaiyak na tuloy siya sa sakit. Mababa kasi ang pain tolerance niya. Konting masakit lang sa kanya ay napapiyak na siya.

                “Masakit pa?” masuyong tanong nito. Singhot lang ang sinagot niya dito. “Umiiyak ka? Does it hurt much? Tara dadalhin na kita sa hospital.” Tumayo ito. Akmang bubuhatin na siya nito nang pigilan niya ito.

                “Okay na ako. Mahina lang talaga ako sa pain kaya ako umiyak,” tugon niya sabay yuko.

                Iniangat nito ang mukha niya. Sinalubong siya ng nag-aalalang mga mata nito. “Sigurado ka ba?”   He wiped her tears with his thumb. Why are you so caring?

                “Oo.” Nagkaroon siya ng pagkakataong matitigan ito ng mabuti. Familiar talaga ito sa kanya. “Kahapon lang ba talaga tayo nagkita? Familiar ka talaga sa akin.”

                “Ando’n din ako sa concert ng Thunderkizz sa Araneta last month.”

                Kumunot ang noo niya. Until she remembered a weird guy looking at her that night as she heard her favorite song sung by her brother. “Ikaw iyong mamang ano na nakatingin sa akin noon?”

                “Ah…eh…” Napakamot ito sa ulo. “Ako nga.”

                “Ah…” Kahit napapangiwi siya sa sakit ng balikat niya, parang gusto rin niyang mapangiti.

                “Okay ka na ba?”

                “Oo, medyo. Sige uuwi na ako para makapagpahinga na ako.” Tumayo siya at inalalayan siya nito.

                “Ihahatid na kita. Baka mapaano ka pa ‘pag nagmaneho ka. Akin na ang susi ng kotse mo, ako na ang magda-drive.”

                Pagod na siyang makipag-argumento kaya pumayag na siya. Ibinigay niya ang susi dito. “Salamat ha.”

                Binitbit nito ang backpack at inihatid siya nito sa passenger seat. “Wait there. Magbibihis lang ako saglit.”


               
Five minutes after ay bumalik ito. At inihatid siya sa bahay. He was indeed her knight and shining armor. Mabuti na lang at nakilala niya ito.









PREVIOUS                                                                        NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…