Skip to main content

Strange Feeling of Love- Chapter Three



Napabuntong-hininga si Lanlan habang binabasa ang draft ng story sa steno pad niya. Alas-kwatro na ng madaling araw at gising na gising pa rin siya. Kasalukuyang nasa bubong siya ng kusina ng bahay nila. Doon siya dinala ng kanyang mga paa nang maghanap siya ng pwesto para makapag-isip siya ng mga eksena para sa nobelang isusulat niya. Pero ang siste hindi siya kuntento sa draft niya. Pakiramdam niya ay may kulang pero hindi niya alam kung ano.

                “Siguro nga, kailangan ko talagang mag-interview ng pulis,” sambit niya. Itinuloy na niya ang planong gumawa isang romance novel na isang pulis ang leading man ng isang simpleng babae.

                Naalala niya si Excel. Tutal, utang na loob niya sa binata ang konsepto ng kwentong naisip niya, dito na lang siya hihingi ng tulong. Hinagilap niya ang cell phone niya at nag-send ng text message dito.

                Gud morning, Excel. Musta?

                Ilang minuto ang nakalipas ay nag-beep ang cell phone niya.

                Gud mornin’ din. On duty ako pro la nman mgawa d2 s presinto. Hehe. How r u now, Lanlan? W8, it’s 4am in d morning, gcng k pa? D k dpat ngpu2yat.  


                Napangiti siya. Maalalahanin talaga ang pulis na ito. Nag-type ulit siya ng reply.

Hehe. S gbi tlga ako ngsu2lat. Ms tahimk kc, ako lng ang gcng s neighborhood. Ako lng ang my krpatang mg-ingay.

                She waited for his reply. Nagbeep ulit ang cellphone niya.

                So, u’r in d middle of writing by now?  

                Supposedly, pro ndi k mcmulan ung bagong novel k.

                Bakit?

                Bumuntong-hininga muna siya bago nag-type ng message.

                Kulang kc s inspration :-) Bc k ba? Kelangan kc kta.

                Napatawa siya sa ipinadalang mensahe. Daig pa niya ang matronang naghahanap ng aliw sa gabi sa dating ng message na iyon.  Lumipas ang ilang minuto ay hindi na nag-reply si Excel. Natakot ata itong mapikot niya.

                Binalikan na lang niya ang stenopad. Salamat sa ilaw ng poste. Hindi na niya kailangang magbitbit ng flashlight para mabasa niya ang laman ng stenopad.

                Nagulat na lang siya nang mag-ring ang cellphone niya. Sa di niya mawaring dahilan ay biglang kumabog ang puso niya nang makita ang pangalan ni Excel na rumihistro sa screen ng cellphone niya. Nakangiting sinagot niya ang tawag nito.

                “O Excel,” sambit niya.

                “Mapapagtiyagaan na ba akong inspiration?” tanong nito.

                Napatawa siya sa turan nito. Pasimpleng pa-kyut ha. “Pwede…pwede na.”

                Tumawa rin ito. And those burst of laughs seemed to be the sweetest sound she ever heard.

                “Ganon?  So anong maipaglilingkod ko sa’yo? You just said you need me. So what is it?”

                “Ah, pwede ba kitang mainterview kung hindi ka lang naman busy.”

                “Interview? For what?”

                “Ganito kasi iyon. I have a police character for my novel. Ang kaso, wala naman akong idea sa buhay ng isang full-pledged policeman. I just need to get ideas, inputs, and point of view from you. Okay lang ba? Hindi ba masyadong abala na iyon sa’yo?”

                “Oh sure, no problem. This coming weekend day off ko. Let’s have a…date,” sambit nito.

                Natigilan siya. Tama ba ang narinig ko? Date? A romantic date?  “Ah, sige… okay. Let’s set the date for interview. In return, ide-dedicate ko iyong novel sa’yo.”

                “Talaga? Okay iyan. Matutuwa ang nanay ko niyan pati na iyong mga kapatid ko. Favorite writer ka kasi ng mga iyon.”

                Lalo siyang napangiti sa sinabi nito. Sanay na siyang makatanggap ng appreciation sa mga readers niya. Pero ang malamang siya ang paboritong writer ng pamilya nito, kakaibang damdamin ang hatid noon sa kanya.

                “Oy, Almendral. Pasikat pa lang ang araw, nanliligaw ka na agad riyan,” narinig ni Lanlan mula sa kabilang linya. Babae ang nagsalitang iyon.

                “Hindi naman, Chief,” tugon ni Excel sa nagsalitang babae pagkatapos ay kinausap na siya ulit nito. “Sorry, ang kulit ng hepe namin dito.”

                “Close ba kayo ng hepe ni’yo? Andami kasi niyang kinukwento tungkol sa’yo nung tinanong kita diyan sa presinto para dun sa laptop ko.”

                “Mag-best friend kasi kami, no’n. So, tatawagan na lang kita ulit ha. Magtatrabaho muna ako at baka masesante ako dito,” biro nito.

                “Okay. Thank you ha.”

                “Basta ikaw, walang problema. Matulog ka na ha. Sleep tight, bye.”

                Nakapaskil pa rin ang ngiti sa labi niya kahit ilang minuto na ang lumipas. Napapabuntunghininga pa siya.

                “That guy. He has an admirable and lovely personality. He has humor. He has a captivating voice basta ‘wag lang siyang kakanta. He’s caring, he’s sweet. He’s…papable! Haaay…”             

                Napakunot-noo siya. Para siyang may sintomas ng epidemia ng falling in love sa mga nabanggit niya. Umiling siya. Ay naku, puyat lang ‘to!

                Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa bubong nang mag-ring ulit ang cellphone niya. Sa pag-aakalang si Excel lang din iyon ay basta na lang niya sinagot ang tawag. “O, Excel—”

                “Excel? Sinong Excel iyan?”

                Nakagat niya ang labi nang marinig ang boses ni Yohann. 

                “Ate!”

                “Ah, wala iyon, may ginagawa lang ako sa Microsoft Excel. Iyon lang iyon,” palusot niya sa kapatid. As if naman na lulusot ka sa kapatid mo, buska niya sa sarili.

                “Oy ‘wag mo nga akong pinagloloko ha. Andito sa may lababo ang laptop mo. Lalaki iyon ano? Siguro iyon iyong sinasabi ni Nanay Ising na naghatid sa’yo nung isang araw. Iyong pulis iyon ano? Ikaw ate ha. And where the hell are you? Madaling-araw na.”

                “Bakit ba?  Andito naman ako sa bahay ah.”

                “Ate, utang na loob, pagod na ako sa gig kaya kung pwede lumabas ka na kung saan mang lungga ka naroon.” Nakita niya ang kapatid na lumabas sa garden.

                “Andito ako sa bubong.”

                “What?” Napalingon ito sa direksyon niya. Kinawayan niya ito. Pagkatapos ay iniumang nito ang kamao sa kanya. “Alam mo kung hindi lang kita kapatid, naupakan na kita. Naku! Ate, bumaba ka nga diyan. Ano bang ginagawa amo diyan?”

                Inalalayan siya nito sa pagbaba niya. “Nagsusulat, ano pa ba?”

                “Never do that again, delikado.” Kinaladkad siya nito papasok ng bahay. “At iyon si Excel, nanliligaw ba iyon sa’yo?”

                “Hindi.”

                “’Wag mo basta-basta sasagutin iyon  ‘pag nanligaw siya sa’yo ha. Magpaligaw ka ng tama.”

                “Nagsalita ang nanliligaw daw ng tama. Sa kalsada ka rin lang naman nanligaw sa girlfriend mo. Sa kalsada, sa fishball-an, sa karinderya, sa open field. Two years na kaya kayo nang makatuntong ka sa bahay nila.”

                “Iba iyon,” sambit nito sabay walkout.

                Nagkibit-balikat lang siya. Pikon talaga ang kapatid niyang ito. Naalala niya ulit si Excel. Maganda sanang isipin na manliligaw ito sa kanya pero mahirap namang mangarap siya ng gising. Malay ba niya kung may girlfriend iyon. Pero kung sakali…Why not? Ay like it beybeh!


                HINDI natuloy ang dapat sana’y “date” nila ni Excel. Na-postponed iyon dahil nagkaroon ng emergency raid ang mga ito. Ganon pala ang mga pulis. Para silang mga doctor na walang pinipiling oras ang serbisyo.

                Ganunpaman, matiyaga siyang naghintay ng tawag mula dito para sa reschedule ng kanilang date este interview. Pansamantala, ibang nobela muna ang inasikaso niya.

                Nakipagkita siya sa mga kabarkada niya. At dahil malapit na siyang matapos sa bagong nobela niya, bitbit niya si Laffy Toppy sa parke kung saan nakatambay ang magugulo niyang kaibigan.

                “So anong latest buzz? Para saan ang meeting na itey?” tanong niya. Inilapag niya sa mesa ang laptop niya at binuksan iyon.

                “Magsusulat ka ng minutes of the meeting?” hirit ni Mayette.

                 “Sira, bakit ko naman kayo pag-aaksayahan ng baterya ng laptop ko? May tinatapos akong nobela. ‘Wag na kayong magreklamo dahil palagi naman kayong nakakakuha ng libreng kopya sa akin. Di ko man lang mapakinabangan ang mga yaman n’yo,” hirit niya.

                “Oy, Lanlan, ikaw lang ang mayaman dito. Lahat kami dito ay hampaslupa kaya magdusa ka,” sambit ni Miles sabay tawa.

                “At dahil diyan, manlibre ka naman ng food, Yhaelani. Bawasan natin ang yaman mo,” dagdag pa ni Opalyn.

                “Ano bang chicha ang gusto n’yo?”

                “Ayon!” Nilingon niya ang tinuro ni Cess sa pag-aakalang food stand ang itinuro nito. Isang binatang cute na kumakain ng fishballs ang itinuro nito. “Iyan o, yummy!—Aray!”

Ipinukpok niya dito ang mouse na nakakabit sa laptop niya. “Umayos ka nga, Princess. Hindi ko kayo ililibre kung di lang pagkaing masarap ang ituturo n’yo.”

                “Gusto ko ng fishballs,” sambit ni Miles.

                “Ako, kikiam,” si Opalyn.

                “Oy, libre ‘to dapat bongga. Fries!” sambit ni Cess. “Iyong cheese flavor.”

                “Bongga na iyon? popcorn, caramel!” hirit ni Mayette.

                “Dapat may tukneneng din at drinks!” sabat niya.

                Basta talaga pagkain, magkakasundo sila. Mula college kasi ay magkakasama na sila at pagkain din lang ang bonding moment nila noon. Kumuha siya sa wallet niyang ng limang daan at inilapag iyon sa mesa. Pagkatapos ay binalikan niya ang sinusulat na nobela.

                “Ako na ang bibili,” volunteer ni Mayette sabay kuha ng pera. “May gwapo do’n e.”

                “Samahan kita, baka maakit ko iyong cute na iyon,” hirit ni Cess.

                “Keep the change ba ‘to?” tanong ni Mayette.

                Umangat ang mukha niya mula sa laptop. “Oy, di ah Humingi kayo ng resibo. Mahal na ang LPG ano nagmahal na rin ang yelo.”

                “Lanlan talaga,” natatawang hirit ni Opalyn.  “Kelan magkaka-konek ang sasabihin mo ha?”

                “Bakit ba? E talaga namang mahal ang LPG ngayon ah.”

                “Eh hindi ka naman marunong magluto. Aanhin mo ang LPG?” tanong ni Miles.

                “Paki nyo, sinisinghot ko iyon,” pabirong hirit niya na ikinatawa ng mga ito. Kahit kailan talaga, hindi na siya sineryoso ng mga kaibigan niya.

                “Ewan ko sa’yo, Lanlan. Umuwi ka na nga sa planeta mo,” buska ni Mayette.

                “Sure. Pengeng pamasahe,” patol niya sa biro nito. “Malayo ang Tralalala dito sa pinagrereynahan kong earth.”

Umugong ang tawanan nilang magkakaibigan. Tulad ng dati, wala silang pakialam sa sasabihin ng iba.

                Maya-maya pa’y pinagsasaluhan na nila ang biniling pagkain nina Mayette at Cess. Sige lang siya sa pagsusulat habang nakikipagkwentuhan sa mga ito. Sanay na rin ang mga ito sa multi-tasking ability niya kaya balewala lang iyon sa kanila.

                “Dahil may laman na ang bituka ni’yo, pwede n’yo na sigurong sabihin kung bakit tayo andito maliban sa nagpalibre na naman kayo ng pagkain?” tanong niya.

                “In love si Opalyn kay Keijin,” pahayag ni Miles.

                Sumipol siya. “Yeh, congratulations. You have finally moved on! Mabuhay!”

                “I have the feeling na hindi naman niya ako mahal,” sambit ni Opalyn.

                “Ay, problema nga iyan,”  bawi niya.

                “Tinanong mo ba?” sambit ni Miles.

                “Syempre hindi. E di nabisto ako kung itatanong ko.”

                “Eh anong plano mo?” tanong ni Mayette.

                “Akitin mo na lang. Baka makuha pa sa pang-aakit iyan,” hirit ni Lanlan.

                Siya naman ang binatukan ni Cess gamit ang mouse ng laptop niya. “Alam mo, parang wala ka talagang traces na dati kang madre at lumabas ka lang ng kumbento. Umamin ka, sa kumbento ka ba galing?”

                Huminto siya sa pagta-type at nakikain ng fishballs. “Hihimatayin lang kayo ‘pag nagpakamadre ako dito. Ganito lang iyan e. Wala ka ng magagawa Opalyn kung inlababo ka. The least you can do is try your best to make him fall in love with you. Kung ma-in love siya sa’yo, swerte mo. Kung hindi naman, ahm….ilibing mo na rin siya kasama ng alaala ng tukmol mong ex.”   

                “In fairness, may point,” hirit ni Mayette.

                “Syempre, ganyan talaga ang kyut!”

                Biglang nag-ring ang cellphone niya. Napangiti siya nang pangalan ni Excel ang rumehistro sa screen ng cell phone niya. Sinenyasan  niya ang mga kaibigan na manahimik nang sagutin niya ang tawag.

                “Hello, Excel. Kamusta na?”

                “Lanlan, sorry ha. One week akong hindi nagparamdam,” tugon ni Excel.

                Napangiti siya. Umurong lang ang ngiti niya nang nanunuksong nagngisian ang mga kaibigan niya. “Okay lang iyon. Ako naman ang may kailangan sa’yo eh.”

                “Kailangan mo pa ba? On leave pa ako, mga three days pa. Maybe we could pursue the interview.”

                “Sige, saan tayo magkikita? Pwede ba bukas?”

                “Sige bukas na lang. Okay lang ba na pumunta ka na lang sa bahay? Di pa kasi ako advisable na lumabas ng bahay sabi ng doctor.”

                Bigla siyang nag-alala. Doctor? May sakit siya? “Bakit?”

                “Nabaril ako kaya hindi kita na-contact nitong nakaraan. Three shots sa tiyan ko,” tila balewala lang na sambit nito.

                “Oh, God! Are you okay? Nasa ospital ka ba?” bulalas niya. Napa-sign of the cross pa siya.

                “Lumabas na ako ng hospital ngayon. Okay na ako. Hindi naman kasi ito iyong first time na nabaril ako. Sanay na ako. At saka dumating  si Inay, inalagaan niya ako.”

                “Ganon ba? Dadalhan kita ng fruits bukas. Magpahinga ka na. At sa susunod, mag-iingat ka na ha,” sinserong sambit niya. “Magpagaling ka ng husto.”

                “Salamat. Sa lahat ng taong nagsabi sa akin niyan, iyong version mo ang nakapagpangiti sa akin.”

                Napangiti siya sa pambobola nito. Ibang klase talaga ang papable na pulis na ito. Injured na nga, nakakapambola pa. At siya, nagpabola naman.

                “Uuuy, lumilinya ang isang bata,” patawang hirit niya.

                Narinig niyang tumawa ito. “Halata ba?”               

                “Oo e. Sige na, bukas na lang okay.”

                “Okay.”

                Nag-aalala siya kay Excel pero natutuwa din siya dito. Nakangiti pa siya nang balingan niya ulit ang mga kaibigang nakangisi pa rin sa kanya.

                “Mother Superior, in love ka ano?” hirit ni Opalyn.

                “Hindi ah!” deny niya.

                “Wuu! Umamin ka na!” buska ni Mayette.

                “Shing shang shu shang shi!” walang kwentang hirit niya na ikinatawa nilang lahat.

                “Ano iyon?”

                “Secret.”


PREVIOUS                                                                       NEXT 

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…