Skip to main content

Strange Feeling of Love- Chapter Ten




They celebrated their first year of relationship at Enchanted Kingdom. Pinagbigyan ni Excel ang wish ni Lanlan na magpakabata ulit sa pagpunta sa amusement park tulad noon. Walang pinatawad na rides ang girlfriend niya. Pati rides na pambata, pinatulan.  And throughout the moment, he lovingly stayed beside her. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan sila ng ibang tao dahil sila lang ang kabukod-tanging matatanda na sumasakay sa carousel, may bitbit na balloons, kumakain ng cotton candy at lollipop, at parang mga batang walang pakialam sa mundo. As long as masaya ang girlfriend niya, solb na siya roon.

                “Waaah! Waaah! Waaaaah!” To the highest-level ang tili ni Lanlan habang mahigpit na nakayakap sa kanya.  Nakasakay sila sa Anchor’s Away.

                Hinalikan niya ang ulo nito. “Easy ka lang, para kang kinakatay diyan,” pang-aasar niya dito.

                “Waaaah! Ayoko na, Excel! Baba na tayo!” Pumikit na ito at lalong humigpit ang yakap sa kanya.


                “Silly. Sige, ihahagis na kita. Mauna ka na sa baba,” biro niya dito habang nagsu-sway pa rin ang giant pirate ship na iyon.

He loved the andrelin rush given by action rides like that. Sa kanyang isang alagad ng batas, walang-wala pa ang mga iyon sa action na nakukuha niya sa trabaho niya. At mas mamahalin niya ang mga rides na iyon kung palaging ganon kahigpit ang yakap ni Lanlan sa kanya tuwing sasakay sila doon. This is what I call, my heaven.
         
           Hinampas nito ang balikat niya. “Ang sama mo talaga. I thought you love me, bakit mo ako ihahagis? Waaaah! Yoko naaaaaa!” Nagtitili pa ito nang tumaas ang pag-sway ng ride. Isinubnob nito ang ulo sa dibdib niya. “Wag mo akong bibitawan! Ayokong mahulog!”

                Niyakap niya ito nang mahigpit. “Sakyan natin lahat ng action ride, Lanlan para mayayakap mo ako ng ganito palagi. Pabor sa akin ‘to.” Hinalikan niya ang buhok nito. “Ang bango mo.”

                “Tse! Ikaw talaga, manyak ka rin e! Matagal pa ba? Hihikain na ata ako. Wooh!”

                Nag-slow na ang galaw ng ride. “Patapos na ito.” Nag-aalalang binalingan niya ito. “Okay ka lang? Hihinga ka lang ha. Basta, ‘wag mong kakalimutang huminga, okay.” Nginitian niya ito.

                “Nagpapacute ka na naman, Excel.” She laughed when the ride stopped. “Yehey, tapos na!”

                Bumaba na sila ng ride. He lovingly held her hand and led her to a bench. “Upo muna tayo. Magpahinga ka muna.” Agad niyang pinainom ito ng tubig. Kinuha rin niya ang face towel na baon niya at masuyong pinunasan niya ang pawis nito. Kumuha ulit siya ng isa pang bimpo at inilagay iyon sa likod nito.

                Hinila siya nito at pinaupo sa tabi nito. “Ikaw rin.” Inagaw nito ang hawak niyang towel at pinunasan din nito ang pawis niya sa noo at leeg. “Di lang ako ang dapat inaalagaan mo, pati sarili mo dapat di mo pinababayaan. Oh well, mali pala. Ako pala ang dapat mag-alaga sa’yo.”

                He just lovingly stared at her habang pinupunasan nito ang noo at leeg niya. Saka lang niya naisip na ang tagal na pala nilang magkasama ni Lanlan. At mula noon hanggang ngayon, hindi nagbabago ang pagmamahal niya dito. Kung nagbago man, mas tumindi iyon as time passed by.

                Nangingiting minasdan niya ito.

                “Bakit?”  tanong nito nang mapansing nakatitig lang siya dito.

                “Habang tumatagal, gumaganda ka sa paningin ko.”

                Tumawa ito. And it was one of those scenes that he really treasured most. Gumagaan ang mundo niya ‘pag nakikitang masaya ito.

                “Alam mo, Excel, habang tumatagal, lumalala ang pambobola mo.”

                “Habang tumatagal, lalo kitang minamahal.”

               “Habang tumatagal, nagiging cheesy ka na as in overload sa pagka-cheesy.”

                Tumawa siya. Hinawakan niya ang kamay nito. She just smiled and looked at him. How he loved this woman! Decided na talaga siya. Si Lanlan na ang buhay niya mula sa araw na iyon hanggang sa tumanda na sila ng sabay. “Masaya ka ba?”

                “Sa’yo?”

                “Hindi, sa ibang tao.”

                Lalong ngumiti ito sa pamimilosopo niya. Pinanggigilan nito ang pisngi niya. “Hindi ako masaya. Masayang-masaya.” Pinisil pa nito ang ilong niya. “Hmm, ang pangit mo today, Excel. Ahitin mo naman ang bigote’t balbas mo. Mukha kang kriminal at hindi pulis.”

                “Konti lang naman iyan. Nakalimutan ko lang mag-ahit kanina. Ikaw kasi, minamadali mo ako. Ikaw lang naman ang nakakapagbigay ng ultimatum sa akin e.”

                “Magpapa-under ka rin pala sa akin ano?”

                Pinisil niya ang pisngi nito. “Hindi pagpapa-under ang tawag do’n. Nagi-give way lang ako. If you love the person so much you will learn to give way and give everything just to make her or him happy. I want you to be happy with me. Kaya kahit magmukha akong under the saya mo, since lagi ka namang nakasaya, okay lang.”

                “Sweet mo naman! I love you!” Humalik ito sa pisngi niya kanya. Mabuti na lang at konti ang tao sa paligid nila. Pwede silang maglambingan na hindi magmumukhang papansin o paepal.

                Uminom ulit ito ng tubig at gaya ng naging hobby na niya, tinitigan na naman niya ito. “Lanlan, magpakasal na tayo.”

                Naibuga nito ang iniinom. Buti na lang at hindi nito naibuga iyon sa mukha niya. Nasamid pa ito.  He gently tapped her back. “Grabe ka naman kung maka-react. Sabi ko lang naman, magpakasal tayo. Ang reaction mo, parang sinabi kong bading ako.”

                “’Wag mo kasi akong biglain. Iyang mga bagay na ganyan, hindi naman biglaang pinag-uusapan iyan e.” Napaubo ito.

                Masuyo niyang hinaplos ang likod nito. “Hindi naman por que inalok kita ngayon e bukas na bukas din ikakasal na tayo. Pinagpaplanuhan iyon. Pag-isipan mo lang, Lanlan. After all, nasa marrying age na naman tayo at may naipon na rin.”

                “Sige, pag-iisipan ko. Di ko kasi alam kung handa na ako e.”

                He smiled. “Expert ako sa paghihintay, Lanlan. I wonder how it feels like to have a Mrs. Almendral beside me, day and night.”

                “Aba, super saya ng buhay mo ‘pag naging misis mo ako. May asawa ka na, may anak ka pa. Two in one ako e.”

                 They laughed. They shared the same good blend of laughs that they’ve been enjoying for the past few months.

                Maya-maya pa’y nagyaya na itong umuwi. Pagod na kasi ito. Tulad ng nakagawian, inihatid niya ito sa bahay. They were sharing cups of coffee nang magbukas ulit si Lanlan ng usapan.

“Ngapala, tatlong linggo ako sa Korea starting next week. Do’n kasi isu-shoot ung film script na sinulat ko. Kailangan na ando’n ako sa shooting area para madaling mag-revise ‘pag kelangan.”
  
              “Tatlong linggo? Ang tagal naman no’n.”

                “Madali lang iyon.” Yumakap ito sa kanya at humilig sa dibdib niya. “Okay na rin iyon. Mapag-iisipan ko do’n iyong tungkol sa kasal natin.”

                Gumanti siya ng yakap. He kissed her temple. “Mag-iingat ka do’n. Dating gawi, magtawagan na lang tayo. Haay, mami-miss kita.”

                Tumunghay ito at masuyong tinitigan niya ito. By looking in her eyes, it was pretty obvious that she’s really in love with him. Hinaplos niya ng pisngi nito. Then he moved closer and lovingly kissed her soft warm lips. Gentle, slow, and sensational. Sa mga sandaling ganito ay mas napaparamdam niya dito kung gaano niya ito kamahal. Tulad ng dati ay maingat at puno ng respeto niyang hinalikan ito. They have an agreement that everything beyond kiss will happen after their wedding. Kaya naman sa simpleng halik at yakap na lang niya ipinapakita ang importansya nito sa buhay niya.

               “You need to move away from me, Lanlan,” he said after their lips parted.

                “Bakit?” She gave him a quick kiss.

                “Malapit ko ng makalimutang may agreement tayo.”

                She moved away and handed him the cup of coffee. “Kape lang ang katapat niyan. Pampanerbyos.”

                Napatawa siya. Sa lagay na iyon, malamang na ninerbyosin nga siya.


                ABALA si Lanlan sa paglalaba nang dumating ang kapatid niya. Alas-kwatro pa lamang ng hapon. Di pa sila nagkikita ulit ni Excel dahil kararating lang niya nung isang araw mula sa Korea at ito naman ay may inaasikasong rally ng mga magsasaka. Naka-deploy sa Department of Agriculture ang mga hinahawakan nitong pulis. Tatlong araw na ang rally at hindi pa rin nito maiwan-iwan ang mga tauhan doon.

                “Ate, anong ginagawa mo riyan?” tanong ni Yohann.

                “Namamalantsa,” pilosopong sagot niya. “Obvious naman, naglalaba ako. Ikaw talaga. Nagpa-practice na ako ng household chores. Alam mo na…”

                “Magpapakasal na kayo ni Kuya Excel?”

                Napangiti siya. Kaya siya nag-aaral ng gawaing bahay dahil gusto niya, siya mismo ang mag-aasikaso kay Excel ‘pag naging Mrs. Almendral na siya. “Napapag-usapan pa lang naman. It’s not yet official.”

                “Pero nagre-ready ka ng maging housewife. Swerte talaga sa’yo ng boyfriend mong iyon.”

                “Swerte din naman ako sa kanya. Ikaw kelan ka magpapakasal?”

                “’Pag nagpakasal ka na, magpapakasal na rin ako after one year. Baka masukob tayo e, malas iyon. Tsaka, mauna ang matanda para di na magbibigay ng special dowry ang magiging misis ko sa’yo.”

                Binalingan niya ang kapatid. Pangisi-ngisi lang ito. “Tse! Kuripot ka talaga. Nakapag-propose ka na?”

                “Oo, at umoo na siya sa wakas.”

                Yohann looked so happy. Ganon nga siguro ‘pag napapayag ng isang binata na magpakasal ang babaeng minahal nito. Siya kaya, kelan kaya siya pormal na aalukin ni Excel ng kasal? Kung anu-ano na ngang proposal scene ang naiisip niyang gagawin nito pero buwan na ang lumilipas, hindi pa rin ito nagpo-propose sa kanya.  Baka naman binibiro lang siya nito nung magsabi ito tungkol sa pagpapakasal. 

                “Yhaelani!” Humahangos na lumapit sa kanya ang kanilang all around maid.

                “Bakit po, Nanay Ising? May poging kapitbahay na naman kayong nakita?” biro niya. Matandang dalaga na ito at ang hobby na lang ay maghanap ng poging kapitbahay sa subdivision nila.

                “Hindi, may pulis! May mga pulis sa labas.”

                “Baka, kasama lang ni Excel iyon.” naghugas siya nang kamay.

                “Hindi, wala si Excel. Ikaw ang hinahanap nila. May warrant of arrest daw sa’yo.”

                “Ano?” korong sambit nilang magkapatid.

                “May kaso ka ate? Anong krimen ang ginawa mo?” tanong ni Yohann.

                Binatukan niya ito. “Hindi ako kriminal!”

                Lumabas siya at hinarap ang mga pulis. “Ms. Yhaelani Colette Custodio?”

                “Ako po iyon. Bakit po?”

                “Arestado po kayo. Kailangan po naming isama kayo sa presinto. May warrant of arrest po kaming hawak laban sa inyo.”

                Nagulantang siya. Paano siya magkakakaso e wala naman siyang naagrabyado sa tanang buhay niya? Nasipat niya ang kalsada. Dalawang patrol car ang naka-park roon. Akmang poposasan na siya ng mga pulis nang pumalag siya. Natatakot na siya. “Sandali lang!  Hepe ng pulisya ang boyfriend ko. Di ako sasama sa inyo. Wala akong kaso, wala akong taong naagrabyado.”

                Nagtitili siya nang sapilitang inilagay sa pulsuhan niya ang posas. Anak ng posas! Seryosong makukulong nga ako? Excel! Help! “Teka, police brutality na iyan! Tatawagan ko ang boyfriend ko. Di n’yo ako pwedeng ikulong. Nasaan ang warrant n’yo? Bangenge kayo, di nyo pa ako binibigyan ng warrant pinosasan ni’yo na ako. Isusumbong ko kayo sa boyfriend ko, matatanggal kayong lahat sa serbisyo.”

                Ginagawa lang po namin ang trabaho namin, Ms. Custodio. You have the right to remain silent….” Kung anu-ano pang rights ng isang inaaresto ang pinagsasabi nito. Lalo lang siyang natakot. Nasa’n ka na Excel?! Bakit kung kelan kailangan niya ito ay saka ito nag-disappearing act.

Until she noticed something strange was going on. Inaaresto na siya pero nanatiling nanonood lang ang kapatid niya sa isang tabi. Ganon din si Nanay Ising. Napakunot ang noo niya.

“Oy, Yohann, bakit nakatayo lang kayo diyan? Ikukulong nila ako, papanoorin mo lang ako?”

“Okay lang iyan, enjoy!”

Lalo na siyang nagduda sa tugon nito. Sinipat niya ang posas. Parang may mali din doon. Until she saw a diamond ring along the chains of the handcuffs. Siyet! Proposal na itey!

“You are under arrest!” Bigla na lang sumulpot si Excel at nagdisappear ang dalawang pulis na inuto nito sa kalokohan nitong iyon.

“Ano namang kaso iyan? Tinakot mo ako!” singhal niya dito.

“Madami. Trespassing, illegal detention and heart-napping, at murder,” he said while grinning.

“Murder? Lamok pa lang ang napapatay ko sa tanang buhay ko.”

“As you thought. You killed my pride and ego. You killed my fear of living alone. You killed my empty life. You trespass my heart and it was too late when I realize that I lost it. You detent my heart and soul and put it inside yours. Pagmamahal ko pa ang ransom. Ayaw na ng puso kong bumalik sa akin. Sa’yo na lang daw siya, habambuhay.” 

                “And so?”
         
       “Arestado ka nga.  You know what’s your major case? It was loving this very awesome and gorgeous guy in front of you.”

                “Ang yabang mo! Magpipyansa ako.”  Pinatulan na niya ang mga pinagsasabi nito.

                “Sorry, there’s no way to bail out.”

                “Madaya! Unfair ka.”

                “Fair iyon. At dahil nagmamadali ang petitioner na maparusahan ang accused, walang hearing ang kaso na ito. Finala decision na agad.”

                “Ano namang parusa iyan?”

                He moved closer and removed the ring from the handcuffs. He lovingly and passionately gazed at her. Para namang na-hypnotized na napatitig na rin siya dito. How he really loved this guy. Ito lang ang kaisa-isang lalaking pinayagan niya pumasok sa buhay niya.

                Reclusion perpetua. O habambuhay na pagkabilanggo sa bahay ko, hanggang sa magkaroon tayo ng Excel Junior at Lanlan Junior one two three and four. Ano? Papaaresto ka ba o hindi?” He showed the ring to her.

                “Nagpo-propose ka ba o nananakot?”

                “Syempre, nananakot!” Pinandilatan niya ito. “You are the reason why I live today, tomorrow, on the next day, on next week, on next month, on next years, on next decade, on—”

                “Walang ending iyan.”

                He smiled. “Wala naman talagang ending dahil kahit mamatay ako sa pagtanda natin, hanggang do’n sa pupuntahan ng kaluluwa ko, ikaw pa rin ang magiging dahilan ng lahat. Kasi hanggang sa kung saan man iyon, mamahalin pa rin kita.”

                She never wished for more. Being with Excel was the most heavenly place she could ever achieve. “I promise the same thing, Excel.”

                “Let’s get married, Lanlan.” Isinuot nito ang singsing sa daliri niya. It fitted well on her hand. Lalo na nang hawakan nito ang kamay niya.

                “Sige ba, basta ba aalisin mo itong posas sa kamay ko. Masakit na e,” tatawa-tawang tugon niya.

                “Naku, sorry!” Bumunot ito ng susi sa bulsa at tinanggal ang posas sa kanya. “Ito naman kasing idea ni Pae Yong paposas-posas pa kasi.”

                “Cute nga e. I love you, Excel,” sinserong sambit niya.

                “I love you more.” 

                He lovingly embraced her as people around them cheered.

                “Saang simbahan mo gusto?” tanong nito.

                “Kahit saan pa iyon, okay lang. Military wedding ha,” request niya.

                With full of passion and love, he kissed her. Mas malalim kesa dati at mas puno ng pagmamahal. Buong puso rin niyang tinugon iyon. “Oh sure, my dear,” he whispered in between sweet kisses. “Lahat ng kapulisan ko ilalagay kong kadete sa kasal natin.”
 
                Love really knows what good timing means. ‘Cause when love comes and knocks your heart, it will definitely lead you to the one whom you are meant to be with. 



THE END



Comments

Naiomi said…
Whoooo!Gandaaaa. To the highest level ang kilig ko <3
Anonymous said…
Jeanie says.....................


Hay naku ilang beses ko ng binasa to pero same pa din ang effect... Baliw-baliwan din ang peg ko hahaha... Lab it to d max talaga.. Sobrang light ng story pero killing to d bones naman......

Ikaw na talaga ang d best....


Anonymous said…
whooooooooo ang gandaaaaaaaaa sobra

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…