Skip to main content

Strange Feeling of Love- Chapter Six




Kasalukuyang nasa isang restaurant si Lanlan at kaharap ang isang client ng Santos Construction Firm.  Isang renovation project ang naka-assign sa kanya bilang interior designer. Nakausap na ng client nila ang mga engineer at architect kaya siya na lamang ang kaharap nito ngayon.

                “Miss Custodio, I want a Mediterranean and Filipiniana Concepts combined. Kaya mo ba iyon?” tanong ni Mr. Shinimori. “Iyong mapapangasawa ko kasi e mahilig sa earthly ambiance. Kaya naman ipapaayos ko iyong rest house ko sa Quezon.”

                “No problem, Sir. I can guarantee an international quality of interior design. You will never regret that you chose Santos firm to take over your home.”

                Pinag-usapan nila ang detalye ng designs hanggang sa may kakaiba siyang napansin sa loob ng restaurant. May mangilan-ngilang madre at pari sa loob. Hindi niya alam kung bakit pero iba ang kutob niya. Parang may mali lalo na nang may umupong grupo sa kabilang mesa. Mukhang goons ang tatlong mama at ang isa naman ay mukhang DOM.


                All of a sudden ay nahagip ng kanyang mata ang pari na pumasok sa restaurant. Nakaharap kasi siya sa entrance ng lugar. Nilingon din siya ng pari. Pamilyar sa kanya ang features nito. Nang hustong makalapit sa kanya ay nakita niyang nalaglag ang rosary nito.  Bilang pagmamagandang-loob ay pinulot niya ang rosary. Nagkasabay sila ng pari.

                “Lanlan, pumunta ka sa restroom ngayon na.” Tinig ni Excel iyon.

                Napaangat siya ng tingin at saka lang niya namukhaan ito. Tumango lang siya nang muling umayos ng upo at iniabot dito ang rosary.

                Tumango ito. “Salamat.” Parang tunay na pari kung umasta ito. Nahagip din ng mata niya ang isang madreng pumasok. She knew her, si Pae Yong iyon.

Lumagpas na si Excel sa likod niya at binalingan niya si Mr. Shinimori. “Sir, will you excuse me for a while? I just need to go to the ladies room.”

“Okay, go ahead and take your time.”

“Thank you.”

                Agad siyang nagpunta ng ladies room. Ando’n na si Excel sa loob nang pumasok siya. Ini-lock nito ang pinto.

                “Anong nangyayari? Bakit ka naka-abito pati si Pae Yong? Bawal iyan. Labag iyan sa simbahang katoliko,” agad na usisa niya.

                Seryosong hinarap siya nito.  “Listen to me. Iyong grupong nasa tabi ng mesa ni’yo ng kausap mo ay mastermind ng isang drug syndicate na gumagamit ng mga nagpapanggap na madre at pari para magbenta ng illegal drugs. We’re on entrapment operation right now.”

                “Oh no!” bulalas niya. Natutop niya ang bibig nang kabahan siya. Nag-sign of the cross siya.

                “Umalis ka na dito, Lanlan. Pati iyong kliyenteng kausap mo, umalis na kayo. Magdahilan ka na lang. You need to get out. You’re not safe here. At kahit anong mangyari, ‘wag kang babalik dito okay?”

                “Teka, paano ka? Natatakot ako, Diyos ko!” Sign of the cross ulit.

                 Niyakap siya ni Excel at matamang tinitigan siya. Nabawasan ang takot niya nang haplusin nito ang mukha niya. “Kelangan mong makaalis ngayon na. Don’t worry about me. I’ve been doing things like this for years.”

                “Promise you’ll be safe and okay.”

                “I promise. Now go, mag-iingat ka.”

                “Ikaw rin.”

                He opened the door and led her out of the ladies room. Wala pa ring senyales na may mangyayaring hindi maganda sa restaurant na iyon. Nakita niya si Pae Yong na kausap pa iyong sinasabing mastermind ng syndicate.                    
   
             She immediately went back to Mr. Shinimori. “Sir, I received an emergency call. I have to go. Let’s talk about this again. I’ll call you up for the next schedule.”

                Tumayo na rin ito. “Okay, I’ll see you then.”

                Tulad ng instruction ni Excel, dire-diretsong sumakay siya ng kotse at nag-drive palayo. Ngunit hindi pa siya lubusang nakakalayo sa lugar ay nakarining na siya ng serye ng putukan. Isang kanto pa lang ang layo niya sa restaurant.

                Napa-preno tuloy siya. “Excel!” Binundol ng pag-aalala at takot ang puso niya. Gusto niyang bumalik pero hindi naman pwede dahil iyon ang bilin ni Excel. Natauhan lang siya nang sunud-sunod na binusinahan siya ng kasunod na van. Itinabi na lang niya ang kotse sa parking lot ng isang pet shop. Agad niyang hinagilap ang rosary sa dashboard at nagdasal para sa kaligtasan nito.


                SA WAKAS, natimbog na ng pulisya ang sindikato. Matagumpay ang entrapment nina Excel kahit na nagkapalitan ng putok kanina. Swerte ring walang nasaktan sa team niya. Ngayon ay si Lanlan ang inaalala niya. Takot na takot ito kanina. Napaisip  tuloy siya. Paano kung magkatuluyan silang dalawa? Ganon ba ito palagi tuwing sasabak siya sa special operation o tuwing aalis siya ng bahay para magtrabaho? Hindi pwede iyon. Mahihirapan siya kung makikita niyang palagi ang takot at pag-aalala sa mga mata nito.

                Biglang huminto ang patrol car na sinasakyan niya. “Problem, Chief?” Ito ang nagmaneho ng kotse.

                “Kay Lanlan na kotse iyon di ba?”

                Binalingan niya ang itinuro nito. Kotse nga iyon ni Lanlan na naka-park sa may pet shop.

                “Sige na, Almendral. Puntahan mo na siya at i-date mo siya kapalit ng kunsumisyong ibinigay mo sa kanya.”

                “Salamat!”  

                Bumaba siya ng patrol car at pinuntahan niya ang kotse nito. Natagpuan niya si Lanlan sa loob ng kotse. Nakapikit ito, may hawak na rosary at tila taimtim na nagdarasal.

                “Excel…,” she mouted.

                He felt something warm enveloped his heart. Ipinagdarasal nito ang kaligtasan siya. Ngayon lang may nagpakita sa kanya ng ganoong genuine concern maliban sa pamilya niya. Sinong lalaki ang hindi matutunaw ang puso sa isang mapagmahal na babaeng katulad ni Lanlan?

                For a couple of minutes, he just stared at her as he touched the window of her car. Then he saw tears falling from her eyes. Hindi na siya nakatiis kaya kinatok na niya ang bintana para ma-distract ito.

                She suddenly opened her eyes and looked at him.

                “Open the window,” he mouted.

                Pero sa halip na ibaba nito ang bintana, binuksan nito ang pinto at bumaba ito ng kotse. Agad itong yumakap sa kanya. Then he heard her sobbed and eventually cried on his shoulder.

                Masuyong niyakap niya ito. “Lanlan, don’t cry.”

                “Pinag-pray kita. Natatakot kasi ako na baka mabaril ka na naman. Natakot ako nang marinig ko ang barilan mula sa restaurant.”

                They stayed that way in a couple of minutes as she poured her tears on him.

                He moved a little enough to be able to look in her lovely eyes. “I’m okay. Di ba nag-promise ako na magiging safe and okay ako di ba? So tama na ang iyak ha.” He managed to wipe her tears away. Pero patuloy pa rin ito sa pagluha at nag-aalala na siya sa takot na ibinigay niya dito. “Lanlan…”

                “Sorry,” she sobbed, “hindi ko kasi mapigilang maiyak e. Ayokong may mangyari sa’yong di maganda. I don’t want to see you hurt again.” She sobbed again.

                “Tama na kasi. Okay lang naman ako, wala akong galos, wala akong pasa. Cute na cute pa rin ako. Tahan na,” ungot niya.

                Hinampas siya nito sa balikat. “Siraulo ka talaga.” Sisinghot-singhot pa ito pero tumatawa na.

                He smiled and wiped her remaining tears. “O siya tama na iyan, ililibre na lang kita, mag-date na lang tayo. Sayang ang pagka-cute mo kung ngangawa ka lang. At ang iniiyakan mo naman isang hamak na pulis lang.”

                “Di ah. Ikaw kaya ang pinaka-papable na pulis sa sangkapulisan at bayani ka. Kung hindi ka bibigyan ng merit ng superiors mo, ako na lang ang maga-award sa’yo.”

                Napangiti siya. “Ano namang award iyan?”

                She suddenly gave him a quick kiss on his cheek pagkatapos ay pumasok na ito sa passenger seat. 

                Isa pang award please! Gusto sana niyang ihirit iyon kaya lang baka mabasted pa siya ng wala sa oras. Pinili na lang niyang manahimik habang hindi niya mapigilang mapangiti.

                Sumakay na siya ng kotse. “So Miss Iyakin, saan mo gustong pumunta?” tanong niya rito sabay ngisi.

                “Mr. Nagpapacute, bahala ka na kasi sabi mo naman ide-date mo ako kaya ikaw na ang bahala. Kapag ikaw naman ang ide-date ko, ako naman ang bahala.”

                Kunot-noong binalingan niya ito. “Ide-date mo rin ako?”

                “Oo, di ba nasa courtship stage na tayo. Courting relationship is a two way process. Nililigawan mo ako kaya dapat liligawan din kita.”

                “Lalaki talaga ang nanliligaw, Lanlan. Obligasyon namin iyon sa babaeng gusto namin,” apila niya.

                “Nasa constitution ba iyan ng Pilipinas?”

                “Wala.”

                “So therefore, pwede iyon.”

                “Weird.” This woman is really weird. But I like her idea huh. Ano nga kayang klase ng panliligaw ang gagawin nito sa kanya?

                “Ayaw mo bang ligawan kita?”

                “Gusto syempre.” Binalingan niya ito. “Lalo na kung palaging may award.”

                Namula ito sa sinabi niya. He just laughed when she slightly punched his shoulder. “Manyak!”

                “Ikaw kaya ang humal—”

                “Waaah! Shing shung nang shung shi!” Pumikit ito ng mariin.

                “Ano naman iyon?”

                “Shhh! May intrapersonal chismisan sa utak ko, ‘wag kang magulo.”

                “Ha?”

                “Sarili kong wika iyon at may sarili na akong mundo kaya mag-drive ka na lang.”

                Kunot-noong tiningnan niya ito. Nakapikit pa rin si Lanlan. He teasingly moved closer to her face and awarded her a quick kiss on her cheeks. “You’re so cute, Lanlan. Inaakit mo na naman ako.”

                “Heh!”
               

                “I WANNA make you smile whenever you’re sad. Carry you around when your arthritis is bad. All I wanna do is grow old with you…”

                Parang batang nanunulay si Lanlan sa mahabang sementadong bleachers sa park na malapit sa lawa habang kumakanta ng Grow Old With You. Magkasalikop ang mga kamay nila ni Excel habang nakaalalay ito sa panunulay niya. Bitbit din nito ang backback niyang mukhang bag ng bata sa teddy bear designs noon.

                Wala siyang pakialam kung nakabestida siya o naka-heels o kung pinagtitinginan na sila ng mga tao. Masaya siya ngayong araw na ito. Nakakatuwang isipin na hinayaan lang siya ni Excel na maglarong parang bata sa mga bleachers sa unang date nilang dalawa.

                “I’ll get your medicine when your tummy aches. Build you a fire if the furnace breaks. Oh it could be so nice, growing old with you…”

                “O dahan-dahan lang.” He held her waist and gently placed her on the ground. Pagkatapos ay sumampa ulit siya sa sunod na bleachers.

                “I’ll miss you, I’ll kiss you… Teka nga Excel, kumanta ka rin. Sabayan mo ako,” request niya dito. Throughout the moment na naglalaro siyang parang bata ay nakangiting pinagmamasdan lang siya nito habang mahigpit na hawak ang kanyang kamay.

                Napakamot ito sa ulo. “Ikaw na lang, sintonado ako e.”

                Tumigil siya sa panunulay at hinarap niya ito. Dahil nakasampa siya sa bleachers ay mas mataas siya dito kaya tiningala siya nito. He was indeed looked happy. Nababasa niya iyon sa mga mata ito. And that idea made her happy, too. “Okay lang kung sintonado. Lyrics naman talaga ang mahalaga sa kanta at hindi ang tono. Sabayan mo na ako.” She went back on tracing her playful steps on the bleachers. “I’ll miss you, I’ll kiss you…”

                “Give you my coat when you are cold. I’ll need you, I’ll feed you. Even let you hold the remote control…” Nakisabay na ito sa kanya.

                They’re voices blended singing the next lines of the song. “So let me do the dishes in our kitchen sink. Put you to bed if you’ve had too much to drink. Oh it could be so nice grow old with you.”

                Inalalayan ulit siya nitong makababa sa dulo ng bleachers. “Tama na iyan, pinagpapawisan ka na,” sambit ni Excel. Bigla din siyang napaubo. “Ayan na nga. Umupo na nga tayo para makapagpahinga ka.”

                Binuksan nito ang bag niya at kinuha ang isang face towel. Masuyong pinunasan nito ang pawis niya sa noo. Napaubo ulit siya. “Naku, baka magkasakit ka pa.”

                “Symptoms ng hika lang ito.”

                Awtomatikong pag-aalala ang rumehistro sa mukha nito. “May hika ka pala, bakit di mo agad sinabi sa akin?” Matamang tinitigan siya nito. Sinong hindi mai-inlove  sa mga mata nitong  napakadaling magpakita ng emosyon?

                “Kasi hindi mo ako hahayang manulay sa bleachers kung alam mo,” she said with a guilty smile.

He slightly touched her back that gave certain strange feeling in her system. He hugged her and slowly inserted the towel from her nape.

Unusual sensation rushed her system. “Excel—”

“I’m not molesting you. I’m just inserting towel on your back. Mas magaling na iyan kesa hikain ka. Matataranta ako dito. Dyahe sa kagwapuhan ko iyon.”  Agad na humiwalay ito at umupo sa tabi niya.

“Defensive ka naman, wala naman akong sinabi.”

“For an ex-nun, alam kong iyon ang iisipin mo.”

Nagkibit-balikat siya. “Siguro nga iyan ang iisipin ko kung hindi ako naging romance writer. Sana hindi mo nakalimutan iyon. Nakalabas na ako sa kumbento at marami na akong alam sa mundo.”

“Why do you love playing on the bleachers?” biglang tanong nito.

Sumeryoso ang mukha niya. “Iyon kasi ang huling alaalang iniwan sa akin ng Papa ko. I was only nine when my parents and my little brother died during our vacation in China. Kami lang ni Yohann ang nakaligtas sa lindol na iyon. Gumuho kasi ang hotel na tinutuluyan namin. I never had a happy childhood since then or rather I never been happy at all. Iyong pagiging wacky, masayahin, at pagka-weird ko, defense mechanism lang iyon para pagtakpan lahat ng sakit na mawalan ng pamilya sa isang iglap at sa murang edad pa. Kanina habang hawak mo ang kamay ko, naalala ko si Papa. Ganon din kasi kahigpit ang hawak niya sa kamay ko noong bata pa ako para masigurong hindi ako mahuhulog o masasaktan. ” Tears fell from her eyes.

                Excel held her hands tight and lovingly stared at her. “Don’t worry. Hindi kita hahayaang mahulog at masaktan. I can’t promise you anything by now but I’ll do my best to be the best man for you.”

                “Salamat.” Pinawi niya ang luha. “Alam mo dati, ayoko na rin maging attached sa mga tao sa paligid ko. Kung pwede nga lang na bakuran ko ang puso ko, lagyan ng barb wire o magic shield, nagawa ko na. Lahat kasi sila, alam kong mawawala rin sa akin. Masasaktan lang ako.”

                “Takot kang maiwan mag-isa?” Tumango siya.

                “Takot ako na ‘pag gumising ako, wala na akong kasama sa buhay ko. Yohann will get married soon. Hindi ko naman mapipigilan iyon. He’s the only one I have tapos mawawala rin ang atensyon niya sa akin kasi malilipat iyon sa magiging pamilya niya. Anong mangyayari sa akin pagkatapos no’n? Kaya ako nagmadre, kasi akala ko do’n sa kumbento, hindi ako mag-iisa at matatagpuan ko ang sarili ko do’n kaso lalo lang akong naligaw. May hinahanap ako na hindi ko alam kung ano.”

                “Nakita mo na ba ang hinahanap mo ngayon?” He was intently looking at her.

                Oo, andito siya sa harap ko ngayon. “I think yes, nung nakita ko iyon saka ko lang nalaman na iyon pala ang hinahanap ko. Through the years, I was looking for someone who will complete me as a woman.” Tinapatan niya ang pagtitig nito sa kanya.

                “A lifetime lover and partner?”

                “Maybe. Someone who will treasure me, someone who will stay and grow old with me and someone who will honestly love me forever. I know, I sound melodramatic and ideal. Ganon talaga siguro. Nadadala na rin ako sa mga hopeful romances na sinusulat ko.” Umiwas siya ng tingin.  “Even though I know, hindi naman ganon kadaling makatagpo ng taong ganon sa panahon ngayon.”

                “Iyan din ang dahilan kung bakit favorite mo ang Grow Old With You?”

                “It is a simple promise of a man that he will live and die with his woman. Palagi iyang kinakanta ni Tito Carvin sa amin noon.”

                Silence took over between them. Nagulat na lang siya nang yakapin siya nito. She felt secure in his arms. “Mahirap mangakong hindi ako mawawala sa’yo dahil sa profession ko pero sana ako na lang  iyon, Lanlan. I want to live and die with you. You will never be alone from now on.”

                She felt her heart skipped rapidly. Para sa kanya, higit pa sa pangako ang mga salitang binitawan ni Excel. She finally admitted to herself. Oo, in love na nga siya sa pinaka-papable na pulis sa sangkapulisan.

                Kumalas siya sa pagkakayakap nito. She stared at his expressive eyes. “Sana nga ikaw na lang iyon.”

                He smiled then he moved closer to her face. Napapikit siya. Ilang beses na niyang naisulat ang ganong klaseng eksena sa nobela niya. She was anticipating a romantic kissing scene when she felt a warm breath blew her forehead. 

                Napamulat siya ng mata.

                “May langgam sa noo mo,” sambit nito sabay ngiti.

                Gumuho ang pantasya niya. Akala pa man din niya ay makakakuha na siya ng first kiss pero langgam lang pala ang agenda nito. Nilanggam na pag-irog naman, oo!  May disadvantage din pala ang magmahal ng isang galing din sa conservative family.  Kahit gusto niyang magpa-harrass, hindi naman siya hina-harass.

                Ngumiti na lang siya habang tahimik na nakatitig sila sa isa’t isa.  Hindi na niya namalayan na napuno na ni Excel ang puwang sa buhay niya. Hindi rin siya sigurado sa kung anong pwedeng mangyari ngayong pinayagan na niya si Excel pumasok sa buhay niya. Pero kahit ano pa iyon, kakayanin niya dahil nga in love siya.


PREVIOUS                                                                      NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…