Skip to main content

Strange Feeling of Love - Chapter Seven




“You know what, Lanlan? I never thought being courted by a woman would be as lovely as what you’re doing,” nangingiting sambit ni Excel.

                Kasalukuyan silang nasa bahay niya. Lanlan was giving him a massage and foot spa. “Enjoy ka ba? Tuwang-tuwa si Yohann at Tito Carvin ‘pag ginagawa ko ito sa kanila,” sambit nito.

                Habang pina-pamper siya ng massage at foot spa ay naaamoy niya ang nilulutong mechado nito. Iyon lang daw ang alam nitong lutuin dahil hindi naman ito mahilig magluto. Who cares? Kahit ano pang maging lasa ng niluluto nito, kakainin pa rin niya iyon.

                “Super enjoy! For six days of physical abuse dahil sa trabaho ko, aprub na aprub sa akin itong pampering na ‘to. Sarap matulog, relax na relax na ako.”

                Binatukan siya nito na tinawanan lang niya. May halong lambing din kasi ang pagkakabatok nito sa kanya. “’Wag mo naman akong tulugan. Ngayon na nga lang tayo nagkita after two weeks, tutulugan mo pa ako.” 


Umalis ito saglit at nagpunta ng kusina niya. Nang bumalik  ito ay may bitbit itong plate na may grapes at oranges. Ibinigay nito iyon sa kanya.

“Feeling senyorito naman ako dito. Iyong katulad sa mga teleserye,” natatawang hirit niya.

“Bine-baby lang kita. Para ‘pag pasok mo bukas, full-charged ka na ulit humanap ng lungga ng mga drug addicts o kaya naman magligtas ng kinidnap na bata o maghanap ng nawawalang bata.”

“Speaking of, may hahanapin nga kaming bata. Lumayas daw, six years old pa lang. Paano namang hindi lalayas e sinasaktan ng magulang.”

“Nakakaawa naman iyong mga batang sa magulang pa nakakatikim ng violence ano,” komento nito.

“Sinabi mo pa. ‘Pag ako ang nagkaanak, never ko iyong sasaktan kahit pa palo lang. Hindi ko naranasang paluin ng tatay ko kahit pa sutil akong bata noon kaya hindi ko iyon magagawa sa magiging anak ko.” He smiled. Bigla niyang na-imagine ang family life kasama si Lanlan. An image of her taking good care of their children made him daydream of a happy married life.

“Hoy, hindi ka naman nakikinig sa tanong ko e.” Hinampas nito ang balikat niya.

Natauhan siya. “Ha? Sorry, inaantok kasi ako. Ano nga iyon?”

“Tinatanong ko kung ito bang bahay mo e nirerentahan mo o binili mo?”

“Binili ko ‘to para sa future family ko. Hulugan nga ito e pero natapos ko ng bayaran at nasa akin na rin titulo ng lupa. Di kasi ako magka-girlfriend noon, wala akong makitang maligawan. Sabi ng nanay ko, magplano daw ako ng married life baka ‘pag ginawa ko iyon, makatagpo ako ng girlfriend. So binili ko ito, nag-ipon na rin ako for future life, panggastos sa kasal at pagpapamilya. I also bought a car, iyong Soltera ko na hindi ko naman masyadong magamit. Galing din lang iyon sa iniwang pera ng tatay ko. After a year, nakilala kita.”

“Ano naman iyon? Pahiyang?”

“Parang ganon nga siguro. Effective naman e. Andami ko ng plano para sa atin, Lanlan. I woke up one day, parang gusto ko ng mag-asawa. Ay sorry, masyado akong advance mag-isip. Hindi mo pa nga pala ako sinasagot,” tumatawang hirit niya.

“Sorry ha, hindi pa kasi ako handa e.”

“Hindi naman ako nagmamadali, Lanlan. Mahaban naman ang oras natin para mas kilalanin ang isa’t isa para maging mas prepared tayo sa relationship. I bet, this is for lifetime.”

“Yeah, I’m hoping the same thing.”

Binalingan niya ito. “Kelan ba uuwi ang kapatid mo at ang Tito mo?”

“Bakit?”

“Gusto kong humarap ng pormal sa kanila para ligawan ka. Tunay na ligawan ang ginagawa natin di ba? Eh di old style na ligaw din ang gagawin ko.”

“Sige, mag-set ako ng dinner sa ancestral house namin kapag nakauwi na sila. Ngapala, okay na ang lunch natin. Gusto mo na bang kumain?”

“Sige.”

Iniwan siya nito para mag-prepare ng lunch at siya naman ay nilinis ang mga ginamit nitong kung anu-ano para sa massage at foot spa.

Mamaya pa ay nakadulog na sila sa hapag. 

“’Wag ka ng mag-comment sa lasa ng luto ko. Alam ko, wala akong future sa culinary,” hirit nito.

Medyo matabang nga ang luto nito pero masarap pa rin naman. “Okay lang naman, tingnan na lang natin mamaya kung mangingisay ako dito. ‘Pag nangyari iyon, ‘wag ka na lang ulit magluluto,” biro niya.

“Ang sama mo!” sumimangot ito.

“Joke lang.”  Masigla niyang kinain ang niluto nito. Uubusin niya iyon para dito. Bumawi naman ito sa dessert dahil talagang panalo ang fruit salad nito.

“Hindi ba nakaka-turn off na hindi ako marunong magluto? Paano ‘pag naging misis mo ako?”

“Ako ang magluluto. Hindi naman problem iyon. Basta sagot mo ang pag-aalaga at ang award ko.” Tumawa siya nang mapansing nagba-blush na naman ito.

“Hah! Hintayin mo munang sagutin kita bago ka magka-award ulit.”

“Dapat mataas din ang level na award iyon ha.”

“Tse!” Tumawa ito. “Excel, sa tingin mo ba, okay lang kung mag-aral ako ng scriptwriting? May ini-offer kasi sa akin iyong big boss ng publication ko na libreng training  ng scriptwriting. ‘Pag natapos ko iyong crash course, pwede na akong magsulat ng film scripts para sa Pontez Media.”

“Okay iyon. Magandang bagong experience iyon para sa’yo.”

“Iyan nga din ang sabi nina Tito at Yohann. Kaya lang, baka maiwan ko ang nobela pag nawili ako sa script.”

“Kaya mo namang balansehin iyon, ikaw pa.  Pero kung sakaling kailangan mo ng pumili, kahit alin sa dalawa ang piliin mo, alam kong okay lang. You will always be exemptional. Natapos ko na nga palang basahin iyong ginawa mong novel sa akin. Pangalan ko rin pala ang ginamit mo do’n. Pinadala ko nga iyon kina Inay sa Quezon. Tuwang-tuwa si Inay at iyong mga kapatid ko.”

“Okay lang ba iyong kwento?”

“Oo, naka-relate ako.”

“Bestselling na iyon ngayon. Over 15,000 copies na ang nabenta noon sa market. Marami na nga ang nagre-request ng picture mo sa forum ng fan page ko sa internet. First time ko kasing magdedicate ng novel sa isang lalaki kaya curious na curious ang mga reader ko kung sino ka ba.”

Napangiti siya. “I’m very proud of you, Lanlan. Pero sana ‘wag mo akong ibebenta sa mga readers mo,” biro niya.

Tumawa ito. “Binabalak ko ngang ipagbili ang picture mo. Mga haling pa naman sa gwapo ang mga iyon. Kaso naisip ko, sa akin ka na lang muna. ‘Pag sawa na ako sa’yo, saka na lang kita ibebenta.”

“Oy, ‘wag naman!” He grinned. “Pag ginawa mo iyon, ikukulong kita sa kwarto ko. Masisira na ang conservative image nating dalawa. Hindi ka lalabas ng kwartong iyon hangga’t wala tayong Excel Junior or Lanlan Junior—”

“Waah! ‘Wag mong i-pollute ang utak ko!” Nag-sign of the cross ito. “Lord, help me. Patahimikin N’yo ang lalaking ito.”

“O siya, hindi na. Nahiya na rin ako kay Lord.” Nag-sign of the cross siya pero sa ibang dahilan.  Lord, salamat sa pagbibigay sa akin ng babaeng mamahalin ko habambuhay. Napangiti siya.


 “WAAH! Inaantok na ako! Wooh yeh!” bulalas ni Lanlan sabay hikab. Mahigit 24 hours na siyang gising. Pagkagaling kasi niya sa bahay na inaayusan niya ng interior design noong nakaraang araw ay tumuloy pa siya sa overnight scriptwriting workshop sa opisina ng Pontez. Final requirement kasi ang training na iyon para sa crash course na kinuha niya. Pagkatapos noon ay mago-opisina na siya sa Pontez Media bilang scriptwriter. Tanghali na nagpack up ang training kaya sa halip na magpahinga muna ay tumuloy na siya sa ancestral house ng mga Santos sa Caliraya para tumulong mag-prepare ng dinner. Mamayang gabi ay pormal na haharap sa pamilya niya si Excel.

Tinapik-tapik niya ang pisngi. Katatapos pa lang niyang gawin ang fruit salad na favorite ng Tito niya na naging favorite na rin ni Excel.

“Ate, matulog ka na,” untag ni Yohann. Nakihalo ito sa ginawa niyang salad.

“Oo nga matulog ka muna. Two hours pa naman bago dumating ang Fafaness mo,” sambit ni Thea, ang minalas maging misis ng monster uncle niyang praning. Anim na taon lang ang tanda nito sa kanya.

“Ayoko, Ate Thea. Baka kasi magtuluy-tuloy ang pagtulog ko at di ako magising on time. Kawawa naman si Excel kung haharap siya kay Tito na walang moral support ko. Baka bugahan lang ng apoy ni Tito ang manliligaw ko.”

Tumawa ito. “Kung sabagay, may point ka do’n.”

“Ay naku, hindi lang apoy ang ibubuga ni Tito, pati gasoline ibubuga noon. Mahal na mahal ka kaya ni Tito, Ate. Good luck na lang kung basta basta niya apruban si Excel.”

“Eh ikaw ba, aprub na sa’yo si Excel?” tanong ni Thea.

“Oo naman, Ate Thea. Basta labs ang ate ko e aprub ako. Subukan lang niyang gaguhin ang ate ko, lagot siya sa martial arts ko.”

“Sira, mas mataas ang skills no’n sa martial arts. Taob ka kay Excel ano,” sabat ni Lanlan. “Si Tito lang naman ang problema ko e.”

“Oo nga, problema nga siya,” natatawang hirit ni Thea. 

“Oy, narinig ko kayo ha.” Pumailanlang ang kantang Bad Romance ni Lady Gaga  mula sa cellphone ni Carvin.

Kabuntot nito ang six years old na anak na si Theacar. Sumasayaw ala-Lady Gaga ang mag-ama. Iyon ang other side ni Carvin. Madalas nga ay naninindak ito at batas ang salita ngunit pagdating sa pamilya, masasabi niyang ito na ang pinaka-loving, pinaka-caring at pinaka-wacky na ama. Malaki ang utang na loob niya dito dahil kahit binatilyo pa ito noon, hindi ito nagdalawang-isip na akuin silang magkapatid noong maulila sila. He was indeed a good father to them.

“Sa tingin ni’yo, okay na bang Father and daughter dance number itong ginagawa namin?” tanong ni Carvin.

“Seryoso? Iyan ang sasayawin n’yo sa program?” Napakunot ang noo niya.

“Ampangit kaya,” gatong ni Yohann.

“’Wag kayong magpapaniwala sa mag-amang iyan,” sabat ni Thea. “Kakanta si Theacar, magpa-piano si Carvin.”

Binalingan niya ang bata. “Anong kakantahin mo, Theacar?”

“Colors of the Wind. Practice nga kami ng practice.”

“Ahm, Thea ko, doon muna kayo ni Acar. Mag-uusap lang kami ni Yhaelani,” sambit ni Carvin. “Ikaw rin Yohann, tsupi!”

Maya-maya pa’y naiwan na silang magtito sa kusina. Tahimik lang sila until her Tito embraced her. “Matanda na nga siguro ako. Parang kahapon lang, ako pa ang nagpapaligo sa’yo, inihahatid kita sa school, inaalagaan kita ‘pag may sakit ka kahit na may major exam ako kinabukasan, nakikipaglaro pa ako sa inyo ni Yohann. Pero ngayon, magpapakilala ka na ng lalaki sa akin. Maya-maya lang, magpapaalam ka na na ng magpapakasal ka.”

“Uy si Tito, nagi-emo!” patawang hirit niya. “Tito, sasagutin ko pa lang siya. Hindi pa ako magpapakasal. It’s just ayoko namang sagutin si Excel na hindi ni’yo man lang siya nakikilala ni Yohann. Ikaw na ang naging nanay at tatay ko kaya sa’yo siya magpapaalam para ligawan ako.”

“Ligaw? Eh sasagutin mo na nga.”

“Eh palagi kayong lost and found dalawa, iniiwan ni’yo ako dito, ayan tuloy.”

 “Sira ka talaga, kami pa ang sinisi mo. Sinasama naman kita sa Miami, ayaw mo naman. Siguro naman hindi niya alam na sasagutin mo na siya?”

“Hindi syempre.” She paused for a while. “Tito, are you happy for me?”

“Of course.” He moved away and sat on the next chair beside her. “Nagulat lang siguro ako na bigla-bigla, may manliligaw ka na pala.  Umalis lang ako ng ilang buwan para magpayaman sa Miami, may nakadiskarte na agad sa unang princess ko. Parang bantay-salakay ang pulis na iyon ah.”

“Okay naman siya, Tito. Maganda ang family background at mabait. Nung isang araw, isinama ko siya sa puntod nina Mama, Papa at Yohniel. Pinakilala ko rin siya kay Ate Thea.”

  “Kung andito ang mama at papa mo, tiyak ako, masayang-masaya ang mga iyon for having you and Yohann.  Aba, successful na kayo, puro pa makulay ang love life. Sabi nga ni Thea, mabait naman daw at mukhang magalang at may respeto sa babae iyang manliligaw mo.”  

“Talaga! He also came from a conservative family kaya buo ang tiwala ko sa kanya na hindi niya ako pagsasamantalahan o whatever.”

“Do you really love him? Ah, hindi ko na dapat tinanong ‘cause it is already obvious.” Bumuntong-hininga ito. “Wala naman akong hangad kundi maging okay ang lagay mo. If that means being in his arms, kahit masakit sa ego ko na ang bata ko pa may mamanugangin na ako, sige aapruban ko ang Excel na iyon.” He stood up.

“Salamat, Tito.” Papalabas na ito ng kusina nang tawagin niya ito. “Tito, hindi siya kasing-sungit mo pero katulad mo rin siyang malambot ang puso at mapagmahal.”

“Dapat lang na mahalin ka niya dahil kung hindi, ililibing ko siya sa hukay ng buhay.” Binuntutan nito ng tawa ang sinabi nito.  “Pwede ko bang sindakin muna siya bago mo siya sagutin? Oh well, ano kayang masabi sa kanya para manigas siya sa takot sa akin?”

“Siraulo ka talaga, Tito.”

“Siraulo ka rin, magkamag-anak kaya tayo.”

Makalipas ang ilang oras ay dumating na rin si Excel. Taliwas sa sinabi ng Tito niya, wala namang paninindak ang naganap habang magkakaharap sila. Hindi nga lang siya sure ngayon dahil matapos ang hapunan ay niyaya ito ng Tito niya na maglaro ng chess kasama si Yohann. May usapang lalaki sa lalaki daw ang mga ito kaya wala siyang choice kundi iwan si Excel. Para hindi mainip sa kahihintay, nagpunta na lang siya sa tabi ng lawa. Umupo siya sa damuhan. Iyon ang sanctuary niya noong doon pa siya nakatira. Ang lawa ang saksi sa lahat ng lungkot na itinago niya noon at sa mga happy moments na tine-treasure pa niya hanggang ngayon.

Dumampot siya ng bato at inihagis iyon sa lawa. Pinagmasdan niya ang effect ng bato nang mahulog iyon sa lawa. Pasalamat sa maliwanag na buwan dahil naging mas magandang panoorin ang kalmadong lawa.


PREVIOUS                                                                 NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…