Skip to main content

Strange Feeling of Love- Chapter One




“Everything is okay. Over and out,” sambit ni S/Insp. Excelente Almendral sa communicator na gamit nilang kapulisan sa lugar na iyon. Nasa kalagitnaan siya ng crowd ng Araneta Coliseum. Kasalukuyang nagaganap ang unang major concert ng Thunderkizz Band at siya ang naatasang security head ng event.

                Naka-civilian siya at naglilibot sa paligid. Mataas kasi ang risk ng pambobomba sa ganoong event kaya mahigpit ang security na pinapatupad nila. Mataas pa man din ngayon ang rate ng suicide bombing kaya dobleng pag-iingat ang ginagawa ng pulisya.

                Hindi na rin masama ang ma-assign sa ganitong trabaho lalo na sa katulad niyang music lover din. Gusto rin niya ang Thunderkizz Band. Sentimental kasi ang mga hits ng banda kahit may touch ng rock music.

                Habang naglalakad siya sa gitna ng nagkumpulang fans, audience, at mga nagde-dates ay nahagip ng mata niya ang isang kabukod-tanging babae sa lahat ng ando’n. Naghe-headbang at sumasayaw ang lahat sa paligid ngunit ang babaeng iyon ay may hawak na laptop notebook sa isang braso at ang kaliwang kamay nito ay dire-diretsong tumitipa sa laptop. Pinasadahan niya ng tingin ang babae. Maliit lang ito, mahaba at tuwid ang buhok, may suot na eyeglasses, at nakabestida na hanggang tuhod ang haba. Para itong buhay na manika na kinulang sa height.


                Pero kahit gano’n ay nawili si Excel na titigan ang babae hanggang sa marinig niya ang favorite song niya sa mga kanta ng Thunderkizz. The band was playing a song entitled Stranger. Revival iyon mula sa Secondhand Serenade. Unang narinig ang keyboard ni Yohann kasunod ang captivating voice nito.

                “Turn around, turn around and fix your eye in my direction so there is a connection. I can’t speak, I can’t make a sound to somehow capture your attention. I’m staring at perfection. Take a look at me so you can see how beautiful you are.”

                As if well choreographed by faith, the sweet lady suddenly turned around and looked at his direction. Literal na natameme si Excel. He had never been that way before. Hindi pa siya natutulala sa mga babae kahit saksakan pa ng ganda at sexy. Pero ibang –iba ang babaeng inosenteng nakatingin sa direction niya. Pakiramdam niya ay napakasarap titigan ng mukha nito.

                “You call me a stranger. You say I’m a danger. But all this thoughts are leaving you tonight. I’m broken, abandoned. You are an angel. Making all my dreams come true tonight.”

                Nahalata na ata ng babae na tinititigan niya ito kaya tumungo na lang siya at pasimpleng naglakad. Pero hindi niya magawang lumayo. Siniguro niyang sa pwestong pupuntahan niya ay natatanaw niya ang babae.

                Nang mapansin niyang nakatuon na naman ang atensyon ng babae sa laptop nito, lumapit siya ng konti. Kinuha niya ang cellphone at pasimpleng kinuhanan ng pictures ito. Kung sana’y pwede niya itong lapitan para makipagkilala. Kaya lang, baka hindi siya entertain-in nito. Sino nga naman kasing eng-eng ang maiisip na makipagkilala sa gitna ng napakaingay na concert grounds? Ako lang siguro, sagot niya sa sarili.

                “Almendral, iba naman ata ang sinu-surveillance mo diyan.” Mula sa communicator ay narinig niyang sita ni Pauline Elena Yong, ang Chief Inspector ng kanilang presinto at best friend niya. Lumingon siya sa paligid. Nakita niya ito sa di-kalayuan. “Maganda ba? Hindi ka na nakatiis at pini-picture-ran mo na ha. Pasilip nga mamaya.”

                “Nagtatrabaho naman ako, Chief,” sagot niya.

                “Hindi ko naman sinabing hindi ka nagtatrabaho ah. Defensive. Sige, ituloy mo lang ang pag-surveillance mo sa kanya este sa crowd. Pupunta ako sa labas. Over and out.”

                Naiiling na napakamot siya sa ulo. Binalingan niya ulit ang babae. Hindi na nito ginagamit ang laptop notebook at nakiki-headbang at nakikisayaw na ito habang isang RNB song naman ang tinutugtog ng banda, Insomnia ni Craig David at nasundan pa ng Forever ni Chris Brown.

                “Wooh! Ang galing ng kapatid ko!” narinig niyang sigaw nito na sinundan pa ng mga kasama nito ng, “I love you, Thunderkizz!”

                Kapatid? Nilingon niya ang stage. Sino kaya sa Thunderkizz members ang kapatid nito? Di bale, makakausap naman siya ng banda pagkatapos ng concert. Baka sakaling makita pa niya ang babae mamaya.

                Nakangiting binalikan niya ang trabahong maglibot-libot sa concert grounds.


                MALUNGKOT na tinitigan ni Lanlan ang tatlong lapida na inalayan niya ng bulaklak, kandila at dasal.

                “Ma, Pa, Yohniel, tambay muna ulit ako dito ha,” sambit niya habang binubuksan niya ang full-charged laptop notebook. “Deadline na kasi ng nobela ko eh. Hindi ako makapagsulat ng ayos sa bahay kasi nakatambay na naman do’n ang band mates ni Yohann.”

                Napangiti naman siya nang makita ang wallpaper ng laptop niya. Iyon ang kahuli-hulihang family picture nila na buo at magkakasama. Kuha iyon ilang araw bago sila abutan ng lindol sa China na siyang ikinamatay ng kanyang mga magulang at bunsong kapatid. Siyam na taong gulang pa lang siya noon at at si Yohann ay lima.

                Ang Tito Carvin nila na kapatid ng nanay niya ang tumayong magulang nilang magkapatid hanggang sa makapagtapos siya ng college sa kursong Fine Arts at Interior designing. Ngunit pagkatapos niya sa kolehiyo ay pumasok siya sa kumbento kahit labag sa kagustuhan ng tito at kapatid niya sa pag-aakalang doon niya makikita ang sariling pagkatao. Pero pagkatapos ng dalawang taon ay lumabas din siya ng kumbento para hanapin muli ang sariling hindi niya natagpuan sa loob ng dambana ng Diyos.

                Ngayon, isa na siyang full-pledged romance novel writer. Isa na rin siya sa best selling author ng Pontez Publication. At sa tuwing naghahapit siya ng deadline ay doon siya nagsusulat sa puntod ng kanyang pamilya. Palagay siya sa lugar na iyon at pakiramdam niya ay tinutulungan siya ng mga itong makatapos.

                Dating gawi, umakyat siya sa katabing puno. Madalas na sa taas ng puno siya nagsusulat. Nasa full concentration na siya sa pagsusulat nang mag-ingay ang cellphone niya.

                Tomorrow morning if you wake up and the sun does not appear… I…I will be here… Ang boses ng kapatid niyang kumakanta ang ring tone niya.

                Sinipat niya ang cellphone na nakasabit sa leeg niya. Si Yohann ang tumatawag. She cancelled the call. Kahit kelan talaga, istorbo sa pagsusulat niya ang kapatid. Pinagpatuloy niya ang sinusulat hanggang sa wakas ay nasa last paragraph na siya.

                Nag-ring na naman ang cellphone niya. Talagang wala atang plano ang kapatid niya na tantanan siya. Dinukot niya sa bulsa ang earphone at sinagot ang tawag nito.

                “Ano na naman?”

                “Ate Lanlan, asan ka na ba? Alas-singko na, umuwi ka na. Alam mo namang delikadong magpagabi ngayon. Baka ma-rape ka ng kung sinu-sino. At saka may sakit ka pa. Bawal sa ‘yong mahamugan.”

                Mahamugan? Eh mataas pa nga ang sikat ng araw kahit hapon na. Napailing na lang siya. Daig pa ni Yohann ang namayapa nilang ama sa kahigpitan.

                “Oy, ‘wag mo nga akong galitin. Umuwi ka na,” dagdag pa nito nang hindi siya umimik.

                “Yohann Nicholas, baka nakakalimutan mong mas matanda ako sa’yo. ‘Wag mo na akong mabigyan ng ultimatum dyan kung ayaw mong ipalamon ko ng buo sa’yo ang keyboard mo.” Keyboardist at bokalista ito ng sikat na banda- ang Thunderkizz Band. 

                Tuloy-tuloy ang tipa niya sa laptop habang kausap ang kapatid.

                “Oh yeah. You’re older than me but I’m more mature than you,” walang gatol na sambit nito. “At kagagaling mo lang sa sakit. ‘Pag nagkasakit ka na naman, patay na naman ako kay Tito Carvin. Sasabihin na naman no’n, pinabayaan kita. Two pages na sermon na naman iyon.”

                She ended the last sentence and saved her newest masterpiece. “Hindi ka na nasanay e namana mo na nga ang ugali ni Tito e.”

                “Oy hindi ah,” deny agad nito. “Asan ka ba talaga? Susunduin na lang kita.”

                “Dito sa—” Napatawa siya nang marinig niya sa kabilang linya ang boses nina Drexcel at Ayame na kumakanta ng Penpen de Sarapen. Inaasar na naman ng mga ito si Hansen. Penpen kasi ang nickname ng ex-girlfriend nitong may iba ng boyfriend. “Kinawawa n’yo na naman si Hansen, kayo talaga. Ako na lang ang uuwi ng akin, Kulas. Babu!” She ended the call, shut down her laptop. Inilagay niya iyon sa backpack niyang teddy bears ang designs.

                “Ay pusa!” Bumababa na siya ng puno nang may talipandas na pusang ginawang tuntungan ang ulo niya para makaakyat sa puno. Dahil sa pagkagulat ay nakabitaw siya sa pinagkakapitang sanga at diretsong lumagapak sa lapida ng mga magulang niya.

                “Aray!” angal niya nang maramdaman ang pagguhit ng sakit sa balikat niya.

                Meoww!! ungot pa ng pusa. Pati pala pusa marunong na ring mang-asar ngayon.

                Binalingan niya ang pusa. “Ikaw, Muning! Pasalamat ka kasi paborito ko ang mga lahi mong Garfield. Dahil kung nagkataong hindi ka pusa,” iniumang niya sa pusa ang kamao niya, “uupakan talaga kita.”

                 Meeeeyaaaaww!

                Napatawa siya. Parang naintindihan ata siya ng pusa kaya bago pa niya maisipang tuklasin kung may ability siyang makipag-usap sa mga kalahi ni Hello Kitty ay isinakbit na niya sa kabilang balikat ang backpack niya. Sigurado siyang hindi na-damage ang pinakamamahal niyang laptop dahil mas inuna niya iyong sagipin kesa sa sarili niya.

                Bago umalis sa sementeryo ay nagpaalam muna siya sa puntod ng pamilya niya. “O, pa’no, family circles, square and triangle, babayu na muna. But doncha worry my family tree, babalik ako next week isasama ko si Kulas.” 

                Naglalakad siya papunta sa sakayan ng jeep nang manakit ulit ang balikat niya. “Aw!” Mukhang napasama ang bagsak niya kanina. Hmm, kelangan ko na ng haplos ng doctor—Aray! Nag-about face siya. Pupunta muna siya sa hospital para patingnan ang balikat niya bago siya umuwi.

                Napabaling siya sa kabilang bahagi ng kalsada. Nakita niyang may tatlong unipormadong pulis ang nakatambay roon. Isa sa tatlo ang nakakuha ng kanyang atensyon. Prenteng nakasandal ang binata sa gilid ng police car. Matangkad ito, katamtaman ang katawan at malakas ang dating. Pasok itong leading man sa mga romance novels niya.

                Hmmm, bagong inspiration…I like it. Huminto muna siya sa paglalakad para mapagmasdan at masilip ang mukha ng binata.

                On cue, tumunghay ang binata at nagsalubong ang kanilang mga mata. She was greeted by a one of a heck awesome gorgeous guy she ever seen in her entire life. The guy looked familiar pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita. He was staring at her as if he saw a miracle in her eyes. 

                Yan ang papable…papable na pulis. Napailang siya. May hang-over pa ata siya sa pagsusulat kaya kung anu-ano ang pumapasok sa utak niyang inaagiw.

                She felt her heart skipped when he smiled at her.  Ako ba ang nginingitian niya? Pasimpleng lumingon siya pero wala namang ibang tao roon kundi siya. Ako nga!

                Bigla niyang naisipang tumawid kahit na out of way naman iyon papuntang hospital. Kailangan niyang masilayan ang binata ng malapitan.

                Without  breaking an eye to eye contact  sinalubong siya ng binata. Pero para hindi siya mahalata, sadya niyang nilagpasan ito.

                “Miss?” untag nito sa kanya.

                “Yes?” Isang charming na ngiti ang pinaskil niya nang balingan niya ito. Natameme  siya nang  mapagmasdan nang malapitan ang binata. A charming sweet guy with strong admirable oozing papable appeal. Iyan ang malanobelang description niya sa binata.

                Nanatiling nakatitig sa kanya ang binata. Itatanong mo ba ang name ko? Aalokin mo na ba ako ng date? Itatanan mo na ako? Ay type! I do! Muntik na siyang  mapahalakhak sa kalokohang naiisip niya.

                Pero unti-unti na siyang nailang nang mapagtantong mataman pa ring nakatitig sa kanya ang binata. For couple of minutes ay tila namatandang nagtititigan lang silang dalawa. Kung hindi pa ito tinapik ng kasamang matabang pulis ay hindi ito matatauhan.

                Tumikhim ito. “Ah, Miss…ano..ah, Jaywalking ka.”

                “Ha?”

Gumuho ang pantasya niya sa tinuran nito. Akala pa man din niya ay naakit na ito ng kagandahan niya. Iyon pala ay inaabangan lang siya nito dahil may kasalanan siya sa batas.

           “Seryosong itinuro nito ang napakalaking “No Jaywalking” signage sa kabilang kantong pinanggalingan niya. Anak ng signage! Ang laki-laki noon, bakit hindi niya iyon nakita?

                She remained smiling kahit na mukhang maya-maya lang, maghihimas na ng rehas ang drama ng kagandahan niya. “Sir, boss, chief, sorry po. Hindi ko po talaga napansin iyong signage kahit ang laki-laki po no’n.”

             “Lumang palusot na iyan, Miss.” Tinawag nito ang isang unipormadong Traffic Enforcer na nakatayo sa di kalayuan. “Jaywalking, ticket-an mo.”

                “Yes Sir!” Agad na bumunot ng booklet ang mamang mataba mula sa bulsa nito at may kung anu-anong sinulat doon. Magmumulta pa ata siya. Ayaw pa man din niya iyon dahil alam niyang mapupunta lang sa corruption ang imumulta niya.

                “Ikukulong n’yo po ba ako?”  tanong niya.

                Ngumiti ang pulis. “Don’t worry, Miss. Hindi kita ikukulong. First warning ka lang muna sa ngayon pero kapag  nahuli pa kita ulit na nag-jaywalking kahit saang kanto pa, magmumulta ka na ha. Meron tayong mga tamang tawiran. Sa susunod sa Ped Xing ka na tatawid. Para sa safety mo rin naman iyon.”

           Malambing ang tinig nito na animo’y sinusuyo siya. Kaya kahit na ang muntikan na niyang pagkakulong ang pinag-uusapan nila, isama pa ang lecture tungkol sa tamang pagtawid, nanatiling tameme pa rin siya at maang na nakatanga lang siya dito.

                “Salamat po,” nakayukong tugon niya. Hindi na niya magawang tingnan pa ito ng diretso. Nahihiya na siya. Kahit kelan talaga palpak siya.

“Can I see your ID, Ma’am? For record purpose lang.”

“Sure, wait lang.” Kinuha niya ang ID sa bag niya. Ngunit nang igalaw niya ang kaliwang balikat ay kumirot iyon. “Aray!” daing niya.  Agad niyang sinapo ang napinsalang balikat.

“Okay ka lang ba, Ma’am?”

Napatunghay siya ay sinalubong ang nag-aalang pulis. “I hope so?” nakangiwing sagot niya. Tumitindi na kasi ang sakit ng balikat niya. “Eto na iyong Id—” Bigla siyang nahilo nang gumuhit ulit ang sakit sa balikat niya.

Maagap naman siyang naalalayan ng pulis.“Miss?”

Ang bango mo, mamang papable na pulis!

Muling gumuhit ang sakit sa balikat niya at tuluyan na siyang nabuway. Bago siya mawalan ng malay ay naramdaman niya ang braso ng gwapitong pulis na masuyong yumakap sa kanya.



                                                                                  NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…