Skip to main content

Strange Feeling of Love- Chapter Nine




“Hindi  mo pa ba napapatawad ang kuya ko?” tanong ni Lauren.

Napabuntong-hininga si Lanlan. Dalawang linggo na ang nakakalipas nang  magkaroon sila ng alitan ni Excel. At mula noon, nagsimula na rin ang silent war nila. Hindi niya ito kinakausap. Hindi niya sinasagot ang tawag at text nito. Nilalagpas-lagpasan lang niya ito’pag nakikita niya ito sa labas ng bahay niya o ‘pag inaabangan siya nito paglabas niya sa opisina. Hindi na niya namalayan na napagod na lang siyang makaramdam. Dalawa na lang ang pakiramdam niya ngayon, lungkot at sakit.
           
         “Hindi naman nagso-sorry ang kuya mo,” tugon niya. “Hindi ko kasi maintindihan kung bakit niya naisip na may issue sa amin ang pera. Honestly Lauren, wala akong pakialam kung hindi niya akong kayang bigyan ng buhay katulad ng kinalakihan ko. All I want is to be with him. Hindi rin iyon issue sa pamilya ko. Tanggap nila si Excel at hindi kailanman naging issue ang pera sa kanila. As long as he will honestly love me, okay na sila do’n. Kaso ang kuya mo, ang labo. Minahal ko na nga, sasaktan pa ako. Ay! ang cheesy no’n!” Napaiyak na naman siya. “Asar!”


                Inabutan siya ni Pae Yong ng tissue. “Pride and ego. Kung may gamot lang para alisin iyon, matagal ko ng ipinagamot si Excel. Engot e. Kapag pinakawalan ka pa ng best friend kong iyon, ipapa-salvage ko siya.”

                “Ay, okay iyan Chief. May lupa si Lanlan sa cemetery sa Tarlac, may libingan na siya doon—Ay sorry. Andiyan nga pala ang kapatid. Sorry, Lauren,” hirit ni Opalyn.

                “Okay lang, you didn’t mean it, I know.”

                “Pero di ko talaga gusto ang ginawa niya kay Lanlan namin,” sabat ni Miles.

                “Second the motion. Kahit madalas binabara namin itong si Mother Superior, labs namin si Lanlan. Wala siyang karapatang paiyakin na lang ng ganyan ang friend namin.”

                “Saan ba naglulungga iyang kuya mo, Lauren? Reregaluhan ko lang siya ng atomic bomb,” hirit ni Cess.

                “Nuclear bomb dapat nang matauhan naman siya,” gatong ni Mayette.

                Isa-isang pabirong sinabunutan niya ang mga ito. “Oy, boyfriend ko iyang pinagpaplanuhan n’yo ng assassination attack. Mahal ko iyon kahit ganon siya. Gusto n’yong masunog lahat sa hell? On a second thought, hindi pala kayo tatanggapin sa hell. Sayang lang kasi ang lingas ng apoy sa inyo. Pati apoy tatamarin sa inyo.”

                Ang seryosong usapan ay nauwi sa tawanan.

                “Change plan, si Lanlan na lang ang pasabugan natin.”

                “Hindi iyan tatablan ng nuclear bomb, alien iyan e.”

                “Bigyan na lang natin siya ng pamasahe.”

                “Papunta saan? States?”

                “Hindi States, Lauren. Papunta sa planet niya.”

                “Saan naman iyon?”

                “Sa Tralalala Chief.”

                “Ah, Iyan pala ang Tralalala na kinukwento ni Excel. O sige, magchip in ako ng pamasahe.”

                “’Wag na lang pala, hindi natin afford iyon. Iuntog na lang natin ang ulo ni Lanlan. Mas madali iyon.”

                “Haay, kung alam ko lang na isang heartbreaker at isang grupo ng mga praning ang makikita ko sa labas ng kumbento, hindi na lang sana ako lumabas,” hirit niya. Gusto man niyang makisaya sa katuwaan ng mga ito, hindi naman niya kayang maging lubusang masaya.

                Tumayo siya. “Diyan muna kayo ha, may book signing ako ngayon e. Mag-internalize pa ako para ‘pag humarap ako sa mga readers ko, hindi nila mahalatang malungkot ako.” Binalingan niya si Lauren. “Tell Excel, I love him so much.”

                “Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi para maging okay na kayo?”

                Umiling siya. “Hindi ko kasi alam kung mahal pa rin niya ako. Isang linggo na rin kasi na hindi siya nagpaparamdam. Napagod na siguro siya sa akin. Pakisabi na rin na kung gusto niyang makipag-break na sa akin, sabihin naman niya para alam ko kung aasa pa ako o talagang wala na.”


                PANGATLONG booksigning event na ang dinaluhan ni Lanlan. At tulad ng dati, marami pa rin sa mga nauuto niyang readers ang pumunta para makipagkwentuhan at magpapirma ng libro.  Pero hanggang doon ay sinusundan pa rin siya ng espiritu ng palpak niyang lovelife. Gusto niyang magwala tuwing may magpapapirma ng nobelang ginawa niya para kay Excel.

                “Lanlan, nasa’n si Fafa Excel?” Tanong pa ng isang reader niya.

                “Di ko alam e. Baka lumipad na ata papuntang planet niya,” tugon niya. Mauna na siya sa Tralalala. 

                Nagtawanan ang mga tao roon.

                “Bakit? Akala ni’yo ba tao iyon? Hindi, alien iyon,” hirit pa niya.

                “Kaya pala super-guwapo, ate. Nakita ko iyong pictures n’yo sa Facebook. Taga-Tralalala din siya ano?” patol ng teenager niyang reader.

                Pinirmahan niya ang mga librong dala nito. “Oo, kami lang dalawa ang nakatira sa planet na iyon kaya ‘wag na kayong mag-abala pang mag-avail ng citizenship do’n. Hindi ko iyon aapruban.” Nagtawanan na naman ang mga tao roon. Nakangiting ibinalik niya dito ang libro. “Salamat, Shelly. Next po.”

                Inilapag ng isa pa niyang makulit na reader ang isa na namang kopya ng novel para kay Excel sa harap niya.

                “Ate, may kapatid pa bang lalaki si Excel mo?”

                “Meron, ten years old. Hintayin mo na lang, Sixteen ka lang naman e.” Binalingan niya ang mga young readers niya. “Kayo ha, mag-aral kayong mabuti. ‘Wag kayong basa ng basa ng pocketbook. Unahin ang textbooks ha.”

                “Oo, ate,” tugon ng mga ito.

                “Mabuti ng klaro, okay.” Ibinalik  niya sa reader ang book.

                Maraming libro ang inilapag ng isang mamang nakaitim na jacket at sumbrero. Hindi na siya nag-abalang lingunin pa ang lalaki kasi bihadong pinapirmahan lang iyon ng kapatid nito o nanay o girlfriend.

                “Pangalan po?” tanong niya.

                “Excel.”

                Napaangat siya ng tingin at nakumpirmang si Excel nga iyon. Nakauniporme pa ito at mukhang tumakas lang sa duty. She suddenly felt the familiar skipping of her heart whenever he’s around. Bakit ganon? Kahit masama ang loob niya rito, hindi nabago ang trato ng puso niya ‘pag nakikita ito.

                Isa-isa niyang pinirmahan ang mga libro. “You don’t have to do this just to please me, Excel,” seryosong sambit niya.

                “Ayoko na. Pagod na ako sa cold war na ‘to. Suko na talaga ako.  Tatanggapin ko lahat ng sasabihin mo o gagawin mo, just let me fix this problem, please. I want you back.”

                “Hindi ito ang oras para makipag-emo ako sa’yo. At hindi naman ako nawala ah. Ikaw nga itong naglaho ng isang linggo.”

                “I’m sorry.” 

                “Okay.” Iniabot niya ang mga libro dito. “Thank you.” Pero nanatili lang itong nakatayo sa harap niya. “Mr. Almendral, mahaba pa ang pila sa likod mo, mahiya ka naman sa mga readers ko.”

                “Pero, I still want to talk to you.”

                “Ako, ayoko. Go!”

                “Pero, Lanlan naman, ‘wag mo na akong iwasan please. Let’s talk.”

                “O sige, let’s talk. Pumila ka ulit. Hangga’t may tao sa likod mo, pipila ka sa likod nila. Ikaw ang huling kakausapin ko.”

                “Pero may duty pa ako, limang minuto lang please.”

                Tingnan lang niya ito ng masama. “May duty ka pala, e di mag-duty ka na lang muna. Kailangan ka ng bansang Pilipinas. Sa’yo nakasalalay ang kinabukasan ng sambayanang Pilipino. Which reminds me, ipagtatayo pa nga pala kita ng rebulto sa garden namin.”

                “Lan—” Pinandilatan niya ito. “Okay, pipila kung pipila.”  Bagsak ang balikat nito na pumunta sa pinakadulo ng mahabang pila.

                Napangiti siya habang nakatalikod ito at pumunta sa dulo ng pila. Napatawad na naman niya si Excel sa simpleng paghingi nito ng sorry kanina pero gusto niyang mag-effort naman ito. Bayad na rin iyon sa gabi-gabing pag-iyak niya dahil sa ginawa nito sa kanya.

                Makaraan ang ilang minuto ay marami pang dumating na tao kaya lalong tumagal ito sa pila. Nang dalawang tao na lang ang natira bago ito ay nagsimula na itong mangulit.

                “Lanlan, gusto mo ng tubig?”

                “Hindi.”

                “Juice?”

                “Hindi.”

                “Biscuit?”

                “Ayoko.”

                “Kiss ko?”

                “Mukha mo!”

                “Mukha ko ang gusto mo?”

                Inulan sila ng tukso ng mga tao roon.

                “Uuuuy! Yihi!”

“Magbabalikan na iyan!” hirit pa ng kasamahan niyang writers din.

“Hindi naman kami naghiwalay.” Napangiti na tuloy siya. Nawala na ang pagpapanggap niyang seryoso at galit dito.

                Umalis na ang isang reader sa pila. Isang tao na lang ang nakapila kaya lalo napalapit ang distansya niya dito.

                “Uy, nakangiti na siya,” tudyo nito.

                Binalingan niya ito. Prenteng nangingiti ito habang nakatitig sa kanya. Wuu! Why are you so papable today? Naaakit mo na naman ako, Excelente!  “Feeling mo naman ikaw ang nginingitian ko?” tugon niya sabay abot ng mga libro sa huling nakapila.

                Now she was face to face with him. By looking in his awesome face, she realized how much she missed him. Forever na ata siyang head over heels in love sa pinaka-papable na pulis na ito.

“Eh sino naman? Ako lang naman ang gwapo sa buhay mo?”
            
          “Kapal muks ah! Gwapo ang lahat ng kalalakihan sa angkan namin. Pati aso sa amin ay gwapo. At saka iba naman ang iniisip ko, hindi ikaw.”

               Sumimangot ito. “Sino?”

                “Si Prince.”

                “Ipinagpalit mo na ako sa aso?”

                “Uy, Labrador kaya si Prince. Ipalapa kita do’n eh.” Inirapan niya ito.

                “Hindi ako lalapain no’n. Ako kaya ang nag-train sa kanya para maging guard dog mo.”

                Dahil nagkukulitan sila ay nauna nang umalis ang mga co-writers niya.

                Tumayo na rin siya at naglakad palabas ng activity area ng mall.

“Uy, Lanlan, akala ko ba mag-uusap tayo?”
            
             “Nag-uusap na tayo, Excel.”
  
              “Lanlan…” Hinawakan nito ang kamay niya at pinagsalikop nito ang mga iyon. Sa di niya mawaring dahilan, pinawi na ng simpleng gesture na iyon ang anumang sama ng loob niya dito. “Another day of cold war will definitely kill me.”

                “So anong gusto mong pag-usapan?”

                “Kung paano tayo magiging okay.” Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya as if telling her he will never let go of her. “I know, I’m so stupid. I’m so sorry. It’s me and my senseless pride and ego. Ayokong tuluyan kang mawala sa akin dahil lang do’n. Sinabi na nina Inay, Lauren at Pae Yong ang totoo tungkol do’n sa bahay. Hinintay kita kinabukasan para mag-sorry, hindi ka naman pumunta. Pagkatapos no’n para na lang akong hangin na nilalagpas-lagpasan mo. Alam kong nasaktan kita. Sorry kung hindi ako naniwala sa’yo at hindi rin ako nakinig.”

                “Sorry din,” tugon niya. Huminto sila sa paglalakad at naupo sa isang bench. “May mali din naman ako. Dapat sinabi ko muna lahat ng iyon sa’yo bago ko iyon ginawa. Nagkulang ako sa explanation kasi naging mas excited akong maging bahagi ng bahay at buhay mo. Naging insensitive ako at hindi ko naisip na ma-pride ka nga pala.”

                He sincerely listened to her words. Mataman lang itong nakatitig sa kanya. “Gusto kong bumawi sa’yo. I want you to know that I never think of breaking up with you. Natakot ako sa sinabi nina Pae Yong at Lauren kaya sumugod agad ako dito.”

                “Bakit mo pinatagal pa ng two weeks ito? At saan ka nagsuot ng isang linggo?”

                “Lumipat na ako ng presinto e. Na-promote ako at hepe na ako ngayon. Kailangan kong mag-establish ng authority sa nilipatan kong presinto kaya hindi ko nagawang manuyo sa’yo ng isang linggo.”           

                Promoted na pala ito. And she’s very proud of him. “Which reminds me na may duty ka pa. Better kung magtrabaho ka na muna. Baka i-demote ka agad niyan.”

                “Ayokong maghiwalay tayo ng hindi tayo okay. Tell me what should I do.”

                Ngumiti siya at hinaplos niya ang pisngi nito. “Mag-duty ka na. Kung napapansin mo, ngumiti na ako kanina pa. It means kanina pa tayong okay. Sorry mo lang naman ang hinintay ko e. Ayos na tayo do’n.”

                He teasingly smiled. “Talaga?” Tumango lang siya. “So pinahirapan mo lang ako kanina kaya pinapila mo ako ng ilang ulit?”

                “Joke lang dapat iyon, e pinatulan mo naman. Napapaghalata ka namang mahal na mahal mo ako e.”

                Pinisil nito ang ilong niya. “Kapal ng mukha natin ngayon ah. Pero totoo naman iyon e. Mahal na mahal nga kita. Sobrang na-miss kita. Na-miss mo ako?”

                “Hindi!”

                “Stir!”

                “Sobrang na-miss kita. Ikaw kasi, pasaway ka.”

                “Oo na, ako na naman.” He lovingly embraced her. Pero agad din itong kumalas. “Sorry, I can’t help it. Mukhang PDA tayo, nakauniporme pa man din ako.”

                Tumawa siya. “Sige na, mag-duty ka na. Susunod ako sa restaurant na kinakainan ng mga co-writers ko.”

                Tumayo na ito. Yumuko ito at pasimpleng humalik sa kanya. “Ingat ka diyan. I love you.”  Tumuwid na ito ng tayo.

                “Same here.”

                Kumunot ang noo nito. “Anong same here? Ngayon na nga lang tayo nagkaayos, same here lang ang maririnig ko sa’yo?”

                “Demanding ka. Alis na.”

                “I love you ko muna.”

                “Oo na, I love you.”


PREVIOUS                                                                            NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…