Skip to main content

Strange Feeling of Love- Chapter Four




Sa terrace ng bahay nakatambay si Excel habang hinihintay dumating si Lanlan. Katatapos lang linisin ng nanay niya ang sugat niya. Sariwang-sariwa pa rin iyon. Laking pasalamat niya at hindi talaga siya natuluyan nang huling assignment niyang iyon. Muntik na talaga siya. At ang pangyayari na iyon ang nagpa-realize sa kanya ng maraming bagay. Kailangan na niyang pahalagahan ang pamilya niya at ang sarili niya dahil totoong walang nakakalam kung kelan siya kukunin ni Lord.

                “Babae ba ang bisita mo?  ‘Wag ka ng magbibisita kung hindi babae,” nakangising hirit ng nanay niya.

                Napakamot siya sa ulo. “Inay naman!”

                “Aba, Excelente, thirty-two ka na at wala ka pa ring girlfriend. Kelan ka pa mag-aasawa? Kelan pa ako magkakaapo?”

                “Kapag graduate na po si Joshua—aray!”

                Binatukan siya ng nanay niya. “Ten years old palang si Joshua. At ‘wag mo ngang ibase sa kapatid mo ang pag-aasawa mo.”

                “Eh…”


                “Dapat nag-aasawa ka na.” Nagseryoso ang mukha ng nanay niya. “Para may nag-aalaga sa’yo araw-araw, para may kasama ka na dito sa bahay mo, at para maranasan mo na ang magkapamilya bago…”

                “Bago ako mamatay katulad ni Itay?” pagpapatuloy niya sa sasabihin nito. Tuwing manganganib ang buhay niya ay doon nauuwi ang usapan nilang mag-ina. Sundalo ang kanyang ama at nasawi ito nang ipadala ito sa Mindanao para humarap sa terorista at NPA. “’Nay, hindi ko pa kayo iiwan.”

                “Mula nang magpulis ka, tanggap ko na lahat ng posibilidad pero sana makapag-asawa ka naman. Gusto ko namang maranasan mo kung gaano kasarap ang may nag-aalagang ibang tao maliban sa maganda mong nanay. So ano, babae ba?”

                Napailing siya.“Opo, cute na babae.”

                “Girlfriend mo?”

                “Hindi po, kaibigan ko lang po. Writer po siya at magi-interview lang siya.”

                “Ay ganon? Magpagwapo ka nga anak at baka magustuhan ka. Sige na gusto ko na ng apo!” Inayos ng nanay niya ang kwelyo ng polo shirt niya at halos paliguan na siya ng pabango.

                “Ewan ko po sa’yo, ‘Nay.”

               Saglit itong umalis nang may kumatok. Sinamantala niya ang pag-iisa para makapagpahinga. Pumikit siya habang prenteng nakaupo sa isang rocking chair. Habang nakapikit ay naramdaman niya na may lumapit sa kanya. He smelled the familiar sweet scent of his apple of the eye.  Oh well, hindi rin masama ang suggestion ni Inay na mag-asawa na ako. Kung ganito ba kabango ang mayayakap ko araw-araw gabi-gabi, eh ang swerte ko naman.  

                “Hoy Excelente!” narinig niyang sambit ni Lanlan. “Alam kong gising ka. Sinabi sa akin ng nanay mo na gising ka kaya ‘wag ka ng mag-pretend na tulog ka diyan. Bakit? Ano bang gusto mo? Kiss?”

                Sige nga. Pinangatawan niyang tulog kuno siya. Until he felt something was getting nearer to his face. He was anticipating a quick kiss when something touched his lips. Nagulat na lang siya nang biglang tumahol iyon. He heard Lanlan burst her laughs. Nagmulat siya ng mata at bumungad sa kanya ang isang color brown na mabalahibong tuta.

                Iyan ang napala ng pag-iisip mo ng kung anu-ano, Excel. Napailing siya. Unang kiss niya sa babae naging sa babaeng aso pa. Malas talaga siguro siya sa love life.

                “Ang kyut niya di ba?” sambit ni Lanlan sabay baba sa sahig ng aso at hinayaang magpaikut-ikot doon. “Sa’yo na siya. Napansin ko kasi, wala kang pet dito sa bahay mo kaya dinala ko siya dito. Anak siya ng aso ko. By the way, kamusta ang first kiss?” Tumawa ito.

                “Masarap humalik ang aso, sweet!” patol niya sa biro nito.

                Umupo ito sa  upuang gawa sa kawayan malapit sa kanya. Saka lang niya napansin ang isang pinggan at isang basket ng prutas. “Kamusta ka na? Namumutla ka at namamaga pa iyang mukha mo. Sigurado ka bang pwede ka ng lumabas ng hospital.”

                “Pwede na daw basta daw magpahinga ako. Okay na naman ang pakiramdam ko kahit minsan sumasakit ang katawan ko.”

                Nagtalop ito ng oranges at ibinigay sa kanya. “Sige mag-start na tayo para makapagpahinga ka na agad.” Hinayaan niya itong mag-ayos ng gamit. Inilabas nito ang isang voice recorder at stenopad. “Game?” Isinubo nito sa kanya ang isang piece ng orange.

                Nahihiya man ay tinanggap niya iyon. Ganon pala ang pakiramdam na iba ang nag-aasikaso sa kanya. Somehow, gusto niya ang pakiramdam na iyon. “Salamat.Sige.”


                 SA SIMULA ay pinakwento ni Lanlan kay Excel ang tungkol sa pamilya nito.  Pagkatapos ay humingi siya ng general background tungkol sa pulisya. “Bakit mo nga pala naisipang maging pulis?”

                “Sundalo ang tatay ko, retired pulis si Inay. The influence came from them. Kaso nung nagpaalam akong magpulis, humindi sila. E matigas ang ulo ko kaya eto na ako ngayon.”

                Iniabot nito sa kanya ang isang photo album. Graduation picture nito sa PNPA ang unang bumungad sa kanya. Anak ng tsapa! The younger Excel was also damn stunning in his PNPA uniform. Nagsawa ang mga mata ni Lanlan sa mga gwapo pictures nito. Heybeyn!

                Napansin niya ang medal na suot nito sa picture. Binalingan niya ito.“You graduated as Valedictorian of your class. Wow! You are amazing, Excel.”

                Ngumiti lang ito na animo’y hindi sanay na pinupuri.  Binalikan niya ang photo album. Hindi niya maiwasan ang mapa-wow sa napakaraming dahilan. Na kay Excel na ata ang lahat ng katangiang magpapa-oo sa isang babae. Gentleman ito, matalino, maalalahanin, mabuting tao, mabait, respetado at in fairness guwapo’t simpatiko. Swerte naman ng girlfriend nito kung meron man. 

                “Taga-dito ka talaga sa Laguna?” tanong niya.

                “Hindi. Sa Quezon province ako galing. Tapos nag-aral ako sa PNPA, doon ko nakilala si Pae Yong, iyong hepe namin. Nung maging pulis ako e, nagpalipat-lipat na ako ng destino. Pasay, Pasig, Muntinglupa, Cavite, Nueva Ecija at dito.”

                “Anong masasabi mo sa pagiging isang pulis?”

                “Well, mahirap na delikado na masaya. Mula nang makuha ko ang tsapa at baril ko, kalahati na ng buhay ko e inilibing ko na. Ganon talaga. Kapartner ng propesyon ko ang panganib. Mas nagiging mahirap pa ‘pag nakikita ko ang effect sa pamilya ko. Dati kasi akala ko okay lang na masugatan ako during work pero na-realize kong hindi pala okay lalo na ‘pag umiiyak na ang nanay ko tuwing makakatanggap siya ng call mula sa hepe ko at malalaman lang niya na nasa ospital ako katulad ngayon. Nakaka-konsensiya rin. Pero other than that, masaya ako sa pagiging pulis. Lalo na ‘pag nakakahuli ako ng tunay na kriminal. I’m happy to be part of implementing laws.”

                Binalingan niya ito. “Sabi mo kahapon, hindi ito ang first time mong experience na mabaril. Anong nangyari noon?” 

                “Iyong una, nabaril ako sa binti ng hinahabol kong holdaper. Iyong pangalawa, encounter sa kidnap for ransom group, tinamaan ako ng bala sa may lungs ko. Tapos, nasaksak na ako ng snatcher. Tapos—”

              “Meron pa? Ang dami na no’n ah. Hindi naman siguro kasama sa life plan mo ang makipagpatintero kay Kamatayan?” Nalulula na si Lanlan isipin kung gaano na kadelikado ang naging encounter nito kay Kamatayan.

                He chuckled. Itinuro nito ang napinsalang sikmura. “Ito na iyong latest, dalawang daplis sa tagiliran ko at isang muntik nang tumama sa kidney ko.”

                “Latest? So hindi pa ito ang huli?” Napa-sign of the cross siya.

                Mataman siyang tiningnan nito. “Gustuhin ko man, hindi ko naman maipapangako na last na ito. Hangga’t nasa serbisyo ako, walang mababago sa sitwasyon ko,” malungkot na sambit nito.

                “Kung ako ang nanay mo o girlfriend mo, mauuna pa akong ilibig sa’yo. Nakakanerbyos ka.”

                “Wala pa akong girlfriend. Siguro iyon din ang dahilan. Wala sigurong babaeng tatagal maging girlfriend ko.” Binalingan siya nito. “Nakaka-turn off ba na sa edad kong thirty two, isa pa lang ang naging girlfriend ko at high school pa lang ako noon?”

                Single ang lolo! Ayos iyon!  Umiling siya. “No. I’ll find it more attractive than a women magnate man. So, what do you think about love, relationship, or romance?” Vital information iyon para sa nobela niya at syempre interesado rin siya doon.

                “Hindi ako naghanap ng babaeng mamahalin. Pihikan nga daw ako sabi ng mga kaibigan ko. Hindi kasi ako basta-basta naa-attract sa magagandang babae.” Excel was gazing at her while slightly grinning. “Pero ‘pag tinamaan ako ng attraction sa isang babae, all out ako. Manunuyo talaga ako as long as she’s free and I’m free. Ibibigay ko talaga sa babae ang lahat.”

         “Meron palang ganon. Ngayon ko lang narinig iyan e. Anong qualities ng babae ang makakapagpalingon sa’yo since pihikan ka pala sa babae?” nakangiting tanong niya.

                Natigilan ito. “Ah…ano… ah…honestly Lanlan, iyong tipo mo ang gusto ko.”

                “Ha?” Nagulat siya nang biglang umarangkada sa pagkabog ang puso niya. Iba na talaga ang nararamdaman niya. Marami nang nagsabi sa kanya ng ganon pero ibang-iba ngayon. At sa kanyang isang romance novelist, ang ibig sabihin ng unusual na bagay na iyon ay…. sintomas ng love.  Umiwas siya ng tingin.

                Sa peripheral vision niya ay nakita niyang umiwas din ito ng tingin. Mukhang mahiyain sa pagtatapat ang binata. “Ahm, simple lang ang gusto kong babae. Totoo sa sarili, hindi maarte, mabait, maalalahanin, masayahin at sweet.”

                Ako nga iyon! Ako nga! Waaah! I like you, too. “Sigurado kang type mo ang tulad kong wirdo mula sa planet Tralalala?”

                He suddenly touched her chin. Binalingan niya ito. Wrong move. The moment she saw his expressive eyes, nawala na sa katinuan ang utak niya. He lovingly stared at her.

                “Eh ano kung weird ka, lahat naman ng tao e may kawirduhan.  I’ll find it lovely and cute.”

                Kumunot ang noo niya. “Excel…”

                “Lanlan…”

                “Did we come from the same planet? Ikaw lang ang nagsabing cute ang pagiging weird ko.”

                Nagkibit-balikat ito. “Siguro nga, taga-Tralalala din ako.”

                For a couple of seconds they teasingly gazed at each other hanggang sa matawa siya at tumawa na rin ito. In split of seconds, their laughs blended and created a one great music.

                “Excel, ang cute mo.”

                “Sabi nga nila. Ikaw cute ka rin.”

                “Wuu, lie iyan.”

                “Di ka naniniwalang cute ka?”

                “Super-cute daw kasi ako e.”

                Lalong lumakas ang tawanan nila. “You’re funny, Lanlan. Swerte ng boyfriend mo sa’yo. Palagi siguro siyang masaya ‘pag kasama ka.”

                Umiling siya. “Wala naman akong boyfriend. Kaibigan lang ang nakikinabang sa mga hirit kong panis.”

                “Uy, wala din akong girlfriend, baka tayo ang meant to be,” pambobola nito.

             “Uuy, lumilinya na naman ang isang bata,” pasaring niya upang mapagtakpan ang kilig na nararamdam niya. Tumawa pa siya ngunit natigil iyon nang makita niyang napasinghap ito sabay sapo sa napinsalang tiyan. Nilapitan niya ito. “Excel?”

                “Okay lang ako,” sabit nito sabay pikit. “Kumirot lang iyong sugat ko at bigla akong nahilo.”

                “Magpahinga ka na sa loob.” Inalalayan niya ito hanggang sa makapasok sila sa bahay. Sa loob ng kwarto ni Excel ay naroon ang nanay nito sa sumalubong sa kanila.

                “Anong nangyari?” tanong ng ginang.

                “Sumasakit daw po ang sugat niya at nahihilo siya, Tita Cedes.” Binalingan niya si Excel nang tinulungan niya itong makahiga ng maayos. “Dahan-dahan lang.”

                “Salamat, Lanlan,” sambit nito.

                “Masakit pa ba?” nag-aalalang  tanong niya.

                “Oo eh.” Napasinghap ulit ito.

                “Siya anak, tatawag na ako ng doctor,” sambit ng nanay nito.

                “Tita ako na lang po, may kilala po akong doctor.”

                Agad niyang tinawagan ang kaibigan ng Tito niya. Pagkatapos ay binalingan niya ang mag-ina. Di niya maiwasang mainggit sa eksena sa harap niya. Ang ina mismo ni Excel ang  nagpunas ng pawis nito. Ang bawat haplos ng ina nito ay pawang haplos ng pagmamahal na nagsasabing papawiin noon ang anumang pain na nararamdaman ni Excel. Naalala niya ang kanyang ina.

                Kung buhay lang si Mama malamang…

                “Lanlan anak, may problema ba?” tanong ni Cedes. Napansin na pala nitong nakatulala lang siya sa mga ito.

                “Wala po. Parating na po si Doc Hiro.” Lumapit ulit siya kay Excel. “Excel, gusto mo bang alagaan muna kita?”


                Ngumiti lang ito. She took it as yes. Hindi niya ito iniwan hangga’t hindi ito nahimbing sa pagtulog.






PREVIOUS                                                                         NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…