Skip to main content

Strange Feeling of Love- Chapter Five




Na-extend pa ng dalawang linggo ang forced leave ni Excel bago siya nakabalik sa presinto. At sa loob ng isang linggo ay puro paper works lang ang pinagawa sa kanya ng hepe para daw gumaling na siya ng lubusan.

                Lunch break na at masayang inuubos niya ang pinadalang pagkain sa kanya ni Lanlan. Kasambahay lang ng dalaga ang nagdala noon sa presinto dahil kasalukuyang natutulog pa ito dahil umaga na daw itong natapos sa sinusulat na nobela noong nakaraang gabi.

                Mula noong inalagaan siya nito noong mga nakaraang linggo ay nagpapadala ito ng pagkain sa kanya at kung minsan ay ito pa mismo ang nagbibigay noon sa kanya. Malambing at mapag-alaga si Lanlan. Ilan lang iyon sa katangiang hahanap-hanapin ng isang binata sa babae na nagustuhan din niya dito. 

                Nahagip niya ang isang note na kalakip ng pagkaing pinadala nito. Binasa niya iyong muli.

                Kumain ka ng mabuti ha. Hindi ako ang nagluto niyan kundi si Nanay Ising kaya magpasalamat ka sa kanya. Iyong fruit salad lang ang contribution ko diyan.  Malapit na nga palang matapos ang novel ko para sa’yo kaya deadma ka muna sa akin ha para matapos ko na. hehe. Joke lang. Si Ceni, kamusta na siya? Pinapakain mo ba siya ng mabuti? Love ko iyang doggy na iyan kaya ingatan mo siya ha. Nangungulit, Lanlan.


                Ilang araw na nga silang walang communication. Pag tulog kasi ito ay siya naman ang gising at pag gising ito, tulog naman siya. Pero kahit ganon, alam niyang hindi siya nito nakakalimutan.

                Napangiti siya.

                “Excel, in love ka na ano?” untag ni Pae Yong. Bigla na lang itong sumulpot sa opisina niya.

                Tumayo siya at sumaludo dito bilang paggalang. Mahirap ng masabihang por que magkaibigan sila ay hindi na niya nirerespeto ang hepe nila.

                Sumaludo rin ito. “Carry on.”

                Umupo ito sa visitor’s chair at humalumbaba sa harap niya. Ngumisi ito nang balingan nito ang pagkain sa mesa. Kinuha nito ang iniabot niyang kutsara at tumikim ng salad. “In fairness, masarap ang dala niyang pagkain sa’yo ah. Ang swerte mo naman, best friend. Hindi mo pa girlfriend, bine-baby ka na.”

                “Ganon lang siguro siya talaga. Ex-nun e. Though ang sabi niya hindi naman niya natapos ang pagmamadre niya, she still considered herself as a former nun.”

                “Hindi na siya madre ngayon at nasa outside world na siya. I think hindi niya iyon ginagawa dahil ex-nun siya. Baka may gusto rin siya sa’yo.”

                “Sa tingin mo?”

                “Oo, kung hindi man, papunta na sa ganon iyon. Alam mo Excel, wala nga akong amor sa lab lab na iyan pero kung love life ng ibang tao, lalo na ng best friend ko, magkakainterest ako.” 

                “Baka na-misinterpret lang natin iyong kabaitan niya. Mahirap maging assuming.”

                “Ikaw ang lalaki, Excel. You have the ability to make any woman fall in love with you so do you part. Suportahan kita diyan. Basta ninang ako ng panganay mong anak ha.”  She stood up and went out of his office.

                Napailing na lang siya. Posible kayang pareho lang sila ng nararamdaman ni Lanlan?

                Dahil doon ay masigla niyang tinapos ang trabaho niya buong maghapon. Maaga lang siyang nagpaalam kay Pae Yong dahil may schedule siya ng check-up.  Dumiretso siya sa hospital at isang eksena ang hindi niya inaasahang makita sa hallway ng hospital.

                “Lanlan?” kunot-noong pabulong na usal niya.

Nakita niya ang dalaga sa di kalayuan at may binatang nakaakbay dito. Kilala niya ang binata. Lalapit sana siya nang marinig niya ang usapan ng dalawa.

“Ikaw naman kasi, kung anu-anong ginagawa mo. Pagkain lang, kinatamaran mo pa. Ayan tuloy sa halip na makapagtrabaho ka ngayon eto ka, namimilipit sa sakit ng sikmura mo,” sambit ni  Lanlan.

“Sakit na nga e, sermon mo pa ako. Pero Ranran beybs, Iroiroto osewani narimashita!

“Heh, tigilan mo ako sa Hapon-hapon mong iyan. Ang gusto ko, alagaan mo ang sarili mo.”

“Thank you for your help rang naman iyon, Ranran beybs!”

Ngumiti si Lanlan. “Alam ko, Do itashimashite.

Babes? Bakit siya tumatawag ng babes kay Lanlan?  Tatalikod na sana si Excel nang mapansin siya ng binata.

“S/Insp. Almendral,” bati ng kasama ni Lanlan.

Wala tuloy siyang nagawa kundi harapin ang mga ito. Ngumiti siya pero alam niyang pilit na ngiti lang iyon. “Atty. Xeiji Hotoki.” Masama din ang matang ipinukol niya sa braso nitong nakaakbay sa apple of the eye niya.

Nagpapalit-palit ang tingin ni Lanlan sa kanila. “Magkakilala kayo?”

Kilara mo rin siya, Ranran beybs—aray!”

              Siniko ni Lanlan si Xeiji bago siya binalingan nito. “Sinamahan ko lang si Xeiji magpacheck up.”

Check up? E bakit nakaakbay pa iyan sa’yo? Gusto sana niyang  isatinig iyon pero ayaw naman niyang magpahalatang nagseselos siya.

“Ganon ba?” walang ganang tugon niya.

“Ikaw may check up ka rin?” tanong nito.

 “Ah, oo.”

“Inubos mo ba ang pinadala kong pagkain sa’yo?” tanong ulit nito.

“Oo, salamat,” tipid na sagot niya.

“Teka, ikaw bigay pagkain sa kanya? Bakit sa akin di ka bigay pagkain?” sabat ni Xeiji.

Inggitero!

“Sa bahay ka kaya kumakain madalas.”

Lalong nagpatung-patong ang selos na ngumatngat sa puso niya nang marinig niya ang tugon ni Lanlan. Kung ganon, palaging magkasama ang dalawang ito at sabay pang kumakain. Ganon sila ka-close samantalang siya, pinapadalhan lang ng pagkain. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung binigyan din ba ni Lanlan si Xeiji ng pet dog o kung inaalagaan din ba ito ni Lanlan ‘pag may sakit ito tulad na ginawa nito sa kanya noon.

“Ah sige, mauna na ako.” He turned back and walked. Baka ‘pag nagtagal pa siya sa lugar na iyon ay hindi na niya mapigilan ang sarili.

“Oy, Excel! Sandali.” Tinawag siya ulit ni Lanlan. Napilitan siyang balingan ito. Hindi na nito kasama ang Hapong abugado. “Walang malice iyong pagsama ko kay Xeiji para magpa-check up siya. Wala kasi siyang makasama kaya nung niyaya niya ako, sinamahan ko siya.”

“Okay.”

“Iyong pagtawag niya ng beybs sa akin, wala lang iyon. Praning lang iyon kaya ganon.”

“Okay.” But he knew better. No man could ever call any endearment to a woman if that girl would mean nothing to him. At kung magsasalpok sila ni Xeiji para sa puso ni Lanlan, malaki ang lamang nito sa kanya.

“Di ka naman nakikinig sa akin, Excel eh.”

“Nakikinig ako.”

“Then why are treating me this way? You’re so cold.”

“I’m not treating you cold. I’m not feeling well, Lanlan. Sige na balikan mo na siya.”

“Ayaw mo bang nakikita akong kasama siya?”

Hell yes! And I don’t want him holding you like that. Nagseselos ako, obvious ba? He wanted to shout out loud pero hindi pwede. “I just hate what I’m feeling right now.”

“Excel, matagal ko ng—”

“Stop. Hindi mo kailangang mag-explain. He’s you’re friend or whatever and I’m just also you’re friend. Excuse me, Lanlan. Hinihintay na ako ng doctor ko. Ingat ka.”

“Pero—”

Nilayasan na niya ito. Kailangan muna niyang huminga, lumayo ng konti para mapag-isipan niya kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya. He liked her. Pero gusto lang ba? Bakit ganon siya mag-react nang makita niya itong may kasamang ibang lalaki?

You’re in love, Excel, tudyo ng isip niya.  And that’s the big problem.

His phone rang.

“Si Lanlan mo, nakita ko with other guy.” Si Pae Yong iyon.

“And the guy called her, beybs.” Napabuntong-hininga siya. “I don’t want to entertain this pain, Pae Yong. Inuman tayo?”

“Lol, bawal kang mag-inom!”


MAGKASAMANG nagsimba sina Lanlan at Xeiji. Wala kasi sa bansa ang kanyang bunsong kapatid kaya naghanap siya ng makakasama. Niyaya niya si Excel pero hindi naman ito sumagot sa text at tawag niya. Mula noong nagkasalubong sila sa hospital ay hindi na ito nakipag-usap pa sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya, iniiwasan siya nito.

“Sumainyo ang Panginoon,” sambit ng pari.

“At sumainyo rin,” tugon nila.

“Magbigayan tayo ng kapayapaan sa isa’t isa.”

Binalingan niya sa Xeiji. “Peace be with you,” magkasabay nilang sambit pagkatapos ay bumaling na sila sa ibang tao para bumati. Pagbaling niya sa likod ay natagpuan niya si Excel. Isang pew ang pagitan nilaa. Binati niya ito. “Peace be with you.” And I miss you.  

Seryosong tumango ito at binati rin siya ngunit kumunot ang noo nito nang makita ang katabi niyang si Xeiji. Dahil nasa kalagitnaan pa sila ng misa ay napilitan siyang ibalik sa misa ang atensyon. Mamaya na siya mag-iisip tungkol kay Excel.

“Ranran beybs, ako kita kanyang tingin sa’yo,” sambit ni Xeiji nang maglakad na sila papalabas ng simbahan.

“Ha?”

“Siya, tingin ko jealous. Siya di gusto kasama kita,” pagpapatuloy nito sa barok nitong Tagalog. 

Si Excel? Nagseselos? Weh? She suddenly smiled.

“Aha! Ikaw gusto jealous siya! You like him?”

Tumango siya. “Medyo.”

“Now I know, you didn’t like me the way you like him. He’s lucky.” Bumuntong-hininga ito nang hinarap siya nito. He touched her cheeks.

Wala siyang naramdaman. Parang hinaplos lang siya ni Yohann. Walang spark, walang current, walang kilig. Hindi katulad ng mga sandaling kasama niya si Excel. Kinikilig siya, may spark at may current.

 “Anong ginagawa mo?”

“He’s coming to us. I’m making him jealous more and more. This is for your own good, beybs. Isip mo na rang na turong ko na rin ito sa’yo sa bigay mo tips para maging kami ng tunay kong beybs.”

Pero lumipas ang ilang minuto ay kumunot ang noo ni Xeiji. Binitawan na rin siya nito.

“Something is wrong. He backed out.”

Lumingon siya at likod na lang ni Excel ang nakita niya. Mukhang nagmamadali din ito sa paglalakad.

“Haay, torpe! You better run for him.”

“Hahabulin ko? Bakit?”

“Come on, romance novelist! You’re in love with him, he’s in love with you. Kiss and make up.”

Napaisip siya doon. Pero sa bandang huli, hindi niya ito hinabol.  Am I in love with him?  “Hindi tayo sigurado diyan, Xeiji. Tara uwi na tayo.” 

Bahara ka nga buhay mo.”

Naghiwalay na sila ng way nito dahil susunduin pa nito ang kasintahan sa trabaho.  Siya naman ay dumalaw muna sa puntod ng kanyang mga magulang at kapatid. Pero hindi talaga mawala sa isipan niya si Excel. Lately ay si Excel na lang ang favorite topic ng utak niya. His expressive eyes, his sweet smile, his laughs, his good reputation as a policeman, his sweet words, his sweet concern. At tuwing naiisip niya ito ay nagrarambol ang puso niya. Daig pa ang may car racing ng mga hamster sa puso niya kapag naaalala niya ito.

“Ma, Pa, Yohniel, sa tingin n’yo? Am I in love with him?”

             Napabuntong-hininga siya. Hindi  niya alam kung handa ba siyang mahalin ito. O mas tamang sabihing, kaya ba niyang kayanin ang maging girlfriend nito? Kung may gusto rin ito sa kanya gaya ng sinabi ni Xeiji, bakit bigla na lang itong lumalayo sa kanya?

Magulo pa rin ang isip niya nang bumalik siya sa kotse. Nagulat na lang siya nang isang punpon ng bulaklak ang nakapatong sa bubong ng kotse. Kinuha niya iyon at binasa niya ang nakalakip na sulat.

                Lanlan, sorry for the cold treatment. Hope this would give you a warm smile. Looking at you from afar, Excel.  

                Napangiti siya nang bumilis ang tibok ng puso niya. Woohoo! Luminga-linga siya at nang lumingon siya ay nakita niya si Excel.

                He lovingly walked towards her.

                “Paano mo nalamang andito ako?”

                “Pulis ako, Lanlan. Trabaho ko ang magmanman at maghanap.” He held her hands nang hustong makalapit ito sa kanya. “Sorry na sa ginawa ko.”

                “Hmm, kasalanang mortal ang mandedma sa isang napakagandang nilalang ng planet na ito,” pabirong hirit niya.

                “Oo na, kasalanan ko na nga. Sorry talaga.”

                “Bakit nga kasi hindi mo sinasagot ang call ko pati text ko? Isnabero ka pa kanina. Wala naman akong utang sa’yo ah.”

                Sumimangot ito. “Wala, selos lang iyon,” pabulong na sagot nito.

                “Ha?”

                “Wala. Sabi ko, ihahatid na lang kita sa inyo. Akin na ang susi.” Iniabot niya rito ang susi ng kotse. At sumakay na sila. Ito ang nagmaneho ng kotse niya.

                She teasingly smiled while looking at the flowers.  Bubulong ka rin lang, nilakasan mo pa! Homaygad! I’m in lab!

                “Love the flowers?” tanong nito.

                “Ah yes. Ngayon lang may nanligaw sa akin na hindi roses ang ibinigay sa akin kundi assorted flowers na hindi ko alam kung anu-ano. Pero maganda, I love it.”

                “Eh iyong nagbigay?” He grinned.

                “Uuuy, lumilinya na ulit ang isang bata,” hirit niya. “Naka-recover na siya.”

                Tumawa ito. “I miss it.”

                “Ako rin, na-miss ko iyang paglinya mong ‘yan.”

                “And I miss you, too.”

                “Yeah, right. Kasalanan mo naman iyon.”

                “Oo nga.”

                May naisip siyang idea para hulihin kung totoong nagseselos nga ito kay Xeiji. “Excel, anong tingin mo kay Xeiji?”

                Muntik ng magbunyi ang puso niya nang awtomatikong umasim ang mukha nito nang marinig ang pangalan ng abugadong Hapon na iyon.

                “Hindi ako bading kaya hindi ko siya type.”

                Tumawa siya. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”

                “Well, kilala ko siya. Public attorney, magaling na abugado, kaso mukhang mayabang, suplado, masungit at bolero. Hindi kayo bagay no’n.”

                “Wala naman akong sinabing bagay kami ah. At saka, mabait naman  si Xeiji. Thoughtful iyon at caring at—”

                “Ayoko siyang pag-usapan, baka hindi ako matunawan.”

                “Hindi naman tayo kumakain ah.”

                Nagpreno ito dahil nasa tapat na sila ng bahay niya. “Maaalala ko iyang mga pinagsasabi mo ‘pag kumakain na ako.”

“Eh ano naman?” Binalingan niya ito at saka niyang natuklasang nakatingin lang ito ng mataman sa kanya. At pawang na-hypnotize na hindi niya matanggihan ang pagtitig nito sa kanya. “Bakit ganyan ka makatingin?”

                “Mahal mo ba siya?” bagkus ay tanong nito.

                “Si Xeiji?”

                “Hindi, si Pong Pagong,” pilosopong sagot nito sabay simangot.

                She touched his cheeks. Ikinulong niya ang mukha nito sa mga kamay niya. “Hindi ko siya mahal, hindi na siya nanliligaw sa akin at engaged to be married na siya kaya wala kang dapat ikaselos diyan okay!”  Then she turned her attention to the flowers again bago pa siya mag-blush sa ginawa niyang iyon.

                Biglang nagliwanag ang mukha nito. “Selos? Hindi ako nagseselos ano!”

                “Oy, kahit pabulong ang sinabi mo kanina, malinaw kong narinig iyon. Malakas ang radar ng tenga ko ano. At kasisimba mo pa lang kanina, bawal magsinungaling.”

                He chuckled. Napakamot ito sa batok. “Alright, I got jealous. I can’t help it. Pati ako nga nagtataka sa sarili ko kung bakit ako ganon sa’yo.” Ngumisi ito.  “So pumapayag ka na ring ligawan kita?”

                Wooh! Aylabyu! “Ha?”

                 “O kanina sabi mo ngayon lang may nanligaw sa’yo na ganyang klase ng bulaklak ang ibinigay. So ibig sabihin, nagpapaligaw ka na sa akin. Kasisimba lang, bawal magsinungaling,”  nakangiting sambit nito.

                Napatawa siya. “Naisahan mo ako do’n ah. Pero sige, matinong ligaw ha. Siguro naman alam mo ang ibig sabihin noon.”

                “Oo naman. Salamat, Lanlan.”

                Nahigit niya ang hininga nang bigla na lang itong lumapit sa kanya. “Excel…”

                Without breaking an eye to eye contact he moved closer. Dumoble ang kabog ng puso niya kaya napapikit siya. Teka lang… manliligaw ka pa lang di ba? Masyado kang mabilis…

Niyakap siya nito at nasamyo niya ang pinaghalong natural scent at perfume nito.  Oh Lord, thank you pinalabas N’yo ako ng kumbento. Until she heard a click from her seatbelt. Tinanggal lang pala nito ang seatbelt niya. Laglag na naman ang pantasya niya. She opened her eyes with dismay and saw him lovingly staring at her. Halos yakap pa rin siya nito.

                “You’re more beautiful when you’re blushing.” Hinaplos nito ang pisngi niya.

                Pakiramdam niya ay umakyat na sa tenga niya ang pamumula niya dahil sa ginawa nito. “Can you move a little away from me?”

                “But why? You don’t like me this close?”

                No, I like you closer! Yeh! “Hindi iyan matinong panliligaw, Excel. Saka na ang mga eksenang ganyan ‘pag naging tayo na, okay?”

                He immediately moved away. Bumaba ito ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto.  “Buksan mo ang gate, ako na ang magpapasok ng kotse mo sa garahe.”

                Pagkatapos nitong i-park ang kotse niya ay nilapitan ulit siya nito. “May kasama ka ba dito?”

                “Mamayang gabi pa babalik si Nanay Ising. Don’t worry, safe naman dito sa subdivision tsaka, diyan lang sa tapat ang bahay ni Xeiji. Next month pa kasi ang uwi ni Yohann mula sa US Tour nila.”

                “Ganon ba? Sige mag-iingat ka dito ha. Aalis na ako. Tawagan mo ako kung magkaproblema ha.”

                “Ayaw mong pumasok muna?”

                “Gusto syempre kaya lang may duty pa ako sa presinto. Next time promise.” Papalabas na ito nang tawagin niya ito. “Bakit?”

                Kinuha niya sa bag ang nobelang ginawa niya para dito. Ibinigay niya iyon dito. “Ngayon nga pala ang release ng novel na iyan sa market. Complimentary copy mo iyan.”

                “Uy, salamat. May authograph ba ito?” Binuklat nito ang libro at binasa ang dedication na ginawa niya. “To my one and only awesome inspiration in this novel, Excel.  Thanks for the wonderful time of laughing out loud with you. Sana maulit. Yihi! Mwah.” Binalingan siya nito. “Kiss iyon di ba? Di ba dapat dito iyon o dito?” Itinuro nito ang pisngi at labi nito sabay nguso.

                Isinalubong niya sa labi nito ang palad niya. “Manligaw ka muna. Sige na, thank you ulit sa flowers.”


           
     Hinalikan nito ang palad niya. It gave another rush of current inside her system. “Thank you rin dito.” Then he waved goodbye as he walked out of the gate.




PREVIOUS                                                                       NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…