Skip to main content

Strange Feeling of Love- Chapter Eight




Isang blanket ang bumalot sa kanya kasabay ng human blanket na yumakap mula sa kanyang likod. She knew the familiar scent. 

 “Masyadong malalim ata ang iniisip mo ah. Nag-iisip ka ba ng isusulat na kwento?” 

“Hindi. Teka, humihinga ka pa ba?” biro niya. “Anong mga pinagsasabi ng mga iyon sa’yo?”

Bumitaw ito sa kanya at umupo sa tabi niya. “Secret ng mga lalaki na iyon e. Hindi na pwedeng sabihin. Kung anuman iyon Lanlan, lahat ng napag-usapan namin ay para sa ikabubuti mo. Mahal ka kasi nila kaya gusto nilang makasiguro kung gaano kita kamahal. Medyo nawiwirduhan lang ako kasi kung makapagsalita sila parang bukas itatanan na kita. Di mo pa nga ako sinasagot e.”

“Pasensya ka na sa kanila. Ma-emote lang talaga kasi ang mga iyon.”

Hinawakan nito ang kamay niya at pinagsalikop ang mga iyon. Their hands looked good together. “Naging honest ako sa pamilya mo. Nakakahiyang isipin pero wala akong nagawa kundi sa simula pa lang, aminin sa kanila ang totoo.”


“Na ano?”

“Na mahirap lang ako. Na hindi ko kayang pantayan ang yaman ng angkan ni’yo kahit ipunin ko ng buo ang buwanang sweldo ko. Pero kaya naman kitang buhayin kung sakali. Hindi nga lang kasing luho—”

“It doesn’t matter, Excel.”

“Iyan din ang sinabi ng Tito mo.”

“You have a stable job and you have something saved for the future. Kahit magharap ka pa sa akin ng hari ng pera hindi ko iyon papansinin kasi andiyan ka na. Just hold your promise to be the best man for me as I promise to be the best woman for you. Iyon lang naman ang mahalaga sa akin.”

Nagkatinginan sila. He lovingly caressed her cheeks that gave her the familiar heartbeat. “I love you, Lanlan. It wouldn’t be easy to have you ‘cause I can’t promise to give you everything more than your family gave you but I’ll do my best to give you a happy life. I think I really have nothing to offer. The only thing I can give you is my life. For it all includes my heart, my soul, and my infinite love for this very special girl I’m holding right now.”

Her heart danced as he lovingly gaze at her as if telling the whole world that she was the only woman he would stare like that on this lifetime. He finally said it. Mahal siya ni Excel. Bagama’t matagal na niyang alam iyon sa gawi nito, iba pa rin pala sa pakiramdam na narinig na niya ang mga salitang iyon dito.

“Excel…”

He suddenly held her nape and slowly moved closer to her face. Eto na naman ang eksenang ito. This time sinisiguro na niyang makukuha na niya ang inaasam-asam na first kiss. Kapag pumalag pa ito at nagpalit ng plano, siya na mismo ang hahalik dito. Care about her demure, conservative and holy image? Gusto na niya ng first kiss. And she’s old enough to have it.

Pero hindi na niya kailangang maging aggressive. She felt his warm breath against her lips. Niyakap siya ni Excel at masuyong hinalikan siya. The moment their lips touched, thousands of sweet emotions rushed her system that only spoke of one great word—Love.  Yes! Success!

“I love you so much, Lanlan,” he whispered in between sweet kisses. “I want to be with you for the rest of my life.”

Maingat ang bawat paghalik nito na pawang iniingatan ang bawat pagdampi ng labi nito sa kanya, puno ng respeto at puno ng pagmamahal.

After few minutes of cinematic kissing scene their lips parted. They’re both chasing their breath when he suddenly smiled. “You lovingly answered to my kisses. Does it mean—”

“Thank you for loving me, Excel.” She gave him a quick kiss on his lips. “And I love you so much, too.” Another quick kiss again. “And that’s you’re reward for being my first and last boyfriend.”

“Thank you, girlfriend!” He kissed her softly again and embraced her.

Napahikab si Lanlan. Tumawa si Excel.

“Pang-sleeping pills ba ang halik ko?”

Tumawa rin siya. “Sira! Higit 24 hours na akong gising kaya. Antok na antok na ako.”

Tumayo ito at hinawakan ang kamay niya. He helped her stood up. “Tayo na diyan. You better take a good rest now.”

Nahilo si Lanlan nang tumayo siya.

 “Lanlan?” Maagap naman na naalalayan siya ni Excel.

 “Sandali…” Bigla siyang nabuway. Mabuti na lang at yakap siya nito. “Carry ko ‘to. Antok at pagod lang ito, ipapahinga ko na lang—uy!” Nagulat siya nang buhatin siya nito. “Ibaba mo ako, kaya ko pa.”

“Nahilo ka na kaya. Matulog ka na lang diyan, ihahatid kita sa kwarto mo.”

“Alam mo naman ba kung saan ang kwarto ko?” Ipinulupot niya ang mga braso sa leeg nito.

“Oo naman, ikinuha nga kita doon ng blanket di ba? Mukhang kwarto nga iyon ng bata. Kunsabagay, para kang bata. Ang gaan mo. Mas mabigat pa ang kapatid kong bunso kesa sa’yo.”

“Tse!”She smiled while lovingly staring at him. “I love you, boyfriend.”

He kissed her forehead. “I love you, girlfriend.”

They’re officially on and she was very much happy. Pumikit siya at mabilis na dinalaw ng antok habang buhat-buhat nito.


DALAWANG BUWAN nang nag-training si Excel sa Crame. At sa loob ng mahabang panahon na iyon ay tinatawag-tawagan lang niya si Lanlan para kamustahin. Hindi kasi siya makalabas ng Crame hangga’t hindi pa siya tapos sa training niya.

Magkakalahating taon na ang relasyon nila. Things were getting exciting from time to time. Lalo kasi nilang nakilala at lalo rin nilang minahal ang isa’t isa. Marami na rin ang nabago but those changes were for the better of course. Pumapasok na sa opisina si Lanlan kaya mas madalas na silang magkasama compared noon na sa gabi ito gising at tulog ito sa umaga.  Palagi niya itong sinusundo ‘pag wala siyang special operation na hinahawakan. All access na rin sila sa ilang mga pribadong bagay sa isa’t isa.
         
         He grabbed his cellphone and dialed her number. Pangatlong trial na niya iyon at wala pa ring sumasagot. Nag-aalala na siya. Kahapon kasi ay nalaman niyang nilalagnat pala si Lanlan at halos maya’t maya ang atake ng hika nito. Sa ikaapat na dial ay sumagot na ito.

                “Lan, kamusta ka na?” agad na tanong niya.

                “Okay lang ako.” Mas masigla na ito kumpara kahapon. “Magaling na ako at hindi na ako hinihika. Pumasok na nga ako sa trabaho kanina. Ikaw kamusta ang training mo?”

                “Okay lang naman ako dito, mas inaalala kita. I miss you,” sambit niya.

                “Ako din. Miss na kita. Ano? Uuwi ka na ba? Ang tagal mo na diyan ah. Baka may girlfriend ka na diyan, ipinagpalit mo na ako.”

                He smiled. “Puro lalaki ang mga kasama ko dito.”

                “Eh di boyfriend.” She laughed.

                He laughed. “Sira ka talaga. Baka naman ikaw ang may ibang lalaki diyan ha. Kapitbahay mo lang ang abugadong hapon na iyon. Dinadalaw ka ba ni Xeiji?”

                “Hanggang ngayon ba naman, nagseselos ka pa rin kay Xeiji?”

                “Hangga’t hindi pa siya ikinakasal, threat pa rin siya sa akin.”

                “Ikinasal na siya kahapon. Civil wedding muna, next year na daw sila magpapakasal sa church. Busy siya sa asawa niya kaya hindi na niya ako iniistorbo.”
                “Good!”

                “Good ka riyan. Kelan ka uuwi? Miss ka na rin ni Ceni? Malaki na ang pet dog mo, hindi na kasya sa dog house.”

                “Uuwi na ako bukas. Yaan mo gagawan natin ng bagong bahay si Ceni pagbalik ko. Lanlan…”

“Bakit?”

 “I’ve been longing to see you. Sobrang miss na kita.”

“Ikaw naman! Uuwi ka na bukas, ngayon ka pa nag-inarte.”

He laughed. “Ikaw talaga, panira ka sa page-emote ko sa’yo. So I’m expecting you tomorrow sa bahay?”

“Oo naman. Inayos ko nga ang bahay mo, sana magustuhan mo.”

Napakunot ang noo niya. “Inayos mo?”

“Oo, wala naman kasing ka-art-art ang bahay mo. Nangati ang kamay kong pakialaman e. Katulong ko nga si Tita Cedes at iyong kapatid mong doctor, si Lauren at pati si Pae Yong. Bonding moment na rin namin iyon.”

Natigilan siya. He wondered what she did on his house. Baka gumastos ito ng malaki. Baka ginawa nitong fully-furnished ang bahay niya. Baka hindi na niya makilala ang bahay niya dahil naging bahay na iyon ng mayaman.  And he hated what he was thinking right now.

“Excel? Are you still there? Tinulugan mo na ata ako e.”

Natauhan siya sa malalim na pag-iisip. “Ah, lowbat na ako, Lanlan. See you tomorrow ha. Sige na, magpahinga ka na ha. I love you.”

“Okay ingat ka diyan. I love you.”

Malalim pa rin ang iniisip niya nang mag-ring ang phone niya. Sinagot niya iyon.

“Mr. Almendral, can you drop by our branch tomorrow for the update of your passbook?” Empleyado ng bangko kung saan siya nag-iipon ang tumawag.

“Update? Bakit?” Dalawang buwan na siyan g hindi nakakapag-deposit para sa account na iyon na nilalaan niya para sa future nila ni Lanlan.

“Yes Sir, pumasok na po kasi sa account n’yo iyong fifty thousand pesos from Ms. Yhaelani Custodio’s account. Money transfer po iyon, Sir.”

“Ha?” Daig pa niya ang naputukan ng bomba sa narinig niya. Una, inayos ni Lanlan ang bahay niya na bihadong pinagkagastusan nito. Pagkatapos ay malalaman pa niyang nagde-deposit na ito ng pera sa bank account niya. And what will be next?

“Sir?”

“Ah, yes. Sige.”

Naguguluhan na siya. He was trying his best to stay calm. He didn’t want to get angry with Lanlan. Pero hindi niya maitanggi sa sariling nasasagi na ang pride at ego niya. Alam naman nito na pagdating sa pera ay ma-pride talaga siya. Kaya nga hindi niya maintindihan kung bakit nito ginawa ang mga iyon.

Kinaumagahan ay maaga siyang sinundo ni Pae Yong. Dala nito ang Soltera niya. “Akala ko isasama mo si Lanlan,” bungad niya kay Pae Yong pagkasakay niya sa sasakyan. “Palit tayo. Ako ang magda-drive.”

Nagpalit sila ng pwesto nito. Maya-maya pa’y nasa byahe na sila.

“Hindi ko na isinama si Lanlan kasi bigla siyang inatake ng hika niya. Mabuti nga nasa bahay mo rin sina Tita Cedes at Lauren.”

“Ano?” Bigla siyang nag-alala. He immediately put the headset of his cellphone to his ear and dialed Lanlan’s number pero walang sumasagot. Sunod niyang tinawagan ay ang kapatid. “Hello Lauren, kamusta si Lanlan?”

“Okay na siya kuya, natutulog lang siya. Pinagpahinga ko muna kasi medyo malala iyong atake niya kanina e. On the way ka na?”

“Oo, alagaan mo siyang mabuti ha. Sige.”

Napabuntong-hininga siya.

“Alam mo ang swerte mo sa girlfriend mong iyon. Ang galing niyang mag-ayos ng bahay. Super ganda ng bahay mo ngayon parang bahay ng mayaman. Ang galing ng mga creative ideas ni Lanlan,” sambit ni Pae Yong. 

“Magkano kaya ang ginastos niya sa bahay ko?” seryosong tanong niya.

“Anong problema mo, Excel? Hindi naman pera ang pinag-uusapan natin kundi ang swerte—”

“Swerte dahil mayaman siya? Dahil maambunan ako ng yaman niya?” sarkastikong sambit niya.

“Haay, inaatake ka na naman ng pride and ego mo. Bahala ka nga sa buhay mo!”

Nanahimik na sila sa buong byahe hanggang sa makarating sila sa bahay niya. walang imik na bumaba ng kotse si Pae Yong at pumasok sa bahay niya.

Gaya ng inaasahan, iba na ang itsura ng bahay niya. Sa labas pa lang ay iba na. May pintura na ang bahay niya at landscaped na ang garden. May mga bagong halaman pa na nakatanim doon.

“Nag-andropause na ata iyang boyfriend mo’t mainit ang ulo. Ingat ka na lang sa kanya, Lanlan,” narinig niyang sambit ni Pae Yong.

Pumasok siya sa bahay. May bagong kurtina, bagong thow pillows,  at may mga bagong handricraft decorations. Nagmano muna siya sa kanyang ina at humalik sa pisngi ni Lauren.

Sinalubong din siya ni Lanlan ng yakap. Bahagya niyang nakalimutan ang sentimyento niya nang mayakap niya ito. He missed her so much.

“Hinika ka daw, okay ka na ba?” tanong niya. He awarded her a quick kiss on her lips.

“Okay na ako. Alam mo naman ang hika ko. Kapag tumalab na iyong inhaler ko, okay na.”  Masayang inilibot nito ang paningin sa bahay. “Anong tingin mo sa bahay?”

Nilingon niya ang ibang andoon. “Mag-uusap kami ni Lanlan, iwan nyo po muna kami.” Pagkatapos ay binalingan niya ito.

“May problema ba? You look uneasy,” sambit nito.

Pumikit siya ng mariin para pigilan ang galit sa puso niya. “Lanlan, bakit mo ginawa ito?”

“Ha? Gusto ko lang naman na ayusin ang bahay mo. Aprub naman kay Tita Cedes at Lauren.” Kumunot lang ang noo niya. “Hindi mo ba nagustuhan ang design?”

“Hindi ang design, hindi ang mga inilagay mo sa bahay ko. Hindi ko gusto ang ginagawa mo sa akin. You make me feel incapable of something. I don’t want you to spend money for me. May pera rin ako, Lanlan. Hindi nga iyon kasing dami ng meron ka pero hindi mo naman kailangang gastusan ako.” Bahagyang tumaas ang tono niya.
           
          “Alam ko naman na abot-langit ang pride mo sa pera. I’m doing my best para hindi ko masagi ang ego mo. Hindi naman kita ginastusan ah.  Ano ba’ng problema mo?”
     
           “Bahay ko ito, Lanlan. Bawat sulok, gamit, at materyales ng bahay na ito e galing sa ipon ko, sa pinaghirapan ko. Bago ko pa maipundar ito, taon ang binilang. Tapos ano? Inayos mo lang ng pera mo o pera ng pamilya mo?”

                Nanubig ang mata nito. “Hindi ko na gusto ang naririnig ko sa’yo,” sambit nito sa mababang tinig. “Wala akong ginastos ni singkong duling nang ayusin ko ang bahay mo. Lahat iyan, pinaghirapan ko-”

                “Di ako naniniwala sa’yo.”

                “Patapusin mo muna ako sa explanation ko!” Tumaas na rin ang tono nito.

                “Ipagpipilitan mo lang naman na hindi issue ang pera sa atin e. Well in fact, it is. Ipinaparamdam mo na nga sa akin na mayaman ka, ako hindi. Na marami kang bagay na makukuha sa sarili mo lang na hindi ko kayang ibigay sa’yo.”

                “Ikaw lang naman ang gumagawa ng issue, Excel! I don’t look at you with monetary value kaya pwede mo ng itakwil iyang pride at ego mo.”

                Her words stroke his head. “Yes I do have pride and ego. Wala namang masamang magkaroon noon.”
                “It’s not good if you will not put it in a right place.”

 He knew his hurting her feelings and evidences showed. Tumulo ang luha nito sa harap niya. He was about to wipe those tears away nang umiwas ito.

 “Itanong mo pa sa nanay mo kung ayaw mo talagang maniwala. Pero talagang wala akong nilabas na pera para sa bahay na ito.” Kinuha nito ang shoulder bag sa sofa. “Kung ayaw mo talaga ng pinaghirapan kong ito para lang sa’yo, okay fine. Babalik na lang ako bukas para alisin lahat ng pinaghirapan ko.”  Papalabas na ito nang tawagin niya ulit ito.
            
             “Iyong fifty thousand sa bank account ko, i-withdraw mo. I really don’t need your money. Maiipon ko rin naman iyon.”

               Hindi na ito nag-abalang balingan siya. Narinig na lang niya ang paghikbi nito. “It’s not for you. It’s for our future. Akala ko kasi, girlfriend mo ako e. Sorry. Akala ko rin kasi, kasama ako sa future na pinaghahandaan mo. Mukhang hindi naman pala. Iyong perang iyon, hindi iyon galing sa yaman ng Santos  at Custodio. Sweldo ko iyon ng ilang buwan. Pinagpaguran ko rin iyon. Gusto ko lang namang maki-share sa ipon para sa future natin. Masama ba iyon? Ganon naman talaga dapat iyon di ba? Hindi ko iyon iwi-withdraw. Itapon mo gusto mo.”

Natauhan siya sa sinabi nito. Before he finally realized that he did something wrong, she already walked out. Ang tunog ng kotse nitong papalayo na lang ang narinig niya.

Bagsak ang balikat na napaupo siya sa sofa. What did I do to her? All along, ang lahat ng ginawa ni Lanlan ay para sa ikabubuti ng future nila. Siya ang naging insensitive, siya ang naging irrational, at siya ang naging immature at conceited mag-isip. He remembered the pain in her eyes. Sinira niya ang pangako niya dito na hindi niya ito sasaktan.

“Anak, bakit mo naman ginawa iyon sa kanya? Mahal ka ng batang iyon,” sambit ng nanay niya.

“Ang laki ng hirap niya dito, kuya. Doon pa lang,  nasiguro ko na na magiging mabuti siyang asawa sa’yo tapos paiiyakin mo lang pala. Sana pinauwi ko na siya kanina pa. Masama pa naman ang pakiramdam niya. Ang sama mo kuya,” gatong pa ni Lauren.

“Tumingin ka sa paligid mo at alalahanin mo kung saan mo unang nakita iyang mga bagay na nasa paligid mo. Totoong hindi siya gumastos kahit piso dahil sabi niya, ayaw niyang magalit ka sa kanya,” dagdag pa ni Pae Yong.

He did. At ngayong napagmasdan na niya ang bawat detalye ng bahay, lalo niyang napatunayan ang napakalaking pagkakamali niya.

“Lahat iyan, siya ang tumahi at siya ang gumawa. Ang tela ng kurtina, throw pillows at bedsheet, ikaw naman ang bumili niyan noon di ba? Ibinigay lang namin iyan sa kanya. Even the handricrafts, isa-isa niya iyang ginawa gamit ang scrap materials sa likod-bahay mo. Wala siyang pakialam kung nagkasugat-sugat ang kamay niya kasi gusto ka niyang mapasaya. Ganon ka lang naman niya kamahal, kuya. Ikaw? Itatapon mo na lang ba siya dahil sa ego mo? Nasa’n ang kuya ko? Hindi ikaw iyan,” napapailing na dagdag pa ni Lauren.

“I’m sorry…” It’s all he can say. Alam niyang hindi niya pwedeng habulin ngayon si Lanlan dahil bihadong hindi siya nito haharapin. Magpapalipas muna siya.


PREVIOUS                                                               NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…