Skip to main content

My Dearest Someone Else- Chapter Two





Abala si Aya sa pagi-internet gamit ang laptop ni Hyde kasabay ng panaka-nakang paglantak ng chocolates na pasalubong niya sa mga lukarit na kaibigan. Siya na rin ang naunang umupak sa pasalubong niya. Hindi kasi niya matatanggihan ang temptation ng chocolates sa sistema niya. Ganon talaga ang adik.

Maya-maya lang kasi ay pabalik na siya ng Maynila kaya sinasamantala na niya ang lahat-lahat. Matapos silang ihatid kahapon ni Lem ay agad din itong nagpaalam dahil may dadaanan pa daw itong importante sa Los Baños. Kasalukuyang hinahalungkat niya ang Friendster account ni Lem. Uusisain niya sana kung may picture ito kasama ang girlfriend nito. Hindi kasi nito ugali ang ipakilala sa kanya ang mga nagiging girlfriend nito kaya siya na lang ang gumagawa ng paraan para makita kung ano ang hitsura ng mga nagiging girlfriend nito. Pero tulad ng dati, wala pa rin siyang napala sa paghahalungkat ng friendster account nito. Walang picture ng kahit sinong babae sa account nito maliban sa kanya. Siya lang ang kabukod-tanging babae sa mga pictures.
          
           “Nakakapagtaka naman ito?” Naka-view sa monitor ang picture nila ni Lem sa account nito na kung iba ang titingin ay mapagkakamalang picture ng mag-syota.


                “Bakit? Nagloloko na naman ba ang internet connection ko?” Nasa likod na pala niya si Hyde. Hindi na niya namalayan ang pagdating nito. Napatingin ito sa monitor. “Aba, mukha kayong maglabi-dudes dyan ah. Umamin ka nga, bata ka. Boyfriend mo ba yang si Lem?”

                Napamulagat siya. “Whaaat?!!! Naku, ate maawa ka sa akin. Waah. Di ko type ang gagong iyan!” eksaheradong reaksyon niya.

                “Ow, talaga lang ha?” maintrigang sambit ni Thea na abala sa pagsusulat sa lesson plan nito.

                “Aba! Tamaan man kayong lahat ng kidlat ngayon! Hinding-hindi ako papatol sa lokong yan! Cannot be!”

                “Eh bakit ganyan ka mag-react eh nagtatanong lang naman kami?” sabat ni Setty na nakikinig din pala sa pagitan ng pagte-text.

                “Bakit? Ano ba masama sa reaksyon ko ha? Eh sa hindi ko nga type ang lokong iyan. Ni sa bangungot nga hindi ko yan inasam. No way, highway!!!” Mataas pa rin ang tono ng reaction niya.

                “Alam mo kung anong masama sa reaction mo? Mukhang super-duper in denial ka,” sambit ni Hyde.

                “Whaaat?!! Paano nyo nasasabi yan?”

                “Exaggerated ka kasi!” sabay-sabay na tugon ng mga ito pagkatapos ay tumawa.

                Napakunot-noo siya. Ano ba mga bruha?!!!!  Binalingan niya ang picture nila ni Lem na naka-view pa rin sa monitor. Hindi naman talaga ah… Gwapo ka nga pero ayaw ko sa lalaking hindi ako hahabulin. Gusto ko iyong ipaglalaban at ipagtatanggol ako hanggang sa dulo ng walang hanggan, magpakailanman, maging sino ka man, ako’y sa ‘yo at ika’y akin! Napatawa rin siya ng lihim nang ma-realize na puro kantang makaluma ang mga pinagsasabi ng utak niya.

                “Wag mong masyado pakatitigan at baka magkatotoo ang prediction namin.”

                Nilingon niya si Hyde. “Ano na naman iyan? Tigilan nyo nga ako! Kinikilabutan na ako sa inyo. Asikasuhin nyo ang mga love life nyo at wag ang sa akin.”

                “Love life daw. So, is that your way of admitting the fact that, that Lem guy is someone like a love interest?”  hirit na naman ni Thea.

                “Enough! Tama na! Waahh. Kasumpa-sumpa kayo!” Ni-log out na niya ang friendster account niya at nagmartsa papasok sa kwarto niya.

                “O saan ka pupunta?” tanong ni Setty. “Ikaw naman binibigyan ka lang namin ng love life eh napipikon ka na agad. Tatanda kang dalaga, Aya kapag ganyan ka. Gusto mo ba yon?”

                “Tse! Mag-aayos na ako ng gamit. Sa Maynila muna ang trabaho ko kasi mas high-tech ang ang laboratory namin doon.”

                “Ako rin pala, sisibat na rin ako mamaya. Sa Batangas ang area ko ngayon eh. Mga isang buwan ako dun. Uuwi muna ako sa bahay namin sa Lipa. Bibisita na lang ako dito pag weekends,” sabi ni Setty.

                “Kasama nga pala ako sa Science Fair ng mga estudyante ko sa Baguio. Matatagalan  kami dun,” sabat ni Thea.

                “Teka, iiwan nyo ako dito? Mga balahura kayo!” singhal ni Hyde.

                “Parang ganon na nga,” pagkumpirma ni Thea.

 “Okay lang iyon, sis. At least makakapagsulat ka ng maayos na walang istorbo,” sambit ni Setty bago ito pumasok sa silid nito.

“Anong walang istorbo eh magre-renovate nga dito.”

                “Ikaw na ate ang bahala sa renovation. Tawagan mo na lang ako kapag nagka-problema,” nagdiretso na siya sa kwarto.
               

                HINDI nakisama sa kanya ang panahon. Malakas ang buhos ng ulan pero wala siyang choice kundi ang mag-abang na ng masasakyang jeep dahil kundi pa siya magsisimulang magbiyahe ay aabutin siya ng hating-gabi sa daan. Delikado pa naman ang daraanan niya papunta sa inuupuhan niyang apartment sa Sampaloc. Letseng ulan! Kahit nakapayong siya eh basang-basa pa rin siya. Wala pang dumaraan na jeep at kung meron man ay puro puno na ang mga iyon. Eh, saan ako sasakay? Sa bubong ng jeep? Nakakainis naman! 

                Nauubos na ang pasensiya niya nang biglang huminto sa harap niya ang isang pamilyar na kotse. Bumaba ang bintana at nakita niya ang nakangiting driver. Di niya mawari kung bakit biglang tumalon ang puso niya. Ngayon lang ata nagka-impact sa kanya ang pagngiti ni Lem.   Ah, wala ‘to.. side effect lang ‘to ng panunulsol ng mga lukarit kong kaibigan.

                “Hoy! Sumakay ka na. Mabubulok ka lang dyan sa kahihintay. Punuan ang mga sasakyan ngayon kasi konti lang ang nabyahe.” Binuksan pa nito ang pinto para sa kanya kaya hindi na siya nakatanggi.

                Nang makasakay na siya sa passenger seat ay agad iniabot nito sa kanya ang isang malinis na tuwalya.

                “Punasan mo nga ang sarili mo. Baka magkasakit ka niyan pare,” sambit nito.

                “Salamat!” Tinanggap niya ang tuwalya na naging dahilan ng pagdampi ng kamay nito sa kanya. Lumundag na naman ang puso niya. Oh no! masama na ‘to. Taken si Lem. Maepal kong puso wag ngayon! Ipinunas na nga niya ang tuwalya sa basa niyang braso at binti.

                “Saan ba ang destinasyon mo, Aya?” tanong nito nang buhayin nito ang makina at nagsimulang magmaneho.

                “Ha? Sa Manila na. Di ba sabi ko nga sa ‘yo kahapon eh sa Manila muna ang trabaho ko. Kumuha lang naman ako ng matitinong damit doon sa rest house. Ikaw saan ka?”

                “Pa-Manila na rin. Ihahatid na lang kita. Mahirap magbyahe ngayon. Nakitulog na kasi ako sa bahay ng girlfriend ko sa Los Baños kagabi.”

                Nilingon niya ito. Wala na ang bakas ng ngiti na nakita niya sa mukha nito kani-kanina lang. Sumeryoso na ang ekspresyon nito. “Akala ko nasa Cebu girlfriend mo.”

                “Umuwi siya dito para magbakasyon,” lumungkot ang mukha nito. Waring alam na niya ang kasunod na sasabihin nito. “at para makipaghiwalay na sa akin.” Di nga siya nagkamali sa hinala.  “Alam mo, napag-isip isip ko na tama ka. Dapat magtino na nga ang perception ko sa love. Kinain ko na ang pride ko sa unang pagkakataon. Hinabol ko siya at gumawa ako ng matinding effort para di siya makipaghiwalay sa akin pero di na siya pumayag.”

                “Ano ba ang…dahilan ng break up nyo? Marami pang iba dyan, Lem.” Nahahabag siya sa hitsura ng kaibigan nya. Halata sa mukha nito ang halu-halong pain, frustration, at sadness. At hindi niya maintindihan din ang sarili niya. Pawang nasasaktan din siya habang nakikita ang hitsura ng pobre niyang kaibigan. Bakit ka nila sinasaktan ng ganyan, Lem? You don’t deserve this.

                “Iyon nga ang hindi ko pa maintindihan. Sa tatlong naging girlfriend ko, pare-pareho ang sinasabi nila noong nakipaghiwalay sila sa akin. Hindi daw nila maramdaman na minahal ko sila as if I’m not capable of showing emotion. I’m in love with someone else daw. Damn it! Wala akong ibang babae. Loyal ako, one at a time. Tapos pagbibintangan nila akong may ibang mahal. Mabuti sana kung kilala ko ang lintik na ‘someone else’ na ‘yon kaso wala akong alam na ibang babaeng tinuturo nilang mahal ko daw.”

                “Did you dare to ask kung sino iyong tinutukoy nila?”

                “Yeah, but they opt to tell me directly who the hell is that ‘someone else’ is. Kilala ko daw yon at dapat ako mismo ang makatuklas kung sino iyon. Unconciously, minamahal ko daw ng sobra ang ‘someone else’ na iyon. Pakiramdam ko nga pinagtripan lang ako nung unang may nakipag-break sa akin sa ganoong dahilan. Pero pangatlong beses na ‘to. I need to take this seriously.”

                “So, what’s your plan?” tanong niya.

                “I’ll be looking for that ‘someone else’. Nilingon siya nito. “Kelangan niyang patunayan sa akin na karapat-dapat nga siya sa pagmamahal ko sa kanya.”

                “That’s stupid.”

                “Hindi ka pa nai-in love kaya mo nasasabi iyan.”

                Tumahimik siya. Dahil totoo naman ang sinabi nito. Hindi pa nga siya nai-in love kaya puro opinyon lang mula sa kung saan-saang sulok ng utak niya ang kaya niyang ibigay. At kadalasan sa mga opinyon niya ay walang basehan na experience. Pero hindi niya talaga maintindihan ang kawirduhan ng mga taong nai-in love. Masyado nga sigurong makapangyarihan ang love kaya kung anu-ano ang nagagawa ng mga taong in love makuha lang ang taong mahal nila.

                “Aya…”

                “Hmm?”

                “Wag ka basta-basta makikipag-date sa kung sino lang ha. Kung may balak kang mag-date, ipakilala mo muna sa akin ang makikipag-date sa ‘yo. Kikilalanin ko muna para sa ‘yo.”

                Nagulat siya sa sinabi nito. Ngayon lang ata niya nakitang seryoso ito sa mga sinasabi nito. Ibang level na Lem na lalong nagpa-amazed sa kanya.

                “Bakit? Akala ko ba eh hahayaan mo lang ako kung magkaka-love life pa ako,” pakli niya sa sinabi nito.

                “Sinabi ko lang naman iyon para lubayan mo ako sa pang-uusisa mo sa nanganganib kong love life. Di ko hahayaang masaktan ka lang ng mga talipandas na lalaki dyan sa tabi-tabi. I’m your best friend kaya obligasyon ko iyon sa ‘yo, pare.” Bumilis muli ang tibok ng puso niya. Ang swerte naman niya at nagkaroon siya ng ganoong klase ng kaibigan. Buti na lang at pinagpilitan nito noon na mag-best friend sila.

                “Wow! Wala naman tayong pinirmahang papeles na may duties and resposibilities tayo  sa isa’t isa ah. Nakasaad ba yan sa Philippine Constitution?” biro niya.

                “Gusto mo gumawa tayo? Pag ako ang naging mambabatas ng bansang ito, ilalagay ko iyon sa Philippine Constitution.” Pinantayan lang nito ang biro niya.

                “Kapag naging mambabatas ka, mangingibang-bansa na lang ako. Tiyak na masisiraan ng ulo lahat ng Pilipino sa pamamalakad mo.”

                “Ganon? Pwera biro Aya, may boyfriend  ka na ba o nanliligaw na umaali-aligid sa ‘yo? Di ka naman kasi nagku-kwento sa akin ng buhay mo eh.”

                Umiling siya. “Wala pa, at please lang wala akong interest sa ganyang mga bagay!”

                “Ano ka ba? Baka tumandang dalaga ka nga. Di na ako magiging ninong niyan!”

                “Para ngang gusto kong mag-madre,” biro niya. Pinaglapat pa niya ang kanyang kamay na tila magdarasal. “Malay natin,  may calling pala ako di ba?”

                “Oy, madudungisan mo lang ang imahe ng Simbahang Katoliko. Maghunosdili ka. Baka nga nasa kabilang kanto ka pa lang ng kumbento ay pagsarhan ka na nila.”

                 “Bakit naman?  Ang sama mo! Gusto ko pa ngang gumawa ng milagro.”

                “Makakagawa ka naman ng milagro nang hindi nagma-madre ano,” nakangising sinabi nito.

            “Shunga! Ibang milagro naman iyang sinasabi mo eh. Ang gusto ko eh iyong kabanal-banalan..kapita-pitagan…kamangha-mangha.”

                “Kumain ka na lang ng apoy o sumirko ka sa ere o kumain ka ng giant bolo habang nagdarasal.”

                “Pang-circus naman iyon eh. Ikaw na lang kaya ang gumawa noon.” Tumatawa na sila.

                “Seryoso na,Aya. Sincere ako sa sinabi ko. Maghanap ka na ng boyfriend. Tumatanda na tayo at nasa ideal marrying age ka na.”

                “Pare naman, para kang sina ate Hyde eh. Hindi naman hinahanap iyon. Ano bang magagawa kong walang pumatol sa akin?”

                “Sige ka, pag hindi ka nagka-boyfriend this month pakakasalan kita. Willing naman akong ipaubaya na lang sa ‘yo ang love life ko.”

                Umepal na naman ang puso niya. Pakiramdam niya ay gusto ng puso niya ang sinabi ng loko.

                “Ah, no way!!! Pakasalan mo iyang manibela mo!” Alam naman niyang nagbibiro lang ito kaya nagulat pa siya nang makitang seryoso ang mukha nito nang balingan niya. Aba, seryoso ba itong ugok na ‘to? 


                MAKALIPAS ang ilang oras na byahe ay nakarating din sila sa Manila. Inihatid pa siya nito sa apartment niya. Walang patumpik-tumpik na nauna pa itong pumasok sa loob ng munti niyang bahay nang buksan niya ang pinto. Nagdiretso agad ito sa kusina habang siya naman ay inilalagay ang kanyang gamit sa kanyang kwarto. Paglabas niya ng silid ay nakaupo na ito sa sofa at nilalantakan na nito ang ilang oranges at mansanas na pinabili niya sa tagalinis ng apartment niya kaninang umaga.

                “Kain ka? Gutom na ako kaya hindi na kita nahintay,” alok pa nito sa kanya.

                “Palagi ka namang gutom. Anong bago doon? Kaya ka nga tumataba eh.”

                “Iyan ka na naman ha. Magda-diet na nga ako para maging sexy na ako sa paningin mo.”

                “Wag na, di mo naman kailangang magpa-cute pa sa akin dahil di naman ako tatablan niyan. Kahit anong gawin mo, mukha ka pa ring ipis sa paningin ko.”

                Bigla itong napatigil sa pagkain. “You’re hurting me again. Broken-hearted na nga ako tapos ganyan ka pa. Lalaitin mo pa ang charming kong katawan sa halip na i-console mo ako. Inihatid na nga kita dito kahit na ang mahal ng gasolina ngayon tapos iyan lang ang makukuha ko sa iyo?”

                “Asus, nagdadrama ka na naman.” Tumayo ito at nagmartsa papunta sa kusina. “Hoy, binibiro lang kita emote ka agad dyan.”

                Pagbalik nito ay may dala pa itong isang basong tubig habang bitbit pa rin ang pinggan na pinaglalagyan ng prutas. “Sinong nage-emote? Ako ba? Hurt talaga ako. Bakit kapag sinabi ko bang, ‘ang chaka mo, walang shape ang maliit mong katawan at di ko mawari kung babae ka ba o bakla dahil wala akong maaninag na boobs sa harap mo’, di ka ba masasaktan?”

                Naningkit ang mga mata niya dahil indirect na diniscribe na siya nito o mas tamang sabihin na nilait na siya nito. “Ang sama mo! Kayo talagang mga lalaki napakabalahura nyo sa mga hindi gifted na babae!”

                “O di ba? Yan na nga napipikon ka na rin. Ganon din ako. Kaya nga di ko yon sinasabi sa ‘yo eh.” Ipinagpatuloy nito ang pagkain naman ng mansanas.

                Binato niya ito ng throw pillow at nakaiwas naman ito. “Tse! Eh sinabi mo na nga. Dinaan mo lang sa example! No wonder wala ngang tatagal na babae sa iyo!”

                Biglang lumungkot ang ekspresyon nito. Oops! Maling hirit Ayashella! “Ah, joke lang yon,” bigla niyang bawi.

                Ngunit hindi nabago ang mukha nito nang tumabi ito sa kanya sa sofa. “Sa tingin mo, ganon ba talaga kaya nila ako hiniwalayan? Dahil lang sa pagiging mabiro at makulit ko? Sa tingin mo, mahirap ba akong mahalin?”

                “Si…siguro? Ewan ko. Aba malay ko. Alam mo Lem baka kasi hindi pa talaga siya ang para sa ‘yo. Wala naman kasi talagang tao na mahirap mahalin eh. Kasi kung talagang mai-in love sa ‘yo ang isang babae eh mai-in love talaga iyon sa ‘yo kahit ano pa ang mangyari.”

                Binalatan nito ang oranges at inabot ang isa sa kanya. “Eh sino? Si ‘someone else’ na hindi ko maintindihan kung sino?” Nagkibit-balikat siya. “Magbabago na ako ng perception sa love, Aya. Sa susunod na magmahal ako, hahabulin ko siya, ipaglalaban ko, ipagtatanggol. Hinding-hindi ko na hahayaang maiwan na naman ako sa ere o maiwan ko siya sa ere.”

                “Good luck sa love hunting mo, Lem,” tipid na tugon niya habang sarap na sarap siya sa pagkain ng oranges.
                “Pero pag within this month wala talaga akong nakitang babae na kaya akong pagtiyagaan sa lahat ng trip ko sa buhay, tutuparin ko ang sinabi ko kanina. Pakakasalan kita.” Nilingon siya nito at tinitigan na parang may hinahalungkat itong kung ano sa mata niya.

                Tumalon na naman ang maepal niyang puso. Kinilabutan na siya dahil seryoso ang tono nito at walang bahid ng pagbibiro ang mukha nito. “Ah, teka lang… Bakit ako ang pagbabalingan mo?”

                “Pahara-hara ka kasi sa buhay ko kaya ikaw na lang. At least, sigurado akong selective insanity lang ang sakit ng mapapangasawa ko at tsaka ikaw lang naman ang nagti-tyaga sa akin. Malas mo lang.”

                “Baliw! As I have said, pakasalan mo iyang manibela mo! Dahil magkaka-boyfriend na ako this week.”

                Sinabi lang niya iyon. Ayaw na kasi niya ng nagiging takbo ng usapan nila dahil natututo na ang puso niyang magsirko at mag-break dance. Ayaw niya sa nararamdaman niya dahil masyadong complicated na tao si Lem. Ayaw niya talagang patulan ang panunulsol ng puso niya at ng mga lukarit niyang kaibigan. Hindi ako pwedeng ma-in love sa ‘yo, Lem.Hindi talaga pwede, as in. Nararamdaman na kasi niya na unti-unting nabubuksan ang posibilidad na iyon dahil sa mga pinagsasabi nito at sa takbo ng pagtibok ng puso niya. Grabe, masyado ko na ata nai-internalize ang mga character na ginagawa ni ate Hyde. Feeling ko tuloy eh character ako sa romance novel na nagsisimula ng ma-in love. Waah!! Hindi ‘to maaari!

                “Akala ko ba zero ang love life mo?” anito.

                “Pipilitin kong magka-love life wag lang mapunta sa ‘yo.”

                “Aray ko, masakit na talaga sa puso ang mga padahak mo, Aya.” Tumayo ito. “Salamat sa  fruits, aalis na ako.” Bigla na lang itong nagwalk-out at hindi na niya ito napigilan.

                Problema noon? Masyadong sensitive!

                Naiwan siyang nakaupo pa rin sa sofa habang inuubos ang oranges na binalatan nito.

                “Oy!”

                Nagulat pa siya nang bigla itong sumulpot sa harap niya.

                “O, akala ko sumibat ka na,” nasabi na lang niya.

                “Ayaw mag-start ng kotse ko.”

                “Ha? Ay, may kapitbahay kaming mekaniko, katokin mo na lang iyang bahay sa katabi.”

                “Alam ko ang problema ng kotse ko. Di na kailangan ang mekaniko.”

                “Eh, anong kailangan non?”

                “Itulak mo ang kotse ko!”

                “Whaat?!!! Ayoko, hanap na lang tayo ng magtutulak ng kotse mo. Kababae kong tao pagtutulak mo ako ng kotse?”  May pagka-antipatiko ka rin talaga minsan!

                “Saan ka makakahanap ng magtutulak ng kotse ko ngayong dis-oras ng gabi?”

                May punto ang loko. Alas-onse na nga pala ng gabi at tulugan na ang mga kapit-bahay nilang matitino. Pawang mga lasing at bangag lang ang makikitang pakalat-kalat sa labasan ng kantong kinatatayuan ng apartment niya. Wala siyang naging choice kundi ang itulak ang kotse nito.
               
“Lakasan mo naman ang pagtulak, Aya. Para kang bakla!”

                Naniningkit na sa inis ang mga mata niya. “Eh kung ilublob ko na lang kaya ang mukha mo sa putik? Gusto mo?”

                Dahil siguro sa inis niya ay naitulak niya ng malakas ang kotse at nag-start na rin ang makina noon.

                “Salamat, Aya.” Nakangiti ito sa kanya nang lumapit siya sa may bintana ng kotse.

                “Tse! Wag ka na babalik dito!” biro niya. Lalo itong napangiti.  “O siya,  babu na. Mag-iingat ka sa byahe mo.”

                “Thanks, ulit pare. By the way, nakalimutan kong sabihin sa ‘yo na mas maganda ka ngayon compare nung nakaraang apat na taon at saka ang tipo kong babae eh maliit, walang shape ang katawan, wala akong pakialam sa boobs, basta naiintindihan ako, ang humor ko, at trip ko sa buhay,” sabi nito.

                Napapitlag siya dahil biglang tumalon na naman ang puso niya. Sinabi nitong maganda siya.  Very sincere compliment. Pero bakit binanggit na naman nito ang nakakayamot na description niya.  “Eh bakit mo sinasabi sa akin yan?”

                “Baka kasi may marereto ka sa akin para di kita mapakasalan ng wala sa oras.” Kumaway ito sa kanya. “Bye. Ingats ka dyan ha. I-lock mo palagi ang pinto mo baka ma-rape ka ng mga lasing.”

                Ngek, magpapahanap pa pala ito ng sunod na prospect girlfriend sa kanya. Lalo siyang nayamot.

 “Ulol!”

                Gantihan kaya kita sa Photoshop! Iedit ko picture mo para magmukha kang bakla!

                Sinundan na lang niya ng tingin ang kotse nitong papalayo.



PREVIOUS                                                                  NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…