Skip to main content

My Dearest Someone Else- Chapter Three




Matamang nakatitig si Aya sa chemical formula ng isang astringent na tinatapos ng team nila. Kasalukuyan siyang nasa loob ng mas high-tech na laboratory ng company nila sa Maynila. May kulang sa formula pero hindi niya matukoy iyon kaya ilang beses na ring pumapalpak ang experiment nila. Nabubwisit na siya. Dati naman eh mabilis niyang naaayos ang mga ganitong problema pero ngayon eh parang ninakaw ng kung sinu-sino ang laman ng utak niya. Nagpaulit-ulit siya sa pagbasa ng chemical formula na nakasulat sa papel na hawak niya. Biglang inistorbo sila ng tatlong katok. Isa sa mga kapwa niya chemist ang nagbukas ng pinto.

                Naka-focus pa rin siya sa papel nang biglang ipinatong ng kasamahan niya ang isang bouquet ng iba’t ibang klase ng bulaklak.

                “Para daw kay Ms. Ayashella Marie Hernandez. Mukhang may manliligaw na ang bunso natin,” sambit ni Dhalia. Siya ang pinakabata at nag-iisang single sa team department nila kaya ‘bunso’ ang napagkatuwaang itawag sa kanya ng mga katrabaho niya.

                “Ha? Seryoso? Sa akin ‘to? Sino namang magpapadala ng ganito sa akin?” Nagtataka siya, at the same time eh natutuwa. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaranas na mabigyan ng bulaklak.


                “Aba, di ba dapat kami ang magtanong kung sino ang nagpadala nyan sa ‘yo?”

                Sinipat niya ang kabuuan ng bulaklak. Wala siyang nakitang card o kahit anong bagay na indikasyon kung kanino galing ang bulaklak. “Walang nakalagay kung kanino galing.” Sino kaya ang nagbigay nito? Salamat sa kanya.

                Sa pagitan ng pagmumuni-muni ay biglang pumasok sa isipan niya ang kanina pang pinag-iisipang kulang sa formula. Inisang-tabi muna niya ang bulaklak. Dumukot siya ng ballpen sa bulsa ng puting lab gown niya at kasabay noon ay nalaglag mula sa bulsa niya ang picture nila ni Lem. Pina-print nga pala niya ang picture na ninakaw niya sa friendster nito at doon iyon napalagay.

                Pinulot ni Dhalia ang picture. “Oy, sino ‘to? Boyfriend mo? Ang gwapo naman.”

                Inagaw niya ang picture dito at isinuksok ulit sa bulsa niya. “Hindi ko boyfriend ‘to. Kaibigan lang.”

                “Mukha kayong mag-boyfriend. Bagay kayo.” Binalikan na nito ang naiwan nitong trabaho kaya hindi na siya nakasabat. Bagay daw kami…ows?

                Napakunot-noo na lang siya. Binalikan na rin niya ang trabaho niya. Isinulat niya ang revised formulation ng astringent at isinalang iyon sa immediate testing. Habang hinihintay ang resulta ng formula na ginawa niya,  na inaasikaso ng iba niyang kasamahan, ay naupo siya sa mesa niya at pinagmasdan muli ang bulaklak. Nang magsawa na siya sa pagtitig sa bulaklak ay kinuha niya sa drawer ang isang romance novel na binabasa niya. Isa yon sa natapos na nobela ni Hyde.  Biglang nag-ring ang cellphone niya. Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang pangalan ni Lem ang rumehistro sa screen ng cellphone niya. Teka, ano ba itong nangyayari sa puso ko? Kelangan ko na sigurong magpa-check up sa puso.

                “O bakit na naman?” tanong niya nang sagutin niya ang tawag.

                “Anong oras ang labas mo? Dinner tayo?” anyaya ni Lem.

                “Mamaya pa ako eh mga two hours pa. Hindi ata ako pwede ngayon,” pagdadahilan niya.

                “Sige na, I’m willing to wait.”

“Pero baka ma’extend pa ‘yon. Next time na lang.”

 “I’ll still wait. Wag ka namang tumanggi. May nagawa ba ako sa ‘yo?”

Bumuntong hininga siya. “Wala. Busy lang talaga ako.”

“Eh bakit parang umiiwas ka?”

“Hindi nga, ang kulit mo talaga.”

“Talaga?”

“Oo nga, ang kulit.”

“Basta, hintayin na lang kita dito sa lobby ng company n’yo. Bye.”

                “Teka-” tatanggi pa sana siya sa dinner na iyon pero naglaho na agad ito sa kabilang linya. Wala na naman siyang lusot dahil nasabi nitong nasa lobby na ito. Ang totoo kasi, ten minutes na lang ay maga-out na siya.

               
                PAGDATING niya sa lobby ng company ay namataan niya itong abala sa pagbabasa ng mga magazines na nakadisplay sa isang mini sala doon. Bitbit pa rin niya ang natanggap niyang bulaklak. Nang makita siya nito ay ngumiti ito ng todo na nagpakabog na naman sa marunong ng umepal niyang puso. Bakit ba nagkakaroon na siya ng ganoong reaksyon sa ugok na ‘to? Sinalubong siya nito at nakita niyang napakunot-noo ito nang makita ang bitbit niya.

                “Sinong may bigay niyan sa ‘yo?” usisa nito habang papalabas na sila ng gusali.

                Kung ganon hindi pala ito ang nagbigay sa kanya. Akala pa man din niya ay kay Lem galing ang bulaklak. Nadismaya tuloy siya ng konti.

                “Ah, hindi ko nga alam eh. Basta na lang dumating ito sa lab.” Tiningnan niya ang bulaklak at napangiti siya.

                “Weird ha. Akala ko ba, two hours ka pa?”

                “Ah, eh…tinamad na ako kaya nag-out na lang ako tutal naman naghihintay ka na dito.”

                “Teka, first time mo makatanggap ng flowers? Pangiti-ngiti ka kasi.”

                “Ah oo. Masaya ako kasi ngayon lang talaga ako nakatanggap ng bulaklak sa tanang buhay ko. Akala ko nga, makakatanggap lang ako ng bulaklak kapag ibinuburol na ako.”

                “Grabe ka naman.” Binuksan nito ang pinto ng kotse para makasakay na siya.

                Hinintay niya itong makasakay rin. “Totoo iyon. Kung sino man ang nagpadala nito, maraming salamat sa kanya. Napasaya niya ako at dahil sa pagdating ng bulaklak na ito kanina ay naalala ko na ang mali dun sa formula na ginagawa ko. Natapos ko ang trabaho ko ng maaga.”

                Nang binalingan niya ito ay nahuli niyang nakatitig pala ito sa kanya. “You’re welcome! Buti naman at nagustuhan mo.”

                Napamulagat siya. “Sa iyo galing ‘to?” Masaya na ulit ang puso niya. Hindi pala siya nagkamali. Tumango ito habang binubuhay ang makina ng kotse. “Eh bakit may patanong-tanong ka pang nalalaman dyan?”

                “Eh para malaman ko ang totoong naramdaman mo nang matanggap mo iyan. Baka kasi utuin mo lang ako para hindi sumama ang loob ko  kung sakaling hindi mo nagustuhan.”

                “Ikaw talaga, puro ka kalokohan.”

                “Magtitino na nga ako di ba?”

                “Tingnan na lang natin. By the way, thanks again. Para saan nga pala ‘to?”

                “Para hindi mo na maisipang makipag-date sa iba.”

                Ha? Ang gulo ata..Anong connect? Napataas tuloy ang kilay niya ng wala sa oras. “Ha? Eh parang nung isang araw lang sabi mo maghanap na ako ng boyfriend ah. Ang gulo mo!”

                “Kasi di ba sabi mo eh magkaka-boyfriend ka na this week. Malakas kasi ang kutob ko na hindi ka seseryosohin ng kung sino mang alagad ni Satanas na magiging boyfriend mo.”

                Muntik na niyang makalimutan na pinalabas nga pala niya na magkaka-boyfriend na siya one of these days na hindi naman totoo.

                “At paano mo naman masasabi iyan eh di mo pa naman nakikita ang date ko?”

                “Human instinct.”

                “Bakit ka magkaka-instinct? Tatay ba kita? Sa magkakamag-anak lang at mag-asawa uso ‘yon."

                “Basta. Wag ka ng makipag-date. Kung gusto mo ng date, tawagan mo ako.”

                “Kung ikaw rin lang wag na.” Sinabi na lang dito ang restaurant na gusto niyang kainan. Makikipagkita rin kasi siya sa architect na siyang mag-aayos ng renovation ng rest house nila sa Caliraya. 

                “Bakit doon tayo?”

                “Dahil may appointment sana ako ngayon doon. Di ko na ma-cancel kasi mahihirapan lang kami pareho na mag-set ulit ng date.”

                “Makikipag-date ka na kasama ako?”

                “Eh di ba gusto mong makilala ang ide-date ko?”

                Patawad Architect Carvin Santos, isasangkalang muna kita.

                Bumuntong-hininga ito bilang tanda marahil ng pagsuko nito sa argumento.

                Pagpasok nila sa restaurant ay namataan agad niya ang gwapong architect na, interior designer pa, at owner ng isang construction firm na si Mr. Jedidiah Carvin Santos. Nang magkalapit sila ay agad siyang kinamayan nito at pinaupo sa tabi nito. Saglit na naitsapwera niya si Lem na umupo pa talaga sa pagitan nila ng gwapong architect. Hindi rin maipinta ang mukha nito. Kung papatulan niya ang  sinasabi ng utak niya, sa tingin niya ay mukhang nagseselos ito. Aba, eh bakit naman?

                Maya-maya pa ay umorder na sila ng pagkain. Si Carvin ang nagprisinta na siyang oorder ng pagkain para sa kanila. Kitang-kita niya na hindi gusto ni Lem ang idea na iyon. Nakasimangot lang ito.

                Lumapit ang waiter para kunin ang order nila.

                “Ahm tatlong spicy chicken--”

                “Hindi pwede kay Aya ko ang maaanghang. Namamantal siya,” pakli ni Lem sa inorder ni Carvin. Agad namang pinalitan ng huli ang order para sa kanya.

                “And give us carbonara please,” dagdag pa ni Carvin.

                “Lactose intolerant si Aya. Gusto mo ba siyang patayin?” kontra ulit ni Lem.

                Gusto na sana niyang umalma. Hindi naman talaga siya lactose intolerant. Nagkataon lang na minsan ay sinamaan siya ng lasa noong college pa sila pagkatapos nilang kumain ng carbonara. Lagnat ang dahilan noon at hindi ang carbonara pero tila tumatak sa isipan nito na baka lactose intolerant nga siya.

                Nagpapalit-palit sa dalawa ang tingin niya. Nakakunot-noong pinalitan ni Carvin ng spaghetti ang order para sa kanya. Bumaling ang architect sa kanya.

                “Miss Hernandez, mukhang nagseselos ata sa akin ang boyfriend mo,” sambit ni Carvin.

                “Ah, hindi ko siya--”

                “Asawa nya ako.” Biglang sumingit si Lem sa usapan nila.

                Napapitlag siya sa sinabi nito dahil biglang tumalon ang puso niya. Parang gusto ng puso niya ang idea na yon, ang maging asawa ni Lem. Hmm, ilusyonada! Dapat mainis ka sa lokong iyan dahil pinagti-tripan ka na naman. Sinunod nga niya ang utak niya kaya nakaramdam siya ng inis. Gusto na sana niyang ingudngod sa mesa ang kaibigan niyang ito. Nasobrahan naman ata ito sa pagka-protective.

                “Ow, really? I can’t see any ring.” At pinatulan pa talaga ng isa. Kung hindi siya nagkakamali ay parang nang-aasar pa itong si Carvin. Ang mga lalaki talaga, ang hirap espelingin.

                “Nahulog niya sa kotse namin ang singsing. Hindi ko pa nahahanap,” iritadong tugon ni Lem.

                “Ah Mr. Santos, I think it would be better if we start talking about the renovation. Sayang ang oras natin eh.” Sumingit na siya bago pa kung saan na mauwi ang usapan ng dalawa.

                “Your ‘feeling husband’ is the one making interruptions.”

                Nakita niyang nagpipigil na si Lem na masapak ang architect kaya hinawakan na niya ang kamay nito para sabihing tumigil na ito at manahimik sa isang tabi.  Kaso ang naging problema, sarili naman niya ang di niya ma-control. May kung ano kasing kakaibang damdamin ang dumaloy sa katawan niya nang dumampi ang palad niya sa palad nito. Nadoble ang pagkabog ng puso niya. Nilingon siya nito at tinitigan naman niya ito. Nag-uusap na sila sa mata. Mag-behave ka muna pwede? Malilintikan ka sa akin! Sino ba ang dapat mag-behave? Si Lem o ang puso niya? Pawang nabasa naman nito ang ibig sabihin ng tingin niya kaya umaliwalas na ang mukha nito at ngumiti. Bigla siyang umiwas ng tingin dahil naiilang na siya. 

                Sa mga sumunod na sandali ay pinag-uusapan na ni Aya at Carvin ang detalye ng renovation ng rest house nila sa Caliraya. At habang nag-uusap sila ay abala naman si Lem sa pagkain. Nang matapos sila, maglalabas na sana si Lem ng isang libo pero naunahan ito ni Carvin na naglabas ng tatlong libo. Wala pang isang libo ang halaga ng kinain nila.

                Tumayo na sila. Nagtangkang makipagkamay si Carvin sa kanya ngunit sinalo ni Lem kamay nito.

                “Thank you,” napipilitang sambit ni Lem. “Pero hindi ko pinapahawakan sa iba ang asawa ko. Pasensiya ka na.”

                Napakunot-noo siya. Aba, talagang napapraning na ang isang ito. Ito ata ang may selective insanity at hindi ako.

                “Masyado kang possesive, pare. Baka bigla ka na lang iwan ni Aya kapag nasakal na siya sa ‘yo.” Bumaling ito sa kanya. “It’s nice to close a deal with you. Take care.” At mabilis na umibis na ito.

                Wala na siyang nasabi. Sa unang pagkakataon ay naurungan siya ng dila. Hindi niya talaga carry ang environment ng mga sinto-sintong lalaki. . Nginitian na lang niya si Carvin nang kumaway ito bago sumakay sa kotse nito. Nilingon niya si Lem at napansing mukhang bad trip na ito. Ano bang nangyari dito at bigla na lang nagbago ang mood nito? Sa pagkakakilala niya kay Lem, hindi naman ito moody.

                Sumakay na rin sila ng kotse ni Lem. Walang imik na binuhay nito ang makina at nagmaneho. Bad trip nga siguro ito dahil natatahimik na lang ito na bibihirang mangyari.

                “Tinawag ka niya sa palayaw mo. Close kayo?” Nagulat pa siya nang sa wakas ay umimik na ito.

                “Di naman masyado. Way niya siguro ng pagiging intimate sa kliyente ang pagtawag sa nicknames.”

                “Wag ka ng makikipag-date sa kanya. Mukha siyang babaero. At isa pa, napaka-arogante niya. Wala akong pakialam kung mas mayaman pa siya kay Bill Gates pero wala siyang karapatang ipamukha sa akin iyon.” Pagalit pa ang pagkakasambit nito.

                Ah kaya naman pala. Nasagi siguro ni Carvin ang ego nitong pakalat-kalat. “Ha? Parang wala naman akong nakitang ganon sa kanya ah.”

                “Pwede ba? Wag mo ng ipagtanggol ang lalaking iyon. Maraming lalaki dyan sa tabi-tabi. Hindi ka naman siguro desperada di ba?”

                “Hindi ko siya pinagtatanggol. I’m just saying my own observation.” Napipikon na siya. Hindi kasi maganda sa timbre ng tenga niya ang mga pinagsasabi nito.  “And who the hell are you to accuse me of being desperate? Sinabi ko na sa iyong wala akong interest sa love na yan!”

                “Talaga lang ha, eh bakit nakipagkita ka pa sa kanya in a dinner date?”

“FYI, nakipagkita lang po ako  kay Carvin dahil sa renovation ng rest house namin. Construction firm niya ang napili namin para pagandahin ang pinaghirapan naming rest house. At kung hindi maintindihan ng utak mo yon, puwes mamroblema ka hangga’t gusto mo.” Ibinaling na lang niya sa bintana ang atensyon. Nag-iinit na kasi ang ulo niya. Para siyang may kasamang isa’t kalahating irrational na tao.

“You like that Carvin ewan, ano?” At humirit pa ito. Napipikon na talaga siya.

Ah, ewan ko sa ‘yo! “Shut up, Lem. Santos ang apelyido nya at hindi ewan.”

“Aya, di ka niya type.”

“Hindi ko rin siya type.”

“Eh bakit ganoon ka na lang makangiti sa architect na ‘yon?”

“Eh bakit ganyan ka na lang mag-inarte ngayon?” Binalingan niya ito at biglang pumintig na naman ang puso niya ng magtama ang kanilang mga mata. May kakaibang ekspresyon ang mukha nito na hindi niya maintindihan. Ang sigurado lang niya ay nagpapatalon ng puso niya ang kakaibang ekspresyon na iyon.

                Bumuntong-hininga ito bago muling ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho. “I’m sorry.”

                Nabura na lahat ng pagkainis na naramdaman niya. Tinunaw lahat iyon ng simpleng ‘I’m sorry’ nito.

                “Tse, wag mo akong kausapin.” Bumaling ulit siya sa bintana. Baka kasi mapansin nito ang nararamdaman niya.

                “Nasobrahan lang siguro ako sa pag-protect sa ‘yo. Ayoko lang naman na masaktan ka. Iilan na lang sa mundo ang matitinong lalaki. At ayoko lang na may isang talipandas na manloloko sa iyo dahil makakapatay ako.”  Napalingon ulit siya dahil sa sinabi nito. Kahit nakatutok ito sa pagmamaneho ay kitang-kita sa mata nito ang frustration. Bakit kaya?

                Siya naman ang napabuntong-hininga.“Sige, para sa ikatatahimik mo sasabihin ko na ang totoo. Sinabi ko lang na magkaka-boyfriend na ako para di ka na mangulit. Pero di iyon totoo. Wala akong kaplano-plano sa buhay ko na makipag-date kahit na ako na lang ang natitirang single sa mundo. Kuntento na ako sa love story ng iba. Let’s end up this non-sense thing.”

                Hindi na ito umimik kaya sa bintana na naman ang atensyon niya. Kailangan na niya ngayong protektahan ang puso niya dahil nagiging unpredictable na ito pag nalalapit siya kay Lem.

                “Nakausap ko ang ex ko.” Bigla nitong sabi.

                Napalingon siya. “Kayo na ulit?” Umiling ito. “So, ano ang nangyari?”

                “Kilala ko na si ‘someone else’ at hindi ko maintidihan kung bakit hindi ko nga naman agad  nakita iyong sinasabi ni ex na love ko daw para kay someone else. Nalilito tuloy ako.”

                “So, tuloy ang plano mo?”

                “I don’t know. I got the chance to analyze everything between me and ‘someone else’ kanina. Something happen that proved that “unconscious” love. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng selos na hindi ko naman naramdaman sa mga ex ko kahit na may ibang lalaki silang kasama. Ang weird talaga, pare. Parang ayaw ko ng ituloy ang plano ko. That’s the reason why I invited you for dinner to talk about it pero that Carvin ewan suddenly enter the scene.”

                “Santos nga ang apelyido ng tao.”

                “Whatever.”

                Sino kaya ang ‘someone else’ na ‘yon? Hindi niya maintindihan pero parang di siya natutuwa na malamang nage-exist nga sa planet earth ang sinasabi ng mga naging ex nito na ‘someone else’ nito.

                “Bakit ayaw mo ng ituloy ang plano mo?”

                “Complicated.”

                “Walang complicated sa mundo, tao lang ang nagpauso noon.”

                Hindi ito umimik hanggang sa maihatid na siya nito sa bahay niya. Ni hindi man lang ito pumasok sa loob nang alokin niya na magkape man lang. Problemado nga siguro ang kaibigan niyang broken-hearted at torn between ex’s and ‘someone else’. Kung sino man si ‘someone else’ natitiyak niyang napakaswerte ng babaeng iyon dahil nasabi na ni Lem na magpapakatino na ito at sa susunod na magmamahal ito ay sinisiguro nitong ipagtatanggol, hahabulin, at ipaglalaban nito ang babaeng mamahalin. Napatingin siya sa langit. Wala masyadong bituin pero nakakita siya ng isa at parang napraning na humiling siya sa bituin. Twinkle, twinkle little star, kindly heal his ‘windang’ heart. Ay ano ba ‘yon? Basta star, ayusin mo ang puso ng pobre kong kaibigan. Kuminang bigla ang star waring sinasabi na ‘wish granted’.


PREVIOUS                                                                NEXT

Comments

Anonymous said…
natutuwa aq basahin ang story dahil pareho kame ni Aya na isang full pledged chemist..sana makilala ko na rin ang dearest someone else ko:)

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…