Skip to main content

My Dearest Someone Else - Chapter Ten



             Sa tabi ng fish pond ang napili niyang venue kung saan siya magsasasayaw. Bahala na kung mapagkamalan siyang baliw. Isinuksok ulit niya ang isang earpiece sa tenga niya  na inalis niya kanina. Pero sa halip na magsayaw ay napatitig muna siya sa mga gold fish habang naririnig niya ang Somewhere Down the Road mula sa ipod. May dalawang gold fish na naglalapit na pawang nagki-kiss. Napangiti na lang siya. Buti pa si Miss Gold Fish, may Mr. Gold Fish. Matapos mainggit sa mga isda ay nag-search na siya ng kanta sa ipod niya. Dating kanta pa rin, Tokyo Drift.  Ipinikit niya ang mata at nagsimulang magsasayaw ng original dance steps niya.

             Naalala niya si Lem. Inisip na lang niya na magkasama pa rin sila ngayon habang nagsasayaw. Wala naman masama kung mag-imagine siya. Sa isip niya, nakikinita niya kung paano sumayaw si Lem sa tabi niya. Sa pagitan ng mga dance steps ay nagtatawanan sila. Hanggang sa maramdaman niyang parang may tumabi sa kanya at pakiramdam niya ay sumasayaw din ito. Ah, ang  mga lukarit na kaibigan ko talaga.Sinasabayan na rin ako sa sayaw ko. Wooh! Hindi na siya nag-abalang magmulat ng mata nang biglang inagaw ng kung sino man ang isa sa earphone sa tenga niya. Napamulat tuloy siya.

               “Hindi masarap sumayaw ng walang music.”

                “Lem!” Oh yes! Masaya na naman ang puso niya habang tuma-tumbling. Napatanga siya dito at napatigil siya sa pagsayaw.


                Binalingan siya nito. “Bakit? Mamaya mo na ako titigan. Sumayaw muna tayo! Yeah. Come on.” Tinodo pa nito ang pagsayaw sa out-of-this-world dance steps niya.

                Napatawa siya at sumayaw na ulit. Nang matapos ang kanta ay pasalampak na umupo siya sa bermuda grass. Ganon din ito. Pinatay na niya ang ipod at ibinulsa iyon. Batid niyang may dapat silang pag-usapan.

                “Aya..”

                “Hmm,”

                “I’m sorry…” Iyon na. Napatitig na lang siya sa sincere na mata nito. “I love you, Aya.” Nag-break dance ang puso na siya. Okay na siya. Balewala na lahat ng pinagsenti niya dahil simpleng ‘I love you’ lang naman na mula dito ang hinihintay niya.

                “You don’t have to be sorry.”

                “Nasaktan kita, Aya. Hindi ka naging safe sa akin dahil nasaktan kita. Galit na galit ako sa sarili ko noon dahil sa unang pagkakataon, nakita kitang umiiyak at ako ang dahilan noon. Ang sakit sakit non para sa akin. Bumalik ako dito dahil gusto kong linawin sa iyo ang lahat. College pa lang tayo, mahal na kita.”

                “Alam ko na iyan. Sinabi ni Loise.”

                Napakamot ito ng ulo. “Si Loise talaga ang daldal. But anyway, I still want to tell you everything, detailed.”

                Hinayaan lang niya itong mag-explain. “Akala ko noon, mawawala rin iyong special feelings ko sa ‘yo. Kasi naman, manliligaw na sana ako eh biglang pinauso mo iyong tawagan natin na pare. Iyon tuloy umatras ang torpe kong puso. I’ve been with three girls before at lagi nilang sinasabi na may iba akong mahal.  Noong kinausap ko ang pinakahuli kong naging girlfriend, sinabi niya na ikaw ang dahilan. Ikaw ang bukang-bibig ko sa lahat ng tao. After that incident na kaharap natin si Carvin, napatunayan ko na tama sila. I’ve never been in love. Hindi true love ang namagitan sa amin ng mga naging girlfriend ko dahil ang tanging pinaglaanan ko ng pagmamahal na ganon ay ikaw. Ikaw lang.

                “Hindi ko maintindihan ang sarili ko noong dinner natin with Carvin. Hindi ko talaga nagustuhan ang idea na may ibang lalaking umaaligid sa iyo. Hindi ko rin gusto ang idea na nakikipag-ngitian ka pa sa Carvin ewan na iyon.”

                “Santos nga sabi ang apelyido niya.”

                “Whatever. Ni hindi ko nga ma-imagine na may ibang taong hahawak sa kamay mo. I just felt that I want your hands to be exclusively mine.” Hinawakan nito ang kamay niya at hindi naman siya tumanggi. Na-miss niya talaga ito kaya payag na lang siya. “Hindi ko na naituloy ang plano kong pipilitin ko si ‘someone else’ na patunayan niya na karapat-dapat siya sa pagmamahal ko nang malaman kong ikaw pala iyon. Nagkaroon ako ng takot sa puso ko dahil na-realize ko na ako pala ang hindi karapat-dapat na magmahal sa iyo.”

                “At saan mo namang planeta napulot iyan, aber?”

                “Dito sa puso ko.” Ang ikli lang noon pero lumutang na sa ere ang masayang-masaya niyang puso. “Ang dami mo ng nagawang pagbabago sa buhay ko pero ako, wala pa akong nagawa para sa iyo that time. Then you even  save me from despair. Madaling araw na noon pero pinuntahan mo pa rin ako sa nasusunog kong bahay. Hindi ko napigilan ang sarili ko noon kaya niyakap kita hoping na maramdaman mo na sa ‘yo ako humuhugot ng lakas ng loob. Mula noon, pinangako ko na sa sarili ko na bawat sandali ng buhay ko ay ilalaan ko na lang sa pagpaparamdam sa ‘yo kung gaano kita kamahal. Kaya lang parang walang nangyayari. Wala pa rin akong impact sa ‘yo.”

                “Akala mo lang iyon, Lem.”

                Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. That handsome georgeous adorable charming cute face of him! Akala niya ay hindi na niya iyon makikita. She really loved this guy. This  handsome georgeous adorable charming cute guy.

                  “Ikaw ang nag-break ng records ko sa buhay,” pagpapatuloy nito. “Tamad akong magsulat at hindi ako matandain sa dates pero nagawa kong mabuo ang scrapbook na iyon. Alam mong hindi ko ugali ang maghabol sa babae. Pero sa unang pagkakataon, binalikan kita, hinabol at ipinangako ko sa sarili ko na ipagtatanggol kita at ipaglalaban.”

                “Teka, sabi mo noon ginawa mo iyon sa ex mo. Niloloko mo na ako eh.”

                “Naku, hindi. Kinausap ko lang iyon. Eching lang.”

                Hinampas niya ang balikat nito. “Eching lang? May gana ka pang mang-eching sa seryosong bagay. Wait, binalikan mo ako?”

                “Oo, I was there when you woke up, did your morning session, and had your hot chocolate. Nasa labas lang ako, pinapanood ka. Gusto kong bumalik sa bahay mo at umamin na lang sana na mahal kita kaya lang naalala ko ang mga luha mo. Ayokong masaktan ka. Pero nasaktan kita. Ako pa talaga ang nakapanakit sa damdamin mo kaya pinilit ko ang sarili ko na umalis na sa lugar na iyon bago pa ako matalo ng puso ko. Sinundan din kita hanggang terminal ng bus.”

Pakiramdam niya ay natunaw na ang puso niya. She never thought he would say those words. She never thought that this guy infront of her loved her that much. Di niya napigilang mapaiyak sa mga pinagsasabi nito. He gently wipe her tears with his thumb while his other hand is still holding hers tightly.

“Alam mo ba, iyon na ata ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Nakapagbitaw kasi ako ng salita na aalis na ako sa buhay mo. Akala ko makakabuti nga iyon dahil wala namang pinatutunguhan ang pagpapa-cute ko sa ‘yo at nakita ko na rin na umiyak ka dahil sa akin. Pero nagkamali pa rin ako. Hindi ko pala talaga kayang panindigan ang sinabi ko. Bawat sandali na lang  ay naaalala ko kung paano mo binitawan ang wedding ring natin at ang luhaan mong mukha.”

“Teka, anong wedding ring?” Pa-innocent kuno muna siya na hindi niya alam na wedding ring iyon.

“Iyong singsing na binigay ko na ibinalik mo. Magpo-propose na ako ng kasal sa iyo that night kaya lang bigla mo akong pinalayas kaya hindi na ako nakapagtapat. At wag mong iisipin na nagbibiro pa ako sa lagay na ‘to. Seryoso ako nang sabihin kong pakakasalan kita. Gusto talaga kitang pakasalan at gusto kong maging ama ng sampung babies natin.”

Napamulagat siya. “Sampu? Aba sinuswerte ka, pakasalan mo na lang iyong nanay ni  Erwin na alagang piglet ni Thea!” Inismiran niya ito. “Hindi ako naniniwala sa iyo.”

Napabuntong-hininga ito. “Kahit noon pa man ay hindi ka na naman naniwala sa akin eh. Kahit seryoso na ako.” Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay. “Mahal kita, Aya. Sana iyon man lang ay paniwalaan mo.” Tinitigan na naman siya nito ng may halong pagsusumamo. Nakakatunaw talaga ng puso! “Paano ko ba iyon mapapatunayan sa ‘yo? Lahat na ata ng technic ay sinubukan ko na pero walang nangyari.”

“No, Lem. you just proved it all.”

“Ha?” nahuli niya ang pagkagulat sa ekspresyon nito.

Turn naman niya para magtapat. Wehehe…magiging quits na lahat! “Lahat ng ginawa mo para sa akin nitong nagdaang buwan ay solid evidence na mahal mo nga ako. And I want you to know na hindi ka pumalpak. Dahil lahat ng simpleng gawi mo ay may impact sa akin.”

“Impact? As in kilig?” Ngumiti ito ng may malisya habang tumangu-tango siya. “Kinikilig ka sa akin? Di nga?”

“Oo nga sabi, wag mo ng ulit-ulitin at naiirita ako.”

“Bakit naman? Baka nga hindi na ako makatulog mamayang gabi sa kakaisip na kinilig ka rin pala sa akin.”
“Grabe ka ha. But anyway, iyon nga. Nasaktan nga ako dahil sabi ko sa sarili ko ayaw kong pumagitna sa inyo ni someone else. Weird na iyong nararamdaman ko para sa iyo kaya nadulas akong palayasin ka sa bahay ko. Tapos nalaman ko kay Loise na ako pala si ‘someone else.”

“Nadulas? As in, hindi mo sinasadyang palayasin ako?”

“Oo. Too late na nang maisip ko iyon dahil tumataas na ang tono mo kaya pinangatawanan ko na lang kahit nasaktan ako. Dahil lang iyon kay ‘someone else’. Minsan talaga hindi ko napapag-isipan ang mga sinasabi ko. Ang tanga ko nga, malay ko bang karibal ko ang sarili ko. Di ba ang gulo?”

“Alam mo, pare parang naglokohan lang pala tayong dalawa. Wala sigurong problema kung sinabi ko na lang sa ‘yo na mahal kita.” Kinuha nito sa bulsa ang maliit na pulang kahon na pinaglalagyan ng wedding ring daw nila. “Aya, mahal mo ba ako?”

“Gusto mo bang kumain ng buhay na gold fish? Parang hindi mo ako naintindihan ah.” Akmang pabirong dadamputin niya  sana ang pobreng isda sa pond at isasalaksak sa bibig nito ng tapikin nito ng marahan ang kamay niya.

“Sinabi mo lang naman na kinikilig ka sa akin. Hindi mo sinabi na mahal mo ako.”

“Ganon na rin niyon. May kinikilig bang hindi nagmamahal?”

“Oo, iyong mamang nawiwi sa pader. Aray!” Tinampal niya ang tiyan nito kaya agad itong napasinghap.

“Puro ka biro, paano kita paniniwalaan? Ihagis na kaya kita dyan sa pond at magsama kayo ng mga gold fish.”

“Kung hindi ako magbibiro, baka kanina pa ako umiyak dito. Ayaw mag-‘I love you too’ ng taong pinakamamahal ko eh.”

Tinamaan na naman siya sa hirit  nito. “Lem?”

“Hmm. Sasabihin mo ng mahal mo ako?”

“Makinig ka muna kasi!”

“Okay.”

Tiningnan niya ito na tila excited ito sa sasabihin niya. “Ikaw lang ang lalaking nagparamdam sa akin kung gaano kasarap ang alagaan ng isang special child. Lalo na kung ang special child ay Lem ang pangalan.” Nakita niyang bahagyang umismid ito dahil tinawag niya itong special child. Napatawa siya. “Nasabi ko na na nagawa mo na ang lahat para patunayan na mahal mo ako. Tinanggap mo ng buong-buo lahat ng kapraningan ko ng buong puso. You dance with me kahit na mukha kang timang. In-appreciate mo ang mga pictures ko na weird ang pagkakakuha. Tinanggap mo ng buong puso ang page-edit ko ng picture mo kahit na nakakaasar naman iyon talaga. Ipinagluto mo ako ng sopas na hindi ko mawari ang lasa pero kinain ko pa rin kasi niluto mo iyon para sa akin. Madalas nga ay naaasar ako sa ‘yo pero konting apology mo lang okay na ako. Ikaw ang unang lalaki na nagbigay sa akin ng bulaklak. At higit sa lahat ikaw lang ang lalaking nagpakilig sa akin.”

“So, mahal mo ako?”

“Anong gusto mong sagot?”

“Iyong galing sa puso mo.” Humirit na naman ito.

Napangiti siya. “Sa tingin ng puso ko, oo. Mahal din kita, Lem.”

“Oh, really? Walang eching?” tanong nito na waring hindi naniniwala.

“Ikaw magtatanong ka tapos hindi ka maniniwala ewan ko sa ‘yo!--” Hindi na siya nakahirit pa nang biglang lumapat sa labi niya ang malambot at mainit nitong labi. Napapikit na lang siya. Finally, her first kiss…their first kiss...sign of their love. Pakiramdam niya lahat ng problema niya ay nawala. Ngayon, alam na niya ang pakiramdam ng mga bidang babae sa mga pocketbooks na nabasa niya. Ganon pala ang pakiramdam kapag may minamahal ka ng totoo. Hindi na niya tuloy namalayan na tumugon na rin pala siya sa halik nito. There it is. Sealed na ang reationship nila.

 He suddenly hold her hand and put the ring on her finger the moment they parted from kissing. “Wag kang mag-alala. Lilinawin ko na hindi pa ito ang wedding ring natin. Magpo-propose na lang ulit  ako kapag handa na tayo sa ganong bagay. I’m just giving this to you to tell  the world na girlfriend na kita.”

“Possesive kuno ha.”

“Hindi naman. Binabakuran lang kita pare.”

Kinuha na rin niya ang isang singsing at isinuot iyon sa palasingsingan ni Lem. “’Ge, ako din. Babakuran din kita. Akala mo ha.”

Tumawa ito. “Teka lang. Ngayong girlfriend na kita, anong itatawag ko sa ‘yo? Pare pa din?” tinitigan siya nito.

“Okay lang sa akin. Sanay na tayo sa pare eh. Babaguhin pa ba yon?”

“Eh, ang pangit naman na sasabihan kita ng ‘Alabyu, Pare’. Parang ang sagwa naman noon pag ako ang nagsabi.” Tatawa-tawa pa ito.

“Oo nga, akalain pa ng iba eh bakla ka o in love ka sa lalaki. Aya na lang kapag maga-alabyu ka sa akin. Isasalba na natin ang pagkalalaki mo.”

Tumaas ang kilay nito. “Eh paano ka? Hindi ka ba maga-alabyu sa akin?”

“Nag-iinarte ka ha. Alabyu, pare!” Pinagdiinan pa talaga niya ang ‘pare’.

Humagalpak ito ng tawa at matapos humalakhak ay bigla ulit itong humalik sa labi niya pero saglit lang iyon. “I love you more, Aya.”

“Hoy tama na iyan! Baka mataga na kita ng bolo, Lem! Nakakadalawang halik ka na kay Aya! Abuse na iyan!” 

“Oo nga, hindi mo ba alam na wholesome iyan? Gusto nga niyan magmadre eh.”

“Tsaka, hindi pa iyan nag-toothbrush!”

Pinapanood na pala sila nina Hyde, Thea at Setty. Napailing na lang siya. Binalingan niya si Lem at nahuli niyang nakatingin din pala ito sa kanya habang kuntodo-ngiti. Okay naman pala ang mag-fall in love with my best friend!

“Agang-aga ng lampungan na iyan. Mag-agahan muna kayo!”

“Yeah, katatapos ko lang magluto!”

“At mag-toothbrush ka muna, Aya!”

Humahagalpak ng tawa si Lem habang naglalakad na sila papasok sa bahay.

“Tse! Ang kapal ng mukha mo, Setty. Nag-toothbrush naman ako!” Lalong humagalpak ng tawa si Lem. Oh, that burst of laughs. She really love it.


melaniequilla 01/29/2008

THE END

Comments

jen said…
ahm.... super love q po tlga ung story n kya sna pahingi nman po ng soft copy pati n rn po ang mga ito:
Let the reason be love
Coffee cups and sweets 2
at Answered prayer
thank you po I'm waiting :D

-jen
Melai said…
hello jen, naku di ako namimigay ng soft copies e. pasensya na
Shammie Elio said…
wla po ba kayong story ni thea and calvin ???
Melai said…
wala pa silang story. Isusulat ko pa lang :)

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…