Skip to main content

My Dearest Someone Else- Chapter Six





hyde_cuteparin: ayashella marie, pakiramdam ko ay may dapat kang i-explain.

            thea_mascute: feeling ko nga rin.

            setty_feelingcute: nakiki-feeling din ako.

            Napabuntong-hininga siya. Paano ba niya ipapaliwanag sa kanila ang sitwasyon? Eh di sabihin mo ang totoo na nasunugan lang ito at nagpaka-good samaritan ka lang. Oo nga naman. Eh bakit nga ba siya natatakot?

            Umupo sa tabi niya si Lem. “Ako na lang ang magpapaliwanag. Pananagutan naman kita, relax ka lang!” Nagbiro pa ito. Natampal tuloy niya ang tiyan nito. Napasinghap ito. Napalakas ata ang hampas niya.

            “May gana ka pang magbiro ha.”

            “Ang bigat talaga ng kamay mo.” Hinawakan nito ang kamay niya na inihampas niya sa tiyan nito. Naramdaman na naman niya ang kanyang puso na nagta-tumbling. “Leave this to me.”

            Nag-type ito ng mensahe gamit ang account niya.


            aya_pinakacute: Hi! C Lem ‘to. Ahm, may sasabihin sana kami ni Aya sa nyo.

            hyde_cuteparin: Kayo na?

            thea_mascute: yehey

            setty_feelingcute:hehehe.

            aya_pinakacute: bwehehe… hindi pa naman. Ahm, nakikitira kasi ako ngayon sa bahay ni Aya. Wag sana kayo magagalit ha. Emergency kasi.

            thea_mascute: whaat? Live in?

            setty_feelingcute: oy di maganda yan! Dapat kasal muna.

            hyde_cuteparin: anong emergency yang pinagsasabi mo? Nabuntis mo ba ang pinsan ko? Nasaan ang giant bolo ko?! Pag nakita kitang lalaki ka, gigilitan kita sa leeg!

            thea_mascute: ipagdala mo na lang ako ng kutsilyo ate Hyde. Tutulungan kita!

            setty_feelingcute: balisong ang dadalhin ko. Lem, kelan mo gustong ma-tsugi?

            Nasapo niya ang ulo. Sabi na nga ba. May violent reaction ang pinakamamahal niyang pinsan at walang kwentang reaction naman galing sa dalawa pa niyang kaibigan. Nilingon niya si Lem na bumubungisngis sa mga hirit ng mga kaibigan niya. Umiwas na lang siya ng tingin.

            aya_pinakacute: No, she’s fine. She’s not pregnant at hindi ko pa naman siya girlfriend and definitely wala namang nangyari sa amin. Walang prob kay Aya.

            Hindi ko pa naman siya girlfriend. Binasa niya iyon ng paulit-ulit. Anong ibig sabihin ng ‘pa naman’? Is that an indication of possibility of  her being  his girlfriend? Puno ng kuryosidad na nilingon niya ito dahilan para mahuli niyang nakatingin din pala ito sa kanya bago ito umiwas ng tingin at bumaling ulit sa monitor. 

            hyde_cuteparin: talaga? Walang eching? Sasamain ka talaga sa akin kapag may nangyaring masama kay Aya. Tandaan mo yan Lem.

            aya_pinakacute: alam ko yon. Alam ko kung gaano nyo kamahal si pare ko. Ganon din ako. Nasunugan kasi ako ng bahay. Wala akong nasagip sa gamit ko. Pati pera at kotse ko eh nilamon ng apoy kaya walang naging choice si Aya kundi ampunin ako.

            setty_feelingcute: iyon naman pala. Eto kasing si Hyde violent reaction agad!

            thea_mascute: oo nga…oy sibat na ako! Resume na ang progam eh.. ingat kayo mga lukarit!

            hyde_cuteparin: aba nanisi pa ang dalawang ‘to. Ingat ka thea. Nag-sign out agad ang lola. Hindi na hinintay ang reaction ko. Anyway Lem, ingatan mo si Aya. Malalagot ka talaga sa akin kapag umuwi yan dito sa Caliraya ng luhaan. Sibat na rin ako. Ba-byahe pa nga pala ako. Ge, ingat mga lukarit!

            aya_pinakacute: don’t worry about her. Ako’ng bahala sa kanya. She’s safe with me.

            setty_feelingcute: tsk, tsk..nilayasan na naman ako ng mga ito. Lem, I second the motion sa sinabi ni Hyde. BB, lukarit.

            Natahimik na lang siya sa isang tabi. Mga praning ngang maituturing ang mga kaibigan niya pero natitiyak niyang mga kakampi niya talaga ang mga ito. She’s safe with me. At  hindi rin nakaligtas sa kanya ang padahak ni Lem. He just assured na aalagaan siya nito at ligtas siya dito. Napangiti na lang tuloy siya habang pinapatay na ni Lem ang computer niya. Masarap din palang mag-ilusyon paminsa-minsan.

            “Napakaswerte mo sa kanila, pare,” anito.

            “Sobra!” Nilingon niya ito. “Maswerte rin ako sa ‘yo.”

            “Mas maswerte ako sa ‘yo,” tumayo ito at kinuha sa bulsa nito ang nakaluping bond paper na nakuha nito sa kama nito, “kahit napakasutil mo minsan. Dalawang beses mo ng ginawa ito sa akin. Galit ka sa akin ano? Sa pagkakatanda ko eh ginawa mo rin ito noong college pa tayo.Mukha akong aswang na di maintindihan ang gender at species sa picture na ‘to. Di ko alam kung matatawa ako o maasar dito.”

            Totoo yon. Gumanti talaga siya ng todo nang ipagkalat nito sa mga kaklase nito na may gusto daw siya dito.  Ewan niya kung saan nito nahugot ang idea pero talagang napahiya siya sa mga ka-schoolmates kaya nag-edit siya ng picture nito at ipinaskil sa Freedom Board. Lalo tuloy silang nagkagalit dahil doon. Mukha kasing bading si Lem sa in-edit niyang picture noong college pa sila.

 Napatungo siya sa kahihiyan. Minsan talaga, basta na lang siya kumikilos nang hindi nag-iisip. Iritado siguro ito sa ginawa niya. “Pasensiya na, napagtripan lang kita.”

            “Dahil hindi ako pumayag na samahan ka?”

            “Oo, nakakainis ka kasi! Ang hirap mong pakiusapan. Wala naman akong pakialam kung tulugan mo ako eh. Gusto ko lang na may kasama.”

            Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya. Masuyo nitong hinawakan ang baba niya at unti-unting itinunghay ang ulo niya. At nang mag-angat siya ng tingin ay sinalubong siya ng gwapong mukha nito na nakangiti at walang kahit anong bahid ng pagkairita. Nakaramdam na naman siya ng kakaiba habang tinititigan siya nito.

            “Alright, I’m sorry. Mag-ayos ka na at sasamahan na kita,” anito.

            Sumilay ang ngiti sa labi niya. “Talaga?!” Tumango ito. “Thank you!”

            “And I promise, hindi kita tutulugan.”

            “Promise yan ha. Pero teka, what makes you change your mind?”

            “Tinawagan ako ni Loise. She’s also coming.” Iyon lang at nagtuloy na ito sa kwarto nito.

            Napaisip siya ng malalim habang tinutungo ang kanyang kwarto. Loise is a common friend of them. Sa katunayan, mas naunang naging magkaibigan sina Lem at Loise bago pa siya umeksena sa buhay nito. Siyet! Posible kayang si Loise si ‘someone else’? Ang tanga-tanga ko talaga! Bakit hindi ko agad naisip iyon?!  Katulad niya, hindi rin naputol ang communication ni Lem at Loise. Close ang dalawa kaya malaki ang posibilidad na si Loise na nga iyon, siya si  ‘someone else’.

            Napabuntong-hininga siya. Waring may kung anong hatid na lungkot sa puso niya ang napag-alaman. Eh bakit ka ba nage-emote dyan? Sa simula pa naman eh alam mo ng hindi nga kayo pwede dahil may someone else nga. Ang kulit mo talaga, Aya. Sinesermonan na siya ng utak niya. Wala sa sariling pumasok siya sa banyo para sana linisin iyon bago siya maligo bilang paghahanda sa pagpunta nila sa premiere night. Dahil sa kagagahan at konting kalampahan ay nadulas siya nang matapakan niya ang bareta ng sabong panlaba na gagamitin sana niyang panlinis ng banyo. Sa isang iglap ay nakabalandra na siya sa sahig at sapo na niya ang ulong bahagyang tumama sa sahig. Napapikit siya sa bahagyang pagkahilo at sakit. Ang engot mo talaga, Aya!  At sinisi pa siya ng nagmamagaling niyang utak. Ilang minuto pa ay narinig niyang patakbong tinungo ni Lem ang kwarto niya.

            “Aya! Ano iyong narinig ko? Okay ka lang ba dyan?” Kinakatok nito ng paulit-ulit ang pinto pero hindi siya makatugon.

            Narinig na lang niya na bumukas ang pinto at may mga brasong unti-unting nag-ahon sa kanya sa pagkakadapa sa sahig. Nang maitayo siya nito ay walang patumpik-tumpik na naramdaman niyang binuhat siya nito at dali-daling inilabas ng bahay. Ilang bloke lang ang layo ng apartment niya sa isang medical clinic. Ewan niya kung bakit pa siya nakakaramdam ng pawang kuryenteng dumaloy sa likod niya habang buhat siya nito gayong hindi na nga niya maimulat ang mata sa sakit ng ulo niya.


            “SIGURADO ka ba talagang gusto mo pang tumuloy?” tanong ni Lem habang nasa byahe na sila papunta sa SM Megamall kung saan gaganapin ang premiere night.  Bakas pa rin sa tono nito ang labis na pag-aalala sa katangahan niya.

            “Oo naman. Ang tagal ko kayang hinintay ang Indie Film na iyon. Tsaka gusto kong makita iyong writers ng film,” aniya. Sa totoo lang ay masakit pa ang ulo niya pero iniinda niya iyon. Nilingon niya ito at nakita niyang napapailing na lang ito. “Don’t worry. Sabi naman ng doctor ay okay lang ako di ba? Shocked lang daw ako kaya ako nagkaganon. Okay naman ang pakiramdam ko ngayon eh.”

            Tinitigan siya nito. “Yan ba ang okay? Namumutla ka nga, oh. Dapat kasi ay nagpapahinga ka na lang. Mapapanood mo rin naman ang film na iyon dahil showing na iyon sa mga susunod na araw.”

            “Special kaya ang premiere night at hindi ko yon palalagpasin. I want to see Zhei Quijado and Herald Pontez. Sila kaya ngayon ang pinakasikat na writers ng Indie Films at second film na nila ito. I was also there nung premiere night ng una nilang film.”

            Finally, nakarating na rin sila sa venue. Maraming tao gaya ng inaasahan. May mga taga-press media at mga artista pero wala siyang pakialam sa mga iyon. Ang gusto lang talaga niya ay makita ang dalawang writers na sikat ngayon. Di niya kasi nakita ang mga iyon dati dahil di dumalo ang dalawa sa premiere night ng unang Indie Film na sinulat nila. Ayon sa tsismis eh mas pinili ng dalawa ang mag-enjoy daw muna sa first romantic date ng mga ito kaysa sumama sa launching ng film. How romantic. Nagpalinga-linga siya at nakita niyang kasama na ni Hyde ang kaibigan nitong writer at nakikipagchikahan sa ibang writers. Nang bumaling naman siya sa kaliwa ay nakita naman niya sina Thea  at Setty na pawang may hinihintay sa di kalayuan.

            “Di mo ba lalapitan ang mga friends mo?” usisa nito.

            “Hindi. May usapan na kami na hindi muna kami magkakakilala ngayong gabi.” Pinagpatuloy niya ang paghahanap kina Herald at Zhei.

            “Ha? Ang weird nyo talaga. Teka sino bang hinahanap mo eh katabi mo na ang pinaka-charming na lalaki sa buong mundo?”

            Eksaheradong nilingon niya ito. Kapal ng face ha. “Hinahanap ko sina Herald at Zhei. Balita ko kasi mas gwapo sa iyo si Herald ng ten thousand na paligo.”

            “Ganon? Kung gusto mo lang pala  makita si Herald ay sana sinabi mo na lang sa akin at ako na lang ang magdadala sa kanya sa bahay mo.”

            “Bakit close kayo?” may duda pang tanong niya.

            “Oo. Where cousins. Fourth degree.”

            Tiningnan niya ito ng may pagdududa pa rin. Hindi niya kasi mawari kung maniniwala siya sa biro nito. “Ows? Eching!” Kapwa sila napalingon nang magkagulo ang mga tao. Dumating na pala ang hinihintay niya.

            “Ayaw mong maniwala? Tara, salubungin natin.” Bigla nitong hinawakan ang kamay niya at muli naaliw na naman ang puso niya.

Naglakad nga sila para salubungin ang mga writers. Napatanga na nga lang siya ng makita kung gaano ka-gwapo ang Herald na yon. Tama nga ang bida ng ate Hyde niya. Mala-anghel nga ang mukha nito. Napadako din sa katabi nitong babae ang mata niya. In fairness, maganda rin si Zhei. Bagay na bagay sila.

Nang mamataan sila ni Herald ay ngumiti ito at kumaway sa kanila. Ngayon, naniniwala na siya, close nga si Lem at Herald. Nang hustong magkalapit sila ay magkapanabay pang tinapik ng dalawa ang balikat ng isa’t isa.

“Pinsan, buti naman at sumulpot ka dito sa premiere night. Musta?” Binalingan pa siya ni Herald. Nginitian niya ito. “Girlfriend mo? Bagay kayo.”

Naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak ni Lem sa kamay niya.

“Nope. My special girl, Aya,” papagpapakilala ni Lem sa kanya dito.

Nakipagkamay sa kanya si Herald. “Nice meeting you, Aya. This is my future wife, Zhei.”

“Ay, hello.Nice meeting you, too.” Nilingon niya si Zhei habang abala na sa palitan ng kamustahan sina Lem at Herald. Papasok na sila ng sinehan. “Hi, pinsan ako ni Hyde. Palagi ka niyang kinukwento sa akin. Actually, I like your film kaya andito ako ngayon to watch the second one. Congrats.”

“Thanks, so maybe ikaw yung chemist na pinsan ni Hyde na haling daw sa love story?” sambit ni Zhei.

“Ah ako nga ‘yon. Si ate talaga napakagaling magpakilala ng tao sa iba.” Sabay pa silang napatawa.

“Hope you enjoy the film. Love story namin kasi iyong film. Ewan ko ba dyan sa boyfriend kong iyan at pinagpilitan pa ang story naming maging pelikula.”

“For sure, maganda ang love story nyo.”

Ngumiti si Zhei na parang kinikilig. “Panoorin mo na lang, mahirap ng magbuhat ng bangko. Sabi ko nga kapag hindi tumabo sa takilya ang film na ‘to, hindi ako magpapakasal sa kanya. Kaya ganyan ang hitsura ng boyfriend kong iyan. Kabado ang loko.” Tumawa pa ito nang tapunan ng tingin si Herald kaya napatawa na rin siya. Nakakatuwa talagang makakita ng mga happy couple.

Hanggang sa magkahiwalay na rin sila ng landas at balik na naman siya sa tabi ni Lem na pangiti-ngiti lang habang pinapanood nila ang film. Napansin tuloy niya na hawak pa rin pala nito ang kamay niya. Aba, nasasanay na ang loko sa kamay ko ha.


            MATAPOS ang film ay nilapitan ulit nila sina Herald at Zhei para i-congratulate. Nagpaalam na rin agad sila sa mga ito dahil dumami na rin ang press media na nagtatanong sa mga ito. Papalabas na sila ng sinehan nang makasalubong nila si Loise. Nakangiti itong lumapit sa kanila. Bigla na lang siyang nagulat nang humalik si Lem sa pisngi nito. Oh, that confirms all. Si Loise nga si ‘someone else’. Napakuyom ang isa niyang kamay sa pagpipigil na wag mapaiyak. Supposedly, she should not feel that way. Pareho niyang kaibigan ang dalawa at dapat ay maging masaya siya para sa mga ito. Pero opposite ang nararamdaman ng puso niya. Nasasaktan na siya. Ni minsan kasi ay hindi man lang siya hinalikan ni Lem sa pisngi bilang warm welcome. Pagkatapos ng munting eksena na iyon ay binalingan siya ni Loise at nakipag-beso-beso pa ito sa kanya.

            “Musta ka na, Aya? Balita ko eh full-pledged chemist ka na raw. Ang tagal na nating hindi nagkakasama ah!” excited na sambit ni Loise.

            Hindi siya nagpahalata.“Oo nga eh. Busy kasi ako palagi.”

            “Busy kay Lem?” may malisyang tanong nito.

            “Ha?”

            “I heard kasi, he’s living with you. Congrats!”

            “Ah, no. I mean yes. Sa aking bahay  siya nakatira pero di yon ganon katulad ng iniisip mo.”

            Tumawa ito at binalingan si Lem. “Lem, iba ata ang version ng kwento mo.”

            Version? Ano kaya ang version ni Lem? Tinapunan niya ng tingin si Lem at nagkibit-balikat lang ito.

            “Anyway,” pagpapatuloy ni Loise. “Hinahanap ko kasi iyong kasama kong Hapon. May nakita ba kayo?”

            “Ah, I think nagpunta ata dun sa rest room iyong nakita kong Hapon. Baka siya na iyon,” sabat ni Lem.

            “Okay. Maiwan ko na kayo ha. Enjoy. Hindi ko na kayo nilapitan kanina kasi baka maka-istorbo pa ako. Ingat kayo ha.” Mabilis pa sa alas-kwatro eh naglaho na ito sa paningin nila.

            Napapakunot na lang ang noo niya. Ano kaya talaga ang ikinuwento ni Lem at napagkamalan pa silang steady couple ni Loise? Ah, baka pinagseselos lang ni Lem si Loise. Uso naman iyon palagi sa mga taong pa-eching sa love nila. Nalungkot na naman siya. Hindi na dapat niya hinayaan na mahulog ang loob niya sa best friend niya.


PREVIOUS                                                                 NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…