Skip to main content

My Dearest Someone Else - Chapter Seven




               Kapag minamalas nga naman. Nung isang araw  lang ay nasabon si Aya ng todo ng boss niya dahil dalawa sa ine-experiment nilang product ay pumalpak sa testing. Kaya halos hindi na nga siya kumakain at ilang araw ng puyat, maayos lang ang problema at hindi na ulit siya masabon ng aburido niyang boss. Dahil doon, hindi na siya natuloy sa planong pag-uwi niya sa Caliraya. Pagkatapos ngayon, bumuhos pa ang malakas na ulan. Sa dinami-dami pa ng araw na pwedeng maiwanan niya ang payong ay ngayon pa talaga naisipan ng payong niya na wag sumama sa bag niya.

               Kaya heto siya ngayon, halos basa na rin dahil nakikipagsisksikan siya sa mga nagpapatila at nakasukob sa maliit na shade malapit sa opisina nila. Pagod na pagod na siya. Gustong-gusto na talaga niyang magpahinga dahil pakiramdam niya bumaba na naman ang blood pressure niya na palaging nangyayari kapag nasosobrahan siya sa trabaho. Kulang na siya sa lahat, tulog, pagkain, at dugo. Maliban do’n, ang tunay niyang pinagsisintir ay ang kawalan ng concern ni Lem sa kanya. Ilang gabi na siyang nale-late ng uwi at di man lang ito nag-abalang hintayin siyang makauwi o kahit konting pang-uusisa man lang ay wala siyang napala. Kunsabagay, isang linggo na nga palang lobat ang cellphone niya. Halos hindi na rin sila nagkikita kahit nasa iisang bahay sila. Madalas ay tulog na ito pagdating niya at tulog pa rin ito pag-alis niya. Alas-sais pa lang kasi ng umaga ay nasa opisina na siya.


           Hindi na talaga niya kaya. Bumibigay na ang mata niya at gusto ng pumikit. Susuungin na sana niya ang ulan nang biglang bumukas sa harap niya ang isang payong. Nang lingunin niya ang may hawak ng payong ay tumambad sa kanya gwapong mukha ni Lem at napansin niya agad na bagong gupit ito. Mas bagay dito ang bagong hair style. Napatanga na lang siya.

            “Buti na lang nakita kita dito. Kanina pa akong nag-aalala sa ‘yo. Alas-onse na, hindi ka pa nadating.” May halong sermon pa ang tono ni Lem kahit na may halong pag-aalala rin.

            Inirapan lang niya ito. “As if you cared.”

            “Of course, nag-aalala ako sa ‘yo. Tara na umuwi na tayo.” Hindi na siya nakasagot nang hawakan nito ang kamay niya. Hindi na talaga siguro babalik sa normal ang puso niya. Paulit-ulit na lang na ganon ang nangyayari sa puso niya kapag nasa tabi lang niya si Lem.

            Maya-maya pa ay naglalakad na sila habang hawak nito ang kamay niya at ang payong. Dahil sa presence nito ay medyo nawawala ang pagod niya pati ang pinagsisintir niya eh naglaho na rin. Kahit kasi seryoso ang mukha nito ngayon eh gwapo pa rin ito. And that handsome georgeous adorable charming cute face of him seemed to be her stress reliever.

            “Aya, hawakan mo nga muna itong payong.” Sinunod niya ito kasabay ng pagbitaw nito sa kamay niya. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Hinubad nito ang suot na jacket at ipinasuot sa kanya. “Suot mo na ito. Baka magkasakit ka. Ilang araw ka pa man ding subsob sa trabaho mo, madali kang dadapuan ng sakit niyan.”

Ito na mismo ang nagpatong ng jacket sa balikat niya kaya hindi na siya nakaangal. “Salamat.”

 Nang maisuot na niya iyon ay masuyong hinawakan nito ang payong at inakbayan siya. Hindi niya inalis ang kamay niya kaya ngayon ay magkapatong ang kamay nila habang hawak ang payong. Hindi na rin siya nagprotesta sa pag-akbay nito dahil nilalamig na siya ng todo at ang pag-akbay nito ay nakapagpabawas sa lamig na nararamdaman niya. She felt totally secured. Ganon pala ang pakiramdam ng nakakulong sa bisig nito. Muntik na niyang hilingin na sana ganon na lang sila palagi.

Masuyo siyang inalalayan nito sa pagsakay sa jeep. Nanghihina na talaga siya. At habang nasa byahe ay nanatili pa rin ang braso nito na nakayakap sa balikat niya. Marahil ay para alalayan siya kung sakaling mawalan siya ng balanse. Mabuti na lang at wala masyadong pasahero sa loob ng jeep. Kung nagkataon ay baka kung ano na ang isipin ng iba sa kanila. Wala pa rin silang imikan hanggang sa huminto ang jeep sa tapat ng kanilang bahay. Sa wakas at tumila na rin ang pasaway na ulan.

Pagpasok nila ng pinto ay nakaalalay pa rin ito sa kanya hanggang sa mahilo na siya. Agad siyang nasalo nito at masuyong inihiga siya sa sofa.

“Pagod na pagod na talaga ako!!!!” bulalas niya sa pagod na pagod na boses sabay pikit ng mata. “Sa wakas makakatulog din ako! Amen!”

“Siguro low blood ka na naman. Napaka-workaholic mo naman kasi. Nagpipigil lang talaga ako na pakialaman ka sa trabaho mo nitong nakaraang araw kaya wala kang naririnig sa akin. But look at yourself now. Mukha ka ng lantang gulay. Kumakain ka pa ba?” Narinig niya ang sermon nito pero hindi na siya nag-abala na magmulat pa ng mata para harapin ito. Nahihilo na kasi siya sa pagod.

“Lem, wag ngayon ang sermon. Gusto kong magpahinga. Bukas mo na lang ako talakan, pwede?”

Wala na nga siyang narinig dito maliban sa buntong-hininga. Bagkus ay naramdaman niyang binuhat siya nito. “Saan mo ako dadalhin?” tanong niya sa inaantok na tinig.

“Sa kwarto mo. Pwede ba akong pumasok sa kwarto mo?”

“Kung ayaw ko?” Hindi pa rin siya nagmumulat ng mata. Napaubo pa siya. Mukhang magkakasakit na nga siya.

“Wala ka ng magagawa dahil nadito na tayo sa kwarto mo.” Masuyong inihiga siya nito sa kama niya.

Hinubad niya ang jacket na medyo nabasa na rin ng ampiyas ng ulan at iniabot iyon sa kanya. Sa wakas ay kinaya na rin niyang magmulat ng mata kaya sumalubong agad sa kanya ang maamong mukha nito habang kinukumutan siya. Napatitig na lang tuloy siya dito. Puno ng pag-aalala ang ekspresyon ng mga mata nito. Ah, how sweet! Ganito pala ang pakiramdam ng inaalagaan…Wow! Pam-pocketbook na hirit!

“Thanks, Lem,” aniya.

“May sermon ka pa sa akin bukas kaya wag ka muna magpasalamat,” biro nito. Napatawa naman siya. Umupo ito sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay niya. Nanlalambot na ang katawan niya sa pagod kaya nga nagtataka siya kung bakit hyper pa rin ang puso niya sa pagtalon.

“Magpahinga ka na. If you need something, nasa kabilang kwarto lang ako. Isigaw mo lang ang napaka-charming kong pangalan at darating ako.”

“Okay.”

He slowly moved closer to her. Heto na naman ang eksenang ito. Pumikit na lang siya tutal naman magandang excuse na inaantok na siya. Pero hinihintay pa rin niya ang gagawin nito. Hahalikan na ba siya nito? She suddenly felt his breath much closer until his soft warm lips landed on her forehead. Ngek! What do you think of me, your lola? Pero okay na rin, dahil sign daw yon ng respeto sa isang tao. He respects her a lot. At ang idea na iyon ay masarap baunin sa panaginip niya. Hindi ba?



MABIGAT ang buong katawan ni Aya nang magising siya. Agad niyang naramdaman na masakit ang ulo niya kaya hindi niya agad naimulat ang mga mata. Nakiramdam muna siya sa paligid dahil may kung anong bagay na malambot na tila yumayakap sa bandang ulunan niya. May kung ano pang mainit na nararamdaman siya sa kayang braso at may familiar na pabango siyang naaamoy. And finally, she had open her eyes at tumambad sa kanya ang mga bagay na iyon. Nakaupo sa gilid ng kama niya sa bandang ulunan si Lem. Nakayakap sa kanya ang mga braso nito habang nakasubsob ang ulo niya sa dibdib nito. Nang iangat niya ng konti ang paningin ay nakita niya na ang nakasandal ang ulo nito sa inuunan niya habang himbing na natutulog. Nagtataka siya. Sa pagkakatanda niya ay lumabas ito ng kwarto niya kagabi. Eh ano ngayong ginagawa nito sa kwarto niya…sa kama niya…? Waah! Ayashella, anong nangyari?! Isipin mong mabuti iyon!!! Kung anu-anong kapraningan ang naisip niya nang bigla itong nagising. Nang makita nitong nakatingin lang siya dito ay agad nitong sinapo ang noo niya.

“Naku naman, may konting lagnat ka pa rin. Pero mabuti na lang at bumaba na ang lagnat mo. Grabe, akala ko kung ano na ang nangyari sa ‘yo kagabi,” litanya nito.

Napabuntong-hininga siya. Nilagnat lang pala siya at nagmagandang-loob lang ito na alagaan siya. Nakahinga siya ng maluwag pero saglit lang iyon dahil nasundan agad iyon ng pag-iinarte na naman ng puso niya. Inalagaan siya nito at binantayan ng buong magdamag. Hindi siya nakaimik dahil biglang sumakit ang ulo niya nang dahan-dahan nitong inayos ang pagkakapwesto ng ulo niya. Nasapo tuloy niya ang kumikirot na ulo.

Nanatili itong nakaupo sa tabi ng kama niya. Hinaplos nito ang noo niya.

“Masakit pa ba ang ulo mo? Di bale, ikukuha lang kita ng makakain mo tapos iinumin mo na iyong reseta ng doctor.” Tumayo ito para lumabas ng kwarto niya nang tawagin niya ang pangalan nito. “Bakit? May iba pa bang masakit sa ‘yo?”

“Wala, ulo ko lang tsaka buong katawan ko ata. Ano bang nangyari sa akin? Wala kasi akong matandaan.” Niyakap niya ang isang unan na nahagip niya.

“Nagka-trangkaso ka at mababa pa ang blood pressure mo at nagdeliryo ka lang naman ng konti. Pero sabi ng doctor na tumingin sa ‘yo kagabi, inumin mo lang daw ang gamot mo at magiging okay ka na. Bawasan lang daw ang sobrang trabaho at ituro ko daw sa ‘yo ang salitang magpahinga. Kaya magpahinga ka lang dyan, ako na ang bahala sa lahat.” Tinalikuran siya nito at sa isang iglap ay nag-iisa na siya.
            

              HINDI niya alam kung gaano siya katagal naghintay sa pagbalik ni Lem. Nakapikit siya habang inaaliw niya ang sarili sa pakikinig ng morning session song na Tokyo Drift sa kanyang ipod. Kung hindi nga dahil sa masakit ang katawan niya at ang kanyang ulo, marahil ay nagsasasayaw na naman siya sa ibabaw ng kama niya. Kulang na kasi talaga ang buhay niya kapag hindi siya nakakapagsayaw sa umaga. Nang bumalik si Lem ay may dala na itong isang tray na may lamang mangkok at isang basong tubig. Napamulat tuloy siya ng mata nang marinig na may nagbukas ng pinto. Napansin niyang bagong ligo na ito at bihis na bihis. Ipinatong nito ang tray sa bedside table at umupo ito sa kama niya.
            
                Hinila nito ang earphone na nakasalpak sa tenga niya. “Lalong sasakit ang ulo mo sa ginagawa mo. Kumain ka na, Aya tapos inumin mo itong gamot mo.” Ibinigay nito sa kanya ang reseta ng doctor at ang mga gamot. Ipinaliwanag din nito kung alin don ang once a day at three times a day na iinumin niya. Tumango-tango lang siya kahit hindi niya naintindihan masyado. Nakatitig na naman kasi ito sa kanya habang kinakausap siya. Nagbabago na naman ang heartbeat niya. Ewan niya lang kung dahil sa lagnat ba yon o kilig. Ramdam niya kasi ang buong pag-aalaga nito sa kanya.

 “Nakikinig ka ba?” tanong nito.

            Doon lang siya pawang natauhan. “Ah,oo.”

            Umiling pa ito. “Anyway, nakasulat naman lahat ng sinabi ko sa reseta ng doctor.” Kinuha nito ang mangkok at iniabot sa kanya. “Gusto ko sana eh alagaan ka na lang kaya lang nagpatawag ng emergency meeting ang boss ko. Wrong timing talaga sila kahit kelan. Aalis muna ako ha. Sana makabalik ako agad. Ubusin mo yan ha. Pag magugutom ka, may pagkain pa sa kusina.”

            “Salamat, Lem. Nakabawi ka na sa lahat ng tulong ko sa ‘yo. Quits na tayo,” sincere na sambit niya.

            Umeksena na naman ang adorable smile nito. “Kulang pa nga ito. Kung alam mo lang. Andami mo ng nagawa para sa ‘kin. Ako pa rin dapat ang magpasalamat sa ‘yo. Thanks.”

            “Welcome.”

            Tumayo na ito. “Aalis na ako. Male-late na ako eh. Pasensiya ka na ha kasi hinalungkat ko ang bag mo at nai-charge ko na ang cellphone mo kagabi. Para kung sakaling kailanganin mo ng tulong eh matatawagan mo ako agad.”

            “Okay, tatawagan na lang kita kapag nagkaproblema. Pero wag ka na mag-alala. Okay na ako. Bababa na rin ang lagnat ko maya-maya.”

            “Basta, wag kang maglalalabas ha. Hindi gaanong maganda ang weather kaya malalamigan ka lang. Isinara ko ang mga bintana para hindi pumasok ang lamig sa bahay, wag mong bubuksan.”

            “Opo, ‘tay. Sumusunod po ako sa nakakatanda.”

            “Heh.” Tiningnan siya nito. “May pag-uusapan kami ni Loise mamaya. Makikipagkita muna ako sa kanya bago ako umuwi. Don’t worry, hindi ako magtatagal.” Hinaplos nito ang mainit niyang pisngi at ginawaran iyon ng halik ng malambot nitong labi. Napapikit na lang siya at napapitlag. May kung ano kasing kilig na dala ang saglit na halik na iyon. Ilang saglit pa bago siya nakapagdilat ng mata at wala na ito sa harap niya. Narinig na lang niyang may nagsara ng gate. Nakaalis na pala ito.

            Napasandal na lang siya habang inuunti-unting kainin ang sopas na niluto nito para sa kanya. Makikipagkita ito kay Loise. Magtatapat na kaya si Lem kay Loise? Ayaw niya ng idea na ‘yon. Hay Lem, pwede bang ako na lang? Mismong siya ay napakunot-noo sa naisip.

            At least, nakuha naman niya ang pinagsintir niya noong premiere night na dinaluhan nila. Patas na sila ni Loise dahil hinalikan na rin siya ni Lem sa pisngi. May kasamang tender love and care pa iyon…sa ilusyon niya. Napabuntong-hininga na lang siya. At si di mawaring dahilan ay may dumaloy na likido mula sa mata niya. Ibinalik niya ang mangkok sa tray dahil baka matuluan lang iyon ng luha niya. Now, she finally admits all to herself. Hindi siya masasaktan ng ganon kung sa simula pa lang ay wala siyang nararamdamang special para kay Lem. Sa ayaw niya’t sa hindi, kailangan niyang tanggapin na mahal na niya ito kahit na patuloy na umeeksena si ‘someone else’. 

                At sa unang pagkakataon ay nalaman niya ang ibig sabihin ng pagmamahal at kung gaano kasakit ang hindi mahalin ng taong minamahal. Pero ano ang ibig sabihin ng kiss na iyon? Bakit kailangan pa nitong magpakita ng special attention at affection sa kanya? Panakip-butas nga eh. Hindi mo ba naiintindihan iyon?! Sinesermonan na naman siya ng utak niya.

            Pinawi niya ang mga luha. Hindi siya dapat magpaapekto sa nangyayari. After all, they’re just friends. Katangahan na lang talaga niya kung bakit niya hinayaan ang sarili na masulsulan ng panunukso ng mga lukarit niyang kaibigan at ng kanyang puso. Kinuha ulit niya ang mangkok at inubos ang niluto nito. Pagkatapos ay ininom niya ang gamot na ibinilin nito sa kanya at nahiga na ulit siya para magpahinga. Kailangan talaga ng katawan niya iyon at ng puso niyang sugatan.
           

            MAS magaan na ang pakiramdam niya nang muling magmulat ang kanyang mga mata. Sinipat niya ang alarm clock. Alas-tres na pala, hindi pa siya nakakakain ng tanghalian. Basta na lang niya dinampot ang cellphone at ibinulsa iyon. Pumunta siya sa kusina at naghalungkat ng makakain. Ininit na lang niya ang sopas at siya niyang tinanghalian at merienda. Binuksan niya ang tv sa sala at umupo sa sofa. Love story na naman ang palabas na pelikula na naabutan niya. Mabuti naman at nalalasahan na niya ang kinakain niyang sopas dahil indikasyon iyon ng paggaling niya. At saka lang niya napagtanto na hindi gaanong masarap ang luto ni Lem pero dahil pinaghirapan nitong iluto iyon para sa kanya, pinagtyagaan na  niyang kainin iyon. Pinaniwala na lang niya ang sarili na wala talaga siyang panlasa kaya ganon ang lasa ng kinakain niya.

               Nang matapos kumain ay ininom niya ang gamot. Kinuha niya sa kwarto niya ang unan at kumot. Sa sofa na lang siya magpapahinga habang nanonood ng A Walk to Remember  na limang beses na ata niyang napanood pero hindi niya pinagsasawaan. Bago humiga ay hinugot niya muna sa bulsa ang cellphone. Doon lang niya napansin na may limang missed calls na pala siya. Tulog na tulog kasi siya kanina kaya hindi niya namalayan ang pag-iingay ng cellphone niya.

            Humiga na siya sa sofa. Tiningnan niya kung sino ang nag-miss call at tumambad sa kanya ang pangalan ni Lem. May mga messages din pala ito.

            Bakit di mo sagot col ko?…tulog ka pa?…lunch na kain ka na…uwi ako ng maaga promiz…ano gusto mo pasalubong?

            Wala siya sa mood patulan ang concerns nito. Ibinalik na lang niya ang atensyon sa panonood nang biglang mag-ring ang phone niya. Tumatawag na naman si Lem. Inilapag niya ang cellphone sa center table at nagbalot ng kumot. Hinayaan lang niyang magwala ang cellphone niya. Wala pa siya sa mood na makausap ito matapos ang pag-amin niya sa sarili niya sa nararamdaman niya para dito. Baka sabihin lang nito na okay na sila ni Loise. Lalo lang siyang masasaktan.

            Nakatulog na naman siya at nang magising siya ay madilim na sa labas. Buhay na ang ilaw sa sala kaya nasisigurado niya na dumating na si Lem. Babangon sana siya nang bigla siyang nahilo kaya humiga na lang siya ulit. Nasobrahan naman ata siya sa tulog. Napatingin siya sa center table. May card doon at maliit na pulang kahon. Dahan-dahan siyang bumangon. May pangalan niya ang card kaya hinagilap na niya iyon at binasa.

            To my special best friend,

                        Pagaling ka pare kasi di ako sanay mag-alaga at alam kong pumapalpak na ako sa pag-aalaga sa iyo. Kinain mo iyong lutong-alien kong sopas?? Buti na lang hindi ka nalason. I just want to say, I love taking care of you pero natatakot din ako kasi baka kung ano pang mangyari pa sa iyo dahil hindi ako marunong mag-alaga. Kaya magpagaling ka ng husto.

            I love you, pare,,,Happy Best friends’ Day…
                                                                                                            Love lots,
                                                                                                            Lem



PREVIOUS                                                             NEXT 

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…