Skip to main content

My Dearest Someone Else- Chapter One



“Haller Pilipinas! I’m back!” Nangingiti pa si Aya habang naglalakad papalabas ng airport dahil sa wakas ay makakapagpahinga na rin siya ng maayos. Feel na feel niya ang paglalakad hila-hila ang napakalaking traveling bag niya.

Papunta na siya sa waiting area ng Airport. Doon ang meeting place nila ng tatlong kaibigan niya na susundo sa kanya. Kagagaling lang niya sa isang training sa Belgium. Isa siyang full-pledged chemist sa isang kompanya na gumagawa ng iba’t-ibang beauty products. Sa Laguna nakabase ang laboratory nila. Doon din sila sinuwerteng makabili ng bahay na pinagpaguran talaga nilang apat na magkakaibigan.

                Papalapit na siya sa waiting area nang mamataan niya si Hyde na may kausap na singkit na tila naliligaw. Sa naaalala niya ay iyon din ang Hapon na sumagi sa kanya. Napansin niyang mustra ng mustra ang pobre niyang pinsan habang nananatiling nakakunot ang noo ng singkit. Napansin din niya ang laptop nito na talaga namang hindi na maaalis sa piling ng kanyang writer na pinsan. Maya-maya pa ay kinawayan na siya nina Thea at Setty.

                Tumawid siya ng kalsada at  sinalubong siya ng yakap ng dalawa.

                “Aya! Musta ang Belgium?” bungad ni Setty.


                “Okay naman, namili ako ng pasalubong sa inyo.Sinulit ko talaga ang one week training ko doon,” tugon niya.

                “Ah, ganon,” tipid na tugon ni Setty dahil abala na naman ito sa pakikipag-text nito sa kung  sinomang latest na textmate nito.

                “Aya, bakit lumaki ata ang maleta mo?” biglang tanong ni Thea. Ito ang best friend niya sa college.

“Ah, namili ako ng maraming  chocolates!  Alam n’yo naman na adik ako sa chocolate.”

Nilingon niya ang papalapit niyang pinsan. Napapailing pa ito, ngunit nang makita siya ay ngumiti na ito.

                “O, vakla! Dyan ka na pala.” Niyakap siya nito. “Na-miss kita!” Mas matanda sa kanya si Hyde at parang kapatid na ang turing sa kanya nito.

                Napatawa na lang siya. Ang OA talaga ng barkada nila. One week lang naman siyang nawala ay parang isang century na ang lumipas.

                “Ate, sino iyong singkit na iyon?” Sinundan pa niya ng tingin ang Hapon na kinakausap ng pinsan niya kanina.

                “Ah, naliligaw na Hapon! Naghahanap ng CR eh kung anu-ano pang comfort chuva ang pinagsasabi. Di kami magkaintindihan ng siopao na iyon. Tama naman ang grammar ko, nakakaintindi naman daw siya ng Ingles. Akalain n’yo, nung iningles-kabayo ko … sa wakas nagkaintindihan na rin kami.”

                Sabay-sabay silang tumawa.

“Tara na nga!” Nag-abang na si Hyde ng taxi habang yakap-yakap ang precious laptop nito. Kasamaang-palad ay biyahe lang sila ngayon dahil hindi pa sila nakakabili ng kotse. Binabalak kasi nila na ipa-renovate ang bahay na kabibili lang nila sa Caliraya.

                Saglit na napatanga sila nang may dumaang isang gwapong binata na naka-long sleeves at tie sa harap nila. May kausap ito sa cellphone at palinga-linga sa direction nila. Maya-maya pa ay nakita nilang sinalubong ito ng isa pa ring gwapong lalaki at sumakay sila sa isang green na crosswind.

                Nakangiting sinusundan ng tingin ng best friend niya ang binata.

                “Ang gwapo naman niya!” sambit ni Thea.

                “Oo nga. Pero mas cute iyong sumalubong sa kanya.” Nilingon din iyon ni Setty ngunit nawala agad doon ang atensyon nito nang mag-beep ang message alert tone ng cellphone nito.

                “Pero mas cute iyong Hapon na naliligaw, di ba vadesh?” komento naman niya sabay lingon kay Hyde.

                “Ewan ko.” Abala pa rin ito sa pag-aabang ng taxi. Lumingon ito sa direksyon ni Setty. “Hoy, sis. Tigilan mo na muna iyang pagtetext sa abstract boyfriend mo. Sayang ang maganda mong cellphone kapag na-snatch iyan.”

                “Okay.” Kiming sinunod lang ito ni Setty. Isinusok nito sa hapit na pantalon ang cellphone.

                Sesegunda pa sana siya ng comment nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Nakita niya ang pangalan ng college friend niya sa screen ng phone niya. Sinagot niya ang tawag.

                “Haller?”

                “Oy, pare nakauwi ka na nga! Pasalubong ko?”

                “Paano ko ibibigay ang pasalubong ko sa ‘yo pare eh nasa Cebu ka? Tunaw na ang chocolates bago pa makarating sa ‘yo.” ‘Pare’ ang tawagan nila  ng kaisa-isang lalaking ayaw siyang lubayan at nagpupumilit na best friends daw sila.

                Nagkakilala sila ni Lem sa isang school organization noong college pa lamang sila. Naging close friends sila hanggang sa nagalit siya dito ng todo dahil pinagkalat nito sa buong klase nito na may gusto daw siya dito. Which is quite true, dahil naging crush nga niya ito noong mga panahon na iyon pero dahil sa kayabangan nito ay naglaho na rin iyon. Bagama’t magkaiba sila ng course, kahihiyan pa rin ang ibinigay nito sa kanya. Wala na nga sana siyang balak patawarin pa ito kung hindi lang nito sinagip ang buhay niya mula sa nasusunog na chemlab kung saan na-trapped siya dahil sa kanyang katangahan. Humingi naman ito ng sincere apology kaya naayos na rin ang naging problema nila noon. At ngayon nga, kahit magkalayo na sila at halos apat na taon na ring hindi nagkikita ay hindi pa rin nito pinuputol ang communication nila.

                “Wala kayong sasakyan di ba? Ihahatid ko na lang kayo,” sagot nito.

                “Eh, paano nga? Patawa ka naman eh.”

                Biglang may pumaradang black na Honda car sa tapat nila. Ibinaba ng driver ang bintana at tumambad sa kanya ang nakangiting si Lem. He was the same Lenardo Emmanuel Montilla. Baby face, palangiti, at aaminin niya kahit napipilitan lang siya na guma-gwapo ito. Pero alam niyang kasabay niyon ay lalo itong yayabang. Sa pagkakatanda niya ay computer programmer ito sa isa sa pinakamalaking information technology company sa bansa. Magkasabay nilang ini-off ang kanilang cellphone.

                “Ang galing mo talaga! Sumusulpot ka talaga kapag naaaburido ako,” sabi niya dito.

                “Ako pa! Sakay na, ihahatid ko na kayo sa Laguna tutal naman ay naka-schedule din ako ng pagpunta roon.” Bumaling ito sa mga kasama niya. “Oy, mga kafriendships ni Aya. Ako ngapala  si Lem. Hi! Tara, ihahatid ko na kayo.”

                “Oh, talaga! Salamat.” Si Hyde na ang humila sa travelling bag niya papalapit sa kotse nito. “Ikaw pala si Lem. Kilala ka lang namin sa picture eh.” Nakita niyang nginitian nito si Hyde. Pa-cute na ngiti.

                “Yan, pwede na ulit akong magtext sa byahe.” Excited na inilabas ni Setty ang cellphone niya. “Ay, hindi pa rin nag-reply?” Dismayado ang mukha nito.

                “Ang bait mo talaga, Lem,” papuri ni Thea. Magkakilala rin sila pero di gaanong close.

                Lumabas si Lem ng kotse para ilagay ang  bagahe niya sa compartment.  Habang ang mga talipandas niyang kaibigan na wala na ring hiya-hiya sa katawan ay pumasok na sa backseat. Wala tuloy siyang naging choice kundi sa tabi nito maupo. Ilang minuto pa ay nasa byahe na sila.

                “So, paano mo nalamang ngayon ang dating ko? Hindi ko naman sinabi sa ‘yo,” usisa niya kay Lem. “Kelan ka nga pala naligaw dito sa Maynila?”

                “Last week pa ako nadito sa Manila. Inilipat kasi ako ng office. Pinuntahan kita sa company mo sa Laguna at doon ko nalaman ang details. Dito muna daw ako for six months. Dyahe nga, ang layo ko sa girlfriend ko.”

                “Okay lang yan, pwede naman ang long distance relationship di ba?”

                “Ang problema nga, ayaw ko ng ganon.”

                “Don’t tell me nagbabalak ka na namang makipag-break sa latest girlfriend mo? Pwede ba, pare magtino ka nga!”

                “Bakit? Matino naman ako. Di naman ako ang nakikipaghiwalay ano. Sila ang unang nakikipaghiwalay.”

                Bumuntong-hininga siya. “Yeah, right. Pero alam nating nagbigay ka ng motibo na hiwalayan ka nila.”

                “Hindi kita sinundo para asarin ako, oy. Pabayaan mo ako sa love life ko. Hinahayaan din lang naman kita sa love life mo ah… Ah, teka, nagka-love life ka na ba? Di pa ata di ba? Mali ang statement ko… Hahayaan lang kita kung sakaling magka-love life ka pa.”

Binalingan niya ito. Aba! Anong ibig mong sabihin doon? Hindi na ako magkaka-love life! Buwisit ka talaga, Lenardo Emmanuel! Napansin niya ang mapang-asar na ngiti nito kahit na nakatutok ang atensyon nito sa pagmamaneho. Palagi naman silang ganon kaya nasanay na rin siya. Di na niya tinapatan ang sinabi nito dahil baka magka-initan lang sila at kung ano pang aksidente ang matamo nila pag nawalan ito ng control sa manibela. Nilingon niya ang tatlong kaibigan sa backseat.

Ang mga bruha, naghihilik na pala kaya mga natahimik.  Wala siyang choice kundi ituon na lang sa bintana ang atensyon niya at paminsan-minsan ay binabalingan niya ang kanilang driver.

Sumilip si Lem sa rearview mirror. “Mukhang napagod sila sa paghihintay sa ‘yo. Lalo na iyang si Hyde. Napansin kong siya ang unang nakatulog sa kanila.” Tulad ng mga kaibigan niya, kilala din ni Lem sa picture ang mga lukarit niyang kaibigan.

“Writer kasi iyan. Madalas gising sa gabi, humaharok sa umaga. Vampire. Balik tayo sa ‘yo. Alam mo pare magtino ka na kasi wala kang magiging asawa kung ganyan ka.”

“Haler? Di ako ang tipong naghahabol sa babae. Kung hiwalayan man ako ng gf ko ngayon, problema na niya iyon. Parang ganun na nga ang mangyayari sa amin ngayon dahil di man lang niya sinasagot ang tawag ko.  Kung hindi para sa akin, hindi para sa akin. Kasalanan ko ba na ako ang natripan ng kompanya na ihagis dito sa Maynila?”

“So, hindi ka man lang gagawa ng effort?” umiling ito. “Imposible ka talaga, Lem.” Isinandal na niya ang ulo sa headrest ng inuupuan niya. Sumasakit na kasi ang ulo niya dahil sa jet lag.

 Bigla nitong itinabi ang kotse.

“Bakit?” tanong niya.

Kinuha nito ang unan sa likod ng upuan nito at iniabot sa kanya. “Matulog ka na rin para lumaki ka at tumaba. Ako na lang ang bahala sa inyo.” Ipinagpatuloy na nito ang pagmamaneho.

 “Okay na sana, magpapasalamat na sana ako sa kabaitan mo. Pero nag-back out ang dila ko. Wag mong pakialaman ang katawan ko, tabatsoy!” Malaking-bulas kasi si Lem at medyo mataba ng konti at hindi hilig ang mag-gym kaya walang kaporma-porma ang katawan nito. Walang-wala sa mga lead male characters na nilikha ni Hyde sa mga nobela nito.

“Ang sama mo, hindi ako mataba.”

“O sige, chubby na lang.”

“Ganun din iyon eh.” Umarte itong tila nasasaktan. “You’re hurting me.” At nagpaawa na nga ito.

Sa halip na masimpatya eh tinawanan lang niya ito. Kilalang-kilala na kasi niya ang mga banat nito. “Eh anong magagawa ko kung sa paningin ko eh mataba ka. Ang laki nga ng tiyan mo o. Sa lagay na iyan di ka pa mahilig mag-inom. Eh paano pa kaya kung isa kang certified tanggero? Siguro mukha ka ng pulis na nangongotong.”

Hindi ito umimik kaya nilingon niya ito at napansing seryoso ang mukha nito habang nakatutok sa pagmamaneho. Mukhang seryoso nga ito…sa pagdadrama na palagi nitong ginagawa. “Ikaw talaga, ang lakas mong mang-asar tapos kapag ikaw na ang aasarin eh napipikon ka,” aniya.

“You’re hurting me. I’m hurt. Parang ang pangit pangit ko sa mata mo.”

“Ah, di naman masyado. Slight lang. Well, does it matter?”

“Yes it does. Paminsan-minsan eh babaeng tunay ka rin at kung paano mo ako tingnan eh malamang ganon din ang tingin ng mga duling sa akin.”

“Anong ibig mong sabihin don? Na minsan babae ako, minsan hindi? Oy, hindi ako duling!” Sinimangutan niya ito. “Medyo gwapo ka naman eh. Okay na yon. Mataba ka lang.”

“Di nga ako mataba at di pa ako gwapo. Charming pa lang.” At umiral na muli ang kayabangan nito.

 Naalala tuloy niya nung college pa lang sila. Ayaw na ayaw nito na tinatawag itong gwapo dahil sa opinyon nito ay cute pa lang ito. Nang mag-twenty na ito, sinabi nito na nag-evolve na ito from cute to charming. At ngayong malapit na itong mag-twenty six ay nalalapit na ang pagtatapos ng pagiging charming nito at mage-evolve na daw bilang handsome pag nag-thirty na ito. Maangas nga kung tutuusin pero may ipagyayabang naman talaga ito basta mukha ang pag-uusapan. He has everything in his face that any woman will adore. His expressive eyes, well-pointed nose, and his gorgeous and adorable smile…okay din ang lips nito.

“Oo na, lalaki na naman ang ulo mo, Charming. Ngapala, madedestino rin ako sa Maynila next week kasi nasa Maynila iyong mas high tech naming laboratory.”

“Oh, ayos iyon. Makakapagchikahan pa tayo ng marami habang nalafang. Lunch or dinner. Malapit kaya ang main office namin sa main office nyo. Food trip ulit tayo one time.”

Isa sa di niya mawari kay Lem ay ang paggamit nito ng gay language paminsan-minsan kahit na nasisigurado naman niyang hindi ito bakla. Minsan na kasing nabiro niya ito at tinawag niyang bading. Ilan linggo siyang di kinausap nito dahil nasaktan daw ito sa biro niya. Akala kasi niya noon ay bading nga talaga ito dahil sa way ng pagsasalita nito using gay terms. At doon na niya napatunayan na certified man naman pala ang loko.

“Good luck na lang sa ‘yo kung magka-oras pa ako. Alam mo naman ang trabaho ko. Parang doctor, laging on call,” sabi niya.

Bumuntong-hininga ito. “Asar naman. Pero kukulitin pa rin kita.”

That was his specialty. Napakagaling nitong mangulit. Kapag humindi siya sa pagyayaya nito ay gagawa talaga ito ng kung anu-anong justification para mapapayag siya. Hahabulin pa siya nito kahit saan siya pumunta. Ibang klase talaga ang powers nito sa pangungulit kapag naisipan nitong mangulit. Kaya nga di niya maintindihan kung bakit bumabaliktad ang ugali nito kapag love na ang pag-uusapan. Wala pa siyang naalala na may babae itong kinulit o hinabol para di makipaghiwalay dito. Kapag nag-goodbye na ang babae eh hinahayaan na lang nitong umalis ng ganun-ganon na lang kahit na ang kapalit noon ay heartache. Mga lalaki nga naman…Sari-sari ang version ng pride.

                Hindi na niya nakayanan ang pag-atake ng sakit ng ulo niya kaya napapikit na siya. “Gisingin mo na lang kami, Manong driver kapag nasa Caliraya na tayo ha.”

                “At ginawa pa talaga akong taxi driver. Sige po, Ginang. Gigisingin ko na lang po kayo ng mga anak nyo kapag nasa Caliraya na tayo.”

                Hinampas niya ng unan ang tiyan nito. Narinig niyang napasinghap ito pero alam niyang umaarte lang ito kaya hindi na siya nag-aksaya ng oras na magmulat pa ng mata.


                                                                                                          NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…