Skip to main content

My Dearest Someone Else- Chapter Nine







Naputol ang kadramahan nila nang mag-ring ang cellphone niya. Tinatawagan siya ni Loise. Huminga siya ng malalim bago sinagot ang tawag.

                “Aya! Anong nangyari sa inyo ni Lem?” bungad agad nito.

                “Ha?”

                “Nakipagkita sa akin si Lem kani-kanina lang and he looks so hopeless. Broken-hearted na naman daw siya. Ano bang nangyari?”

                “Broken-hearted?” Teka, nalilito na ang isip niya. Eh di ba si Loise si someone else? Bakit ito mabo-broken hearted?

                “Oo dahil daw sinabi mo na umalis na siya sa bahay mo. Girl, naloloka ka na ba? Magpo-propose na iyong tao sa ‘yo tapos pinalayas mo agad sa bahay mo! Nahirapan ako sa paghahanap ng wedding ring n’yo ano! Tapos hindi pala matutuloy. Nag-volunteer pa nga ako na maging wedding coordinator nyo for free!”

                “Ha?” Lalo siyang naguluhan. “Anong magpo-propose? Anong wedding ring?”

                “Magpo-propose ng love sa iyo. Kasal siguro. Nagpatulong pa nga iyon na pumili ng wedding ring.”


                “What?” Napabulalas siya. Napansin niyang nakatingin lang sa kanya ang tatlo niyang kaibigan. Totoo ba ang pinagsasabi ni Loise sa kanya? Nagpo-propose na pala ito sa kanya nang ibinigay nito ang singsing na inakala niyang friendship ring. Ibig sabihin lang noon, mahal din siya ni Lem. Teka, naalala naman niya si ‘someone else’.            

                “Oy, Loise wag mo nga akong pinagloloko ha! Para kang si Lem eh, biro ng biro ng pakakasalan daw ako!”

                “Luka-luka! Seryoso iyon na pakakasalan ka nga niya!” Kagyat na natuwa ang puso niya. “Hindi mo ba alam na college pa lang tayo eh mahal na mahal ka na no’n. Natatakot lang na magsabi sa ‘yo dahil baka daw maapektuhan ang friendship nyo kaya hindi niya tinuloy na ligawan ka.”

                “Seryoso ka ba? Eh paano iyong someone else?”

                “Hay naku, kung magkaharap lang tayo nahila ko na ang buhok  mo. Hindi mo pa ba nage-gets?” 

                “Ang alin?”

                Narinig pa niyang napabuntong-hininga ito. “Kaya walang nagwo-work sa past relationships niya kasi po ikaw ang palaging bukang-bibig ni Lem pati sa mga girlfriend niya. At tuwing mababanggit niya ang pangalan mo, para siyang na-possess na kung anu-anong pagbibida tungkol sa iyo ang sinasabi.”

                “Ha? Ibig sabihin ako si-”

                “Ikaw si someone else.”

                Hindi niya alam kung paano siya magre-react. What? Pinagselosan ko ang sarili ko? Ay ang engot ko talaga sa analysis! “Oh, all this time akala ko kasi ikaw-”

                “What? Na ako si someone else?” Tumawa pa si Loise. “Mare naman, ikaw lang kaya ang kabukod-tanging nakatiis sa windang na ugali ni Lem. Tsaka, di ko type si Lem. Ikaw talaga mahal noon. Grabe, mukha siyang praning kanina.”

                “Ha?” May kung anong takot na bumangga sa puso niya. Naalala niya bigla na minsan na nga pala itong nagsabi na pwede itong maging praning. “How is he?”

                “Ayon, parang praning na tinititigan lang ang hot chocolate na binila niya dun sa cafeteria na pinuntahan namin. I think dapat mo siyang kausapin.”

                “Hindi pa ako handa Loise.” Nagseryoso na ang boses niya. Totoo iyon, dahil gulung-gulo na ang utak niya. Kailangan niyang mag-isip muna ng mabuti.

                “Ah, I understand you, Aya. Bigla na nga lang iyon umalis nang hindi man lang nagpaalam sa akin eh. Kayo talagang dalawa. Well, napayuhan ko naman iyon. Basta, pag okay na kayo, just call me ha. Ako lang talaga ang magiging wedding coordinator nyo. But for the mean time, magsentihan muna kayo.”

                “Okay. Kapag kinontak ka niya pakisabi na lang na hihintayin ko siya. Iniwan kasi niya ang life niya sa akin. Alam na niya kung ano yon.”

                “Eh bakit di ikaw ang magsabi niyan? Pero sige, sasabihin ko na rin.”

                “Salamat, Loise.”

                “Wala iyon. Nilinaw ko lang naman sa inyong dalawa ang lahat. Matutuwa ang sangkatauhan kapag kayo ang nagkatuluyan kaya umayos kayong dalawa. Sumasakit ang ulo ko sa kadramahan nyo!”

                Sa wakas napatawa na rin siya. “Salamat, Loise.”



                MATAPOS ang pakikipag-usap niya kay Loise ay naliwanagan na siya kahit papaano. Hindi lang talaga sila nagkaintidihan ni Lem kaya nauwi sila sa ganitong sitwasyon. Ikinuwento agad niya sa tatlong lukarit niyang kaibigan ang buong detalye ng muntik ng maging love story nila ni Lem. Nangako naman ang mga ito na bibigyan siya ng sapat na panahon at privacy para makapag-move on at makapagsenti.

                Ilang araw pa ang lumipas ngunit wala pa ring pagbabago sa kanya. Madalas lang siyang nakatingin sa cellphone niya sa napakaraming dahilan. Sana ay magtext si Lem o sana ay tumawag ito o kahit miss call man lang.   Madalas din niyang pagmasdan ang pictures nila ni Lem sa cellphone niya. Hanggang sa maalala niya ang notebook na iniwan ni Lem. Pumasok siya sa kwarto niya at kinuha ang notebook. Lumabas siya ng bahay at nagpunta sa lake sa likod ng bahay. Nasa tabi-tabi lang ang tatlo niyang kaibigan ngunit batid niyang hahayaan lang siya ng mga ito sa kung anong trip niya sa buhay basta hindi siya magpapakamatay.  Umupo siya sa bermuda grass sa tabi ng lake at inilapag sa damuhan ang notebook. Ilang minuto pa ang lumipas ay nahusto na lamang siya sa pagtitig dito hanggang sa maalala niya ang sinabi nito noong inusisa niya kung ano ang laman ng notebook na iyon.

                 “This is my life story, my history, the real me. Something like a scrapbook and diary in one. Nang makita ko ‘to, naging malinaw lahat ng tungkol sa amin ni ‘someone else’. Ngayon ay handa na akong isara ang nakaraan at buksan ang pintong nasa harapan ko ngayon.”

                Noong mga sandaling iyon pala ay siya na ang tinutukoy nitong ‘someone else’ at marahil puso niya ang tinutukoy nitong pinto na nasa harapan lang nito noon na pinaghandaan nitong buksan. Umusbong na naman ang malaking panghihinayang sa puso niya. Sayang talaga. Pero sabi nga ni Hyde sa kanya, kung hindi talaga sila para sa isa’t isa, kahit pa lumakad siya paluhod mula Caliraya hanggang Quiapo, hindi pa rin sila magkakatuluyan. It’s a matter of destiny, ika nga ng iba.

                Kinuha niya ang cellphone sa bulsa, tinawagan niya ito pero bigo pa rin siya. Ilang araw na rin niyang ginagawa iyon pero laging operator ang sumasagot. ‘Out of coverage area’ daw. Baka nagbago na rin ito ng number para tuluyang makalayo sa kanya. Binalingan na lang niya ang notebook. Nag-ipon siya ng lakas ng loob bago tuluyang buksan ang notebook.

                Tumambad agad sa kanya ang picture nilang dalawa ni Lem. Sa pagkakatanda niya, kinuhanan ang picture na iyon nung unang araw na nagkakilala sila. Binasa niya ang caption.

                This is the beginning of the greatest day of my life. It’s me and my ‘pare’. March 23 is the date. Nag-decide ako na gumawa ng scrapbook ng buhay ko. I don’t know, there something in this special girl that made me feel that I need to do this diary thing.

                Inilipat niya ang mga pahina. Laman pa rin noon ang mga pictures nila. Natawa pa siya ng konti nang makita sa isang pahina ang edited picture ni Lem na unang product ng pantitrip niya kay Lem. Mukha itong Miss Gay sa picture. Iyon ang picture na walang pakundangan niyang ipinaskil sa freedom board ng school nila noong college. Andon din iyong latest niyang in-edit na picture nito noong nainis siya dito dahil ayaw siyang samahan sa premiere night. Nakasulat din doon ang mga naging heartaches nito at ang mga naging payo niya dito noon. Printed copy yon ng mga chat conversations nila at text messages. May mga nakasulat din doon na sandamakmak na dates kung kelan sila nagkita, anong ginawa nila, at mga dates noong nagtatawagan sila. Recorded lahat ng bawat sandali na magkasama sila. Sa mga huling pahina ng scrapbook ay nakita niya ang supot ng pandesal, pakete ng chocolate powder na araw-araw nitong tinitimpla para sa kanya, at pati pakete ng mga gamot na ininom niya ay andon din. Napahiya siya sa sarili niya. Ni minsan kasi ay hindi niya naisipang gawin iyon. At the same time, lalo niyang napatunayan ang sinabi ni Loise. Oo naniniwala na siya, mahal nga siya ni Lem.

                Tumingin siya sa kalawakan ng lake. Pero walang anuman siyang iniisip. Nakatingin lang talaga siya sa kawalan. Magtatagal pa sana siya roon kung hindi umambon. Dahil kagagaling lang niya sa sakit, mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay.  Doon siya napaisip nang todo nang makapasok siya sa kwarto niya. Kung mahal siya ni Lem, bakit hindi nito iyon sinabi sa kanya? All this years, lahat pala ng ginagawa nito para sa kanya ay pahiwatig ng pagmamahal na hindi naman niya nabigyang-pansin agad.

                Humiga siya sa kama habang yakap-yakap ang notebook. Hindi na niya magawang umiyak. Napagod na lang siguro siya. Pero patuloy niyang nararamdaman ang panghihinayang sa puso niya. I miss him. I really miss him.  Nakatulugan na niya ang pag-iisip noon.


                PAGKAGISING niya ay pinangako niya sa sarili na ibabalik na niya ang lukarit na si Aya. Dalawang linggo na ang lumipas ngunit kahit amoy man lang ni Lem ay wala siyang napala. Marahil ay hindi na nga ito babalik kaya wala ng dahilan pa para buruhin niya ang sarili sa pagmumukmok. Besides, nakikita rin kasi niya na affected na rin ang tatlo niyang kaibigan sa sentimyento niya nitong mga nakaraang araw kaya dapat ay magtino na siya. Back to normal me. Teka, hindi nga pala ako normal. Back to abnormal me! Tinawanan na rin niya ang sariling joke. Alas-sais ng umaga, lumabas siya ng silid. Isinuksok niya sa dalawang tenga ang earphones ng ipod niya at nagdiretso sa kusina. Natagpuan niya si Hyde na sige pa rin sa pagta-type sa laptop nito. Mukhang di na naman natulog ang pinsan niya. Tinanggal niya ang isang earpiece sa tenga niya.

                Tinapik niya ang balikat nito. “Oy vadesh, nagpaka-vampire ka na naman dyan.” Tinungo niya ang ref at kumuha ng tubig.

                “Heh, wag mo muna akong istorbohin dito dahil deadline ko na. Lumayu-layo ka sa akin at baka makagat ko iyang leeg mo ganitong ilang gabi na akong hindi nakakatikim ng dugo!” hirit ni Hyde.

                Pumasok ng kusina si Thea. Araw ng Sabado kasi noon at wala silang trabaho. “Oo nga, lumayo ka dyan, nangangagat iyan. May rabbies pa iyan.”

                Binato ni Hyde ng nahagip na crumpled paper si Thea. “Wala akong rabbies ano. Si Setty ang meron.”

                “Hey, good AM! I heard my beautiful name. Bakit?” Bigla na lang lumitaw si Setty.


                “May rabbies ka daw sabi ng magaling mong best friend!” sumbong niya. Iniwan na niya ang mga ito para lumabas ng hardin. Narinig pa niyang naghiritan pa ng kung anu-anong patawa ang mga ito pero hindi na siya nakisali. Oras na para sa morning session niya.






PREVIOUS                                                                   NEXT

Comments

Anonymous said…
thnkz for sharing ur story po. im looking forward sa story nina thea at hyde. sa complete series dn ng ibng story. God bless u

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…