Skip to main content

My Dearest Someone Else- Chapter Four




Alas-dos na ng madaling araw nang bulabugin si Aya ng cellphone niyang hindi niya mawari kung bakit naging ascending ang volume ng ringtone. Antok na antok pa siya at wala pa siya sa sariling huwisyo. Basta na lang niya hinagilap ang nagwawalang cellphone at basta na rin lang niya sinagot ang tawag at  hindi na niya pinagkaabalahang tingnan  kung sino ang talipandas na gumising sa masarap niyang  tulog. Nakapikit pa siya at anytime ay aware siyang tutulugan lang niya ang caller.

                “Hello?” Bigla siyang nahulasan ng antok nang marinig niya sa kabilang linya ang ingay mula sa truck ng bombero. Kinabahan siya. “Hello?”

                “Si Lem ‘to. Aya, nasusunog ang tinitirhan kong town house.” Ramdam niya sa boses nito ang pagpa-panic.

                Napabalikwas siya ng bangon. “Whaatt?!!!” nagpapanic na rin tuloy siya. Na-trap ba ito sa building? Malapit na ba itong masunog kasama ng building? Mamamaalam na ba ito sa kanya? Oh…hindi! “Nasaan ka? Okay ka ba? Nakalabas ka na ba ng building o na-trap ka sa loob? Ano? Magsalita ka! Natataranta na ako!” Nagmadali siyang magpalit ng maayos na damit habang kausap ito.

                “Relax, Aya. Wag kang praning. Okay lang ako.” Sinabi na rin nito ang location ng town house na nasusunog.


                Nakahinga siya ng maluwag nang sabihin nitong safe ito kaya lang may kung anong takot pa rin siyang nararamdaman. Di nga lang niya mawari kung bakit. “Pupuntahan kita.”

                “Ha? Sige. Salamat.”

                Nagmadali siyang bumaba ng taxi isang kanto mula sa nasusunog na town house. Hindi na kasi makapasok ang sasakyan papunta sa town house. Namataan pa niyang dalawang fire truck pa ang dumating. Ibig sabihin, hindi pa tapos sa paghahasik ng lagim ang apoy. Tinakbo na niya ang lugar hanggang sa malapitan niyang nakita ang tupok na town houses. Nagpalinga-linga siya para hanapin si Lem. Lahat ng tao doon ay nagkakagulo. Kanya-kanyang sagip sa mga gamit at mga kaanak na na-trap sa loob. Nagkalat ang mga bombero, rescuers, ambulansiya at usisero. Hanggang sa makasalubong niya ang isang guard.

                “Miss, bawal na pumasok. Malaki na ang apoy.” Pinigilan siya ng guard na lumapit pa.

                “Pero iyong ano ko nasa loob pa ata! Pwede ba, tumabi ka dyan! Sipain kita dyan eh. Paraanin mo ako, sasamain ka sa akin!” asik niya. Hindi na rin niya mawari ang pinagsasabi niya.

                Napailing ng husto ang guard. “Sino ba Miss ang hinahanap mo at ako na lang ang maghahanap para sa ‘yo? Relax ka lang miss.”

                “Si  Lenardo Emmanuel Montilla.”

                “Ah si Sir Lem. Naku, parang nakita ko siyang bumalik sa nasusunog niyang unit pagkatapos niyang tumulong magsagip ng ilang residente na na-trap. Sandali Miss hahanapin ko ang boyfriend mo basta dyan ka lang, hija.”

                “Ho??? Ano pang hinihintay nyo dyan? Waah…Sagipin nyo si Lem!” Nagwawala na pala siya kaya nakatingin na sa kanya ang ibang usiserong naroon. Pinilit niyang kalmahin ang takot na takot na puso niya. Nagulantang ata ang guard sa kanya kaya nagmadali itong pumasok sa compound pero hindi na ito nakatuloy sa loob nang makasalubong nito si Lem na yakap-yakap ang laptop nito at isang malaking notebook.

                Nang makita siya ni Lem ay tumakbo ito sa direkyon niya at bigla na lang siyang niyakap ng isa nitong braso. Nagulat siya. Nakaramdam siya ng security sa mga yakap nito kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso niya. At pawang humugot din ito ng lakas ng loob sa kanya.

                “O-okay ka lang ba, Lem?” tanong niya nang sa wakas ay bumitaw na ito sa pagkakayakap sa kanya.

                “Oo, kahit na laptop lang at cellphone ang naisalba ko. Pulubi na ako ngayon. Nasunog ang cash na kawi-withdraw ko pa lang na ipapadala ko sana kina Mama sa Cebu at pati ang kotse kong hindi ko pa tapos bayaran ay toasted na.” Nasundan pa iyon ng buntong-hininga.

                “At least, you’re alive.” Napakawalan na niya ang kanina pa pala niyang pinipigil na hininga. “Mapa-praning ako sa ‘yo! Padakilang-bayani pa ang drama mo ha. Sabi ng guard, tumulong ka pa sa pagliligtas ng ibang tao.”

                “Kaya wala akong nasagip sa gamit ko.”

Tinitigan siya nito na parang may kung anong ibig sabihin na hindi niya matukoy. How I wish nakakabasa ako ng iniisip ng tao para hindi na ako nanghuhula sa iniisip ng lokong ito.

                “Aya, thanks.”

                “Wala iyon, sino pa ba naman ang magtutulungan kundi tayo rin lang. At sabi mo nga, we’re best friends kaya may duties and responsibilities din ako sa ‘yo.”

                Napangiti na lang ito. Nagsimula na silang maglakad papalayo sa sunog. Bigla nitong hinawakan ang kamay niya na nagpatalon na naman sa puso niya. Napalingon tuloy siya sa magkasalikop na nilang kamay. It looked so perfect. She never thought a man could ever hold her hand in that way. So comfortable and caring.

                “Aya, I almost die.”

                Napataas ang kilay niya nang lingunin niya ito. Nakatingin din pala ito sa kanya.

                Binatukan niya ito ng mahina. “Oy, kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo.”

                “Kung hindi mo sinagot ang tawag ko magpapaiwan na lang sana ako sa nasusunog kong unit.”

“What? At anong kalokohan iyon aber?”

“You can call me stupid, insane, desperate, o alien pero kanina parang naramdaman ko na pwede na rin pala akong maging suicidal. Nasa fire exit palang ako nang tumawag ako sa iyo, just to hear your voice or to say my last words. Sinusubukan kong buksan ang letseng pinto na iyon pero parang na-stock na ata yon kaya sinuko ko na lang. Until sinabi mo na pupuntahan mo ako. After you said that, sinubukan ko agad na buksan ulit ang pinto para makalabas ako. Kumakapal na rin kasi ang usok doon. And with all miracle, nabuksan ko siya ng walang kahirap-hirap.”

                “It’s not yet your time kaya nakaligtas ka. Pwede ba, wag ka ngang alien. Wag mo na uulitin ang kapraningan mong iyon. Hindi pa katapusan ng mundo ang nangyaring kamalasan sa buhay mo.”

                “Yeah, damn right! Nawalan ako ng girlfriend, nawalan ng bahay at assets pero may isa pang natitirang swerte sa buhay ko.” Binalingan ulit siya nito kasabay ng malambing nitong ngiti.  “Ang pangalan niya, Aya.”

                Napangiti siya. Ang galing humirit ng loko. Tinamaan talaga siya.

                “So, saan ka ngayon?” Pag-iwas niya sa kapraningan nito.

                “Sa bahay mo.” Pumara ito ng taxi at iginiya siya papasok. Hindi na siya nakahirit. Pagkatapos ay sinabi nito sa driver ang address niya.

                Napamulagat siya. Hindi tuloy siya nakaimik agad. Ni sa hinagap ay di niya naisip na magpapatira siya ng lalaki sa inuupahang bahay kahit pa emergency. And besides, kapag nalaman iyon ng ate Hyde niya ay sigurado siyang hahabulin ni Hyde ng giant bolo si Lem.

                “Teka pare, hindi ka pwede sa bahay ko! Papatayin ako ni ate Hyde at ikaw rin.”

                “Pare, wala akong pera ni singkong duling. Nasunog lahat ng pertinent documents ko including my passbook. Di ako makakapag-withdraw agad. Wala akong matutuluyan, maawa ka naman sa akin.”

                “Pero--”

                “Please.” Iyon na ang magic word. Kasabay pa ng ‘please’ nito ang pagtitig nito sa kanya na lalong nagpapa-toxicate sa polluted niyang utak.

                “Sige na nga, pero hindi ka pwedeng magtagal sa bahay ko pare.” Nakita niyang sumilay ang adorable smile nito. Naku naman, bakit nagpapa-cute pa ito sa kanya? Mukhang unti-unti na niyang kinakain ang mga binitawang salita noon dahil naaapektuhan na talaga siya sa mga simpleng gawi nito. Hindi na maganda ito. Kung titira pa ito sa bahay niya baka lalo lang siya maapektuhan nito. Naalala niyang bigla si ‘someone else’. Oo nga pala, may karibal pa siya. Karibal? Bakit? Nai-in love na ba siya dito? Hindi niya nasagot ang tanong na iyon.

               
                NILIBOT ni Lem ang kabuuan ng sala ng apartment niya. Hindi kasi nito nagbigyang pansin ang ayos ng bahay noong mga unang beses na nakapasok ito sa bahay niya. Mas abala kasi ito sa paghahalungkat ng makakain sa kusina niya. Iniwan niya ito upang ayusin ang magiging kwarto nito. Paglabas niya ng silid ay nakita niyang hawak-hawak nito ang isang picture frame at kunot na kunot ang noo nito habang pinagmamasdan ang picture niya.

                Nilapitan niya ito at inagaw ang picture frame pagkatapos ay inilapag iyon sa pinagpatungang mesa.

                “Saan mo kinuhanan ang picture na ‘yon?” anito.

                “Sa banyo. Ngayon ka lang ba nakakita ng picture na sa may inidoro ang setting?” Kapag wala siyang magawa at batung-bato na siya sa mga chemical elements ay kinukuhanan niya ang sarili niya ng mga weird na pictures.

                “Pini-picture-an mo ang sarili mo habang nagri-ritual?” Kunot pa rin ang noo nito.

                Tumawa siya. “Shunga ka talaga. Na-toxicate na ata ng usok yang utak mo. Siyempre hindi, umupo lang ako kay Mr. Inidoro ala model ng inidoro.”

                Napahagalpak ito ng tawa. And that burst of laughs seems to be the nicest sound she had ever heard in her entire life. Pawang nagpagaan ng loob niya ang paghagalpak nito ng tawa kahit na siya ang pinagtatawanan nito.

                “Napaka-weird mo talaga. Ngayon ko lang ata nalaman ‘to ha. Marami ka palang sikreto,” sambit nito. Bigla siyang hinila nito para maglapit ng husto ang katawan nila at inilapat nito ang kamay sa ulo niya at pumikit pa ito. “Pray over kita. Napo-possess ka na naman!”

                Naging hobby na nito ang i-pray over siya noong college palang sila tuwing nagpapakasipag siya sa pagbabasa ng makakapal na chemistry books. Para daw swertehin siya sa recitation o quiz kaya nauso ang pray over session nito. Pero hindi naman iyon naging effective dahil sa halip na swertehin siya sa pray over nito eh mas madalas na minalas pa nga siya.

                Tinapik niya ang kamay nito.

                “Aba ikaw kaya ang napo-possess ano. Sino ba ang muntik ng magpalamon sa apoy ha? May pagka-praning kuno ka pang nalalaman dyan.” Umupo na sila sa sofa. “Okay na ang kwarto mo. Magpahinga ka na.”

                “Mamaya na lang, hindi ako inaantok.” He suddenly grasped her hand gently and looked straight into her eyes. Carrying those adorable smile, he stared at her intently. Agang-aga pa ay nagta-tumbling na ang puso niya sa mga tingin nito. “Salamat talaga, pare.”

                “Tama na ang pagpapasalamat mo, lalaki na ang ulo ko. Hindi na ‘to magiging proportion sa maliit kong katawan.” Pinilit niyang bawiin ang kamay niya rito pero hindi nito hinayaan na kumawala ang kamay niya.

                Tumawa pa ulit ito.

                “Lem, may house rules ako,” sambit niya nang sa wakas ay hindi na siya nito pinagtatawanan. Sa pangalawang attempt ay pinakawalan din nito sa wakas ang kamay niya.

                “Ha? Uso ba yon sa ‘yo?”

                “Dati hindi pero dahil dumating ka, biglang nauso.” Defensive na ang hirit niya.

                “House rules? Ano ako, housemate? Ikaw si Big Sister?” Ngumisi pa ito.

                “Patawa ka ha. Wag mo akong asarin dahil baka hindi ka pa napipirmi sa bahay ko eh palayasin na kita. Baka nakakalimutan mong pulubi ka ngayon kaya magtino ka.”

                “Okay.” Tumango pa ito. “Ano po ang mga rules and regulations sa bahay ni Aya?”

                Hinarap niya ito para mas maintindihan nito ang kabubuo pa lang niyang rules. “One, bawal ka sa kwarto ko unless may permiso ko. Hanggang pinto ka lang kahit anong mangyari. Two, dalawa ang banyo sa bahay na ‘to. Isa sa kwarto ko, hindi mo yon pwedeng gamitin syempre, at ang isa ay doon sa kusina, iyon ang gagamitin mo. Six thirty eh sumisibat na ako kaya gising na ako ng mga four to four thirty ng umaga upang maghanda. Bahala ka sa buhay mo kung ano ang sched mo basta ako ‘pag may topak ako ipagluluto na lang kita. Three, ayoko ng magulo, ayoko ng masikip, ayoko ng madumi, ayoko ng maputik--”

                “Teka, linya sa pelikula yan ah! At lumang pelikula pa talaga.”

                “Oo nga ano? Anyway, as I was saying ayaw ko ng ganon. You know me. I’m an organized person kaya dapat kung paano ko iniwan ang bahay ko ay ganoon ko rin siya dadatnan. Four, hanggang ten ng gabi ka lang dapat sa labas. Wala akong pakialam kung sa kalye ka matulog basta ten isasara ko ang bahay ko. Naiintindihan mo ba yon?” tumango ito. “May tanong ka?”

“May mapapahiram ka ba sa akin na damit?”

Tiningnan niya ang kabuuan nito. Naka-tshirt lang ito, pantulog na pajama, at nakasipit na tsinelas. Oo nga pala, paano ang damit nito? Nagpaalam siya saglit dito para maghalungkat sa damitan niya. Pero wala siyang nakitang matinong damit. May mga maluluwang siyang pantulog na shirt pero puro winnie the pooh, hello kitty, at powerpuff girls ang tatak noon. Napapatawa tuloy siya nang maisip kung anong hitsura nito kung isusuot nito ang mga damit nya. Kinuha na rin niya ang mga iyon at ilang pinaglumaan niyang jogging pants. Pinulot na rin niya ang namataan na pambahay na tsinelas na powerpuff ang design. Lumabas siya ng kwarto at iniabot ang mga iyon sa kanya.

“O, wala kasi akong damit na panlalaki talaga kasi babae ako sa maniwala ka o hindi. Magpalit ka muna kasi amoy usok ka.”

“Anong damit ito? Magmumukha akong ewan dito. Nakalimutan mo bang fashionista ako nung college pa tayo?”

Nainis siya agad. At pinaghahanapan mo pa ako ha. Palayasin kaya kita. “Ah, fashion? Teka sandali ikukuha kita ng dress sa kwarto ko tsaka high heels!” Tumalikod siya para bumalik sa kwarto niya nang hawakan nito ang braso niya. Umalog na naman ang puso niya.

“Nagbibiro lang ako. Masyado kang highblood! May idea ako. Lalabhan ko na lang itong suot ko para magmukha akong tao. Salamat sa damit.” Nagdiretso ito sa kusina bitbit ang mga damit niya.

“May sabong panlaba sa banyo, ” pahabol niya.

“Salamat.”

Nawala na ‘to sa paningin niya. Napagawi ang atensyon niya sa malaking notebook na naisalba nito sa nasunog na bahay. Tingnan mo nga naman. Mas iniligtas pa niya ang laptop at notebook kaysa sa pera o damit. Ano kaya ang notebook na ‘to? Titingnan na sana niya ang notebook nang biglang sumulpot sa harap niya si Lem suot ang pantulog niyang tshirt na may hello kitty na tatak at pang-PE niyang jogging pants. Ang maluwang na shirt niya ay medyo fit dito at ang jogging pants niya ay bitin ang haba nang isuot nito. Sinuot na rin nito ang tsinelas niyang powerpuff.

Pinigilan niya ang sarili na matawa. Mukha talaga itong clown habang suot ang damit niya. Ayan, may bago na siyang pet!

“Wag mong pigilan ang pagtawa baka kung ano pang mangyaring side effect niyan.” Sinunod niya ito. Humagalpak siya ng malutong na tawa. Kulang na lang ay magpagulong-gulong siya sa sahig.

“Pare, ang  cute mo! Para kang pinaglaruan na poodle!!!” aniya.

Umikot pa ito sa harap niya na parang model. “O, di ba? Mukha akong eng-eng! Tatlong beses ko pinaikutan sa dryer ang damit ko para ilang oras mo lang ako pagtatawanan kaya hala sige tumawa ka dyan ng tumawa hangga’t gusto mo.”

“Ah, sandali may idea ako.” Kinuha niya sa bulsa ang cellphone. “Picture-picture!”

“Ayoko! That’s human abuse, pare!” Tumakbo si Lem sa kusina para umiwas pero habol-habol pa rin niya ito. Successful naman na nakakuha siya ng ilang pictures na matino. “Tama na yan, pare!”

“Magpa-picture ka muna kasama ko, titigilan ko na ‘to.” Lumapit sa kanya si Lem. Itinaas niya ang cellphone para makakuha ng anggulong maganda. “One, two, three!” Bigla siyang niyakap nito sa balikat kaya nang tingnan niya ang kuha nila ay na-capture ang sweet nilang mga ngiti habang yakap siya nito. Kinabahan na naman siya. Aba, abusado ang loko. Haha, nasa akin ang picture mo may araw ka rin!

“Aya, magpa-file ako ng emergency leave sa company. Walang-wala kasi talaga ako. Kailangan ko pa ng ilang araw para makahanap ng matinong mga damit at gamit.”

“Oo nga ano. Wala akong cash eh. Naipadala ko na kay ate Hyde para sa renovation. Teka, you can use my credit card.”

“Talaga? Pero nakakahiya na sa ‘yo eh. Pinatira mo na nga ako dito tapos ikaw pa ang gagastos sa akin.” Dinampot nito ang notebook.

“Eto naman parang others! Utang iyon ano! Wag ka ng mag-inarte, may kondisyon naman eh.”

“Ano? Kahit ano pwede wag lang ang puri at dangal ko ha. Precious yon eh. Nire-reserve ko sa future wife ko.”

Inihampas niya dito ang nahagip na plastic na pitsel na walang laman. “Ang kapal mo! Palayasin na kaya kita!” Naku gaganti na talaga ako sa ‘yo, makikita mo!

“Biro lang.”

“Hanggang seven thousand lang ha. That includes some corporate attires, personal stuffs, pambahay at casual na damit.”

“No prob, bossing!”

“Kasama ako pag namili ka, baka waldasin mo lang ang credit card ko at wala na ako maipambayad.”

“Hoy matipid naman po ako. At babayaran ko naman iyon.”

 “Aba, malay ko. Basta sasamahan kita. And that will be mamaya pagkatapos nating mag-agahan.”

“Ang higpit mo sa pera. Kawawa naman ang magiging mister mo.”

“Hoy! Magandang ugali ang pagiging matipid sa lahat ng bagay pwera sa pagkain. Pagkain naman ang hobby mo kaya lahat ng pagkain eh ipapakain ko sa ‘yo. Don’t worry, hindi ka magugutom.”

“Kaya nga kita labs pare eh. Hindi mo ako ginugutom. Thanks, thanks, thanks…Wala na talaga ako masabi. Hulog ka talaga ng langit.” Tinapik-tapik nito ang hawak na notebook.

Pinilit niyang wag mag-react sa hirit nito pero kinontra na naman siya ng puso niya. Itinuon na lang niya ang atensyon sa hawak nitong notebook. “Lem, ano ba yang notebook na yan? Nagtataka lang kasi ako sa ‘yo. Naisalba mo yan pero ni isang singkong duling eh wala kang naibulsa.”

Iniaangat nito ang notebook. “This is my life story, my history, the real me. Something like a scrapbook and diary in one. Nang makita ko ‘to, naging malinaw lahat ng tungkol sa amin ni ‘someone else’. Ngayon ay handa na akong isara ang nakaraan at buksan ang pintong nasa harapan ko ngayon,” matalinhagang sambit nito.

Ouch. Umeksena na naman si ‘someone else’. Ipagbawal din kaya niya dito na banggitin si ‘someone else’? Hindi pwede, masyado na iyong obvious.

“Pwedeng makita?” Aagawin niya sana iyon pero iniiwas nito iyon sa kanya.
            
           “Hindi pa ito tapos at hindi pa ito ang right time, pare.”

                “Damot!” Nagtuloy na lang siya sa kusina. “Magluluto lang ako.”

                Matapos nilang mag-agahan ay sinuot ulit nito ang nilabhang damit at namili na sila ng mga gamit nito. 


PREVIOUS                                                              NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…