Skip to main content

My Dearest Someone Else- Chapter Five




Kinabukasan, araw ng Sabado at walang trabaho si Aya. Gaya ng palaging nangyayari eh tahimik na tahimik ang bahay niya nang magising siya. Binuksan niya ang bintana at ang pinto sa sala. Binuksan niya ang kanyang computer na nasa kaliwang bahagi ng sala at itinodo ang speaker volume. Hinanap niya ang kanyang pampagising na music, Tokyo Drift by Terikyaki Boys. Ilang saglit lang ay umalingawngaw na ang RNB song na iyon. Humarap siya sa whole body na salamin malapit sa pinto at nagsasayaw doon ng sarili niyang dance steps. Iyon ang way niya para gisingin ang tulog pa niyang diwa. Morning session na nga niya iyon. Feel na feel niya ang pagsasayaw ng mga nakakawindang niyang original dance steps nang biglang nakarinig siya ng humahagalpak na tawa. Nilingon niya ang pinanggalingan noon at natagpuan niya si Lem sa main door ng bahay, sapo ang tiyan sa kakatawa. May dala itong isang supot ng pandesal.

            Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Nakalimutan niya kasing may kasama na nga pala siya sa bahay. Iyan tuloy, nabuko na naman nito ang isa pa niyang kawirduhan. Tiningnan niya ito ng masama pero matamis na ngiti ang ginanti nito. Animalandia! Nagpapa-cute talaga! Naiinis na pinatay niya ang music.

            Pumasok na ito sa loob ng bahay. “O, bakit ka tumigil?”


            “Tse, wag kang mang-asar. Mainit ang ulo ko!”

            “Bakit? Meron ka ano? Ituloy mo iyong dance steps mo. Kukuhanan kita ng video. Ilalagay natin sa youtube.”

            Nilingon niya ito. Bakit ba alam nito kung kelan siya may monthly period? Kahit noon pa kasing nasa college pa sila ay nahuhulaan palagi nito kung kelan siya may period. Sinipat niya ang kanyang puwitan.

            “Wala ka namang stain. Don’t tell me meron ka nga? Ang galing ko talagang manghula. Makapag-side line kaya sa Quiapo.” Nakangisi pa ito sa kanya na tila aliw na aliw pa sa eksenang nasaksihan nito kanina.

            Naningkit sa inis ang mata niya. Parang gusto na niyang magsisi at pinatira pa niya ang tungaw na ito sa bahay niya.

            “Alam mo ikaw, wala ka ng magandang naidulot sa tahimik kong buhay. Kung naiinggit ka sa pagsasayaw ko eh di sumayaw ka rin ng sa ‘yo!”

            “Meron ka nga, ang sungit mo. Wala naman akong sinasabi sa sayaw mo ah. Ang cute nga eh. Magaling ka talagang sumayaw.” Tinungo nito at computer sa tabi niya. Ipinatong nito ang supot ng pandesal sa computer table at pinatugtog ulit ang Tokyo Drift.

            “Asar ka talaga!” aniya.

            Hinila nito ang kamay niya dahilan para mag-inarte na naman ang umaabuso niyang puso kahit ang aga-aga pa. Kumakabog na naman iyon. His gentle hand against hers suddenly made her feel a little bit secured.

            “Pa-konswelo ko ito sa pagtawa ko kanina nang hindi mo alam. Sige, sasabayan kitang sumayaw.” Binitawan nito ang kanyang kamay at ginaya nito ang lukarit na dance steps niya.

Siya naman ngayon ang humahagalpak ng tawa dahil mukha itong lalaking sinapian ng espiritu ng show gay. Hindi talaga bagay dito ang mga pinaggagawa nito pero batid niyang ginawa lang nito iyon para hindi na siya magalit. How nice of him!

Nang makita siya nitong tumatawa na eh saglit na nag-lie low ito sa mga weird na dance steps pero nagsasayaw pa rin ito. “Ayan, mas maganda ka kapag tumatawa kaysa nagsusuplada.”

             Yehey!  Sigaw ng puso niya.

            Maya-maya pa ay sumasayaw na ulit siya kasabay nito. Wala silang pakialam kung pinagtitinginan na sila ng mga napapadaan sa labas ng bahay. Tinapos nila ang dance session nang matapos din ang kanta. Kapwa silang tatawa-tawa nang isinalampak nila ang napagod na katawan sa sofa.

            “Astig pare ng trip mo sa buhay. Siguro kapag araw-araw ko gagawin iyon ay papayat na ako,” sambit ni Lem.

            “Hindi ka lang papayat pare, magmumukha ka pang bakla sa paningin ng iba.”

            “Who the hell cares? Eh alam mo naman na certified man ako di ba?” Binalingan siya nito at tinitigan. Nagiging hobby na ata nito ang titigan siya. “Walang halong chenez?”

            “Ah, stop using gay terms Lem. Nagdududa na ako ulit.”
  
          “Wag mo akong hamunin na patunayan ko sa ‘yo na lalaki ako baka biglang ikaw naman ang mag-propose ng kasal sa akin.”

            Naku, heto na naman ang kasal issue. Akala pa man din niya ay nalimutan na nito ang birong iyon. Naaalala pa pala nito iyon.

            “The nerve! Nangangarap ka ng gising, oy! Gumising ka muna. Wala akong pakialam kung undecided o undetermined ang gender mo. At kahit binabangungot ako eh hindi kita aaloking pakasalan ako kahit sixty years old na ako at ikaw na lang ang huling pag-asa ko.”

            “Aba, dapat lang, dahil ako naman ang magpo-propose sa ‘yo and not vice versa.” Tumayo ito at nagpunta sa kusina.

            Ano ba ang mga pinagsasabi nito? Bakit siya binibiro nito na magpo-propose ito sa kanya? Di ba’t may ‘someone else’ na nga ito? May na-realized siya bigla. Marahil ay ginagawa siya nitong panakip butas para mapagtakpan nito sa sarili ang pain ng hindi pagwo-work ng mga nakaraang relationship nito dahil kay ‘someone else’. Siya ang napapagbuntunan ng rivalry nito kay ‘someone else’. Hanapin ko kaya si ‘someone else’ para hindi ako mapagtripan nitong si Lem? Relax ka lang, Aya. Indindihin mo na lang siya. Lagi namang ganon ang nangyayari sa best friends, madalas nagiging panakip-butas ng hindi sinasadya. Bigla niyang piniling ang ulo at pilit na tinanggal sa utak niya ang mga naisip.

            Nagmumuni-muni pa siya nang biglang mag-ring ang message alert tone niya. Mga good morning messages mula sa tatlo niyang mga lukarit na kaibigan. Matapos niyang mag-reply ay nag-ring ulit ang cellphone niya and this time may tumatawag na, si Carvin.

            “Yes, Carvin. Ha? Nagpadala na ako ng pera kay Ate Hyde para sa additional daw. Nagpadala na rin kasi ng pera sina Thea at Setty kay ate. Yeah. About designs, kay ate mo na ipa-approved di kasi ako pwedeng makipagkita sa ‘yo. Quite busy. Tse, sinabi ko naman na hindi ko asawa iyon. May sayad lang talaga iyon sa utak. Ganon? Alright! Thanks, see you.”

            “Si Carvin iyon?”

            Nilingon niya si Lem sa may pinto ng kusina na nakikinig pala kanina pa. Kunot na naman ang noo nito. May bitbit itong tray na may lamang dalawang tasa ng hot chocolate at pandesal.

            “Oo, pinapauwi niya ako sa Caliraya next week para daw makita ko ang outcome nung renovation. Susunduin daw niya ako.”

            “Bakit?”

            “Haler? Lolo, pinapa-renovate nga po namin iyong rest house di ba? Karapatan ko naman sigurong silipin ang nangyari doon.” Nararamdaman na naman niya na naiinis na naman siya dito. Ayaw niya kasi ng pagiging ‘feeling protective’ nito. Well, ayaw niya na gusto. Ang gulo niyang mag-isip kasi minsan.

            “Eh bakit susunduin ka pa niya?” Ipinatong nito sa center table ang tray at naupo sa tabi niya.

            “Just being generous maybe,” aniya.

            “Ihahatid na lang kita. Magba-byahe tayo.”

            “Naka-oo na ako at ako iyong tipo ng tao na hindi bumabawi sa nagawa o nasabi ko na.”

            “That Carvin is--”

            “Lem, napag-usapan na natin ito di ba?” Kinuha niya ang isang tasa ng hot chocolate. Umuusok pa ito.

            “Pero kasi--”

            “Lem! Aray!” Napabigla siya sa pagsimsim  at napaso  ng konti ang labi niya.

            Agad inagaw nito ang tasa sa kanya at inilapag iyon sa mesa  habang pinapaypayan naman ng kamay niya ang kanyang labi. “Ayan kasi, basta ka na lang lantak ng lantak eh umuusok pa nga iyan.”

            He moved closer to her face. Nagta-tumbling ang puso niya. Inilapit pa nito ng husto ang mukha nito sa kanya. Napatigil tuloy siya sa pagpapaypay. Is he going to kiss her at this early? Itutulak na sana niya ito nang biglang hipan nito ang bahagi ng labi niya na napaso. Dumampi sa labi niya ang malamig na hangin na tila nagpawala ng hapdi sa labi niya. Nakapikit ito habang ginagawa iyon kaya malaya niyang napagmasdan ang mukha nito. Siyet! Naniniwala na ako! Gwapo ka nga! Napakakinis ng mukha nito, waring alagang-alaga nito ang asset nito. That handsome georgeous adorable charming cute face of him! Then he suddenly opened his eyes and gently brushed his thumb against her lips. Napigil na ata niya ang paghinga.

            “Masakit pa ba?” tanong nito. Umayos na ito ng upo pero nanatiling nakatitig sa kanya.

            “Ah, eh…di na masyado.”

            “Sa susunod, hahaluan ko na ng konting tubig na hindi mainit ang hot chocolate mo para hindi ka napapaso ng ganyan.” Kinuha nito ang tasa niya sa mesa. Hinipan din nito iyon at saka iniabot sa kanya. “Dahan-dahan lang ha. Mainit pa rin iyan.”

            Ipinatong nito ulit ang kamay sa ulo niya. “Ipag-pray over natin iyan.” Hinayaan na lang niya ito. Napangiti na lang siya dito.

            Hindi na siya nakaimik. Nakakawindang kasi itong makatingin. Hindi naman ito dating ganon sa kanya. Ngayon lang talaga nangyari ito matapos silang hindi magkita ng apat na taon. Ngayon lang, at sa dinami-dami ng panahon ay ngayon pa na meron na nga itong ‘someone else’. Dinampot niya ang dalawang pandesal at iniabot ang isa kay Lem.

            Magbubukas na sana siya ulit ng bagong pag-uusapan nang biglang may nag-‘tao po’ mula sa labas. Lumabas siya at tinanggap sa kartero ang sulat na pinadala sa kanya ni Hyde. Binuksan niya ang sobre habang papasok sa bahay. Nakita niyang may kausap sa cellphone si Lem at nakangiti ito sa kanya nang magtagpo ang kanilang mga mata. Ibinalik na lang niya ang atensyon sa sobre at umupo sa sofa. Baka kasi hindi na niya mapigilan ang mag-blush. Uso rin pala iyon sa kanya. Akala niya kasi ay hindi na siya makakaramdam ng mga ganoong bagay sa totoong buhay. Dati kasi ay hanggang kilig sa binabasang romance novels lang siya. Nang mabuksan ang sobre ay tumambad sa kanya ang dalawang complimentary ticket ng premiere night ng isang Indie Film na matagal na niyang inaabangan. Kakilala ng ate Hyde niya ang isa sa writers ng Indie Film kaya nakakuha ito ng tickets. Nagtatalon siya sa tuwa. Dahil sa ingay ay humahangos na nilapitan siya ni Lem.

            “Anong nangyari sa ‘yo? Tumawa ka sa lotto?” anito.

            “Hindi kaya ako nataya sa lotto! Pero parang ganon na rin. Pinadala ni ate Hyde itong complimentary tickets ng premiere night ng pinakahihintay kong Indie Film! Yehey!” Nagtatatalon pa rin siya nang bigla siyang awatin ni Lem. Niyakap nito ang baywang niya dahilan para kiligin ng husto ang puso niya.

            “Wag ka ngang magtatatalon. Di ba meron ka? Baka bumaba ang matris mo at hindi na tayo magkaanak. Wag ganon! Gusto ko pang maging tatay!”

            Tumigil siya sa pagtalon para dagukan ito. “Bitawan mo nga ako! Akala ko ba eh ang gusto mo lang maging ninong ng magiging future anak ako.” At sumunod naman ito.

            “Nagbago na ang isip ko, pwede naman na maging tatay na lang ako at hindi ninong ng magiging anak mo in future.”

“Tse! Kung ikaw rin lang ang magiging tatay ng mga magiging anak ko, di bale na lang. Ido-donate ko na lang ang  matris ko sa mga bading!”

            “Ang sama mo!” pinilit siya nitong umupo sa sofa at sumunod na lang siya. “Maganda ata ang lahi ko ano.”

            “Lahi? Ano ka aso?!” binalingan niya ito at inihara sa mukha nito ang dalawang ticket. “Samahan mo ako mamayang gabi.”
            “Ha? Ano bang klaseng movie iyan?”

            “Love story. My favorite!”

            “Hindi ako mahilig sa romance. Alam mo iyan. Kung action pa iyan sasamahan kita. Sa iba ka na lang 
magpasama.” Kinakain na ulit nila ang naiwang pandesal sa mesa.

            “Ang sama mo. Sige na, samahan mo na ako.”

            “Sumabay ka na lang kay Hyde.”

            “May usapan na kaming hindi kami magsasabay-sabay kaya samahan mo ako!”

            “Sorry talaga, pare. Tutulugan lang kita kapag ako ang isasama mo.”

            “Ang hirap namang humingi ng pabor sa ‘yo,” nagtatampong sambit niya sabay irap.

            Tumayo ito matapos isubo ang huling piraso ng pandesal nito. Hindi ito umimik. Naglakad ito papunta sa kwarto nito nang magsalita siya.

            “Kay Carvin na lang ako magpapasama,” aniya.

            Nilingon siya nito at iritadong tinitigan siya. Galit ata talaga ito sa pangalang Carvin. “Hindi rin iyon available dahil may trabaho kami.”

            “What?” napakunot-noo siya. Anong nangyari? Aba, ang bilis naman atang magbago ng pakikitungo nito kay Carvin.

            “He just called me up para ayusin ang ilang problem sa computer system ng firm niya. Isa pala siya sa mga client ng kompanya na pinagtatrabahuhan ko. Ako ang nakatoka na ayusin iyon kaya magbibihis na ako at sisibat.” Nagtuloy na itong pumasok sa kwarto.

            “Ganon? Tse! Magsama kayo ni Carvin!”

           

            NAGNGINGITNGIT na pinagtripan niya ang picture ni Lem. In-edit niya iyon gamit ang Adobe Photoshop. Ninakaw niya sa friendster nito ang studio type picture nito at siyang pinagbalingan niya ng sama ng loob. Ginawa niyang lahat ang pabor na hiningi nito pero isang simpleng pabor lang, hindi siya nito pinagbigyan! Madiin ang pagpisil niya sa mouse habang ginagawang ‘chaka’ ang hambog niyang kaibigan. Nilagyan niya ito ng bigoteng napakahaba at pinakapal ang kilay at labi. Hindi pa siya nasiyahan. Humanap siya ng picture ng isang sexy na macho na babae na naka-swimsuit at ipinatong doon ang mukha ni Lem. Ilang sandali pa ay humupa na ang inis niya kay Lem. Bumubungisngis na lang siya habang pinagmamasdan sa monitor ng computer niya ang resulta ng karumal-dumal na krimen na ginawa niya. Agad niyang pinadala ang ‘finished crime product’ sa email address ng mga kaibigan niya. Iyon ang isa sa paraan niya para maalis ang sama ng loob na nararamdaman niya. Sa halip na mang-away, gumaganti na lang siya sa pag-edit ng picture. 

            Tatawa-tawa pa siya nang maisipan niyang i-print ang picture. Isang bond paper ang laki ng picture ni Lem. Akala mo ha! Pasensiyahan na lang tayo Lenardo Emmanuel Montilla. Pinagmasdan muli niya ang printed copy ng picture. Nagmartsa siya papunta sa kwarto nito. Tutal naman wala ito sa bahay kaya malaya siyang gawin kung ano ang gusto niya. Besides, bahay niya iyon. Siya ang reyna ng bahay niya. Inilagay niya ang picture sa ilalim ng unan nito. Wahahaha. Bangungutin ka sa larawan mo, Lem!

            Pagbalik niya sa computer niya ay pinaulanan na pala siya ng instant messages ng mga lukarit niyang kaibigan. Naka-conference na sila sa chat room sa Yahoo! Messenger.

            hyde_cuteparin: ano na namang kalokahan ito, ayashella marie?

            thea_mascute: kinawawa mo naman si Lem.

            setty_feelingcute: oo nga, cute pa naman si Lem.

            hyde_cuteparin: at mabait.

            setty_feelingcute: at cute.

            thea_mascute: at kawawa.

            setty_feelingcute: pero cute talaga.

            Sinagot niya ang mga ito.

            aya_pinakacute: aba, kasalanan nya iyon! Buwisit siya. Ayaw niya akong samahan sa premiere night mamayang gabi. Asar! Btw, vadesh thanks nga pala sa ticket. Kung ayaw niya akong samahan pupunta akong mag-isa.

            hyde_cuteparin: pero hindi mo na sana siya biniktima.

            thea_mascute: baka di naman niya hilig ang love story. So, wala kang date mamaya? Tayo na lang?

            hyde_cuteparin: oy thealyn, ang usapan ay dapat may date! Hindi pwedeng tayo-tayo lang. Sayang ang nakulimbat kong ticket!

            aya_pinakacute: eh wala nga ate. ayaw sumama ng tungaw! Wala ka rin Thea?

            thea_mascute: wala eh.

            setty_feelingcute: wag kang maniwala dyan. As if, gusto ni thea yayain iyong architect Carvin na iyon? Gwapo ba yon?

                aya_pinakacute: oo cute nga yon.

thea-mascute: di kaya! Kung type mo yon Setty iyo na lang para concrete na ang boyfriend mo. Ewan ko ba kay ate Hyde at pinadala pa sa akin sa Baguio ang picture ng architect na yon. ngapala dito ako Manila, youth conference ng mga estudyante ko.

            hyde_cuteparin: la lang, trip!

setty_feelingcute: meron na ako, next time na lang siya. Kung ayaw mo sa picture niya, akin na lang. J

            aya_pinakacute: at sino naman iyong date mo setty?

            hyde_cuteparin: ung abstract boyfriend niya. makikipag-EB daw mamayang gabi. Pustahan di iyon magpapakita.

            setty_feelingcute: ang sasama nyo!

            thea_mascute: wehehe. Lagi naman. Ikaw ate Hyde sino kasama mo?

            hyde_cuteparin: ung toblerone ko..joke! kasama ko iyon co-writer ko. Mag-oozzi(usyoso) kasi kami.

            aya_pinakacute: wala naman palang kwenta ang usapan natin! Ate Hyde, buksan mo nga web cam mo, pasilip ako ng bago nating bahay!

            Si Hyde kasi ang kabukod-tanging naiwan sa Caliraya. Nasa tabi-tabi lang at nagkalat ang iba niyang mga kaibigan.

            Binuksan nilang lahat ang web cam nila. Tumambad sa kanya ang Mediterranean concept ng sala ng bahay. Iyon lang kasi ang hagip ng web cam. At least ngayon, panatag na siya na hindi sila nagkamali sa pagpili kay Carvin bilang architect at interior designer nila. 

            May sumulpot na naman na instant message.

            hyde_cuteparin: waah!!! May dumaang lalaki sa likod mo Aya!

            Napalingon tuloy siya. Pero wala naman siyang nakita. Wala sa bahay niya si Lem dahil nagpunta ito sa construction firm ni Carvin at wala naman siyang namamalayang dumating.

            aya_pinakacute: nananakot ka naman ate eh! Walang multo sa bahay ko.

            hyde_cuteparin: no joke. I saw him! Nakasando siya na puti, naglakad sa likod mo! I saw him. I saw him!!!!

            thea_mascute: me two.

            setty_feeling cute: me three!

            aya_pinakacute: weh?!!!

            hyde_cuteparin: waah! Papalapit na siya sa ‘yo!

            thea_mascute: andyan na siya!!!

            aya_pinakacute: ano yan? si magdang ahas ng Ouija?

            setty_feelingcute: ay gwapo!

            thea_mascute: ngek, si lem lang pala..hmmm…

            Napalingon siya at muntik pa siyang mapahalik sa tiyan ni Lem. Nasa likod na pala niya ito at hindi niya iyon namalayan.

            “Oy! Bukas ang web cam ko , nakita ka nina ate Hyde!” aniya.

            “Eh ano?” Kumaway pa ito sa web cam at ngumiti. “Wala naman tayong ginagawang masama.”

            “Hindi ko pa nasasabi na dito ka nakatira! Ay pusa!” Nagulat siya nang biglang mag-buzz in ang computer niya. Nakatodo pa naman ang speaker  nito. Nakita pa niyang ngumisi si Lem bago niya balingan ang computer niya.

            hyde_cuteparin: oy pasali sa usapan nyo! Anong ginagawa ni Lem dyan ha? Yihi!!!

            thea_mascute: yehey! May love life na si Aya! Tayo ng mag-celebrate!!!

            setty_feelingcute: go, go, go!!!

            Naiinis na siya sa kakulitan ng mga ito. Pinaka-ayaw pa man din niya sa lahat ay ang tinutukso siya sa lalaki. And among those creatures of the earth ay si Lem pa ang napili ng mga ito. At higit sa lahat, bistado na ni Lem ang panunukso ng mga ito sa kanya dahil binabasa na nito ang conversation nila. Tinakpan niya ng kamay ang conversation window sa monitor at pinatay ang web cam.

            “Oy, usisero! Invasion of privacy yan!”

            Pero pinilit tanggalin ni Lem ang kamay niya at nagtagumpay ito.



PREVIOUS                                                                NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…