Skip to main content

My Dearest Someone Else - Chapter Eight







I love you, pare…love lots… Lalo lang nito pinahirapan ang kalooban niya. Yes, he loved her. Masarap pakinggan iyon kaso lang may kadugtong ang ‘he loved her’. He loved her as his special best friend. Nothing more,  nothing less. Ibinalik niya ang card sa mesa at tinapunan lang ng tingin ang pulang kahon. Best friends’ Day nga pala nila. Nakaugalian na kasi nila na kapag sumasapit ang 23th ng March ay nagse-celebrate sila ng Best friends’ Day. Iyon ang date nung una silang nagkakilala pitong taon na ang nakalipas. At iyon din ang date na palaging niyang maaalala dahil sa pag-amin niya sa sarili ng isang katangahan na pinairal niya. On a second thought, hindi nga pala katangahan iyon dahil aminin man nya o hindi sa sarili niya, pinasaya siya ng husto ng mga sandaling minamahal niya si Lem nang hindi niya namamalayan.

            Bumukas ang main door kaya ipinikit niya muli ang mata at nagpanggap na nakatulog ulit kahit nakaupo na siya at nakasandal ang likod sa sofa. Naramdaman niya ang pamilyar na braso ni Lem na umalalay sa kanya para makahiga ulit siya nang maayos. Nang maramdaman niyang nakalapat na ulit ang ulo niya sa unan ay dahan-dahan niyang iminulat ang mata kunwari ay nagising siya sa ginawa nito.

            Agad na sumalubong sa kanya ang nag-aalalang mga mata ng gwapong mukha nito. Kumabog na naman ang puso niya na tila nakalimutang nasaktan na nga pala siya kani-kanina lang. Walang nangyari, balik na naman sa pag-liliwaliw ang puso niya lalo na nang mapansing nakahiga siya sa mga binti nito na pinatungan lang nito ng throw pillow. Nagpapa-sweet ka na naman, Lem! Nagtangka siyang bumangon pero hindi nito hinayaan na mangyari iyon. Kaya nanatili siyang nakahiga sa binti nito.


            “Kamusta na ang pakiramdam mo?” anito habang masuyong hinahaplos ang noo niya at hinahawi ang mga buhok na tumatakip sa mukha niyang gusto talaga niyang itago. Dinampot nito ang pulang kahon.

            “Okay na ako. Salamat sa pag-aalaga mo.”

            “Hindi mo sinasagot ang tawag at text ko. Hindi ako mapalagay kanina.”

            “Pasensiya na, tulog na tulog kasi ako. Hindi ko na namalayan. Pati nga pagdating mo, hindi ko namalayan.”  Nagtangka ulit siyang bumangon. Inalalayan na siya nito at umayos siya ng upo sa tabi nito. Nagulat pa siya nang biglang ihilig nito ang ulo niya sa dibdib nito, matapos ay niyakap siya ng isang braso nito.

            “Teka lang, pare. Amoy pawis ako tsaka gamot. Nakakahiya sa ‘yo, amoy sinigang na baboy ka pa naman.” Totoo iyon. Marahil sinigang na baboy ang niluto nito.

            Pero hindi na man siya inintindi nito. Nanatili pa rin itong nakayakap sa kanya. Bumungisngis pa ito. “Humihirit ka na ulit ng patawa ha. Magaling ka na nga siguro. Nagluto na ako ng matinong pagkain. Matino na talaga ito kasi sinigang na baboy lang talaga ang alam kong lutuin maliban sa sinaing syempre.” Humigpit pa ang yakap ng isa nitong braso sa kanya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Parang nawala na lahat ng sakit na iniinda ng puso niya kani-kanina lang. At hayon ang puso niya, nagbe-break dance na naman.

            “Napansin mo ba ‘to? Binili ko ito para sa iyo, sa atin.” Binuksan nito ang kahon at tumambad ang dalawang identical na singsing. Parang wedding rings. Kinuha nito ang isa at isinuot sa palasinsingan niya. “Happy Best Friends’ Day, pare.” He even rewarded her a kiss on her head. Lumakas ang kabog ng puso niya. Mahal kong puso, utang na loob tumigil ka na. Lalo lang akong masasaktan dahil sa kapraningan mo. Patuloy ang pagsaway niya sa kanyang puso pero hindi iyon nakinig sa kanya.

            “Anong drama naman iyan ha? Dati nagbabatian lang tayo pag Best Friends’ Day tapos ngayon eh may gimik ka na.” Ang totoo, pinagtatakpan niya lang ang kilig na nararamdaman na ewan ba  niya kung bakit nararamdaman pa rin niya. Kung mag-boyfriend sila, isa lang ang ibig sabihin ng singsing na iyon…engagement. Pero hindi nga sila mag-boyfriend kaya friendship ring lang iyon at wala ng iba. Gumuho na naman ang ilusyon niya. Ewan ba niya kung bakit ilusyon pa siya ng ilusyon eh sa simula pa lang alam niyang hanggang ilusyon na lang talaga siya. Kaya nga sinusulit na ang pag-iilusyon eh.

            “Wala lang, naisip ko lang na panahon na siguro na baguhin ang style natin ng pagse-celebrate ng kaek-ekan nating ito.”

            “Ganon?” Kumalas siya sa pagkakayakap nito dahil naiilang na talaga siya. Tinitigan niya ito. “Happy Best friends’ Day. Pasensiya ka na at wala akong gift para sa ‘yo kasi may sakit ako ngayon eh.”

            “Alam mo Aya, marami ka ng nagawa sa buhay ko kaya di mo na kailangan na magbigay pa ulit sa akin. Labis-labis na nga ang nagawa mo sa buhay ko compare naman sa nagawa ko sa buhay mo.” Iniabot nito sa kanya ang isang singsing.

            Akala mo lang iyon,Lem, Kung alam mo lang. “Anu-ano kaya iyon? Parang wala naman ata akong nagawa sa buhay mo.” Isinuot niya ang isang singsing sa palasingsingan nito. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay niya na pinagsuotan din ng singsing. Itinaas pa nito ang magkahawak nilang kamay. The rings in their hands fit perfect. Napakagandang tingnan noon. “Nakakatuwa naman. Mukhang wedding ring!” biro niya.

            “Sabi ko naman kasi sa iyo, pakakasalan kita. Ayaw mo naman ako paniwalaan eh. Maganda ba? Tinulungan ako ni Loise sa pagpili niyan.” Nakangiting sambit nito.

            May kung anong kumurot sa puso niya. “Sa akin ba talaga ito?”

            Napakunot ang noo nito nang balingan siya. “Oo naman. Bakit? Eh para kanino pa ba?”

            “Kay Loise?”

            “Bakit ko siya bibigyan ng ganito ngayon eh meron na nga kaming friendship ring di ba?” Oo nga pala, dati nga pala ay nakita na rin niya ang friendship ring nito. Pasimpleng sinipat niya ang kamay nito. Pero bakit hindi na nito suot ang friendship ring nila ni Loise?

            “Dapat inipon mo na lang ang pinambili mo nito. Para sa renta ng bahay na lilipatan mo at allowance mo,” sambit niya. Nakagat niya ang labi sa napagtanto. Parang pinapaalis na niya ito. Well, kailangan na nga niyang gawin iyon dahil konti na lang at hindi na niya magagawang itago pa dito ang nararamdaman. Ngayon pa nga lang ay nadudulas na siya.

            Natigilan ito, bigla nitong nabitawan ang kamay niya. nang tagpuin niya ang mga nito pawang gulat na gulat ito sa sinabi niya. “Pinapalayas mo na ba ako, Aya? Anong nagawa kong mali?”

            “Hindi naman sa ganon.” Pinatatag niya ang loob para hindi nito mahalata na nasasaktan siya. “Kaya lang, gaya ng sinabi ko noon hindi ka pwedeng magtagal sa bahay ko.”

            “Bakit ganyan ka, Aya? Parang hindi ikaw si Aya, naninibago ako sa ‘yo. Nagkasakit ka lang, bigla ka ng nagbago.” Nakita niya sa mga mata nito ang pagtanggi sa sinasabi niya. Tila naguguluhan ito sa mga pinagsasabi niya. Ganon din naman siya.

            “Sana maintindihan mo, Lem.”

            “Hindi ko nga maintindihan.”

            “Mas makakabuti nga kung umalis ka na ng bahay ko. Mas makakabuti iyon sa iyo at sa akin.”

            “Bakit? May problema ba tayo?”

            “Wala. At ayokong magkaproblema tayo.”

            “Eh, bakit pinapalayas mo na ako? Pinagpipilitan mo ng umalis ako. Isa lang ang ibig sabihin noon. Ayaw mo na akong makasama o makita ng madalas. Bakit?”

            “Hindi ko pinagpipilitan iyon, Lem--”

            “Pero iyon ang nararamdaman ko, Aya. Pinagtatabuyan mo na ako. Ayaw mo na sa akin. Bakit makakabuti ito sa akin? Sa atin?”

            “Lem, babae ako at lalaki ka. We know the truth pero hindi alam ng iba ang dahilan kung bakit tayo magkasama sa bahay na ‘to. And besides, your ‘someone else’ may--”

            “Iyan na naman!” Nagulat siya nang bigla itong magtaas ng tono. “Pati ba naman ikaw mawawala sa akin dahil sa someone else na iyan? Aya naman.”

            “This is the right thing to do. And besides, nawalan na ako ng privacy nang dumating ka sa bahay ko kaya-”

            “I got it. You really don’t want me to be here. Damn it!” Sa unang pagkakataon ay nakita niyang puno ng galit, frustration at sama ng loob ang ekspresyon ng mukha nito. Lumayo siya ng konti dahil natakot din siya na baka magawa siya nitong saktan o pwersahin although alam naman niyang hindi nito iyon gagawin.

            “Hindi iyon ganon, Lem. Hindi ko pinagpipilitan iyon na gawin mo.Hinihiling ko lang naman sana na gawin mo yon. ” Nagiging komplikado na kasi ang lahat.

            “Alam mo, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nangyayari ito eh. Pero sige Aya. If that’s what you want me to do, I’ll do it.” Padabog na naglakad ito papuntang kusina ng tawagin niya ito.

            “Sana maintindihan mo ako. At sana aalis ka dito na buo pa rin ang pagkakaibigan natin. Lilipat ka lang ng bahay. Welcome ka pa rin dito.”

            Nilingon siya ito. “No, Aya. I quit. Maybe you’re right. Kailangan ko na ngang umalis, hindi lang sa bahay na ‘to kundi pati na rin sa buhay mo. Masyado na akong maraming nasasaktan, hindi ko nga alam na pati ikaw ay masasaktan ko rin. Iyon lang naman ang naiisip kong dahilan kung bakit bigla mo na lang akong pinapaalis dito.Kung ano man ang nagawa ko, I’m sorry.  Enjoy your privacy, Aya. Thanks sa lahat.”

            Hihirit pa sana siya pero mas naunang dumaloy ang luha sa mga mata niya. I quit! Isinuko na siya nito. Madalian niyang tinanggal ang suot na singsing, ipinatong iyon sa mesa at patakbong tinungo ang sariling silid. Napansin pa niyang nilingon siya nito at tinangkang lapitan pero hindi na niya binigyang pansin. Nagdiretso siya sa kwarto at padabog na isinara ang pinto. Ibinuhos niya lahat ng sama ng loob sa pag-iyak sa kama niya buong gabi. Nakalimutan na niyang kumain ng hapunan at uminom ng gamot. Hinayaan niyang magluksa ang puso niya dahil hindi lang minamahal niya ang nawala sa kanya kundi isang treasured na kaibigan. Nang hindi mapanatag ang loob ay tinawagan niya si Hyde.
           
           
            ALAS-SAIS  ng umaga nang magising siya. Mabigat pa rin ang loob niya sa nangyari kahit na nabawasan naman iyon ng konti nang makausap niya ang pinsan. Nagkasundo na sila ni Hyde na kapag wala na siyang sakit ay uuwi agad siya ng Caliraya. Alam niyang hindi siya nag-iisa sa mundo tulad ng nararamdaman niya. Matapos kasi ng pag-uusap nila ni Hyde ay nakausap din niya sina Setty at Thea na todo naman ang pagpaparamdam sa kanya na meron siyang kaibigan na masasandalan sa mga oras na iyon.

            Biglang pumasok sa isipan niya si Lem. Siguradong wala na ito sa bahay niya. Hindi niya maitatanggi na kulang na ang buhay niya. Sa loob ng ilang buwan na pagtira nito sa bahay niya at pitong taon nilang pagkakaibigan ay nasanay na siya sa presensiya nito. Lumabas siya ng kwarto niya. At gaya ng hinala niya, empty na ang bahay niya. Ni anino ni Lem ay wala na. Pagpasok niya ng kusina ay nakita niya sa mesa ang isang tasa ng hot chocolate at tatlong pandesal. Iyon ang araw-araw nilang pinagsasaluhan pagkatapos nilang sumayaw sa saliw ng morning session niya na Tokyo Drift sa loob ng ilang buwan. Umuusok pa ang hot chocolate. Ibig sabihin lang noon ay kakaalis rin lang ni Lem. Pwede niya sanang habulin na lang ito pero mas pinili na lang niyang titigan ang hot chocolate. Bumalik siya sa sala. Binuksan niya ang computer. At kahit may konti pa siyang lagnat ay nagsasayaw siya katulad ng palagi nilang ginagawa ni Lem. Pero nasa kalagitnaan palang siya ng kanta ay tumigil na siya. Nasasaktan na siya sa ginagawa niya kaya pinatay na lang niya ang music. 

            Bumalik siya sa kusina para kainin ang pandesal at hot chocolate pero hindi rin niya naubos iyon. Pawang lahat na lang nga sulok ng bahay niya ay si Lem ang naaalala niya. Pinuntahan niya ang  kawarto na dating inookupa ni Lem. Binuksan niya ang dresser at tumambad sa kanya ang mga damit na pinahiram niya dito nooong  unang beses na nakitira ito sa kanya. Wala na ang mga gamit ni Lem. Nakita na lang niya na may sobreng nakapatong doon. Kinuha niya iyon. Nang buksan niya ang sobre, pitong libong piso ang laman noon. Binayaran na ni Lem ang utang nito sa kanya. Isa lang ang ibig sabihin noon. Wala na nga itong balak lumitaw muli sa buhay niya. Nilibot niya ang paningin sa paligid hanggang sa mapansin niya ang kama. Nakapatong doon ang malaking notebook ni Lem. May nakapatong din na sulat doon. Binasa niya iyon.


            I don’t know why we need to end up like this. If I did something wrong, I’m sorry. And thank you for those wonderful days of my life with you…  


            Ngayon naman ay nanghihinayang siya. Pero alam niyang iyon ang makakabuti sa kanilang dalawa. But on the contrary, nakabuti nga ba? Eh bakit walang humpay ang page-emote niya sa pagkawala ni Lem sa buhay niya? Kinuha niya ang notebook pero hindi niya iyon binuksan. Hindi pa siya handang makita ang laman noon.

            Madalian niyang inempake ang gamit niya. Pinaalam na niya sa kompanya na gusto na niyang sa Laguna na lang ulit madestino at pumayag naman ang mga boss niya. Walang pasabi na bigla na lang siyang lumitaw sa rest house nila sa Caliraya. Pagpasok niya sa gate pa lang ay namataan na niya si Hyde na nagta-type sa laptop nito habang nakalupagi sa bermuda grass. Nang tapunan siya ng tingin nito ay ibinaba nito ang laptop sa damuhan at sinalubong siya ng yakap. Without any single word, naintindihan niya agad ang nais ipahiwatig ng kanyang pinsan. Maya-maya pa ay nakita na rin sila nina Setty at Thea na nakiyakap rin sa kanya.


PREVIOUS                                                                    NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…