Skip to main content

Let The Reason Be Love- Chapter Three




Pagbalik ni Opalyn sa Laguna ay naabutan niya sa labas ng bahay niya si Lan-lan. Bitbit nito ang isang malaking shoulder bag na may lamang laptop at mga papel.

                “O, anong ginagawa mo dito? Ang lakas naman ng radar mo at nalaman mong papauwi na ako,” bungad niya dito. Habang binubuksan ang gate ng bahay niya.

                “Magpapasama ako sa iyo ngayon,” tugon ni Lan-lan.

                “Saan? Talagang ayaw n’yo akong mapag-isa ano? Don’t deny, mare. Alam kong pinag-usapan na ninyo ito,” pambibisto niya.

                “Ah…eh…” napakamot ito sa ulo. “Para din naman sa ikabubuti mo ito eh. ‘Wag ka na magalit,” parang batang sambit nito.

                Napangiti siya. “Hindi naman ako galit. Natutuwa nga ako. Kasi dahil sa ginagawa n’yo, madali akong nakakapag-move on. Saan tayo pupunta?”

                “Sa Makiling!”


                Napakunot-noo siya. “As in sa bundok ng Makiling? Hahanapin mo si Makiling?”

                “Wala naman akong pakialam kay Makiling ano. Gusto ko lang magsulat malapit sa ilog kung saan nang-aakit si Makiling,” sambit nito sabay hila sa kanya.

                “Ibang klase ka talaga, Lan-lan! Taga-saang planeta ka ba?” hirit niya habang papalabas sila ng bahay niya.

                “Hmm…Ewan ko. Hindi ko pa naiisipang i-research kung taga-anong planeta ako eh,” patol nito sa biro niya.

                Wala na nga siyang nagawa kundi ang sumama na lang dito.

                Nang makarating sila sa ilog ng Makiling, hindi na niya nakausap pa si Lan-lan. Pawang humugot lang talaga ito ng trip para matapos ang sinusulat nitong nobela. At pag ganito na ang sitwasyon, alam niyang ni langaw ay hindi nito papatulan. Tuluy-tuloy lang ito sa pagtipa ng letra sa reliable laptop nito.

                Kaya ang drama niya ngayon…. tumunganga sa tubig habang pinapakinggan ang natural na himig ng kalikasan. At speaking of kalikasan, nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Luminga-linga siya kung saan siya pwedeng mag-wiwi.

                “Lan, diyan ka muna ha… call of nature lang,” paalam niya dito.

                Tumango lang ito. Ay naku, ang mga writer nga naman.

                Pumasok siya sa kagubatan para doon mag-ritwal. Nang makakita ng mainam na lugar sa tabi ng kumpulan ng puno ng saging ay atubiling nagtungo siya roon.

                Nasa kalagitnaan pa siya ng pagriritwal nang may biglang kumaluskos sa likod niya.

                “Excuse me. May nakita ka bang kumunoy dito? Ay, sorry!” untag ng isang pamilyar na boses.

                Sa gulat niya ay napatili siya sa pinakamataas na tonong kaya niya. Dali-dali niyang itinaas ang pantalon. Binalingan niya ang ngayong nakatalikod na si Keijin. “Waah! Bakit ka ba pasulpot-sulpot ha! May nakita ka ba? Namboboso ka lang ata eh. Waaah! Ano bang ginagawa mo dito?”

                Hindi siya hinaharap ito. “Ahmmm…ano…naghahanap nga ako ng kumunoy. Malay ko bang andiyan ka. Dapat ako ang nagtatanong sa iyo kung ano ginagawa mo dito sa gubat na ito. Mang-iisitorbo ka na naman sa pagpapakamatay ko. O, ano na? Tapos ka na ba sa ritwal mo?”

                Binato niya sa ulot nito ang nahagilap na maliit na sanga. Sapul ito sa ulo. Saka lang ito bumaling sa kanya.

                “Aray ko! Wala naman akong nakita maliban sa garter ng undies mong rainbow color! Wala namang malisya iyon. Fashion designer ako ng men and women apparels. Marami na rin akong undies na nagawa! And by the way, thank you for patronizing my creations.” tila nang-aasar pang sambit nito. 

Nag-init ang bunbunan niya. “Manyak!” Padabog na nilampasan niya ito.

“Okay. Sorry! Hindi ko sinasadya…Promise, iyon lang ang nakita ko,” pigil nito sa braso niya.

Kinuyom niya ang palad. Bakit kailangan mo pang ulit-ulitin iyon ha? “Bitaw!”

“Ayoko. Ituro mo muna sa akin ang kumunoy dito.”

May kung anong pumitik sa ulo niya. Magpapakalunod naman ito sa kumunoy ngayon. Ay naku, ano ba? Magpapakamatay ka na naman? Hindi na siya makapagtimpi. Babalyahin na sana niya ito ng sermon kung hindi lang niya nakita ang lungkot sa mga mata nito. Naantig na naman ang puso niya.

“Hindi ka ba napapagod?” naitanong na lang niya.

Tumungo ito at muling bumaling sa kanya. Bakas sa malamlam nitong mga mata ang hinagpis. “Pagod na pagod na ako. Pati nga ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sarili ko.”

“Alam mo, matagal mo ng pinatay ang sarili mo. Mula nang nagdesisyon kang magkaganyan, namatay ka na. Wala ng saysay kung magpapakamatay ka pa rin. Double-dead na labas mo do’n.”

 “Wala akong pakialam. Sige salamat na lang.” Dahan-dahan nitong binitawan ang braso niya at iniwan siya roong natitigilan pa rin. Ano nga bang magagawa niya para tulungan si Keijin?


                MAKALIPAS  ang ilang linggo niyang vacation leave, balik opisina si Opalyn. Nagtatrabaho siya sa isang rural bank bilang Human Resource Officer. Kasalukuyan siyang nagtse-check ng exams ng mga aplikante nang maulingan niya ang kaguluhan sa labas. Waring may kung anong komosyon na nangyayari. Makikiusyoso lang sana siya ngunit pagkalabas pa lang niya ng pinto ay may kung sinong humaklit sa leeg niya at awtomatikong tinutukan ang ulo niya ng baril. Sa sobrang pagkabigla ay hindi agad siya nakaimik. Anong nangyayari?

                “Holdap ito!” deklara ng isang mama na naka-business suit sabay tutok ng baril sa pobreng teller na naiiyak  na sa takot. Ang ilang kasamahan ng holdaper ay unti-unti ng nililimas ang pera ng bangko.

                Diyos ko! Ayoko pang mamatay! Untag ng isipan niya.

                “Kayong lahat, dapa!” Pinadapa ng mamang humaklit sa kanya ang lahat ng tao roon, empleyado man o  kliyente. Lahat ay nagsunuran. Mahirap na at baka mapatay pa sila ng wala sa oras.

                Akmang dadapa na rin si Opalyn sa sahig nang humirit ang mamang halos sakal na siya sa leeg. “Ano sa tingin mo ang ginagawa  mo?”

                “Sabi mo, dapa  kaming lahat. Dadapa din ako,” pilosopong sagot niya. Susubukan sana niyang utuin ang mga holdaper na ito.

                Mas hinigpitan nito ang paghaklit sa leeg niya. “Niloloko mo ba ako? Umayos ka diyan kung ayaw mong pasabugin ko iyang utak mo!” banta ng holdaper.

                “Wag po, bossing!” sagot niya. Kinalimutan na niya ang naunang plano. Pumikit na lang siya para manalangin.

                “Hoy, mamang kalbo!” untag ng pamilyar na boses mula sa mga nakadapang kliyente ng bangko.

                “At sinong sinasabi mong kalbo?” tugon ng mamang nakahaklit sa leeg niya. “Uunahin kitang patumbahin at isusunod ako ang babaeng ito.”

                Sino ba kasi ang tarantadong iyon!  

                Napatanga na lang siya nang makita si Keijin nang magmulat siya ng mata. Mataman lang itong nakatingin sa mamang may hawak sa kanya. Kabukod-tangi itong nakatayo sa kabila ng utos na dumapa ang lahat.

                “Ilan na ang napatay mo? Magaling ka ba talagang pumatay?” tanong ni Keijin.

                Praning talaga ang isang ito!  

                Tumawa ng pagak ang holdaper. “Marami na, gusto mong dumagdag pa sa listahan?”

                “Pwede? Sa totoo lang, naghahanap talaga ako ng papatay sa akin eh. Magkano talent fee n’yo?”

                Napakamot sa ulo ng wala sa oras ang holdaper. Dahilan para lumuwag ang pagkakasakal nito sa leeg niya. Sinamantala niya ang pagkakataon.  Inapakan niya ang paa ng holdaper at tumakbo siya sa direksyon ni Keijin. Natigilan lang siya nang magpaputok ng baril ang holdaper. At nasundan pa iyon ng mala-action movie na putukan. Napayakap siya kay Keijin na agad promotekta sa kanya nang dumapa sila.

                Ako ba ang pinaputukan ng baril? Bakit wala akong maramdaman?

                “Nabaril na iyong holdaper,” untag ni Keijin sa kanya. Napatunghay tuloy siya at sinalubong siya ng nag-aalalang mga mata nito. “Okay ka lang ba? Tapos na, nahuli na iyong mamang kalbo.”

                Nagulantang ang sistema niya. May kung anong kakaibang damdaming hatid ang mga pagtitig nito sa kanya.

                “Opalyn!” untag nito habang nanatili lang siyang nakatangla dito.

What’s the meaning of this heartbeat? Trauma? “Ha? Ah…okay lang ako.”

“I think you’re not yet okay.” Masuyong inalalayan siya nitong tumayo hanggang sa lumabas sila ng gusali. Sinalubong sila ng isang unipormadong pulis. Pamilyar sa kanya ang mukha ng pulis pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.

“I’m P/Insp. Excelente Almendral,” pagpapakilala ng pulis. “Kailangan naming kuhanan kayo ng statement regarding sa incident.”

“Okay, sige,” tugon niya.

“Are you sure, sasama muna tayo sa presinto bago pumunta ng ospital?” tanong naman ni Keijin sa kanya. “Namumula na kasi ang leeg mo.”

Saka lang niya naalala na sinakal-sakal nga pala siya ng holdaper. “Ah, okay lang. Hindi naman ako masyadong nasaktan.”

Ngunit biglang may nagpaputok ng baril mula sa likuran nila. Agad naman silang na-cover ng pulis na kausap. Nagpaputok ito at tinamaan ang holdaper na nagpaputok ng baril. Biglang bumigat ang pagkakasandig ni Keijin sa kanya. Nataranta na lang siya nang makitang duguan na ang kaliwang tadyang nito. 

“Keijin!” Nawalan ito ng malay. Tinulungan siya ng mga pulis para alalayan ito.


               DAHAN-DAHANG iminulat ni Keijin ang kanyang mata. Kulay puti ang unang tumambad sa kanya kaya inakala niyang sa wakas ay namatay na rin siya. Eto na ba ang langit? Ngunit nadismaya siya nang ma-realize niya na nasa isang hospital ward lang pala siya, nakahiga sa kama at may suwerong nakatusok sa kamay  niya. At bilang solid evidence, bahagyang kumirot ang kaliwang tadyang niya nang kumilos siya.

                Again, I failed. Dismayadong nilingon niya ang  kaliwang bahagi ng silid. Natagpuan niya si Nathan na prenteng nakaupo sa kaliwang gilid ng sofa na nagbabasa ng magazine at sa kanan naman ay si Opalyn na bahagyang nakahilig at natutulog.

                “Di ka pa rin talaga nagigising sa kalokohan mong iyan, Ezekiel!” napapailing na sambit ni Nathan. “Ilang tao ba ang idadamay mo sa pagsasayang mo ng oras na magpakamatay?”

                “Kung hinayaan n’yo na lang sana ako eh di sana hindi ko na kayo naabala sa pagbantay sa akin sa hospital. Kung hinayaan n’yo na lang ako na maigahan ng dugo eh di sana few days n’yo na lang ako makakasama. At presto! Tapos na ang problema ninyo sa akin,” pabalang na tugon niya.

                “My God, man! Would you kindly wake up from your misery! Sa tingin mo ba, magagawa namin iyon?” Binalingan nito si Opalyn pagkatapos ay hinarap ulit siya. “Look at her, man! Wala siyang kinalaman sa kamiserablehan mo, pero ano? Andito siya, nadadamay!”

                “Pinauwi  mo na lang sana siya.”

                “Kahit anong pilit ko, ayaw niyang iwan ka. Dahil ang alam niya, iniligtas mo ang buhay niya. Kahit ang totoo naman ay gusto mo lang talagang magpabaril.”

                Bumuntong-hininga siya. Ano nga bang nangyari? Nagpabaril nga lang ba siya? Hindi rin niya maintindihan ang mga ikinilos niya sa bangko noong makita niyang haklit ng holdaper na kalbo ang leeg ni Opalyn. Natakot siya. Gusto niyang basta na lang sugurin ang mga holdaper na iyon para lang mailayo sa mga ito si Opalyn. Nang makita niya sa mga mata ni Opalyn na takot-na takot na ito, basta na lang siya tumayo at kinausap ng kung anu-ano ang holdaper para makakuha ng pagkakataon si Opalyn na kumawala. He saved her. Alam niyang iyon ang dahilan. At lalong tumindi ang intensyon niyang protektahan ito nang bigla na lang may magpaputok sa may likuran nila. Iniharang niya ang sarili para saluhin ang balang dapat ay kay Opalyn. At ang pinagtataka niya, hindi sumagi sa isip niya noong mga oras na iyon na ginawa niya iyon para mamatay na siya. Ginawa niya iyon dahil ayaw niyang mapahamak si Opalyn.

                “O ano? Natahimik ka? Keijin, please man. Stop this misery. Help yourself.”

                Mababanaag sa mata ng kaibigan ang labis na pag-aalala sa kanya. Nathan was the only person left for him. Although may mga kaibigan pa sila, kabukod-tanging si Nathan lang ang parating nasa tabi niya. Halos magkapatid na nga sila. Sabay kasi silang lumaki, sabay nag-aral, sabay nagsikap para mapatayo ang fashion house na pinagsosyohan nila. Marami nang nagawa ang kaibigan niyang ito para sa kanya. Pero anong ginagawa niya? Dinadagdagan pa niya ang problema nito.

                “Maybe, it’s time for me to pick the shattered pieces of myself now,” tugon niya. “If only  I know where to start.”

                Tila naman nabunutan ng tinik sa puso si Nathan sa tinuran niya. Lumingon ito kay Opalyn na natutulog pa rin. “You need to see a counselor again. Who knows, maybe the next one will be the best one.”


                MATAMANG nakikipagtitigan lang si Opalyn kay Nathan. Dalawang linggo matapos ang insidente sa bangko ay nakipag-set ito ng meeting sa kanya. Ang buong akala niya ay job interview iyon para  makapagtrabaho siya sa Himalayan Resort dahil nawalan na nga siya ng trabaho at nagprisinta itong bigyan siya ng trabaho. Pero hindi niya inaasahang ibang trabaho pala ang io-offer nito. Gusto nitong  siya ang mag-conduct ng counseling sessions ni Keijin. Hindi siya eksperto. Wala rin siyang credentials at background sa pagiging counselor maliban sa pagiging peer counselor niya noong estudyante pa siya. Kaya nga hindi niya mapaniwalaan  ang job proposal na hawak-hawak niya ngayon. Ang sweldong in-offer nito sa isang buwan ay sweldo na niya ng isang taon sa dati niyang trabaho.

                “Hindi ba parang hindi para sa akin ang trabahong ito? Sobrang laki ng sweldo kahit na mababa naman ang expertise ko,” sambit niya.

                “Kabukod-tanging ikaw lang ang pinakikinggan ni Keijin at naniniwala ako sa ‘yo. Honestly, marami na rin akong na-hire dati na maging psychologist niya. Pero lahat ng iyon, walang naging panama sa katigasan ng ulo ng kaibigan kong iyon. Kung hindi ka pa kontento sa salary, I can double the price.”

                “No!” mariing tanggi niya. “Sobra ngang laki nito. Pwede mong bawasan. Sweldo ko na ito sa isang taon sa dati kong trabaho.”

                “Ganon ba? So, let’s stick to that price. Wala ka lang naman gagawin kundi ang i-set si Keijin sa isang counseling session para mabawasan at tuluyan siyang malayo sa temptation ng pagpapakamatay. Kapag okay na siya, that would be the end of our contract.”

                Saglit na nag-isip siya. Kung tatanggapin niya ang trabaho, hindi na niya poproblemahin ang pambayad sa nirerentahang bahay at makakapagbigay na rin siya ng mas malaking pera sa magulang niya.

                “Sige. Susubukan ko.”

                “Thank you, Opalyn. Tatanawin kong malaking utang na loob ito sa iyo,” sinserong sambit ni Nathan.

                “Ako rin, utang na loob ko sa ‘yo ang pagsalba mo sa problema ko sa pera,” tugon niya.

                Iniabot nito sa kanya ang isang folder. “Nariyan lahat ng impormasyon na kailangan mo. Pwede mong puntahan ang mga kasambahay ni Keijin kung gusto mo pa ng dagdag na impormasyon. I trust you, Opalyn.” 

                Ngumiti siya. “Ako ang bahala. I’ll do my best. Promise.” 


 PREVIOUS                                                                     NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…