Skip to main content

Let The Reason Be Love- Chapter Ten




Nasa Araneta Coliseum sina Opalyn at Keijin kasama ang mga kabarkada niya at ang mga dates ng mga ito. The Repeat Concert na ito ng bandang kinabibilangan ng kapatid ni Lan-lan. Thunderkizz Band was already an icon in the music industry. Umabot na nga sa Asia ang kasikatan ng bandang ito kaya maswerte silang mga kaibigan ni Lan-lan. Ito ang nagpamudmod ng complimentary tickets sa kanila kaya palagi silang nakakapanood ng concert ng libre.

“Are you enjoying the night, guys?” tanong ni Yohann na kasalukuyang nasa stage kasama ang buong miyembro ng sikat na bandang Thunderkizz Band. Naghiyawan ang crowd.

                Tatlong kanta na ang natugtog ng banda at marami pang susunod. The crowd kept on shouting for more.

                Hawak lang ni Keijin ang kamay niya. Paminsan-minsan ay inaakbayan din siya nito. Tatlong buwan na ang nakakalipas nang magdesisyon silang bigyan ng chance ang mga sarili nila. Wala siyang pinagsisihan sa desisyon. Bawat sandali na magkasama sila, wala na itong ginawa kundi ang alagaan siya at ganon din naman siya.  Hindi man nito sabihing mahal siya nito, palagi naman nitong ipinaparamdam kung gaano siya kahalaga sa buhay nito. Siguro, hindi pa lang talaga ito handa sa bagong relasyon.


                “Well, our next song will be an original composition. Last time, noong una naming major concert, we sung our dearest Drexcel’s composition for his special girl,” pagpapatuloy ni Yohann. Umiling lang ang bass guitarist ng banda na si Drexcel. “’Kita nyo naman, inlababong-inlababo na siya ngayon. Kaya pinilit namin siyang mag-compose ulit.” Nagtawanan naman ang crowd. Pati sila ni Keijin ay napangiti rin. “So, itong second composition niya ay inaalay namin sa lahat ng in love. Para kay Drexcel mismo, kay Ayame na ewan ko ba at may na-in love pa sa isang ito.” Pabirong inihampas ni Ayame ang drumstick kay Yohann. Ngumiti si Yohann ng matamis at may kung sinong tiningnan sa audience. Malamang, andon ang napabalitang girlfriend nito. “Para rin siyempre sa akin, at para na rin kay Hansen.” Nilingon nito ang lead guitarist. “ Pare, may pumatol na ba sa ‘yo?”

                “Marami,” tipid na sagot nito. Naghiyawan  pa lalo ang crowd. Kanya-kanya ng proposal ang mga babae sa binata.

                “Okay, hope you like this one. This is entitled, I’m falling in love with you.” Tinipa ni Yohann sa keyboard nito ang mga unang nota ng kanta. Na-hypnotized na ng malamig na tinig ni Yohann ang crowd. Nasentro sa kanta ang atensyon ng lahat.

                “Ang galing ng kapatid ko!” sigaw ni Lan-lan nang umabot sa chorus ang kinakanta ni  Yohann.

As I close my eyes I like to hold you tight. Coz it’s only you I want to be in my life. When you’re at my side, I’m feeling alright. As the day passes by, now I realized. Oh, I think this is the right time to say, Darling, I’m falling in love with you.

Pumwesto si Keijin sa likod ni Opalyn. Yumakap ito sa baywang niya at inihilig nito ang ulo sa balikat niya katulad ng ginawa nito noon sa supermarket. Wala ring nagbago sa naramdaman niya. Bumibilis pa rin ang tibok ng puso niya habang naglalambing ito sa kanya.

“Keijin, Bakit ang hilig mong yumakap sa likod ko ha?” tanong niya.

“Ewan ko rin. Basta gusto kong yakapin ka sa ganitong paraan.” Hinigpitan pa nito ang pagyakap sa kanya. Hinawakan lang niya ang mga kamay nito. “Opalyn, I love you!”

Natigilan siya sa ibinulong nito sa tenga niya. Ang tagal niyang hinintay na sabihin nito iyon sa kanya. Napapikit siya para iwasang maiyak sa sobrang saya.
       
         “You let me believed that true love really exists. Nangako ako sa sarili ko na hindi na muling maghahanap ng mamahalin pero kusa kang dumating at hindi ko na namalayan na unti-unti ko ng nahanap ang nawawala kong pagkatao. You picked the shattered pieces of my heart and put it in a right place…inside yours.” Kinitalan nito ng halik ang pisngi niya. “Just let my heart stay in yours kasi hindi ko alam kung anong mangyayari kapag pati ikaw ay mawala sa akin.”

                Nangilid ang luha sa mata niya nang maramdamang unti-unting nababasa ang balikat niya. Keijin was crying for her!

                Hinaplos niya ang ulo nito. “Keijin, ano ka ba? ‘Wag mo nga akong iyakan.” Kumalas siya sa pagkakayap nito at hinarap niya ito.

                Pasimpleng pinunasan nito ang luha. “Sorry, got carried away.” Tinitigan siya nito. “I’m sorry if it took me quite long before I was able to say how much I love you. I mean it.”

                “And I’m glad you finally said it. Alam mo bang ang tagal ko nang hinihintay na marinig iyan sa ‘yo?”

                “Wooh! Ang bangis ng Thunderkizz!” sabay na sigaw nina Mayette at Miles.

“More! We want more!” segunda pa ni Cess at Lan-lan. Pare-pareho lang na natahimik ang mga dates ng mga ito.

 Nasira tuloy ang momentum nila. Hindi ata napapansin ng mga kasama nila na nagsesenti silang dalawa.

                Nagkatinginan silang dalawa at parehong natawa.

                Keijin wrapped his loving arms around her. Gumanti siya ng yakap dito. “There’s nothing to worry about, Keijin. I love you, too and I also mean it.” Binalingan niya ito at nahuling nakatitig na naman ito sa kanya.

                A teasing smile blewed on his face. “Would you say it again?”

                “I love you, Keijin.”

                “I really love to hear that.” Pasimpleng kininatalan siya nito ng halik sa labi.

                “Wow, wala namang inggitan mare!” hirit ni Mayette.

                Akala niya ay busy ang mga kasama nila sa concert. Iyon pala, sila na ang pinapanood ng mga ito. Napayukyok tuloy siya sa dibdib ni Keijin sa sobrang hiya. Tumawa lang si Keijin.

                 
                                         
                MATAPOS ang concert ay nagkanya-kanya na sila ng uwi. Sa parking lot na sila naghiwa-hiwalay. Tahimik lang sila ni Keijin habang nakatutok ang mga mata nito sa kalsada at ang buong atensyon ay nasa pagmamaneho.

                Nagulat na lang siya nang biglang huminto ang kotse. Nang sumilip siya sa bintana, saka lang niya napansin na nasa Baywalk pala sila. Bagama’t hindi na kasing-ganda ngayon ang Baywalk kompara dati, marami pa ring naglalakad-lakad doon para magpalipas-oras.

                “O, anong ginagawa natin dito?” tanong niya.

                Kinuha nito ang journal nitong nakapatong sa dashboard at iniabot iyon sa kanya. “Anong iniisip mo habang binabasa noon ang journal na ito?”

                “Well, naging basis iyan ng assessment ko sa ‘yo. First few pages, you wrote about your feelings for your parents’ death. Then, ang sumunod na roon hanggang sa huli kong nabasa ay tungkol sa pagmamahal mo sa asawa mo. I won’t lie. I envied your ex-wife. Kasi noon akala ko, hindi naman talaga ako importante sa iyo. That you’re just in need of help at ako ang nagkataong available para tulungan ka.”

                “Magagalit  ka ba kung malaman mong hindi ko sinunod ang sinabi mong isulat ko ang nararamdaman ko para sa asawa ko?”
  
              Kumunot ang noo niya. Wala naman siyang napansin na pagkukunwari sa laman ng journal nito. In fact, narinig na rin niya ang mga laman noon tuwing may counseling session sila.

                “What do you mean?”

                “Basahin mo iyong continuation ng journal ko.”

                Tumalima siya. Binuklat niya ang journal nito hanggang sa natatandaan niyang huling nabasa niya. Then she turned on the next page.

                I think she got it wrong. My dearest counselor was thinking that I’m pertaining to my wife all along. It wasn’t true. When I wrote those sweetest words for “her” I know that I’m no longer thinking of my ex-wife. I’m thinking of my counselor. I’m thinking of you, Opalyn Vivas. All those words are for you.

                Natigilan siya. Binalikan niya ang mga nakaraang pahina. Siya pala ang tinutukoy nito mula pa noon. Ang mga isinulat nito na inakala niyang para sa namatay nitong asawa ay para sa kanya pala.

               “Noon palang muling nag-krus ang landas natin sa Rest My Heart Cemetery, hindi ka na nawaglit sa isip ko. I know this sounds crazy kasi noong mga oras na iyon I was broken, totally broken. Pero sa tuwing nakikita kita, nag-iiba ang perception ko sa buhay. Parang nawawala ang depression ko.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Turn to next page please.”

                Sinunod siya nito. Muntik na niyang mabitawan ang journal nang mabasa ang nakasulat doon.  Miss Opalyn Vivas, will stay with me for the rest of our lives? She turned to next page. Will you accept me as your husband?  And the next page again. If your answer is yes, will you marry me then?

                Maang na napatingin siya kay Keijin. He was lovingly staring at her. She could read from his eyes that he was telling the truth. Nakagat niya ang labi, mapapaiyak na ata siya sa sobrang emosyon. Hanggang sa hindi na niya napigilang tumulo ang luha niya. Those were tears for unexplainable happiness of course.

                He managed to wipe those tears away from her cheeks. “’Wag kang umiyak. Naiiyak na rin ako.”

                Napatawa siya nang umiwas ito ng tingin at pasimpleng pinahid ang sariling luha. “Sobrang saya ko lang kaya… naiiyak ako.”

                Ngumiti ito. “There’s still another page.”

                “Ha?”

                Itinuro nito ang hawak niyang journal. She turned the next page. “Keijin naman! Kinikilig na talaga ako eh!” Binatukan na niya ito para hindi na siya maiyak pa. Sa gitnang bahagi ng pahina ay may ribbon na siyang pinagtalian ng isang singsing. “Hindi ko na alam ang sasabihin ko. May gusto akong sabihin kanina pero nakalimutan ko na.”

                “Just say yes.”

                Niyakap niya ito. “Oo na. Sige na. Yes!” naiiyak na sambit niya. “Tamang-tama, may gown na ako!” biro niya. “Hukayin na lang natin sa Tarlac.”

                Tumawa ito. “Ayoko no’n, may pagsamalas iyon! Igagawa na lang kita ng bago. Mas maganda at para sa iyo lang talaga.” Kumalas ito sa pagkakayakap niya, kinuha nito ang singsing sa journal at isinuot iyon sa palasinsingan niya. He stared at her with so much emotion written on his eyes. He grabbed her at walang salitang hinalikan siya. They shared those sweet kisses as the sun rises from afar, letting them feel the beauty of new coming days for the two of them.

                There’s no such exact word to describe how happy they are at that moment. True love really exists. Nasaktan man sila sa kanilang nakaraan, ang importante nagawa nila parehong isarado ang libro ng nakaraan at harapin ang magandang kinabukasan sa piling ng isa’t isa. 


                PIANO version ng Looking Through The Eyes of Love ang bumangad sa kanila nang dumating sila sa reception ng kasal. Nasa isang private resort sila sa Matabungkay kung saan ginanapa ang kanilang simple ngunit eleganteng beach wedding.                              

                Opalyn was so pretty in her white long gown na si Keijin mismo ang nagdisenyo at tumahi.

                The crowd was clinging their spoons on glasses as they approach the make-shift stage.

                “Kiss naman ulit!” request ng mga ito.

                Wish granted. Keijin pulled her lovingly held her nape. He kissed her forehead then went down to kiss her nose. He move left to kiss her cheeks and finally landed sweet kisses on her lips.

                “Like it?” He smiled teasingly.

                “I want more…”Siya naman ang humalik dito. The crowd cheered.


THE END 

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…