Skip to main content

Let The Reason Be Love - Chapter Six




“Pesteng contact lens talaga!” Bad trip si Opalyn dahil sa na-infect niyang mata nang makalimutan niyang hubarin ang contact lens niya bago siya natulog noong nakaraang gabi. Kaya heto ngayon balik eyeglasses muna siya matapos niyang patingnan sa doctor niya ang namumula pang mata. Ayaw niyang magsalamin. Itinakwil na niya ang mga araw na nakasalamin siya. In fact, ilang taon na siyang naka-contact lens. Hindi na rin siya sanay magsalamin. Pero wala siyang naging choice. Malabo na ang mata niya at hindi na siya gaanong makaaninag kapag wala siyang salamin o contact lens.

                Dahil sa bad trip, ibinuhos na lang niya ang inis sa pag-grocery. Sulong niya ang isang pushcart habang nililibot ang supermarket. Pero hanggang sa supermarket ay inabot siya ng kamalasan. Nahagip ng kanyang mata ang tukmol niyang ex kasama ang babaeng nakita niya noon sa apartment nito. Bahagyang maumbok na ang tiyan ng babae. Bad trip! Buntis na pala ang bruha!  Ibinaling na lang niya ang mata sa naka-display na canned goods dala ang  hiling na sana’y hindi siya mapansin ng ex niya. Pero sumablay pa rin.

                “Opalyn?” untag ni Lefrey sa kanya.


                Hindi na ba ako swerte sa buhay ngayon? Waaah! Bakit? Huminga siya ng malalim saka binalingan ito. Unang nahagip ng mata niya ang magkasalikop na kamay ng dalawa. Parang biglang piniga ng kung sinuman ang puso niya. Hindi niya matanggap sa sarili na hindi pa siya talaga tuluyang nakaka-move on.

                Pilit na nginitian niya si Lefrey. “Oy, musta?”

                Tila ito naman ang nailang sa kanya. “Opalyn, eto nga pala si Yen, a-asawa ko.” Tila bantulot din ito na ipakilala sa kanya ang babaeng ipinagpalit nito sa kanya.

                “So, natuloy pala kayo…”

                “Sorry,” sabat ni Yen.

                Umiling siya. “Past is past. Tsaka, talagang kayo ang para sa isa’t isa siguro kaya nangyari iyon.” Alin ba ang mas magandang ipukpok sa ulo nitong ex ko? Tuna? Sardines? o meat loaf?  Ang laking ganda ko sa ipinalit niya sa akin ah!

                Sumingit si Lefrey. “I know, nasaktan kita-”

                “Wala ka na rin naman magagawa. Nangyari na. Well, I wish you happiness. Just be a good husband to her and father to your baby.”

                Bumuntong-hininga ulit siya. Para kasing maiiyak na siya kapag nagtagal pa siya sa sitwasyong iyon.  She felt hopeless, pathetic, and alone.

                “Opalyn, you will surely find someone better than me. I’m not really worth it for your love.”

                “I know.” Ngumiti na lang ulit siya nang mapait. “There’s no sense of digging the past. We’re officially off since that day. I have my own way now without you.” Pero sino bang niloko niya? Alam niya sa sarili na hindi pa siya nakaka-let go sa sakit na dinulot ng ex niya sa kanya. Bagama’t napatawad na niya ito, hindi pa tuluyang naghilom ang sugat sa puso niya. I need a hero, now na!

                Tila sinagot ng anghel ang hiling niya. Nag-ring ang cellphone niya at si Keijin ang tumatawag.

                “Hello, baby!” malambing na bungad nito nang sandaling sagutin niya ang tawag.

                Biglang kumabog ang puso niya. “Keijin? Baby?” Anong nakain ng mokong na ito? Saang planeta galing iyong baby?

                “Is that your jerk ex? And his new girl?” tanong nito.

                Napakunot ang noo niya. “Where are you?” Paano nito nalaman na kaharap niya ang bangungot niya?

                “Ops! Don’t bother to look around, my dear counselor. I’ll be coming and save you from your jerk ex, just say so.” 

                Wala sa sariling napangiti siya na nabawi rin niya nang mapansin ang gulat na expression mula sa mukha ng ex niya. Nilambingan niya ang boses. “Will you do that for me, Keijin?”

                “Wish granted.” Naglaho ito sa linya.

                Nagulat na lang siya nang biglang may yumakap sa kanyang baywang mula sa kanyang likuran. Agad niyang nasamyo ang familiar na pabango ni Keijin. He carefully hugged her as if protecting her from anything that could hurt her. Then he gently lay down his head on her shoulder. Dumoble ang kabang naramdaman niya. Kahit kelan ay hindi pa niya naranasan ang kakaibang damdaming dumadaloy ngayon sa buong sistema niya. It seemed like everything was new.

 “I’m here now,” malambing na bulong ni Keijin sa tenga niya. And then she felt so secured. She’s not alone anymore. Her hero was there beside her. “Sorry to keep you waiting.” Hinalikan nito ang pisngi niya. Buti na lang pushcart ang dala niya. Kung nagkataong may bitbit siyang basket, malamang na nabitawan na niya iyon sa sobrang pagkabigla. Nakalimutan na niya atang huminga. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Nathan noong isang linggo. Keijin doesn’t need counseling. He needs love. Natigilan na lang siya.

Ini-offer ni Keijin ang kanang kamay nito kay Lefrey habang ang   kaliwang kamay nito ay nanatiling nakayakap sa baywang niya. “Pare, I’m Keijin.”

“Lefrey,” tipid na pagpapakilala nito sabay abot sa kamay ni Keijin. “And this is my wife, Yen.”

Nagpatangu-tango si Keijin. “I see. Hello, Yen.” Kinamayan din nito ang babae na tila kinilig pa.

Ano ba iyan? Buntis na nga, lumalandi pa, bulong niya sa sarili. Kunsabagay, kahit ata matandang dalagang tuyot, mabubuhayan ng dugo kapag nakamayan ng isang gwapong nilalang katulad ni Keijin.

“I’m sorry, but I think, we need to go,” sambit ni Keijin. “We still have a date, after this grocery thing.” Nakangiting bumaling si Keijin sa kanya at tinapunan siya ng tinging naglalambing. Nahigit niya ata ulit ang hininga niya ng ilang segundo. “Right, baby?” tanong nito sa kanya.

Naguguluhan siya sa mga nangyayari kaya tumango na lang siya.

“Kailangan na rin naming umalis,” sabi ni Lefrey na nakapagpagising sa lumulutang niyang utak.

“Sige, bye. Ingat kayo,” sambit niya.

Binalingan muna ni Lefrey si Keijin bago sila tuluyang lagpasan. “Ingatan mo siya, pare.”

Ilang minutong tahimik lang sila ni Keijin habang papalayo ang mga iyon sa kanila. Bantulot na binitawan ni Keijin ang baywang niya. Dahil doon, nagising siya sa katotohanan. Everything was just a drama. His sweetness, his hug, his kiss. Those are just part of the play. It doesn’t mean anything at all.

Nakagat niya ang labi parang pigilang mapaiyak. Naramdaman ulit niya ang hopelessness na naramdaman niya kanina. Iniwan siya ni Lefrey at masaya na ito kay Yen. Samantalang siya, hindi na nga maka-let go sa dating heartbreak, eh nagsisimula na namang masaktan. Nasasaktan siya. Pero hindi niya alam kung ang mga luhang nagbabadyang dumaloy sa pisngi niya ay para kay Lefrey ba o kay Keijin.

“That jerk! Talagang ipinagpalit ka niya sa ganon lang?” untag ni Keijin habang nakatingin sa laman ng pushcart niya. “Kalimutan mo na iyon!”

Hindi siya umimik.

“Okay na ba itong groceries mo? Opalyn?” Binalingan siya nito. “You want to cry?” malambing na tanong nito.

Umiling siya at pinilit ngumiti. “Ako? Iiyakan ang jerk na iyon? No. Okay na itong groceries ko. Ikaw ba, may bibilhin ka pa?”

“Wala, sinusundan lang naman-” natigilan ito sa sasabihin pero hindi iyon nakalagpas sa pandinig niya.

“Sinusundan mo ako?” usisa niya. “Bakit mo ako sinusundan?”

“Ah… eh…Check ko lang kung okay ka.”

Kumunot ang noo niya. “Keijin?”

“Ah..” inagaw nito ang pushcart sa kanya at ito na ang nagsulong noon papuntang counter. “Bayaran na natin itong groceries mo,” pag-iiba nito ng usapan.


TAHIMIK lang silang dalawa habang bitbit ni Keijin ang pinamili ni Opalyn. Pinapakiramdaman lang niya ito. May kung anong kumurot sa puso niya nang makita sa mga mga mata nito na nasasaktan ito sa nangyari kanina. Pero higit pa roon, nag-aalala talaga siya rito. Kaninang umaga ay sinundan na niya ito mula sa apartment hanggang sa makarating ito sa isang optical clinic at sa mall.  Sa unang pagkakataon ay nakita niya itong nakasalamin. At nang titigan  niya ito kanina sa supermarket, napansin niya agad ang unusual na pamumula ng mata nito. Pawang may blot clot sa mata nito. Something had irritated her expressive eyes for sure.

Idagdag pa ang pananahimik nito matapos makita ang ex nito. Ayaw niyang makitang malungkot ito. If only he could do something.

Hindi na nakatiis si Keijin. Hinawakan niya ang kamay ni Opalyn at hinila niya ito papunta sa medyo kubling lugar ng mall malapit sa mga telephone booths at restrooms.

“Keijin!” nagpumiglas ito at nagpilit kumawala sa pagkakahawak niya.

Huminto siya sa paglalakad at binitawan ito. Binalingan niya ito.  Kagat pa rin nito ang labi na tila pinipigilan lang nito ang umiyak. Natunaw na ang puso niya sa babaeng ito. Aware siya na may special siyang nararamdaman para kay Opalyn pero pinipigilan niya iyon. Napakakomplikado kung hahayaan lang niya ang sarili niyang mahulog kay Opalyn. Alam niyang masasaktan lang niya ito.

Hinawakan niya ang pisngi nito at inalis niya ang salamin nito. Napapikit ito sa ginawa niya. “Open your eyes, Opalyn.”

“Ano bang ginagawa mo?” tanong nito.

“I want to inspect your eyes.” Dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata. Hindi nakatakas sa kanyang sistema ang parang slow motion nitong pagmulat. Ang malalantik nitong pilik ang lalong nagbigay buhay sa mata nitong nakatitig na rin sa kanya. He moved closer to her face. Tama ang hinala niya. May konting blot clot nga sa mata nito, namumula at bahagyang namamaga. “Anong nangyari sa mata mo?”

“Nakalimutan kong hubarin ang contact lens ko kagabi. Nakatulugan ko na kasi ang pagbabasa ng laman ng journal mo kaya nawala sa isip ko na may suot akong contact lens. Sabi ng doctor,  na-irritate iyong mata ko kaya balik salamin muna ako.”

“Did your doctor gave medications for that? Masakit ba?”

Tumango ito. “Both yes.”

Saglit na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa habang nakatingin lang sila sa isa’t isa. Hanggang sa napahikbi na si Opalyn. Without hesitation, he immediately wrapped his loving arms around her.

“K-keijin…”

“Cry now. Forget about the people around us. Just cry on. ‘Sabi mo sa akin, dapat iiyak ko lang lahat para gumaan ang pakiramdam ko. It was indeed true. Sige lang, umiyak ka na. Para mabawasan iyong sakit na nararamdaman mo.”

As if on cue umiyak na nga ito nang tuluyan. At sa bawat hikbing naririnig niya mula rito ay lalong nadudurog ang puso niya.  That was so hell. Nasasaktan siya habang nasasaktan ito. What should I do? If I confess my feelings for her, will she be happy? Can I make her happy? No. He simply can’t make anyone happy. Kung sarili nga niya hindi niya mapasaya ibang tao pa kaya?

Hinaplos niya ang buhok nitong simpleng nakapusod. “No one could hurt you again, Opalyn. Hindi ko papayagan na masaktan ka pa ulit.”

Humikbi lang ito sa sinabi niya. Hinagod niya ang likod nito, umaasa na mapakalma na niya ito. Nanatili sila sa ganong anyo hanggang sa tumahan na ito. Buti na lang at wala masyadong taong nagagawi sa lugar na iyon. At least, walang magbibintang sa kanilang napaka-PDA nila.

Kumalas ito sa pagkakayakap niya. Pagkatapos ay pinawi nito ang natirang luha sa mga mata nito.

“Sorry ha.” Pinagpagan nito ang polo niyang nabasa na ng luha nito. “Naku, nabasa na polo mo. Nakakahiya.”

Napangiti lang siya. Ngayong namumula ang pisngi at ilong nito, mas lalo itong naging maganda sa paningin niya.  Marahan niyang pinawi ang mga natirang luha sa pisngi nito. “Don’t mind it. May extra shirt ako sa kotse.”

“Salamat ha. Salamat, Keijin.”

“It’s nothing compare sa mga nagawa mo para sa akin.” Kung alam mo lang. “Are you okay now?”

Tumango ito. “Okay na ako. You make me feel okay.”

Isinuot ulit niya rito ang salamin. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay nito at hinila ito papunta sa restroom. “Mag-retouch ka muna para kapag nakasalubong natin ulit iyong ex mo, maganda ka pa rin.”

Tinapik nito ang balikat niya na ikinangiti niya. “O baka ayaw mo lang ng may kasamang mukhang bruha?” biro nito.

“Well, ganon na nga iyon,” gatong niya sa biro nito.


PREVIOUS                                                                 NEXT 

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…