Skip to main content

Let The Reason Be Love- Chapter Nine




            “You are so mean. I thought you cared for me. Paano mo nagawa sa akin ito?” nagda-dramang sambit ni Keijin habang nakadulog sila sa hapag-kainan para magtanghalian.

             Kanina ay sapilitan siyang kinaladkad ni Opalyn sa kaibigan nitong dentista. Okay lang naman sana iyon kaya lang parang tuwang-tuwa pa itong makitang nanginginig siya nang makita niya ang injection na itinurok nang sapilitan sa panga niya. Alright. Takot nga siya sa injection. May kinalaman iyon sa worse experiences niya sa dentists noong bata pa siya. Pero sana man lang, hindi na pinanood ni Opalyn ang pagbunot sa pobre niyang bagang ng isang magandang dentist.

             Sinalinan nito ng kanin ang pinggan niya. Nilagyan na rin nito ng adobo iyon.

           “Ay naku, ikain mo na lang iyang pag-iinarte mo. Pasalamat ka pa nga. Kasi po, kung hindi niya binunot ang ngipin mo, hanggang ngayon nagngangangawa ka pa rin sa sakit diyan.” Biglang ngumisi ito. 
 “Takot ka pala talaga sa injection ano? Akala ko kasi nag-iinarte ka lang.”


            Inirapan niya ito. “Hindi nakakatawa!” pakli niya. Pero tumawa pa rin ito. Naaasar na binalingan niya ito. “Woman! You’re crazy! Sige, pagtawanan mo pa ako. Humalakhak ka pa kung gusto mo.”

            Tumigil ito sa pagtawa pero nangingiti pa rin ito nang bumaling sa kanya.  “Ikaw naman, pikon. Kumain ka na lang nga. Hindi na. Hindi na ako tatawa.” 

            Binalik nito ang atensyon sa pagkain. Tinitigan lang niya ito. Kusang nawala ang pagkaasar niya habang minamasdan ito. God, if I will be waking up each day and seeing her sweet smile from time to time, I promise I will never waste the chance of falling in love again.

            Binitawan niya ang kutsara at pinagmasdan na lamang si Opalyn habang sumusubo ito. Hindi tuloy niya namalayan na napapangiti na siya.

           Naramdaman ata nito ang ginagawa niya kaya bigla siya nitong nilingon.

          “Why are you looking at me like that? Palagi kang ganyan,” tanong nito.

          “Masarap kang titigan, Opalyn. I’m enjoying the scene,” nakangiting sambit niya.

          Umiwas ito ng tingin at tumungo pero hindi nakaiwas sa mga mata niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito. That’s the sweetest smile I’d ever seen in my entire life, komento niya sa sarili. Binitawan nito ang hawak na kutsara.

           Kinuha nito ang kutsara sa plato niya. Kumuha ito ng konting kanin at ulam at iniatang sa bibig niya ang pagkain. “Gutom lang iyan, Keijin.” Sinubo niya ang inalok nito.  “Masama ata epekto sa ‘yo ng pagkawala ng bagang mo.”

           Pinisil niya ang ilong nito. “’Wag mo na ngang ipaalala iyan!”



          NASA nursery room sina Opalyn at Keijin. Doon siya dinala ni Keijin pagkatapos nilang magtanghalian. She was indeed happy. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya naging ganon kasaya. Pero unti-unti siyang nag-aalala sa kasiyahang iyon. Hanggang kelan niya mararamdaman iyon? Inaalala pa rin niya ang pagmamahal ni Keijin sa dati nitong asawa. Alam niyang hindi niya kayang pantayan iyon. At isa pa, hindi naman sinabi ni Keijin na mahal siya nito. Basta na lang siyang hinalikan nito ng walang explanation. He just needed her. Iyon lang. Natatakot siyang malaman na hindi naman pala siya mahal nito. Na kaya lang siya hinalikan nito ay dahil kailangan siya nito o nadala lang ito sa emosyon. Baka sinusubukan lang nitong ibaling sa iba ang atensyon para hindi na maalala ang pinakamamahal nitong asawa. At masakit ang katotohanang iyon sa kanya.
 
              “Pasensiya ka na dahil hindi kita hinarap kahapon. Pinagluksa ko ulit sa kwartong ito ang mag-ina ko. Sinunod ko ang payo mo na patawarin ko ang sarili ko. I did. And I promised myself na the moment na lumabas ako ng silid na ito at humarap sa ibang tao, sisiguraduhin kong buo na ulit ako. Buo na ulit ang pagkatao ko.”

            “Good for you,” puri niya rito. “Tapos na siguro trabaho ko sa ‘yo ngayon. Konting assessment na lang and we’ll end up your weekly counseling. And I’m glad I was able to help you.”

            Ngumiti ito.  “You are my savior. You are my angel.”  Umupo ito sa tabi niya sa gilid ng kama. “Naisip ko nga, kung hindi kaya kita nakilala, buhay pa kaya ako ngayon? Siguro, hindi na. Baka hindi ko na nagawang maging masaya ulit.” Hinawakan nito ang kamay niya at tinitigan siya. “I’m very happy. And it’s all because of you.”

             Gusto niyang maniwala sa sinasabi nito. His eyes were telling the truth. Nakikita niya ang sinseridad nito sa sinasabi. Pero hindi pa rin siya mapalagay. His sweet words maybe threatening. Baka ‘pag naniwala siya nang lubusan ay bigla na lang siyang bitawan nito sa ere at lalagapak siyang mag-isa. 

             Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Why? Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko?” 
Umiling siya. “Hindi naman sa ganon. Kaya lang…hindi kaya nabibigla ka lang kaya nasasabi mo ang mga iyan? Alam mo, masarap malaman na masaya ka dahil sa akin pero-”

           “You’re bothered of my wife?”

           “Medyo.”

             Bumuntong-hininga ito pagkatapos ay masuyong tinitigan siya. “’Wag nating gawing komplikado ang sitwasyon natin. ‘Wag nating madaliin ito. I-enjoy na lang muna natin. God will lead us the right way. Just trust me and hold on to it.”

              Keijin was right. Walang mangyayari sa kanya kung patuloy siyang mangangamba. At dahil hiniling nito ang tiwala niya. Ibibigay niya iyon dito. 

             Tumango siya. “Continue your story.”

             Tumayo ito at dumampot ng isang stuff toy sa crib. “Last night, nanaginip ako. I saw Marlen. May buhat siyang bata. I know that was my son. Iniabot niya sa akin ang bata. Kamukha ko ang baby namin. I kissed him. Kasi alam kong iyon lang ang tanging oras na mayayakap at mahahalikan ko ang anak ko.”

            “Anong naramdaman mo nang mayakap mo ang anak mo?”

             “That was great. Naramdaman ko iyong lukso ng dugo na sinasabi nila. And then, kinausap ako ni Marlen. ‘Wag ko na daw silang alalahanin. Masaya na daw sila. Sinabi rin niya na hindi ko kasalanan ang nangyari at tigilan ko na ang paninisi sa sarili ko.”

            “So, finally, nag-sink in na rin sa utak mo ang sinasabi ko?”
Tumango ito. “Oo. I think iyon na ang go signal na dapat ko na ngang ayusin ang buhay ko. I’m very much ready now to face my new life.” Bumaling ito sa kanya.

             Hindi napigilan ni Opalyn ang paghikab. Inaatake na siya ng antok. Halos wala pa kasi siyang tulog.
Narinig niya ang impit na pagtawa ni Keijin. “Inaantok ka na?”

            “Sinong hindi aantukin? Hindi pa ako nakakatulog nang malalim nang tawagan mo ako. Kahit antok na antok pa ako ay nagpunta ako dito sa bahay mo kasi akala ko, magpapakamatay ka na naman  eh nag-iinarte ka lang pala.” Naghikab ulit siya. “Nakakaantok talaga iyon ano.”

              Lumapit ito at umupo sa tabi niya. Inihilig nito ang ulo niya sa dibdib nito. He kissed her temple and embraced her. “Sige na. Tulog na.”

              Pumikit siya pagkatapos ay humikab ulit habang nakasandig dito. Hanggang sa maramdaman niyang maingat siyang inihihiga nito sa kama. Lalo siyang inantok nang maramdaman niya ang kama. Hinaplos nito ang buhok niya at kinintalan ng halik ang noo niya hanggang sa maramdaman niyang humiga na rin ito sa tabi niya.

            Naalarma siya kaya nagmulat siya ng mata. Nakangiting si Keijin agad ang nabungadan niya.  “Hoy, at bakit mo ako tinatabihan?”

             Pinisil nito ang ilong niya. “Babantayan lang kita. Hindi kita re-rape-in.”

             Tiningnan lang niya ito ng masama. 

            Nagtaas ito ng dalawang kamay. “I’m telling the truth.” Hinagilap nito ang isang malaking unan at inilagay iyon sa pagitan nila. “O ayan, you’re secured now.” Hinila nito ang suot niyang salamin. “Close your eyes and sleep.”

            Napapangiting pumikit siya. Naramdaman niyang may kung ano itong inilagay sa tenga niya. Agad niyang narinig ang piano version ng Your Love is All I Need. Earphone pala ang inilagay nito sa tenga niya. Minsan na niyang narinig ang nakakakilig na piyesa na iyon noong birthday niya. Tinugtog iyon ng kapatid ni Lan-lan na si Yohann para sa kanya.

             “I tried to look for a song that could make you feel better or a song that could make you smile. And I found this one,” bulong ni Keijin.

             Pinalitan nito ang song mula sa mp3 player nito. Narinig niya ang strum ng gitara. It sounded like a band song pero hindi siya pamilyar sa kanta. Hinintay na lang niya ang lyrics.

I wasn't perfect. I done a lot of stupid things still no angel. I wasn't looking for forgiveness. I wasn't laid up by my pride, just shocked by her attention… Did someone sign me up for love? I didn't want it. But now I can't live without it. She changed my life. She cleaned me up. She found my heart, like only a woman can. She pulls me up when she knows I'm sad. She knows her man like only a woman can.

                Naramdaman niya ang lyrics ng kanta. The song was touching her heart. Parang ginawa ang kantang iyon para iparamdam ni Keijin sa kanya na special siya.

               “You changed my life, you cleaned me up. You found my heart, like only a woman can,” patulang sambit ni Keijin habang naririnig nila ang chorus ng kanta. “You pull me up, you know I’m sad. You know your man, like only a woman can.”

                She opened her eyes. And as usual, Keijin was just staring at her. Letting her feel that she’s the only woman he would stare like that. 

But who decided I'd be hers? I want to hate them ‘cause now I can't live without her.

“That’s exactly how I feel for you,” malambing na sambit ni Keijin. “I think I can’t live without you. Will you stay with me?”

“Keijin, thank you. Hindi mo lang ako napasaya, hindi lang gumaan ang pakiramdam ko. I feel so blessed that you are here.” Itinaas niya ang kanang kamay sa anyong panunumpa. “Promise, I’ll stay…as long as you want me to stay.”

“Ako dapat ang mag-thank you. You have no idea how important this thing for me…for us.” Ngumiti ito. Kung ang ngiti nito ang araw-araw kong makikita tuwing magmumulat ako ng mata, ipagpapasalamat ko pa ngayon na  hindi ko napakasalan ang ex ko.

“Gusto mong tumula ulit ako? You changed my life..you cleaned me up-”

“’Wag mong tulain, kantahin mo!” ungot niya. “At ‘wag mong palitan ang lyrics!” Alam naman niyang ginawa lang iyon ni Keijin para maging intimate ang mensahe ng kanta.

“Ay! Hindi ako marunong kumanta. Makinig na lang tayo.” Inulit nitong i-play ang kanta. Nakatulugan na nila iyon.


PREVIOUS                                                                NEXT 

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…