Skip to main content

Let The Reason Be Love- Chapter Four




Kasalukuyang  nasa bahay ni Keijin si Opalyn. Walang kaalam-alam ang binata na andoon siya sa bahay nito at kinakausap na ang mga kasambahay nito para masimulan na niya ang plan para sa counseling session ng binata. Kasalukuyang nasa opisina kasi ito at nagta-trabaho.

                “Nitong nakaraan lang bumalik sa trabaho iyang si Keijin,” ani Nanay Cita, ang kasambahay na nagsisilbi sa pamilya Uzen mula pa noong bata pa si Keijin. “Kaya may mga oras na okay naman siya. Basta’t abala siya sa trabaho, nawawalan siya ng oras na isipin ang pagpapakamatay niya. Mula kasi nang mamatay ang asawa niya, hindi na siya nagtrabaho. Si Sir Nathan ang umaasikaso sa lahat ng bagay sa negosyo nila.”

                “At dahil pagod, wala na rin siyang oras maalala ang namatay niyang asawa at anak. Diretso pahinga na lang siya. Mas panatag kami kapag busy siya sa trabaho kaysa weekends at andito lang siya sa bahay,” sabat naman ni Lea. Ayon dito, kababata daw ito ni Keijin. Sabay lumaki, at magkaibigan ang turingan. Pinag-aral din daw ito ng mga magulang ni Keijin kaya ganoon na lang kalaki ang pagmamalasakit nito sa binata.


                “So, okay siya kapag may trabaho siya? Eh paano naman siya makitungo sa inyo kapag andito lang siya sa bahay?” tanong niya.

                Nagkatinginan ang dalawa. “Minsan,  nagwalala siya. Sinisisi niya ng paulit-ulit ang sarili sa pagkamatay ng mag-ina niya. Kapag ganoon na ang sitwasyon parang hindi na niya kami nakikilala. Pero once na mahulasan siya, magso-sorry naman siya ng paulit-ulit tapos ay magkukulong sa kwarto. Sabi noong mga dating Psychologist niya, dahil daw iyon sa sobrang depression at trauma,” kwento ni Lea.

                “Siguro bumabalik-balik din sa isipan niya iyong actual scene noong namatay ang pamilya niya. Base sa records na binigay ni Nathan sa akin, halos lahat na ata ng pagpapakamatay ay sinubukan ni Keijin pero hindi lang natuloy,” sabi  niya.

                “Kasi nakabantay kami sa kanya. Akala lang ni Keijin, nag-iisa siya. Pero kapag nasa process na siya ng pagsu-suicide ay basta na lang kami sumusulpot para pigilan siya,” anang Nanay Cita.

                “Ang tanong ni Kejin noon, kesyo bakit daw hindi namin siya maintindihan. Pero ang totoo niyan, siya mismo ang hindi makaintindi sa sarili niya,” dagdag ni Lea.

                Tumango siya bilang pagsang-ayon sa mga ito.

                Tinabihan siya ni Nanay Cita. “Alam mo hija, marami na siyang naging psychologist pero mga hindi nagtagal. Maliban sa sinusungitan lang ni Keijin, karamihan sa mga iyon pera lang ang habol sa trabaho na iyon.”

                 “At ang iba, kakaiba na ang motibo kaya tinanggap ang trabaho. Palibhasa’y guwapo at mapera si Keijin, akala siguro nila maaakit nila si Keijin. Iyon tipong nag-aambisyong maging wife number two,” hirit pa ni Lea. Halata sa mukha nito ang inis. “Pero alam mo, Opalyn, may feeling ako na iba ka sa kanila at matutulungan mo talaga si Keijin.”

                “Talagang iba ako sa kanila dahil sincere kong tinanggap ito. Ilan beses na rin kasing nagtangkang magpakamatay si Keijin sa harap ko. I have this feeling na gusto ko siyang tulungan. Kayanin sana ng powerness ko iyang amo niyong ewan!” biro niya.

                “Alam mo hija, mabait ka. Gusto na kita!” tatawa-tawang sambit ni Nanay Cita.

                “Ako rin. Feeling ko magiging close tayo!” sabi ni Lea.

                Natigilan siya nang biglang may tumikhim sa likod niya. Paglingon niya ay andon sa pinto si Keijin at nakasandal sa hamba ng pinto.

                “Anong ginagawa mo dito, Opalyn? Dinadalaw mo ba ako?” tanong nito. 

                Nginitian niya ito. “Ah..eh…iyong mga kasambahay mo ang kinakausap ko.”

                “Don’t tell me you’re my new counselor?” kunot-noong tanong nito.

                Tumango siya. “Well. Sa ayaw mo at sa gusto, binabayaran ako ni Nathan para gawin ang trabaho ko.”

                “Kung ganon, let’s go to my library. Talk to me,” mando nito.

                “Hindi ikaw ang pakay ko ngayon. Hindi pa ako tapos sa initial interview sa mga kasambahay mo.” Kailangan muna niyang malaman ang sitwasyon nito base sa mga nakakasama nito sa bahay bago niya ito kausapin.

                Nilapitan siya nito at hinila para sumunod dito.

                “Keijin!”

                “Ako naman ang pasyente mo at hindi sila. At isa pa, dapat sa akin mo tinatanong ang profile ko at hindi sa kanila,” litanya nito sabay baling sa dalawang kasambahay. “Lea, mag-akyat ka ng merienda para sa ubod ng bait kong psychologist,” sambit nito saka bahagyang ngumiti.

                “Hay naku, nang-uto ka pa!” Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito.


                HINDI binitawan ni Keijin ang kamay ni Opalyn hanggang sa pumasok sila sa library ng bahay. Iyon din ang nagsisilbing working place niya kapag tinatamad siyang pumasok sa opisina. Nagkalat roon ang print ads ng mga designer’s clothes na nagawa na niya at nai-launch na sa market.  Nakita niya ang bahagyang pagka-amazed nito nang igala nito ang paningin sa kabuuan ng opisina. 

                Parang batang namamasyal sa museum itong  si Opalyn, komento niya sa sarili. Mataman na lang niya pinagmasdan ito habang iniisa-isa ang mga naka-frame na print ads ng mga underwear para sa summer collection. Muntik na siyang matawa nang kumunot ng todo ang noo nito.

                “Matanong ko lang Keijin ha. How did you come up with women’s apparel and undies designs? Eh, mostly ang gumagawa ng ganyan ay babaeng fashion designer or binabaeng fashion designer.”

                “Well, sabihin na nating, I want to make a difference. Nagsimula naman talaga ang Keithan Apparels sa men’s clothes. Pero noong makapag-asawa ako, na-realize ko na mas kailangan ng babae ang dekalidad na damit. That’s the start. I designed a lot of clothes for my wife. Noong una, para sa kanya lang talaga ang mga designs na iyon. Until one of our investors showed interest on it and isinama na namin ang mga designs ko sa product line.” Bahagyang lumungkot siya. Bigla niya kasing naalala ang misis niya. Kung buhay pa sana ito, malamang mag-iisang taon na rin ang panganay nila na kasama nitong namatay. Dahil sa naalala ay hindi na rin niya napigilan ang mapaluha. Sa isang iglap lang, kinain na naman siya ng guilt, hatred, at grief. Nakuyom niya ang kanyang mga palad at akmang  isusuntok iyon sa mahogany table. Parang tulad ng dati, gusto na naman niyang magwala dahil magpahanggang-ngayon ay hindi niya mapatawad ang sarili sa nangyari sa mag-ina niya. Kung napaaga lang ako ng uwi, noong araw na iyon… Sana…sana… Pero bago man niya magawa iyon ay ginagap na ni Opalyn ang nakakuyom niyang kamay.

                “Relax ka lang, Keijin. Umupo ka muna,” sabi nito.

Mariin siyang pumikit at pagkatapos ay sinunod na lang niya ang sinabi nito. “I’m sorry, hindi ko na-control iyong emotion ko. It was just too hard for me. I still want to kill myself!”

“It’s okay. “ Tinapik nito ang balikat niya. “Don’t rush things. You need to do it slowly. Step by step. Kaya nga may psychotheraphy tayong gagawin. It is for your own good okay.”

Tumango siya. “Now I know. Iba ka nga sa mga dating psychologists ko. Kelan mag-start ang session natin?”

“We’ll start tomorrow. Sa ngayon, you rest and relax.” 

“Worst case na ako. Matutulungan mo pa kaya talaga ako?” Sa dinami-dami na ng nangyaring kapalpakan sa buhay niya, sinsero at desidido na siyang bumangon muli. Tama si Nathan. Dapat na niyang tigilan ang kalokohan niya. Oras na para pulutin niyang muli ang nadurog niyang pagkatao. At sa kamay ni Opalyn niya ipagkakatiwala ang lahat.

“Keijin, hindi ka pa worst case. Mas okay ka pa nga compare sa ibang nababaon sa depression. You still work. You’re still sane. Isa lang ang hihilingin ko sa iyo. Tulungan mo rin sana ang sarili mo,” sinserong sambit nito habang nakatingin sa mata niya.

“Promise. Makiki-cooperate na ako. Marami na rin kasi akong oras na nasayang.”
           
           Nanatili rin siyang nakatitig sa mga malalantik nitong mata. Pawang ang sarap talaga nitong titigan. Saglit na katahimikan lang ang namayani sa silid na iyon habang mataman siyang nakatitig sa expressive nitong mga mata. Hindi niya napigilang haplusin ng kanyang mga kamay ang gilid ng mga mata nito. Napangiti na lang siya nang pumiksi ito, waring nagulat sa ginawa niya saka ito umiwas ng tingin.

                “S-siguro dapat umuwi na ako. Pupunta na lang ako dito bukas para sa counseling session natin,” sambit nito.
  
               “You have wonderful expressive eyes. Do you know that?” untag niya.

               Napapitlag ito. “O-Oo naman! Asset ko ata itong byutipul eyes ko, ano!”

                Napatawa siya sa hirit nito.  “Ihahatid na kita.”

               “Naku, ‘wag na. Kaya ko ng magbyahe. Malapit naman ang bahay ko dito,” tangi nito. “Bukas. Magkikita pa tayo bukas.”


                ANONG problema ng Keijin na iyon? Bakit ganon siya makatingin? Kinapa ni Opalyn ang kanyang dibdib. Kahit nasa bahay na siya ay nararamdaman pa rin niya ang kabang bigla na lang sumulpot nang haplusin ni Keijin ang gilid ng mga mata niya. Madalas ganon din ang ginagawa ng sira-ulo niyang ex kaya naman sa halip na magtagal pa sa bahay ni Keijin eh agad na lang siyang nagpaalam.

                Pumikit siya nang mariin para makalimutan ang hudas niyang ex. Pero hindi naman talaga ang ex niya ang gumugulo sa isip niya ngayon. Dahil pagkapikit niya ng mata ay ang nakangiting mukha ni Keijin ang nakikita niya. Waah! Anak ng pinakamaalat na patis! Nakangiti nga si Keijin sa kanya ngunit hindi naman iyon umabot sa malungkot nitong mga mata. Pero sa kabila ng lahat, attractive pa rin sa kanya ang mukha nito. Ang malungkot nitong mga mata, makinis na kutis, at ang ngiti nitong lalong nagpapagwapo dito. Idagdag pa ang kabutihang-puso nito sa ibang tao, base na rin sa mga kwento ng kasambahay nito at ang pagmamahal nito sa nasirang pamilya. Mga katangiang mahirap ng mahanap sa mga lalaki sa panahong ito.

                Hinagilap niya ang salaming mukhang chopping board na nakapatong sa bedside table niya at nagsimula siyang kausapin ang sarili.

                “Hoy, Opelya! Ano sa tingin mo iyang iniisip mo ha? Hindi pwede iyan! Broken glass si Keijin. Pasyente mo siya tsaka, hinding-hindi ka niya magugustuhan dahil tagos hanggang kabilang-buhay ang pagmamahal niya sa asawa niya. Naiintindihan mo ba iyon?”

                Napabuntong-hininga siya. Pero wala pa ring epekto hanggang sa bulabugin siya ng nagwawala niyang cellpone. Hinagilap niya ang cellphone sa kama at basta na lang sinagot iyon.

                “Hello?!”

                “Hindi ako makatulog,” sambit ng nasa kabilang linya.

                Napakunot-noo siya. Tiningnan niya ang cellphone kung sino ba ang bangag niyang caller pero hindi pala naka-register sa cellphone niya ang tumatawag.

                “Sino ka?”

                “Ang bilis mo naman akong kalimutan. Limang oras palang nang ihatid kita sa labas ng bahay ko.”

                Nang ma-recognize kung sino ang kausap ay bigla siyang kinabahan. “Kei-Keijin!”

                “Opo, ako nga po ito. So, dearest counselor, anong gagawin ko? Hindi ako makatulog,” sambit nito sa malambing na tinig.

                Ayaw man niyang tanggapin pero kinikilig siya sa pagbibigay nito ng endearment. Natataranta tuloy siya dahil hindi niya alam kung ano ang uunahin. Ang kabang nararamdaman niya o ang mag-isip ng isasagot sa problema nito.

                “Ah… ano, uminom ka ng gatas.”

                “Nagawa ko na iyan. Walang epekto. Nagpahangin na rin ako sa labas pero lalo akong nagising. Nagbasa ng libro at nanood na rin ako ng TV, wala pa rin. Gising na gising pa rin ang diwa ko.”

                “Ano ba kasing iniisip mo at nagkakaganyan ka?” Baka iniisip na naman nito ang asawa’t anak. Kung ganon, maaaring ma-depress na naman ito at sumpungin ng topak nitong magpakamatay. Kailangan nito ng payo. 

                Narinig niyang bumuntong-hininga ito. “May naiisip kasi akong importante,” seryosong tugon nito.

                “Okay, Keijin, relax ka muna ha. Sige, go to your bed.”

                “I’m on my bed. At nagpagulong-gulong na nga ako dito pero di pa rin ako dapuan ng antok. Sabi ni Nanay  Cita uminom na lang daw ako ng sleeping pills. But my doctor refrained me from doing so. Makakasama lang daw iyon sa akin lalo na kapag nasanay ako. Actually, mula nang bumalik ako sa trabaho, ganito na ako.”

                “Ha? Baka nabibigla lang ang sistema mo sa pagbabalik mo sa trabaho. Ano ba ang iniisip mo? Dapat iniiwasan mo muna ang mag-isip ng kung anu-ano.” Humiga siya sa gilid ng kama at kinuha niya ang picture ni Keijin sa folder na nakakalat sa kama niya. Ang guwapo talaga ng isang ito! Hmmmp!  

                “Well, isang importanteng tao siya. Teka, kailangan ko ba talagang sabihin sa ‘yo iyon?”

                “Keijin, counselor mo ako. Mula bukas nga ay lahat ng ginagawa sa buong maghapon ay uusisain ko dahil doon nakabase ang assessment na gagawin ko para sa counseling session mo.”

                “Ah…”

                “Sino siya? Bakit mo siya iniisip?” Malaki ang hula niyang ang asawa nito ang iniisip ng binata.

                “Hindi ko alam kung bakit naiisip kita. Your expressive eyes. I just can’t take that away from my mind.”

                “Ano?! Aray!” Sa gulat ay napaurong siya sa pagkakahiga kaya diretsong humalik siya sa sahig. Ano daw? Nasapo niya ang kanang balikat na unang sumalya sa sahig nang mahulog siya.

                “Opalyn, what happened? Okay ka lang ba diyan?” nag-aalalang sambit nito.

                Inang ko po! “Ah… oo. Okay lang ako. Nadapa lang.”

                “Nadapa? Are you hurt? Gusto mo bang puntahan kita diyan sa inyo para alagaan ka?”

                Umiikot na ang ulo niya sa mga sinasabi nito. Bakit parang alalang-alala ito sa kanya? Something really wrong is going on between them.

                “’Wag na! I mean, okay lang ako.” Tumawa siya para hindi nito mahalata na nangingiyak-ngiyak na siya sa mga pasang natamo ng kalokahan  niya. “Makalat kasi dito sa bahay ngayon kaya eto nadapa ako pero okay lang talaga ako.”

                “Are you sure?”

                “Oo naman. Huwag ka ngang masyadong concern sa akin ano.”

                “Concern lang naman ako kasi counselor kita. Gusto ko na ring gumaling at kailangan kita.”

                Natabla siya sa tinuran nito. Wala naman pala itong special na damdamin sa kanya. Nag-aalala lang ito dahil kailangan nito ng counseling sa tulong niya. Bagsak ang balikat na bumalik siya sa pagkakahiga sa kama.

                “O, ano na? Hindi ka pa rin ba inaantok? Magbilang ka na lang ng kambing o kaya naman pusang lumilipad para makatulog ka.” Nagtaka siya nang hindi na ito nagsalita pero nanatili namang naka-hang up pa ang kabilang linya. “Keijin?” Kumunot ang noo niya nang malakas na hilik ang narinig niya mula sa kabilang linya.  She ended the call.

                Napapailing na lang siya habang niyakap-yakap ang kanyang unan. Ang isang iyon! Anong tingin niya sa boses ko? Lullaby?  

                Naguguluhan na siya sa mga nangyayari. Alam niyang may mali. Di ba dapat ay nagluluksa siya sa puso niyang bigo? Eh bakit parang hyper-active na ngayon ang puso niya lalo na kapag naiisip niya si Keijin. Parang hindi man lang siya nakaranas na lokohin ng isang muntik na  niyang mapangasawa ilang buwan pa lang ang nakakalipas. Nasapo niya ang noo. Mukhang siya naman ang hindi makakatulog. Malalim ang iniisip niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Hindi na niya sinilip kung sino ang tumatawag dahil sigurado siyang si Keijin iyon.

                “Hello, Keijin!”

                “Uuuy, naging patient mo lang si Keijin eh nawindang ka na ha. May tawagan eklavou na pala ha. Selos ako. Alabyu, mare… pa-kiss nga!” hirit ng nasa kabilang linya.

                Napapikit siya nang malamang si Lan-lan lang pala iyon. Bistado tuloy siya. “O, bakit na naman ba? Huwag mong sabihing hindi ka rin makatulog?”

                “Paano mo nalaman iyan ha? Eh sadya namang gising ako sa gabi di ba? Vampire nga eh. Mare, so…nagtatawagan nga kayo ni Keijin?” usisa nito.

                “Oo. Kasi hindi siya makatulog at baka maisip lang niya ang magpakamatay kaya mas okay na kausap na lang niya ang counselor niya kaysa naman pagplanuhan ulit niya kung paano niya papatayin ang sarili niya.”

                “Asus! Palusot ka pa diyan. Ligawan mo na nga iyang si Keijin nang mabuhay ulit iyan!”

                “Sino ka? Ikaw ba talaga ang kaibigan ko? Nasaan si Lan-lan? Ilabas mo siya!” hirit niya. Kakaiba talagang mag-isip itong kaibigan niya.

                “Kinain ko na si Lan-lan. Nagugutom ako eh,” patol nito sa biro niya.

                “Wala ka bang deadline to beat ha at nanggugulo ka na naman? Nagtext sa akin sina Cess at Miles kanina. Sabi nila bigla mo rin silang tinawagan.”

                “Tapos na iyong sinusulat kong nobela at nakakatamad magsimula ng bago. Ikaw anong meron sa inyo ni Keijin? Uuuy!” 

                Napabuntong-hininga siya. “Hindi ko alam, mare. Masakit ang ulo ko! Hindi pa ako handang masaktan ulit. Kaya hangga’t maaari, ayokong may maramdaman kay Keijin.”

                “That’s quite impossible. Hindi mo hawak ang tadhana mo. Eh paano kung siya ang para sa iyo? Dahil lang takot kang masaktan, papalagpasin mo na lang siya?”

                “Humarap ka kaya sa salamin at sabihin mo rin iyan sa sarili mo?” pakli niya sa sinabi nito. Natahimik si Lan-lan. Nito kasing nakaraan ay nali-link ito sa isang pulis. “Lan?”

                “Paano kung iwan din niya ako katulad nina Nanay, Tatay at ni Bunso? Pulis si Excel, Opalyn at kasama siya sa Special Operation Task Force. Ayokong iasa sa kanya ang puso ko. Paano kung isa sa mga araw na ito, umalis siya at hindi na bumalik? O kung bumalik man, hindi na buhay?”

                Napabuntong-hininga siya. Halos wala rin pala silang pinagkaiba ni Lan-lan. Katulad din niya itong takot magmahal at maiwang nag-iisa.

                “Lalaki lang sila, Lan-lan. Nabuhay tayo  noon na wala sila. Kaya rin natin iyon ngayon.”



PREVIOUS                                                                    NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…