Skip to main content

Let The Reason Be Love - Chapter Five




“Bakit ngayon ka lang?” kunot-noong bungad ni Keijin kay Opalyn. Mahigit isang oras na itong late sa usapan nila. Nag-aalala siyang baka kung napaano na ito dahil nadapa nga daw ito kagabi.

                “Sorry naman po, Sir. Uso pa rin po kasi ang traffic ngayon,” katwiran nito.

                “Traffic? Sigurado kang traffic lang?” Tumango ito. Tiningnan niya ito at sinipat ang braso nito dahilan para makita niya ang ilang pasa. Kumunot lalo ang noo niya. “Andami mong pasa. Ano ba talagang nangyari sa iyo kagabi?”

                Kumunot na rin ang noo ni Opalyn sa tinuran niya. “ Ah..eh…Nahulog kasi-”

                “Nahulog? Ang sabi mo nadapa ka lang.”

                “Teka. Nadapa nga ako. Oo nga pala, tama.”

                Tiningnan niya ito ng mataman. Mukhang nagdadahilan lang ito. “Opalyn, anong totoo?”


                “What? Teka nga, bakit ka ba interrogate nang interrogate sa akin ha?” Bumuntong-hininga ito. “Hay naku, sayang oras natin dito. Mabuti pa pumasok na tayo at nang makapag-session ka na.”

                Pinigilan niya ito sa pagpasok sa bahay. “Sandali, dadalhin muna kita sa hospital.”

                “Naku, ‘wag na. Okay lang naman ako. Promise!” Nag-peace sign ito sa kanya.

                Napangiti na lang tuloy siya. Ngunit saglit lang iyon dahil biglang rumihistro sa isip niya ang imahe ng asawa niya. Iyon din ang madalas gawin ng asawa niya noon para mapangiti siya. Napasimangot tuloy siya. Tumungo siya at diretsong pumasok sa loob ng bahay. “Sa susunod ‘wag ka ng magpi-peace sign sa akin kung ayaw mong mag-away tayo, dear counselor.”

                “Ha? Anong problema mo sa peace sign?”

                Nilingon niya ito at sinalubong siya ng expressive nitong mga mata. Tila bulang naglaho ang bad mood niya. “Wala. Tara na sa loob.”


                SINIMULAN na ni Opalyn ang sarili niyang version ng counseling para kay Keijin. Pumapailanlang ang classical music sa loob ng library nito habang ito ay nakaupo sa love seat. Nawiwirduhan talaga siya sa mga inaasal ni Keijin nitong nakaraan. Paiba-iba ito ng mood. Sinipat niya ito at saka lang niya napansin ang suot nito.

                “Ah, bakit ka naka-business suit? Di ba wala ka namang trabaho kapag Sabado?” usisa niya.

                “Wala nga. Pero nagka-breakfast meeting ako kanina sa isang kliyente. Akala ko nga ako pa ang male-late sa usapan natin pero ikaw pa rin ang late.”

                Na naman?! “Pasensya na nga po eh. Ahm, tanggalin mo na iyang coat mo, loosen up your neck tie and lay down on that love seat. Magsisimula na tayo.”

                Napamulagat ito sa tinuran niya. “Teka, sandali. Akala ko iba ka sa….”

                “Hoy, counseling session ang gagawin natin ano. Kaya pakitanggal na rin iyang makamundong iniisip mo okay!” napapailing na sambit niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maasar sa paraan nito ng pagtitig sa kanya.

                “Okay!” Tumayo ito para hubarin ang suot na coat.

                Napamulagat na lang siya sa tila slow motion na paghuhubad nito ng damit. Tumawa pa ito nang mahuli siya nitong pinapanood ito.

                “O, bakit ka nanonood?”

                “Heh!” Ibinaling niya sa hawak ng steno notebook ang atensyon niya. Ano ba iyang iniisip mo, Opelya. Agang-aga ha. sita niya sa sarili.

                “So after laying on my loveseat, what’s next?” untag ni Keijin dahilan para mapunta na sa reyalidad ang utak niyang naglakbay na ata sa Pluto.

                “Ah…” Nilingon niya ito, kampante na itong nakahiga sa loveseat. Hinagilap na niya ang cd player at pinalitaan ang cd. Nagsalpak siya ng CD ni Mozart. “Mag-relax ka. Feel the sensation of classical music.” Hinila niya ang isang upuan at ipinuwesto iyon sa tabi nito.

                “Hmmm…”

                “Then close your eyes,” sunod na instruction niya.

                Tumalima ito. “Tutulog ba ako? Maaga pa!”

                “’Wag mo akong tulugan. Hindi ka na magigising kapag ginawa mo iyan,” biro niya.

                He chuckled. “Matagal ko ng ginusto iyan. Pero hanggang ngayon nagigising pa rin ako.”

                Hinampas niya ang balikat nito. “Seryosohin mo nga itong ginagawa natin. Wala kang gagawin kundi sumunod sa instructions ko, okay.”

                Bumuntong-hininga ito at wala nang sinabi.  Hindi niya maiwasang pagmasdan ang mukha nito. Napakaamo ng mukha nito. Ngunit bakas pa rin sa mga mata nito ang sakit at hinagpis na buhat-buhat pa rin nito magpa-hanggang ngayon.

                “Feel the music. Mag-relax ka lang. Cast away all your worries,” sunod na instruction niya. “This is a meditation exercise. I will send you to a different dimension where there’s no pain, no worries, no fear, no hardships. Imagine yourself standing under a big tree in the middle of a green field. The place was solemn, cool breeze of air rushed in. Imagine you’re with someone or some people. Imagine a scene with them.”

                Bigla siyang napahinto sa pagbibigay dito ng instruction nang makita niya ang bahagyang pagtulo ng luha mula sa nakapikit nitong mga mata. Malamang nakikita nito ang imahe ng dapat sana’y masayang pamilya nito kung nagkataong buhay pa ang mag-ina nito. Pinigilan niyang maapektuhan ng mga luha nito. Nais niya sanang pahirin iyon ngunit hindi maaari. Masisira ang concentration nito.

                “Keijin,-”

                “I wanted to be with her. God knows, all I want is to have her,” usal nito sa pagitan ng pagtulo ng mga luha nito. “I want my wife. I want my son.”

                Nakuyom niya ang palad. Awang-awa na siya dito. Kinuha niya mula sa bulsa ang isang timer. “Keijin, I’ll be leaving the room. Open your eyes the moment you hear the beeps. Once na magmulat ka ng mata, mawawalang lahat ng nakita mo habang nakapikit ka. Just let go with your feelings.”

                Matapos iwan ang timer sa mesa ay agad siyang lumabas ng silid at nagtungo siya sa kusina. Naabutan niya roon sina Lea at  Nanay Cita na nagluluto ng tanghalian. Pasimple niyang pinunasan ang luhang hindi na niya napigilang pumatak nang makalabas siya ng silid.

                “Tapos na agad ang session n’yo? Teka anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba?” tanong ni  Nanay Cita.

                “Wala po.”

                “Don’t tell me, pati ikaw ay nasigaw-sigawan ni Keijin?” hirit ni Lea.

                “Hindi. Hindi naman niya ako nasigawan.”

                “Eh bakit mukha kang umiiyak?” tanong ni Lea.

                Hindi na siya nakapaglihim. Sinabi na niya ang totoo sa mga ito. “Naaawa kasi ako kay Keijin. Meditation exercise pa lang kami, ang bigat-bigat na ng sitwasyon. Umiiyak na siya agad. Napaka-vulnerable niya. Hindi ko tuloy alam kung paano pa sisimulan iyong naka-line up na session niya. Hindi naman pwedeng araw-araw na lang siyang iiyak nang ganon.”

                Nagtinginan ang dalawa tapos ay halos sabay na bumaling sa kanya.

                “Bakit?”

                “Alam mo ba’ng sa dinami-dami ng dumaang psychotherapist niyang si Keijin, ikaw lang ang nakitaan namin ng sinserong simpatya para sa kanya?” sambit ni Nanay Cita.

                “Eh higit naman kasi do’n-”

                “May gusto ka kay Keijin ano?” pambibisto ni Lea sabay ngiti.

                Pakiramdam niya  ay namula siya sa sinabi nito. “W-wala ah. Eh kasi magkaibigan na rin naman kami kung tutuusin. Kaya may genuine concern ako sa kanya,” depensa niya.

                “Concern lang talaga? Pero kung sabagay, sa concern naman nagsisimula iyan!”

                “Aba, kung ikaw ang magiging pangalawang asawa ni Keijin, hindi ako tututol. Boto pa ako,” gatong pa ni Nanay Cita na ikinatawa nila.

                “Kayo talaga, Malabo naman po iyon Nanay Cita. Kahit kailan hindi magkakagusto sa akin si Keijin dahil mahal na mahal niya ang asawa niya.” 

                “Hmmm, eh di may gusto ka nga kay Keijin! In denial pa ‘to!” hirit ni Lea.

                Oo na sige na. Type ko ang amo nyo kaso hindi naman pwede. “Ewan ko sa ‘yo, Lea.”

                “Bakit mo siya iniwan sa kwarto?” tanong ni Nanay Cita.

                “Kailangan ko pong gawin iyon para sa exercise na ginawa ko sa kanya. Kailangan ko siyang iwan pansamantala para makapag-isa siya. Babalik po ako do’n maya-maya lang.”


                HINDI alam ni Keijin kung bakit napunta sa pinangyarihan ng insidenteng pumatay sa mag-ina niya ang setting na na-visualize niya sa ilalim ng meditation exercise. Sinunod lang naman niya ang sinabi ni Opalyn na mag-isip ng puno. Pero nang sabihin nitong imagine-in niyang may kasama siya, agad naglaho ang puno at napunta siya sa harap ng nagliliyab na hotel sa China. Hindi na tuloy niya na-control ang kanyang emosyon. God knows, he wanted to move on. Pero paano niya gagawin iyon gayong hindi niya mapatawad ang sarili sa sinapit ng mag-ina niya. Sa unang pagkakataon, bumuhos ang luha niyang nagluluksa ng walang impluwensiya ng alak o ng temptation na magpakamatay.

                Naglahong bigla sa harap niya ang sunog na bangkay ng yumaong asawa nang marinig niya ang beep mula sa timer. Nagmulat siya ng mata at natuklasang nag-iisa na nga siya sa kwartong iyon. Hindi agad siya kumilos. Ibinuhos niya ang ilang sandali para umiyak. Pawang sa loob ng isang taon, ngayon lang niya nagawang magluksa ng totoo. Ngayon lang siya umiyak ng totoo. Ngayon, naintindihan na niya ang sinabi ni Opalyn. Pagkatapos niyang umiyak ay napawing lahat ng kanyang lungkot, takot, at paghihirap. Na-relieved siya.

                Ilang minuto pa ay may kumatok. Kasunod na noon ang pagbukas ng pinto at tumambad sa kanya si Opalyn.

                Bahagyang ngumiti ito sa kanya. Umupo ito sa tabi niya.

                “H-how was it?” tanong nito.

                Ngumiti siya. “Painful… but I was relieved. That was the first time na umiyak ako ng totoo. That was great.”

                “Good. So, anong pakiramdam mo ngayon? Napagod ka ba sa pag-iyak?”

                Umiling siya. “Magaan sa pakiramdam. It seems like someone just took me away from my misery. Parang tumatapang na akong harapin ang nakaraan ko.” Binalingan niya ito at tinitigan. There’s really something in her eyes. Ang sarap titigan. Oh my! Ano itong nangyayari sa ‘kin? Pinagtataksilan ko na ang asawa ko. Binawi niya ang tingin pero hindi niya napigilan ang sariling hawakan ang kamay nito. Pumiksi ito, tila nagulat sa ginawa niya. “Salamat, Opalyn.”

                “That’s part of my job. So, ganito ang mangyayari sa atin. Every Saturday will be our weekly counseling session. Pero araw-araw, kailangan ko ring malaman ang ginagawa at naramadaman mo.” Tumayo ito at kumuha ng isang notebook sa bag nito. “This will be your day-to-day journal.” Ibinigay nito iyon sa kanya.

                “Something like a diary? Masyado akong busy para maisipan pang magsulat ng diary. I’m afraid I can’t make it.”

                Sumimangot ito. Na lalo lang nagpa-cute sa aura nito. “Busy? Eh naiisipan mo pa ngang magplano ng kamatayan mo kahit busy ka. Just write anything you want on that journal. It will be better than thinking how will you kill yourself.”

                “Ang counselor, dapat sensitive sa pasyente niya.”

                “Alam mong hindi talaga ako psychologist. And for your information Mr. Uzen, sensitive ako sa iyo. Pero dapat ang pasyente, cooperative din sa counselor niya. At tumutupad sa pangakong gagawin lahat ng sabihin ng counselor niya.”

                Alright! She got a point. Pero hindi pa rin niya alam kung anong isusulat niya sa journal. He hates writing. And besides, gusto niyang nakikita palagi si Opalyn. He wants to know her better.

                “So, every Saturday lang tayo magkikita? Paano kung kelangan ko ng tulong mo ‘pag weekdays?” Paano kung nami-miss na kita?, dugtong niya sa isip.

                “Tatawagan kita para kamustahin ang emotional condition mo o tawagan mo ako if you need a talk.”

                “Hindi tayo magkikita? Call lang?”

                “Keijin, I ‘m still looking for permanent job kaya hindi kita makakatagpo araw-araw. At hindi mo ako yaya o secretary para maging buntot mo.”

                “Be my secretary then. I’m hiring you.” Ano ba itong ginagawa ko? I’m desperate!

                Natigalgal ito sa tinuran niya. “Sorry, hindi pwede. At ayoko.”

                Bagsak na ang balikat niya. Bigla siyang natigilan sa idea na pumasok sa isip niya. Naghahanap siya ng paraan para makasama ang babaeng ito most of the time. Bakit? Is he falling for this girl? Hindi pwede, Keijin! sita niya sa sarili. He can’t fall in love with someone else. He simply can’t.

                 
                NASA Chandy’s Diner si Opalyn. Napaaga ata ang dating niya. Wala pa si Nathan. May usapan silang magkikita ngayon para pag-usapan ang progress ni Keijin. Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang simulan nila ang counseling sessions nito. So far, so good. Nagawa na rin ni Keijin na magkwento tungkol sa buhay nito at tungkol sa pumanaw nitong mga magulang. Mukhang tama ang assessment niya. Hindi kasama sa depression nito ang pagkamatay ng mga magulang. Tanging ang pagkamatay ng mag-ina nito ang ugat ng pagtatangka nitong magpakamatay noon. Iyon na ang pinaghahandaan niyang mabuti. Kung paano niya uungkatin ang tungkol sa nasira nitong asawa. It would be painful for him. Isang bahagi ng puso niya ang umaayaw makita itong masaktan. Pero bahagi iyon ng trabaho niya.

                “Sorry, I’m late!” bungad ni Nathan nang dumating ito. Umupo ito sa tapat niya. “Kanina ka pa? Pasensiya na ha.”

                “Okay lang. Kagagaling ko lang kina Keijin kaya napaaga ata ako.”

                Tiningnan siya ng mataman ni Nathan. Nailang tuloy siya. Parang may iniisip ito tungkol sa kanya.

                “What did you do to him?” tanong nito.

                Kinabahan siya. Lumala ba si Keijin? Nagpapanggap lang ba itong okay kapag magkasama sila?

                “Ginawa ko ang trabaho ko. He’s doing fine. In fact, sabi ni Nanay Cita, parang bumabalik na siya sa dating Keijin. Iyong masayahin, makulit, mabait.” Mataman pa rin itong nakatingin sa kanya. “Bakit? Mali ba ang assessment ko?” 

                Umiling ito. “No. Actually, pati ako nagugulat kay Keijin. Parang bigla siyang nabuhay. He’s working a lot with enthusiasm. The last time I saw him like that, it was few days before he got married. How that miracle happened? Maybe you did something, huh.”

                “Session. Iyon lang!” Kumunot lang ang noo niya nang ngumisi ito. Ibang session din ata ang naiisip nito. “Counseling session, Nathan. Nothing more!”

                “No, titigan blues? No holding hands? No, hugs? No…kis-”

                Inihampas niya sa noo nito ang journal ni Keijin. Pakiramdam niya ay namula siya sa sinasabi nito. Ilang beses na nga niyang nahuhuli si Keijin na nakatitig lang sa kanya at minsan na rin nitong hinawakan ang kamay niya with all tenderness and care. “Wala! I’m different from his previous counselors. Ano ba iyang iniisip mo? Gutom lang iyan.” But on a second thought, hmmm, bakit nga ba hindi pa niya tinodo sa kiss iyon? Wala sa sariling piniling niya ang ulo.

                Tumawa si Nathan. “Sorry. Nagtataka lang talaga ako. Matanong kita, what will a counselor like you do if you found out that my dear friend is in love with you?”

                “Ha?” Itatanan ko na siya. Ako na ang magpo-propose ng kasal! Yeh! “That’s impossible, Nathan. Sagad hanggang kabilang buhay ang pagmamahal ni Keijin sa asawa niya. Eh di ba’t nagtangka pa nga siyang sundan ang asawa niya sa kabilang buhay? Impossible iyang sinasabi mo.” Sinabi niya lang iyon. Dahil kung sakaling magkatotoo, ibibigay niya kay Keijin ang pagmamahal na gusto nitong maranasan. Hindi niya ito iiwan kahit kailan. At hindi niya ito pababayaan. Teka, ano itong iniisip ko? I can’t fall in love with him! Natigilan tuloy siya. 

                “Guess what? Pareho kayo ng sagot ni Keijin. Sabi niya impossible daw na ma-in love ka sa tulad niyang broken guy. Alam daw niyang mahal mo pa ang ex mo na muntik mo na ngang mapangasawa. Pareho n’yong hindi sinagot ang tanong ko.”

                “So? Sige sagutin natin ang tanong mo. If ever mangyari iyon, I’ll stay away from him. It’s for his own good. Don’t match make us. Baka lalong hindi maka-cope up si Keijin sa mga sessions na gagawin pa namin dahil sa ginagawa mong iyan.”

                Biglang sumeryoso ang mukha nito. “Opalyn, Keijin doesn’t really need counseling. He needs love.”


                Natulala siya sa sinabi ni Nathan kaya kahit ilang minuto na itong nakaalis at nag-iisa na siya sa mesang iyon ay nakatulala pa rin siya. Anong ibig sabihin ni Nathan? Na ‘wag na niyang bigyan ng counseling si Keijin, bagkus ay mahalin na lang niya ito? Biglang kumabog ang puso niya sa isiping iyon. How can she give love to him, kung hanggang ngayon ay iniinda pa rin niya ang palpak niyang love life?




PREVIOUS                                                                         NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…