Skip to main content

Let The Reason Be Love- Chapter Eight




Pinagpatuloy ni Opalyn ang pagbabasa ng journal ni Keijin habang nakasampa sa kama. Tatlong araw na ang nakalipas nang gawin nila ang session nito tungkol sa namatay nitong asawa. Mula rin ng araw na iyon ay hindi na niya nakausap ang binata. Tinatawagan niya ito sa cellphone para alamin ang kondisyon nito pero tila nakapatay ang cellphone nito. Kapag sa bahay naman siya tumatawag, si Nanay Cita o si Lea lang ang nakakausap niya. Ayaw daw muna ni Keijin na makipag-usap kahit kanino. Nagpunta na rin siya sa bahay nito kaninang umaga pero hindi rin siya hinarap ng binata. Ang sabi ni Nanay Cita, nagmumukmok lang ang binata sa nursery room. Lumalabas lang ito ng silid para kumain at maligo pagkatapos ay magkukulong na ulit sa silid na iyon. Nag-file na rin ito ng leave kay Nathan. Tila nagluksang muli si Keijin.

               Nag-aalala na siya dito. Hinihiling na lang niya na sana hindi nito maisipang magpatiwakal ulit. Halata sa journal nito ang sobrang pangungulila sa asawa. Sa unang bahagi kasi ng journal na iyon ay ikinuwento ni Keijin ang pakiramdam nito sa pagkamatay ng  mga magulang nito. Tanggap na nito iyon. Ngunit ang mga sumunod na pahina ay inilaan na nito sa pangungulila sa pagmamahal.

                Now that I wasn’t able to see her, I felt empty. Kailangan ko nga talaga siya sa buhay ko. Without her, I can never be whole again.


                She’s sweet, she’s caring, she’s lovely. Bakit hindi ko mapigilang alalahanin ang mga simpleng bagay na may kinalaman sa kanya? Ngayong wala siya, nalulungkot ako. Wala akong kakwentuhan. Wala akong maalagaan.

                Hindi maiwasan ni Opalyn na masaktan habang binabasa ang laman ng journal. Puro iyon pagmamahal nito para sa asawa. Kahit hindi nito nabanggit sa journal ang pangalan ng asawa, batid niyang ang mga linyang iyon ay para lamang kay Marlen, ang kaisa-isang babaeng minamahal nito. Napailing siya. Keijin will never love her. Kahit ipilit pa siguro niya ay hinding-hindi siya mamahalin nito. She envied Marlen. Napakaswerte nito kay Keijin.

                Nahagip ng mata niya ang deck ng baraha sa bedside table niya. Kinuha niya iyon. Binalasa niya at naglatag ng baraha sa kama. Isa iyon sa panghuhulang ginagawa niya noong college pa siya tuwing school fair.

                Inayos niya ang baraha hanggang sa dalawa na lang ang natira- queen of hearts at alas. Ibig sabihin noon ay isang new love ang paparating kay Keijin. Napabuntong-hininga siya nang bitawan niya ang baraha. How she wish na siya na lang sana ang new love nito. Pero sa ngayon, parang imposible na. Ilang araw na, pero hindi pa rin siya kinakausap ni Keijin. Pakiramdam niya ay balewala na siya dito ngayong nagawa na nitong harapin ang multo ng nakaraan nito. Tapos na ang trabaho niya. Hinagilap niya ang brown envelop sa bedside table at kinuha ang picture ni Keijin. Hinaplos niya ang larawan.

                Why do I need to fall for someone who can’t give his heart to me? Bakit kailangang dumating ka pa sa buhay ko? Bakit kailangan ko na namang umasa sa wala? Dati, umasa pa siyang maaayos nila ni Lefrey ang relasyon nila pero hindi na nangyari iyon. Ngayon naman ay umaasa siyang mahalin ni Keijin.

                Ipinagpatuloy na lang niya ang pagbabasa ng journal hanggang sa makaabot siya sa last page na may sulat.

                God knows I love her. I didn’t meant to, but I did. I want to stay beside her and hope that I could make her happy.

               
                NAPAHIMBING  ang tulog ni Keijin sa loob ng nursery room. Mula nga nang pasukin niya ang silid makalipas ang isang taon ay ginusto na lamang niya roon. Parang nanariwa lahat ng alaala ng asawa niya. Hinayaan niya muling magluksa ang puso niya. Sa pagkakataong ito ay napatawad na niya ang sarili. At pinangakong sa oras na lumabas ulit siya ng kwartong iyon ay sisiguraduhin niyang napulot na niya ang nawala niyang pagkatao. Inilaan na lamang niya ang ilang araw para muling lunurin ng pagluluksa sa huling pagkakataon.

                Nakita niya ang imahe ng kanyang asawa. May buhat itong sanggol nang lumapit sa kanya.

                “Marlen…”

                Hinaplos nito ang pisngi niya tulad ng palagi nitong ginagawa noon. Bumangon siya sa pagkakahiga sa kama. Ipinakarga nito sa kanya ang baby. Alam niya, iyon ang anak nila. Hinagkan niya ang noo ng natutulog na sanggol.

                Umupo si Marlen sa tabi niya. “Masaya na kami ng anak mo. ‘Wag mo na kaming alalahanin. Dapat iyong kaligayahan mo naman ang intindihin mo.”

                “Marlen, I’m sorry.”

                “Stop blaming yourself. It wasn’t your fault, Keijin. That was God’s plan. Dahil hindi ako ang para sa ‘yo. Siya ang para sa ‘yo.”

                Mula sa may pintuan ay nakatayo si Opalyn. Nakamasid lang ito sa kanila. Binalingan niya ang asawa. “But, I love you.”

                “You love her, too. Alam ko iyon at masaya ako para sa ‘yo. Go ahead and get her. She could love you more than I did. She’s your happiness.”        

                Napabalikwas ng bangon si Keijin nang magising siya. Mula nang mamatay ang asawa niya, ngayon lang ito nagpakita sa panaginip niya. Ibinigay na nito ang blessing sa nararamdaman niya para kay Opalyn.

                Hinagilap niya ang picture frame na nakakalat lang sa kama. Kuha iyon noong ikinasal sila ni Marlen. Sa huling pagkakataon tinitigan niya ang asawa. “Maraming salamat, Marlen.”


                HINDI pa lubos na nahihimbing si Opalyn nang mambulabog ang cellphone niya. Nag-ring iyon at may tumatawag. Tinatamad na hinagilap niya mula sa ilalim ng kama ang cellphone. Nahulog iyon kanina at nakalimutan niyang pulutin.  

                “Hello?” wala sa sariling sinagot niya ang tawag na nasundan pa ng paghihikab.

                “I need you. I don’t wanna die. Please help me!”  Biglang nagising ang diwa niya nang mabosesan si Keijin. Mukhang may iniinda itong kung ano.

                “Anong nangyari sa ‘yo?” Dali-dali siyang bumangon.

                Umungol lang ito sa kabilang linya. “I need you…” Bigla itong nawala sa linya.

                Kinabahan siya. Naku, baka naisipan na naman nitong magpakamatay. Nagmamadaling nagbihis siya. Sinipat niya ang orasan, alas-kwatro pa lang ng madaling araw!

                Nakasakay na siya ng jeep nang tawagan niya ulit si Keijin pero  hindi nito sinasagot ang cellphone nito. Lalo lang nadagdagan ang pag-aalala niya.

                Halos paliparin niya ang sarili habang nilalakad ang kalsada papasok sa private subdivision sa Calamba kung saan nakatira si Keijin.

                Sinalubong siya ni Lea sa gate.

                “Nasaan si Keijin?” tanong agad niya. “Sinilip nyo ba siya? Baka kung ano na ang ginawa noon sa sarili niya.”

                “Ay naku, relax ka lang, Opalyn. Ano bang sinabi sa ‘yo ni Keijin at mukhang takot na takot ka?” kunot-noong tanong ni Lea. Parang nagtataka pa ito at sumugod siya sa bahay ng ganoong kaaga.

                “Baka kasi magpakamatay na naman iyang amo mo. Kung anu-ano ang sinabi niya kanina sa phone!”

                “Ha? Hindi na siya magpapakamatay ever, ano! Kinausap niya kami kagabi at nangako na siyang hindi na siya magsu-suicide. Naharap na daw niya iyong past niya at ready na talaga siyang magbagong-buhay.” Tumawa ito. “Masakit lang ngayon iyong ngipin niya. Iyon lang.”

                “Ha?” Daig pa niya ang pinukpok  ng martilyo sa ulo nang pumasok sa ulo niya ang sinabi ni Lea. Napapikit siya ng mariin sa sobrang inis. “Nag-iinarte lang ang amo mong iyon? Ganon?”

                Bilang sagot ay narinig niya ang boses ni Keijin. Ngumangawa ito. “Waaah! Nanay Cita! Gawan mo naman po ng paraan! Bakit kung kelan ayoko nang mamatay saka pa umeksena ang ngipin na ito?! Aray ko!”

                “Ibinigay ko na lahat ng alam kong remedyo, anak. Dentista na ang kailangan mo,” tugon nito.

                Napasimangot siya habang tatawa-tawa lang si Lea.

                “Ang OA ah. Ako ang papatay sa lalaking iyan makikita niya!”

Tinapik ni Lea ang balikat niya. “Iyan ang totoong Keijin, konting masakit lang iyakin na! Mababa talaga ang pain tolerance niya.” Binalingan siya nito. “Salamat, Opalyn. Nagawa mong ibalik sa amin si Keijin. Akala ko noon hindi ko na siyang makikitang ganyan.” Nagpatiuna itong maglakad patungo sa kusina kung saan naroon daw si Keijin.

Pati siya ay gusto na ring matawa nang makita si Keijin na nakalugmok sa dining table. Iniunan nito ang isang throw pillow habang ang mukha ay nakabaling sa direksyon niya. Nakapikit ito at nakasimangot na parang kindergarden na inagawan ng laruan.

Umungot ito. “Nanay Cita! Mamamatay na ako!”

“Hoy lalaki, ang OA mo. Ano bang kalokohan iyan?” untag niya.

Dahan-dahan itong nagmulat ng mata at ngumiti sa kanya. Sa unang pagkakataon ay nakita niya itong ngumiti ng walang bahid ng lungkot. Iyon din ang unang ngiti nito na umabot sa mga mata nito, bakas ang hindi maitatagong saya. Waah! Ang guwapo! Yiiih!

Tumunghay na ito mula sa pagkakahilig sa mesa. Tumalon ang puso niya nang titigan na naman siya nito na pawang siya lamang ang nakikita ng maamo nitong mga mata. Sino ba namang hindi mai-in love sa isang ito? Kainis!

Inilahad nito ang kamay sa kanya. Parang na-hypnotized na tinanggap naman niya iyon. Hinila siya nito palapit dito. At nang husto na siyang mapalapit  dito ay mataman lang siyang tinitigan nito. She could read a lot of things in his eyes. Parang may gusto itong sabihin sa kanya na hindi nito masabi.

Sige na, sabihin mo nang nami-miss mo ako!

“Opalyn…I…I…Aray ang sakit!” nakagat nito ang labi sabay sapo sa kanang pisngi. Nabitawan tuloy siya nito.
            
            Napatawa na lang siya.

            Sinimangutan siya nito. “Pati ba naman ikaw pinagtatawanan ako? Ikaw kaya ang magkaroon ng toothache. Ang sakit-sakit kaya!” angal nito.

            Pinalis niya ang kamay nitong nakasapo sa pisngi. Hinaplos niya ang pisngi nitong bahagyang namamaga.

           “Pain reliever lang naman ang katapat niyan.” Inirapan niya ito. “Akala ko kung ano ng nangyari sa ‘yo. Pa-I-need-you-I-need-you ka pang nalalaman. Mukha ba akong dentista?”

           Napapiksi siya nang haplusin nito ang gilid ng kanyang mga mata habang nakatitig sa kanya.

           “I’m not lying when I said I need you. I don’t need a dentist, I only need you.” He moved closer to her. Bahagyang iniangat nito ang baba niya. Then he gave her a quick kiss on her lips. Napapikit siya. Hindi niya inaasahang makakamtan niya iyon kay Keijin. All this time, she seemed just dreaming of a scene like this. Her heart melted. She felt so happy.

           “Yehey! Nanay Cita, exit tayo, dali!”

           Natauhan siya sa sinabi ni Lea. Napamulat tuloy siya at sinalubong ng mga mata ni Keijin na matamang nakatitig sa kanya. 

          “I miss you, Opalyn. I miss you so much!” bulalas pa nito sabay halik muli sa kanya. Maingat ngunit mas malalim. She felt love rushing her system. She got nothing but let him kissed her, the way he want it to be. Sa mga oras na iyon ay wala na rin siyang pakialam. Hindi man sabihin ni Keijin, nararamdaman niya sa mga halik nito na may espesyal din itong nararamdaman sa kanya. That’s enough to give her another chance to fall in love.

           He embraced her with so much love and care. “Let’s give ourselves the chance. Can we?”

          Come to think of it, iyon din ang iniisip niya. She nodded. “Sure.”

          “Thank you…Aray!” Kumirot na naman ang ngipin nito.

            Kumalas siya sa pagkakayakap nito. “But first, dadalhin muna kita sa dentist, okay?”

           Umiling ito na parang bata. “Dentist? Ayoko! Ayoko pang mamatay!” 

            Hinampas niya ang balikat nito. “Ibang klase ka rin talaga ano? Hindi ka natinag sa blade, swiss knife, bangin,alambre, muriatic acid, kumunoy, at baril tapos sa dentista lang napapraning ka na? Kung dentista lang pala ang papatay sa iyo, bakit hindi ka sa dentista lumapit noong nagpapakamatay ka?”

           “Iba na ngayon. Ayoko ng mamatay!”

            “Kailangan mong pumunta sa dentista para mapa-check up ang ngipin mo.”

             Kinabig siya nito. “Hug mo na lang ako.” Ngumisi pa ito.

            Binatukan niya lang ito at pinalis ang mga braso nitong yayakap sana ulit sa kanya. “Di mo kailangan ng hug. Dentist ang kailangan mo.” 

            Sumimangot na naman ito. Tumawa lang siya. Parang mas cute pa ito kapag sumisimangot.

            Kinuha niya mula sa bag ang journal nito at ipinatong sa ulo nito. “Tatapusin mo pa ang journal mo at may final session pa tayo kaya ‘wag nang matigas ang ulo mo ha. Dadalhin kita sa dentist mamaya.”

          “Session ulit? Ibang session na lang ang gawin natin- Aww!”

           Tinapik niya ang namamagang pisngi nito. “Keijin, umayos ka nga!  Agang-aga puro kalokohan iyang nasa isip mo. Ang isipin mo iyang ngipin mo. Tuturukan ka naman ng anesthesia ng dentist mo kapag binunutan ka.” 


PREVIOUS                                                                        NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…