Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: You Will Always Be Mine- Part 2





“I miss you, Cattie.”

            “I miss you more, Jomar.”

            “Ah, no.” He slightly moved away. “I missed you more than you missed me, I bet.”  He grinned.

            “Ah, ganon?” hirit niya. For couple of minutes they teasingly stared at each other then all of a sudden they both burst with laughs.

            “’Lika nga, hug kita uli.”

            Again he lovingly hugged her.  Natawa na lang siya.

            “Oo nga, mas na-miss mo nga ako. Pwede mo akong bitawan, Jomar. Hindi ako tatakbo promise.”

            He gave her nose with a quick kiss. “Silly. Kahit tumakbo ka pa, hahabulin pa kita.”

            Inalalayan siya nitong makaupo sa Bermuda grass. Umupo ito sa tabi niya at niyakap siya sa baywang. Napansin niyang may kawang na ang lapida ng pinaglibingan nila ng mga bagay na may kinalaman sa relasyon nila noon.

            “Pinabuksan mo na pala ito,” sambit niya.


            “Oo, pero wala pa akong sinisilip diyan. Pinabuksan ko lang para wala ng istorbo sa ating dalawa.” 

            Hinampas niya ng balikat nito. “Sira ka talaga.”

            Tumawa lang ito. “Cattie, nagbyahe ka na ganyan ang suot mo?”

            Naka-dress siya na halter type at hanggang tuhod ang haba. Noon pa man ay lagi siyang pinagbabawalan nitong mag-commute kapag naka-dress siya. Noon, gumagawa talaga ng paraan si  Jomar na maihatid siya kahit pa manghiram ito ng kotse sa boss nito.

            Umiling siya. “Inihatid ako ni Kuya Rojun.”

            Kumunot ang noo nito nang balingan siya. “Si Rojun Ferales?” Tumango siya. “Oh, hanggang ngayon pala close pa rin kayo,” buska nito.

            “At hanggang ngayon, selos ka pa rin.”

            Tinitigan siya nito. “Technically, wala akong karapatang magselos dahil hindi na tayo.” He touched her cheeks. “Bigyan mo ako ng right, magseselos talaga ako.”

Ngiti ang iginanti niya sa paglalambing nito. “Kapatid lang naman trato no’n sa akin at gano’n din ako sa kanya.”

“Eh ako?”

Sinimulan nilang halungkatin ang laman ng puntod. Nakalibing doon ang mga love letters at cards na binigay nila sa isa’t isa noon. Pati na rin ang mga stuff toys at pictures nila ay nilibing nila roon.  Abala na sila sa paghahalungkat nang sagutin niya ang hanging question nito.

“Special.”

“Special? Siopao? Siomai?”

Tumawa lang si Cattie. “Basta, special.” 

Bigla silang natahimik at kapwa inabala ang mga sarili sa pag-reminisce ng nakaraan nila.

Until binasag ni Jomar ang katahimikan nila. “Cattie, may boyfriend ka na ba ngayon?”

Kunot-noong binalingan niya ito. “Kung meron, malamang hindi na ako nagpunta pa dito ngayon, Jomar.” Ngumiti ito. Haay… ang kyut talaga! “Hindi ko na rin inisip ang mga bagay na iyan nung magkahiwalay tayo.”

“Ako, inisip ko.”

Aray! May jowa ka na Jomar? Maang na tinitigan niya ito.

“Alam kong nagagwapuhan ka sa akin ngayon pero hindi mo naman kailangang titigan ako ng ganyan Cattie—”

Inihampas niya sa mukha nito ang nahagip na maliit na stuff toy mula sa puntod. “May kakapalan din taglay iyang fez mo ano?”

“Sa’yo lang naman makapal ang mukha ko.”

Bumuntong hininga siya. “May…may girlfriend ka na ngayon?”

“Of course!” nakangisng tugon nito.

Aray!  


“I don’t have,” pagpapatuloy nito. Inihampas uli niya ang pobreng stuff toy sa mukha nito. Tumawa lang ito. Nakahinga si Cattie ng maluwag dahil do’n.

“Asawa?”

“Lalong wala ano. Ang ibig sabihin ko sa sinabi ko kanina, iniisip ko noon kung may boyfriend ka dito habang wala ako.”  He leaned his head on her shoulder. “Malungkot ang four years na wala ka sa tabi ko, my sweet Cattie.”

She felt her eyes filled with tears of joy. Wala na siyang narinig kay Jomar mula pa kanina kundi mga sweet things. Naalala tuloy niya ang lungkot at senti moments na pinagdaanan niya nang umalis si Jomar. Bumalik lahat ng halu-halong emosyong naramdaman niya nang magkahiwalay sila.

“Cattie?”

She just sobbed.

Kumalas ito sa pagkayakap sa kanya at maayos  na hinarap siya. “O, don’t cry. Hindi na ako aalis promise iyan.”

Without any single word ay yumakap na lang siya dito. “Subukan mo lang iwanan  ako uli, papatayin kita.”
            
             Tumawa ito. Pinalo niya ang balikat nito. “Seryoso ako!”
          
        Hinawakan nito ang pisngi niya at ibinaling dito dahilan upang magkatinginan muli sila. “Ako pa magbibigay sa’yo ng kutsilyong pansaksak sa akin kapag iniwan pa kita.”

             

“KUYA Kofi, black coffee naman diyan o!” ungot ni Cattie kay Kofi sabay hikab. Wala pa siyang tulog dahil madaling araw na natapos ang final planning ng pag-cover ng Celeb Mag sa Thunderkizz Band. Bukas ay sisimulan na nga ang lahat ng dapat gawin mula sa interview hanggang sa pictorial. At bilang editorial assistant at punong-abala, lahat ng energy niya ay naubos sa meeting na iyon. Mabuti na nga lang at tapos na ang klase niya sa Masteral degree. Mas may oras na siya sa trabaho at kay Jomar.

            “O sige, sandali. Bangag ka na namang bata ka!” puna nito.

            “Ano pa nga ba?” tugon niya sabay subsob sa mesa. Antok na antok na siya. Wala na siyang pakialam kung nasa coffee shop pa siya. Kailangan na niyang umidlip kahit 15 minutes lang.

            Haay, fifteen minutes!  

            Naglakbay ang diwa niya. Nakita niya ang sarili sa isang pamilyar na kwarto, sarili niyang kwarto. Romantic ang naging ambiance ng kwarto niya. May scented candles at may rose petals all over. Nakasampa siya sa kama, wearing a white gown. Huh? Kasal ko? Oh yes!

            Sa isang sulok ay bigla niyang nakita si Jomar. Naka-long sleeves pa ito pero tanggal na ang butones kaya naman nagpyesta ang inosente niyang mga mata. Wooh! Biyaya ng heybeyn! Gumigiling-giling itong parang tuod nang humarap sa kanya.

            “Ako si mister swabe… oh oh, oh, grabe! Habulin ng babae… araw man o gabe… yeh beybeh!”

            Nakangising hinubad nito ang long sleeves nito at lumapit sa kanya. Napapikit siya. Masyado ng nada-damage ang innocent eyes niya. Naramdaman niyang ikinawit nito ang long sleeves sa baywang niya. She was greeted by Jomar’s hypnotizing eyes when she slightly peeked. “Cattie…you will always be mine….”  

            Napangiti siya. She just couldn’t believe it. Jomar teasingly touched her cheeks. “Cattie…”

            “Jomar…”

            They were about to have a sweet kiss nang biglang kumanta uli ito. “Ako, mister swabe.. oh oh oh glabe, haburin na babae… alaw mano gabe… run devil run run devil run run. Run devil devil run run!”

            Huh? Napakunot ang noo niya. Nagtunog Japanese si Jomar?
           

“Cattie! Uy Cattie, kape mo!”

Napabalikawas siya ng tunghay at ang unang nahagip ng mata niya ay ang katapat na si Xeiji na gumigiling giling habang kumakanta ng Run Devil Run.

“Panira ng panaginip ang attorney na ‘to!” reklamo niya.

Tinawanan lang siya ng tropa.

Nani? What?” tanong ni Xeiji. “Kumakanta rang ako ah.”

“Eh bakit kasi kumanta-kanta ka pa e wala ka namang future diyan?” buska niya sa inis. Sayang e. Mahahalikan na sana niya si Jomar. Hindi pa kasi  siya nahahalikan ni Jomar sa lips kaya naman asar na asar siya. Kahit panaginip lang iyon, nabitin siya.

“Siguro-nire-rape mo na si Jomar sa panaginip mo ano? Yak!” patawang hirit ni Chrys.

Pinamulahan siya sa sinabi nito. “Hindi ah!”

“Yiih! Bakit nagba-blush?” tudyo pa ni Dhey.

“Siguro, isa-isa mong hinuhubad ang damit ni Jomar sa panaginip mo,” buska pa ni Kofi sabay tawa.

“Tapos, pinagigiling-giling mo siya sa harapan mo na parang call boy!” dagdag ni Chrysler.

“Kawawang Jomar,” dagdag pa ni Leo.

“Hai!” pagsang-ayon ni Xeiji.

“Ewan ko sa inyo! Ang dudumi ng isip nyo!”

“Aba, ang bunso namin, napipikon. Nire-rape mo nga si Jomar sa panaginip mo?” tanong ni Kofi.

“Tse! Di ko babayaran ang kape mo. Bahala kang malugi.” Tumawa lang ito pagkatapos ay umalis ito nang makitang pumasok ng coffee shop si Nurse Eloi. Umalis din si Leo para puntahan si Regine sa kitchen.

Kape na lang ang pinagbalingan niya ng ngitngit. Hindi niya alam kung manghuhula ba ang mga kaibigan niya o ano. Bigla niya tuloy na-miss si Jomar. Sa Los Baños pa ito nakadestino sa trabaho kaya miminsan lang sila magkita. Minsan din lang kasi ito mag-opisina sa main office nito sa Manila. Madalas ay nasa field ito sa provinces. Pero hindi naman ito nakalimot tumawag sa kanya o magtext sa kabila ng pagiging busy nito.

“Xeiji, may pinasasabi si Melai.” Lumapit si Rowell dito. “Ano daw. Iyong mga eklaver, chever… ay sandali,” kinuha nito ang cellphone at tila may binasang text, “Iyong mga eklavush sa baler ay chumechever pa rin. Kelan raw kayo pwedeng umeklavou?”

“Ha?” korong tugon nila maliban kay Xeiji. Mukhang naintindihan nito ang mensahe.

“Pakisabi maya hapon ang eklavou ng mga eklaver. Arigatou, Rowell-khun!” pasasalamat pa ni Xeiji.

“Okay.” Bumalik na ito sa mesa nito pagkatapos noon.

“Naintindihan mo iyon? Marunong kang mag-gay language?” usisa niya kay Xeiji. Bilang isang full pledge attorney, nakakadudang may alam itong gay terms, unless hindi nila alam na bading si Xeiji.

“O, wag nyo ng pakaisipin. Hindi bading si Xeiji, coding lang iyon,” paliwanag ni Chrys.

“Hai!”

“Para saan?” tanong ni Dhey.

“Basta—”

Nagulat silang lahat nang may bigla na lang nagpaulan ng bala sa coffee shop. “Cattie! Dhey!” Chrysler protected them mula sa mga bubog ng mga nabasag na glass wall.

Lord, anong nangyayari?! Patigilin Nyo na po! Tinakpan niya ang tenga at pumikit na mariin. Maya-maya pa’y humupa na ang putok ng baril na narinig niya. Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Leo na pinaputukan din ang mga nakamotor na nagpaulan ng bala sa coffee, maya-maya pa’y tapos na ang nakakatakot na eksena na iyon.

“Dhey, Cattie, okay lang kayo?” Maingat na inalalayan sila ni Chrysler na makatayo.

“Ano bang nangyayari?” tanong ni Cattie.

“Oo nga. Pang-romance lang tayo, hindi tayo pang-action movie!”  hirit ni Dhey.

“Sorry, my fault.” Lahat ay kay Xeiji napunta ang atensyon.  Nag-explain ito tungkol sa kinasangkutan nitong drug syndicate case na siyang maaaring dahilan kung bakit may nagbabanta sa buhay nito at ni Leo. Pero dahil nahihilo siya, hindi niya masyadong maintindihan ang sinasabi nito. Ang alam lang niya, may death threat sila ni Leo. “Kami ni Leo protector ni Beatriz Joy. Kahit ako patay, kahit Leo patay, di makukuha ng drug Rord na iyon anak niya,” pagpapatuloy nito.
         
           Maya-maya pa’y nagsidatingan na ang mga usisero, media, at ang mga pulis na humabol sa mga kriminal na iyon pati na rin si Leo. Nagsidatingan na rin ang mga taong nag-alala sa mga taong andon.

            May napansin siya. Mukhang malambing na ang approach ni Regine kay Leo. Mukhang okay na ang dalawa. Magkayakap pa ang mga ito na tila hindi nare-realized na andaming taong nakakapanood sa dalawang ito.

            Inaasar pa niya ng dalawa nang biglang may tumawag sa kanya mula sa likuran.

“Cattie!” Tila naestatwa siya nang marinig ang isang familiar na boses. Parang praning na lumingon siya. Biglang bumalik sa isip niya ang nakakaloko niyang panaginip. Ipiniling niya ang ulo bago pa kung anong kahalayan ang maisip niya.“Jo-Jomar?”

           Agad itong yumakap sa kanya. She suddenly felt the familiar skipping of her heart nang mayakap siya nito. Mukhang alalang-alala ito sa kanya. Sinalat pa nito ang mga braso niya at ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. Natulala na lang tuloy siya “Are you okay? I’m so worried!” Niyakap uli siya nito.

Ang bangu-bango mo! Hmmm! “Okay… okay na okay! I mean, I’m just okay.”  Kilig na kilig na siya.

“Nakakaamoy ako ng second chance!” tudyo ni Chrysler.

            “Oo nga, one more chance!”  sang-ayon ni Dhey.

            “I second the motion!”

            “Aba, Rowell buhay ka pa pala, sayang di ka tinamaan ng bala! Nasaan si Rojun?”

            “Bakit Dhey? Nami-miss mo?”

“Tse!”

Pero tila invisible ang mga tao sa Kofi Cups kahit naririnig niya ang mga iyon.  being in Jomar’s arms made her feel better. Unti-unting naglaho ang takot na naramdaman niya kanina.

“Ano bang nangyari dito?” He intently looked in her eyes. “Namumutla ka, Cattie.” Inalalayan siya nitong makaupo sa isa sa nga silya roon na walang bubog. “Anong masakit sa’yo? Tell me.”

“Wala naman. Inaantok lang kasi ako kaya medyo nahihilo ako. Wala pa akong tulog e.” 

“Mabuti pa ihatid na kita pauwi.” Bumaling ito sa mga kaibigan niya. “Pare, ihahatid ko na si Cattie ha. Balitaan nyo na lang kami.” Bumaling ito kay Dhey. “Si Sir Florenz, parating na. ‘Wag ka munang umalis dito ha.”

“Sige,” korong tugon nila.

Nagpaalam muna siya sa barkada bago sila lumabas ng shop. Nakasalubong nila ang humahangos na si Maria May.

“Si Chrys?” tanong agad nito.

“Ando’n sa—”

“Miss, andyan ba si Dhey?” Isang  binata rin ang biglang sumulpot sa harap nila ni Jomar. Kilala niya ito sa mukha. He’s the cover boy model na kinababaliwan ni Dhey kahit sa picture lang ito nakita ng kaibigan niya.

“Ah, nasa loob sila.”

“Salamat!”

Humahangos na pumasok ang dalawa sa loob ng shop.

Tahimik lang sila ni Jomar nang ihatid siya nito sa bahay. Hindi kais maalis sa isip niya ang dalawang bagay, ang panganib na nalagpasan nila sa Kofi Cups at ang sweetness ni Jomar. Marahil ay hinayaan lang siya nito na manahimik para makalma din siya. Kaso paano pa siya makakalma kung naaalala na naman niya ang praning niyang panaginip na ito ang bida?

Maingat na inalalayan siya nito hanggang sa makapasok sila sa bahay.

Agad siyang humiga sa sofa pagkatapos niyang hubarin ang kanyang sapatos. “Nakakapraning talaga iyon, Jomar. Ang daming what if akong naiisip.”

Dumiretso ito sa kusina at pagbalik nito ay may dala na itong isang basong tubig. Sanay na ito sa bahay niya dahil mula noong nagkita muli sila ay palagi siya nitong pinupuntahan kapag may oras ito.

Iniabot nito ang tubig sa kanya. “Wag mo na kasing pakaisipin iyon. Ang importante walang nasaktan sa inyo. At sana hindi na iyon maulit.” He still looked so worried. “Sobra akong natakot kanina. Buti na lang andito ako sa Manila office namin.”

“Paano mo ngapala nalaman iyong nangyari?”

“Sinabi ni Melai. Nag-message kasi sa kanya si Rowell.”

Kumunot ang noo niya. Isa sa mga common friends nila si Melai. Pero nitong mga nakaraan, napapansin niyang palaging nagkikita ang dalawa. Ayaw niyang magselos dahil magkakaibigan naman sila. Pero hindi niya maiwasang mag-isip.

“Magkasama kayo ni Ate Melai?”

“Ah, yeah. Dumaan kasi siya sa opisina kanina. Nasa office ko siya noong matanggap niya ang message ni Rowell.”

Bakit ganon? Mukhang mas madalas silang magkita kesa sa aming dalawa.  

Ipiniling niya ang ulo bago pa kung ano ang maisip niya. Ininom niya ang tubig at inilapag ang baso sa center table. Humiga siya muli sa sofa. Pagod na siya. Ayaw na niyang mag-isip muna sa ngayon.

“Cattie, it would be better if you sleep on your room.”

“Dito na lang. Paki-lock na lang ng pinto kapag umalis ka.” Napahikab pa siya sabay pikit.

“Hindi na ako babalik sa opisina. Babantayan muna kita.”

“Bahala ka—” Binuhat siya nito. Napamulat tuloy siya sa pagkabigla. Sinalubong siya ng nag-aalalang mga mata nito. “Ibaba mo nga ako, kaya ko namang maglakad ano!”

“Matulog ka na lang. Iakyat kita sa kwarto mo.” Hinalikan nito ang noo niya. Pagkatapos ay dinala na siya nito sa kwarto. Inihiga siya nito sa kama at kinumutan.

“Salamat ha.”

Ngumiti lang ito sa kanya. “I just want you to be safe and okay. Kung kinakailangan na andito na lang ako sa tabi mo palagi para lang masiguradong hindi ka mawawala sa akin, gagawin ko.”

 She couldn’t help but smile. “Don’t worry about me that much. Feeling ko minsan hindi na ako deserving sa pagpapahalaga mo sa akin.”

Umupo ito sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay niya. “You deserve it, my sweet Cattie. Ikaw ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko ngayon.” Umiwas ito ng tingin. “Haay, mabuti pa, matulog ka na. Puro ka-corny-han lang ang naiisip kong sabihin sa’yo e.”

Tumawa siya. “Sige, matutulog na ako. Kung magugutom ka, may pagkain pa sa ref ko ha. Kumuha ka na lang do’n.” Pumikit na siya pero hindi naman siya makatulog dahil nararamdamn niya ang presence ni Jomar sa kwarto. Hindi siya mapakali kaya sinubukan niyang silipin kung anong ginagawa ni Jomar.

 Itinaas nito ang sleeves ng suot na polo at nag-unbutton ng long sleeves nito pagkatapos tanggalin ang neck tie.

Biglang naalala naman niya ang panaginip niya. Si Jomar na kumakanta Mr. Suave at gumigiling-giling sa harap niya. Kung anu-anong kalokohan ang pumasok sa isip niya kaya pumikit na lang siya ng mariin at nagpanggap na tulog.  Naramdaman niya ang presence ni Jomar. Sumampa ito sa kama at naramdaman niyang tumabi sa kanya. Nagulantang na siya kaya nagmulat siya ng mata.

She was greeted by his sweet smile that seemed like telling her that she’s the one he wanted to spend the rest of his life with.

“Akala ko ba, matutulog ka na?” He teasingly smiled. “I’ll just be here. Babantayan ko ang pagtulog mo.” Hinaplos nito ang pisngi niya. 

Dala ng polluted niyang utak sa kakabasa ng online pocketbooks ay wala sa sariling napasuot na lang siya sa ilalim ng kumot niya. Kung anu-anong eksena ang naiisip niya. Ano bang ginagawa nitong si Jomar sa akin? Halu-halo ang nararamdaman niya. But one thing stood out. Mahal niya si Jomar kaya kahit anong emosyon pa ang maramdaman niya, wala siyang pakialam. Mas maganda pa ang ganito ito kalapit sa kanya kesa naman malayo ito.  

She heard him laughed. “Why are you hiding under your blanket, sweet Cattie?”

“I’m in danger,” sagot niya. Or rather, you’re in danger!

“Come on, hindi ka naman natutulog na nakatalukbong ang kumot ah. At isa pa, hindi ka makakahinga ng maayos diyan.” He tried to pull her blanket but she kept on stopping him. “Mainit dito sa kwarto mo, wag kang magtago diyan sa kumot oy!”

“Trip ko ito, walang pakealaman!”

Tumawa ito. “I will not do anything wrong with you. Kung iyon ang iniisip mo, don’t worry. I won’t take advantage. I just want to watch you sleeping.”

Unti-unting ibinaba niya ang nakatalukbong na kumot sa mukha niya. Jomar was lovingly smiling at her. “Alam mo, sana palagi na lang tayong ganito. Masaya, magkasama.”

“Sorry kung minsan lang kita mabigyan ng oras, Cattie. Alam ko, marami akong pagkukulang sa’yo.”

Umiling siya. “Basta andito ka lang, okay na ako do’n.”

He leaned down and moved closer to her face. Kahit puyat siya ay malinaw sa kanya ang bilis ng tibok ng puso niya. He lovingly gazed at her. Without any single word, Jomar leaned down ang landed sweet quick kiss on her lips.  Napapikit na lang siya.

“Let’s get married, Cattie.”

Napamulat siya sa pagkabigla. Hindi niya inasahan na aalukin na siya nito agad ng kasal. “Huh?” Teka, nagkabalikan na ba tayo? Bakit kasal na agad?

“Oh, nakalimutan kong hindi pa nga pala tayo uli. Ahm, pwede bang manligaw uli?”

Parang ang gulo. Nauna ang halik at marriage proposal bago ang ligaw? “Ah, sige. Ikaw ang bahala.”

Ngumiti ito. At hinalikan uli siya. “Thank you. Matulog ka na.”

Napapikit na nga lang siya hanggang sa maramdaman niyang humiga ito sa tabi niya. Yumakap ito sa baywang niya. In-enjoy niya ang moment. Sumiksik siya dito. “Sleep tight, my sweet Cattie. I love you,” bulong nito sabay halik sa buhok niya.

Her heart celebrated with joy. He just uttered those words she was longing to hear again. I love you too, Jomar. Pero sa ngayon, tutulugan muna kita.

            Pero sa mga sumunod na araw ay bumalik sila sa dati, halos hindi nagkikita at hindi nagkakausap. Hindi tuloy ma-assess ni Cattie kung ano ba talagang relasyon meron sila. Bakit nag-alok ng kasal si Jomar kung wala naman itong oras sa kanya? Kaya ang ginawa na lamang niya ay magbuhos ng oras sa trabaho niya. Kung wala itong oras sa kanya, aabalahin na lang niya ang sarili sa trabaho.



PREVIOUS                                                                         NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…