Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: You Will Always Be Mine- Part 1





“Thank you very much for all your support. I love you all. Mabuhay!” mala-Fammas award winner na sambit ni Cattie habang nasa makeshift stage siya ng Kofi Cups and Sweets. Nag-bow pa siya para pasalamatan ang mga customers ng shop na nauto niyang patulan ang mga surveys na ginagawa niya. 

            “Palakpakan!” patawang hirit ni Rojun.

            “I second the motion,” dugtong naman agad ni Rowell.

            Ang mga pasaway na customers, nagpalakpakan nga.

            “Thank you. Thank you very much!” huling hirit niya bago siya bumalik sa mesa nila malapit sa counter.

            She was an Editorial Assistant in the leading celebrity magazine. At bahagi lang ng pahirap sa kanya ng editor niya ang pagkakabigay sa kanya ng isang column sa magazine na mag-handle ng articles na galing sa surveys. Oo, inasam-asam nga niya na magka-column sa isang magazine. Bilang isang manunulat ay magandang achievement na iyon kumbaga. Pero sabi ng editor niya, no pain no gain daw. Kaya kailangang paghirapan daw niya ang column na iyon. In return, nasa shortlist na siya para ma-promote bilang associate editor. Sulit na rin. At isa pa, pinag-aaral siya ngayon ng company ng libre. Pinakuha siya ng masteral degree in communication arts bilang preparation daw sa mas mataas na posisyon. Sure na ang career progress niya. May gain ng paparating. Ang kailangan lang niya ay i-endure ang pain.


            Cattie grabbed her laptop and started working on the survey sheets and articles.
            “Uy Catherine-chan, wara ka ba rest day?” tanong ni Xeiji sabay higop ng Café Macchiato nito. “It’s Sunday today.”

            “Wala, Kuya Xeiji e.” Tumingin siya sa wrist watch na suot ng katabing si Chrysler. “Kailangan kong matapos ang article at maipasa before six o’clock. May pasok pa ako mamayang three o’clock kaya dapat gawin ko na ito ngayon. Bukas kasi, loaded ako sa work tapos defense naman ng thesis ko after work.”

            “Hala! Wala kang balak magpahinga?” tanong ni Chrysler.

            “Meron naman mga two hours lang. Okay na iyon.” Dalawang taon na siyang ganon. Mas lumaki lang nitong nakaraang linggo ang responsibilidad niya nang bigyan siya ng exclusive column sa magazine.

May matindi siyang determination sa  ginagawa niyang iyon. Isang linggo na lang magkikita na uli sila ni Jomar, ang kanyang one and only. Nang magkahiwalay sila ay malaki ang pinagdaanan niya para lagpasan ang pagsubok na iyon. She was already hundred percent sure that she wanted to marry him four years ago when suddenly he broke up with her in exchange for a much better career in Miami.  

Wala siyang nagawa lalo na’t ipinangako naman ni Jomar na ang lahat ng iyon ay para rin sa kanilang dalawa. They played the faith’s game. Sa loob ng apat na taon, hindi sila nag-usap. Walang chat, walang email, walang kahit na anong koneksyon. They swore to meet again after four years at same place and same time. For those years, ibinuhos niya rin ang oras para umasenso rin sa sariling career niya.

“Naku, kung maririnig ka ni Dhey malalagot ka do’n. Ayaw pa naman noon ng mga abusado sa katawan katulad n’yo ni attorney,” sabat ni Kofi sabay serve sa kanya ng paborito niyang Cafe Breva.

“Bakit ako damay?” reklamo ni Xeiji.

“Ikaw kaya ang pinakasakitin sa ating lahat,” tugon ni Leo.

Nagkibit-balikat ang matamlay na si Xeiji. Halata itong hindi na naman maganda ang pakiramdam. Hindi nga lang sure si Cattie kung dahil nga ba iyon sa mahinang immune system ni Xeiji o dahil sa bigong love life nito sa tuluyang pamba-basted dito ni Ranran beybs.

Shokuyoku ga arimasen. Kibun ga warui no desuga. Asan ba Dhey-chan?”

“Ha?” korong tanong nila. Kabukod-tangi kasing si Dhey lang ang nakakaintindi ng Niponggo sa kanila. Si Dhey rin lang ang nakakaunawa sa balu-baluktot na sinasabi ni Xeiji. Ang kaso, missing in action pa si Doc Dhey.

Umiling si Xeiji. “Sabi ko, wara ako gana kain. Ako pakilamdam may sakit.”

“O, e di ba may nurse kang lover? Magpaalaga ka kay Nurse Arlene,” tugon niya.

“No way!”

Napailing siya. Maya maya pa’y dumating si Maria May at tumabi kay Chrysler. Awtomatikong humilig ito sa balikat ni Chrys at napunta na lahat ng atensyon ni Chrysler dito.

“Salamat sa pagtulong mong makahanap ako ng work ha,” sambit ni Maria May.

“Kay Attorney ka magpasalamat. Si Xeiji naman ang nagbigay sa’yo ng trabaho e.”

 Lihim lang nagtinginan sina Cattie, Kofi, Leo at Xeiji. Isa lang ang tinatakbo ng isip nila. Alam na ata ng buong bayan na nagmamahalan sina Maria May at Chrys. Sila lang dalawa ang hindi nakakaalam.

“Maria May naman, kanina lang sa akin ka nakayakap ah. Bakit nag-CR lang ako, sa kanya ka na nakayakap ngayon?” nagdadramang pabirong hirit ni Rojun.

Tumawa lang si Maria May. “Sawa na ako sa’yo kuya. Nakakaumay ka na kasi.”

“I second the motion!” hirit ni Rowell.

“Ano kamo?” kunot-noong baling ni Rojun dito.

“Ah wala, erase, erase!” bawi ni Rowell.

Napuno na naman ng tawanan ang Kofi cups. “Pabayaan natin sila. Bigyan natin sila ng moments,” hirit pa niya.

“Hay, Maria May. Wag tayo dito ang gugulo ng mga ito. Buti pa, ihahatid na kita sa bahay n’yo,” sambit ni Chrys.

 “Ah Maria May, just bring your resume tomorrow eight am sharp. Ayoko ng pahuri-huri sa tlabaho okay?”

“Yes, attorney.”

Tumayo na ang dalawa. “Maria May, iyong gimik night natin ha. Don’t forget.”

“Hindi siya sasama do’n. Ako ang kasama niya sa weekends,” pakli agad ni Chrysler na tinawanan lang naman ni Rojun.

Maya-maya pa’y nakaalis na rin ang mga iyon.

“Seloso talaga iyang si Chrys. Buti pa kayo may mga love life,” hirit ni Cattie.

“Wara ah!”

“Oy, wag mong i-deny si Nurse Arlene. Ang bait-bait no’n sa’yo manhid ka lang,” hirit niya.

“Speaking of love, nasaan na si oh my Regine?  Ang tagal naman niya, nami-miss ko na siya,” nangingiting hirit ni Leo.

“Over ka! Kakahatid mo lang kaya sa kitchen fifteen minutes ago. Kakaloka ka,” tugon niya. “Hindi mo ba titigilan si Regine? Eh mukhang basted ka naman dun e.”

“I don’t care. Eh ikaw? Babalik pa ba iyang ex-boyfriend mo?”
            
            Napangiti siya. “Be positive. Babalik iyon.”
            
           “Pag bumalik iyon, mahal ka pa rin kaya no’n? Dapat kasi wag ka masyadong attached sa ex mo,” sabat ni Kofi.

 “Bahala na, Kuya Kofi.”   Hindi na siya nakipag-argumento. Noon pa man ay pinagsasabihan na siya ng barkada na wag umasa sa pinangako ni Jomar. Pero masisisi ba niya ang kanyang sarili? Nagmamahal lang naman siya.

Maya-maya pa’y dumating na rin si Dhey at kasama nito sina Nurse Arlene at Nurse Eloi.

“Hello guys, sorry late ako. Nagpahintay pa ang dalawang ito e,” hirit ni Dhey. May bitbit itong isang boquet ng red roses.

“Nurse Eloi ko!” Mabilis pa sa kidlat na sumibat si Kofi para lapitan si Nurse Eloi.

Si Nurse Arlene naman ay niyakap si Xeiji mula sa likod ng huli. “Fafa Xeiji! Huh?” Sinapo nito ang noo ni Xeiji. “May lagnat ka ah! Bakit patambay-tambay ka lang dito e may lagnat ka?”

“Wara ka pakearam!”

“Oo na. Pero iuuwi kita ngayon na!”

Wala na silang nagawa nang kaladkarin ito ni Nurse Arlene.

“Go Nurse Arlene!” pahabol cheer nila ni Dhey.

Nagulat siya nang ilagay ni Dhey sa harapan niya ang bouquet. “Kung mang-iinggit ka lang dahil may nagbigay sa’yo ng bulaklak, nagsasayang ka ng oras sa akin, Maria Dheylight.”

Tumawa ito. “Kaloka ka, Cattie. Sa’yo ‘yan ano. Naging dakilang delivery woman lang ako.”

Kunot-noong binalingan niya ito. “Ha? Kanino galing?”

“Sus, tinatanong pa ba iyan? Kay Jomar galing. Ipinaabot niya kay Kuya Florenz at ibinigay ni kuya sa akin kanina.”  Nagtatrabaho si Jomar at ang Kuya ni Dhey sa iisang kompanya.

“Naman! Bumalik na pala ang ex mo, Cattie,” hirit ni Leo.

Natigilan siya. Bigla siyang na-excite, napangiti at kinilig nang hawakan niya ang punpon ng bulaklak. “Bumalik na siya?”

“I don’t know. Basta sabi ni kuya wag na daw masyadong maraming tanung-tanong. Di ba next week na iyong usapan nyo? Ay! magkakabalikan na kayo! Wagi!”

“Naku sana nga.” She hoped for the same thing. Bigla tuloy niyang na-miss si Jomar. Kung nakabalik na ito ng bansa, nasaan na kaya ito?  May nakita siyang nakasipit na card sa bulaklak. Binasa niya iyon.  

  My sweet Cattie,
           
I’m longing to see you. Same time, same place….

                                                          Jomar  

She smiled.

“Uy, kinikilig ang lola! Hehehe!” tudyo pa ni Dhey.

“Women, don’t be too excited with flowers. Bulaklak lang iyan, malay mo naman kung seryoso iyan talaga.”

“Oo na, hindi na po mae-excite.” In a way, may point nga si Leo. Mas makakabuti ngang hindi siya masyadong umasa. Mahaba ang four years. Malay nga naman niya kung nagbago na rin si Jomar sa apat na taon na iyon. 

Biglang nag-ring ang cellphone  niya.  You will always be beautiful in my eyes, and passing is the show that you will always grow ever more beautiful in my eyes.

Ang recorded voice mismo ni Jomar na kumakanta ng Beautiful In My Eyes ang ringtone niya.

“Haaay…Nagri-ring na naman ang phone ko!” nangingiting sambit niya sabay kuha ng cell phone  sa bag. Hindi naka-register sa contacts niya ang numerong nakita niya sa screen. Sino kaya ito?

“Hello!”

“My sweet Cattie, like the flowers?”

Parang umikot ng 360 degrees ang utak niya nang ma-recognized kung sino ang caller. She suddenly felt the familiar rhythm of her heartbeat grew faster in her system. “Jo-jomar?”

Lahat ng mata ng mga kaibigan niya ay sa kanya napunta. Pero wala na siyang pakialam sa pagiging usisero ng mga kaibigan niya. Hearing Jomar’s captivating voice after four years was one of the greatest things she’s been waiting for years.

“Yes, it’s me. Sorry, hindi na ako makatiis na hindi ka makausap. I know sa weekend pa ang right time natin para magkita pero, I missed you this much. Kamusta ka na?” 
            
             “Okay lang naman. Ikaw kamusta ka na?”
            
              “Much better now that I hear your voice. I miss you more than I miss the Philippines. Na-miss mo rin ba ako?” pawang alanganin ito nang itanong iyon.

            “Oo naman, if you only knew.”

            “So I see you then this weekend? Same time, same place. Okay?”

            “Yes, I’ll be there.”

            “I need to drop the call, Cattie. You take care okay.”

            “Yes, I will. Ikaw rin.”

            Hinintay niyang mag-busy tone pero nanatiling naka-hang ang phone.

            “Cattie?”

            “Yes?”

“You’re more beautiful today. Looking at you from afar makes me feel stupid of letting you go. I promise to make it up to you.”

            Natigilan siya. Nasa paligid lang si Jomar! She was about to ask where he is when she realized that the call was already dropped. Mula sa glass wall ng shop ay nakita niya ang isang BMW na naka-park. Ibinaba ng driver ang bintana at ang nakita niya ay si Jomar. Ngumiti ito sa kanya at nag-waved as sign of goodbye, bago ito umalis ng Kofi Cups.

            Na-over surprised siya. Hindi naman niya akalaing gagawa ng ganong gimik si Jomar. He was not that kind of man that will take actions like that. Napaka-simple ni Jomar. Bagama’t sweet at romantic na ito noon pa man, hindi naman ito mahilig sa mga pagimik-gimik para mapangiti siya. But this one was totally new. Kaya kahit ilang minuto na, tulala pa rin siya.

            “Uy, maga-alas tres na, may klase ka pa!” untag ni Kofi.

            Napatingin siya sa relo. “Ay oo nga!” Dali-dali niyang iniligpit ang gamit niya at nagmadaling lumabas ng Kofi Cups. “Be back, guys! I love you all! Muwaaah!”

            “Ulol!” korong hirit ng barkada niya sabay tawa.



            DALA-DALA ni Cattie ang pagkatulaley sa pagpasok niya sa opisina. Kahit ilang araw na ang lumipas nang mangyari ang pagpapa-sweet ni Jomar sa kanya, pakiramdam niya ay kahapon lang nangyari iyon. At ang isa pang nakakapagpatulala sa kanya ay ang katotohanang bukas na ang grand pagtatagpo nila ni Jomar. Excited na siya. Kahit pigilan niyang ma-excite ay nae-excite talaga siya. Naplano na nga niya ang lahat mula sa isusuot niyang damit, ayos ng buhok, shade ng make-up at sa lahat ng pwedeng mangyari.

            Epekto ng pagkahilig sa online pocketbooks kaya kung anu-ano tuloy pantasya ang dine-day dream niyang mangyari sa kanila ni Jomar. Pumupuslit siya ng pagbabasa ng online pocketbooks sa opisina kapag hindi masyadong ngarag ang trabaho niya. Kasalukuyang nagpapantasya este nagbabasa siya nang hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya ang editor in chief nila.

            “Maganda ba ang kwento niyan?”
            “Oo,” wala sa sariling tugon niya. “Nakakakilig. Super papable ng guy. Haay…”

            “Hmm, alin kaya ang mas maganda? Ang i-demote kita o masesante ka?”

            Patay!  Hindi niya alam kung saan susuot nang mapagtantong ang boss pala niya ang kausap niya na inakala niyang kaopisina lang. “Ma’am, sorry po.”
            
             Umiling lang ito. “Miss Parlat, I need you in my office. Sumunod ka na do’n ha.”

            “Opo.”

            Sumunod siya sa opisina. Agad siyang umupo sa visitors’ chair.

            “Miss Parlat, Gusto mo bang mapadali ang promotion mo?”

            Nag-angat siya ng tingin sa tinuran nito. Ang buong akala niya ay makakatikim na naman siya ng sermon dahil sa obvious na pagpetiks niya sa trabaho. Promotion pala ang topic nila ngayon. “Ma’am, wala naman pong hihindi diyan sa tanong n’yo. May bago po ba kayong Project na ipapaayos sa ‘kin?” O bagong pahirap na ipapasa sa akin?

            Tumango ang editor in chief. “Kapag naiangat mo ang identity value ng Celeb Magazine, ikaw na ang magiging bagong associate editor dito. And there’s one way to do that.”

            Mukhang natutunugan na niya ang ipapagawa ng boss niya. Isang linggo na nilang pinagdedebatihan kung sino among hottest celebrity icons ang ipi-feature ng magazine sa sunod na buwan bilang anniversary issue. Isa sa suggestion niya ay ang Thunderkizz Band. Sa tagal na ng grupo at sa kabila ng kasikatan ng grupo ay never pa itong nai-feature exclusively sa kahit anong showbiz magazines. Mahigpit, nakakatakot at demanding kasi ang talent manager ng grupo kaya walang nakakalusot na showbiz magazine dito.

            “Grab Thunderkizz Band for our anniversary issue?” dugtong niya.

            “Bingo! Sa dami ng fans ng Thunderkizz, kapag nakapaglabas tayo ng issue na exclusive sa kanila, tiyak na kikilalanin ang Celeb Mag sa industry. And I want you to take charge of negotiating with Mr. Haime Catacutan.” Ang famous terror talent manager ng grupo ang tinutukoy nito.  “What do you think, Cattie? Kaya mo ba?”

            She was already planning in her mind. Ako pa?! Kaya! “May alam akong paraan, Ma’am pero kailangan nating makipag-compromise.” Sinabi niya rito ang proposal niya. Hihintayin na lang niya ang approval ng board bago siya kumilos.

            Pagbalik niya sa table niya ay sinalubong siya ng isang bouquet of flowers na nakapatong sa swivel chair niya. She grabbed the card.

            My sweet Cattie,
                        Wala lang, na-miss lang kita. Can’t wait to see you again. Mag-iingat ka sa byahe bukas ha.
                                                                                                                        Jomar  
           

            Napangiti siya. Lalo lang tuloy siyang napuno ng excitement.



            CATTIE entered Kofi Cups and Sweets with her new dress, new shoes and new hairstyle. Dumaan muna siya doon bago pumunta ng Tarlac kung saan sila magkikta ng kanyang Jomar. Makikipag-meeting muna siya sa manager ng Thunderkizz.  Mayabang siyang sabihin na kaya niyang i-close ang deal sa Thunderkizz. Schoolmates sila ni Haime noon at kaibigan din niya ang napabalitang asawa nito na si Mhiel. Bagama’t hindi sila gaanong close ni Mhiel at lalo naman hindi sila close ni Haime, dagdag advantage na rin na kilala siya nito.

            “Wow Cattie! Sa’n ang debut party?” biro ni Kofi.

            “Ano ka ba kuya, JS Prom niya ngayon,” gatong pa ni Leo.

            “Ewan ko sa inyong dalawa!” hirit niya. “Di n’yo ba nakikita? Aabay ako sa kasal?!” sakay na lang din niya sa biruan na ikinatawa ng lahat ng ando’n.

            “Ang swerte naman ni Jomar sa’yo. Kung ganyan ka araw-araw at wala akong oh my Regine, mai-in love ako sa’yo,” hirit pa ni Leo.

            “Patawa ka, Leo. Hindi ako pastry chef. Malabo iyang sinasabi mo.”

            “Oo nga.”

Dating gawi, umupo siya sa favorite corner ng tropa nila. Si Dhey, Chrys at Maria May lang ang ando’n na abala sa pagsabay sa kantang naririnig sa buong Kofi Cups. At dahil maaga pa, Happy na naman ang pampagising nila.

            I wanna take you to my world to be happy. ‘Cause I can’t live without your love, yes you know. I’ve never needed anyone to be happy. But that’s the way that things go wrong, yes you know… I was afraid to open my eyes. Don’t even know how many tears that I’ve cried. Now that I found the love of my life… I don’t get down down down…

May pakulo din naman ang Kofi Cups. Pag Sabado ng gabi ay may “Song for the Dhey” kung saan si Dhey ang bida-bidahang singer na kumakanta kasabay ni Kofi at Chrys. Acoustics at love songs lang ang gimik nila roon. Katuwaan lang ang segment na iyon. Ni walang bayad pero nage-enjoy naman ang lahat kaya sulit. Sayang nga lang at hindi siya makakasama mamayang gabi.   

            “Cattie, sana four years ago nagsuot ka na ng ganyan. Nagkatuluyan pa siguro tayo,” biro ni Chrys. Minsan na itong nagparamdam sa kanya pero dinedeadma lang niya. Alam din naman niyang hindi ito seryoso dahil sa simula pa lang si Maria May naman talaga ang dahilan ng mga ngiti nito bawat araw.

            “Tse! Kahit nagbestida ako no’n hindi pa rin kita papatulan. Babaero ka kaya,” hirit niya.

            “At palaging confused,” dagdag ni Dhey.

            “Agree!” hirit ni Maria May.

            Sumimangot si Chrysler at makahulugang tumingin kay Maria May na kay Cattie naman nakatingin. “Hindi na ngayon ano! Sa isang babae na lang ako.”

            Makikipagkulitan pa sana siya nang pumasok na ng Kofi Cups ang Thunderkizz Band. Kasama ang mga asawa ng mga ito at si Haime na kasama si Mhiel.  Lahat ng babae ay halos mapatili nang makita ang sikat na sikat na bandang ito na bagama’t lahat ay kasal na, matindi pa rin ang charisma sa masa. 

            Intimidating ang grupo na pawang sanay na sanay na sa mga matang nakapukol sa kanila. Ngiti lang ang iginanti ng mga ito sa mga taong ando’n. Okay na sana ang entrance ng grupo nang mayabang ding sunod na pumasok ng Kofi Cups sina Rojun at Rowell.

            Kumaway pa ang dalawa sa kanila. “Hi fans!”

            “Mukha mo!” tugon nila na ikinatawa lang ng lahat ng tao roon.

            Nagpaalam siya sa mga kaibigan at hinarap ang banda. Napapayag niya ang manager ng mga ito sa deal. 10% ng kikitain ng magazine issue ay mapupunta sa foundation na itinatag ng grupo bilang pag-alala sa namatay na kakambal ni Hansen Ferrer. Dahil sa humble offer na iyon ay napapayag niya ang manager. Solve na.

            “Thank you very much, Mr. Catacutan,” nakangiting sambit niya habang nakipag-shake hands siya dito bilang pagtatapos ng deal nila.

            “For a former schoolmate, it’s nothing. Kami pa nga ang dapat magpasalamat dahil magdo-donate kayo sa foundation namin. So hindi na rin kami magtatagal, Cattie. Mga pagod na sa concert itong banda e.”

             Binalingan niya ang Thunderkizz band. Mga tahimik na ang mga iyon at halos lahat ay nakadantay na sa mga asawa ng mga ito. “Okay, mag-follow na lang ako sa mga susunod na araw.”

            “Bye, Miss Cattie!” korong pamamaalam ng band members. Nangingiting inihatid niya ng tanaw ang mga ito. Yes! Promotion here I come!

            “O tara na, gagabihin tayo sa daan,” untag ni Rojun.

            “Sige kuya,” sambit niya.

            “Teka, saan kayo pupunta? Sama ako,” hirit ni Rowell.

            “Sasamahan mo pa si Melai di ba?”

            Umiling ito. “Ayokong samahan iyong lukring na iyon. Mag-eermitanya lang iyon e.”

            Pinandilatan ito ni Rojun.

            “Sabi ko nga, sasamahan ko si Melai mag-ermitanya sa kagubatan. Sige, ingat!”

            Ilang minuto pa ay nasa byahe na siya papuntang Tarlac lulan ng kotse ni Rojun. Nagprisinta itong ihatid siya. Madalas man niyang kaasaran ito, maituturing pa rin niyang the best na kaibigan ang double R ng Kofi Cups.

           “Sigurado ka bang sisiputin ka ng lokong iyon? Baka nagpapa-cute lang iyon. Papaasahin ka lang no’n.”

            “Kuya, matino iyon. Tsaka, nagparamdam na siya na sisipot siya,” tugon niya bago siya bumaba ng kotse nang i-park iyon ni Rojun sa labas ng Rest My Heart Cemetery. Doon ang meeting place nila. At tamang-tama lang ang dating niya roon, malapit ng gumabi.

            “Okay sabi mo eh. Susunduin ba kita?”

            “’Wag na. For sure naman, ihahatid niya ako.”

            Nagkibit-balikat ito. “Okay, kung sakaling hindi ka niya siputin—”

            “Kuya! Sisiputin niya ako! ‘Wag kang kontrabida!”

            Tumawa ito. “Kung sakali lang naman,” giit nito. “Tawagan mo lang ako. I’ll just be around okay?”

            “Oo na.”

            In split of seconds, nakasibat na si Rojun. Excited na pumasok si Cattie sa kakaibang cemetery na iyon. Hindi tao ang nakalibing sa cemetery na iyon sa Tarlac. Mga bagay at emosyon nag nakalibing roon. Nang makapasok siya sa lobby ay sinalubong siya ng tauhan ng cemetery.

            “Hinihintay na po kayo ni Mr. Salazar sa libingan,” sambit nito. “This way, Ma’am.”

            Tumalima lang siya. “Thank you.” 

            Paglabas niya ng lobby ay naging romantic na ang ambiance ng paligid. May flower petals na nakakalat sa daraanan niya. May mga maliliit na lights din sa mga puno na nagdagdag sa romantic ambiance ng lugar. Then she heard the sound of guitar harmonizing a familiar song. The next thing she saw was Jomar playing guitar sa puntod na nilibingan nila ng kanilang relasyon four years ago.

            You’re my piece of mind in this crazy world. You’re everything I’ve tried to find. You’re love is a pearl.

            She felt her heart beats faster while staring at him. Jomar was much superbly attractive today than he was four years ago. Nag-mature ang hitsura nito and those changes made him looked lovier than before. She was stunned by his presence. 

            You’re my Monalisa. You’re my rainbow skies. And my only prayer is that you realize. You’ll always be beautiful in my eyes….

            He was lovingly gazing at her while singing their favorite song until she was near him. Nang hustong makalapit siya ay hindi na nito nagawang ituloy ang pagkanta. Binitawan nito ang gitara at masuyong niyakap siya. 

            “My sweet Cattie..,” usal nito.

            Waaah! Ang bango- bango mo, Jomar! Nakakaloka ka! Dumoble ang kabang nararamdaman niya nang lalong humigpit ang yakap nito sa kanya waring sinusulit ang apat na taong hindi sila magkasama.

            “Jomar—”

            “Sandali lang. Ganito muna tayo please. Sobrang tagal kong hinintay ang araw na ito. Susulitin ko lang.” Lumuwag sandali ang yakap nito at hinalikan siya sa pisngi. 

            Haaaay! Isa pa!

            Narinig ata nito ang tinatakbo ng isip niya. “Cattie, I can’t believe this thing is happening. I thought I will no longer able to be with you.” Hinawi nito ang buhok niya at masuyong hinalikan ang kanya noo. Pagkatapos ay pinaglapat nito ang noo nila.  Their nose touched. And she found her happiest heaven at last. Bumalik ang familiar na kilig, ang familiar na saya, ang familiar na strange feeling na akala niya ay nakalimutan na niyang maramdaman. This is it! This is really is it!  



PREVIOUS                                                                           NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…