Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: Regine's Surrendered Heart-Part 3





Tahimik lang si Regine habang lulan siya ng kotse ni Rowell. Laman ng isip niya si Leo. Naiinis siya dito. Akala pa man din niya ay magtutuluy-tuloy ito ng panunuyo sa kanya pero dahil lang sa kinantahan siya ni Kofi at sinabi lang ni Rowell na may date sila, e bigla na lang nagbago ng treatment itong si Leo. Masarap sanang isipin na nagseselos ito. Senyales iyon na totoo ang nararamdaman nito sa kanya. Pero nabubwisit pa rin siya.  Paano kung totohanin nito ang sinabing wala na itong pakialam sa kanya?

            Bakit ngayon? Kung kelan pa may desisyon na siya.

            Napabuntong–hininga siya ng malalim.

            “Ang lalim naman no’n, oh my Regine!” panggagaya ni Rowell sa endearment na ibinigay sa kanya ni Leo noon.

            “Sige, mang-asar ka pa. Siguro talagang pinanganak kayong dalawa ni kuya Rojun para may mga magaling mang-asar sa mundo ano? Kasalanan mo kasi. Hindi naman talaga date as in romantic date ito. Pwede mo naman sabihing client meeting dahil client meeting naman talaga ito with Faith!”

            “Eh sa mas maganda sa pandinig ang date kesa client meeting e,” tugon nito. “Kung ayaw mo pala, bakit hindi mo itinanggi sa kanya? Sinakyan mo lang ang trip ko kaya kayo magulo ngayon.”


            “Kasalanan mo iyon!”

            “Sinabi ko bang sakyan mo ang trip ko?”

            Natigilan siya. Alright, kasalanan nga niya. Kung hindi kasi siya pinagtaasan ng boses ni Leo, hindi naman iyon mangyayari. Nabuwisit lang talaga siya.

            “Ang problema kay Leo, masyado siyang seloso. At ang problema sa’yo, ginagatungan mo ang selos niya. It was very obvious, he likes you and you like him. Why don’t you just admit it? Go on, tell him.”

            Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Bakit ako ang aamin? Magtatapat ako sa kanya? Eh paano kung hindi na niya ako gusto? Sasabihin kong mahal ko na siya? E paano kung hindi naman niya ako mahal at pinagtitripan lang niya ako?” Natutop niya ang bibig nang ma-realized ang pinagsasabi niya. Mahal ko siya? Paano nangyari?

            Lalo siyang nabuwisit nang lingunin niya ang pangisi-ngising si Rowell.

            “Nakakaasar ka na talaga kuya!”

            “Sorry, nakakatuwa ka kasi at nakakatuwa rin si Leo.” Umiling ito. “Pagdating talaga sa’yo e wala talaga siyang tiwala sa ibang tao.”

            “Huh?”

            Itinuro nito ang bintana ng kotse. Nang lumingon siya ay saktong tumambad sa kanya ang pamilyar na motor na naghahatid sa kanya pauwi, gabi-gabi. Leo was driving smoothly along with the car where she’s in.

            “Inihahatid niya ako?” Gulung-gulo na ang isipan niya. Pabagu-bago ata ng trip itong si Leo. Akala ba niya, wala na itong pakialam sa kanya? Bakit ginagawa pa rin nito ang paghahatid-hatid drama nito.

            “Hindi rin ako sigurado.  Pwedeng sinadya niyang sa iisang lugar lang tayo magde-date,” tugon nito.

            “What do you mean? May ka-date na siyang iba?” Nalungkot siya. Kung nagde-date ito ng iba, malamang unti-unti na siyang binubura nito sa puso nito.

            “May date sila ni Melai.”

            “Si ate Melai? Napapayag niyang makipag-date?”

            “Sinindak niya si Melai, hindi niyaya.”

            Napailing siya. Kawawa naman ang kaibigan niya. Napilit maging date ni Leo ng wala sa oras. Nilingon niyang muli ang bintana. Andon pa rin si Leo, nakapanabay sa kotseng sinasakyan niya. “Siraulo talaga.”

            “I second the motion.”

            Sinenyasan siya ni Leo na ibaba ang bintana ng kotse. Hindi niya alam kung ano ang trip nito kaya binaba na lang niya. Lumapit ito sa kotse at iniabot sa kanya ang isang stemmed rose habang patuloy na nagmamaneho ng motor. Pagkabigay noon ay nag-overtake na ito sa kanila.

            Kunot ang noong tiningnan niya ang  white rose. Nakikipagbati na ba ito sa kanya kaya siya binigyan ng white rose?

            “Nanunuyo na ata uli sa’yo, Regine.  Ang gulo talaga ng lalaking iyon.”

            Napansin niya ang maliit na papel na nakatali sa rose. 

            I don’t know what you did to me. But I just can’t stand being away from you.

            “Waaaaah! Mababaliw na ata ako!” bulalas niya.

            “Welcome to the club.”


           
            KUNG saan ang date nina Rowell at Regine ay doon rin dinala ni Leo ang natripan niyang i-date out of frustrations niya. Small world dahil kaibigan din pala ni Regine ang nakaray niya. Ang ending nila ay sa Senang Hati Music Lounge. At pagkapasok nila sa loob, agad niyang pinili ang mesang di kalayuan sa dalawa. At throughout the moment, masamang tingin lang ang pinukol niya kina Regine at Rowell habang tila walang pakialam na nagtatawanan pa ang mga ito.

            Nananadya nga siguro si Rowell. Panay pa ang paghawak nito sa kamay ni Regine dahil alam nitong nakikita niya iyon. At katulad kahapon, hindi pa rin niya nagugustuhan ang nakikita niya. Kung pwede lang na kaladkarin na niya palayo si Regine para hindi na ito mahawakan pa ni Rowell. Kaso, hindi na pwede. Totoo namang wala siya sa posisyon para maramdaman at gawin iyon. Pero ano bang magagawa niya kung inamin na niya sa sariling mahal na niya ang masungit na chef na ito?

 Gumanti siya. Nang lumingon si Regine at nagtama ang kanilang mga mata ay agad niyang hinawakan ang kamay ni Melai. Parang wala rin naman pakialam ito sa kanya dahil abala ito sa pagte-text.
            
             “Sa akin ka nga nakahawak ng mahigpit, sa kanya ka naman nakatitig,” saad ni Melai.

            Natigilan siya. Masama nga naman ang dating na may ka-date siya pero ang atensyon niya ay nasa iba. Nahiya tuloy siya nang bitawan niya ito. “Oh, I’m sorry, Melai.  I just can’t—”

            “Stand it?” Tumawa ito nang sumimangot siya.

            “Ayokong marinig ang kantang iyan sa ngayon. Lalo akong naiinis.”

            On cue ay Can’t Stand It pa ang sunod na kinanta ng nakasalang na acoustic singer ng music lounge. 

            Napailing siya. Galit nga ata talaga sa kanya ang mundo.  “Pero sorry talaga. I didn’t mean to offend you.”

            Tumawa ulit ito. “Ako offended? Hindi ano. Binasa ko lang iyong quotation na pinadala sa akin ni Rowell.”

            Ipinakita nito ang text message na kapareho nga ng sinabi nito kanina. “Sinabi ng mouse nang pagselosan niya si monitor? Ayos ah, nagsasalita na pala ang mouse ngayon.” Pero sino ba ang naglolokohan? Alam niyang pinatatamaan siya ni Melai. 

            “Mahal mo siya di ba? Bakit hindi mo na lang sabihin?”

            “Hindi naman niya ako mahal. E ano kung sabihin ko pa iyon? Ipagtatabuyan din naman niya ako,” sambit niya.

            “Have you ever asked if she likes you?”

            “No. I know the answer is no.”

            “Have you ever tried to tell her how much you love her?”

            “No. For sure her answer is no. Crush niya si Kuya at ka-date niya si Rowell. Baka namimili na siya sa dalawa.”

            “So tatanggapin mo na lang na olats ka?” tanong nito sabay simsim ng iced tea.

            “No!”

            “Pero ayaw mong lumaban.”

            “May laban ba ako?”

            “Aba lahat ng tao may laban. Ang natatalo lang e iyong umaatras sa gitna ng duwelo. Pag hinamon ka na ng suntukan, makipag-upakan ka. At least lumaban kesa sumuko na lang.”

            May point pero paano siya lalaban? Pakiramdam niya isang rejection na lang hindi na niya kakayaning ibangon pa ang pride niya.

            Maya-maya pa ay nakita niyang tumayo ng mesa si Regine, humalik sa pisngi ni Rowell at lumabas na ng Senang Hati.  

            Napakunot ang noo niya. “Ano bang date iyang kaibigan mo, Melai? Ni hindi man lang inihatid ang oh my Regine ko,” reklamo niya. Siya nga kahit mahuli pa siya sa trabaho, ayos lang basta maihatid niya si Regine. Kahit nga tumakas siya sa presinto ginagawa niya para lamang masigurong ligtas na makakauwi ito. Tapos itong si Rowell, parang wala lang? Pauuwiin lang mag-isa ang prinsesa niya.

            “Eh di ihatid mo siya.”

            Umiling siya. “Hindi ko ugaling iwanan ang date ko sa ere.”

            “Ibang klase ka, Leo.”

            Yayayain na sana niyang umuwi si Melai nang makita niyang may babaeng lumapit kay Rowell na hinalikan din ng binata sa pisngi. Kilala niya ang babae. Iyon ang ex-girlfriend ni Chrysler.

            “Hey Faith! So how are you today, sweet lady?”

            “Oh, I’m fine. If you don’t mind, can we go some other place?”

            “Sure, sweet lady.” 

            Maya-maya pa’y umeskapo na rin ang dalawa.  Nagtimpi lang si Leo. Kung nagkataong hindi siya isang pulis na naghahangad ng promotion, ay baka naupakan na niya si Rowell.  Anak ng iced tea! Two –timer pa ata itong si Rowell.

            Nakuyom niya ang kamay sa pagtitimpi. May oras pa kasi siyang habulin si Rowell at upakan dahil hindi pa naman nakakalayo iyon.

            “Hinding-hindi na niya maide-date ang oh my Regine ko. Hindi sila bagay,” asar na sambit niya.

            “Magtapat ka na lang kasi kay Regine para back-off silang lahat. Wala na talagang makakalapit kay Regine. Para malaman na rin ang resulta ng pustahan.”

            Pinandilatan niya ito. “Pumusta ka rin?”

            “Hindi. Pero Nakakatuwa lang iyon. Pinagpustahan ng buong Kofi Cups ang love life mo. Isang bagay lang, Leo. Wala ka naman kasing karibal kundi ang sarili mo.”

            “Anong ibig mong sabihin?”

            Ngumiti ito. “Kung pwede ko nga lang sabihin. Tara, umuwi na tayo.”

            Confused. Kailangan na nga siguro niyang pag-isipan ang lahat para na rin hindi niya masaktan si Regine o hindi rin siya masaktan.

            Inihatid niya si Melai. Pagkatapos ay pumunta siya sa tapat ng bahay ni Regine pero hindi naman niya nagawang kumatok para makipag-usap dito. Doon lang siya nag-isip. Nang makabuo ng desisyon ay saka siya umuwi. Ngunit habang nasa byahe siya ay naramdaman niya ang isang kotse na sumusunod sa kanya. Nagpaikot-ikot muna siya at nang makumpirmang sinusundan nga siya, inihanda na niya ang baril. Malamang mga tauhan ng drug lord na naipakulong nila recently ang mga iyon. Confirmed. Maya maya pa’y pinagbabaril na nga siya. Nakipagpalitan siya ng putok. Salamat sa expertise niyang umilag sa bala at milagrong sa rami ng balang iyon ay walang tumama sa kanya. Wala na siyang choice, he jumped out of his motorcycle. At dahil madilim ang lugar, inakala siguro ng mga iyon ay may tama siya. Kung tama ang hinala niya, delikado rin si Xeiji. Si Xeiji ang abugado na naging dahilan ng pagkakakulong ng drug lord na iyon. 


            “NAMI-MISS mo rin siya ano?” usisang tanong ni Kofi kay Regine.

            It has been two weeks and Leo kept his promise that he will no longer care about her. Hindi na siya nito sinusundan para ihatid. Hindi na ito pumupunta sa kitchen para mangulit at para manggulo. Hindi na rin ito madalas pumunta sa Kofi Cups.

            Nalulungkot siya. Akala niya hindi nito kayang maging malayo sa kanya. Pero mukhang kinakaya na nito ngayon.

            “Wala lang nanggugulo sa akin Kuya Kofi. Nakakapanibago,” tugon niya.

            “Ako rin naninibago. Dati kasi kahit ipagtabuyan ko si Leo, sisiksik pa rin iyon dito sa Kofi Cups. Pero ngayon, matagal na ang mag-stay siya ng fifteen minutes dito.”

            “Sorry kuya.”

            “No. It’s not your fault. Kung pwede ko nga lang sabihin sa’yo pero hindi makakabuti sa’yo ang mag-alala pa sa kanya kaya tatahimik na lang ako.”

            Kunot-noong binalingan niya si Kofi na abala sa pagbe-blend ng Capuccino.  “Kuya….” Napansin niya ang kakaibang ginagawa nito sa kape. Mukhang special ang pagbibigyan.

            “’Wag mo akong pilitin baka bigla kong masabi. Magkakaaway kaming magkapatid pag nag-ingay ako.”

            “Hindi naman iyon ang sasabihin ko e.” Itinuro niya ang Cappucino nito. “Ang corny ng chocolate sprinkles na iyan.” Nakahugis kasi iyong heart. 

            Napakamot sa ulo si Kofi na tila nahihiya. “Nasa labas si Nurse Eloi, ibibigay ko lang ‘to.”

            Napangiti siya. “Kantahan mo siya kuya. Kung hindi umubra iyong pagma-magic mo kahapon, baka madaan mo sa serenade ngayon.”

            “Suggestion taken.” Lumabas na ito ng kitchen dala ang corny nitong Cappuccino.

            Naiwan siyang malungkot na nakatitig sa pineapple tart na ginawa niya. Nagbabaka-sakali siyang dumaan doon si Leo. Ipapatikim niya dito ang totoong pineapple tart specialty niya. Somehow, she’s hoping na kahit sa tart man lang maging okay na sila.

            Narinig niya ang ingay mula sa labas. Kinakantyawan na ng lahat si Kofi. Maya-maya pa’y naririnig na niya ang boses nito na kumakanta. Sabi na nga ba, in love ang boss niya.

            You make me happy whether you know it or not. We should be happy that's what I said from the start. I am so happy knowing you are the one that I want for the rest of my days. For the rest of my days. You're all of my days…

           
Mukhang may proposal na nagaganap sa labas. Kailangan niya iyong masaksihan. Papalabas na siya ng kitchen nang bigla na lang sumulpot sa pinto si Leo at humarang sa daraanan niya. Waah! Leo!

            “Wag ka ng lumabas, masasaktan ka lang,” sambit nito.

            She can read lots of emotions in his eyes. Worried, caring, scared, loving. Hindi nga lang siya sigurado kung para sa kanya lahat ng emosyon na iyon.

            Itinuro niya ang mesa. Na-miss kita! “May ginawa akong pineapple tart para sa’yo. Andun sa mesa—”

            “Hindi na ako bata para utuin, Regine. Kung may feelings ka sa kuya ko, masasaktan ka lang. May mahal siyang iba. Nagpo-propose na siya.”

            “Alam ko.” Itinulak niya ito.   “Tumabi ka nga, sisilip ako sa moments.”

            Ngunit sa halip na paraanin siya ay iginiya siya nito papasok ng kitchen at ini-lock ang pinto. Sila lang dalawa ang tao roon.

            Salubong ang kilay ni Leo. Mukhang asar na asar sa kanya. Akala talaga siguro nito ay dead na dead siya sa kuya nitong gwapo. Kung alam lang nito kung gaano niya ito na-miss. Kung hindi nga lang aggressive ang dating ay kanina pa niya ito niyakap sa sobrang pagka-miss niya rito.

            “Alam mo rin ba na may ka-date na iba si Rowell?” tanong nito.

            Sino? Si kuya Rojun? Hehe. Ah! Si Faith! “Oo naman,” tugon niya.

            Nagpunta siya sa kitchen counter at inasikaso ang pineapple tart. Sinundan siya roon ni Leo, still salubong ang kilay.

            “Okay lang sa’yo iyon? Ano ka ba, Regine!”

            “The last time I checked, tao naman ako.” Sumimangot ito at tumawa lang siya. “Okay lang ako. Ikaw, okay ka lang? Bakit mo naman kasi pinoproblema iyan?”

            “Can’t you see it? Hindi ka nila mahal pareho. Sinayang mo ang oras sa kanila. Samantalang ako, mula simula andito na ako sa harap mo, hindi mo lang makita!”

            Mukhang seryoso nga sa pagda-drama itong si Leo. “Nakita kita. Inisip mo lang na hindi. At saka wala akong nasayang na oras.”

            “Ano bang nagustuhan mo sa dalawang iyon? Ang boses ni kuya? Kakantahan kita kahit sintunado ako. Mas gwapo ako kesa kay Rowell. Mas romantiko ako sa dalawang iyon if only you will give me the chance.” 

            Oo na sige na! “Di na iyon kailangan, Leo.”

            Lumungkot ang mukha nito. “Wala ba talaga akong ka-amor-amor sa’yo?”

            Sinubuan lang niya ito ng pineapple tart bilang sagot. “Wano, mwakit ngindi mwo…” Nginuya muna nito ang pineapple tart. “Sarap naman no’n.”

            “O, eto pa.” Isinubo niya uli dito ang isa pa.

            Mukhang nagustuhan nito ang tart niya.

            “Teka!” maya-maya’y sita nito. “Dina-divert mo ang atensyon ko e. Sagutin mo ang tanong ko! Wala ba akong ka-amor-amor sa’yo?”

            Sinubuan lang niya ito ng pineapple tart at inabutan ng iced tea.

            “Regine!” tila naaasar na untag nito.

            “Ano sa tingin mo?” She smiled making him feel clueless of what she was thinking.

            “Inuubos mo ang pasensya ko.”  He moved closer to her face.

Tumungo siya dahil kinakabahan na naman siya. She missed that feeling but yet, she was afraid he would find the answers in her eyes.

He gently touched her chin. Napilitan siyang mag-angat ng tingin. She was greeted with his breath-taking smile. “Mahal kita, Regine. Hindi ko rin alam kung paano nangyari iyon pero…mahal talaga kita.”

She felt her heart skipped faster. He just finally said it. At sa sobrang saya ni Regine, pakiramdam niya ay maiiyak siya. “A-ako rin ata.”

“Ata?” Nagliwanag ang mukha nito. “I’ll make you sure of it.” Without any ceremony he grabbed her nape ang lovingly kissed her. Hindi na niya namalayan na nag-give in na siya. Mahal nga niya si Leo. Now, malinaw na sa kanya ang lahat. 

Matapos siya nitong halikan ay mataman siyang tinitigan nito habang yakap siya. “Still have doubt? Kaya kong maging higit kay kuya—”

Sinubuan niya ito ng pineapple tart. “May love story siyang kanya, hindi siya kasali sa love story natin.”

“Oo nga naman.” He smiled.  “Pahingi pa nga niyan. Mag-half day ka na lang kaya. Mag-date tayo.”

  Tumawa siya. Sinubuan niya uli ito ng pineapple tart. “Hindi pwede, sayang ang sweldo ko—”

“Dapa!”

Bigla na lang silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Maagap na pinrotektahan siya ni Leo, sabay kuha ng baril nito at cellphone. May kinausap ito sa kabilang linya. “Chief, pinapaulanan ng bala ang Kofi Cups.”

The next thing she knew, niraratrat na nga ng bala ang buong coffee shop. Natakot na siya.

“Leo, anong nangyayari?”

 “May gustong pumatay sa amin ni Xeiji. Diyan ka lang.”

Iyon marahil ang dahilang sinasabi ni Kofi kaya hindi masyadong naglalagi doon si Leo at maging si Xeiji.“Teka, ayokong maiwan dito.”  Gumapang na rin siya papalabas ng kitchen.  Naabutan nila lahat ng tao na nakadapa at kanya-kanya ng tago, makaiwas lang sa bala ng baril.

“Diyan ka na lang, wag ka ng susunod,” sambit ni Leo.

Tumayo ito at pinaputukan ang mga naka-motor na nagpaulan ng baril. Lalo siyang natakot para kay Leo. Nang tumakas na ang mga iyon ay lumabas din si Leo, sumakay sa motor nito at dali-daling sinundan ang mga masasamang-loob na iyon.  Kabuntot na rin nito ang mga back up na pulis.

Napadasal na lang siya na sanay walang mangyaring masama dito.

“Okay lang kayo?” tanong agad ni Kofi sa mga customers. Binalingan nito ang yakap-yakap na si Nurse Eloi. “Are you okay?” Tumango lang ang nurse.

Basag lahat ng glass wall ng buong coffee shop. Pero para kay Kofi, mas mahalaga ang kaligtasan ng lahat ng taong naroon.

“Ano bang nangyayari?” tanong ni Cattie.

“Oo nga. Pang-romance lang tayo, hindi tayo pang-action movie!”  hirit ni Dhey.

“Sorry, my fault.” Lahat ay kay Xeiji napunta ang atensyon.  Nag-beep ang message alert ng cellphone nito. Matapos basahin ang mensahe ay napakunot ang noo nito.

“May death threat ka na naman, pare?” tanong ni Chrysler.
        
         “Hai! Tingnan nyo. Di ko aram kung death threat yan. Decipher please!” Iniabot ni Xeiji ang cellphone nito sa kanila.
     
        Eowow powh, 4++0rN3^. 3Uz+4h? 647!N6 N!0 p0wh +@7@6@.

            Hindi niya alam kung matatawa ba o ano sa nabasa.

            “Attorney, jejemon lang iyan e!” Napakamot pa sa ulo si Kofi. “Pambihira ka!”

            “Ganon?”

            “Oo!” tugon nilang lahat. 

            “Ano jejemon? Karahi ng pokemon?”

            “Mahabang explanation attorney. I-research mo na lang!” hirit ni Chrysler.

            Nag-ring uli ang cellphone ni Xeiji. “Herow?!” Kumunot ang noo nito at biglang nagtaas ng boses. “I told you, whatever you do to me, I will not give her to you! Kung ako gusto n’yo patay, sige patay n’yo ako! Pero di ko bigay bata sa inyo! Kahit patay na ako, di nyo siya makuha sa akin!” He drastically ended the call. “Aitsu! That creep! Baka!”

            “Oh my! May death threat ka nga!” sambit ni Regine. “May death threat din si Leo.”

            “Kami ni Leo protector ni Beatriz Joy. Kahit ako patay, kahit Leo patay, di makukuha  ng drug Rord na iyon anak niya.”

            Biglang nagdagsaan ang mga tao sa shop. Pulis, usisero at ang mga malalapit na tao sa kanila.  Bumalik na rin si Leo.

            “Regine!” Niyakap siya nito. “Okay ka lang ba? Sorry ha.”

            Umiling siya. Ang mahalaga ligtas ito. “Okay lang kami dito. Wala namang nasaktan. Ikaw? Okay ka lang?”

            “Hindi ko nahuli lahat. Dalawa lang ang nasakote ko.” Bumaling ito kay Xeiji. “Confirmed. Si Beatriz Joy ang hinahanap nila. Hindi nila tayo titigilan hangga’t hindi nila nababawi ang bata.”

            “Hayaan mo, sira di kita ang bata. Bahara sila buhay nira.”

            Humigpit ang yakap ni Leo kay Regine. “Sana hindi ito maging dahilan para magka-doubt ka na naman sa akin. Hindi kita ilalagay sa panganib, Regine.”

            “Okay lang iyon, Leo.” She moved closer at bumulong dito. “I love you, Leo.”

            “You don’t have any idea how happy I am today kahit na parang out of place ata tayo.” Hinalikan nito ang noo niya.

            “E, do you have an idea na andami naming nanood sa inyo?” hirit ni Cattie.

            Saka lang nila napansin na, oo nga. Andaming matang nakapukol sa kanila.

            “Mainggit kayo! May girlfriend na ko!” hirit ni Leo na ikinatawa nilang lahat.

            “O lahat ng talo diyan, akin na ang pusta n’yo para maibigay sa panalo!” hirit ni Dhey.

            “Andaya! Si Chrysler, Dhey at Regine lang ang panalo!” reklamo ni Cattie.

            “Cattie!”

            Tila naestatwa si Cattie nang marinig ang boses ng bagong dating na binata. Noon lang niya nakita ang binata doon.

            Tila praning na lumingon si Cattie. “Jo-Jomar?”

            Agad itong niyakap ng binata na mukhang alalang-alala dito. Sinalat pa nito ang mga braso at ikinulong ang mukha ni Cattie sa mga palad nito. “Are you okay? I’m so worried!” Niyakap uli ng binata si Cattie.

            “Okay… okay na okay! I mean, I’m just okay.”  Kitang-kita nila ang expression ni Cattie na tila kilig na kilig.

            “Nakakaamoy ako ng second chance!” tudyo ni Chrysler.

            “Oo nga, one more chance!”  sang-ayon ni Dhey.

            “I second the motion!”

            “Aba, Rowell buhay ka pa pala, sayang di ka tinamaan ng bala! Nasaan si Rojun?”

            “Bakit Dhey? Nami-miss mo?”

            “Tse!”

            “Tara, may moment na silang kanila diyan. Eskapo muna tayo—”

            “Candaza! Sumunod ka sa presinto.”

            Napangiwing bumaling si Leo sa hepe nito. “Sir Yes, Sir!” Binalingan siya uli nito. “Duty calls. I’ll be back, oh my Regine!” He leaned down and gave her a quick kiss. Pagkatapos ay bumaling ito kay Kofi.

            “Kuya, alagaan mo si Regine.”

            “Bumalik ka agad kung ayaw mong ipamigay ko iyan!”

            Tumawa silang lahat.

            “At bayaran nyo itong damages ng shop ko!”

            “May narinig ka ba, Xeiji?” tanong ni Leo.

            “Wara!”

            “Pambihira!”

            “Leo, ingat ka.”

            Ngumiti si Leo. He looked like very much happy of having her. “I will, oh my Regine.”



PREVIOUS                                                             NEXT STORY

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…