Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: Regine's Surrendered Heart- Part 2





“Oh my Regine, good evening!”

Nangunot ang noo ni Regine nang bigla na lang sumulpot sa harap niya si Leo. “Andito ka na naman?” asik niya.

Dashing with his police uniform, Leo walked towards her. “Masanay ka na, Regine dahil aaraw-arawin kita hanggang sa hindi mo na ma-resist ang charm ko at ma-in love ka sa akin,” nakangising sambit nito.

Napangiwi siya. Saksakan talaga ng kakulitan. Mukhang sumablay ang suggestion ni Kofi na gumawa siya ng palpak na pineapple tart para layuan na siya ni Leo. Kabaliktaran pa ang nangyari. Lalo itong sumusunod-sunod sa kanya hangga’t may oras ito. Panay ang pangungulit at pagtulong sa kanya.
         
        Ibinigay niya ang iniinom na black coffee dito. “O, tirahin mo nang matauhan ka naman! At para nerbyosin ka rin.”

            “Ay, thank you. Ininuman mo ba ‘to?”

            “Oo pero wala akong virus, malinis iyan.”


            Magiliw na ininom nito iyon. “Matamis pala ang lips mo, Regine.”

            Pinamulahan siya sa sinabi nito. “Tse!”

            “Hmmm, lasang barakong kape. Nice!”

            “Tse ulit!”

            Tinalikuran niya ito at inayos ang mga trays at pans na katatapos lang hugasan. Tapos na ang trabaho niya sa araw na iyon. At tanging siya na lamang ang natira sa kitchen para mag-ayos.

            “Uy, ako na diyan.” Inagaw ni Leo ang baking pans na buhat niya at ito na mismo ang nagsalansan ng mga iyon sa cabinet. “Pagsasabihan ko si kuya. Hindi ka niya dapat masyadong pinapagod dito.”

            “Maepal ka talaga ano? Kasama po ito sa job description ko. Tsaka, pauwi na rin ako. Konting abala lang naman iyan.”  Inagaw ulit nito ang mga pans na binuhat niya sabay ngiti.

            Matapos nitong maingat na ayusin ang mga trays ay binalingan siya nito. “Ang sipag mo talaga. Katulad mo ang gusto kong mapangasawa.”

            Pinandilatan niya ito. “Alam mo ang epal mo talaga. Iyong mga tipo mo ang hindi ko pinangarap mapangasawa.”

            Nagulat na lang siya nang lumapit ito sa kanya. He leaned on the table at her back. “Mahirap magsalita ng tapos, my Regine.” Nang magtangka siyang umiwas ay ikinulong na siya nito sa pagitan ng mga braso nito. He lovingly stared at her. Bigla na lang kumabog ang puso niya ngayong halos gahibla lang ang layo nito sa kanya.

            Nangkopo! Ang bangu-bango! 

            “Leo….” Utang na loob, lumayo ka… tukso!!

            “Hmmm…” Dumukot si Leo ng panyo sa bulsa at marahang dinampi iyon sa noo niya. She felt everything on her melted in the way he lovingly wiped the sweats on her forehead. Dumoble ang bilis ng heartbeat niya.  Ano bang nakita nito sa kanya at ganito ito umakto? At ano itong nakikita niya rito ngayon?

            Oo, crush nga niya si Kofi but Leo was giving her the damn feeling she was innocent at all.

            “Pinagpapawisan ka na. Siguro pagod ka na.”

            “Pwede bang lumayo ka?”

            Kumunot ang noo nito. “Palagi mo na lang akong pinapalayo sa’yo e. Hayaan mo muna na ganito tayo ka-close.”

            Huminga siya ng malalim. Alam niyang konting minuto na lang bibigay lahat ng defenses niya sa lalaking ito. “U-uwi na ako.”

“Tara ihahatid na kita sa bahay n’yo.” He grabbed her hand. Sa isang iglap magka-holding hands na sila at magkapanabay na naglalakad palabas ng Kofi Cups.

            “Regine—”

            “Ihahatid ko lang siya, kuya.”

            Hindi na niya nagawang magpaalam ng maayos sa nalilitong boss niya. Hindi rin niya maintindihan ang sarili. Dapat ay  umiiwas na siya at nagpupumiglas. Ang alam niya ay malaki ang pagkaasar niya dito pero sa ngayon parang…parang kinikilig pa ata siya sa sweet gestures nito.

            “Teka! Ayokong sumakay sa motor!” May balak ata siyang iangkas nito sa motor na ginagamit nito pag nagpa-patrol ito. Ang totoo ayaw niyang magpahatid dito. Delikado. Baka bago matapos ang gabi ay maakit na nga siya nito.

            “Ganon ba? Ahm, wait hihiramin ko ang kotse ni kuya,” tugon nito. “Ngayon ka lang ako nakalapit ng ganito sa’yo e. Sayang ang moment.”

            “Ayoko!” mahinahon ngunit may diing pigil niya dito.

            Natigilan ito. “Ayaw mo pa ring magpahatid sa akin?”

            “Hindi tayo friends, Leo.”

            Binitawan nito ang kamay niya at ini-offer uli nito ang kamay sa kanya. “Friends?”

            “Pwede ba? Seryoso ako dito.”

            “Seryoso din ako.”

            “Haay, ewan ko sa’yo.” Pumara siya ng taxi at basta na lang iniwan ito.

            Habang nasa byahe ay malalim ang iniisip niya. Anong ibig sabihin ng naramdaman kong iyon?

            Nagulat na lang siya nang makitang may isang police patrol na motorcycle ang sumasabay sa taxi nila. My violation pa ata ang taxi driver ng sinasakyan niya. Inihinto ni mamang drayber ang taxi sa tabi ng kalsada. Huminto din ang motor.

            “Boss, may violation po ba ako?” tanong ng driver sa pulis.

            Laking-gulat ni Regine nang alisin ng pulis ang helmet nito. He’s no other than SPO4 Leonel Sebastian Candaza.

            “Leo?”

            Sinulyapan siya ng binata at nginitian matapos ay bumaling sa driver. “Wala po kayong violation, manong. Sinisiguro ko lang po na maihahatid n’yo ng maayos ang special girl ko. Ayaw po kasing magpahatid sa akin e.”

            She felt something warm enveloped her heart. Na-touched naman siya sa sweetness na iyon. Hindi madali na pag-aksayahang ihatid siya kahit ayaw niyang magpahatid.  Nakadagdag pogi points iyon dito.

            “Ay ganun ba? O sige. Aalagaan ko ang gelpren mo.”

            “Salamat po.”

            Napangiwi siya. Ngumiti lang uli si Leo sa kanya bago nito isinuot muli ang helmet. Maya-maya pa ay nasa byahe na uli sila. At consistent na napapansin niyang sumusunod pa rin si Leo sa taxi na sinasakyan  niya.

            Napagmasdan tuloy niya ito. Napaka-attractive nitong tingnan habang nagmo-motor. Bagay na bagay talaga itong maging pulis.    

            Maya-maya pa’y huminto na ang taxi sa tapat ng inuupahan niyang apartment. Pagkababa niya ng taxi ay huminto muna si Leo sa tapat niya. Itinaas nito ang visor ng helmet nito. “Mag-iingat ka dito ha. Ihahatid uli kita bukas.” Ibinaba nito ang visor. He waved as goodbye at pinaharurot na nito ang motor palayo sa kanya.

            Sa di niya mawaring dahilan, napangiti siya.



            “ARAY!” napangiwi si Leo nang maramdaman ang kirot sa balikat niya. Minalas siya sa duty noong nakaraang gabi. Matapos niyang ihatid sa panlimang pagkakataon si Regine sa bahay nito ay tumuloy siya sa trabaho. Nagkaroon ng gang war sa isang party ng mga fraternity at isa siya sa rumespondeng pulis. Minalas lang siyang madaplisan ng bala mula sa gang na napag-alaman nilang menor de edad pa lamang ang mga myembro.

            But he can’t just stay at home kahit na kailangan niyang itago sa kapatid ang munting aksidente kagabi. Nagbigay na kasi ng ultimatum ang kuya niya. Kapag nadisgrasya pa siya sa ikatlong pagkakataon, pipilitin na siya nitong tumigil sa serbisyo. Pangalawang beses na niyang nadidisgrasya. Malilintikan na talaga siya.

At isa pa, birthday ni Regine. Hindi siya papayag na wala siya sa eksena.

            Bitbit niya ang isa sa mga munting pusa na inaalagaan niya. Nalaman niyang mahilig din sa pusa si Regine kaya ipapaubaya niya dito ang one month old kuting na alaga niya.

            Ngayon ang araw na pinili niya para seryosong itodo na ang panliligaw dito. Mukha naman napalambot na niya ng konti ang puso ni Regine sa mga kakulitang pinaggagawa niya. 

            As usual, marami na namang tao sa Kofi Cups. Andoon pa ang mga palaging tambay ng coffee shop na abala na naman sa asaran. 

            “Ano bang problema mo at pinapakialaman mo ang bilbil ko?” asik ni Dhey. Bihadong inaasar na naman ito  ng tinaguriang double R ng Kofi Cups.

            “Concern lang naman ako. Aba, Doc Dhey, alam mo naman na prone sa maraming sakit ang obese. Labs kita kaya ayokong magkasakit ka,” kampanteng hirit ni Rojun sabay kagat ng apple pie.

            “Tama! I second the motion!” pahabol ni Rowell.

            “Hindi ako obese! Chubby lang ako. At healthy ako,” giit ni Dhey.

            “Ano ba ang obese?” tanong ni Rojun.

            “Mataba,” tugon ng lahat.

            “Ano ang chubby?”

            “Mataba.”

            “O di pare-pareho lang iyon, Doc Dhey! Pumayag ka na kasing mag-date tayo sa Diet restaurant. Turunan kitang mag-diet.”

            “I second the motion.”

            “Ewan ko sa’yo. Disappear! Disappear!” tugon ni Dhey sabay subo ng macaroons.

            “Teka, bago kayo magkainitan e, may ibabahagi ako sa inyo,” sabi ni Cattie pagkatapos ay nagpamigay ito ng papel.

            “Ano na naman ito Catherine?” angal ni Chysler.

            “Survey na naman? Sabihin mo nga? Editorial Assistant ka ba o surveyor?” tanong ni Kofi.

            “Both!” singit ni Leo. Umupo na rin siya sa tabi ng kuya niya. “Sorry late ako.”

            “Okay lang iyan, eto o.” Inabutan na rin siya ni Cattie ng survey sheet.

            “Ang laki ng pakinabang mo sa Kofi Cups sa surveys na ginagawa mo ha,” sambit ni Kofi.

            “’Wag ng magreklamo, suportahan na lang si Cattie,” pagtatanggol ni Dhey.

            “Yaan mo kuya Kofi, papasikatin ko ang Kofi Cups. I-feature ko itong shop mo pag may tumamang topic para dito,” sambit ni Cattie.

            Sinipat ni Leo ang papel. Five reason to fight for love? “Bakit puro love ang topic na handle mo?”

            “Hindi naman, nagkataon lang. Dito kasi maraming mga palpak ang love life kaya masarap mag-survey,” tugon ni Cattie.

            “Ganon?” korong reklamo ng lahat.

            “Weh, affected?” hirit ni Cattie.

“Cattie, ako naman ang inaasar mo? Wala nga akong makitang rason to fight for love. Actually, hiwalay na kami ni Faith. Dapat si Xeiji ang sinse-survey mo,” reklamo ni Chrysler.

            “Wala si Xeiji, may hearing siya ngayon. Huwarang attorney e,” sambit ni Leo.

            “Wag mo na isama sa ise-survey si Dhey. Wala naman siyang love life,” hirit na naman ni Rojun.

            “I second the motion!” si Rowell uli.

            “Tse! Kofi, ibalik mo na nga ang dalawang iyan sa planet nila.”

            Pero hindi pinatulan ng kuya niya ang apila ni Dhey. Binalingan niya ang kapatid at natuklasang nakatingin lang ito sa kanya na pawang inoobserbahan siya. “Kuya, may problema ka ba?”

            “Meron. Ikaw.”

            “Huh?” Hindi siguro nito nagustuhan ang araw-araw niyang paghahatid kay Regine. “Kung iniisip mong igi-give up ko si Regine dahil lang mas matanda ka sa akin, nagkakamali ka.”

            Umiling ito at nanatiling seryoso pagkatapos ay binalingan ang pusang nasa cage na nakapatong sa mesa. “May sugat ka.”

            “Huh?” maang na sabad niya. Siniguro niyang hindi mahahalata ng kapatid na may sugat siya. “Ano ba iyang sinasabi mo, Kuya? Nasobrahan ka na sa mga kape mo.”

            “May sugat ka diyan, alam ko.” Tinapik nito ang balikat niya.

            “Aray!” napasinghap siya.

            “May sugat ka nga?” Nag-aalalang dinaluhan siya ni Dhey at awtomatikong ineksamin ang sugat niya. “O, mukhang malalim ‘to ha. Dapat nagpapahinga ka, Leo.”

            Tinapik lang niya ang kamay ng doctor. “Okay lang ako sabi ng doctor na gumamot sa akin kagabi.”

            “May balak ka bang maging next hero of the year?” sita ni Cattie.

 “Ala Jose Rizal style?” tanong ni Chrysler.

            “Last na iyan, Leo. Sa susunod, itatapon kita pabalik ng Ilocos. Mas magaling pang mag-alaga ka na lang ng kabayo at baka sa rancho ni Dad kesa ganyan ka. Sa susunod na may tumagas pang dugo diyan, hahanda ka talaga,” giit ng kanyang kapatid.

            “OA ka kuya, sugat lang ‘to!”

            “Sugat? Sinong may sugat?”

            Napalingon si Leo at agad na bumungad sa kanya si Regine. Day-off nito pero pinapunta pa rin ito ng kapatid niya para sa munting birthday celebration.

            Tahimik na itinuro siya ng buong barkada. Eksaherado namang suminghap siya at umarteng nasasaktan sa kukirot niyang sugat.

            Chance na niyang magpa-alaga kay Regine. Who knows? Baka mapapayag niya ito.

            “Patingin nga?” As she moved closer to him, he seemed to find his heaven at last. Marahang hinaplos nito ang benda ng sugat niya. Kahit kumikirot iyon, pakiramdam niya ay pinapagaling siya nito. “Masakit ba?”

            “Medyo, pero okay na iyan nahawakan mo na e. Gagaling na iyan,” nakangiting sambit niya.

“Sira! Lahat ba ng pulis may planong magpakamatay? Kung ganyan rin lang, ako na lang papatay sa’yo para hindi ka na mahirapan. Maraming kutsilyo sa kitchen,” biro nito.

            Sa unang pagkakataon, kinausap siya nito na hindi sumisigaw. And he felt so glad because of it.  Nagtawanan ang lahat ng nakarinig sa sinabi nito.

            Napangiti na lang tuloy siya. 

            “Frustrated morbid killer ka talagang bata ka,” hirit ni Rojun.

            “I second the motion. By the way, happy birthday, Regine. Iyong date natin bukas ha,” segunda ni Rowell.

            Umurong ang ngiti niya sa narinig. Ano kamo? May date kayo? Dalawa na pala ang karibal niya. Ang kuya niyang pa-cute nang pa-cute kay oh my Regine niya at itong si I second the motion este Rowell. Nagtatanong na binalingan niya si Regine. “May date kayo?”

            Tumango lang ito.

            “Nakupo! Talo na naman ang isang bata nito,” pang-aasar ni Chrysler.

            “Uy Dhey, handa mo na ang five hundred mo. Maba-basted na si Leo,” hirit naman ni Cattie.

            “Oy, isang buwan ang pustahan natin. Dalawang linggo pa lang ang lumipas,” sambit ni Dhey. Dinagukan pa siya nito. “Galingan mo namang manligaw, sayang din ang limang daan ko.”

            “Mga siraulo talaga kayo. Talagang pinagpustahan nyo pa ako? Magsibalik nga kayo sa lungga nyo.” Binalingan niya si Regine na tumatawa lang. “Wag mo silang pansinin, mga baliw lang iyan katulad ng dalawang kuya-kuyahan mo.”

            “Ah…eh…”

            “Oy, nananahimik kami dito ah. Pero parang masaya iyan, pupusta ako. Sa bet ng basted ako!” Nakipusta na rin si Rojun.

            “I second the motion.” Gayun din si Rowell.

            “Ako rin—Aray!” Dinagukan niya si Kofi nang akmang dumukot ito ng wallet sa bulsa.

“Pinagtutulungan nyo na ako ha,” reklamo niya.

            “Ako rin.” Naglabas din ng limang daan si Regine.

            Nalaglag ang panga niya. Baka ba-bastedin na nga talaga siya nito kaya nakikipusta na ito sa barkada niya. Di niya tuloy naiwasan na magtampo.

            “Pati ba naman ikaw?”  

            “Masaya nga ito e. Si Cattie lang dapat ang makakalam ng pusta ko.” Ibinigay ni Regine ang limang daan at nagsenyasahan na ang dalawa. Women language. How he wished he could understand the gestures that only women could understand by themselves. Para malaman naman niya kung basted na ba talaga siya o ano.

            “Hep, bago maging sugalan ang coffee shop ko, bigyan muna natin ng highlight ang may birthday!” awat ni Kofi. Kinuha na rin ng kuya niya ang atensyon ng lahat. One factor that he admired most of his Kuya is his attitude of loving his employees as family members and not just simple employees.

            Habang nag-speech si Kofi ay itinapat niya kay Regine ang cage ng kuting. “Happy birthday, oh my Regine. Nalaman kong cat-lover ka rin. Siya ang mag-aalaga sa’yo kapag wala ako.”

            For the very first time, ngumiti ito sa kanya. He felt his heart enveloped with happiness. Napangiti na niya sa wakas ang masungit na chef na ito.

            “Salamat ha. Hindi lang dahil sa pusa. Alam kong inihahatid mo pa rin ako gabi-gabi hindi ko lang pinapahalata na alam ko. Nakikita rin kita tuwing umaga.”

            “Wala iyon, gagawin ko iyon palagi hanggang sa pumayag ka na ako mismo ang maghahatid sa’yo.”

            “Bakit?”

            “I just want you to be safe always. I care so much for you…I…”

            “Sige lang, kalimutan mong naririnig namin iyang mga palinya-linya mong panis, pare,” pakli ni Chrysler.

            Binato niya lang ito ng crumpled tissue. “Panira ka sa moment, pare!”

            “Regine!” tawag ni Kofi.

            Hindi na naawat ni Leo ang kuya niya nang igiya nito si Regine sa makeshift stage ng shop.

            “As promised, I’ll sing a song for you today,” sambit ni Kofi. Maya-maya pa’y kumakanta na ang kuya niya habang naggigitara.

            I’ve been searching for a girl that’s just like you. Cause I know that your heart is true… Baby, I love you I never want to let you go. The more I think about, the more I want to let you know that everything you do is super duper cute and I can’t stand it.  

            His brother was a good singer at habang kinakantahan nito si Regine ay nahahalata niya ang kilig na nararamdaman nito. Naiinis siya, nagseselos siya. Bakit kinikilig ito sa kuya niya? Bakit sa kanya, hindi niya ito maaninagan ng kilig kahit konti lang?

            Naging tahimik na lang tuloy siya sa party na iyon at nang matyempuhan niyang nagpunta sa rest room si Regine ay sinundan niya ito.

            “Leo?”

            “Gusto mo ba talaga ang kuya ko? Crush mo ba talaga siya?”

            “Ano ba iyang tanong na iyan? Kung makatanong ka, feeling mo naman boyfriend kita. Umayos ka nga,” sita nito.

            “Oo at hindi lang, Regine.” Bahagyang tumaas ang tono niya.

            “Okay fine oo. Crush ko kuya mo. May reklamo ka pa?” Nagtaas na rin ito ng tono.

            Lalong sumakit ata ang sugat niya sa sinabi nito. “At si Rowell, makikipag-date ka rin sa kanya?”

            “Oo rin at wala ka na talagang pakialam do’n, Leo.  Nakakainis ka, basta-basta ka na lang sumisigaw sa akin ng di ko alam kung bakit. Papel ko ang manigaw at hindi iyon sa’yo.”

            “Oo na sige na, kasalanan ko nga siguro dahil nagseselos na ako. Pero ‘wag ka ng mag-alala. Talagang wala na akong pakialam simula ngayon!”

            He walked out. After all pala ng hirap niya, hindi pala nauunawaan ni Regine na iyon ang paraan niya para ipakitang mahal niya ito. Puwes kung makikipag-date ito sa Rowell na iyon o kahit sa kuya niya, makikipag-date din siya sa iba.

            Isang babae ang nakita niya sa mesa nina Rojun at Rowell. Mukha namang wala itong relasyon sa kahit sino sa dalawa kaya nilapitan niya ito.

            “Miss ako nga pala si Leo. Isa akong pulis. Ikaw, anong pangalan mo?”

            Kunot-noong sinagot nito ang tanong niya. “Melai.” 

            “Single ka?”

            “Oo.”

            “Good. Mag-date tayo bukas!”

            “Ha?”

            Ibinigay niya dito ang isa pa niyang cellphone. “Tatawagan kita for details.”



PREVIOUS                                                                    NEXT 

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…