Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: Regine's Surrendered Heart- Part 1





“Simpleng pasta sauce lang, hindi mo pa ma-perfect! What will I do with you, Chef Regine? Wala ka ng pakinabang sa kusina na ‘to!” singhal ng Executive Chef ni Regine sa first-class Italian  restaurant kung saan siya nagtatrabaho. “Ayusin mo ang trabaho mo!”

            Nagsalita ang may pakinabang e wala ka namang ginawa dito kundi ang magtatalak e.

            Binalewala ni Regine ang patutsada ng supervisor niya. Binging-bingi na siya sa araw-araw na sermon nito. Okay lang sana kung makikita niyang exemplary ang boss niyang ito. Kaso sa buong tenure niya sa trabahong iyon ay ni  minsan, hindi niya nakitang nahirapan ang boss niya. Palagi na lang silang mga specialty chefs ang pinapagod nito habang daldal lang ito nang daldal. Pikon na pikon na talaga siya.  

            “Ewan ko talaga sa’yo, Chef Regine. I don’t think you deserve to be here anymore. You’re—”

            “Hep!” awat niya sa dapat sasabihin ng boss niya na di hamak na mas chaka kesa sa kanya. Bago siya masibak ay uunahan na niya ito. “Akala mo ba natutuwa pa ako sa araw-araw mong panininghal sa akin ha? Hindi ka na nakakatuwa. I resign!”               

            At nagmega-walkout na siya. ‘Kala siguro ng impaktitang ‘to! Hindi ako natutuwang maging saucier ano!


            Na-shocked  ata iyong excutive chef nila kaya hindi na siya nagawang kastiguhin pa nang lumabas siya ng kitchen.

            Hindi naman talaga meat sauce ang gusto niyang makasama habambuhay. In fact, hindi siya nag-aral ng culinary para lamang maging taga-timpla ng kung anu-anong sauce para sa pasta. She was in love with pastries and cakes. Ang pangarap niya ay makapag-create ng isang variant ng cake o pastry na kikilalanin sa buong mundo.

            Pero dahil sa hirap maghanap ng trabaho ngayon, pinatulan na niya ang naging offer sa kanyang maging saucier. Pero ang totoo, hindi siya masaya sa ginagawa niya. And she had enough of sauce and sacrifice.

            Habang papalabas siya ng kitchen ay isa-isa niyang inalis ang kanyang toque at apron. Peste! Wala na ngang love life ganyan pa ang amo mo! Magsama-sama kayong malunod sa mga tomato paste diyan!  sentimyento niya sa sarili.

            Dahil sa pagkainis at pagmamadali, hindi na niya napansin ang dinaraanan niya hanggang sa may mabangga siyang may bitbit na iced tea. Natapon sa kanya ang inumin na iyon.

            “Sorry!” sabay nilang sambit.

            “Nasaktan ka ba, Miss? I’m sorry,” ulit ng binata.

            Napatunghay tuloy siya at ang agad na sumalubong sa kanya ay isang gwapong mukha ng isang unipormadong pulis.

            Parang tila naglaho ang mga tao sa paligid. Siya lamang at ang binatang may maamong mga mata ang naiwan. The way he looked at her seemed like he saw an angel in her.

            “Okay ka lang ba?” sunod na tanong nito. Maganda ang boses. Parang lalaking –lalaki, bagay na bagay ang lahat ng features nito para sa  unipormeng pulis nito.

            Pero nang maalala niya ang panliligo nito ng iced tea sa kanya ay nabura lahat ng maganda tungkol dito. Naningkit ang mata niya sa pagkaasar. “Matapos mo akong paliguan ng  iced tea, may gana ka pang itanong kung okay lang ako? Sa tingin mo?”

             “Ah…eh…”

            Inirapan na lang niya ito at nilayasan bago pa niya maibuhos dito lahat ng galit niya sa mundo. Nagdiretso siya sa locker room at inilagay niya sa isang bag lahat ng gamit niya. Wala na siyang balak pa na bumalik sa lugar na iyon. Babalik na lang siya kapag makukuha na niya ang back pay niya.

            Lalo siyang nabuwisit nang manlagkit siya dahil sa naipanligong iced tea ng gwapong pulis sa kanya. Asar!

            Nagpunta siya sa CR. Papasok na sana siya sa loob nang humarang sa pinto ang binatang nagpaligo sa kanya ng iced tea.

            “Ano na naman bang problema mo?” singhal niya dito.

            “Magso-sorry lang ulit ako, Miss,” tugon nito.

            “Ewan ko sa’yo, tumabi ka nga diyan!”

            Ngunit lalong humarang ang binata sa pinto. Dumipa pa ito sa magkabilang hamba ng pinto.

            “Bakit na naman ba? Kung hihingi ka lang ng sorry, kalimutan mo na lang iyon. Tabi!”

            “Teka,” awat ulit nito sa kanya. “ Hindi ka talaga pwede dito.”

            “Sabihin mo nga, ano bang problema mo at agang-aga nagdadamot ka sa CR? Can’t you see? Nanlalagkit na ako sa ipinaligo mong iced tea sa akin. Nagmamadali rin ako. Umalis ka diyan kung ayaw mong sa’yo ko isisi ang El Niño at global warming!”

            Napangiwi ito. “Sorry pero hindi kita hahayaang makapasok dito.”

            Ubos na ubos na ang pasensya niya. “Ako ba ay talagang ginagalit mo? Pulis ka pa mandin!” Napapikit siya ng mariin sa inis. Ngunit pagmulat niya ay sinalubong siya ng nang-aakit na ngiti nito. Pinandilatan niya ito. “Ano?!”

            “Ah… eh…. CR kasi ito ng lalaki, Miss.” Itinuro nito ang katabing pinto at tinapik ang signage na may nakalagay na “women.” “Itong kabila ang for girls unless nagkakamali ako ng tingin, Miss.” Mataman siyang tinitigan nito. “Ahm, babae ka ba o transexual?”

            Ano kamo?!!! Daig pa niya ang binagsakan ng bloke ng yelo. Kung bakit kasi sa tagal niya doon sa restaurant na iyon ay hindi pa rin siya nasanay sa tamang pwesto ng mga opisina at CR doon. Napahiya siya sa pagpupumilit makapasok sa CR ng lalaki. At higit sa lahat, napagkamalan pa siyang bading.

            “Excuse me, mamang pulis! Babae po ako. Tse!” Inirapan niya ito at dali-dali siyang pumasok sa tamang CR.  Dinaan na lamang niya sa pagtataray ang pagkapahiya niya.

            Dahil sa init ng ulo niya, hindi na siya makapag-isip ng maayos. Napabuntong-hininga siya at ipinagpatuloy ang paglilinis ng kanyang balikat na napaliguan ng iced tea. Bigla niyang naalala ang binatang may magandang ngiti. Lalo tuloy siyang nainis.

            Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay dire-diretso siyang lumabas ng restaurant ng walang lingon-likod.  Hah! Kasumpa-sumpa kayo!

            Ngunit habang naglalakad sa medyo may kadiliman pang lugar dahil madaling-araw pa lamang, ay saka niya napagtanto ang nangyari. Wala na siya trabaho ngayon. Paano na ang mahabang listahan ng bayarin niya? Tubig, kuryente, phone bills, at renta sa bahay.

            “Buwisit talagang buhay ‘to!” bulalas niya.

Kinuha niya sa kanyang bag ang kanyang precious pink flowery notebook. Ang laman noon ay mga recipe niya bilang chef. At halos kalahati ng mga recipes na andon ay tungkol sa mga pastries at cakes. Ang notebook na iyon ang sandigan niya para ipagpatuloy ang pangarap niyang maging mahusay na chef. Pero nagkamali talaga siya sa pagpasok bilang saucier. Kailangan niyang makahanap ng exposure para maging pastry chef siya.

            Napapaiyak na siya dahil pakiramdam niya ibinagsak ni Lord sa kanya ang problema at kamalasan sa araw na iyon. Kailangan niya ng help.  Dinukot niya ang cell phone sa bag at tinawagan ang isang kaibigan.

       

         PARANG praning na nangingiti si Leo habang hinihintay sa labas ng  Italian Restaurant ang magandang chef na aksidenteng napaliguan niya ng iced tea. He was hooked by her charms. Yes, charms. Para kay Leo, charming ang isang babaeng abot-langit kung magsungit lalo na kung ito ay isang chef at mas lalo na kung ito ay isang pastry chef na marunong gumawa ng paborito niyang pineapple tart.

            At sa lagay na iyan, pasok sa una at pangalawang category ang babaeng masungit kanina. Tingnan mo nga naman. Pauwi ka na nga makakakita ka pa ng  charming na chef. Ang swerte ko ngayon. Graveyard shift siya at papauwi pa lang sana siya mula sa trabaho nang mapadaan siya sa isang restaurant na alam niyang may offer na masarap na iced tea. Paborito rin niya ang iced tea kaya kahit madaling araw pa lamang at lahat ng tao ay nagkakape, ang tinitira niya ay iced tea.

            Sa wakas ay lumabas na ang hinihintay niya. Salubong pa rin ang kilay nito habang naglalakad sa may kadilimang daan.  Sinundan lang niya ito. Sa distansyang hindi siya nito mahahalata. Maya-maya pa ay bigla itong huminto at agad bumaling sa kanya. Hindi siya naging handa sa akto nito kaya hindi siya nakapagtago. Guilty na ngumiti na lang siya.

            “Sinusundan mo ako ano? At bakit na naman? Magso-sorry ka na naman? Saan bang presinto ka? Isusumbong kita sa hepe n’yo,” nanggagalaiting  singhal nito.

            Haay, charming! Ngumiti lang siya. “I’m SPO4 Leonel Sebastian Candaza at sa 2nd Police District ako. And you are?”

            “Bakit ko ipagkakatiwala ang pangalan ko sa’yo? The nerve! Subukan mong sundan pa ako, papapulis kita!”

            “Pulis na ako, hindi mo na kailangang maghanap pa ng ibang pulis,” pilosopong sagot niya.

            “Get lost!” Naglakad ulit ito at sinundan niya pa rin. Uso ang holdap at snatching incident sa dinaraanan nitong kalsada. Magandang ng ihatid na lang niya ito kahit pa ayaw nitong magpahatid. Nang mahalata nito na sumusunod pa rin siya ay huminto ulit ito at binalingan siya. Itinutok nito sa kanya ang hawak na cell phone. “Ang sabi ko, get lost! Appear! Disappear! One-half, one-ford! Lubayan mo na ako utang na loob!”

            Ngumiti siya at masuyong tinitigan ito. She was not just with charms at all, may humor din naman palang alam ito maliban sa pagsusungit. Gagamitin niya ang asset niya. Look into my eyes, charming and get hypnotized. He raised his arms as sign of surrender. “Easy, charming lady. Hindi ako masamang tao. Madilim ang lugar na ito at prone sa danger. Bilang pulis trabaho kong pangalagaan ang mga tao, lalo na kung isang magandang babae katulad mo.” Ngumiti ulit siya.

            Umepekto ang style niya. In couple of seconds, nagkatitigan sila.

            This lady was not just a simple lady. He suddenly felt something strange as he kept on gazing at her. Ito man ay napatitig na rin sa kanya.

            “Miss, can I know your name now?” masuyo niyang tanong.

            “Pag sinabi ko ba sa’yo, titigilan mo na ako?”

            “Hindi. Ihahatid kita kahit ayaw mong magpahatid.” He smiled.

            “Bahala ka sa buhay mo!” Inirapan siya nito.

            Tatalikuran na sana siya nito nang biglang may over-speeding na motorsiklo na dumaan sa tabi nila. Muntik nang mahagip ng sasakyan si Regine. Mabuti na lang at agad niya itong nakabig.

            “Okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya rito. Tinitigan niya ito, halatang natigilan din sa eksena nilang iyon. 

            Ngunit nang matauhan ay nagsisigaw ito. “Waaaah! Na-snatch ang bag at cellphone ko! Habulin mo!” pinaghahampas siya nito ng notebook na hawak.

            Natutulirong sinundan niya ang snatcher pero malayo na ito. Plate number na lang ang nakuha niya. Itinimbre na niya sa pinakamalapit na  checkpoint ang impormasyon. Binalikan niya ang masungit na chef.

            “Nasaan na ang gamit ko?” tanong nito.

            “Di ko nakuha e. Pero promise maibabalik ko ang gamit mo. Naitimbre ko na sa checkpoints.”

            “Waaah!” Pinaghahampas uli siya nito ng hawak na notebook. “Kasalanan mo kasing lahat ‘to eh! Bakit kasi titig ka ng titig?! Para kang budul-budol gang! Waaahhh!” Ibinato nito ang hawak na notebook sa kanya at nagmega-walkout.

            “Uy teka lang, ano…” Binuklat niya ang notebook. Isang pangalan lang ang naroon. “Uy, Regine! Sandali lang!” Pero hindi na ito nagpahabol. Nangingiting niyakap na lang niya ang notebook  nito. We still have some other time, Regine. I know, we still have time.
           


            “KUUUUYAAAAA!!!!” Walang pakialam si Regine kung masyadong eskandaloso ang entrada niya sa Kofi Cups and Sweets. Nang tinawagan niya ang Kuya Rojun niya ay nalaman niyang nakatambay ito sa Kofi Cups. Buti na lang at malapit lang ang shop kung saan siya naletsehang mabiktima ng snatchers…at ng may pagkabudol-budol gang na pulis. The image on how he stared at her kept on repeating in her mind. Naakit siya, nahi-hypnotized.

            Agad siyang parang batang yumakap kay Rojun.

            “Aysusmaryosep! Wala akong pera, Regine,” untag ni Rojun. 

            “I second the motion,” hirit agad ni Rowell. 

            Nagpumiglas si Rojun kaya bumitaw na siya. Umupo siya sa tapat ng kasama nitong si Rowell. “Anong gagawin ko mga kuya? Tinanggal ako sa trabaho este nag-resign pala ako kasi naunahan ko siya.  Well, ayoko na namang gumawa ng spaghetti sauce sa buong buhay ko. Isa akong natural-born pastry lover. Ang pangarap ko ay maging pastry chef. Pastries naman talaga ang specialty ko e at hindi kung anu-anong meat sauce na iyon. At ang pangit ng boss ko kaya hinding-hindi na ako babalik pa sa kanila ever!” litanya ni Regine habang sumisinghot-singhot sa pag-iyak niya.

            “O e ano problema mo do’n?” tanong ni Rojun. 

            “Wala na akong trabaho. Paano ang bayarin ko sa buhay? Na-snatch ang bag ko kuya. Naglakad nga lang ako dito e. Hah! Kasalanan ng impaktong pulis na iyon! Mas inintindi pa niyang makipagtitigan sa akin kesa habulin iyong snatcher! Pag nakita ko siya, pipilipitin ko ang ulo niya! Igigisa ko siya at ihahalo ko sa meat sauce. Humanda siyaaaaaaaa!”

            Tumili siya sa sobrang inis, enough na para masindak lahat ng inosenteng tambay ng coffee shop na iyon.

            “Easy. Natatakot ang mga tao sa’yo o. Morbid killer ang dating mo, hija,” sita ni Rojun.

            “I second the motion.”

            Pero dinedma niya ang dalawa. “Hahanda talaga siya. Kasalanan niyang lahat. Dahil sa panggulong iyon, nawawala na tuloy iyong pink flowery kong notebook. Andon iyong precious recipes ko! Kaya hinding-hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya nakikitaaaaa!”

            “Shh! Hinaan mo nga ang volume mo,” sita ulit nito. “Nakakahiya ka.”

            “I second the motion.”

            Napakunot na ang noo niya. Parang sirang plaka itong si Rowell na kanina pang seconded nang seconded. “Kuya Rowell, bakit iyan lang ang sinasabi mo? May sakit ka ba?”

            “Wala. Hmm, alam mo naman ba ang name ng hinahanap mo?”

            Tumayo si Regine at tumingin sa kabuuan ng coffee. Napunta tuloy lahat ng atensyon ng mga tao sa knaya. “Oy, kayong lahat ‘pag may nakilala kayong SPO4 Leonel Candaza, itimbre nyong lahat sa akin ha.”  Talagang ha-hunting-in niya ang pulis na iyon. Kung kinakailangan niyang hanapin kung saan ang letseng 2nd Police District office na iyon  ay gagawin niya, maibuhos lang sa pulis na may magandang mata ang galit niya.

            “Si Leo???” Nilingon niya ang kumpulan sa isang mesa sa di kalayuan. Mukhang kilala nila ang  tadong papable na pulis.

            Nagkanya-kanya lang ng iwas ng tingin ang mga ito nang tapunan niya ng matalim na tingin ang grupo. Kabukod-tangi lang  na hindi umiwas ng tingin ang isang cute na binatang may wavy na buhok.

            He raised his hand. “Ah, Miss?”  untag nito.

            “Regine dela Cruz. Kilala mo ba ang pulis na iyon?” tanong agad niya.

            “You want to be a pastry chef?” bagkus ay tanong nito. “I’m currently looking for a pastry chef here.”

            Tila sinaniban ng anghel na nagbago ang aura ni Regine. Trabaho…trabaho… trabaho!!! Wooh! “Talaga po?”

            Tumango ito at bahagyang ngumiti. Weeeh! Ideal job plus gwapong amo! Why not?!  “Ay! Hulog ka ng heaven, Sir! Ano pong pangalan mo?” Nilapitan niya agad ito.

            “Enrico Filemon Candaza or simply Kofi.”

            Nalaglag ang panga niya sa pagkadismaya. Napangiwi siya. Magkamag-anak pa ata ang hina-hunt niyang pulis at ang poging future amo niya.  “Candaza? Kaanu-ano mo si—”

            “Kapatid ko. Gusto mo ba siyang katayin? Andun siya sa bachelor’s pad ko and he’s sleeping soundly.”

            Lalo siyang napangiwi. Pambihira! Hanggang do’n ba naman ay sinusundan pa rin siya ng presence ni Leonel? May pagsa-mangkukulam ata iyon. “Ngeee! Di bale na—”

            “Oy Regine, masamang tumanggi sa grasya. Alalahanin ang bayarin sa buhay,” singit ni Rojun.

            “Wala kang trabaho, mag-isip ka, hija!” sabat din ni Rowell.

            Bumaling ulit si Regine dito habang mabilisang nag-iisip. May point ang mga kuya-kuyahan niya. Ngumiti ang papable na amo sa kanya. He definitely knew how to charm any woman by just a simple smile.  Walang duda ngang magkapatid sila ng Leo na iyon. Parehong expressive ang mga mata ng mga ito.

“So, Miss dela Cruz?” untag nito sa kanya in his most captivating voice.

            “Sige po. Ano pong requirements at kelan po akong mag-start?” mas mahinahong tugon niya.

 Magaling nga iyon. Mas madali niyang makakastigo ang palpak na pulis na si Leo at higit sa lahat, kailangan niya ng trabaho. Ang inaasam-asam na trabaho pa man din ang offer nito sa kanya. Sayang kung hindi niya papatusin.

            He slowly inserted the few strands of Regine’s hair at the back of her ears and slowly pulled a handkerchief from there. Nagulat siya at na-amazed sa magic trick na ginawa nito. Ginamit nito ang panyo para punasan ang pisngi niyang may bahid pa ng luha. Parang eksena sa pelikula. Parang bida siya sa pocketbook na istorya at ang papable na may-ari ng coffe shop ang hero niya.

 “Be back when you’re ready. Kapag hindi ka na galit, malungkot at umiiyak. I just need your resume. And I will let you bake at least three types of pastries in front of me.” Pumitik ito sa may ilong niya at lumitaw ang isang stemmed rose. “Impress me, gorgeous lady.”

Napangiti siya. Sweet. Parang ang sarap maging boyfriend. Nahiling niya tuloy na sana’y si Kofi na lang ang maging unang boyfriend niya.

Pero bago pa siya malunod sa pantasya ay sinira na ni Rojun ang ilusyon niya. “In short, bumalik ka na lang daw ‘pag mukha ka ng tao,” singit nito. 

            “I second the motion!” segunda ni Rowell sabay ngisi.

            “Asar ka talaga kuyaaaa!” Inihampas niya ang stemmed rose dito. Pagkatapos ay binalingan niya si Kofi. Ngumiti lang din ito sa kanya.


           
            DALAWANG araw na nag-training si Leo sa Camp Crame. Excited siyang umuwi nang malaman niyang ang kanyang kinababaliwang chef na si Regine ay magtatrabaho na sa sa coffee shop ng kuya niya. Sabi na nga ba, magkakaroon pa rin sila ng moment ng masungit na chef na iyon.

            Naglalakad na siya ilang kanto ang layo sa Kofi Cups and Sweets. Nasa kalagitanaan siya ng pagpaplano ng kanyang “Oplan Suyuin Si Regine” nang mag-ring ang phone niya. “Hello, Sir?”  Hepe niya ang tumawag.

            “SPO4 Candaza,  na-recover na iyong gamit nung kaibigan mo.”

            “Sige po, Sir. Ipapa-claim ko na lang po sa kanya.”

            “At isa pa, pumunta ka dito mamayang gabi. May raid tayo.”

            “Yes, Sir.” 

            Isang drug den na naman ang aasikasuhin nila mamayang gabi.  Aminado siyang sa loob ng  apat na taon sa serbisyo, mahina pa rin ang loob niya. May mga pagkakataong natatakot siya para sa buhay niya pero dahil pinili niyang maging pulis, pinanindigan niya iyon.

            Nang makarating sa Kofi Cups ay hinanap niya ang kapatid. Nasa opisina daw ito. Pero nang mapadaan siya sa kusina ay naisip niyang silipin na lang muna si Regine. Ikinawang muna niya ang pinto at nahagip agad ng kanyang mata ang masungit na chef. Abala ito sa kung anumang pastry na pinapaluto ng kuya niya dito. 

            With his charming smile, he entered the kitchen. “Hi Regine—” Agad siyang binato nito ng nahagilap na stainless bowl. Prenteng nasalo naman niya iyon. “What a warm welcome sweet lady!”

            “Tse! Alam mo bang nung araw na nakita kita ay minalas na ako ng bonggang-bongga?! Kaya ‘wag na ‘wag kang lalapit sa akin ngayon. Baka pumalpak pa ako at hindi ako matanggap sa trabaho!” asik nito.

            Lalo siyang ngumiti. Nagsusungit na naman ito at naaakit na naman siya. “Hindi kaya. Ako ang lucky charm mo ano. Kita mo nga after we met, ayan andito ka na sa bagong haven mo. Malaking magpa-sweldo si kuya. Yayaman ka dito.” Kinindatan niya ito. “Lalo na kung papakasalan mo ako—aray!”  Hindi siya nakailag sa spatulang sumapol sa noo niya.

            “Kapal mo naman. Ni hindi mo nga natupad ang promise mo. Nasaan na ang gamit ko? Nahuli mo na ang snatcher? Ni hindi tayo friends tapos aasa kang papakasalan kita? Hindi hamak na mas boyfriend material ang kuya mo kesa sa’yo ano.”

            “Crush mo si kuya?” kunot-noong tanong niya. Hindi maari iyon. Dapat ay sa kanya lang ang buong atensyon ng oh my Regine niya.

            “Care mo naman do’n. Lumabas ka na nga. Istorbo ka,” pagtataboy nito sa kanya.

            “Leonel, sinabi ko ng bawal ka sa kitchen ko lalo na ngayong nalaman kong ginugulo mo si Regine. Doon ka na sa labas!” Pumasok ang kuya niya sa kitchen at nagdiretso ito sa tabi ni Regine. 

           Napamulagat siya nang awtomatikong matamis ngiti ang iginanti ni Regine sa kuya niya. Nagngingitian ang dalawa. At hindi nakuntento ang kuya niya. Makahulugan siyang tiningnan nito at pagkatapos ay may kung anong ibinulong ang kuya niya kay Regine. Pagkatapos ay ngumiti si Regine na pawang kinikilig.

            Hindi na siya natutuwa sa nakikita. Ano kayang sinabi ni Kofi na ikinatawa ni Regine? Binobola na ba ito ng kuya niya? Kung anu-ano bang pambobola ang pinagsasabi ng kuya niya na pinaniniwalaan naman ng oh my Regine niya?

            “Regine, ‘wag kang magpapaniwala kay kuya. Bolero iyan. Nagpapaiyak iyan  ng babae at wala iyang interest sa kapwa niya chef,” angil niya. “Sa akin ka na lang makinig.”

            “Mas lalong ayaw kong makinig sa’yo,” pakli ni Regine.

            “At makakalabas ka na rin, Leo. Istorbo ka sa bagong pastry chef ko,” sabat ng kuya niya.

            “Pero—”

            “Lalabas ka o iba-ban na talaga kita dito?”

            Masama ang loob na lumabas siya ng kitchen at naki-join na lang sa barkadahan niya.

            “Anong problema mo?” tanong ni Cattie.

            “Ay, bihadong lovelife iyan. Na-deadma ang kagwapuhan mo ano?” hirit ni Dhey.

            “Ay, oo. Pinopormahan ata ni Kofi ang oh my Regine mo,” gatong pa talaga ni Chrysler.

            Pinagtitingnan lang niya ng masama ang mga ito.

            “Melon sira intimate scene  nung isang alaw,” magulong Tagalog ni Xeiji na hindi inaalis ang tingin sa binabasang documents. May hearing na naman ata ito sa Municipal Trial Court maya-maya lang.

            Nagulantang siya sa sinabi sinabi nito. “Ano kamo? Intimate scene?” Hindi siya makapaniwalang naunahan siya ng kuya niya. At hindi talaga pwedeng gawin iyon ng kuya niya sa oh my Regine niya.

            “Madalas silang magtitigan tapos nung first time na andito si Chef Regine, inalayan pa siya ng bulaklak ni kuya Kofi,” sabi ni Cattie. “Nagpa-cute nang bonggang bongga ang lolo mo!”

            “Type ata si Chef!” si Chrysler.

            “Hawak kamay, ngiti ngiti at kindat!” hirit pa ni Xeiji.

            “Ano?”

            “Hep! Taste test time!”

            Hindi na siya nakahirit nang ilagay ng kuya niya sa mesa ang servings ng tatlong pastry na pinaluto nito kay Regine. Tiningnan niya ng masama ang kuya niya.

            “Wala ka ng magagawa kung ayaw sa’yo nung Chef ko,” patutsada ng kuya niya.

            “I hardly don’t care.”

            “That’s the spirit! Kampai!” Itinaas ni Xeiji ang hawak na macaroon.

            “Hindi kina-kampai ang pastry, Xeiji,” sita ni Dhey.

            “Wara paki-aramane!”

Nawala na ang lahat ng iniisip niya nang makita ang paborito niya ng pineapple tart. Na-excite siya. Lalo siyang nai-in love kay Regine dahil gumagawa pala ito ng paboritong pineapple tart.

            “Pasok itong caramel shortbread. Iyan may bago na akong favorite. Sarap naman nito,” komento ni Dhey. 

            “This macaroon tastes different. Iba rasa! Dapat sama mo ito products mo,” hirit ni Xeiji.

            “So, iha-hire ko na siya. At sabi niya marami pa siyang alam na pastries kaya bubuhos ang mga bagong pastries sa mga susunod na araw.” Bumalik na si Kofi sa kitchen.

            Tinikman ni Leo ang pineapple tart. Hindi niya alam kung bakit pero dismayado siyang hindi masarap ang paborito niyang pineapple tart. Tinikman niya rin ang dalawa pang pastries. Parehong masarap. Ang pineapple tart lang ang hindi. Nakakapagtaka.

            “I can’t believe this. Baka hindi ito ang niluto ni Regine,” apila niya.

            “Baka naman hindi talaga siya magaling magluto ng pineapple tart,” sambit ni Chrysler.

            “At wag mong iasa sa pineapple tart ang attraction mo sa babae. Sige ka, maunahan ka ng kuya mo,” hirit ni Cattie.

            But he felt something was wrong. Tumayo siya.  “Hindi pwede iyon.”  He went to Kofi’s bachelor’s pad. Doon niya itinago ang pink na notebook ni Regine na ipinambugbog nito sa kanya noon. Then he went to the kitchen.

            Iniabot niya ang notebook dito. “Regine, ito na iyong notebook mo.”

            “Uy! Notebook ko!” Agad na kinuha nito ang notebook. “Bakit ngayon mo lang ito ibinalik ha? Siguro inorasyunan mo na ‘to ano?”

            Ako na nga ang nagbalik ako pa ang masama? “Ngayon lang kaya tayo nagkita,” pabalang na sagot niya. “Baka nakalimutan mo lang ang tamang recipe ng pineapple tart. Ulitin mo. It should be perfect dahil pineapple tart ang pinakamabili dito.”

            “Ha?”

            “Bingi ka ba? O baka naman niloloko nyo lang ako ni Kuya. Nasaan na iyong ibang pineapple tart?”

            Itinuro nito ang tray kung saan may nakalatag na tart. “Hindi ko specialty ang tart.” 

            “Lokohin mo ang lelang mo!”

            “Patay na ang lelang ko at pati lelong ko!” patol nito sa kanya.

Kumuha siya ng isa at tinikman niya ito. Pareho pa rin. “Ulitin mo.”

            “At bakit? Ikaw na ba ang boss ko ngayon?”

            “Basta gawin mo!”

            “Leonel! Wala kang karapatang utusan ang tauhan ko. Hindi ka naman empleyado dito,” sita ni Kofi. “I hired her already.”

            “See? Hired na ako, ‘wag ka ng kumontra. Epal ka!”

            “Kahit hindi masarap ang pineapple tart niya?”  asik niya. Ano nga bang ipinuputok ng butsi niya? E kahit naman hindi masarap ang pineapple tart nito e hindi man lang nabawasan ang pagkagusto niya rito.

            “Yes. And it means hindi siya pasok sa criteria mo kaya wag mo na siyang guguluhin okay? Ayoko ng may mag-resign na naman akong chef dahil sa kalokohan mo. She doesn’t know how to make pineapple tart so that’s it.”

            Pero hindi siya ang tipo ng taong susuko.  Akala ata ng kuya niya ganoon siya kababaw. Magulo nga siya oo, but he knew himself better. Parang ngayon lang niya naramdamang wala na siyang pakialam kung marunong itong gumawa ng pineapple tart o hindi. He liked Regine at nakakapagtakang wala na siyang pakialam talaga kung hindi masarap ang tart nito ngayon.

            “I still like you, Regine. And I prove it to you. By the way, iyong mga gamit mo nasa presinto na namin. Na-recover na ng pulisya. I-claim mo na lang do’n.”

            “Wala kang mapapala sa akin, Leo. Nag-aaksaya ka lang ng oras mo,” hirit pa nito.

            He threw her a breath-taking smile na alam niyang magpapakilig dito ng husto. “Okay lang iyon, as long as ay mapala ka sa akin. You will never be loved the way I do to you so ready yourself.”

            Bago siya lumabas ng kusina ay napansin niya ang agad na pagba-blush sa maamong mukha ng kanyang oh my Regine.


PREVIOUS                                                                        NEXT

Comments

beauty... said…
Next na sarap ulit-ulitin.... na pro-prostrate na namn ako maging cheffff wahhhhhhhh.....

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…