Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: Ang Coffee Shop ni Kofi (Primer)





I was afraid to open my eyes. Don't even know how many tears that I've cried. Now that I've found the love of my life. I don't get down down down down down…

Isang masayang kanta ang morning trip sa Kofi Cups and Sweets nang umagang iyon. As the owner of this international quality coffee shop along the provincial roads, Kofi made sure that every morning would begin with a happy morning in his precious coffee shop.

Habang personal na nagsisilbi si Kofi sa mangilan-ngilang customers ay sinasabayan niya ang “Happy” song na maririnig mula sa built-in speakers sa kabuuan ng coffee shop niya.

 Happy. It's so nice to be happy. Everybody should be happy. It's so nice to be happy…”

Lalo pang naging hyper ang morning dahil present na naman ang mga kabarkada niya  kahit alas-singko pa lang ng umaga. Nakikikanta na  si Dhey, ang singing doctor ng tropa na hindi halatang wala pang tulog sa graveyard shift nito sa isang public hospital sa di kalayuan. Nakiki-second voice naman sina Chrysler at Cattie.

“You bring the sunshine into my life. Your lips are burning and the feeling is right. I can't believe It's true that you're mine. Don't let me down down down down down…”


“Ah, Kofi!” untag ni Rojun, ang isa sa mga suki niya sa coffee shop. Kaka-serve lang niya dito at sa kasama nito ng Espresso Con Panna at Butter cookies.

“Bakit?” tanong niya.

“Pwede mo bang i-mute iyang circle of friends mo? Ang ingay pare e.”

“I second the motion,” dagdag pa ng kasama nitong si Rowell. 

“Ah, eh…” Napakamot lang siya sa batok.

“Oy, double R, mind your own business nga. Hindi naman kami sintonado dito at saka kayo lang naman ang nagrereklamo ano,” buska ni Cattie.

“Honga. May freedom of singing naman kami dito,” hirit din ni Dhey.

“At masakit din kayo sa tenga ko,” gatong pa talaga ni Rojun.

“I second the motion,” singit ulit ni Rowell na abala sa kung anumang ginagawa sa laptop nito. Wi-Fi zone din ang coffee shop niya kaya convenient din ang lugar sa mga techie addicts.

“Kung ayaw n’yong marinig e di mag-disappear na kayo, sige na, tsu!” pagtataboy ni Dhey.

Alam na niya ang mangyayari. Maagang asaran na naman ito. Hindi naman masama ang asaran ng mga ito dahil mas madalas kumikita siya ng malaki habang nagtatagal ang mga tambay ng Kofi Cups sa lugar niya. At sa paghaba ng asaran at tawanan ng mga ito  ay sa pagdami rin ng orders at added entertainment value. Hindi na  niya masyadong kakailanganin ang magpakitang–gilas sa magic na alam niya para mapasaya ang customers niya. 

 “Bakit naman? Kumikita ba si Kofi sa inyo? At least kami, nagbabayad kami ng kape ano, e kayo? Palibre lang kayo ng palibre kay Kofi e ang yayaman n’yo naman,” kampanteng sambit ni Rojun sabay higop ng kape.

“I second the motion,” patangu-tango na tugon ni Rowell.

“At least, kami marami kaming sinasabi. Hindi katulad niyang kasama mo na second the motion lang ang kayang sabihin!” hirit ni Cattie.

“I second….oy hindi naman, busy lang ako!” naguguluhang hirit ni Rowell.

“At least nagsasalita ang kasama ko, kesa naman sa kasama n’yo. Tahimik lang si Chrysler kasi ikinakahiya nila kayong dalawa,” tatawa-tawang buska ni Rojun.

Binalingan ni Kofi ang mesa ng tropa niya. Natural na hindi makikigulo si Chrysler sa kanila dahil abala ito sa pagko-compute ng kikitain nito sa inorder niyang coffee products. May-ari ito ng isang coffee farm at ito ang major supplier niya.  At pag negosyo ang pinag-uusapan kahit pa pasabugan mo si Chrysler ng bomba ay hindi ito matitinag.

Itinaas nito ang kamay. “Rakenrol, pare! Rakenrol!” Isinenyas pa nito ang sinabi nitong rakenrol habang hindi inaalis ang atensyon sa kino-compute nito.

“Rakenrol!” tumatawang tugon ng lahat.

Binalingan ni Kofi sina Rojun at Rowell. “May order pa kayo?”

“Oo, pakiihaw ng dalawang dalag este dilag na iyan at ibebenta ko ng tingi,” pahabol  na pang-aasar ni Rojun.

“I second the motion.”

“Hah! Gusto mo bang maka-experience ng tender love and care ng isang doctor, Rojun?” nakangising sambit ni Dhey.

“Kung ikaw rin lang ang doctor, di bale na lang. Baka mamatay pa ako agad. Kawawa naman ang mga fans ko.”

“Eeeew! Meron ka talaga no’n? Kunsabagay, lahat naman ng mga matatanda na ay may mga follower. 

Siniko lang ni Rojun si Rowell. “Matanda ka na daw, payag ka no’n?”

“Ikaw kaya iyon,” tugon nito. “Kayo naman ang magkakausap diyan.”

“Okay lang, artistahin naman!”

“Weh???” angal ng lahat.
            
            “Kapal ng face natin ngayon, Rojun.  Anong tinira mo ngayon?” untag ni Dhey.

            “Espresso, kasalanan ni Kofi. May pampayabang itong espresso niya.”
          
             “Bakit ako nadamay? Nananahimik ako ah,” reklamo ni Kofi. “Bahala nga kayo sa buhay n’yo.”

            Ibinalik niya sa counter ang tray na hawak. Iniwan niyang nag-aasaran pa rin ang mga customers niya.

            “Dhey, may date ka ba mamayang gabi?” napakunot si Rojun. “Nice, may redundancy.”

            “At bakit?”

            “Ide-date kita sa isang diet restaurant para pumayat ka naman, ayaw mo?”

            “Neknek mo!”

            Napapailing na lang si Kofi nang tumungo siya sa mesa kung saan nakatambay ang barkada niya.

            “O, Chrys, bigyan mo naman ako ng discount. Pambihira ka, ang tagal mo ng kumikita sa akin ah,” buska niya dito.

            Iniabot nito ang computation na pinagkaabalahan. “Walang kaibi-kaibigan sa negosyo, pare.” 

            “Ang sabihin mo, kuripot ka lang,” sabat ni Dhey.

            “At oportunista,” gatong niya.

            “At mukhang durugista,” tatawa-tawang singit ni Cattie.

            “At pinakamayaman sa ating lahat!” hirit ni Chrysler.

            “E di ikaw na nga!” korong buska nila.

            Magbubukas na sana si Kofi ng bagong topic nang pumasok sa loob ng coffee shop ang kapatid niyang si Leo.

            Parang praning na ngingiti-ngiti ito na parang nagde-day dreaming. Nakasuot pa ito ng police uniform at may bitbit na isang notebook.

            “Uy! Agang-aga may sanib ka?” untag niya sa kapatid.

            “Naku naman, Kuya Kofi. Ngayon mo lang ba nalaman na may sanib ang kapatid mong iyan?” tanong ni Cattie.

            “Palagi namang hibang iyan e,” dagdag pa ni Dhey.

            “Lalo na kapag nakakakita iyan ng pusa,” sabat ni Chrysler.

            “At pag nakatikim ng pineapple tart!” sakay na lang niya sa biro ng mga ito.

            “Lalo na kung ang pineapple tart ay ginawa ng isang sexy na pastry chef,” idinagdag pa ulit ni Chrysler na nauwi na sa tawanan.

            “Di nga ’tol? Ano na namang nangyari sa’yo? Muntik ka na naman bang masaksak?” tanong niya sa hibang pa rin na kapatid.

            “Ng sexy na pastry chef?” sambit ni Chrys.

            “Kelangan ba talagang may kadugtong na sexy pastry chef?”

            “Oo kasama talaga iyon.”

            “Isama nyo na rin ang pineapple tart.”         

            Nakangiting parang namatanda pa rin na umupo si Leo sa tabi niya. “Regine….Regine… oh my, Regine….”

            Natigilan sila sa inaasta nito. “Regine na ang pangalan mo ngayon?” tanong ni Cattie. 

            “Bading ka na? Hala, isusumbong kita kay Mama,” hirit ni Kofi.

            “Hindi!” kunot noong sambit ni Leo. “Regine ang pangalan ng babaeng nakilala ko kanina. Haaay…” Parang praning na  niyakap nito ang bitbit na isang notebook na medyo feminine ang design.

            “Ang lupet mo naman. Hanggang sa trabaho mo, nakakapang-chicks ka pa rin. Lupet men! Lupet!” hirit ni Chrysler.

            “At para ka talagang praning diyan. Para kang babaeng kinikilig. Di bagay sa’yo, Leo. At hindi rin bagay sa sa police uniform mo,” sita ni Dhey.

            “Ay nako, pagod lang iyan sa trabaho. Umuwi ka na nga lang,” buska pa ni Kofi.

            “Inggit lang kayo. Mga wala kasing kwenta ang love life n’yo,” buska ni Leo. “Ikaw Cattie, hanggang kelan ka aasa dun sa ex mong ewan ha? Ikaw Dhey, hanggang kelan ka mai-in love sa cover boy ng isang print ad magazine at pocketbook? Ikaw Chrysler, kelan ka magigising sa katotohanan na hindi na nagwo-work ang relationship mo ng girlfriend mo? At ikaw kuya—”

            “At nadamay na naman ako? Pambihira!” reklamo ni Kofi.

            “Ikaw kuya, hanggang kelan ka maghahanap ng babaeng naka-nurse uniform na makikipagtitigan sa’yo sa loob ng jeep at tatawagin ka sa pinaka-weird na endearment? Hindi ko maintindihan ang love life n’yo.”

            Biglang naalala ni Kofi ang babaeng naka-nurse uniform na nakasabay niya sa jeep kani-kanina lang. Lihim na napangiti lang siya.

            “Bakit ang love life mo, perfect ha?  Perfect?” buska ni Dhey.

            “Palpak ka rin naman e,” hirit ni Cattie.

            “Ikaw na, ang maghanap ng pastry chef,” sambit ni Chrysler.

            “Uubusin mo ba lahat ng pastry chef sa mundo? Liligawan mo silang lahat at paglulutuin ng pineapple tart bago mo mahalin?” buska rin ni Kofi. “Hoy Leonel, ilang pastry chef ko na ang nag-resign dahil sa’yo.”

            “E iyan bang kinalolokohan mo, pastry chef?” tanong ni Dhey.

            Lumungkot ang mukha ni Leo. “Base sa notebook niya mukha saucier siya. Pero di bale, kung isa siyang chef malamang na marunong din siyang gumawa ng tart. May chance pa ako.”

            “Baliw!” sabay-sabay na buska nila.

            “Para kang si Kuya Xeiji, baliw!” dagdag pa ni Cattie.

            “Speaking of, nasaan na si attorney? Late na naman si Xeiji. Ilalakad ko sa kanya si Maria May,” sambit ni Chrysler.

            “Irereto mo ang best friend mo sa kalahating Hapon na iyon?”  tanong ni Kofi.

            “In love kay Lanlan Custodio iyon. Hindi iyon titingin sa ibang babae, pare,” dagdag ni Leo.

            “Hindi ko naman irereto si Maria May sa kanya. Malabong magkaintindihan ang dalawang iyon. Naghahanap ng bagong trabaho si Maria May. Di ba nagtanan iyong secretary ni Xeiji. Baka pwedeng si Maria May na lang ang ipalit niya.” 

            On cue, pumasok si Xeiji na parang natalo sa korte. Malungkot na umupo ito sa tabi ni Dhey.

            “Koohii, Kofi-khun,” hingi nito ng kape kay Kofi.

            Tumayo si Kofi. “Anong klaseng kape ang gusto mo?”

            “Iyon nakakarasing!

            “Wala noon dito. Coffee shop ito, hindi bar.” Pumunta si Kofi sa kitchen at kumuha ng Café Breva na paborito ni Xeiji. Sinamahan na rin niya Chocolate wafers para sa buong tropa.  He went back on the table and served the food.

            “Nakakarasing iyan?” tanong ulit ni Xeiji. Half-Pinoy, half-Japanese ito at magulong mag-Tagalog pero magaling mag-English.

            “Hindi nakakalasing ang kape, pare,” sambit niya.

            “Aramko. Gusto ko rasing ako maya.”

            “So binasted ka talaga ni Lanlan?” tanong ni Dhey.

            Lalong lumungkot ang mukha nito sa sinabi ni Dhey. Tumango ito. “Ranran beybs, may iba mahar!”

            “Naman! Mas gwapo pa sa’yo?” sambit ni Cattie.

            “Medyo.”

            “Sweet sila?” tanong ni Leo.

            “Hai!

            “Palaging silang magkasama?” tanong ni Chrysler.

            “Ragi sira sama. Ragi siya dikit Ranran beybs ko.”

            “Pulis ba iyan?” hirit ni Kofi. Bigla kasing dumaan sa harapan ng coffee shop ang Lanlan beybs nitong si Xeiji na may kasamang isang naka-unipormeng pulis.

            Kunot-noong binalingan siya ni Xeiji. “Bakit aramo?” Sinundan nito ang tinitingnan niya. Nakitingin na rin ang buong barkada.

            “Weh? Eh superior ko iyan e. S/Insp. Excelente Almendral. Naku, ‘tol talo ka diyan. Magaling na pulis iyan. Idol ko nga iyan e,” hirit ni Leo.

            “Kaya nga,” malungkot na tugon ni Xeiji sabay higop ng kape.

            “Okay lang iyan, Kuya Xeiji. Labs ka naman namin e,” hirit ni Cattie.

            Umiling lang si Xeiji.

            “Fafa, Xeiji!” Parang bagyong basta na lang pumasok at yumakap kay Xeiji ang isang babae.

            “Arlene, get off me!” iritableng hirit ni Xeiji.

            “Sinabi ko na sa’yo. Hindi ka nga niya gusto. Bakit ba sinasayang mo ang oras sa kanya e meron naman ditong nagmamahal sa’yo ng buong puso, atay, balunbalunan, esophagus, larynx, hinlalaki at hinliliit!”

            Nag-create ng tawanan ang litanya ng babaeng Nurse.

            “Ang sarap naman ng pagmamahal mo. Miss?” sabat ni Chrysler.

            “Arlene Bathan, nurse iyan do’n sa hospital kung saan ako nagdu-duty,” sabat din ni Dhey.

            “Registered Nurse ako. Marunong akong mag-alaga at marunong magmahal. Hmm, ang bago mo naman, Xeiji.”

            “Ikaw hindi! Amoy hospitar!” angal nito. “Tottoto dete ike.”

            “Ay, ‘wag kang mag-Nihonggo. Baka isipin ko, naga-aylabyu ka na sa’kin,” tudyo ni Arlene.

            “Baka ne! You fool. Get the hell out of here! Hindi kita mahar okay!”

            Tila parang napasong bumitaw ang babae sa pagkakalingkis kay Xeiji. “Sige, I’ll give you a break. Pero hindi ibig sabihin no’n e titigilan na kita. Hindi kita lulubayan tandaan mo iyan.” Naglakad na ito papalabas ng shop nang bumaling ito sa kanila. “Hindi ako titigil hangga’t hindi mo nare-realize na hindi siya ang dapat mong mahalin dahil hindi ka naman niya mahal. Hindi ako titigil hangga’t hindi nabubuksan ang puso mo para sa’kin, attorney.” Then few minutes more, she’s out of sight.

            Natahimik ang buong shop sa eksenang iyon.

            Siniko ni Kofi si Xeiji. “Mukhang iyon ang dapat mahalin, ‘tol!”

            “Wara magawa sa buhay iyon!”

            “Hindi mo mapipilit ang in denial, Kofi,” parinig ni Dhey.

            “I second the motion!” sabat ni Rowell.

            “In that case, I third the motion!” hirit din ni Rojun.

            “Ay mabuti pa, sagutan n’yo na lang ito.” Ipinamudmod ni Cattie ang survey sheets sa lahat ng tao sa coffee shop.

            “Ay ang taray naman nito!” excited na hirit ni Dhey.

            Kumunot  lang ang noo ni Kofi. “Ano ‘to? Five factors that will make you fall in love with opposite sex?”

            “Ano na namang kalokohan ito, Cattie?” buska ni Chrysler.

            “Naraku! Asar moko?”

            “Oy nasa heaven tayo wala tayo sa hell, Mr. Tempura with special sauce,” buska ni Dhey. “Suportahan na lang natin si Cattie.”

            “Tinatanong pa ba ‘to? Alam mo na naman sagot ko dito e,” hirit ni Leo.

            “Sige na, sagutan n’yo na iyan. Project ko iyan e,” hirit ni Cattie. Nagma-masteral si Cattie ng Advertising habang nagtatrabaho bilang Editorial Assistant sa isang Showbiz magazine.

            “Haay, pwedeng assignment ko muna ‘to? Tutulog lang ako.” Tumayo na si Leo. “Makikikain ng agahan kuya ha. Makikitulog na rin sa pad mo.” Lumayas na rin ito.

            “Sige,” tugon ni Kofi habang pinag-iisipan ang isasagot sa papel na iyon. Kasabay na rin don ang wish na sana magkita ulit sila ng babaeng nurse na nakipagtitigan sa kanya sa jeep kanina.  Na-distract lang siya nang may pumasok na babae na diretsong nag-hug at nag-iiyak kay Rojun.

            “Kuuuuuyaaaaa!!!!”

            “Aysusmaryosep! Wala akong pera, Regine,” untag ni Rojun.

            “I second the motion,” hirit agad ni Rowell. 

            “Anong gagawin ko mga kuya? Tinanggal ako sa trabaho. Well, ayoko na namang gumawa ng spaghetti sauce sa buong buhay ko. Isa akong natural born-pastry lover. Ang pangarap ko ay maging pastry chef. Pastries naman talaga ang specialty ko e at hindi kung anu-anong meat sauce na iyon. At ang pangit ng boss ko kaya hinding-hindi na ako babalik pa sa kanila ever!” litanya ni Regine.

            “O e ano problema mo do’n?” tanong ni Rojun. 

            “Wala na akong trabaho. Paano ang bayarin ko sa buhay? Na-snatch ang bag ko kuya. Naglakad nga lang ako dito e. Hah! Kasalanan ng impaktong pulis na iyon! Mas inintindi pa niyang makipagtitigan sa akin kesa habulin iyong snatcher! Pag nakita ko siya, pipilipitin ko ang ulo niya! Igigisa ko siya at ihahalo ko sa meat sauce. Humanda siyaaaaaaaa!”

            Tumili ito, enough na para masindak silang lahat.

            “Easy. Natatakot ang mga tao sa’yo o. Morbid killer ang dating mo hija.”

            “I second the motion.”

            “Hahanda talaga siya. Kasalanan niyang lahat. Dahil sa panggulong iyon, nawawala na tuloy iyong pink flowery kong notebook. Andon iyong precious recipes ko! Kaya hinding-hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya nakikitaaaaa!”

            “Shh! Hinaan mo nga ang volume mo,” sita ni Rojun. “Nakakahiya ka.”

            “I second the motion.”

            “Kuya Rowell, bakit iyan lang ang sinasabi mo? May sakit ka ba?”

            “Wala. Hmm, alam mo naman ba ang name ng hinahanap mo?”

            Tumayo si Regine  at tumingin sa kabuuan ng coffee. “Oy, kayong lahat pag may nakilala kayong SPO4 Leonel Candaza, itimbre nyong lahat sa akin ha.”

            “Si Leo???” korong  sambit nilang magkakaibigan.

            Nagkanya-kanya lang sila ng iwas ng tingin nang tapunan sila ng matalim na tingin ni Regine. Kabukod-tangi si Kofi na hindi umiwas ng tingin.

            He raised his hand. “Ah, Miss?”

            “Regine dela Cruz. Kilala mo ba ang pulis na iyon?”

            “You want to be a pastry chef?” bagkus ay tanong niya. “I’m currently looking for a pastry chef here.”

            Tila sinaniban ng anghel na nagbago ang aura ni Regine.  “Talaga po?”

            Tumango siya.

            “Ay! Hulog ka ng heaven, Sir! Ano pong pangalan mo?”

            “Enrico Filemon Candaza or simply Kofi.”

            Napangiwi ito. “Candaza? Kaanu-ano mo si—”

            “Kapatid ko. Gusto mo ba siyang katayin? Andun siya sa bachelor’s pad ko and he’s sleeping soundly.”

            “Ngeee! Di bale na—”

            “Oy Regine, masamang tumanggi sa grasya. Alalahanin ang bayarin sa buhay,” singit ni Rojun.

            “Wala kang trabaho, mag-isip ka, hija!” sabat din ni Rowell na himalang hindi nabanggit ang, “I second the motion” nito.  

            Bumaling ulit si Regine sa kanya. Nginitian niya ito. He definitely knew how to charm any woman by just a simple smile. “So, Miss dela Cruz?”

            “Sige po. Ano pong requirements at kelan po akong mag-start?” mas mahinahong tugon nito.

            Oras na para magpaamo ng isang mataray na babae. Para na rin iyon sa kapatid niya upang hindi ito masyadong mabugahan ng apoy ng babaeng nasa harap niya ngayon.

            He slowly inserted the few strands of Regine’s hair at the back of her ears and slowly pulled a handkerchief from there. Halatang na-amused sa magic trick niya ang babae. Ginamit niya ang panyo para punasan ang pisngi nitong may bahid pa ng luha. “Be back when you’re ready. Kapag hindi ka na galit, malungkot at umiiyak. I just need your resume. And I will let you bake at least three types of pastries in front of me.” Pumitik siya sa may ilong nito at lumitaw ang isang stemmed rose. “Impress me, gorgeous lady.”

            “In short, bumalik ka na lang daw pag mukha ka ng tao,” singit ni Rojun. 

            Napailing si Kofi. Okay na sana sumingit pa si Rojun.

            “Asar ka talaga kuyaaaa!” Inihampas nito ang stemmed rose dito at nagtuloy na naman ang asaran sa loob ng shop niya.

            “Feeling mo naman Rojun, mukha kang tao e alien ka naman,” simula ni Dhey.

            “Waket? Alien ka rin naman ah. Magkapitbahay nga tayo e.”

            “Baliw din iyan,” sabat ni Cattie.

            “Magkasama tayo sa ward di ba?”  gatong ni Rojun.

            “Rakenrol pare!” singit ni Chrysler.

            “Kampaiii!!”

            “Xeiji, hindi kinakampay ang kape!” sita ni Kofi.

            “Bansai tomodachi!”  hirit ni Xeiji.

            “Ano daw? ‘Wag ka nga, mag-alien talk,” reklamo ni Cattie.

            “Long life friends!” translated version nito.

            Araw-araw ganon kagulo ang shop niya. But he didn’t mind that at all. Masaya  siyang makitang masaya ang ambiance ng lugar.

            Napangiti si Kofi. He was indeed a successful businessman so far. Isa na lang ang kulang sa buhay niya. Naalala niyang muli ang babae sa jeep. Bumaling siya sa glass wall at nakita niyang dumaan sa labas ng establishment ang babaeng nakasabayan niya sa jeep. Tumatakbo ito na parang bata na nakahawak pa sa handle ng backpack nito. Dali-dali siyang lumabas para sana habulin ang babae at makipagkilala.

            Ngunit nang makalabas siya ay likod na lang ang nakita niya dahil mukhang nagmamadali ang babae. Napangiti na lang siya habang inihahatid ng tingin ang babaeng iyon.

            “Uy Kofi, sino iyang sinisilip mo ha?”

            “Wow! Ang ganda naman ng likod.”

            “Ang sexy!”

            “Teka, alin ba tinitingnan n’yo? Iyong bading lang ang nakikita ko.”

            “Ay bading ba ‘yon? Hala, iba na ang taste preference mo, Enrico?”

            Binalingan niya ang mga kabarkada. “Alam n’yo, ang papraning n’yo. Iyong nurse ang sinisilip ko.”

            “Asan na Nurse mo? Wara namane!

            “Nakalayo na.”

            “Chrys!” napalingon silang lahat sa kadarating pa lang na si Maria May.

            Nilapitan ito ni Chrysler. “What happened? Anong nalugi sa’yo? Bakit ganyan ang hitsura mo?”

            “Isang basong luha at malaking heartache. Wala na kami. He broke up with me,” sagot ni Maria May.

           Niyakap ito ni Chrys. “Lalaki lang iyan, Maria May. Hindi ka dapat umiyak sa mga hindi deserving iyakan.”

            “Tama!” pag-sang-ayon nilang lahat.

            “Pasok ka muna sa shop, Maria May. Ililibre ka ng kape ni Chrys,” alok ni Kofi.

            “Teka, bakit ako? Ikaw ang nag-alok ah!” angal ni Chrys.

            “Ang laki ng kinita mo sa’kin. Manlibre ka.”

            “Ah, Maria May!” Sumingit na naman sa usapan si Rojun.

            “Kuya Rojun, hi!”

            Winalang-bahala ni Rojun na nakayakap pa si Chrys dito. Inakbayan ni Rojun si Maria May. “Tara sa loob. Pag-usapan natin ang love life mo. Magandang topic iyan.” Iginiya nito papasok ng coffee shop si Maria May. Lumingon pa ito kay Chrys na halatang nainis sa ginawa nito. “Di ba, Chrysler?”

            “Ihawin kita diyan e,” pabulong na tugon ni Chrys.

            “Ang selos factor, lumalabas!” pabulong din na biro ni Dhey dito.

             “Ewan ko sa inyo!” Nagmartsa papasok ng coffee shop si Chrysler.

            Napakibit-balikat lang si Kofi. At bago siya pumasok sa loob ng coffee shop ay nilingon muli niya ang dinaanan ng babaeng Nurse. “Sana magkita ulit tayo, Nurse Eloisa.” He went inside the shop with a happy face.



                                                                                           NEXT

Comments

Hannah Fay said…
And i started reading this again. Haaaay. Love life. Nasaan ka. 😅 hi ate melaiiiiiiiii

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…