Skip to main content

Find Your Way To Me 3: Keep The Music Playing- Epilogue




“Love and music has lots of things in common. When you feel love, you hear music of the heart. When you hear music, you fell in love. Embracing music is like handling a relationship. You have to be patient, you have to be careful, you have to be attached, you have to be passionate and sometimes you have to be bold and wild.” Vlad winked. And it was followed by bunch of laughs from his college student audience.

                It’s been twenty years since the accident happened. Ang aksidenteng bumago sa takbo ng buhay nilang mag-asawa. Ang aksidenteng nagdulot ng matinding pagsubok na inakala rin niyang hindi niya kayang lagpasan. Heto na siya ngayon matapos ang dalawang dekada. Wala na siyang kaliwang binti. He was amputated after the accident. Ngayon ay may artificial leg siya na tumutulong para makalakad siya kahit pilay na. Isa na rin siyang professor sa isang university na kilala sa larangan ng music. He was recently held one of the finest music professors in the school.

                Kasalukuyang nasa kalagitnaan siya ng pagto-talk bilang speaker sa isang out of town seminar and workshops ng mga college music students na ginanap sa Batanes—sa parehong resort kung saan sila nagkadevelop-an ng kanyang asawa.


                “When you play music or sing a song, you are like courting someone you are hopelessly in love with. Iyong patay na patay ka o kaya ikamamatay mo kung di mo nakuha. Susuyuin mo ang musika na yakapin ka, damhin ka, rape-in ka kung kina-kailangan. Sabihin  mo kay Music, ‘Sige, come to me baby! Love me!’” ekseheradong sambit niya. Another round of laughs. “Alam nyo kung bakit? Kasi ang music ay may magic na hindi kayang ipaliwanag ng science nor ng kahit sinong music experts. Kahit pa gaano kagaling ang kamay mong dumutdot sa tiklado ng piano..,” he gave sample by keying some  difficult notes on his piano, “it will still mean nothing if you don’t put your heart in it.” He played the same sample with emotions involved this time.    

                A student raised her hand and asked a question. “Sir, if love and music connives, how music played part on your love life?”  The other students cheered.

                Napangiti siya sa tanong. Gano’n talaga siguro ang mga estudyante—curious sa love life ng professor. “Simple.  I keep on playing piano, composing piece and performing because once in my life, I promised my wife, I will keep the music…our music, playing. Bawat kanta original man o re-arranged, bawat oras na nilalaan ko sa harap ng piano para mag-rehearse, mag-arrange at mag-perform… lahat si Ayen ang dahilan. I played music for her. Tuwing lalapat ang kamay ko sa piano, siya ang nasa isip ko. Her beautiful face, her sweet smile, her loving embrace, her  sweet kisses. Sabihin nating ang asawa ko ang dahilan  kung bakit andito ako sa harap nyo ngayon, trying my best to share my experience in music and in life. Wala ako, kung wala siya.”

                Naalala niya ang asawa. Alam niyang hindi na niya maibabalik ang panahon kaya hindi niya hinayaang baguhin ng panahon ang pagmamahalan nila. Kung anuman ang nangyari, sa isang bagay lang siya sigurado. Their love for each other will be eternal.   

                 For the next few minutes ay binigyan niya ng  activity ang mga student bago sila mag-break time. Pagkatapos ng seminar session ay bumalik siya sa room na nirentahan niya sa resort na yon. It was the same villa where they took accommodations decades ago. Nakakatuwang makitang halos walang nagbago sa resort na iyon sa kabila ng napakaraming taon na nagdaan.

                Naabutan niya ang nag-iisang anak sa hallway sa labas ng inuupahang silid. May bitbit itong bulaklak. His baby  was now a grown up girl, a professional fashion designer and a concert princess. Pinasok nito ang showbiz after magtapos ng college. As expected, nakuha nito— at higit pa nga— ang talent niya sa music. She was now a famous versatile singer that invaded concert stages with a bang. He was just so proud of her. 

                “Kanino galing iyan, anak?” tanong niya. He was not that strict to her when it comes to relationship but he can’t  help it sometimes.

                “Sa fan lang po galing, Dad,” ngingiti-ngiting sambit nito. “In fairness, Dad. Ang gwapong fan no’n.”

                “Fan o manliligaw?”

                “Niyaya niya po ako ng date.”

                “You said yes?”

                “I said no.”

                “Bakit? Hindi kita pinagbabawalan anak. Baka tumandang dalaga ka naman pag kinalimutan mong mag-love life.”

                “Next time na lang ang date sabi ko sa kanya. It’s Mama’s Birthday. We have to be together. And speaking of, kanina ka pa po hinahanap ni Mama.”   

                He opened the door of their room. There lying in bed was his wife. Amhiela was bed-ridden already due to paralysis brought by the accident twenty years ago. She even can’t speak anymore. Ang kaya lang nitong gawin ay igalaw ng bahagya ang mga kamay, enough to do sign languages, to write on paper, and operate cellphone for text messaging.  Nevertheless, she was quite healthy. Wala itong complications sa internal organs. Nakakarinig pa din ito, nakakatawa at bahagyang naigagalaw ang ulo. However, the rest of her body was null and senseless. Permanent na daw iyon ayon sa mga doctor.

                Ginawa nilang lahat ng paraan para gumaling ito pero ni ang albularyong nakapagpagaling sa kanya noon ay hindi na ito napagaling. Tinanggap na lang nilang mag-asawa ang kapalaran nila at sinikap na maging mas masaya na lamang sa mga blessings na patuloy na dumadating sa buhay nila sa kabila ng kanilang kalagayan.  

                Hindi siya nagkulang sa pag-aalaga dito mula nang magising ito matapos ang anim na buwang pagka-comatose noon. That time, kinalimutan ni Vlad na  wala na siyang binti. Kinalimutan niya ang sariling agony dahil sumentro sa pag-aalaga dito ang buhay niya, kahit mahirap sa sitwasyon niyang may sarili din iniinda.

                Sa loob ng twenty years, never napagod si Vlad kahit ilang beses na sinabi ni Amhielang pagod na ito. Never siyang nagkulang ng pag-aalaga at pagmamahal dito. Never siyang tumigil gampanan ang pagiging matatag na ama at asawa. Ginawa niyang inspirasyon ang nangyari sa kanila upang bumangon, makabuo ng magagandang music pieces at magbigay inspirasyon sa iba. Lahat ng iyon ay inaalay niya sa pagmamahal niya sa kanyang mag-ina lalo’t higit sa kanyang asawa. 

                Amhiela did a sign language. Galit ako sa’yo. Sumimangot ito.

                Umupo siya sa tabi nito sa kama. “Bakit?”

                A sign language again. Sabi mo kaninang umaga ang ganda ko. Tumingin ako sa salamin, hindi naman e.

                Tumawa siya. “Sinong may sabing hindi? It’s been 25 years since we got married, 30 years since we first met. Mula noon hanggang ngayon never kang naging di maganda lalo na sa aking paningin.”

                Kinuha nito  ang tablet pc at nagsulat. Pagkatapos ay pinabasa nito sa kanya ang sinulat. Ang tanda na natin pero, kinikilig pa rin ako, sa’yo. Pa-kiss nga! Amhiela smiled.

                Buong puso niyang hinalikan ito. “Happy Birthday, Ayen.” She smiled at alam niyang thank you ang meaning ng mga ngiting iyon. “Anong gusto mong way ng pag-celebrate ng birthday?”  

                Marahang nagsulat uli  ito sa tablet pc at matyaga naman siyang naghintay na matapos nito ang sinusulat. Ipinabasa nito sa kanya ang sinulat. I want to capture the sunset tonight.

                “Masusunod. We will capture the sunset tonight.”

                “Dad, Tita Limien just called. Your album made it. Gold and platinum na ang album mo po,” sabat ni Mirasol.

                He was surprised and filled with so much happiness. Ilang  buwan pa lang ang nakakaraan nang i-launch nila sa market ang Keep The Music Playing: Anthology of Love Songs for Amhiela—ang compilation nga mga songs na diwang saksi at participants sa love story nila ng asawa.

                “Congrats, Dad. Mana ka talaga sa akin. A certified recording star,” patawang hirit ng anak niya.

                “Ako pa  talaga ang nagmana sa’yo ha? Ikaw talaga. Salamat, anak.”

                Kinulbit siya ni Amhiela. Agad niya itong binalingan at napangiti. Written on the tablet pc:

                I will always be greatful that there was you who never left me behind and never made me feel alone. I was overwhelmed with your love. That album is not just an album. It is our story embedded in every song that we used to sing. I’m more than proud of you, Vlad… for your success not only in the music industry, but also for your success as a loving husband and a best father to Mirasol. Thank you for loving me this much. And please never ever forget that I’m your number one  fan! :D

                  He just couldn’t help but hugged her tight and kept on telling her how much he loves her.

                “I think mama’s SLR have to capture something here. Don’t mind me, dear parents. Just go on with your ‘chuchu-ing’ and I’ll just be here taking photos of you.”

                Amhiela softly laughed and Vlad turned to his child with a doubt look. Saka lang niya nakitang hawak pala nito ang SLR ng mama nito at kanina pang kumukuha ng mga pictures nila. “Anong chuchu-ing?”

                “Chuchu-ing. Lambingan.”

                “Kanino mo natutunan ‘yan?”

                “Kay Mama.” Iniangat ang camera. “Sige na po, Dad. Kukuhanan ko kayo ng pics ni Mama tapos gagawa ako ng video with your pics at ilalagay natin sa youtube.”

                Hindi na siya naka-react nang hilahin ng asawa ang kuwelyo niya dahilan para mabalik dito ang attention niya.  She did some sign language gestures.  Mahal na mahal kita.

                 He also did a sign language while uttering,”Mahal na mahal din kita…mula noon, ngayon, at sa habang panahon. Hinding-hindi na iyon mababago.” Muli, masuyo niya itong hinalikan.

                At matapos ang ilang sweet acts, inutusan na niya ang anak na ihanap ng magandang damit ang asawa. Sa tulong ng anak ay binihisan niya ang asawa, inayusan at  nilagyan ng make-up. Pagkatapos ay binuhat niya ito at dinala ito sa pampang. Umupo sila sa buhanginan at hinintay ang sunset.  His body served as her support. When the capturing moments came, tinulungan niya itong mahawakan ng mabuti ang SLR nito para makuhanan nito ng ayos ang sunset. Pagkatapos ay sinilip nilang dalawa ang mga shots na nakuha nito. Despite of Amhiela’s condition, her skill in photography remained exemplary.

                Nang magsawa ito sa pagkuha ng pictures ay sinulit nila ang natitirang oras para panoorin ang napakagandang view ng papalubog na araw.

                She suddenly wrote something in the  tablet pc and eventually showed it to him. Remember this particular part? Sa palagay ko, dito mismo sa pwestong ito ako natisod ng kawayan noon. It was the reason why you and I became even closer to each other. Thank you for bringing me back here with you.   

                Habang ang katawan nito ay nakadantay sa kanyang dibdib ay niyakap niya ito. “Pupuntahan natin ang mga lugar na pinuntahan natin noon. Sabay tayong magre-reminisce. At dadalhin din kita sa mga lugar na gusto mong puntahan.  Walang may alam, baka konti na lang ang panahon nating magkasama. Malaki na si Mirasol, pwede na natin siyang iwan para masolo uli kita.”

                She wrote on the tablet pc again.  Ikaw ang bahala. I love you.”

                “I love you.”

                Love has it’s own way of creating miracles. Not just because you said you’re not meant for it, love will obey. Instead, love will do everything for you to realize that you deserve to love and be loved.  Every love story has its own melody, its own lyrics, its own harmony and its own rhythmic beat that only heart can play perfectly.

THE END



03/19/12Melaniequilla

Comments

kimy said…
congratz te melai..astig ka tlga pagdtng s pagsusulat... next na agad agad haha
Naiomi said…
Ang ganda ganda. Sobraaa. Naiyak ako, promise, hindi ko alam kung bakit. Hahaha. Sabihin ng OA ako, pero hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko pagkatapos kong basahin yung epilogue... This story made me believe in TRUE LOVE. FAIRYTALES DO COME TRUE. ♥
Haffle :)) said…
Kabog na kabog 'to! Ang daming pumapasok sa isip ko habang binabasa ko 'to. Ang daming "what if". Galing! Love ko na rin si Mirasol! Amhielang amhiela ang peg! Hahaha. Weeee! Thanks mother for this unkabogable story! More!
kiz said…
moreeee moreeee!!!! speechless ako sa ganda. can't wait sa mga susunod pang novels :)
Anonymous said…
Ganda!!! Happy ending! Nakaka-ingit and love story nila. Sobrang Love nla ang isa't isa. =)
pretty_fox said…
wooooooowwwwwwww da best kah talga melai....ang gaganda nga mga novels moh....kahit nah kawawa ang mga bida ok lang atleast matatag parin cla hanggang sa huli...walang iwanan....more novel to come melai & godbless.....
Melai said…
Maraming salamat sa inyo. Nagulo rin isip ko nang sinusulat ko ito. I tried my best to give a little different story from others. Glad, I think I made it. Salamat po sa lahat. Looking forward to finish another novel :)
Anonymous said…
Ikaw klase ang kaliber mo sa writing. Sa mga gaw mo lang ako napapiyak, napapakilig at napapasmile. Keep It up!
Melai said…
Salamat anon :)
hanapei said…
//laslas

you never failed me to cry.. Nagiging uhugin ako kapag nagbabasa ng novel mo ate melai!! Ang hirap kaya magmove on kakaiyak.. Hahaha! Buy i really really love your works! More stories pa ate! Mwa mwa tsup tsup!
Aira ♥ said…
kainis! naiyak ako ng bonggang bongga! WEEEEH! nice ate melai!
Melai said…
maraming salamat hana fey and aira :)
jane said…
pak!! na pak!! pasok sa banga! ikaw na teh.. ganda ng story napaiyak mo ako ha.. heheh ;)

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…