Skip to main content

Find Your Way To Me 3: Keep The Music Playing- Chapter Thirteen




Three years later.

                God was indeed so good giving Vlad the chance to get well. Nagbakasakali silang mag-asawa at pinuntahan ang albuaryong sinabi ng kapatid nito tatlong taon na ang nakakalipas. At makalipas ang tatlong taon, heto na siya. Naigagalaw na niya ng ayos ang kanyang mga kamay. Nagagawa na rin niyang tumayo pero hindi pa niya kayang maglakad. He’s looking forward to be able to walk again though. For the mean time, sinubukan muna niyang bumalik sa passion niya.  Thankful silang mag-asawa na matapos ang pinagdaanang unos, heto pa rin sila buo, masaya, at nagmamahalan.

                Napapangiti na lamang si Vlad habang pinapanood ang anak na tumutugtog ng piano. Apat na taon na ito at namana ang hilig niya sa music. Two years old ito nang  mapansin nilang mag-asawa na may interes na itong mag-play ng piano. With the support of his wife, he trained her to play piano kahit na hindi pa ito nakakabasa ng notes. Like him, Mirasol is a musician by ear.

                She played the last two notes of a piece wrong and stopped. “Ooops. Mali! Mali po, Dad di ba?” Mirasol innocently turned to him having the pair of eyes the same as what his wife has.


                Vlad just smiled and kissed her temple. “It’s okay baby.” Tinugtog niya ang part na nagkamali ito while his eyes were still on set on his child. Mirasol innocently and attentively watch the piano while he was playing.

                Then she immediately played again the part and did it well this time. “Yes!” She cheerfully raised her two hands. “I did it!” Yumakap ito sa kanya.

                “Ang galing-galing mo na sa piano, anak. Pwede ka ng pumalit kay Daddy.”

                “Talaga?”

                “Oo naman.”

                “Mana po ‘ko sa’yo sabi ni Mama. Kaw po pinakamagaling sa lahat.”

                He smiled. “Sa lahat?”

                Tumawa ang bata. “Sa lahat lahat lahat lahat!”

                “At nagbolahan ang mag-ama,” sabat ni Amhiela. Agad itong pumasok sa silid at may bitbit na tray ng merienda. “Tama na muna iyan, kain na muna. Lika dito baby.”

                Mirasol ran to her mother to get some food. Naiwan siya sa harap ng piano habang aliw na aliw makita ang mag-ina niya. Puno ng pagmamahal na inasikaso ni Amhiela ang anak nila. Kinukuhanan din nito ng pictures  si Mirasol gamit ang SLR nito habang ang bata ay sayang-saya sa cupcakes na luto mismo ng asawa niya.

                Vlad never wished for anything more. Ngayon ay kuntento na siya sa buhay. Unti-unti ay nakakapagtrabaho na siya sa Keithan Apparels. Dahil don, part time na lang nagtatrabaho ang asawa niya at nagkakaroon na ito ng mas maraming oras para sa kanila. Pumupunta lang ito sa office pag kailangan ng photographer. Ngayon ay tinatrabaho na rin niya at ng co-pianist na si Limien Rose ang ikatlong volume ng collaboration albums nila. Bumabalik-balik na rin siya sa mga shows bilang musical arranger o performer. And Mirasol stayed healthy, sweet, and smart. Everything just went well and he just can’t simply hope for more. Thankful na siyang nakabangon na sila.

                He tapped his lap. Ito na lang ang kulang. Pag nakalakad na ako, solb na! Napangiti siya. Tuloy-tuloy pa rin ang therapy niya kasabay ng pagdarasal at pagpapahid ng langis na bigay ng albularyong nagpapagaling sa kanya.

                “Kung anuman ang inginingiti mong yan, garantisadong gutom lang yan. O kumain ka na rin.” Amhiela placed  a plate with cupcakes and a glass of juice on the top of the piano.

                Napatawa lang siya. He tapped his lap and motioned her to sit on it. Agad naman itong umupo sa kandungan niya. She wrapped her arms on his neck. How he loved sweet moments like this. Iyong busy ang anak nila sa pagkain at walang pakialam sa kanilang dalawa kaya libre silang maglambingan.  He immediately awarded her a kiss. “Ayen…”

                She smiled and kissed him back. “I love you.”

                Napangiti siya. “Inunahan mo akong mag-I love you. Well I love you so much.”

                She laughed. Una-unahan lang talaga yan. Ganon talaga ang  laban ng buhay.  Minsan makulay, minsan magulay,” binuntutan pa nito ng tawa.

                Napatawa din siya. “Naghahalo-halo na naman ang sinasabi mo.”

                “Ganon, talaga pag gwapo ka at maganda ako.”

                “Anong konek no’n?”

                Niyakap siya nito at humilig ito sa balikat niya. “Syempre wala. Di ka na nasanay.”  He kissed on her temple. “Hindi ba pwedeng sumama na lang kayo ni Mirasol sa Thailand?”  Paalis na ito in few hours para sa international photoshoot ng bagong clothing line ng Keithan Apparels at para dumalo sa isang international convention for photographers.

                “Ayen, kung sa kanto lang yan, sasamahan ka namin do’n. Mahihirapan ka ng sobra kung kasama pa kami ni Mirasol. Sa halip na makaconcentrate ka sa work, iisipin mo pa kami. Wag kang mag-alala, okay lang kami dito ng bata. Basta mag-iingat ka do’n ha.”

                She moved a little and stared at him. “Two months yon e. Sigurado ka bang okay lang na iwan ko muna kayo ng two months?”

                He gently touched her cheeks. “Wag mo kaming intindihin. Just go, fulfill your dream and, award me a kiss as soon as you’re back.”

                She pinched his nose. Kinuha nito ang isang cupcake at sinubuan siya. “Gutom lang talaga ‘yan. Vlad.”

                “Love you!” malambing niyang sambit.

                Kumagat ito ng big bite sa cupcake at ini-share sa kanya. Kinagat niya ang other side hanggang sa maglapat muli ang kanilang mga labi.  Then they  smiled at each other habang nginunguya ang cupcake hanggang sa umeksena na si Mirasol sa pagitan nila.

                “I want more pa po, Mama.”  

                Nagkatinginan silang mag-asawa. Tumayo na si Amhiela at binalingan nila si Mirasol. “Tatlong cupcakes na yon ah. Gusto mo pa?”  tanong ni Amhiela.

                Binuhat naman ni Vlad ang bata at kinandong  habang si Amhiela naman ay kinuha ang isa pang cupcake. “Mananaba ang batang ito, Ayen. Andaming kumain.”

                “Okay lang iyan, bata pa naman.”

                Masaya nilang pinakain ang kanilang anak at after few hours, inihatid na niya sa airport ang asawa para sa long trip nito.

                For the coming months na wala ito ay pinagbuti naman ni Vlad ang therapy para makalakad siya. Goal niyang magawa iyon bago makauwi ang asawa niya. In God grace, he made it.


                EXCITED si Amhiela habang papalapag na sa NAIA ang eroplanong sinasakyan niya. Finally, after two months of hardwork and new learning in Thailand, she was now way back home. She missed her husband and  her child. Noong mga nagdaang buwan na nasa ibang bansa siya ay nagtatawagan na lang silang mag-asawa to check each other. 

                Agad niyang binuksan ang cell phone nang makababa siya ng eroplano at tinawagan ang asawa. “Vlad, dito na ako. Naglalakad na ako sa loob ng NAIA. I’ll just get my luggage.”

                “O sige, andito lang ako sa waiting area ng arrival. Don’t keep me waiting. I have a surprise for you.”

                Napakunot ang noo niya. Her husband sounded so excited. “Suprise? Ano na naman iyan, Vlad?”

                 “Surprise nga. Hindi na iyon surprise kung sabihin ko sa’yo agad.”

                 She picked her luggage and walked towards the waiting area. “Malapit na ako sa waiting area, nasaang banda ka ba?”  Nagpalinga-linga siya. Napakaraming tao sa waiting area dahil vacation season na. Matyagang hinanap ng kanya mata ang asawang naka-wheel chair pero wala siyang makita.  “Andaming tao, I can’t find you.”

                “Me, I do. Turn around.”

                Agad siyang napalingon at natigilan. Vlad was literally standing alone in front of her, holding a bunch of flowers on right hand and his left holding a cellphone on his ears. “Vlad, you can finally stand alone!”

                In her mere surprise, he walked towards her. “And walk alone.” Though hindi pa rin masyadong ayos ang paglalakad nito, ang mahalaga ay nagagawa na nitong humakbang ng walang saklay at wala na ring wheelchair.

                Teary-eyed na sinalubong niya ito ng yakap. Finally, all her prayers were already answered. For the past years, wala siyang hinangad kundi ang gumaling ito. “You finally can walk. I’m really surprised, Vlad and I’m so much happy.”

                He moved and gave her the flowers. “Actually, bago ka umalis medyo nakalakad na rin ako ng small steps noon. When you were busy abroad, I devoted time on my therapy and targeted to walk when you finally back home. Everything went perfect because of you, Ayen.”

                “I’m so proud of you.” She teasingly looked at him from head to foot and vice versa. “I missed looking at you this way huh. Ang gwapo lang eh ano? Head to toe, toe to head. Swerte ko talaga at ikaw ang napangasawa ko.”

                He picked and carried her luggage and held her free hand tight. “Mas maswerte akong napagtyagaan mo ako.”

                “It’s worth it Vlad. It’s worth it loving you.”

                Nagbitaw sila sa paghahawak kamay at naglakad  papalabas ng arrival ng magkaakbay.  On their way home ay nagkuwentuhan sila kung paano nito pinagpaguran ang makalakad at kung ano ang dapat nilang gawin para ma-maintain ang  paglalakad nito at para hindi na ito bumalik sa dati. Vlad was driving the car and she was sitting on the passenger seat. Natutuwa talaga siya. Sino bang mag-aakala na darating pa ang araw na magagawa na rin nitong magmaneho muli?

                “Nagpunta ako sa doctor noong isang araw at maging sila, surprised. The sclerosis might be gone on me according to my doctor. I underwent some tests to make sure though.” Napansin nilang napadaan ang sinasakyan sa simbahan kung saan sila palaging uma-attend ng Sunday mass.  “Stopver?”

                “Yeah. We should thank God today for so many reasons.”

                Car was parked on the  parking lot of the church. Bumaba silang mag-asawa at magkahawak kamay na naglakad papasok ng simbahan. For the next few minutes they spent time kneeling down and praying, thanking God for giving them so much blessings and loads of courage and strength to move on, hold on, and make their marriage stronger with the foundation of love and faith on Him.

                 A husband who loves me so much, who is not selfish to give his life to me and Mirasol. A man I never thought I could have. A love I never thought I could feel. A kind of happiness I never thought to be real. I just can’t ask for more, dear God. Just let this marriage and love last no matter what struggles are waiting for us. Thank you so much, Lord. And like what my husband did to fight for my life before, I’m offering back myself to You too, just keep him okay, healthy, safe and alive.

                Nag-sign of the cross siya saka umupo habang hinihintay niyang matapos sa pagdarasal ang asawa. In few  minutes more, nag-sign of the cross  na rin ito at niyaya na siyang lumabas ng simbahan.

                “Ang haba ng conference mo kay Lord ha. Anong dinasal mo?” usisa niya habang nasa byahe na uli sila.

                “Ah, pinagdasal ko lang kayo ni Mirasol. At saka nagpasalamat ako ng paulit-ulit dahil nakalakad na ako. Balikan natin si manong ha.   Magpapasalamat ako at napagaling niya ako.”

                “Sige next week, mag-off ako.” Pinagmasdan niya ang asawa. She suddenly felt sad. Hindi niya alam kung bakit parang nami-miss niya na agad  ito kahit magkasama naman sila. Umupo na lang siya ng ayos at pumikit. Pagod lang talaga siguro siya kaya kung anu-anong naiisip niya.

                She woke up in her old bed, in their ancestral house. It’s been years since she last slept on that bed. Bumangon siya at nakita ang kanyang ama on his usual place in the dining table, doing his ritual morning routine—reading newspapers while sipping a cup of coffee and a laptop on his side.

                Kagya’t siyang natigilan. Her father has been dead for six years, how come andito ito sa dining table at nagkakape? On cue, bumaling ito sa kanya at nginitian siya.

                “Come here baby, let’s have breakfast together,” anyaya ng kanyang ama. It’s been years pero hindi nagbago ang hitsura ng kanyang ama. Mumu man ito o totoo, nakalimutan na niya iyon. Ang mahalaga ay kasama niya ang kanyang ama.

                Umupo siya sa tabi nito. “Where have you been, Dad?”

                “Somewhere.” Ibinaba nito ang dyaryo at binalingan siya. “Ayen,  I want you to be prepared.  You have to go with me and you have no choice but to come.”

                “Sige, Dad but I wanna go with Vlad and Mirasol too.”

                “You may bring your husband but  Mirasol can’t make it.”

                Napakunot-noo siya. “Bakit?”

                “Anak, may mga pagkakataon sa buhay na kailangan nating mawalay sa mga taong mahal natin ginusto man natin o hindi. Walang pinipiling oras, walang pinipiling pagkakataon. There’s no permanent thing on earth. People come and go. They fall in love, they fall apart. They left, they let go, they run after their love ones. Grieve, cry and move on. Everyone has deadline.  Matututunan din ni Mirasol ang mamuhay na di kayo kasama. Don’t worry. Mhiel will take care of her while you’re away.”

                Naalimpungatan si Amhiela. Then she realized she was already in bed. Mirasol was sleeping beside her. Huh? Paano ako napunta sa kama? Ang naaalala niya ay nakasakay siya sa passenger seat ng kotse at marahil doon na siya nakatulog. Gabi nang sinundo siya ng asawa. Lumingon siya sa bintana. Pasikat na ang araw.

                Bumangon siya. Mukhang nakuha na niya ang tamang tulog at pahinga para makabawi ng lakas. Naalala niya ang panaginip. Weird it was, but it felt like the dream was so real. Parang ilang segundong nabuhay ang ama niya at niyaya siyang mag-travel like what they always do when he was still alive.

                 Marahang nagbukas ang pinto ng banyo at lumabas si Vlad, wearing a sando and shorts—his usual sleeping clothes.  “Oh, gising ka na pala.” Lumapit ito sa kanya at humalik sa pisngi niya pagkatapos ay umupo sa tabi niya. “Sobrang pagod  mo sa byahe kagabi ano? Hindi mo na naramdamang  binuhat kita.”

                “Hindi na nga. Kulang din kasi ako sa tulog at pagod few days ako magbyahe pauwi e.” Napansin niyang nakapantulog din pala siya. “Binihisan mo ako?”

                “Yes, at pinunasan din kita ng konti para mas masarap ang tulog mo.” He winked.

                “You’re such a sweet hubby. Lika nga kiss kita.”  Yayakap sana siya dito nang maalala niyang hindi pa siya nagtu-toothbrush mula pa kahapon. “Ay teka, di pa pala ako nagtu-toothbrush, yuck!” Umurong ang yakap niya dito bagkus ay tumalon siya pababa ng kama at tumakbo sa banyo.                                                          

                She heard him chuckled and laughed while she grabbed her  toothbrush and toothpaste. “Wag kang maingay at magigising ang bata.”

                “Agang-aga kasi humihirit ka na naman.”

                Sumilip siya sa pinto ng banyo habang nagtutoothbrush. “Bakit, may pinipiling oras ba ang kagandahan ko?”

                “Wala syempre. In my eyes, you’re beauty is timeless.”

                Tinapos niya ang pagtutoothbrush bago sumagot. “Mabuti naman, dahil kung hindi lagot ka sa akin—“ Natigilan siya nang bigla siyang halikan ni Vlad pagkalabas niya ng pinto.

                “Na-miss kita, Ayen,” sambit nito after their sweet kisses.

                “Hindi halata.” She gave him a quick kiss. “Napanaginipan ko si Daddy at ang weird ng panaginip ko.”

                  Ikinuwento niya sa asawa ang napanaginipan bago sila nag-agahan at sinimulan ang araw matapos ang dalawang buwan na magkalayo sila. And they started by visiting her father’s tomb.


                “HELLO, AYEN? Sorry ha, ngayon lang natapos ang meeting ko e. I’m on my way there okay. Sorry talaga,” sambit ni Vlad over phone.

                “Sus, okay lang ‘yon wala pa rin naman ako sa meeting place natin,” sambit ni Amhiela.  “Sige sige, magme-make up pa ako, magpapaganda pa ako at magpapa-sexy. Wag ka ng magpapagwapo at baka mangisay ako sa kilig okay? Mag-iingat ka ha. I love you.”

                He chuckled. “Okay, take care. I love you so much.” Nangingiting sagot ni Vlad as he ended the call. It was their fifth wedding anniversary and he decided to propose again and renew their vows. Bitbit ang diamond ring sa bulsa at isang special-arranged na bouquet of flowers ay excited na bumaba siya sa ground  floor ng Keithan Building. Naabutan niya sa lobby ng gusali  ang mga magulang na humahangos na sinalubong  siya.

                “Anak, i-check mo ang kotse mo,” buong pag-aalalang sambit ng Nay Marie niya. She looked so worried and in panic.

                “Ha? Bakit po?”  His parents joined his way going to the parking lot. 

                “Iyang nanay mo, may na-vision kanina. Basta i-check mo na lang ang kotse mo para sigurado,” sabat ng Tay Nathan niya.

                Para matigil na rin ang pag-aalala ng magulang ay ininspeksyon niya ang kotse. Wala namang problema sa makina,  sa gasoline, sa brake at wala namang bomba sa loob. “Nay, wala  namang problema sa kotse ko. Pwede na po ba akong umalis? Hinihintay na ako ng asawa ko e. Kayo na po muna bahala kay Mirasol ha, gagabihin kami for sure.”

                 “Anak, wag ka ng magkotse,please?” puno pa rin ng pag-aalala ang kanyang ina. Hindi man nito sinasabi ang vision nito, batid niya ang takot na nararamdaman nito.

                “O sige, ‘Nay. Magbabyahe na lang ako.” Niyakap niya ang kanyang ina. “Wag ka ng mag-worry ‘Nay, mag-iingat ako.” He kissed on her cheeks. Pagkatapos ay yumakap din siya sa ama.

                “Wag ka na ring magtaxi anak,” sambit ng kanyang ama.

                “Sige po. Magba-bus na lang po ako.”

                Habang nasa byahe ay hindi rin siya mapalagay. Wala pa ni isa sa vision ng kanyang ina ang pumalpak kaya pati siya ay nakakaramdam din ng nerbyos. Napailing siya. Hindi dapat iyon ang iniisip niya kundi ang proposal na gagawin niya. Few minutes more ay nakarating na siya sa condo unit niya. It was one of the most memorable places for them. Sa condo unit niyang ito sila unang nag-make love at dito siya unang natutong magmahal ng totoo.

                Pagpasok niya sa unit ay nakabukas na ang ilaw. Andoon na si Amhiela. Malamang nakita na ito ang surpresa niya.  Inayos niya kanina ang lugar para maging mas romantic ang ambiance. Ang nag-iisang silid doon ay nilagyan niya ng projectors. Sa lahat ng walls  ay nagpa-flash lahat ng photos nilang mag-asawa kasama na rin ang mga pictures nila with their only child, Mirasol. It was like watching their timeline from being friends, into lovers, into wedded couple.

                Bukas ang pinto ng silid at tanaw niya si Amhiela, teary-eyed with full of amusements while watching the  pictures that surround her. Napangiti ito nang sa wakas ay mapansin na siya nito. “You are a man full of surprises, Vlad.”

                Nilapitan niya ito, iniabot niya ang bulaklak. He managed to wipe her tears away. “You are worth it of surprises, Ayen.  Happy Anniversary.”

                “Happy Anniversary.”

                They shared the first batch of sweet gentle kisses habang pasimpleng binuksan niya ang built in sound system sa pamamagitan ng remote na hawak. Pumailanlang ang kantang Can’t Smile Without You, ang isa sa songs na kinanta ni Amhiela sa special edition ng album ni Vlad. This is one of his favorites.

                You came along just like a song. You brightened my day. Who’d believe you were part of a dream. That only seemed light years away. And you know I can’t smile without you. I can’t smile without you. And you must know what I’m going through. I just can’t smile without you…

                “Remember the song?” tanong niya.

                “How can I forget my own voice? Sa dami-dami naman ng kanta bakit iyong kanta ko pa?” ungot nito.

                He just gave her pouting lips a quick kiss. “This is one of the most memorable aside from our rendition of You. After super-pilitan napakanta rin kita sa album ko. I did the arrangements, you did the voice. And that was the time I promised you, that I will keep the music playing between the two of us.”

                “Plus the fact that this song was Mirasol’s first attempt in piano.”

                “Ah, yes.  And we keep on singing the song together as one happy family.”  Inilagay niya ang kamay nito sa kanyang balikat. Then he wrapped his arms around her waist.  He then guided their bodies to sway smoothly with the beat of the song while they where lovingly staring  at each other.

                And they sing along. “And I feel sad when you’re sad. I feel glad when you’re glad. And you must know what I’m going through… I just can’t smile without you…”

                 “Are you happy with with what we have, Vlad?”

                “I’m more than happy having you and Mirasol. And I will be forever thankful that you are my Mrs. Cerio.” He moved closer. Hinalikan niya ang pisngi nito at saka niya pinaglapat ang kanilang mga pisngi while swaying with the music.


                AMHIELA WAS crying for so much happiness. She closed her eyes and feel his loving presence while they were dancing together as if it will be their last dance. Nag-play lahat ng mga kantang naging bahagi ng kanilang love story.  Mula sa The Way You Look at Me,  You, Born For You,  You Were There, Come What May, at pati na rin ang mga piano pieces na composed nito para sa kanya.

                Fairytales sometimes do come true too. Hindi man perpekto ang kanilang relasyon, nagkaroon man sila ng napakaraming pagsubok, batid ni Amhiela na mas higit na makapangyarihan ang pag-ibig kesa sa kahit anong bagay na pilit hahadlang sa dalawang nagmamahalan para magsama at magkatuluyan.

                Kay Vlad niya natutunang walang pinipiling preference ang pag-ibig. Once it strikes you, you will be caught defenseless. Babae ka man lalaki,  lesbi o  beki. Kay Vlad niya natutunan kung paano ipaglaban ang taong mahal niya at ito rin ang naging dahilan para malaman niya kung hanggang saan niya kayang makipaglaban para sa pagmamahal. Si Vlad ang nagparamdam kung ano ang tunay na pag-ibig— may saya, lungkot, sakit, away, pang-unawa, sakripisyo, tiwala, tapang, lambing at higit sa lahat, may gabay ng Diyos.

                Napangiti siya. Dad, I found a one great guy isn’t it?

                She whispered in his ears. “Maraming salamat.”

                “Para saan?”

                “Para sa pagmamahal na alam kong babaunin natin hanggang after life.”

                “Well in that case, ako dapat ang magpasalamat sa pagmamahal na binigay mo sa akin. Noon, hindi ko pinangarap maging married man, lalo na ang magkaroon ng babaeng asawa. Pero, ibinigay ka ni Lord sa akin para ituro sa akin na ito ang ibig sabihin ng love— Ikaw at ako. I will love you forever, my Mrs. Amhiela Catacutan-Cerio.”  May kinuha ito sa bulsa. And in a snap, he showed her a diamond ring. “I wanted to renew our vows to make us stronger, to make this marriage  become more blessed, to shout to the world that it was indeed worth it to be your husband. Will you marry me, again?”

                She let him put on the ring on her finger. “Kahit dalawa, tatlo, apat o isandaang beses pa. Hindi na ako magdadalawang isip magpakasal sa’yo nang paulit-ulit.”

                For the nth time, Vlad grabbed her nape and kissed her tenderly.  It was indeed one of the magical things that happened to her since she fall in love. Whenever he kissed her, it always felt like the first time, exciting,  fiery, hypnotizing…filled with so much love. Not to mention, her heart was still beating up in a rhythmic familiar motion like it always do since their first kiss.  She responded to his passionate kisses until their lips parted and they were both panting.

                He lovingly gazed at her as he wipe the tears of joy from the side of her eyes. She then  brushed her thumb at side of his lips removing the stain of her lipstick on him.  Then they both laughed.

                “Wag ka ngang iyak ng iyak, para kang baliw. Umiiyak ka pero masayang-masaya ka naman,” sambit nito.

                “Kundi ako baliw, baka hindi tayo nagkatuluyan.  Pasalamat ka na lang baliw ako.”

                “Salamat, Lord!” sambit nito na ikinatawa niya.

                Nagkayayaan na sila sa hapag para mag-dinner pagkatapos ay sinulit na nila ang natitirang oras  na solo nila ang isa’t isa.


                VLAD was carefully driving the car. Lulan silang mag-asawa ng kotseng ginamit ni Amhiela para makarating sa condo niya. Their  anniversary celebration was more than what he expected. Napakasaya niya nang mga sandaling iyon. Iyong pakiramdam na sagad na sagad na ang kasiyahang naramdaman niya habang kayakap , kasayaw at kalambingan ang asawa. It was just simply prefect.

                Even there journey way home is full of fun. Nagsi-sing along pa silang mag-asawa habang sinasabayan ang mp3 player sa kotse.

                “There is no combination of words I could put on the back of a postcard. No song that I could sing, but I can try for your heart. Our dreams, and they are made out of real things. Like a shoebox of photographs with sepia-toned loving. Love is the answer at least for most of the questions in my heart.  Why we are we here? And where do we go? And how come it’s so hard? It’s not always easy and sometimes life can be deceiving. I’ll tell you one thing, it’s always better when we’re together…”

                The car was filled of their voices, making a good blend of tune and laughs while they were  doing some crazy moves and swaying with the Jack Johnson song.

                “Mmm, it’s always better when we’re together. Yeah, we’ll look at the stars when we’re together. Well, it’s always better when we’re together. Yeah, it’s always better when we’re together…”  

                They were better together indeed. Kapag magkasama sila, lahat ng di magagandang bagay ay naglalaho at ang natitira lamang ay ang katotohanan na silang dalawa ay masayang nagmamahalan.

                “I believe in memories. They look so, so pretty when I sleep. Hey now, and when I wake up, you look so pretty sleeping next to me. But there is not enough time and there is no, no song I could sing. And there is no combination of words I could say.  But I will still tell you one thing…we’re better together…”

                They put their own out of tune, adlib at the end of the song. Nagkatinginan sila saglit at napatawa. They always do that in middle of road trip and traffic kaya madalas na hindi siya nabo-bore magbyahe basta’t kasama niya ito. 

                “Vlad, paano kung bigla tayong magkahiwalay?”  out of the blue question ni Amhiela.

                “Ikamamatay ko iyon,” tugon niya habang ang buong atensyon ay nasa minamanehong kotse.

                “Ito naman ang corny.”

                “Oy, seryoso ako do’n, Ayen kaya gawin mo ng biro ang lahat wag lang iyon.”

                “Sus, wala lang naisip ko lang bigla iyon. Nakakatakot pala ano?”

                Tinapakan ni Vlad ang break. He noticed that it’s not working. He did try again pero hindi talaga kumakagat ang preno ng kotse. Kinabahan na siya. His mother’s premonition was on their way.  Sinubukan niyang kalmahin ang sarili. Habang nasa mahabang daan sila at kokonti ang sasakyan, magiging ligtas silang mag-asawa. Pero paano na pag-akyat namin ng skyway?

                He grabbed his wife’s hand. “Ayen…”

                “Hmm?”

                “Wala tayong preno,” mahinahon niyang sambit. Alam niyang di nila matatakasan ang aksidente kahit magpanic man siya o maging kalmado.

                “Oy, Vladimir. Hindi rin magandang biro iyan ano!”

                “Hindi ako nagbibiro.” Tinapakan niya ng ilang beses ang brake. “Look. Hindi talaga kumakagat ang preno natin.”  Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng asawa.

                “Vlad…”

                Naramdaman niyang tensyunado na ito at natatakot. They approached the skyway.  He kissed her hands. “I love you so much, Ayen.”

                “I love you more, Vlad.”

                Nagsimulang magdasal si Amhiela, sinabayan na lamang niya ito. Makaligtas man sila o hindi sa aksidenteng iyon, batid nilang hindi sila pababayaan ng Diyos.


                He did all he can to drive well at  humanap ng way kung saan sila babangga sa paraang dinadasal niyang mabuhay  pa silang mag-asawa pagkatapos.  Pagkababa ng skyway ay marami ng sasakyan. Wala na siyang naging choice. Kinabig niya pakaliwa ang manibela. Sinagasa nila ang concrete barrier hanggang sa tumaob ang kotse at lumusot sa isang ilalim ng truck sa kabilang lane.  Still holding each other’s hand firmly, he felt blood flowing down their hands before everything went black and blank.











PREVIOUS                                                                          NEXT

Comments

kiz said…
waaaah.. bat ganon.. arghhhh

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…