Skip to main content

Find Your Way To Me 3: Keep The Music Playing- Chapter Twelve




Matamang pinagmamasdan ni Vlad ang piano niya sa silid. Hindi pa rin niya matanggap sa sarili  na sa isang iglap hindi na niya magawa ang bagay na ilang taon niyang pinagbuhusan ng puso at panahon. Vlad was not getting better. Kung noon ay nahihirapan lang siyang igalaw ang binti at braso, ngayon ay tanging braso na lang niya ang naigagalaw with so much effort. And those sclerosis symptoms immediately took him away from his usual life…music..piano…musical arrangements, serenades for his wife.

                He hated himself more, now that Amhiela was back working. Alam niyang masaya ito sa pagbabalik-photographer bilang career improvement at ginagawa nito iyon para na rin sa kanilang pamilya. But he just can’t accept it.  Lalo na ngayon. Amhiela was having a good time working while he and Mirasol was left at home with  nurse and baby sitter. Nawawalan na ito ng oras sa kanila. Aaalis ito ng maaga, madalas ay tulog pa siya at pagdating nito sa hapon, madalas ay pagod ito magpapahinga at pag nagising ito, oras na ng pagtulog niya. Kahit noon pa man ay walang araw o oras na pinipili ang profession nito kaya kahit weekends,  madalas may trabaho ito.

                Nevertheless, he didn’t say anything. Ayaw niyang mauwi na naman sila sa misunderstanding. Kung may hinanakit man siya, sasarilinin na lang niya.


                He moved his wheelchair closer to the piano. Kahit nahihirapan ay pinilit niya igalaw ang mga kamay para maabot ang tiklado ng piano. After few seconds, he was able to reach the piano keys. He tried to play the piano thinking that he can still do it the way he usually did before. Ngunit  kahit ang mga daliri niya ay hirap na siyang igalaw. He was able to play few notes but it wasn’t perfect. Sa inis, ay hinampas na lang niya ang tiklado ng piano na nagdulot ng ingay at ikinagising  ng baby niyang  natutulog.

                “I know I don’t have the right to complain but why do you give me this kind of burden?” For the very first time, he felt alone.  Dati hindi siya nahihirapan dahil alam niyang nasa tabi niya palagi ang asawa pero ngayon, wala ito para sabihing magiging okay lang ang lahat.

                He heard Mirasol’s cry. He moved his wheelchair towards her crib. He took his effort to hold her aiming to stop her from crying.

                “Can I?”

                Napalingon siya. There standing near the door was Sophia. Napangiti siya sabay tango.

                Lumapit ito, binuhat si Mirasol at inihele ang bata. “Ah, such a cute baby. Tahan na.” She kissed on Mirasol’s forehead.

                “So what brings you here, Miss Busy In Business?”

                “Apparently, I’m not busy in business anymore. I quit.”  Dinampot nito ang isang stuff toy na ginamit nitong pang-aliw kay Mirasol at umupo ito ito sa kama.

                “You quit?” curious na tanong niya.  Vlad had been working with Sophia for years. Kilala niya ito, she’s  not a quitter type of person.

                “Yes,  I quit. Pinalayas ako ng aking ama after I told him that I’ll marry Mathew. I’m sick of that drama. Gusto ko namang sumaya kaya I quit,” balewalang kwento nito sabay tingin sa baby. “Ah, madali palang maki-kidnap itong baby mo Vlad. Napatahan ko siya.”

                “Well that means, pwede ka ng mag-asawa.”

                “Para na rin akong nag-asawa, Vlad. Nagsasama na kami. Where’s your wife? Di ba dapat andito siya to take good care of you?”

                 Alanganing ngumiti siya. “Ah, she’s at work. I’m just left here with the baby and nurse.”

                Napansin ata nito na awkward siya sa tanong nito kaya nagredirect na rin ito ng topic. “I see. By the way, binisita kita dito for two purposes. One is to make sure that my best business partner is just fine and two is to propose business on you.” Inihiga nito sa crib si Mirasol at ibinigay nito sa kanya ang isang folder. “I’m building my own shoe lines outside the family business. And alam kong ikaw ang pinaka-best na makakatulong sa akin.”

                Binasa niya ang proposal. Nag-alangan siya. Kahit na maganda ang idea nito, hindi siya sigurado kung magagawa pa niyang makipag-transact ngayong  ni sarili niya di niya kayang alagaang mag-isa. “Are you sure you want me to deal with you kahit na ganito ako?”

                She smiled. “You’re still the Vlad I knew. I still count on your business charms.”

                “Salamat, Sophia.” It’s good thing that there’s still people who believe on him.


                “O, KUYA ANONG milagro ang nagdala sayo dito sa Keithan?” Amhiela sarcastically said when she saw her Kuya Miguel sitting on the receiving area of her office. Laking-gulat niya nang malamang nasa office niya ang kuya niya. After nitong guluhin ang buhay niya tungkol sa gender preference ng asawa ay di na niya talaga kinausap ang kapatid. Umupo siya sa tapat nito.

                Miguel seriously looked at her. Nagulat si Amhiela. A trace of guilt and apology are reflecting in his eyes.  “I’m here to say sorry for what I did.”

                And that really shocked her. “Nagso-sorry ka? Anong nakain mo?”

                Pumikit ito ng mariin bago muli siyang tinitigan. “Ayen, I know I’ve been rude. I don’t even had a chance to be a good brother to you.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Believe it or not, pinagsisishan ko na iyon. Gusto kong bumawi. It’s not yet too late for us to reconcile right? I’m sorry. I’m well really sorry. I’m hoping that someday, you’ll accept my apologies.”

                Napangiti siya. “Now gets ko na kung bakit sabi ni Mama, may iba sa’yo kuya. I won’t accept your apologies someday.”

                Malungkot na umiwas ng tingin ito sa kanya at marahang binitawan ang kamay niya. “Okay.”

                Niyakap niya ito. “Sus, nagdrama agad. What I mean is, I’ll accept your apologies now and I won’t waste time waiting for that someday.”

                Madali lang para sa kanya ang magpatawad. After all, magkapatid sila. Kahit anong mangyari, walang makakapagpabago ng katotohanan na magkapatid sila.

                “Thank you so much, Ayen.  Na-miss kita, little sis.“

                “Ikaw kasi, palagi kang nang-aaway,” pabirong sisi niya dito.  “Why sudden change of minds, kuya? Care to share what miracle showered you?”

                Ngumiti lang ito at pa-cute na kinamot ang  batok. “Wala,” deny pa nito.

                “Wuuuu, si kuya pa-in denial pa. Tell me the reason or else bawiin ko ang pagpapatawad sa’yo.”

                “Wala, nain-love lang ako,” pag-amin nito.

                “Good. Welcome to the club!” An alarm from her cellphone interrupted. She grabbed her phone and shut the alarm. “Kuya, time to go home na ako at naghihintay pa ang mag-ama ko.”

                Her brother offered a ride. Hindi na siya tumanggi dahil wala rin siyang dalang kotse. Masayang nagkwentuhan sila habang nasa byahe, sinusulit ang ilang taon na di sila nakakapagkwentuhan ng ganon dahil magkalayo ang loob nila.

                “Kuya, salamat sa paghahatid.” May iniabot itong papel. Pangalan at address ang nakasulat doon. “Ano ‘to?”

                “I heard you’re looking for all the means to cure your hubby’s illness. May  Filipino business partner ako sa US, nagka-cancer siya kaya umuwi siya sa Pilipinas. Nagpagamot siya sa albularyo na yan at after few years he was declared cancer-free. Subukan nyo ni Vlad.”

                Niyakap niya ang kapatid. “Salamat kuya.”

                Masaya siyang pumasok sa bahay. Kahit alam niyang masama pa rin ang loob sa kanya ng asawa, may baon naman siyang good news.  Pero siya ang nasurpresa sa nakita niya.  Magkayakap ang asawa niya at si Sophia sa loob pa mismo ng kwarto nilang mag-asawa.

                Hindi na maipinta ang kanyang mukha. Oo may mga pagkakamali nga siya siguro pero hindi pa rin tama na nambabae ang asawa niya habang nagpapakahirap siya sa trabaho. Hindi siya nagpahalata. She moved closer to the door to be able to hear their conversations and watch them. A hurt feeling attacked her when she saw her husband smiling as if  he was really enjoying the scene.

                “Salamat Sophia. You have no idea how important this thing to me. I owe you a lot,” sambit ni Vlad.

                “You know I cared about you, Vlad. And I don’t want you getting hurt. You have to be patient and you will definitely go back the way you live before. Nevertheless, I still believe in you.” The two separated but Sophia  suddenly held Vlad’s hands. “Payag ka na?”

                “Oo naman ikaw pa. Salamat ha.”

                “Good. So tawagan mo na lang ako pag all set na. Kailangan ko ng umuwi.”  Napalingon ito sa pinto at nakita siya. “Oh, Amhiela!” Nilapitan siya nito. “Dinalaw ko lang si Vlad. Ang cute ng baby nyo by the way.”

                “Salamat,” tipid niyang sagot. She has nothing against Sophia Chii but seeing her with her husband made her feel so jealous.  Inihatid niya si Sophia sa labas ng bahay pagkatapos ay binalikan niya si Vlad.

                Nakatanod si Vlad sa crib ni Mirasol. “Maaga ka atang umuwi.”

                “Oo, bakit nasuprised ka? Iniisip mo bang sana late na lang ako umuwi para mas may oras pa kayo?”

                Kunot-noong binalingan siya nito. “What the hell are you saying?”

                “Ilang babae ba ang dumadalaw sa’yo habang nasa trabaho ako?” That slipped off her tongue, too late to get it back. Selosa talaga siya at alam niyang maaaring magpatong pa yon sa mga bagay na nagtutulak sa kanilang dalawa para magkatampuhan at lumayo ang loob ang isa’t isa.

                “Ano iyang sinasabi mo? Pinagbibintangan mo akong nagi-invite ng babae dito habang nasa office ka? Ganyan ba talaga kasama ang tingin mo sa akin? You are so great, Amhiela. Porke naabutan mo si Sophia dito, nambababae na agad ako? Ganon ba?”

                “Malay ko ba? I’m just asking,” pagalit niyang sambit.

                “No, you’re not asking. You’re practically accusing me. Look, wala akong ginagawang masama dito. In fact, she  just came here for business.”

                “So kasama sa business nyo ang magyakapan? Kung hindi niya naramdamang andito ako, anong sunod sa yakapan?”

                Napailing ito. “She just giving me comfort and support about some things that I thought I’m losing already. Bakit ko tinanggap ang comfort niya? Eh kasi wala ka. Wala ka dito para sabihing okay lang kahit di ako makatugtog ng piano, okay lang kahit hindi ko mabuhat si Mirasol, okay lang kahit na hindi ako makatayo, hindi ako makapagtrabaho, okay lang kahit na hindi na normal ang buhay ko. Sa tingin mo ba, madali lang para sa akin ‘to? Hindi kita pinag-iisipan ng kung anu-ano Amhiela tuwing pumapasok ka sa office mo at kinukuhanan mo ng pictures ang kung sinu-sinong modelo. Quits lang tayo. I don’t have idea on what you are doing outside this house thus you must not care about what should I do whenever you walk out of that door and left me alone.”

                She rolled her eyes. “So manyapa’t ba wala ako, hahanap ka ng iba?  Umuuwi naman ako araw-araw Vlad. Alam mo ba kung gaano kasakit makita kang kayakap ng ibang babae? Tapos sa loob ng kwarto pa natin. Anong gusto mong maging reaction ko? Magsaya?”

                “Oo, umuuwi ka nga pero wala kang oras sa akin. Wala kang oras sa amin ng anak mo! Andito ka nga sa bahay pero trabaho pa rin inaasikaso mo. Mas magaling pa ngang maghiwalay na lang tayo. At least hindi ako aasa na sa tuwing uuwi ka, mararamdaman kong hindi ako nag-iisa. Since you went back to work, I lost you. Tapos anong ginagawa mo ngayon? Ako pa ang masama? Kung ayaw mong may ibang yumayakap sa akin, pumirmi ka sa bahay. Kahit minsan man lang, paramdam mo naman na may silbi pa ako.”

                Tears fell for her eyes out of frustrations. Ni hindi na niya alam kung sino nga ba ang tama o mali sa kanilang dalawa. Ang sigurado siya, pareho silang nasasaktan.

                “Gusto mo ng makipaghiwalay?” tanong niya. “Ganon na lang iyon?”

                “Kung gusto mong umalis, hindi kita pipigilan. Wala na rin namang pinagkaiba, andito ka man o wala.”  He moved his wheelchair going out of the room. She was left broken.


STRESSED OUT na lumabas si Amhiela sa conference room ng Keithan Apparels. She was handling a catalog project and she needed to have more time to make the project successful. The problem was, she didn’t know where she will get that time.  Siniguro kasi ng magulang ni Vlad na may matitira siyang oras para maalagaan niya ang mag-ama niya kaya binigyan lamang siya ng anim na oras para makapagtrabaho. Pero ang siste, kulang pa rin yon.

                Marami siyang iniisip. After nilang mag-away ni Vlad ay hindi na siya nito inimikan. Kahit maglambing siya at asikasuhin niya ito para lamang maayos nila ang problema ay nanatili itong malamig sa kanya. She never left though. Kahit pa siguro ilang beses siyang ipagtabuyan nito, hindi niya ito iiwan dahil alam niyang sa sulok ng puso nito, naghihintay lang ito ng pagmamahal mula sa kanya. Buong puso niyang ipaparamdam iyon kahit tanggihan nito. Alam niyang natatapakan niya ang ego nito  kahit hindi niya intention kaya  ginagawa na lang niya ang lahat para intindihin na lang ito.

                A text message interrupted her from thinking. The message came from Vlad, telling her to go home early. Napailing siya. Kung kelan naman may schedule siyang dinner meeting saka pa ito nagsabing umuwi siya ng maaga which was new. Madalas nga siguro siyang tawagan nito o itext para masiguradong hindi siya nagpapagod o nalilipasan ng gutom pero never nitong hiniling na umuwi siya ng maaga mula nang mag-away sila.

                Upset na nagreply siya. Sorry Vlad I can’t. I have a dinner meeting tonight. Baka gabihin ako. Sorry talaga. Love you. She waited for the reply.

                Then her phone rang. Vlad was calling. Agad niyang sinagot ang tawag. “Bakit ka ba ganyan sa akin, Amhiela?”

                There he was again, creating arguments. “Nagkataon lang Vlad na may dinner meeting ako ngayon. Bukas uuwi ako ng maaga at sa mga susunod na araw. Please, I hope you understand.”

                “Kung mahal mo talaga ako at si Mirasol, kung mahalaga pa kami sa’yo kesa diyan sa trabaho mo sa Keithan, uuwi ka ng maaga ngayon.”

                She touched her forehead out of frustration. “Ano ba Vlad? Umintindi ka naman. Ano bang difference kung umuwi ako ng maaga o late? Uuwi pa rin naman ako ah. Para pag-uwi lang i-equate na agad sa love? Bukas na lang ako uuwi ng maaga. I just can’t make it today. I can’t simply cancel my dinner meeting with the company’s clients.”

                “Fine.” Galit na sigaw nito. “Wedding anniversary  kasi natin ngayon. And you don’t even remember!” Vlad ended the call and left her stunned.

                Oh my God! Naihilamos niya ang kamay sa mukha na sinundan ng pagpatak ng luha niya. What kind of wife I am? First wedding anniversary namin, hindi ko naalala! Galit siya sa sarili. How could she hurt her husband’s heart? Just because she wanted to  to win that catalog project for Keithan, to earn a living for them, and to be a family provider, she realized that her family was left behind.

                Someone knocked on the door. Agad niyang pinunasan ang mga luha at inayos ang sarili. Bumulaga sa kanya ang father-in-law. “Can we talk, Amhiela?”

                “Oo naman po,” tugon niya.

                Umupo sila sa receiving area ng office.

                Iniabot nito sa kanya ang isang folder. Binuksan naman niya yon at  sinipat ang mga laman. Mga pictures ng ginagawang bahay ang tumambad sa kanya until makita niya ang  land title at isang contract.

                “That’s the document for Villa Amhiela. Pinag-ipunan iyan ng anak ko para sa’yo. Pinabibigay niya iyan sa’yo bilang anniversary gift. The villa is on ninety percent completion.”

                Hindi niya napigilang mapaiyak. Sinisisi ang sarili sa pagiging harsh sa asawa. Ni hindi niya napansing na-take forgranted niya si Vlad at Mirasol nang bumalik siya sa kanyang professional career. But then, Vlad never failed to take care of her.  Tuwing umaga ay pinababaunan siya nito ng pang-merienda. Sa office ay nagpapadala ito ng tanghalian. Nagtetext ito at nagpapaalala na kumain siya sa tamang oras na minsan ay nababalewala niya. Then this thing happened. Sa kabila ng nangyari,  nagawa pa nitong bigyan siya ng villa.

                Ibinalik niya ang  mga papeles sa father in law niya. “Tay, hindi po ako deserving. Napakabait ng anak nyo. Mahal na mahal po niya ako. Pero hindi ako naging mabuti sa kanya. Nakalimutan ko siya, na-take forgranted ko siya dahil naging busy ako sa trabaho. Ni hindi ko nga po naalalang anniversary naming ngayon.” Umiyak lang siya ng umiyak hanggang sa yakapin siya ng kanyang tinuturing na pangalawang ama.

                “Anak, alam kong naiintindihan ka ni Vlad. It’s just nasasaktan ang ego niya. Ikaw ang nahihirapan sa work dahil  hindi niya magawang magtrabaho. But that doesn’t mean that his love for you is lessen.” Ibinalik nito sa kanya ang mga papeles. “Tanggapin mo ito. Lalong sasama ang loob ng anak ko kung hindi mo ito tatanggapin.”

                Nahihiyang tinanggap niya ang  folder. “Sorry po, ‘Tay.  Babawi ako kay Vlad.”

                Ngumiti ang maunawaing biyenan niya. “It’s not yet too late to celebrate your anniversary. Go home and make it up with him. Ako na ang bahala sa dinner meeting mo.”

                Napangiti siya. “Salamat po.” Agad niyang kinuha ang bag at nagmadaling umuwi.

                Magkahalong kaba, takot, pag-aalala at saya ang nadarama niya habang nagmamaneho siya pauwi.

                Pagkarating niya sa bahay ay naabutan niya ang kanyang ina na  nagliligpit. Lalo siyang na-guilty. Despite of Vlad’s condition, nagawa pa nitong mag-set ng anniversary surprise sa kanya. May nakakalat pang rose petals sa sahig at ang kanyang ina ay nagliligpit ng mesa.

                “Ma, wag nyo na muna ligpitin,” sambit niya.

                Her Mama Mhiel turned to her. “Buti umuwi ka kahit sabi mo hindi ka uuwi ng maaga. Anak, mag-usap tayo.”

                Umupo sila sa mesang nakaayos pa for a supposed romantic date. Her mom was looking at her with full understanding. “Anak, as much as possible, hindi ako nangengealam sa relasyon ng mga anak ko. When your Kuya Hamiel decided to pretend dead just to be Limien’s Samaritan, I didn’t stop him kahit na nakikita kong nahihirapan siya sa wheelchair. When your Kuya Miguel got married without our permission and without even inviting us to attend his wedding, I let him do his way. Ayoko rin pakialaman ang marriage na pinasok mo. I just want to give some advises for you to be able to cope up with your problem.”

                Nanatili lang si Amhiela na all ears sa sinasabi ng kanyang ina.

                “Naiintindihan kita. Being alone to earn for a living is not easy. I’ve been there. Mahirap pagsabayin ang pagiging ina at career woman. Mas mahirap in my condition kasi naging single parent ako for five years. Alam ko rin na mahirap ang pinagdaraanan nyo ni Vlad. It was just something with too much emotions. You are doing your best to be strong. You are trying to make a living since he was not able to make it.”

                “Ma, hindi ko siya gustong saktan. Kailangan ko lang gawin ‘to para din sa kanya, sa future namin.”

                “Andon na tayo sa puntong iyon, anak. But things are not coming well on you, right?”

                Napabuntong-hininga siya. “Hindi na nga po ako sure kung tama ba ang ginagawa ko. Oo, naayos ko nga ang problema sa finances namin, nagagawa ko ang professional career ko, pero lumalayo na ang loob sa akin ni Mirasol and Vlad was always quiet.”

                “Anak, Vlad is a man with ego. Masakit sa isang ama at asawa na mabaliktad ang sitwasyon nyo. Nananahimik siya dahil ayaw niyang malaman mong nasasaktan talaga siya.”

                “As if, I will never feel that.”   

                “Just pieces of advise. You can do anything you want to achieve your profession, but never ever forget that you are a wife and a mother in the first place. Ang career mababalikan mo yan, any moment of your life. But a family…it will be hard to rebuild once broken. It’s not yet too late. Ando’n siya sa room, hinihintay ka pa din, umaasa. Puntahan mo siya and cope up.”

                She nodded. “Salamat po, Ma.”

                Tumayo na siya at tinungo ang silid nilang mag-asawa. Walang tao sa silid kundi ang mag-ama niya. Her baby was on crib and sleeping and her husband was on bed. Agad itong napalingon sa direksyon niya nang pumasok siya sa silid ngunit agad din nitong binawi ang tingin at bumaling sa kisame.

                She went on the bed. Humiga siya at yumakap dito. “Alam ko, andami ko ng pagkukulang sa inyo ni Mirasol. I’m guilty Vlad. Alam kong malaking kasalanan na nakalimutan kong wedding anniversary natin dahil pre-occupied ako—”

                “Dahil sa trabaho?” putol nito sa sasabihin niya.

                She nodded. “Yeah. Ngayon ko lang naisip na, maling-mali ako.”

                “Sinabi ko sa’yo, I can still provide the needs of the family. Pero anong ginawa mo? You didn’t listen and did what you want. Sino ba naman ako para pigilan kang gawin ang gusto mo? I’m just a non-sense husband. Ano nga namang magagawa ng isang invalid? Tumingala sa langit na lang buong maghapon, mag-isip, maghintay…umasa. Bakit naman kita pipigilan kung gusto mong magpatuloy maging photographer kung iyon talaga ang gusto mo? That catalog project was really meant for you. Matagal mo rin namang ginustong maging head photographer ng isang project di ba? Bakit ko naman ipagkakait yon?”

                “Hindi naman yon dahil lang gusto kong ipagpatuloy ang career ko,” depensa niya.

                “Oo nga naman, hindi lang basta ipagpatuloy ang career mo. Pati tapakan ang kakayanan kong buhayin kayo right?”

                Tears fell from her eyes. Alam niyang may mali siya. Pero batid din niyang lahat ng katwiran niya ay mamasamain ng asawa dahil sa napakataas ng level ng ego nito. “It’s not like that. Vlad. If only you have the heart to listen.”

                “Yeah, I don’t have the heart to listen.” He shouted. “Since you lost the heart to care. Alam mo bang nilalagnat ang anak mo kahapon? I was so damn scared that I wasn’t able to sleep habang ikaw, nasa kung saan saang party. Dealing business in the middle of party. I was calling you, anong ginawa mo? Pinagpatayan mo pa ako ng cell phone. Alam mo ba na napabakunahan ko na siya? Alam mo bang favorite niyang color ang blue dahil kapag nakikita niya ang laruan na blue, tuwang-tuwa siya? Alam mo ba kung anong first word niya? Mama. Hinahanap ka niya. Alam mo kung bakit? Kasi palagi niyang naririnig sa akin na mahal siya ng mama niya. Naiintindihan kita, Amhiela. Pero hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang intindihin ka.”

                A moment of silence took over. Suddenly, Amhiela was lost of right words to say. Alam na niyang may pagkakamali at pagkukulang siya. But after all that Vlad said, she realized that she almost lost her family without noticing it. Wala siyang nasabi bagkus ay humikbi lang siya at umiyak.

                Vlad took his effort to hugged her letting her feel  that he chose to stay on her side despite of the things happened. At last, binalingan siya nito. they were now facing each other while her arms were still hugging him tight. “Pero alam mo Ayen, di ko pa rin kayang mawala ka sa akin. Mahal na mahal na mahal kita.” He raised his free hand and gave her a bracelet. “Tama na ang pag-uwi mo ng maaga kahit sinabi mong di mo magagawa bilang patunay sa akin na mahal mo pa rin ako. Na somehow, you choose your family against everything. Happy Anniversary, Ayen. Isuot mo palagi itong bracelet na ‘to para pag nagtatrabaho ka,  maramdaman mong nasa tabi mo lang ako, sinusuportahan ka.”

                Lalo siyang naiyak sa sinabi nito. Ngayon niya mas napatunayang mahal na mahal siya nito. “I’m sorry, Vlad.”

                “Apology accepted if you will give me a kiss.” He smiled and gave an effort  to wipe her tears away.

                She moved closer and kissed him tenderly. The moment their lips touched, everything about their love story went back on her head. How they met, how  they became friends, how they fell in love, how they make love, their wedding, their family life. Everything flashed back letting her remember why she fell in love with him. Nang maghiwalay ang kanilang labi ay binuhos naman nila ang ilang segundo para pagmasdan ang isa’t isa.

                His eyes were now full of love and understanding. The hatred and hurt reflected on his eyes for couple of months were all gone. Ang natitira lamang ay ang mga matang unang nagparamdam sa kanya kung gaano kasarap sa pakiramdam ang may lalaking nagmamahal sa kanya ng lubos.

                “Why are you so kind and loving to me despite of the things I did?”

                “The answer is very simple. You is what love means to me. I’m throwing off my ego, trying to be more understanding, and trying my best to support you. Nag-usap kami ni  Tay kanina at naisip kong tama siya. Ego and pride should not eat me. It’s just, I was drowned with self pity, insecurities and hurt feelings. Pero naisip kong imposibleng hindi mo nararamdaman na nagbago ako. Naisip kong bumawi so I ask people to help me in preparing a dinner for you. Then I called you and I was left hurt again. You made an effort to go home early kaya nakabawi ka na.”

                Niyakap niya ito at muli siyang humiga sa tabi nito. Her head was now resting on his chest. “I love you so much, Vlad. Please don’t feel that I don’t. I hope you will give me chance to fix it up. I’ll make it up to you just don’t fall out of love on me.”

                 “Hindi ako mapo-fall out sa’yo, Ayen. And about the chance, it’s up to you. I’ll just be here waiting and loving.” He kissed her temple. “Nagpaluto ako ng favorite food mo, gusto mong kumain?”

                “Mamaya na, na-miss kita e.”

                They spend few moments more just simply hugging each other before they went out of the room to celebrate their anniversary.


PREVIOUS                                                                       NEXT

Comments

kiz said…
iyak.. kilig.. next na po!!
kimy said…
super kilig naman., anu kaya mangyayri kay vlad,
Haffle :)) said…
aaaahhh! ang ganda ganda talaga!

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…