Skip to main content

Find Your Way To Me 3: Keep The Music Playing- Chapter Eleven




“Ay naku friend, pwede bang pass muna?” sagot ni Amhiela kay Tomomi. Habang nakikipagchikahan ay naghihiwa naman siya ng mga gulay na rekado sa nilulutong pansit ng mother in law niya at sin Tomomi at Limien naman ay gumagawa ng dessert.  Nagyaya ang kaibigan niya ng out of town vacation ngayong wala ang asawa ito.

                It was Sunday morning at mula ng makapanganak siya kay Mirasol ay itinakda na nilang family day ang Sunday. Pumupunta sa bahay nila ang pamilya ng asawa at ang pamilya niya. Nasa garden na may basketball court ang mga kalalakihan kasama ang asawa niyang nakatoka sa pag-aalaga kay Mirasol. Siya,  si Tomomi, si Nay Marie na abala sa harap ng kalan at nagluluto at ang sister in law na si Limien Rose naman ang nagpe-prepare ng food. Ang mama niya lang ang wala dahil kasalukuyang nasa ibang bansa ito.

                “Ilang beses ka ng pass friend, kakatampo na ha. Kayo ni Limien, manyapa’t mga nag-asawahan na kayo nakalimutan nyo na ako,” ungot ni Tomomi.

                “Oy, nauna kang mag-asawa. Nauna kang lumimot!” natatawang panggatong ni Limien. Nagkatinginan pa sila.


                “Hindi ako ganyan, friend!”

                “Dapat kasi sumama ka na lang sa asawa mo,” hirit niya. “Nakawala na naman yon, lagot ka!”

                Sumimangot si Tomomi. “Ang bad mo ha. Manyapa’t  wala na kayong problema ng kapatid ko, nahihiritan mo na naman ako.”

                “Syempre, maganda ako e.”

                “Saang banda friend?” basag trip ni Tomomi.

                “Sa noo ba yan?” gatong pa ni Limien.

                “Sa tiyan I think,” tugon ni Tomomi sabay tawa.

                Tumawa lang din siya. “Kayo naman, ngayon na nga lang makapagyabang e. Buti pa iyong asawa ko palaging sinasabing maganda ako.”

                “Ay friend, baka inggit lang ang kapatid ko sa ganda mo.”

                Sinakyan niya ang sinabi ni Tomomi. “Oo nga ano? Pero hindi, maganda talaga ako sabi niya.”  On cue pumasok ang asawa niya karga ang kanilang 3 months old baby. “Vlad, di ba maganda ako?”

                “Ha? Depende sa antok ko yan,”  sagot ni Vlad na ikinatawa nila maliban sa kanya.

                “Paano ba yan, anak, nilaglag ka ng bunso ko?” sabat ni Nay Marie.

                “Ah ganon, ganito na ang treatment? Bahala kang maglaba ng briefs mo!” ungot niya.

                Pumailanlang ang tawa nila sa kusina.

                “Hoy, ako ang naglalaba ng briefs ko. Masyado ka,” sakay nito sa biro niya.

                “Ako kaya naglalaba, hindi ka naman marunong maglaba. Pangit mo, Vlad. Ayoko na sa’yo.” Inirapan niya ito. Tumawa lang ito at nagpahabol siya. Dinala niya ang gulay sa tabi ni Nay Marie.

                 Paglingon niya ay agad siyang binigyan ng quick kiss ni Vlad. “Biro lang, ikaw naman!” Inayos nito ang pagkakabuhat sa anak na nahimbing na. “Hawakan mo muna si baby.” Marahan na inilipat nito sa kanya ang bata  at ipinatong sa balikat niya ang  towel.

                Napansin niyang namumutla ang asawa niya. “Okay ka lang ba?”

                “Sumasakit ang braso ko at binti.”  Umupo ito sa tabi ni Tomomi.

                “Gusto mo bang dalhin ka namin sa ospital? Mas magandang paospital ka na agad,” nag-aalalang sambit ng nanay nito.

                “Wag po muna, ‘Nay. Tolerable pa naman po.”

                “Vlad, baka naman kailangan mo ng mag-undergo ng mga treatments,” sabi ni Tomomi.

                “Oo nga naman, Vlad. Wala namang sakit na di gumagaling unless ikaw mismo mag-give up. Look at me, nakakita ulit ako na akala ko dati imposible na,” hirit ni Limien.

                “Ilang beses ko ng sinabi yan sa kanya, kaso ayaw makinig. Oo ng oo pero hindi naman ginagawa,” may halong pag-aalalang sambit niya.

                “Ang sabi ng doctor, interventions lang ang magagawa ng treatment nila. Ni hindi naman nila ako mapapagaling ng 100%. Nagpapahanap ako kina Doc Pen at Doc Dhey ng alternatives.” Binalingan siya nito. “Ayen, magiging okay din ako. Kung hindi man, okay lang basta ikaw at si Mirasol ay okay.”

                “Yan ka na naman. Sinabi ko ng wag kang ganyan na parang nagpaaalam ka lagi,” sambit niya. Iyon ang dahilan kaya lalo siyang nag-aalala dito. Positibo  ito na gagaling ito ngunit may mga pagkakataong pinanghihinaan din ito ng loob at nuuwi lahat yon sa mga simpleng pagbibilin nito.

                Tumayo ito at marahang hinaplos ang ulo ng kanilang natutulog na baby. He lovingly kissed Mirasol’s forehead.  Makahulugang tinitigan siya nito ng buong pagmamahal. “Love you.”

                “Ewan ko sa’yo,” pabirong sagot niya. Natawa siya nang sumimangot ito. “Di naman, I love you.”

                A phone call from his cell phone interrupted. Tiningnan nito ang cell phone. “Si Belle, may problema siguro sa events.” Humalik ito sa pisngi niya bago nito sinagot ang tawag at nagtuloy-tuloy ito papunta sa kwarto.

                Nag-aalalang sinundan niya ito ng tingin. Positibo lang dapat sila. Iyan ang palaging sinasabi ng kanilang mga magulang. Wag daw silang mawalan ng lakas ng loob at wag  daw silang bibitaw sa pananampalataya sa Diyos. Darating din ang araw na malalagpasan nila ang pinagdadaanan ni Vlad sa health condition nito.

                “Alam mo friend mula nang magpakasal kayo, ang laki ng pinagbago ng kapatid ko. Parang naging mas expressive siya, malambing at saka iyong sweetness nyo ibang level ha. Kakakilig kayo ha,” hirit ni Tomomi na nagpabalik ng huwisyo niya.

                “At alam nyo na, ganap na siyang He-man hindi na talaga siya Darna!” Tinawanan na lang nila ang sinabi ni Limien.

                Napansin din niya ang malaking pagbabago ni Vlad. Hindi nga lang siya sigurado kung nagsikap ba itong magbago para sa kanilang mag-ina o kusa lang lumabas ang tunay nitong ugali na hindi nito napapakita dati sa iba. In whatever reason, she was certain for one thing. She’s falling in love all over again with Vlad from day to day.

                “Love lang sa kagandahan ko ang sekreto dyan. Sabi ko sa’yo e, keri ng kagandahan kong akitin siya. O ha, nakuha ko rin ng bonggang-bongga.”

                “Winner!” korong sambit nila.

                Nagpaalam siya sa  mga ito para ihiga na sa crib ang himbing na himbing niyang baby.  Nagulantang siya sa inabutan niya sa loob ng silid nila ni Vlad.  Nakahandusay sa sahig ang asawa niya at walang malay. Agad niyang ibinaba ng maayos sa crib ang anak at saka dinaluhan ang asawa.

                “Vlad!” natatarantang  hinaplos niya ang mukha nito. Sinubukan niya itong gisingin ngunit wala itong response. Saka na siya hysterical na nagsisigaw. “Nay! Tay! Si Vlad!” Agad siyang napaluha.  Iniangat niya ang katawan nito  para ang binti niya ang magsilbing pansamantalang unan nito. Lalo siyang natakot nang may makapa siyang basa sa ulo nito.  There she found out that his head was bleeding. Nakapa niya ang cell phone nitong may bahid din ng dugo. Iyon marahil ang tumama sa ulo nito nang mawalan ito ng malay. “Vlad naman!” Napahagulhol na siya ng iyak nang dumating ang mga magulang nito at iba pa nilang kapamilya.  Agad nilang binuhat si Vlad at dinala sa hospital.
               

                MALUNGKOT at puno ng guilt si Vlad nang alalayan siya ng kanyang ama sa pagbaba ng sasakyan. Kalalabas lang niya ng hospital matapos siyang magka-vertigo attack at minalas mabagok ang ulo niya sa nabitawang cell phone. Ilang araw din siyang nanatili sa hospital upang masigurong  walang further damage ang head injury sa kanya and at the same time ay bigyan ng medical attention ang multiple sclerosis niya.

                He knew, he was getting worst. Hindi na nga siya makalakad ng ayos ngayon at madalas ng sumasakit ang kanyang braso. Sinabihan na sila ng doctor na maaring dumating ang araw na hindi na siya pwedeng tumugtog ng piano. Nararamdaman niyang papalapit ng papalapit na ang araw na pilit niyang iniiwasan…ang araw na lumala ang lagay niya at maging alagain na lang.

                   “Alam mo naman anak ang sakit mo. Ikaw na mismo ang dapat nag-iingat. Pinaayos ko ang set up ng bahay nyo for your convenience,” sambit ng Tay Nathan niya.

                “Anong ginawa nyo?”

                Umalalay din sa kanya si Amhiela habang siya ay mabagal at nahihirapang lumakad. “Nag-decide kami na sa ground floor na lang ang  room na gagamitin natin  at ang mga rooms sa taas  na ang guest rooms natin.  Pati ang nursery room ni Mirasol, nilipat na sa baba.”

                Hindi na siya kumontra. May punto naman ang mga ito. Kung sakaling maimbalido siya, mas magiging madali kung nasa ground floor na lang siya palagi. Muli siyang nanahimik hanggang sa maihatid siya sa kwarto, at naalalayang makaupo.

                “Salamat po, ‘Tay,” sambit ng asawa niya sa kanyang ama.

                Tumango ang kanyang ama. “Paano, iiwan ko muna kayo at marami pang gagawin sa kompanya.” Binalingan siya ng kanyang ama. Bagama’t kita niya sa mata ng kanyang ama ang sakit sa kalooban na makitang nahihirapan siya,batid niyang hinding-hindi nito ipapakita sa kanyang naaawa ito sa lagay niya. Niyakap siya nito. “Anak, matapang ka. Alam mo yan. Andito lang ang Tatay ha. Pag kailangan mo ng tulong kahit anong oras, darating ang tatay para sa’yo.” He kissed his temple. 

                “Salamat, ‘Tay.”  That’s the only words he was able to utter while he’s keeping his composure in tacked. 

                Inihatid ng misis niya ang ama sa labas at naiwan siyang mag-isa. Masyado siyang maraming iniisip. Nahihiya siya kay Amhiela dahil ito lahat ang magsa-suffer sa pagiging less productive niya. That was too much for her. Hindi tama ‘to. Dapat ako ang kumikilos para alagaan ang mag-ina ko at not vice versa. Nabubugbog ang ego niya kapag nararamdaman niyang useless siya.  But then, tinanggalan niya ang sarili ng karapatang magreklamo. Hindi niya nakakalimutan na hiniling niya iyon kapalit ng buhay ng kanyang mag-ina.  Tears fell from his eyes.

                Bumalik si Amhiela sa silid nila. “Oh Vlad, bakit?” Hindi nakatakas dito ang pag-iyak niya.

                Kahit nahihirapang ikilos ang mga braso ay sinubukan niyang pawiin ang sariling luha. Agad naman siyang dinaluhan ni Amhiela at tinulungan siya sa pagpunas ng luha niya sa pisngi. Sa halip na matuwa, lalo pa siyang nalungkot. Mas naramdaman niyang hindi na niya kayang kumilos mag-isa. Ni pagpawi nga ng luha niya hindi na niya magawa, ibang bagay pa kaya? 

                “I’m sorry Ayen. I’m sorry. Hindi ito dapat ganito e. Hindi ito ang buhay na gusto kong ibigay sa’yo.”

                Niyakap siya ng asawa. “Alam ko yon. Wala namang may gusto ng ganitong buhay. Wag mong sisihin ang sarili mo.” She moved and lovingly stared at him. “Andito ako at si Mirasol. We will be working together  for this fight…our fight.”

                “Paano kung one day, mapagod ka?”

                Ikinulong nito ang mukha niya sa maiinit nitong palad. “Kailanman, hindi ako mapapagod. Kahit mapagod ka, ako hindi ako mapapagod. Kasi mahal kita. Gagawin natin ang lahat, kahit lumakad ako araw-araw ng paluhod sa simbahan ng Quiapo. Kahit maubos ang ipon natin para sa medical treatments mo, kahit maghanap ako ng faith healers. Lahat, gagawin ko. Isa lang ang hihihilingin ko sa’yo. Lumaban ka din, ha?”  Tears fell from his wife’s eyes. “Promise me, you’ll not gonna face retreat on this.”

                Having Amhiela beside him made him feel stronger especially in times wherein he was on his darkest hours. He nodded. “Promise, I’ll fight this multiple sclerosis.”

                “This will never took you away from me and Mirasol.”

                “This will never took me away from piano.”

                Ngumiti na ito napangiti na rin siya. “This will never stop us from being a happy family,Vlad.”

                He nodded. “This will end up soon.”

                Masaya ng niyakap siyang muli ni Amhiela. “Yan ang asawa ko, matapang!” She kissed his neck and whispered in his ears. “Once it end up, we’ll continue building our own family. Ikaw, ako, si Mirasol and another baby perhaps kaya magpagaling ka ha.”

                Hirap mang kumilos ay nagawa niyang yakapin ito. “I have nothing to ask for. I just want to thank God for giving you to me. I love you so much, Ayen. Thank you so much for being my queen.”

                She moved a little enough to face him. “I’m also thanking God that I have you as my King.” 

                They shards sweet warm kisses, renewing their vows and promising each other that they  this struggles will never break them apart.                                                                                                                             

               
                MONTHS passed. Amhiela was trying her might not to give up whenever she saw the condition of her husband that unfortunately, getting worse from day to day. Pikit matang tinitiis niya ang sakit sa kalooban na makitang pinahihirapan ito ng sakit. Maliban sa madalas na chest and abdominal pain, palaging sumasakit mga braso at binti nito hanggang sa dumating na ang araw na kailangan na nitong  manatili sa wheel chair most of the time. Bagama’t naigagalaw pa nito ang ma braso at kamay, ang mga binti nito ay hindi na gaanong maikilos. Luckily, the doctor said he was still out of the paralysis condition. May pag-asa pa daw itong bumalik sa dati, makatayo at makalakad ng mag-isa sa tamang gamutan, therapy at dasal.

                Iyon na lamang ang pinanghahawakan niya. Tinutupad niya ang pangakong kahit anong mangyari ay gagawin niya ang lahat, gumaling lang ang asawa. Lahat ng tulong sa iba’t ibang tao ay tinanggap niya. Lahat ay sinusubukan nilang mag-asawa. Alternative medicines, prescribed medicines, sandamakmak na praying rituals at kahit ang pagpapa-albularyo isa-suggest na niya sa asawa. Meron kasi siyang nakausap sa opisina ng Keithan Apparels na  nagsabing may kilala itong effective albularyo na napagaling ang mister nitong may terminal disease. Naisip ni Amhiela na wala namang mawawala kung puntahan nila at subukan din yon.

                Napabuntong-hininga siya. Hindi lang kasi iyon ang problema niya. They were running out of money. Kagagaling lang niya sa bangko para ipa-update ang financial records nilang mag-asawa. Dahil kasi sa mga nangyari ay nag-resign siya sa Pontez kahit na binibigyan siya ng mga ito ng time to work at home. Hindi na rin kasi niya maasikaso ang trabaho dahil kulang pa ang oras niya sa personal na pag-aalaga sa kanyang asawa at anak.

                Ayaw na rin ni Vlad na magtrabaho siya at mahirapan habang ito ay hindi makapagtrabaho. Ayaw rin naman niyang tumanggap ng pera mula sa pamilya niya maliban na lang sa mga returns ng shares of stocks niya.  Pero sa estimate niya, hindi na sasapat ang mga dividends na kinikita nila sa mga shares ng mga family businesses  nila. Kailangan na niyang magtrabaho. And the big problem is…hindi niya alam kung paano niya sasabihin yon. 

                Napabuntong-hininga siya nang pumasok siya sa bahay. Naabutan niya si Vlad na nasa aktong naga-attempt tumayo. Nag-aalalang dinaluhan niya ito pero sumenyas itong wag siyang pakialaman. “Vlad hindi mo pa kaya!”

                “Kaya ko na dapat e. Kailangan ko ng magtrabaho. Wala na tayong kakainin sa mga susunod na araw,” sambit nito.

                “OA ka naman, hindi naman tayo ganyan na ka-poor! Keri pa naman  natin e.”

                 “Ayen, ilang buwan na rin tayong hindi nagtatrabaho. Wag mo na akong i-try goyohin. Alam kong money problem ang dahilan kung bakit ka umalis.”

                “Manghuhula ka ba?”

                Napahinto ito sa pag-attempt at binalingan siya. Napag-alaman niyang may pagka-psychic ang ina nito kaya di nalalayong baka ganon din si Vlad. “Come to think of it. Hindi naman ako manghuhula pero nararamdaman ko in a snap ang ilang mga bagay. Baka nga manghuhula ako.”

                “Whatever. Tigil mo na lang muna iyan at baka makasama sa’yo. Sabi ng PT mo, mga isang taon pa bago ka makalakad kung ma-prevent ang paglala ng sclerosis mo. Don’t rush, Vlad.”

                Pero hindi naman ito nakinig at nagpatuloy hanggang sa naisip na rin siguro nitong hindi pa nga  talaga nito kaya. “Bakit hindi pa pwede?” Huminto na ito sa paga-attempt at napabuntong-hininga.

                Naaawa na siya dahil sa sobrang frustrations nitong makalakad na pero hindi siya pwedeng magpahalata. Ngumiti siya at niyakap ito. “In due time, Vlad.”

                “Kelan pa yon, Ayen? One year? Mamaya maunahan pa ako ni Mirasol maglakad.” Eight months  na ang kanilang baby at malikot na rin.

                “Ayaw mo non, father and daughter bonding kayo? Masaya yon, papagawan  kita ng  sarili mong walker.”

               Tumawa ito.  Kung may isang bagay lang ang di nabago ng sclerosis kay Vlad, iyon ay ang matatamis nitong ngiti  at ang mga tawang masarap sa pandinig. “Hindi ka nakakatuwa, Ayen ha.”

               “Pero tumatawa ka naman, baliw ka talaga.”

                “Oo.” He teasingly smiled. “Baliw na baliw sa’yo.”

                Humagalpak siya ng tawa. “Ang luma ng hirit mo, Vlad. Waley!” Kinuha niya sa shoulder bag ang isang kwintas at isinuot iyo kay Vlad.

                “Ano na naman yan?” tanong nito.

                “Galing akong Feng Shui expert kanina. Ang sabi, nagi-invite daw ang charms na yan ng positive energies, naglalayo ng sakit sa may suot, at nage-energize ng inner self.” Nginitian niya ito pagkatapos niyang maisuot ng ayos ang kwintas  dito. “At sa Sabado may pupuntahan tayong faith healer. Maniwala tayong pagagalingin ka ng faith healer na iyon okay?”

                Kunot lang ang noo nito. These past few days, she was giving him lots of charms. Pinaniwalaan nila na ang mga yon ay makakatulong para gumaling si Vlad. Kesehodang galing yon sa Feng Shui, albularyo, simbahan o kulto. Basta mapapagaling si Vlad kahit  suotan pa niya ito ng bagua ay gagawin niya. Kung saan-saang simbahan na rin sila nagsimba, nag-alay ng dasal at kahilingan, dumalo ng pray over para sa may sakit, prayer vigil, at kahit pati  wishing well, pinatos na niya, maramdaman lang ni Lord   kung gaano katindi ang kagustuhan nilang gumaling na si Vlad.

                “Iyong totoo, tao pa ba ako o jewelry organizer?”

                She smiled and gave him a quick kiss. “Hmm poging jewelry organizer!”

                Sumimangot ito. “Hindi ba pwedeng maganda naman? Palagi mo na lang sinasabing pogi o gwapo ako.”

                “Graduate ka na sa pagiging maganda  ano? Ako na yon, akong-ako na at ayaw kong agawan mo ako ng eksena.”  

                “Sige na nga ikaw na.” Ngumuso ito. “Kiss ko?”

                Buong pagmamahal na hinalikan niya ito. “Anong gusto mong hapunan?”

                “Ikaw.”

                Binelatan niya ito. “Hindi pwede. Next option please!”

                Tumawa ito. “Ganon, iyong specialty mo na lang na favorite ko.”

                Isinulong niya ang wheelchair nito patungo sa silid nila. Saglit na sinilip niya ang anak na nahihimbing sa crib nito pagkatapos ay nagtungo na siya sa kusina. Habang nagluluto ay iniisip niyang mabuti kung paano niya sasabihin kay Vlad na magtatrabaho na siya at iiwan na lang niya ito sa isang private nurse at physical therapist at iiwan niya sa isang yaya ni Mirasol. May naghihintay ng trabaho sa kanya sa Keithan Apparels kaya dapat na niyang sabihin lahat kay Vlad. Pero ang kinakatakot niya, baka masamain nito ang desisyon niya.

                Matapos magluto ay dumiretso siya sa kwarto bitbit ang hapunan ni Vlad. Naabutan niya itong pilit na kinakalansing ang laruan para aliwin ang baby nilang nakahiga sa crib. The scene touched her heart. Sa kabila ng difficulties nitong gumalaw, hinding-hindi nito nakakalimutan na isa itong ama. Ginagawa pa rin nito lahat ng paraan para maalagaan ang kanilang anak.

                “Kumain ka na muna, Vlad.”  Inilapag niya ang  tray sa mesa at hinila niya ang upuan sa tabi ni Vlad. Sininulan niya itong subuan.

                “Salamat, Ayen.”

                “Ikaw talaga, napakalambing mo. Pwede namang wag ka ng mag-thank sa mga simpleng bagay tulad nito,” sambit niya sabay subo dito ng pagkain.  Hinagip niya ang  face towel at pinunasan ang nag-spill na steak sauce sa gilid ng labi nito.

                “Marami namang dahilan para magpasalamat sa’yo.”

                “I love you lang, Vlad. Solve na ako don.”

                He took his last spoon of food. Afterwards, ay pinainom ni Amhiela ng tubig ito “I love you.”

                Ibinalik niya sa tray ang plate at saka niya muling binalingan ang asawa. Hinawakan niya ang dalawang  kamay nito. “Vlad, mahal kita. Ahm, as much as possible, gusto ko sanang ako ang nag-aalalaga sa inyo ni Mirasol at inaasikaso ko kayong mabuti.” Bumuntong-hininga siya. “Pero…we have to earn a living Vlad kaya nagdesisyon na akong bumalik sa trabaho.”

                His face suddenly went blank. Amhiela felt nervous. Kilala niya si Vlad. Ang expression na yon ay bibihira niyang makita at iisa lang ang meaning noon. She said something that he practically didn’t like.

                “Pero susubukan ko pa rin na umuwi ng maaga para maasikaso ko kayo ng ayos,” pahabol niya.

                “Sinong titingin kay Mirasol pag wala ka? She needs a mother, Ayen. Nevermind me, may dumadating naman na physical therapist araw-araw at si Nay andito palagi.”

                “Ikukuha ko siya ng yaya at ikukuha kita ng private nurse.”

                “Palalakihin mo siya sa yaya?”

                “Vlad, hindi ko gustong—”

                “No!” he shouted. “The fact na naisip mong kumuha ng yaya at nurse para sa amin, ibig sabihin lang noon na ginusto mo rin. Napapagod ka na ba?”

                “Come on, Vlad.  Kailangan ko lang magtrabaho kasi—”

                “Kasi di ko magawa?” Inurong nito ang wheelchair at pinaandar yon palayo sa kanya. He stayed on his favorite spot, sa may bintana kung saan tanaw ang garden.

                Patience, Amhiela. You have to be patient. Pinaalalahanan niya ang sarili kahit naiinis siya dahil ayaw siyang pakinggan ng asawa niya. Iyon na nga ang kinakatakot niya…ang isipin nitong inaapakan niya ang ego nito bilang bread winner ng pamilya.

                 “Vlad, kailangan kong magtrabaho kasi kailangan na. Hindi ako sigurado kung hanggang kelan tayo masusustentuhan ng shares of stocks natin. Kailangan natin ng pera para sa medication mo, dito sa bahay. Hindi ko naman tinatapakan ang ego mo. Ni hindi ko gustong iwan na lang kayo sa private nurse at yaya pero wala akong choice, Vlad. Gagawin ko naman ang lahat para maalagaan ko rin kayo e.”

                “May choice ka Amhiela.” Masama nga ang loob nito. It was a rare scenario that he would mention her full name.   “Pwede mo akong ibalik sa magulang ko kung pagod ka na. Hindi naman mapapagod ang  nanay kong alagaan ako. Kesa naman idahilan mo ang kagustuhan mong magtrabaho.”

                “Ilang beses ko bang sasabihing hindi ako napapagod alagaan ka? Kung sana lang nakikinig ka, Vlad. Gusto mo bang magkasama tayo dito at walang assurance kung may kakainin tayo bukas?”

                “I know my money can make us survive. The problem is, ayaw mo yong galawin dahil sa pride mo. Ang gusto mo lang, gagalawin mo lang ang perang inipon natin. Hindi ko naman kailangana ng perang yon, why don’t we just use it for the family.”

                Here’s the money issue again. Ayaw nga niyang galawin ang pera nitong personal dahil hindi naman sa kanya iyon at alam niyang nilalaan iyon ni Vlad para sa plano nitong magpagawa ng rest house.

                “Mauubos din yon. Kapag nangyari iyon, magiging walang –wala na tayo.”

                “Bahala ka, Amhiela. Nakapagdesisyon ka naman di ba? Do whatever your decision is. Wala  na naman akong magagawa dahil hindi ko naman kayang magtrabaho para sa inyo.” Iniangat nito ang mga kamay at pilit pinag-aalis ang mga kwintas na may kung anu-anong charms pendant.  “Hindi naman kita masisi kung mapagod ka. Tao ka lang din. Isang babae na naghahangad ng perfect family life, something na hindi ko maibigay. Hindi rin kita masisi kung magka-regrets ka dahil tulad ko ang napakasalan mo. Why don’t you just admit that you’re tired and you are starting to give up? Maiintindihan ko naman kasi ako ang may pagkukulang.”

                Saan na naman galing yon? Mixed emotions si Amhiela. Naiinis siya sa sinasabi nito at the same time naaawa. “Ginagawa ko lang lahat ito Vlad kasi mahal kita. Iyon lang yon.  Ilang beses ko na ring sinabing wala akong regrets, hindi kita iiwan at lalong hindi kita pinaghahanapan. Pero kung gusto mo talagang makuha ko ang perfect family na hinahanap ko, magpagaling ka. Tumayo ka sa wheelchair na yan. Kaya mo ba? Hindi di ba? So, as long as you can’t make it, you also have no choice. I’ll gonna be working and you stay here with your private nurse and your therapist.”

                Inis na kinuha niya ang tray at padabog na lumabas ng silid na iyon. Hindi niya ginustong makapagbitaw ng  masakit na salita. But she was indeed sick of Vlad’s attitude. Kailangan niyang makipagmatigasan dito.


PREVIOUS                                                                   NEXT

Comments

Haffle :)) said…
Awwwwww. Man and his ego. Woman and her pride. Tsk tsk. Mga pasaway! Hahaha. Wuuuu! next na!
kiz said…
kapag tlaga lalaki ego ang pinakamain problem >.< Kaya niu yan anubehhhh..

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…